Chapter Twenty-four
*We love, we learn, we let go.
We dream, we reach, we let go.
We hope, we believe, we hold on.*
“A-ALAM kong kalabisan na ang hinihiling ko,” sabi ni Niel, mababa ang boses. Nagmamakaawa. “P-pero hindi kakayanin ni Celina na makulong sa kalagayan niya.”
Sa kabila ng pagkabigla ni Agatha ay lalong nagpuyos sa galit ang buong kalooban niya. “Oo, Daniel. What you’re asking for is already too much…” Napahikbi siya at napapikit nang mariin.
She didn’t feel considerate right now.
“Huwag kang makinig sa kanya, Agatha,” narinig niyang sabi ni Celina. “T-tanggap kong makukulong ako sa oras na maalala mo ang… g-ginawa ko sa `yo. Gusto kitang makausap para humingi ng tawad. Dahil… dahil inalagaan mo ako noon sa Iddu…”
Hearing her voice, Agatha’s anger heightened. It was almost like a wild animal that couldn’t be tamed inside her.
Reeve pulled her away, creating a wider distance between her and Celina.
“Kung alam ko lang na ikaw ang taong naglagay sa akin sa sitwasyon ko ngayon, hinding-hindi ako mag-aaksaya ng oras na hilinging magising ka sa pagka-comatose.” Nanginginig na ikinuyom niya ang mga kamay. Matatalim ang tinging ipinupukol niya rito. “If I only knew, I wouldn’t have prayed for your recovery. S-sana… sana n-namatay ka na lang!”
Tumango si Celina. “Sana nga namatay na lang ako. Patawarin mo ako. Nagsisisi na ako. Nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko. Alam kong mali pero iyon na ang nakasanayan kong buhay, Agatha. Wala akong ibang alam gawin para mabuhay kundi iyon lang. Oo, nakapatay na ako para lang makapagnakaw. Pero pagkatapos kitang itulak sa bintana, nakaramdam ako ng pagsisisi. At ang sumunod, nahulog na ang bus sa bangin. Sabi ko, iyon na agad ang kapalit sa lahat ng buhay na kinuha ko para lang hindi ako mamatay sa gutom. Mamamatay din pala ako. P-pero… pero, Agatha…” Napahagulhol ito, pinagsalikop ang mga kamay at parang gusto siyang lapitan.
But the police held Celina. Humarang din si Reeve para mailayo siya.
“A-Agatha, hindi ako walong buwan na comatose. No’ng ikaapat na buwan ay nagkamalay na ako. Pero nagpanggap akong wala pa ring malay dahil natatakot ako sa puwedeng mangyari sa akin. N-naririnig ko kasi sa mga nag-uusap na nurse na walang kahit isang nabuhay sa aksidente. Kahit ang mga kasama ko. Puwede na akong tumakas anumang anong oras pero saan pa ako pupunta? Hanggang sa isang araw, habang nagpapanggap pa rin akong nasa coma, narinig ko ang boses mo. Naramdaman ko kung paano mo ako inalagaan. Ipinagdadasal mo `ko palagi… Doon ko naramdaman na kahit hindi mo `ko kilala dahil sa nawala mong alaala, handa kang magbigay ng pag-aaruga. Kahit hindi mo alam kung sino ako, araw-araw mong ipinagdadasal sa Diyos na sana gumaling na ako o mahanap na ako ng pamilya ko—”
“Shut up,” she stopped her.
But Celina continued. “Akala ko noon, hindi totoo ang mabubuting tao. Mabuti lang sila dahil sa loob-loob nila, may iba silang intensiyon. Iyon ang kinamulatan ko. Lahat ng kabutihan ay may kapalit. Kapag mabait ang tao sa `yo, may gusto silang kapalit na ibigay mo. Susumbatan ka nila ng utang-na-loob mo dapat. Pero sa `yo…” Patuloy ang pag-agos ng luha nito. “Pinatunayan mo na kahit wala kang maalala sa pagkatao mo, nanatili sa `yo ang kabutihan. Kahit walang kapalit, gusto mong gumaling na ako. Kahit hindi ka binabayaran, siniguro mong maaalagaan ako nang mabuti. Dinadalhan mo `ko ng mga bulaklak… kinukuwentuhan. U-unang beses kong makakilala ng taong kagaya mo…
“Agatha, patawarin mo ako. Hindi ko hinahangad na maabsuwelto sa kung ano mang kaso na ihahain mo. Kung ipakukulong mo ako, matatanggap ko.”
“Celina,” tawag dito ni Niel.
Nilingon ito ni Celina. “Napag-usapan na natin `to, Niel. Ito ang plano ko mula sa umpisa kapag nakaalala na si Agatha.”
“P-pero ang anak natin…”
Walang maramdaman na kahit anong awa si Agatha. Matinding pagkamuhi ang nananalaytay hanggang sa mga ugat niya.
Humarap na uli sa kanya si Celina. “Nasabi ko na sa kanila,” tukoy nito sa mga NBI agent, “ang tungkol sa sindikatong kinabibilangan ko. Nangako silang makulong man ako, may proteksiyon ako hanggang sa makapanganak ako.” Napayuko ito. “P-patawarin mo ako, Agatha…”
Pinunasan ni Agatha ang sariling mga luha. Tumayo siya nang tuwid, itinaas ang noo, at hinarap si Celina.
Reeve stepped back, letting her hold her ground.
“Will I look bad if I still wanted you to suffer despite you being humble enough to admit your sins and ask for forgiveness?” Itinuro niya ang sarili. “Ako ba ang magmumukhang masama dito dahil gusto pa rin kitang makulong sa kabila ng sitwasyon mo? A-ako ba ang magiging kontrabida dahil magkakaanak ka at hindi mo siya makakasama sa paglaki niya? Ako ba ang mali kung gusto ko ng hustisya sa ginawa mo sa akin?”
Hinarap niya si Niel. “Hindi ko alam kung bakit nandito ka at kung paano kayo nagkaroon ng ugnayan, pero ako pa ba ang kailangang umintindi uli? Ayokong manumbat pero… Pinagbigyan kita noong una, Niel. Pinagbigyan ka ni Reeve dahil kay Sasa. Kailangan bang pagbigyan ka na naman uli?”
Napayuko ito. “Patawad. Natakot lang ako na walang mag-aalaga habang buntis si Celina sa loob ng kulungan.”
“Gusto mo ba siyang samahan sa loob? Puwede pa rin naman akong magsampa ng kaso laban sa `yo,” sarkastiko niyang sabi.
“Hindi, Agatha. Please, huwag mong ipakulong si Niel. Kailangan siya ni Sasa. Sa paglabas ng anak ko, si Niel ang kukupkop…”
Unti-unti nang tumatagos sa puso ni Agatha ang awa. Yet she hardened herself. “Stop using children to free you from the law! Don’t make me feel bad just because I want justice!”
“Patawad…”
“Stop saying ‘sorry’ too! It doesn’t make me feel good! Lalo n’yo lang ipinaparamdam sa `kin na porke nakahingi na kayo ng tawad, ako na naman ang kailangang umintindi. Ako naman ang dapat gumawa ng parte ko. Ako na naman ang kailangang maging mabait!”
Tumalikod na si Agatha at tumakbo palabas kung nasaang lugar man siya nandoon. After numerous turns and going down some flights of stairs, nakalabas na rin siya ng NBI.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at niyakap ang sarili. Pinilit niyang makahinga nang maayos habang nanlalabo ang mga mata sa luha.
Nahahati na sa dalawa ang pakiramdam niya at hindi niya malaman kung ano ang mas paiiralin. She was furious as hell, her blood was boiling. Yet at the same time, she felt bad for being… this angry. She felt bad for not forgiving…
Napatakip siya ng mga palad sa mukha at napahagulhol na lang. Hindi na mahalaga kung sino ang nakakakita sa kanya.
Until strong and warm arms wrapped around her shoulders. Inalalayan siya ng may-ari ng mga iyon na makalakad hanggang sa makarating sila sa loob ng sasakyan.
Reeve didn’t say a thing. Instead, he started to wipe her tears and sweat away from her face using a handkerchief.
Napatingin siya rito. “A-ano’ng ginagawa mo?” tanong niya, humihikbi-hikbi pa nang kaunti.
“Wiping away your tears and sweat,” he answered softly.
“What are you doing?” tanong ni Reeve pagkatapos nilang magsiping.
Agatha smiled sweetly and continued what she was doing. “Wiping away your sweat. Baka magkasakit ka…” biro niya habang tinutuyo ang pawis sa noo at leeg nito.
He chuckled lightly and pulled her for another intimate kiss and more touching. Agatha felt so happy.
Napakurap si Agatha dahil sa biglaan at maiksing alaala. “T-thank you.”
Tumango si Reeve at ibinaba na ang panyo. Binuhay nito ang makina ng sasakyan. “I filed a case on your behalf. Sa ngayon, naka-detain na si Celina pero dito muna sa bureau. The NBI still needs her for the information she can give them.”
Nang makaandar na ang sasakyan ay sumulyap siya kay Reeve. “Mali ba ako? Mali ba ang mga sinabi ko?”
“You’re angry, Agatha,” kalmado nitong sabi. “Kapag mataas ang emosyon natin, nasasabi natin ang mga bagay na hindi naman natin gustong sabihin. But I know how you feel. We all get mad. We explode. We say words we didn’t mean. We hurt people. We want to hurt them back.”
“I just want fair justice, Reeve. Yes, I lived. But it will never erase the fact that Celina tried to kill me. At kung tuluyan nga akong namatay, iisipin n’yo lang lahat na nakasama ako sa aksidente.” Another set of hot tears formed in the corners of her eyes. “Kung natuluyan nga akong namatay dahil sa ginawa ni Celina, hindi ko na makikita si Rainiel, si Riana, si Adam, at si Rade…” Napasinghot siya. “I can’t imagine not watching them grow, not being beside them… I know that death should not scare us pero kapag nanay ka na, gusto mo pang mabuhay hanggang sa makita mong nasa maayos na kalagayan na ang lahat ng anak mo. I wanted to witness how those four would reach their dreams and Celina almost took that away from me. Hindi ako makaramdam ng kapatawaran kahit nagsisisi na siya, kahit buntis pa siya…”
Agatha wept fully. Parang hindi na mauubos ang luha niya.
“I feel bad for her child… but would I let it slide? Why is justice not siding with me? Reeve, it’s unfair! I don’t want to question God. Pero bakit parang binibigyan sina Niel at Celina ng rason para hindi harapin ang consequence ng mga kasalanan nila? Bakit ako `yong nagawan ng masama pero ako ang nakakaramdam nito?!”
Agatha kept on crying, questioning, and raving while Reeve stayed quiet and listening silently.
Hanggang sa naubos na ang mga gustong sabihin ni Agatha. Pati ang luha niya. The anger was still there, yet she felt it had diminished. Maybe a little.
Habang nagmamaneho ay inabutan siya ni Reeve ng panyo. Nasa tapat na sila ng bahay at natanaw nilang naglalaro sa patio ang mga bata kasama ang mommy niya.
“The kids can’t see me like this…” namamaos niyang sabi habang tinutuyo ang luha. Her eyes were so swollen na halos hindi na niya maidilat.
“Wait for me here,” Reeve said. Bumaba ito ng sasakyan at nilapitan ang kanilang mga anak.
Sinalubong ito ng yakap ng mga bata. Even Rainiel. Reeve kissed them before turning to her mother. May ibinulong ito at tumango-tango ang mommy niya.
Her mother said something to Rainiel and Riana. Tumakbo papasok sa bahay ang dalawa. Buhat ng mommy niya si Rade habang hawak nito sa isang kamay si Adam na papasok na rin sa bahay.
Bumalik si Reeve sa sasakyan at ipinasok iyon sa garahe.
Agatha was consumed. Kaya nang makarating sila sa kuwarto ay basta na lang niyang ibinagsak ang sarili sa kama.
For a person who was used to seeing the light, it was hard to be imprisoned in the dark. Agatha knew there was a way out but she was too weak to even crawl back towards the light.
She curled her body in a fetal position. Nagkumot siya at napatulala na lang. Pagod na siyang maramdaman ang mga nararamdaman.
Kung hindi ba siya nagka-amnesia ay mas makakaya niyang i-handle ang sarili? Kung mas kilala ba niya ang sarili, would her response be any different?
And it went back to her question, who was she now? What was she now? May nagbago ba talaga? O may ganoon na talaga siyang pagkatao noon pa at ngayon lang kumawala?
Naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang mainit na kamay ni Reeve na masuyong humahaplos sa buhok at likod niya.
“Hold me,” she whispered.
Pumulupot ang mga bisig nito sa kanyang katawan mula sa likuran. Her back was against his chest. His lips was touching her nape. “I love you, sweetheart,” he ardently whispered back.
Huminga nang malalim si Agatha Ngayon na lang uli siya tinawag ng asawa sa endearment na iyon mula nang aminin niya rito ang totoong damdamin.
When Reeve stopped calling her “sweetheart” and moved to the other room, she appreciated the space that he gave her. He respected her decisions, although they were unstable. Reeve valued her tangled emotions, supported her fully while he needed the same support too.
Reeve started to hum a familiar song, his arms wrapped tightly around her. Alam niyang pamilyar ang kanta. It was her favorite song, if she recalled it right.
Napapikit na siya.
Nakatulog.
Paggising niya, bumungad sa kanya ang mga anak niya.
Rainiel was holding a bouquet of flowers. “I hope you feel better, Mommy.”
Riana was beside her too. She was holding a glass of calamansi juice. “Daddy said you had a very long day, Mommy. Drink this para hindi ka po magkasakit.”
Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay napangiti si Agatha nang maluwang. “T-thank you so much, mga anak.”
Bumangon siya at tinanggap ang bouquet ng bulaklak. She also drank the juice. Inilapag niya ang bouquet at baso sa bedside table at niyakap sina Rainiel at Riana. Hinalikan naman siya ng dalawa sa magkabilang pisngi.
“I love you, Mommy,” Rainiel declared and hugged her tight.
“I love you so much too, Mommy,” Riana said sweetly.
Those were enough words coming from her children to make her feel better. Hindi na muna niya inisip si Celina at ang galit niya.
She savored the moment of love and peace given by two of her lovely children. Ngayon siya mas naniniwala na siguro nga napakaganda at hiwaga ng pagmamahalan nila ni Reeve. Because of Rainiel and Riana.
“Mommy!”
Napatingin si Agatha sa pintuan at nakitang patakbong pumasok doon si Adam. Her two-year-old son climbed up the bed with a handkerchief in his little left hand.
Kumandong ito sa hita niya at itinaas ang panyo. “Wipe, wipe…” he cutely murmured while waving the handkerchief in front of her face.
She chuckled and kissed Adam on the cheeks. She held him in her arms too. “Thank you, baby…”
He giggled and cutely pouted his lips.
Napakurap si Agatha at napahinto saglit.
“I’m pregnant, again, Reeve.”
Mabilis na napalingon ito sa kanya. Bahagya pa itong namumutla dahil kalalabas lang ng ospital. “R-really?” His eyes sparkled with excitement.
“Magiging ate na si Riana,” she smilingly told him. Hinaplos niya ang buhok nito. “Pangatlo na…”
Tumayo si Reeve at niyakap siya nang mahigpit. But then he paused. Humarap ito sa kanya, puno ng pag-aalala ang mukha. “How many weeks?”
“Six weeks…” sagot niya at napahinto nang ma-realize kung bakit biglang lumungkot ang mga mata nito. “No, Reeve, don’t think about it…”
Napayuko ito. “It could have been conceived at the time I forced you to—”
“Sshh…” Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya. “`Di ba kinalimutan na natin `yon?”
Agad na napuno ng pagsisisi ang mga mata nito. Napayuko ito. “It’s still rape…” galit nitong sabi para sa sarili.
“Hindi ba nangyayari daw talaga iyon minsan sa mga mag-asawa?” Kumirot ang puso ni Agatha. “Forgive yourself, Reeve. You were too drunk that night. Wala ka talaga sa sarili mo.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang tagiliran at marahang hinaplos ang impis pa niyang puson. “What if this baby… was the product of that night?” Napalunok ito. “I scarred and tainted you forever, Agatha.”
Niyakap niya ito. “Please, Reeve, huwag mo nang alalahanin `yon. This baby… this is a blessing. This baby will not be a result of sin but… ahm, he or she will be a sign of my forgiveness—of a struggle in our marriage that we both greatly surpassed.”
Napasinghap ito at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. “Oh, sweetheart. You…”
“Ang baby na ito ang laging magpapaalala sa atin na sa kabila ng isang malaking pagkakamali, nagawa pa rin nating magpatawad, Reeve. Hindi naghihiwalay. Laging magmamahal,” nakangiting paalala niya sa asawa. “So if this will be a boy, we’ll call him ‘Adam.’ Kapag girl, ‘Eve.’”
Kahit paano ay napangiti na si Reeve kahit matamlay pa rin ang buong mukha dahil kagagaling lang sa sakit. “Adam? Eve?”
“Ginawa sila ni God with love. And although they disobeyed Him, hindi lang sila basta pinatay ng Diyos. He gave them grace,” matiyaga niyang pagpapaliwanag. Ayaw niyang isipin ni Reeve na pinatawad niya ito sa kasalanan dahil lang mahal niya ito, at dahil lang asawa siya nito.
It was not a simple wifely duty.
Gusto niyang iparating dito na nakapagpatawad siya dahil sa pagmamahal ng Diyos na dumadaloy at kumokonekta sa kanilang pagsasama.
“Grace is both justice and mercy combined. They were punished but also, God assured that during Adam and Eve’s exile, they will live well, will learn by their mistakes, will still be able to be happy by building a family which became a nation later on.”
“Agatha—”
“It doesn’t matter if our next child was conceived when you weren’t in your right mind, Reeve. What will always matter is that our Father God blessed us with another child, para iparating sa `yo at ipaalala sa akin kung gaano kaposible ang pagpapatawad… basta puno ng pag-ibig Niya.”
Reeve nodded and closed his eyes. He pulled her for an embrace at kahit nanghihina pa ay kinintalan siya ng masuyong halik sa mga labi.
“When I forced you again, please put me to jail.”
Umiling si Agatha. “I trust you’ll never do it again. We will not talk about this because once our third baby’s here, he or she will just be a bundle full of love and joy just like our Rainiel and Riana. All right?”
“But, sweetheart—”
Sumeryoso siya. “All right?” ulit pa niya, demanding ang tono.
He grinned. “I like it when you boss me around.”
She got the meaning behind what he said. Natawa siya at hinila na ito. “Umuwi na tayo. Magpapahinga ka pa.”
He chuckled and cutely pouted his lips. She kissed them anyway.
“Mommy!”
Napayuko si Agatha kay Adam. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. Adam was their bundle of forgiveness.
“Wipe, wipe tears…” sabi nito. “Daddy said. Wipe…” Adam patted the handkerchief all over her face.
Rainiel and Riana chuckled.
“Where’s Rade and your… daddy?” tanong niya sa dalawang anak.
“Rade’s with Lola Ria. He’s still sleeping,” sagot ni Riana.
“Daddy needs to go to the hospital,” Rainiel answered. “Grandpa’s doctors called him.”
Biglang umahon ang pag-aalala sa dibdib ni Agatha. May iba pa nga palang problema si Reeve…
She sighed and embraced her three children all together.
Kung kailan hindi maayos ang estado ng kanyang damdamin, saka niya unti-unting naaalala ang magagandang alaala kasama si Reeve…
ISANG linggong hindi nakita ni Agatha si Reeve. Seven straight days. At siya lang yata ang hindi nakakita sa asawa dahil kinukuwentuhan siya nina Rainiel at Riana na dumadaan daw lagi si Reeve sa school ng mga bata.
“He brings us food, Mommy. So we can eat together during recess,” sabi ni Riana. Nagkukulay ito sa coloring book habang tinutulungan niya si Rainiel sa paggawa ng homework.
“Really?”
“Yes,” sagot naman ni Rainiel. “He said he can’t come home because of work and Grandpa is still in the hospital.”
“But he misses Adam and Rade,” dagdag pa ni Riana.
“Oh.” Bakit hindi man lang siya tawagan? May oras pala itong pumunta sa eskuwelahan ng mga bata, bakit kahit five-minute call para magpaalam sa kanya ay hindi nito magawa?
Bumabangon na ang pagkayamot sa dibdib ni Agatha. Kung kailan naman may naaalala na siya kay Reeve na maganda kahit paano, saka naman ito hindi magpapakita nang walang paalam? Ano ba namang klaseng—
“Oh, Mommy, Daddy wants to give you something.” Tumayo si Riana at tumakbo papunta sa kuwarto nito. Pagbalik ay may dala itong pitong marshmallow na hugis-bulaklak.
Riana pouted her lips. “I’m sorry, Mommy, I forgot to give you these.”
“It’s okay, baby…” Wala sa sariling napangiti siya at parang bulang naglaho ang pagkayamot na nararamdaman kanina.
“Sorry daw, Mommy, because Daddy was tied with work.”
“And he needs daw to monitor Grandpa’s condition.”
“Don’t tampo daw, Mommy,” Riana added. “He loves you. Uuuy!”
Kinurot niya ang pisngi nito. “Cute. Are you done with coloring? Get Adam. I’ll give you snacks.”
“Okay, Mommy.”
Pagkalabas ni Riana ay napatingin si Agatha sa flower-shaped marshmallows. She chuckled when she remembered her argument with Reeve.
Sana… sana makauwi na ito. Kahit ilang minuto lang. Para naman makita rin ito nina Adam at Rade…
“Mommy.”
“Yes?” baling niya kay Rainiel.
Nakatingin ito sa sinasagutang homework sa textbook. “I’m still testing Daddy if he has really changed.”
“What? Rainiel…”
Lumabi ito habang may isinusulat pa rin sa textbook. “He told me he’s tired. I felt he’s tired. So I’m gonna give him a break.”
“T-tired from what?” Napapagod na ba si Reeve sa paghihintay na maalala niya ito? But she got a little bit of good memories with him. Of course, she wanted to remember more pero kahit sa therapy niya ay hindi na uli iyon nangyari.
Rainiel shrugged. “He just said he’s a little tired. Maybe from work. O sa pag-aalaga kay Grandpa. Grandpa hasn’t woken up yet.”
So… hindi ito napagod sa kanya? Bakit parang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng kanyang panganay?
Napailing-iling si Agatha. This was not the right time to think about such things. Hindi pa rin nagigising si Papa Roman. And no one knew if he would ever wake up. Pagkatapos ay kailangan pa niyang harapin uli sina Celina …
“Rainiel.”
“Yes, Mommy?”
“Thank you for not giving Daddy a hard time.”
Napatingin ito sa kanya. “I don’t want to see him cry. But he cried when Grandpa needed to go to the hospital. It’s sad when Daddy cries… Boys don’t cry unless they are super hurt, Mommy.”
Lumapit siya at hinila ito para ikulong sa mga bisig niya. “You always pray for Daddy, ha? H-hindi pa kasi iyon kayang gawin ni Mommy…” Because she badly needed it too.
“Sorry, I’ve been stubborn, Mommy. I just don’t want to see you cry again. But I don’t like seeing Daddy cry too.”
“Magpapakabait ka na kay Daddy?”
Tumango ito. “I always give him a kiss now.”
Napangiti siya. “Very good.”
“Mommy, snack time!” Riana shouted from outside.
Lumabas na sila ni Rainiel ng kuwarto nito at naghanda na siya ng merienda para sa mga anak. That night, dinala rin niya ang mga anak sa ospital para bisitahin si Papa Roman.
Ang biyenang babae lang ang naabutan nila pagdating doon.
“Ang mga apo ko…” sabi ng kanyang biyenan nang sugurin ito ng yakap nina Rainiel at Riana. “I missed you both.”
“Kumusta na po, Mama?” mahinhing tanong niya sa biyenan.
“Naghihintay pa rin na magising si Roman. Ikaw ang kumusta, hija?” Hinaplos nito ang kanyang buhok at pagkatapos ay kinuha mula sa kanya si Rade.
Rainiel and Riana rose on tiptoes to peek inside the ICU’s window. Adam climbed up a chair to see through too. Nasa loob ng ICU si Papa Roman, malalim pa rin ang tulog.
“Nagpapa-therapy pa rin po ako. Si Mommy po ang laging tumutulong sa akin sa mga bata ngayon.”
Tumango ito. Agatha noticed the dark circles around her mother-in-law’s eyes. Mas tumanda yata ito nang doble kaysa noong maayos pa si Papa Roman.
“Have you gone to the NBI headquarters again?”
Naikuwento na siguro dito ni Reeve. Umiling si Agatha. “Ayoko po munang magalit ngayon, Mama. Sa tingin ko ay hindi ko na naman kakayanin at baka hindi ko na naman makontrol ang sarili ko kapag nakita ko si Celina. Hindi ko pa po kayang umunawa sa ngayon.”
Tinitigan siya nito.
“B-bakit po?”
Umiling ito at ngumiti lang. “Naalala ko lang na sinabi sa akin ni Reeve na parang nagbago ka. Parang hindi naman, hija. Maybe you became a little braver and bolder. But you are still…”
“Kind?”
“Honest.”
“Po?”
“Mula sa umpisa, tapat ka sa mga nararamdaman mo. Tapat kang sabihin ang mga pananaw mo sa mga bagay-bagay. I can still remember the day that you called me and told me honestly that you wanted to hate me too because I left my own son. But you were not in the position to judge. So you wanted to help me become closer to Reeve.”
Hindi pa rin iyon maalala ni Agatha. Pero ganoon nga rin ang kuwento ni Reeve sa kanya.
“You know what made you kindhearted, hija? Your moral strength. At kung minsan sa buhay mo, hindi mo nagawang ipahayag nang tapat ang damdamin mo, siguro doon ka lang nawala saglit. You’re always good in communicating your ideals, positivity, and faith in people because you can show them how honest your feelings and thoughts are. Siguro nagkamali lang ang ibang tao para isiping mabait ka lang. Mabait ka dahil sa matapat mong puso.”
“I forgot to communicate well with Reeve before my amnesia, Mama. Hindi ko nagawang ipagtapat agad sa kanya ang mga hinaing ko. I lied about my emotional state.”
“At aminado ka doon. Alam mong nagkamali ka rin. Because again, you are honest. At ngayon, nagagalit ka sa mga taong nanloko sa `yo, dahil buong buhay mo ay naging tapat ka, pero sila ay hindi naging ganoon sa `yo.”
Hindi makapaniwalang napamata na lang si Agatha sa biyenang babae. Rade extended his little arms towards her. Kinuha niya ang anak at pinaglaruan nito ang dulo ng kanyang buhok.
Mama Leona smiled at her. “You’ve always handled your honesty well, Agatha. That is what we admire about you. And even if you have a problem handling it now, it’s okay. We all go through this phase where we seem to not recognize our own self, our own strength. But it’s just a bad chapter. And you know what’s even better? It’s also not the last page in your book, hija.”
Napalunok si Agatha at kinontrol ang sarili na maging emosyonal, lalo na at nasa harap lang nila ang mga bata. Pumikit siya at idinantay ang noo sa noo ni Rade.
“Thank you, Mama…”
“How I wish I could have been as honest as you are.”
Agatha sighed and opened her eyes. She looked at her sleeping father-in-law, then at Mama Leona.
“Ang sabi ni Papa, hanggang magkaibigan na lang talaga kayo… Because that’s what you said.”
“Mahigit isang taon pa lang na namamatay si Ed. Ayokong mabaling ang pagtingin ko kay Roman dahil lang lagi ko siyang kasama. It would be unfair to him. Matanda na kami para sa isang rebound relationship.”
“But, Mama…” Agatha checked on her kids. Nakasilip pa rin ang mga ito sa bintana ng ICU. Katulad nilang magbiyenan, parang inaabangan din ng mga bata kung gigising na ba ang lolo ng mga ito. “Didn’t you ever see Papa Roman as more than your best friend?”
“He’s my only son’s father.” Mama Leona smiled sadly. “And when the doctor’s said that Roman may not wake up again, a big part of me died the second time.”
“Y-you fell in love with him…”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Mama Leona. “I prayed, Agatha. Kung gigisingin pa siya ng Panginoon, magiging tapat na ako sa nararamdaman ko. Dahil ang pinakamahirap sambitin ay `yong pag-ibig na huli na. Dahil wala nang makikinig pa.”
ONE MORNING, Agatha found herself in front of Reeve’s office. Masyado na nga sigurong matagal na wala sa bahay ang asawa kaya kailangan na niyang makausap ito.
Bukas ay ipa-finalize na ang pagpa-file niya ng kaso laban kay Celina. And she admitted to herself that she was still not ready to face Celina. Gusto niyang makasama si Reeve para kung sakaling hindi niya magawang kontrolin ang galit ay nandoon ang asawa para pumigil at magpakalma sa kanya.
“Good morning, Ma’am Agatha,” nakangiting bati sa kanya ni Steve, ang bagong secretary ni Reeve. “It’s nice to have you around in the office again, Ma’am.”
Nginitian niya ito. “Matagal na nga akong hindi nakakadalaw dito.” Pasimple niyang inilibot ang tingin. “Naging busy ako sa mga bata at sa ibang bagay. Kumusta na dito?”
“I’ll take you to the lounge area, Ma’am. Sa ngayon po ay nasa meeting si Sir Reeve kasama ang mga empleyado dito sa admin office. Can I get you anything?”
“Oh no, thanks. Aalis din ako kaagad.” Gusto lang talaga niyang makita si Reeve. “Matagal pa ba ang meeting?”
“Sadly, Ma’am, yes. Mabusisi po ngayon ang mga bagong policies ni Sir Reeve, lalo na at nagpapalit na rin po ng board members.”
Napakurap-kurap si Agatha. Pagkasabi ni Steve sa “nagpapalit” at “board members” ay biglang nakuha ang interes niya.
“What happened to the old board members?”
“A week ago, Ma’am, nagpa-force retirement na po si Sir Reeve sa senior members ng Monteverde Hotels. Hindi naman po kasama ang sa AA dahil si Sir Philip daw po ang bahala sa kanila.”
Napatango siya. “H-hindi ba sila nagalit?”
“Ma’am, paano naman po sila magagalit kung napatunayan na ni Sir Reeve na sila ang sumasabotahe sa kanya sa nakalipas na maraming taon?”
Napasinghap si Agatha. Pero bakit parang hindi naman talaga siya nagulat sa kaalamang iyon? Mas nabigla pa siyang alam na rin ni Reeve ang lahat.
Alam na rin?
Napatuwid ng upo si Agatha. Bakit, alam ba niya?
“Ang bait pa nga po ni Sir Reeve kasi pinalabas niyang retirement lang dahil sa age policies ng kompanya. But in reality, Ma’am, they should have been fired. Sila po pala ang nasa likod ng nangyaring pagkasunog ng main branch ng MH.” Napailing-iling si Steve. “At kaya din po halos dito na matulog si Sir Reeve sa kakatrabaho dahil sila rin po ang nag-generate ng hotel and administration problems nang paulit-ulit. Kaya po sa nakalipas na taon, hindi maubos-ubos ang problema dahil sa kanila…”
“They wanted Reeve to quit…”
“Parang ganoon na nga po, Ma’am. Si Sir Reeve po kasi ang naging pinakabatang CEO ng dalawang chain of hotels pa. Kaya hindi ko rin po masisisi si Sir kung bakit gusto niya na lang magtayo ng sariling hotel at magsimula sa umpisa—”
“Steven, I believe you’ve said too much.”
Sabay silang napalingon sa pintuan at nakitang nakatayo roon si Reeve.
“Good afternoon, Sir Reeve. Nandiyan na po pala kayo.”
Reeve stepped inside, forehead creased. “I always hire a guy secretary to make sure they don’t talk much,” seryosong sabi nito.
Napayuko si Steve na halatang bata pa. “I’m sorry, Sir.”
“It’s fine, Reeve. He kept me entertained,” pagdepensa ni Agatha and smiled at her husband. “At least, I learned what kept you busy for more than a week now at hindi ka makauwi sa bahay.”
Biglang lumambot ang ekspresyon ni Reeve. “Let’s talk inside my office. Steven, thank you for keeping my wife company. Please go back to the conference room. You take over.”
“P-po? Ah, o-opo. Yes, Sir.” Parang nanigas ang likod ng secretary at nagmamadali nang lumabas ng lounge area.
“You startled the kid,” napapailing niyang sabi habang sumusunod kay Reeve papunta sa opisina nito.
Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito. “He talks a lot but he’s very efficient and reliable. By the way, I was surprised you were here. May problema ba sa bahay? Sa mga bata?”
Umiling si Agatha. “I just wanted to see how you are doing. It’s been tough in the hospital. Si Mama Leona pa lang ang nakikita ko doon. Then your secretary said you subtly fired the senior board members of your own hotel. Are you going to file charges against them?”
Huminto si Reeve sa isang two-way wooden door. “I won’t press charges. They’re too old for me to fight with.” He held the doorknob and twisted it.
“Pero sila daw ang may pakana ng pagkasunog ng main branch at ang pagsasabotahe sa ilang taon mong trabaho.”
Binuksan ni Reeve ang pinto at iginiya siya papasok. Napakalawak ng opisina nito. Three offices could it in there. Pero ang nandoon lang ay isang bookshelf na puno ng mga libro, visitor’s area, at ang mahogany desk nito. May mga pinto rin na siguro ay konektado pa sa ibang offices o conference rooms?
“I won’t file charges but the families of the fire victims will. If you watched the news, ang unang hearing ay naka-schedule bukas.”
Reeve said it so casually na para bang isang normal na pangyayari lang ang pagtaksilan ito ng sariling board members. Kung sana galing sa board members ng mga Andersons. But the betrayers… sila mismo ang mga taong kasama na ni Papa Roman noong ito pa ang namamahala sa Monteverde Hotels.
“May ilang empleyado ring idedemanda sila dahil sa iba’t iba pang kaso. Now that they are not affliated with my hotels anymore, wala na akong problema.” Umupo si Reeve sa swivel chair nito at binuksan ang laptop. “I leveled up the security around our family. You don’t have to worry about them.”
Napatingin si Agatha sa mga picture frames sa ibabaw ng mesa nito. Anim iyon. May apat na maliliit—portrait pictures nina Rainiel, Riana, Adam, at Rade. There was a solo portrait of her. At iyon pa ang pinakamalaki sa lahat. Malaki pa kaysa sa family picture na hindi niya maalala kung saan at kailan kinunan.
Napatingin siya kay Reeve na nakakunot-noo na habang may binabasa sa laptop screen nito.
“Did I visit at a wrong time?”
Nag-angat ito ng tingin. “No. I’m glad you’re here. How’s your therapy sessions?” Biglang lumambing ang tono nito. Gone was the corporate and boss side of him.
“I’m doing well. Ahm, pinababa ni Doktora ang dose ko sa gamot.”
“Maybe after this week, I’ll be able to go home. I miss my little boys,” tukoy ni Reeve kina Adam at Rade. “Hinahanap ba nila ako?”
Tumango si Agatha. “They usually wait and play close to the door. Inaabangan nila kung uuwi ka.”
Bumuntong-hininga ito. “I’m sorry. It’s been a tough week here. Plus Papa’s condition…” Naihilamos nito ang kamay sa mukha at napapagod na napasandal sa swivel chair. “Ang kaya lang ng oras ko ay puntahan saglit sa school sina Rainiel at Riana dahil malapit lang dito…”
“Naiintindihan ko naman. Masaya ako na naharap mo na ang mga taong nagpapahirap sa `yo dito. Ahm, s-salamat din pala sa marshmallow flowers.”
His tired eyes looked at her. He managed to smile. “Do you want me to go home?” he asked softly.
Nag-iwas siya ng tingin. “I need to go back to the NBI tomorrow. Para ma-finalize ang kasong isasampa ko. I… I can’t do it alone. I still can’t talk to Celina. Hindi ko pa kaya.”
“We’ll send someone to represent you, Agatha, aside from the lawyers. Huwag kang mag-alala.”
Lihim siyang napalabi. “I see. Puwede pala. I guess I really don’t have to worry about anything.” Itinuwid niya ang likod. “I-iyon lang naman ang ipinunta ko dito. Magpapasama sana ako sa `yo bukas pero mas maganda nga kung representative na lang ang ipadala natin.”
Nakatingin pa rin si Reeve nang mataman sa kanya. “If you ask me to go home now, I’ll leave this damn work and just go home with you.”
Sinalubong niya ang tingin nito. Now that she got a piece or two of a sweet memory with him, parang may nakita siya kay Reeve na hindi niya nakikita noon.
“Do you want me to go home now?” ulit nito sa nananantiyang tono.
Honesty. That was who she was. For the past months that gave her confusion about her identity, Agatha realized that indeed, from the very start, she was bold and truthful.
Doon siya nagkulang noong bago siya nawalan ng memorya. And she couldn’t repeat her mistakes again.
“I want you to go home, Reeve. The kids miss you.”
He nodded and stood up. May tinawag lang ito sa intercom at nagbilin. Pagkatapos ay sabay na silang umuwi.
The kids were happy, especially their two little boys.
“You’re home, Daddy!” Riana squealed with glee.
“Yehey!” Adam clapped his hands. “Daddy home! Daddy home!”
Rade murmured something incomprehensible. Reeve chuckled and carried him in his arms.
Bumaba rin si Rainiel at lumapit kay Reeve. “Uuwi ka rin ba tomorrow from work, Daddy? Hindi ka na lang magbi-visit sa school? You’re not busy anymore?”
Yumuko si Reeve para magpantay ito at si Rainiel. “I’m not going back to the hotels.”
“Nag-leave ka ba?” Napatanong si Agatha dahil hindi iyon nabanggit ni Reeve habang pauwi sila. They just talked about her therapy sessions and Papa Roman’s condition.
Umiling si Reeve. Tatayo sana ito pero niyakap na ito ni Adam mula sa likuran at naglambitin, Riana hugged him from the side too. Kung hindi pa siguro nahihiya si Rainiel ay makikisiksik ito sa mga kapatid.
“I quit,” Reeve answered calmly. “I resigned as the president and CEO of the hotels.”
Agatha’s jaws dropped. “Y-you can’t do that! You love your work!”
Nagkibit-balikat ito at isa-isang tiningnan ang mga anak nila. “But I love this family more.” Then he looked at her. “You’ve given up so much of yourself for this family, Agatha, while supporting me leading our families hotels. It took me a while to realize that I can do it too. Magtatrabaho pa rin naman ako. But not in the highest position anymore. I won’t be handling a chain of hotels. Seeing how our family grows, I finally understand why it’s worth our personal dreams.”
Napaupo si Agatha. “Reeve…”
“It’s your turn now, sweetheart,” he said in a voice too gentle, sincere, and selfless.
Napatingin sa kanya ang mga anak nila. Rainiel and Riana smiled.
“The children and I will support you, wherever you want to audition, to play, or to go… Wherever your dreams would take you, we will be there for you, watching and cheering you on.” Tumitig si Reeve sa kanya. “You are more than a wife and a mother, Agatha. What I love about you is that you’re a dreamer. You always have hope.”
Napaluhod siya sa harap ng asawa. Parang nagulat ito nang tumulo ang mga luha niya at sinugod niya ito ng yakap.
Rade giggled when he was squeezed in between. Rain, Riana, and Adam laughed. But later on, she felt her children’s little arms joining the hug.
“I love you,” Reeve whispered. “And wherever your heart takes you, you will always be my one and only wife.”
Agatha’s heart was so warm it felt incredibly good. For the past few months, it felt empty and cold. This was the very first time her heart was filled with a love that was warm and full.
Sumingit na sa gitna nila ni Reeve sina Riana at Adam. Humiwalay na siya ng yakap sa asawa. Rainiel hugged her from behind and kissed her on the cheeks.
It was a very loving family moment when they heard a knock on the door. It was followed by a familiar cheerful squeal.
“Inay!”