Chapter Fifteen
*Comfort zone is a beautiful place.
But nothing grows in there.*
“HOW ARE you feeling?” malambing na tanong ni Reeve. Sinuotan siya nito ng bathrobe. Pagkatapos ay kumuha ito ng malinis na tuwalya at ipinunas sa basa pa niyang buhok.
Hindi kumibo si Agatha. Katatapos lang nilang maligo nang sabay. Because of the kids, iyon lang ang nakukuha nilang pagkakataon para maging intimate.
After three days of doing it and finding out that it was effective, Agatha boldly continued to be intimate with her husband. Ayaw niya ng pulos masasakit na aalala. Nananalangin siya na sana ay may masayang pangyayari rin siyang maalala.
Parang may kung ano sa kalooban niya na hindi matanggap na ganoon ang pagsasama nila ni Reeve. Baka may rason sa likod niyon. Baka napag-usapan na nila iyon. Baka naayos na pero hindi lang niya matandaan.
“Agatha…”
Napatingala siya kay Reeve at nagulat siya nang makitang namumula ang mga mata nito dahil… nagpipigil ng luha?
“R-Reeve? A-ano’ng problema? Bakit ka…?”
Nag-iwas ito ng tingin at napatiim-bagang. “This is not working, isn’t it?”
Napakurap si Agatha. “Ha?”
“I can’t feel you, sweetheart. We’ve been doing this for three fucking nights but…” Nasabunot nito ang basa pang buhok. Napasandal ito sa tiled wall. “Napakalayo mo kahit hawak na kita. May problema ba sa akin? Hindi mo rin ba ako maramdaman?” he asked in frustration. “Tell me, sweetheart. I’ll do anything. Everything. But I can’t continue making love with you like this. It feels empty. I’m still longing for more.”
Marami siyang gustong itanong kay Reeve. Pero naisip niyang bukas na lang. Pagod na rin ito. Saka hindi rin niya alam kung paano sasagutin ang mga tanong nito.
“Magpahinga muna tayo. Bukas natin pag-usapan. Marami akong sasabihin.” Hinaplos niya ang mukha nito. Tinitigan.
Where did they start? How did they end up here?
Reeve would always tell her their love was a bliss. Gentle. Smooth. Forgiving…
Pero kabaliktaran ang lahat ng naaalala niya rito!
The forced sex, Reeve being unsupportive, him being always dominant, and lastly, kani-kanina lang, naalala niyang… nakalimutan nito ang anniversary nila and he was never sorry about it. Or Reeve never remembered it happening?
She was crying silently in her memories. Punong-puno na siya sa mga alaala niya. Parang pelikulang nakikita niya ang paghagulhol sa loob ng banyo para lang hindi magising si Reeve.
Was she overreacting because of a forgotten anniversary? Pero baka may mas malalim pang dahilan. Higit sa lahat, bakit siya ganoong babae? Bakit siya ganoong asawa? Bakit tahimik lang si Agatha? Bakit hinahayaan niya na tratuhin siya ni Reeve nang ganoon? She was like a doormat.
Bakit mas lagi niyang iniisip ang nararamdaman ni Reeve pero ito ay mukhang hindi ganoon sa kanya? Ganoon ba niya ito kamahal?
But it was the wrong kind of love.
Ganoon siya kabait?
Hindi na siya mabait. Tanga na siya.
Ibinaba na niya ang kamay at nilagpasan si Reeve. Lumabas siya ng banyo at nagsuot ng pantulog. She quietly checked her children. Hindi pa siya gaanong inaantok kaya bumaba muna siya sa kusina ng tinutuluyan pa rin nilang town house.
Naghanap siya ng gatas at ininit iyon. Umupo siya sa high stool katapat ang island counter ng kusina. She drank in silence. She closed her eyes and tried to pray.
Naputol lang ang pananahimik niya nang makarinig ng mga yabag pababa ng hagdan. Pumasok si Reeve sa kusina, nakapantulog na rin. Sumandal ito sa hamba ng kitchen door. “I’m sorry about what I said earlier. I realized na parang nagmamadali na naman ako.”
Tumango si Agatha. “You sounded like you wanted me to easily surrender everything to you. Even my heart. Sanay ka bang gano’n ako sa `yo?”
Napakurap ito at napatingin sa kanya.
Nagsalin siya ng mainit na gatas sa panibagong mug at iniabot iyon sa asawa.
“What frustrates you, Reeve?” malumanay niyang tanong.
Napaupo rin ito sa stool, may dalawang upuan na nakapagitan sa kanila. Humigop ito ng mainit na gatas.
“I don’t… know, sweetheart. I don’t know…” mahina nitong sagot.
“Gusto kong bukas na tayo mag-usap para malinaw sana ang mga pag-iisip natin at hindi na ganoon kataas ang emosyon. But I guess I should stop prolonging things too and start talking the moment I know there’s a problem that needs our immediate attention.”
Kumunot ang noo nito. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo…”
She sipped some more milk. Kumalma ang kalamnan niya. Words easily formed inside her head. Para bang ang tagal na ng mga salita roon at hinintay lang na mabuo niya para masabi.
“What frustrates you, Reeve?” tanong uli niya. Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito.
Hindi niya alam kung maaawa ba siya o hindi sa asawa dahil parang paluha na naman ito.
Bakit ganoon? Bakit sa alaala niya ay napakamakapangyarihan nito? Iyong tipong hindi luluhod kahit kanino dahil ito ang kailangang luhuran.
Reeve Leonardo Monteverde, in her memories, was uptight. Sweet but dominating. Smiling but always reserved.
Nagbago ba ito sa walong buwang pagkawala niya? Did her husband realize her worth?
“What do you mean what frustrates me, Agatha?” tanong nito. “What frustrates me? Heto. Tayo. You see, I understand your condition. The amnesia and all the things you think would help you remember me. But was it effective? Naaalala mo na ba ako? Iyong nararamdaman mo sa akin?”
“Is that what really frustrates you?”
“Hell, yes! We’ve been having sex for three straight nights, Agatha. Three straight nights! Pero kahit isa doon, kahit isa, hindi kita maabot. Hindi ako makapasok sa puso mo. Hindi kita maramdaman.”
Nanatiling kalmado si Agatha. “Or you can’t accept the fact that I’m not the same wife you once had before?”
“W-what?”
“Iyong ibibigay sa `yo ang lahat. Iyong madali mong naaabot kasi hindi mo kailangang mag-exert ng effort para tumiyad man lang. Ako ang yumuyuko sa `yo.” Binitiwan niya ang hawak na mug at mapait itong nginitian. “Hindi ba talaga tayo nag-aaway noon? Wala ba talagang problema? O mayroon pero hindi mo pansin?”
Napakurap-kurap si Reeve. “W-wala kang sinasabi noon…”
“Did you bother to ask? Did you spare time to notice? O kapag sinabi kong ayos lang, maniniwala ka lang? Maniniwala ka lang kasi convenient sa time mong wala na tayong pag-awayan? I thought you knew me, Reeve?” Nagsimula nang manginig ang boses ni Agatha. Parang sobrang tagal niyang kinimkim ang mga damdamin na tatlong araw pa lang naman niyang natatandaan.
Tumayo si Reeve at mabilis na lumapit sa kanya. Sinapo nito ng mga kamay ang magkabila niyang pisngi. “Yes. Yes, I know you. Kabisado kita. Every inch of you, every smile, every word, every action… Kilala kita. Kilalang-kilala ng puso ko.”
Inalis niya ang mga kamay nitong nasa pisngi niya. “Then why didn’t you notice the pain I was too afraid to voice out? Why didn’t you see that my every ‘okay’ meant something else? Bakit, Reeve?”
His lips parted in surprise, as if not expecting everything that she said. Hindi ito makasagot.
“Bakit hindi mo nakita sa mga mata ko na nasasaktan ako?”
“Sweetheart, kapag may kasalanan ako, agad akong humihingi ng tawad sa `yo. Hindi ako tumitigil. You always forgive. Sabi mo, lagi mo akong patatawarin.”
“Kaya ba inabuso mo?” sikmat niya. Tumayo siya at itinulak si Reeve. “Alam mong mabait ako pero hindi mo man lang napansin na nagiging tanga na rin ako sa `yo?”
“Agatha! That’s who you are! You’re love! You’re always patient and kind. You keep no record of wrongs—”
“At ako na lang ang hinayaan mong magmahal sa `yo nang ganoon? Ikaw, ano’ng ginawa mo? Sige, pinapatawad pala kita. All right, that’s my choice. Pero pagkatapos ba kitang patawarin, do you keep yourself worthy of the forgiveness?”
Parang nanghina si Reeve. Napakapit ito sa upuan at humawak doon nang mahigpit. “M-marami akong pagkakamali bago ang aksidente. I admit I neglected you and the children. But I have learned my lesson and I—”
“Hindi iyan ang pinag-uusapan natin, Reeve.” Namalisbis ang luha sa mga pisngi niya. “Mahal mo ako, Reeve, hindi ba? Hindi mo ba napansin man lang kahit minsan na pagod na ako?”
“Sweetheart…” Pilit siya nitong inaabot.
“Was it because you always viewed our love as gentle and calm that’s why you never acknowledged the chaos? Were you living the illusion that our love and marriage was perfect, Reeve? Kasi perpekto ang simula natin?”
O kasama siya sa nag-iisip din na ganoon ang pag-ibig nila? Perpekto? Kaya hindi siya umiimik? Kaya hindi siya umaangal? Kaya hindi niya ipinakitang nasasaktan siya?
“May kasalanan din ako, Reeve. I… I think I overdid being kind. I overdid being submissive…” Napayuko siya. “When you forced me to bed before, I just forgave you kahit na sa likod ng utak ko ay parang ayoko nang tingnan ka.”
Malakas na napasinghap si Reeve. “Y-you… r-remembered?”
“Sabi mo, kalimutan ko na ang pangarap ko.” Napahagulhol bigla si Agatha.
She couldn’t control her words, her tears, her feelings… Parang ibang tao siya ngayon. Parang may kumawala sa kanya na hindi niya magawang pakawalan dati pero ngayon ay matapang na binuksan ang kulungan at malaya iyong tumakas.
Ikinulong siya ni Reeve sa mga bisig nito. “I’m sorry. I’m sorry! Agatha, I thought you had forgiven me completely when I forced you years ago. About your dream, I didn’t know… I can’t remember what I told you.”
Umiiyak pa rin si Agatha kahit gusto na niyang tumigil. Ano ang nangyayari sa kanya?
“I submitted everything to you because you’re my husband and I trusted you. Yet… Reeve, you forgot to be worth submitting to.”
Tumaas-baba ang dibdib nito. “H-hindi ko napansin… I’m sorry, sweetheart. I’m really, really sorry. I’m...” Napayuko ito.
“Hindi mo na kami pinansin ng mga bata. Nakailang sabi ako sa `yo pero nakikinig ka lang at babalik sa dati!” Sinuntok niya ang dibdib nito. “Hindi ko alam… Hindi ka na kilala ng puso ko. Bago pa ang aksidente, nakalimutan ko na kung sa paanong paraan pa kita mamahalin. Gusto ko nang tumigil.”
Pareho silang natigilan. Kahit si Agatha ay nagulat sa huling sinabi. Saan iyon nanggaling?
Hanggang doon pa lang naman ang naaalala niya kay Reeve. Puro masasama pero tama bang isumbat niya ang lahat ng iyon dito kung pareho naman silang may pagkakamali?
“Reeve…” nag-aalala niyang sabi nang umagos ang luha mula sa mga mata nito.
But he remained silent while tears kept on streaming down his face.
“Reeve, I’m sorry. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon…” Bumalik sa pagiging maamo ang boses ni Agatha. Nawala na ang kung anumang biglang sumapi sa kanya kanina.
“You w-wanted to stop… loving me? It… it crossed your mind?” parang batang sabi nito.
Natigilan si Agatha. Ngayon lang niya narinig ang tinig na iyon mula kay Reeve. Iyon parang bata ito na nawawala…
Did it cross her mind? Was it her suppressed feelings surfacing while she couldn’t remember her memories of him?
Hinawakan niya ang kamay nito. “R-Reeve, maling nag-usap tayo ngayon. Kailangan natin pareho ng pahinga. Let’s continue this talk tomorrow. Hindi ito ang tamang oras. Pareho tayong pagod. M-matulog na muna tayo.”
Hinila na niya ito paakyat sa kuwarto. Tahimik lang si Reeve. Hindi na ito umiiyak pero hindi na rin umimik pa.
Humiga si Reeve sa kabilang dulo ng kama. Apat na anak ang pagitan nila. Umupo siya sa kabilang dulo.
Agatha sighed. Nilingon niya si Reeve. Gising pa ito, nakatingin lang sa kisame ng kuwarto. Parang tulala.
“R-Reeve, forget what I said. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. I’m so sorry…” Ramdam naman ni Agatha ang pagmamahal sa kanya ni Reeve. It was just that she couldn’t appreciate it fully because of the bad memories she kept remembering.
But who was she to judge the faults of her husband? May kasalanan din siya rito.
“Good night, Agatha.” Mula sa pagtitig sa kisame ay bumaling si Reeve sa kanya. “I love you so m-much.” He choked.
“Reeve…”
Tumalikod ito ng higa.
Nalaglag ang mga balikat ni Agatha. She had hurt him…
“Mommy?”
Napatingin siya kay Riana na mukhang naalimpungatan. Nasa tabi ito ni Reeve.
“Baby, sleep some more pa.” Nakangiti agad siya sa anak. “Gabi pa.”
Tumango ito at kahit inaantok ay ngumiti. “Mommy, you want us to exhange spots? Para tabi po kayo ni Daddy?” Bumangon ito at gumapang papunta sa kanya.
“Oh, Riana, we don’t have to exchange spots. Alam kong gusto mong katabi si Daddy.”
Ngumiti ito nang matamis, namumungay ang mga mata. “Gusto po ni Daddy na ikaw ang katabi,” bulong nito. “Go on, Mommy. I’ll close my eyes and won’t peek at you and Daddy kissing.” Lumipat ito sa puwesto niya, humiga, at ipinikit ang mga mata.
“We won’t kiss…” tanggi niya sa anak.
“You always kiss. When I was very, very little, you always kiss and laugh and kiss and laugh. Make Daddy laugh, Mommy. He always cried while you were on vacation. Na-miss ka niyang i-kiss!”
“Oh, baby…” Hinalikan niya si Riana sa pisngi. Parang ang sarap lang makinig sa kuwento ng anak niya. “You always see me and Daddy k-kissing before?”
“Mmm-hmm.” Dumilat ito kahit antok na antok pa rin. “Daddy said it’s okay to kiss you in front of me and Kuya Rainiel so that we know how much he loves you.”
“W-were we happy, baby?” malambing na tanong niya. Agatha wanted to know her marriage through an innocent heart like her daughter’s.
“You and Daddy? Yes! Remember, Mommy, you told me Daddy is your dream man? He’s your Prince Charming! He’s a very sad prince before but when you came, he became happy! Oh, wait. Si Daddy pala ang nagkuwento n’on, Mommy. Sad daw siya many, many years ago before Kuya Rain was born, kasi akala niya ayaw sa kanya ng queen at ng friends n’ong queen.”
REEVE thought when he was younger that he was never enough for people to stay with him, to choose him, to love him.
“What happened to Daddy next?” narinig niyang tanong ni Agatha kay Riana.
“Mmm… He met you. You’re a very beautiful and sweet princess, Mommy. You made him realize that everything happens for a reason. Sabi ni Daddy, okay lang pala na matagal siya sa ilalim ng rain kasi nakakita siya ng rainbow. It’s you, Mommy! Kilig ako!”
She heard Agatha chuckle. “Thank you for that story, baby. Matulog ka na.”
Hindi na narinig ni Reeve ang pag-uusap ng kanyang mag-ina dahil nakatulog na pala siya. He never thought that he would be this tired, lalo na ang puso niya.
Pero may karapatan ba siyang umangal na pagod na ang puso niya sa pag-iyak? Siya naman ang naglagay ng sarili niya sa lugar na iyon. Nagulat talaga siya sa mga sinabi ni Agatha.
Maybe she was right. He lived in the illusion how smooth-sailing their marriage was. He wasn’t able to see that he was riding on the boat smoothly because Agatha fought the waves for him, all by herself.
Bahagya siyang naalimpungatan nang matamaan ng sinag ng araw ang kanyang mukha. May plano ba sila ngayong araw? Saan ba sila mamamasyal ngayon na kasama si Sasa?
Kumilos siya at tumalikod ng higa mula sa bintana. He caught his breath when she saw Agatha sleeping peacefully beside him.
Oh, God, what a gorgeous sight…
Napalunok siya nang bumalik sa isipan ang lahat ng sinabi nito kagabi. What frustrated him?
Right. This was a different Agatha now. She was not the twenty-four-year-old woman he married anymore. It wasn’t the amnesia that created the gap he could not reach. It was the years, situations, and feelings they had never managed to settle. Siguro habang nakikipaglaban si Agatha sa mga alon, siya naman ay umiiwas na salubungin ang mga iyon.
Maybe Agatha fought hard but ended up being washed ashore. While he… he never left the shore. Wala pala silang narating. Nandoon pa rin sila.
They settled in their comfort zone. They never grew.
Tumaas ang kamay ni Reeve at hinaplos ang mukha ng asawa. Agatha stirred and her sleepy eyes settled on his face.
“Good morning…” he greeted.
“Good morning…”
Kinuha niya ang kamay nito at masuyo iyong hinalikan. “We can talk again.”
“Yes.”
“Ano na ang mga naaalala mo sa akin?” He was miraculously calm.
“H-hindi magaganda, Reeve…” pag-amin nito.
Tumango siya. Tanggap na niya na kung mas iyon ang naaalala nito tungkol sa kanya. This happened for a reason, right?
Dinala niya ang malambot nitong kamay sa kanyang pisngi. “Tell me all your heartaches, sweetheart. I’ll listen from now on.”
Lumamlam ang mga mata nito. “Reeve…”
“Cry if you need to. I’ll cry with you.”
“All I can remember is pain, Reeve,” panimula nito. “And it’s really, really painful…”
Napalunok siya. Agatha sobbed. Napapikit siya dahil hindi kaya ng puso niya na makita itong umiiyak.
“M-mapapatawad mo pa ba ako?”
Hindi ito sumagot bagkus ay tuluyan nang umiyak.
He cried right after.