Chapter Seventeen
*Allow yourself to change,
permit yourself to grow,
there is more of you.*
HUMINGA nang malalim si Agatha bago lumabas ng kuwarto. Nahiya siya sa ikinilos kanina. Hindi niya dapat sinungitan si Reeve sa harap ng maraming tao, lalo na sa harap ng kanilang mga anak.
Pagbukas niya ng pinto ay parang gusto niyang isara uli iyon. Nandoon at nakaabang sa kanya si Reeve!
“Agatha...” Lumapit ito sa kanya. “Are you all right? May naalala ka na naman ba sa akin na hindi maganda?” nag-aalalang tanong nito.
Hindi alam ni Agatha kung paano sasagutin ang tanong. Wala naman siyang naaalala tungkol dito. Si Lana ang naalala niya kanina.
Mabining humaplos ang kamay ni Reeve mula sa braso niya pababa sa kanyang kamay. “Please, sweetheart, tell me. What did I do in your memories this time? Did I hurt you again?” Malamlam ang mga mata nito.
Ang hitsura ni Reeve ay parang taong handang lumuhod at humingi ng tawad kahit hindi pa man alam kung ano ang kasalanan nito.
“S-sino ang kasama mo sa labas kanina?” kunwari ay tanong niya kahit kilala naman na niya si Lana.
“Kasama sa labas?” Kumunot ang noo nito. “Do you mean Lana?”
“Is that her name?”
Napakurap ito, siguro dahil sa tono ng boses niya. Agatha wanted to slap her own mouth. She sounded sarcastic.
“Nakita mo kami ni Lana kanina? Lumabas ka ba?”
“Kakausapin sana kita kanina pero…” Nagsalubong ang mga kilay niya. “May kausap ka na palang iba.”
“Oh.” Tumuwid ito ng tayo at hinila siya papasok uli sa kuwarto. “If you don’t remember, she’s Prince’s half sister. Nalaman ko sa mga pinsan mo na naaalala mo pala si Prince.” Kahihimigan ng pagtatampo ang boses nito. “How come you remember my best friend but not me?”
“Hindi ko siya naaalala bilang kaibigan mo. I remember him as Trisha’s husband.”
“You even remembered Trisha…” bulong nito, parang ang sama talaga ng loob.
“Alyx said that I can’t remember people who gave me anxiety. Hindi siguro pinasama ni Trisha at Prince ang loob ko kaya naalala ko sila.”
Napayuko ito. “I-I’m sorry… You’re right,” he said, very ashamed.
Naawa naman si Agatha sa asawa. Gusto na niyang iuntog ang ulo sa pinakamalapit na pader. Urong-sulong kasi siya sa nararamdaman kay Reeve.
Tumalikod na lang siya at akmang aabutin ang pinto nang hawakan ni Reeve ang kamay niya. “Wait, sweetheart. We’re not done talking yet.”
Napaharap siya kay Reeve eksaktong hinila nito ang kanyang kamay palapit sa katawan nito. Her face bumped against his firm chest. Naitukod niya ang kamay roon at napatingala rito.
Yumuko ito at sinalubong ang kanyang mga mata. She secretly swallowed when Reeve’s hot yet minty breath fanned the center of her face.
“Hindi mo ba naaalala si Lana?” maingat nitong tanong.
Hindi magawang umiwas ni Agatha sa mga mata nito. Alam niyang maiitim ang mga mata ng asawa. Pero hindi niya akalain na para palang butas ang mga iyon na kapag tiningnan nang mabuti ay mahuhulog ka roon nang malalim… at hindi mo na gugustuhing umahon pa.
“I-I remember her…”
“Then you must know that she’s—”
“S-she’s your ex-girlfriend.”
“Oh.” Sumeryoso ang mukha nito at tinitigan siya. “That’s how you remember her? Nothing else?”
Umiling siya at akmang mag-iiwas ng tingin. But Reeve clipped her chin between his two fingers. Bahagya pa nitong iniangat ang mukha niya palapit dito.
“You saw us talking with the memory that she’s my ex?”
Tumango siya.
His moist lips curved into a sideway grin. “Did that scene make you mad, sweetheart?”
“N-no…” Napalunok si Agatha at gusto nang ilayo ang tingin dito. Pero hindi niya magawa. “I-I… I felt kind of annoyed.”
“Bakit ka naman nainis?”
“Because she’s your ex! Why are you talking alone with her?” she nagged so suddenly. Napahawak siya sa bibig. What was wrong with her?!
Lumuwang ang ngiti nito. He chuckled sexily. Namungay pa ang mga mata. “Are you feeling jealous?”
Siya lang ba o mas lumambing at naging sensuwal ang tono ng pagsasalita nito?
Mabilis siyang lumayo rito. “H-hindi naman…” tanggi niya at napayuko sa mga paa niya.
“Sweetheart, nagseselos ka ba?” tanong uli ni Reeve.
“Hindi… Hindi ko alam.” Was that what she was feeling? Iyon ba ang tawag sa nararamdaman niyang hindi niya maintindihan?
Napatingala siya nang hindi nagsalita si Reeve.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang nakangisi ito at may kakaibang kislap sa mga mata.
“A-ano’ng nakakatawa?” Nag-iinit na ang magkabila niyang pisngi. Parang nakakahiyang magselos at malaman nitong baka nga selos ang kumakain sa sistema niya ngayon.
Umiling ito. “Agatha, Lana’s your cousin’s wife.”
Para siyang nabato sa kinatatayuan. “S-sino sa kanila?”
“Dylan’s.”
Her eyes widened. “Nag-asawa na si Kuya Dylan?!” Nabanggit nga kanina ng mga pinsan niya na may asawa na ang mga ito pero hindi naman binanggit ang mga pangalan. But she didn’t expect Kuya Dylan was one of those who settled down. He was a playboy!
Tumango ito. “Nine years ago. Halos kasabay natin.”
Natahimik sila sandali.
“There’s nothing to be jealous about.”
Napatingin na naman si Agatha sa mga paa niya. “She’s your first love, isn’t she?”
Hindi umimik si Reeve kaya napatingala na naman si Agatha rito. Napalabi siya nang makitang nakangiti na naman ito.
“Bakit ka ba nakangiti?” naiinis niyang tanong. His smile made her want to blush with embarrassment.
“She broke me.”
“Huh?”
“Then you helped me fix myself.”
Napamaang si Agatha.
“You told me to forgive her. So that I can freely love you without my hang-ups.”
She did that? “A-am I a rebound? Halos magkamukha kami. Baka naalala mo lang siya sa akin—”
Natawa si Reeve. Iyong tawang tuwang-tuwa.
Napasimangot si Agatha. “Hey, stop laughing!” singhal niya.
“That was a big issue… nine years ago! Napag-awayan na natin ito. And this case was settled,” nakangising sabi nito. “Your resemblance with Lana is indeed striking. Pero hindi naman ako ganoon kagago para gawin kang rebound lang, sweetheart. You’re more than that.”
“Okay.” Tinalikuran na niya ito.
“Sweetheart, Agatha, come on…” Masuyo siyang hinawakan ni Reeve sa baywang at hinila pasandal sa katawan nito. Hinalikan siya nito sa balikat. Ramdam niya ang ngiti sa mga labi nito.
“Bakit ka ba nakangiti nang ganyan?” She was getting pissed. Bakit parang tuwang-tuwa pa ito habang hiyang-hiya na siya?
“This is kind of new to me. I mean, I never thought you’d be this adorable. Una at huling selos mo kay Lana ay ibinato mo sa akin ang wedding ring natin. It wasn’t cute. But now, you’re cute.”
“Hindi—” Selos ba talaga ang nararamdaman niya? Kung ganoon, napakalakas palang kaaway iyon dahil natatalo siya. “Hindi ko alam, Reeve. Bumaba na uli tayo, nagugutom pa ako.”
“All right. But are you feeling better now? Lana, Prince and I have remained friends. Wala na sa amin ang nakaraan. Kinalimutan na namin.”
Naniniwalang tumango siya. If Reeve said so…
Humarap siya rito. “Ano ang pinag-uusapan ninyo ni Lana kanina?” Hindi niya napigilang mag-usisa. “Bakit ka nagpapasalamat sa kanya? Bakit hindi mo siya kasamang pumasok kanina? Umalis na ba siya? Gaano kayo katagal na nag-usap? Bakit kayong dalawa lang?”
Hindi talaga niya alam kung saan nanggagaling ang mga lumalabas sa bibig niya. Pero hinayaan na lang din dahil wala siyang kapangyarihan para pigilan iyon.
Ang saya na naman ng tawa nito. “You’re killing me, sweetheart!”
Itinulak niya si Reeve pero hinapit na naman siya nito sa baywang.
Bakit ba siya pahapit nang pahapit dito?!
“Hmm…” Hinaplos nito ang nakalugay niyang buhok, his fingers playfully combing her hair. “Umalis siya dahil napagdesisyunan daw ng mga pinsan at ng kapatid mo na sabay-sabay na lang nilang ipapakilala ang mga asawa nila sa `yo. Walang mauuna o mahuhuli. Kaya hindi ko na siya kasama kanina pagkatapos naming mag-usap.”
Ngayon lang napansin ni Agatha na maganda pala ang ngiti ni Reeve. It made him look playful, radiating a bright aura. Parang kapag nakita mo itong nakangiti nang ganoon, ang sarap mangarap.
“I also asked her how I could make it up to you, lalo na at limitado lang ang mga alaala mo sa akin. I mean, you see me as a stranger… a bad stranger.”
“No, Reeve,” tanggi niya. “Hindi ganoon ang tingin ko sa `yo.”
“Pero ganoon ang nararamdaman ko. Kaya bilang babae siya at may asawa na rin, I just asked from her perspective what I should do as a husband…” He shrugged. “She gave me some insights. Tips on how Dylan takes care of her. Kung paano bumabawi si Dylan tuwing nag-aaway sila. Sa umpisa ng pag-uusap ay kasama rin namin si Prince. But he went inside the house to be with his wife. Naiwan kami ni Lana. Napagkuwentuhan ka rin namin. That’s how it went.”
“Ano’ng sinabi mo sa kanya tungkol sa akin?” she curiously asked. Tama bang itanong iyon? Hindi niya alam pero gusto niyang tanungin.
Bahagya itong napatingala. “Hmm. I saw a lot of changes. It’s like you’re Agatha but you’re not exactly the Agatha I knew but…” Napailing-iling ito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at nginitian siya nito. “You’re still my sw eetheart in whatever personality you would like to take.”
“H-how about Lana?”
“Hindi siya kasali sa ating dalawa. Walang sumasali at wala akong hahayaang sumali pa.”
Napabuntong-hininga siya. “Selosa ba ako noon?”
“Hindi. Pero seloso ako,” tahasang pag-amin nito na ikinangiti niya.
Wait. Binura ni Agatha ang ngiti. Bakit naman siya napapangiti?
“Baka naman nagseselos ako noon, hindi ko lang masabi?” Hindi ba nga at sa mga alaala niya ay parang hirap siyang ilabas ang mga nararamdaman?
Napakurap si Reeve. “You said before that you would choose to always know and understand the other side of the story before you react on it.”
“Really?”
Tumango ito. “Hindi ka nagseselos dahil pipiliin mong intindihin nang mabuti ang sitwasyon.”
Napahalukipkip si Agatha. “That’s how I was before? What am I? A saint?!” Gulilat siya.
He smiled sheepishly and scratched his ear. “Not in bed.”
Naramdaman na naman niya ang pag-akyat ng dugo sa kanyang mga pisngi. Bakit ba ganoon si Reeve?
“Hindi pa kita napapatawad, naalala mo?”
He grimaced. “Sorry. But, sweetheart, yes. You were kind of a saint. An angel. Very sweet and fragile.”
“Baka naman mabait at kalmado lang ako palagi? Then you just mistook it and claimed that I just always understand? I mean, puwedeng iniintindi ko nga pero sa lahat ba ng pagkakataon ay naiintindihan ko? Maybe I don’t. And it was hard for me to say that I didn’t understand because you, people, are expecting that I just did.”
Napatulala na naman sa kanya si Reeve.
“What?” Nagtaas siya ng kilay. “I got a point, right? Maybe that’s what’s wrong with me. I follow Christ and strive hard to be a genuine Christian. Hanggang sa I could not admit to myself sometimes that I failed. Walang perpektong Kristiyano pero pinipilit kong maging ganoon. Hanggang sa magmukha na akong hindi tao?”
“Hindi naman masamang asamin mong maging perpektong Kristiyano, Agatha.”
“But there’s no such thing. There is no perfect Christian, just a progressive one. Mataas siguro ang expectations ninyo sa akin at ginagawa ko na lang ang lahat para ma-meet ang expectations ninyo sa akin bilang Kristiyano. Hindi na iyon ikinalulugod ng Diyos. I’m just… doing it out of vanity. For human approval.”
“Agatha.”
Tinalikuran niya ito at humarap siya sa salamin ng dresser na nasa gilid ng kuwarto. She looked at herself.
“Ang totoong anak ng Diyos ay may mabuting puso pero may karunungan. A wisdom to know when to be still, speak up, or fight. A true Christian is not just gentle but tough. Not just a follower but a leader. Not passive but an active demonstrator of God’s love.”
Tiningnan niya nang mabuti ang sarili sa salamin. Was she a true Christian after all? Her eyes screamed of gentleness but deep inside they were burning with a desire to be stronger.
Nagsalubong ang mga tingin nila ni Reeve sa salamin. Lumapit ito at hinawakan siya sa baywang.
“Maybe I was failing before, Reeve. But no one noticed. I was weak before.” She hid in her own comfort zone. Kapag mabait siya, walang mangyayaring masama sa kanya. Akala niya ganoon.
“Let me tell you something,” he whispered. He gently turned her to face him. “Sweetheart, you’re a little hardheaded. I’ve noticed that before. Even at the start of our marriage. You plan and you execute it whatever the odds. You connived with my mother, Lana, and Prince para magkabati-bati kami, kahit alam mong posibleng magalit ako. You can break my selfish beliefs. You bravely speak of your ideals to me. Your memories of me now… kulang pa `yan. Kulang na kulang para i-assume mo kung naging paano ka sa mga nakalipas na taon.”
Humaplos ang isang daliri nito sa kanyang pisngi at mga labi. “You suppressed a lot of negative emotions in you. But that doesn’t mean you were weak. I believe it’s your strength, to overcome your own monsters. Nilalabanan mo iyon at akala mo siguro ay natalo mo na. Pero nagtago lang pala. Until you were really full of it. You wanted to break down. Pero wala ako para makinig sa `yo.” Lumamlam ang mga mata nito.
“Reeve…”
“You said there’s no perfect Christian. Only a progressive one. Then I can say you’ve been progressing through the years, sweetheart. Hindi totoong mahina ka noon. Mas lumalakas ka lang lalo ngayon.”
Unti-unti nang sumisilip ang ngiti sa mga labi niya.
“In business, when we advance, we also go through little failures. May parteng nalulugi. Here and there. But we need to experience those, to keep us working harder. Ikaw ang nagsabi sa akin nito. In the middle of every success, there will be downsides. We need it because it will keep us humble. It is what keeps our feet on the ground.”
“I… said that?”
Tumango ito. “Sabi mo pa sa akin, kung hindi ko mararanasang madapa, wala akong rason para tumingala. Tumingala sa Diyos para humingi ng tulong. Para maalalang sa buhay ay hindi laging ang gusto natin ang masusunod dahil may ibang plano para sa atin.”
Tuluyan nang napangiti si Agatha. “I-I was a preacher?”
He chuckled. “You’re the only preacher that doesn’t bore me.” He sighed. “Lagi kong tinatandaan ang lahat ng sinabi mo noon. That’s why I never let go. God knows I wanted to break from His hold. But if I do, where else would I run to?”
“You…” Pinaglaruan niya ang butones ng polo shirt na suot. “You make me feel good, Reeve.”
“Finally. Something I did right!”
Tiningala niya ito. “Naalala ko na si Lana. Asawa nga siya ni Kuya Dylan. But can I ask something from you?”
“Anything, sweetheart.”
“Ano… alam kong importante ang friendship ninyo. Pero hindi kasi maganda sa pakiramdam na kayong dalawa lang ang nakikita ko. Maybe in a group, puwede kayong magsama. Pero sana… h-hindi `yong kayong dalawa lang.”
Ang luwang na naman ng mga ngiti nito. “If you say so. Then I won’t talk with her alone anymore.”
Namilog ang mga mata niya. “P-pumapayag ka? Hindi mo ipagtatanggol man lang na magkaibigan lang talaga kayo at wala namang malisya kahit dalawa lang kayo?”Umiling ito. “Naiintindihan kita. Kasi nga seloso ako, hindi ba? Ganyan tayo. Welcome to the club, sweetheart.”
Natawa siya sa sinabi nito. “Marunong ka palang mag-joke.”
“Marunong ka palang magselos.”
She pouted.
Ang saya na naman ng mga tawa ni Reeve. “Siguro ay nabigyan kita ng sama ng loob sa maraming bagay pero hindi sa involvement ng ibang babae sa akin. Kahit kailan ay wala akong pinayagang makalapit. Even my secretary is a guy. Hindi kita binibigyan ng rason para magselos sa babae. Lalo na ngayon. Kahit si Lana pa. Your request is all right. You’re my wife. You have the right.”
“Isn’t that kind of irrational and selfish?”
“Who cares if it is? I don’t.”
Parang may kung anong kumiliti sa sikmura ni Agatha. “Pasensiya na kanina sa inasal ko.”
He shrugged. “Would you like to greet me again, sweetheart?” He smirked.
Ngumiti rin siya. She felt lighter. This was indeed a good morning. “Good morning, Reeve.” She tiptoed and gave him a light kiss on the lips.
DAHIL sa dami ng mga niluto at inihandang pagkain ni Kuya Charlie at ayaw yatang magsialisan ng mga pinsan niya sa town house, napagdesisyunan na lang nina Reeve at Agatha na sunduin si Sasa at doon na lang manatili nang buong maghapon.
Parang isang pre-birthday celebration ang naganap. Sasa was welcomed by everyone. Alam ng mga pinsan niya ang sitwasyon, yet they were all genuinely nice to Sasa. May kanya-kanyang regalo pa ang mga pinsan niya sa bata.
“We have the same doll, Sasa!” Riana said, smiling and jumping. “We have the same shoes and clothes. Thank you, Titos! I love you all.”
Natawa si Kuya Johann. “Mga tinamad ba kayong bumili ng dalawang magkaibang regalo? Sana man lang kahit kulay, iniba ninyo.”
“Ayos nga `yan, eh. Para walang inggitan. Kasi pareho silang mayroon,” depensa ni Kuya Reynald.
“Salamat po.” Isa-isang nilapitan ni Sasa ang mga pinsan niya at nagpasalamat. “Salamat. Salamat po. Masaya po ako.”
“Cute,” Kuya Ramses commented. “Puwede bang iuwi na lang kita? Puro lalaki kasi ang anak ko.”
“Baka po malungkot itay ko, eh. Kami na lang po dalawa sa kubo. Bawal po ako iuwi. Puwede ako hiramin lang.”
Nagkatawanan sila.
“Kuya Ram, naman! Sipagan mo na lang na magka-baby girl. Mangunguha ka pa ng hindi sa `yo, eh,” komento ni Trisha.
“Ayoko nang magbuntis si Crystal Jane. Parang ako ang mamamatay kapag nakikita ko siya sa delivery room.”
“After three boys, saka mo na-realize `yan?”
“Pero masarap magkaroon ng anak na babae. Sobrang lambing,” komento ni Kuya Charlie na mayroon na raw dalawang anak na babae.
“Tama, tama!” Prince agreed. Ang sabi ni Trisha sa kanya, may tatlo raw na anak ang mga ito. Isang lalaki at dalawang babae. Kambal ang lalaki at isang babae.
“Then imagine when my girls grow older? Pipitikin ko ang lahat ng manliligaw! That sounds like a good hobby.”
Nagkatawanan ang mga ito.
“I’m excited to meet all of your sons and daughters,” sabi ni Agatha sa mga pinsan. “Hindi ko kasi talaga sila maalala. Pati ang mga asawa ninyo. Maybe they are good women because they all convinced you to settle down.”
Tumawa si Kuya Reynald. “Good women daw, Johann.”
“Don’t judge my wife! She’s not a book cover!” sikmat ng kapatid niya. “Mabait si Sapphire. Kapag tulog!”
Naglolokohan pa rin ang mga pinsan niya nang lumapit sa kanya si Sasa. Hindi nila napansin na madilim na pala sa labas.
Nagpaalam muna sila ni Reeve sa mga kausap para maihatid nila pauwi si Sasa.
“Inay, hindi ko pa birthday pero dami na regalo.” Tumingin sa backseat si Sasa kung saan nakalagay ang mga regalo nito mula sa mga pinsan niya.
Hinaplos niya ang buhok nito. “Nagustuhan mo ba lahat?”
“Opo! Saya-saya `ko, Inay. Isa araw na lang bago ka uwi pero masaya talaga.” Bumaling ito kay Reeve na tahimik na nagmamaneho. “Manong—ay Tito Reeve pala.” Humagikgik si Sasa.
“Yes, darling?”
“Alagaan mo inay ko, ha?”
“Yes, Ma’am!”
Humagikgik uli si Sasa at yumakap sa baywang niya. “Saya-saya sa inyo, Inay. Dapat doon ka talaga.”
“Pagkatapos ng birthday mo bukas, palagi ka naming tatawagan ni Ate Riana.”
Tumango ito at pumikit. “Gusto ko `yon, Inay.”
Tuluyan na itong nakatulog sa dibdib niya. Kaya pagdating sa bahay ay kinarga niya si Sasa palabas ng sasakyan. Reeve took care of the gifts.
Pagbukas niya sa gate na kahoy ay naghihintay na si Niel sa pinto ng kubo. Tumayo ito.
“Hindi namin namalayan ang oras,” sabi ni Agatha. “Pasensiya na kung late na naming naihatid si Sasa.”
Tumango si Niel. “Nakakain na ba kayo?” tanong nito.
“Naghapunan na kami.”
Tumabi ito at hinayaan siyang makapasok sa kubo. Dumeretso si Agatha sa dating kuwarto. Maingat niyang inihiga si Sasa at kinumutan. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo, ilong, at pisngi.
Her heart ached at the thought that after tomorrow, she had to leave Sasa. But she couldn’t stay. Her real life was not here.
Nang masigurong maayos na ang bata ay tahimik siyang lumabas ng kuwarto. Nasa ibabaw na ng mesa ang mga regalo na natanggap ni Sasa, inaayos ni Niel.
“Mauuna na `ko.”
“Agatha.”
Natigil siya sa paglabas ng kubo at nilingon ito. Hindi lumapit sa kanya si Niel. Nanatili ito sa kinapupuwestuhan.
“Alam kong bawal kitang lapitan at kausapin. Pero hindi pa ako nagpapasalamat sa lahat ng kabutihang ipinagkaloob ninyo sa akin… sa amin ng anak ko. Kahit napakalaki ng kasalanan ko sa inyo, lalo na sa asawa mo. Hindi niya ako pinakulong.”
“Mabuti kang tao, Niel. Alam kong nagsisisi ka sa ginawa mo. Alagaan mo nang mabuti si Sasa. Masipag ka namang tao. Lahat ay gagawin mo para sa anak mo. Naramdaman ko ang pagmamahal mo sa kanya. Hindi magtatagal, ibibigay ng Diyos ang nararapat para sa inyo ni Sasa. Sana hindi mo na siya lokohin uli.”
Tumango ito. “Hindi na siguro tayo magkikita uli simula bukas.”
Ang kasunduan nila ay susunduin nila si Sasa sa umaga para sa kanila mag-celebrate ng birthday. Sa gabi ay si Niel naman ang makakasama ng anak nito para mag-celebrate.
“May gusto lang akong ibigay sa `yo.” May itinuro si Niel sa likuran niya.
Paglingon niya, isang bungkos ng iba’t ibang klaseng bulaklak ang nandoon.
“Sana tanggapin mo. Iyan ang huling pangakong ibibigay ko sa `yo, kung naaalala mo. Marami akong pagkakamali, Agatha, lalo na sa `yo no’ng pinaniwala kitang ikaw ang namatay kong asawa. Pero hindi ko kayang hindi tumupad sa pangako.”
Kinuha ni Agatha ang bungkos ng mga bulaklak. It was a mixture of roses, daisies, baby’s breath, and lilies. It smelled sweet and heavenly.
“Salamat, Niel. Gusto kong magalit sa `yo. Pero sa kabila ng kuwentong pinaniwala mo sa akin, inalagaan mo naman talaga ako. Hindi mo `ko pinabayaan sa mga buwang wala akong alaala. Wala ka ring ginawang masama na makakasira sa dignidad ko bilang babae. Maybe we can call it quits.”
She saw tears sting his eyes. “Bagay nga sa `yo ang damit na iyan. Hindi ako nagkamali. Kung nabubuhay lang ang asawa ko, ganyang mga damit din ang gusto niyang isuot pero hindi ko nagawang maibigay noon.”
“Daniel…”
He tried to smile but it broke. “Mag-iingat ka palagi, S-Seline…”
Agatha’s heart stung. Nangilid din ang luha sa mga mata niya. “Salamat sa mga bulaklak.” Tumalikod na siya at nagmamadaling sumakay sa kotse.
Hindi alam ni Agatha kung bakit nasasaktan siya para kay Daniel. Dinig na dinig niya sa boses nito ang patuloy na pangungulila sa namatay nang asawa. Nakita niya sa mga mata ni Niel na kung mabibigyan lang ito ng pagkakataon ay babawi ito sa asawa.
That was maybe one of the reasons why Niel took advantage of her lost memories. Para man lang maibigay nito ang mga nararapat talaga sa asawa nito sa pamamagitan ng pagbibigay niyon sa kanya.
Reeve didn’t say anything when he saw the flowers.
Pagkauwi nila sa town house ay wala na ang mga pinsan niya. Trisha and Prince were the ones who looked after the kids.
“Thank you,” sabi niya kay Trisha. “Aalis na ba kayo ni Prince? Maybe you can still stay. Hindi tayo gaanong nakapag-usap kanina.”
“Oo naman. Wala nga yatang plano si Prince na umuwi pa. Gusto pa `atang makipag-shot kay Reeve.” Napatingin ito sa mga bulaklak na hawak niya. “Wow! Ang ganda naman niyan. Kanino galing, girl?”
“Kay N-Niel…” Alam na ni Trisha ang buong kuwento kung ano ang nangyari sa kanya sa walong buwan na nawawala siya.
“Oh.” Tumango-tango ito. “Alam mo, ayoko talaga siyang i-judge. Pero maling-mali talaga ang ginawa niya. He kept you hidden.”
“Alam ko. I thought he should go to jail too. But… there’s Sasa. Siya na lang ang mayroon ang bata.”
“`Sabagay.” Napatingin uli si Trisha sa mga bulaklak. “Pero mabait naman siya kung ibabase sa kuwento ni Sasa kanina. Lagi raw may time sa kanya ang itay niya kahit pagod na sa trabaho.”
Umupo si Agatha sa sofa at ipinatong ang bouquet sa coffee table. “He’s really a good father. But a broken man.”
“May gusto ba siya sa `yo?”
Natigilan si Agatha. “Hindi ko alam… Hindi ko naman naitanong at hindi naman na mahalaga. May asawa na ako.”
Napaupo sa tabi niya si Trisha. “Nagkagusto ka ba sa kanya?” bulong nito.
“Trisha! May asawa na ako.”
“I know, I know. But you have amnesia. And before, you didn’t know. Ang alam mo, siya ang asawa mo.”
Umiling siya. “I had doubts even when Niel said he was my husband. Pero sa tingin ko ay gusto ko siya bilang tao. Bilang ama kay Sasa. I witnessed how he works hard to provide for his daughter’s need. Sinisikap niyang umuwi nang maaga mula sa trabaho para makasabay si Sasa sa hapunan. Para makapaglaro pa sila. He’s a very admirable man. But I never saw him in a romantic way.”
“Hearing this from you, parang ang laki ng lamang niya kay Reeve sa father department.”
Napasandal na lang siya. “Gusto kong gustuhin si Niel noon. I even planned to learn to love him. To fully believe that I was indeed his wife. But I… just couldn’t.”
Naningkit ang mga mata ni Trisha. “Because maybe at the back of your mind, you knew you’re married to someone else.”
Luminga-linga si Agatha para masigurong wala si Reeve o si Prince sa malapit. Then she looked at Trisha.
“I always hear Reeve’s voice in my head. Noong wala pa talaga akong maalala. He kept on calling me ‘sweetheart.’ At first, it was creepy. I was the only one hearing it.”
“And then?”
“Hindi ko iyon pinapansin. Pero tuwing iniisip kong maging asawa na lang kay Niel, maririnig ko na naman si Reeve.”
Trisha laughed. “Hindi papatalo, girl. Kahit nasaan ka, kahit wala kang maaalala, lumalaban ang asawa mo.” Napailing-iling ito. “Ang lakas talaga ng power of love.”
“Trisha.”
“Yep?”
“You’re my best friend, right? Paano ako niligawan ni Reeve bago kami nagpakasal?”
“Huh?” Napakurap-kurap ito. “Hindi ka niya niligawan, Agatha. Arranged marriage nga kayo, hindi ba? `Tapos ikaw naman, agree ka kasi ultimate crush mo si Reeve.”
“Hindi siya nanligaw?” Bakit parang nanlumo siya sa nalaman? “He just got me that easily?”
“Oo. At kung hindi kayo ikinasal agad, hindi ka sana virgin bride. Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin na malakas ang sexual tension ninyo. Bigay na bigay ka nga pero si Agatha ka. Matindi kang magtimpi.”
Umaakyat na ang lahat ng dugo ni Agatha sa magkabilang pisngi. “Ilan ba ang naging boyfriend ko before Reeve?”
“Wala! Ayaw mo sa ibang lalaki. Patay na patay ka sa asawa mo. May scrapbook ka pa ngang ginawa. Ang creepy mong fangirl noon. Hindi naman celebrity si Reeve. But he would often grace the covers of business magazines. At inuubos mo ang kopya sa mga bookstore!”
“Ginagawa ko `yon?”
Tumango si Trisha. “Ewan ko ba sa `yo. Maraming nanligaw pero hindi mo pinapansin. Si Reeve lang talaga ang gusto mo.”
“You sound like I’m too foolish for him.”
“You were, Agatha.”
Kung ganoon, iyon pala ang ibig sabihin ni Reeve nang sabihin nitong ang pagmamahalan daw nila ay “gentle, calm, and smooth.”
“Walang kahirap-hirap niya akong nakuha?”
Humalukipkip si Trisha at tumingala. “Sabihin na lang nating nang binigyan tayo ni Lord ng power para magpakipot, hindi mo tinanggap ang offer.”
“I was that… easy to get?”
“Ayaw mo nang pahirapan ang sarili mo kasi gusto mo rin naman siya. Si Reeve na `yon, eh. The man of your dreams.”
Napangiwi si Agatha. Hindi niya matanggap. Anong klaseng tao ba siya noong dalaga pa siya?
“Kakaiba ang love story ninyo ni Reeve. Binibigyan ninyo ng rason ang mga hopeless romantic na maging hopeless romantic lang sila,” sabi nito, sabay tawa.
Hinayaan pa niya si Trisha na magkuwento hanggang sa nagyaya na si Prince na umuwi ang mga ito.
“Babalik kami bukas, manggugulo uli kami,” nakangising sabi ni Prince. Namumula ang mukha nito at namumungay na ang mga mata.
“Lasing ka ba, Prince Duke?” mataray na tanong ni Trisha.
“Tipsy lang.” He chuckled. May kinuha itong susi at ibinigay kay Trisha. “You drive the car, princess.”
“Nasaan si Reeve, Prince?” tanong ni Agatha.
“Nandoon pa sa basement bar. Iinom pa daw siya.” Tiningnan siya ni Prince at pagkatapos ay ang bulaklak sa ibabaw ng mesa. “Ang drama talaga ng best friend ko. Bulaklak at damit lang, pinagselosan pa.”
Napailing-iling si Trisha. “Tutuloy na kami, Agatha. Balik na lang kami bukas para sa birthday ni Riana. Kaya mo na dito?”
“I think I can.”
Pagkaalis ng dalawa ay ini-lock na ni Agatha ang pinto. Bumaba siya sa basement ng town house na isa palang wine bar. She recalled Gov. Lira telling them that they could drink whatever they wanted in here.
The lights were yellowish, making the room dim. Agad niyang nakita si Reeve na nakaupo sa isang high stool katapat ng isang marble island counter. Iba’t ibang bote ng wine ang nasa ibabaw niyon.
“It’s late, Reeve. Matulog na tayo.”
Ibinaba nito ang hawak na kopita. “All right.” Inubos nito ang laman ng baso bago tumayo.
Hindi naman ito mukhang lasing. Matikas pa ngang tumayo at deretso ang paglalakad. Nilagpasan siya nito at umakyat na.
Hinabol niya ito. “Reeve, about the flowers, I just accepted it for the sake of it. And this dress, I have no other choice on what to wear today.”
“Puwede mo namang hindi tanggapin ang mga bulaklak, hindi ba? At ang damit… sana sinabi mong wala ka nang maisuot. Para nakahiram tayo kay Trisha o kay Lana.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Agatha. “You don’t want me to wear a dress from Daniel. But instead, you want me to wear Lana’s clothes?”
Napalingon si Reeve sa kanya. “Sinabi ko rin ang pangalan ni Trisha pero si Lana lang ang napansin mo? Agatha, the point is, there’s a choice of clothes for you today. Puwedeng manghiram!”
“Hindi mo ba naisip na baka makaabala pa ako? And this is just a dress!”
Hindi na umimik si Reeve.
Tahimik na umakyat sila sa kuwarto. Dumeretso si Agatha sa banyo at sandaling nag-shower. Nagpalit na rin siya ng pantulog.
She was brushing her teeth when Reeve knocked on the door. Binuksan niya ang pinto ng banyo.
“I’m sorry,” bungad agad nito. “I shouldn’t have made a big deal out of the dress and flowers.”
Tinapos niya ang pagsesepilyo at nagpunas ng bibig. “Pasensiya ka na rin. Seloso ka nga pala.”
Nagsalubong ang tingin nila sa repleksiyon nila sa salamin. They suddenly laughed together.
“We don’t fight over petty things before,” sabi nito. “Ito pala ang sinasabi ni Prince sa `kin. Husbands and wives do fight over little things.”
“Siguro kapag mag-asawa na, you’re allowed to show each other your childish sides.”
“I never saw your childish side, Agatha. You were always mature and playful… but a good kind of playful in bed.”
Inirapan niya ito.
Reeve chuckled and gently encircled his arms around her waist. Isinubsob nito ang ilong sa kanyang leeg. He inhaled and exhaled.
His breath smelled like sweet wine that was perfectly brewed over the years.
“Reeve.”
“Hmm?”
“Pagbalik natin sa Manila, gusto kong magsimula uli tayo. In case that my old memories won’t ever return, let’s just make new ones then.”
Tumango ito. “Do you want to renew our vows?”
“No.” Humarap siya rito. “My memories of you are still painful. I’m learning to forgive you. Pero…” Bigla siyang nahiya sa gustong sabihin.
Pero kung hindi niya isasatinig ang nararamdaman, wala siyang ipinagkaiba sa dating siya.
Kung gusto niyang may magbago sa pagsasama nila ni Reeve, kung gusto niyang magbago rin ito, kailangang magbago rin siya.
“Gusto kong…” Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng asawa.
Nakaabang ito sa sasabihin niya.
“Ligawan mo ako, Reeve,” she demanded.
Parang itinulos ito sa kinatatayuan.
“Hindi ko pala naranasan `yon sa `yo…”
Huminga ito nang malalim. Lumunok. “All right. I’ll court you.”
“Siguro, madali lang sa `yo ang manligaw.” Agatha just wanted to experience it.
Nahuli niya ang lihim nitong pagngiwi. Lumayo na ito sa kanya. “I’ll just take a shower. Mauna ka nang matulog,” sabi nito.
“Ayaw mo ba sa sinabi ko? Sa tingin mo ba, hindi na appropriate para sa mga edad natin?” Napayuko siya. “`Sabagay, apat na rin ang anak natin. Hindi na—”
Umiling ito at hinubad ang suot na polo shirt. “No, no. It’s all right, sweetheart. I’ll court you of course.”
Napangiti siya. “Okay.” Lumabas na siya ng banyo at tinabihan ang mga anak sa pagtulog.
HINDI marunong manligaw si Reeve.
That was his problem!
He did not experience courting anyone. Even Lana! Noong high school ay nag-usap lang sila at nagkaintindihan na gusto nila ang isa’t isa. Kaya naging magkasintahan sila.
Then some flings in his bachelor days… women threw themselves at him. Hindi niya kailangang manuyo para makuha ang gusto. He wasn’t serious at ayaw niyang magmahal noon.
Then came his sweet Agatha. Everyone knew their marriage was arranged. They went out on dates but technically, he never courted her.
He had no choice but to talk to Prince. Pagtatawanan na naman siya ng lokong iyon. Noong mga binata pa sila, si Prince ang mahilig manligaw ng kung sino-sino.
Agatha was giving him a chance to prove himself again. He did not want to mess it up. But he had to know how to court first!
Lumabas siya ng banyo pagkatapos magbihis. Tinitigan muna niya ang mag-iina niya bago siya humiga sa kama.
He felt his phone vibrate under his pillow. Halos madaling-araw na. Sino ang tatawag sa kanya ng ganoong oras?
Pagtingin niya sa caller ID, nalaman niyang ang private investigator niya ang tumatawag.
Napabangon uli siya. Nagpunta siya sa balcony ng kuwarto.
“Any news?”
“Totoo ang hinala namin, Mr. Monteverde. Totoo ang mga nire-report ni Ebreo sa pulis tungkol sa naka-comatose na babae sa lugar nila. Siya nga ang nakitang nakisakay sa bus na hindi kabilang sa mga volunteer.”
“Silang dalawa ng asawa ko ang survivors?”
“Sila lang. But we also confirmed that the woman is part of a robbery syndicate. We also interviewed the family of the volunteers who died. Wala nga silang napansin na pera, wallet o gadgets na naibalik sa kanila pagkatapos ng insidente.”
“Ivan, are you saying that…” Napalingon si Reeve sa loob ng kuwarto. Tinanaw niya ang natutulog nang asawa. “What happened in the bus was not really an accident?”
“Like what we have thought before. Nakausap din namin si Ebreo kung saan niya eksaktong nakita si Agatha. He said he found your wife’s body hanging on a tree which was twenty meters away kung saan nahulog ang bus.”
“Twenty meters! Hindi kasama si Agatha nang mahulog ang bus sa bangin?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Kung ganoon, paano siya nahulog din sa bangin?”
“That’s what we need to know, Sir.”
Napatiim-bagang si Reeve. “That woman… Siya rin ang babaeng tumakas sa clinic, sabi ni Johann. Pagkagising ay bigla na lang nawala. Where is she? Please tell me you have a lead.”
“Sumuko na siya sa amin, Mr. Monteverde.”
Napapikit siya at nakahinga nang maluwag.
“She’s asking for protection, kapalit ng lahat ng impormasyong kailangan namin sa sindikatong kinabibilangan niya. But… she has a request before she speaks.”
“What?”
“Gusto niyang makausap si Agatha. Hindi raw siya magsasalita hangga’t hindi niya nakakaharap ang asawa ninyo.”