Chapter Fourteen
*The ignored bruises and
unhealed scars of the past,
collectively scratched the heart.*
AGATHA’S eyes widened with shock. But she convinced herself not to move away. Isa pa, parang siniguro din ni Reeve na hindi siya makakapalag o makakagalaw man lang.
Her back was pinned to the door, Reeve’s hands holding her waist tightly. His lips were making soft brushes and slides.
“Agatha…” bulong nito sa mga labi niya. Nakapikit ang mga mata nito. “Agatha, please…”
Pinilit ni Agatha na pumikit at hayaan na lang ang paghalik nito. Asawa naman niya si Reeve, totoo na sa pagkakataong iyon. He was deprived of her for months.
Alam naman ni Agatha kung ano ang nangyayari sa mga mag-asawa. Kaya siguro hindi siya kumportable kay Niel noon ay dahil hindi niya maisip ang sarili na ginagawa iyon kasama ito. Now she knew why. Maybe because her subconscious mind was warning her that she belonged to someone else.
Para siya kay Reeve. Kahit ilang araw pa lang ang lumipas mula nang dumating ito at pinatunayan sa kanya na ito ang totoo niyang asawa, naniwala naman agad siya. Isa pa, nakita niya kung gaano ito kabuting tao.
Hindi alam ni Agatha kung paano tutugon sa halik ng asawa. She didn’t remember how to kiss… At siguro ay nahalata iyon ni Reeve.
Bahagya itong lumayo at hinaplos ng daliri ang mga labi niya. “Part your lips, sweetheart. Come on…” he murmured huskily.
Sinunod niya ang mga sinabi nito kahit parang kinakabahan siya. Nanginginig ang mga kamay niyang lumapat sa dibdib nito. She wanted to feel relaxed over the kiss.
But she couldn’t. Parang naiiyak siya na hindi niya maintindihan. Paang may parte sa kanya na gustong-gustong pagbigyan ang asawa dahil siguro naman ay karapatan nito iyon. Gusto rin naman niyang pasalamatan si Reeve dahil nakakahanga ang ipinakita nito sa kanya.
Reeve didn’t put Niel to jail. He had been honest with her about some family issues. And lastly, Reeve allowed her to stay for a little longer in Kab-Laaw to help Sasa accept things little by little.
He was a good man and a sensitive father. Ramdam din niya sa mga halik nito ang pagkasabik sa kanya.
Kaya naman inignora na lang ni Agatha ang nararamdaman. Gusto itong itulak ng mga kamay niya pero kabaliktaran ang ginawa niya. Itinaas pa niya ang mga braso at yumakap sa leeg nito.
Hindi na rin niya pinansin ang mga sigaw ng pagpigil sa loob ng isip. Itinuon niya ang atensiyon sa mga labi ni Reeve sa kanya. At first, it was just his lips sliding and caressing. Sinubukan niyang gayahin ang ginagawa nito.
A weird sound came out from Reeve’s mouth. Was it a growl?
Ikiniling ni Agatha ang ulo, sa kaliwa at kanan, para masabayan ang halik ng asawa. Wait, this was kind of familiar to her.
Mas nangunyapit pa siya kay Reeve at may kung ano siyang naramdamang sensasyon sa bandang tiyan. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na kamay sa kanyang dibdib.
The sensation gave her an indescribable flush of excitement. Kung kanina ay pinipilit niya ang sariling huwag lumayo, ngayon naman ay siya na ang nagdiriin ng sarili kay Reeve.
Napaungol pa siya nang ipasok ni Reeve ang dila nito sa loob ng kanyang bibig at ang marahang pagpisil nito sa isa niyang dibdib.
Lumayo si Reeve at sa pagkagulat ni Agatha ay naiangat siya nito paupo sa marble sink ng banyo. Mas nakakapaso ang mga kamay nitong nakapasok na sa loob ng suot niyang blusa.
When his hand reached her bare breast, the temperature instantly went high. Tuluyan nang natabunan ang pagtanggi sa buong sistema ni Agatha. Napalitan iyon ng nakakahumaling na kilabot sa bawat himaymay ng kanyang balat.
Reeve muttered something before his lips trailed down her neck. Mula sa marahan at maingat na paghalik ay mas naging mapaghanap pa ang mga labi nito.
He pushed her back, leaning against the mirror. Hindi niya alam kung paanong sa loob lang ng ilang segundo ay nagawa ni Reeve na tanggalin sa pagkakabutones ang suot niyang blusa. Ang kamay nito ay nasa pagitan na rin ng mga hita niya! Naililis na pala nito kanina pa ang suot niyang palda.
“R-Reeve…” ungol niya nang paghiwalayin nito ang mga hita niya.
May sinabi ito pero hindi na naintindihan ni Agatha dahil nanlalabo na ang buong isip niya. Napapikit siya at napatingala.
“Reeve, please… I don’t want to make love now…” naiiyak niyang sabi.
“Come on, sweetheart. I’m tired from work! Don’t resist.” Marahas na hinila siya nito sa kama.
“A-ayoko… I’m not feeling well and you’re drunk… Reeve, no!”
Biglang napadilat si Agatha at malakas na itinulak si Reeve.
“What the…?!” Gulat na napatingin ito sa kanya. “Agatha?”
What was that? Was that a memory? Bakit takot na takot siya roon? Bakit siya nasasaktan doon?
“I’m s-sorry.” Bumaba siya mula sa lababo at nagmamadaling inayos ang sarili. Pagharap niya sa salamin ay namumula ang buo niyang mukha, pero may namumuo ring luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Ano ang nangyayari? Ano ang naalala niya?
“Are you all right?” nag-aalalang tanong ni Reeve. Pinihit siya nito paharap dito at masuyo siyang niyakap. “Did I overdo it? Did I scare you?”
Sasabihin ba niyang parang may naalala siya rito? Pero bakit ganoon ang naalala niya? Bakit doon ay pinipilit siya ni Reeve at nasasaktan siya?
Pagtingala niya ay sinalubong niya ang mga mata ng asawa. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nito.
“Sumakit ba ang ulo mo?” tanong pa nito at hinaplos ang kanyang noo. “Sweetheart, tell me what’s wrong…”
Umiling lang siya. “H-hindi pa siguro ako handa. P-pasensiya na, Reeve…”
Napakurap ito. “I-I see.” He gently let go of her. Humugot ito ng malalim na hininga. “I’m sorry.”
Lumabas si Agatha ng banyo. Nanonood na ng TV ang mga bata.
“Mommy, look! They have cartoons,” turo ni Riana.
Si Rainiel ang may hawak ng remote control. “We should watch a news channel instead of cartoons, Riana.”
“That’s boring, Kuya Rain. Adam and Rade want to watch cartoons too. It’s a majority!”
Hindi siya lumingon nang marinig ang paglabas ni Reeve mula sa banyo. Humiga na lang siya sa kama at pilit na inisip kung may karugtong pa ang naalala.
Pero wala na uli siyang maalala. Lihim siyang napatingin kay Reeve na nakaupo sa carpet. Nakakandong dito sina Adam at Riana habang nanonood ng cartoons.
Nang lingunin siya ni Reeve ay nag-iwas siya ng tingin. Niyakap niya ang bunsong anak na naglalaro sa ibabaw ng kama. Ramdam niya ang pagtitig sa kanya ng asawa.
Gusto sana niyang magtanong tungkol sa naalala niya. Pero parang hindi rin magandang pag-usapan iyon.
Nang gumabi ay sabay-sabay silang kumain. Nagpadala ng hapunan ang gobernador para sa kanila.
Hindi na sila nakapag-usap ni Reeve dahil kanya-kanya silang asikaso sa apat na anak.
Sa pagtulog ay nasa gitna nila sa kama ang apat na anak. Ipinagpasalamat iyon ni Agatha dahil sa tingin niya ay hindi pa siya handang tumabi kay Reeve kahit muntik nang may mangyari sa kanila kanina sa banyo.
Nagising siya kinabukasan na nakayakap sa kanya nang mahigpit si Rainiel. Sila na lang ang naiwan sa kama. Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak bago siya bumangon para alamin kung nasaan si Reeve at ang tatlo pa nilang anak.
Pagkababa niya ng hagdan ay may naririnig siyang tawanan na nagmumula sa kusina. Napangiti siya nang madatnan ang tatlong anak na nagtatawanan over some toys. Si Reeve naman ay abala sa pagluluto.
“Good morning, Mommy!” Riana jumped off from her chair and ran towards her. “Daddy’s cooking breakfast for you!”
Napatingin siya kay Reeve. Nakatingin na rin pala ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang maalala ang mga halik nito kahapon.
“Good morning,” he greeted her.
“Good morning,” she greeted back, not looking at him.
Hinawakan niya sa kamay si Riana at tinanong kung ano ang ginagawa nito kasama ang dalawang kapatid.
Nagising na rin si Rainiel mayamaya at sumama sa mga kapatid nito. Tumayo muna si Agatha at nilapitan si Reeve. Hindi naman puwedeng patuloy niyang iwasan ang asawa.
“May maitutulong ba ako?”
Mabilis itong lumingon sa kanya, parang nagulat. “A-Agatha… no, it’s okay. I can manage. Saan mo pala gustong mamasyal mamaya? Susunduin natin si Sasa.”
“Hindi ko alam kung ano ang pinapasyalan dito sa Iddu…”
“They have a beach here. Maybe we can go and let the children play in the sand and water.”
“That sounds a good idea.”
Wala nang nagsalita sa kanila. Babalikan na sana ni Agatha ang mga anak nang tawagin siya ni Reeve. Nilingon niya ito.
“Did you feel something else yesterday? About our kiss?” Matapang itong humarap sa kanya at hinuli ang mga mata niya. “Before you pushed me away, we were almost there. You gave in…”
Napakurap si Agatha. Hindi niya inaasahan ang pagtatanong nito.
May naramdaman ba siya sa halik? Hindi niya maitatangging nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon na nagpasabik sa buo niyang katawan. Pero hindi ba pisikal na reaksiyon lang ang naramdaman niya?
Dahil kung emosyon ang pag-iisipan… wala siyang maisip. Natakot siya kaya itinulak niya ito sa bandang huli.
“Agatha.”
“P-physically, yes. I wanted the kiss too. It brought sensations all over me. It was… great.”
Pinatay nito ang kalan at nilapitan siya. “Then why did you push me away, sweetheart?” parang nasasaktang tanong nito. “Hindi sa naiinip ako, o nagmamadali, o kung ano pa man. But I can feel it here…” sabay turo sa kaliwang dibdib. “Even without your memories of me, you know me by heart.”
“I-I’m not sure…”
Akmang aabutin siya ni Reeve pero natigilan ito. “Not sure?”
“Please, Reeve. Darating ang psychologist ngayon, hindi ba? Kailangan ko siguro munang magpatingin talaga. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, ang nararamdaman ko. Pero hindi naman siguro natin kailangang magmadali.”
Tumango ito. “You’re right.” He sighed and ran his fingers through his messy hair. “Hindi lang siguro ako sanay. It’s kind of frustrating to know that you almost remember everyone except me.”
“S-susubukan kong maalala ka, Reeve. Gagawin ko ang lahat para maalala ka,” pangako niya. “Kapag naumpisahan na ang pagpapagamot ko, susundin ko ang lahat ng sasabihin ng doktor para makaalala nang lubos. Wala naman sigurong tao ang hindi gustong maalala ang asawa niya.”
Reeve nodded. “Balikan mo na ang mga bata. I’ll serve breakfast.”
Lumabas na si Agatha ng kusina at inayos na ang mga anak. Mayamaya ay lumabas na rin si Reeve mula sa kusina bitbit ang almusal nila.
The breakfast went well. Pinaliguan niya ang mga anak pagkatapos. Tapos na rin siyang maligo at mag-ayos nang dumating ang psychologist.
Tumagal nang isa at kalahating oras ang konsultasyon. Nasagot naman ni Agatha ang mga tanong sa kanya ni Alyx—ang psychologist—at kung hanggang saan lang ang mga naalala niya.
“It was clear from all of your stories that your husband’s participation in all of your memories were washed out. It was like he didn’t even exist in your life,” sabi nito habang binabasa ang papel na kanina ay sinusulatan.
Napatingin si Agatha kay Reeve na kanina pa tahimik. Kasama niya ito sa pagpapakonsulta mula sa umpisa.
“Ano po ang ibig n’yong sabihin?”
“According to Mr. Monteverde, una mo siyang nakilala noong bata ka pa. When you were in fifth grade, he accidentally kicked a soccer ball towards your direction. Natamaan ka. Doon mo siya nakilala at ikaw daw mismo ang nagsabing nagustuhan mo na siya mula noon.”
Napakunot-noo si Agatha. “Natamaan ng soccer ball? Pero wala po akong maalalang nangyari iyon noong bata ako. Masyado pong bantay-sarado sa akin ang mga pinsan ko. Siguradong hindi po ako matatamaan ng kung ano dahil may isa sa kanila na sasangga sa bola.”
“But it happened,” Reeve said.
“Moreover,” pagpapatuloy ni Alyx. “Sinabi mo rin kanina na alam mong nagpakasal ka. Pero hindi mo alam kung kanino, kung ano ang hitsura niya, at kung ano ang rason mo para magpakasal. What is only clear with you are your children. All the good times you had with them. Kahit ang ipinanganak mo sila. But you also said that during your delivery ay wala kang matandaang may kasama kang asawa.”
“Kasama mo `ko lagi sa panganganak, Agatha,” seryosong sabi ni Reeve. “I became busy but I was always with you from Rainiel to Rade.”
“H-hindi ko matandaan…” Parang sa alaala niya ay laging mag-isa siya sa delivery room.
“Selective amnesia. May mga therapy at gamot na kailangan para magamot ito. I’ll recommend you to a psychiatrist so you can continue your medication.” May isinulat si Alyx sa papel. “In related studies, napatunayan na ang madalas na nakakalimutan ng utak ay ang mga tao at sitwasyong nagdulot sa kanila ng matinding anxiety. Madalas ding ang nakakalimutan ay `yong taong huling naisip bago mawalan ng alaala.”
Did that mean she was thinking of Reeve before she lost her memories?
“Our emotions came from the brain, too. Kaya kasama sa nawawalang alaala ay ang nararamdaman. But there were circumstances that a sense of familiarity could be felt. At ayon sa kuwento ni Agatha, naramdaman niya iyon sa kapatid niya. Our brain won’t suppress memories and people that made us happy and we are most comfortable with.”
Napansin niya ang pagkuyom ng kamay ni Reeve pero hindi ito nagsalita.
“Actually, it’s kind of surprising,” sabi pa ni Alyx. “Agatha was able to gain back almost all of her memories bago pa siya makapag-therapy.”
What was the trigger? Oh. Nang mabalitaan niyang gising na ang babaeng inalagaan niya sa clinic ng Kab-Laaw pero tumakas ito. Bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo noon. Paggising niya ay nakaalala na siya.
Napatingin na naman siya kay Reeve. Hindi ito kasama sa mga alaala niya dahil baka ito nga ang huling taong iniisip niya bago siya mahulog sa bus. Pero bakit ito ang iniisip niya?
Or could it be… Did Reeve do something that gave her an anxiety? That was why her mind was blocking all her memories with him? Her accident was clearly a bad memory kaya naiintindihan niya kung hinaharangan ng isip niyang maalala iyon.
Pero bakit pati si Reeve?
Naalala niya ang akusasyon ni Rainiel na inamin naman ni Reeve. And then that short memory inside the bathroom while they were making out…
Huminga siya nang malalim. “Excuse me, Reeve. Puwede bang iwan mo muna kami? May gusto lang akong sabihin kay Alyx.”
He looked a bit surprised. Parang ayaw nitong umalis pero tumayo rin at nagpaalam sa kanila. Pagkasara ng pinto ay hinarap niya ang espesyalista.
“May hindi pa ako sinasabi…”
“What is it? You can tell me.”
Napabuntong-hininga si Agatha. “I had a very short memory flashback yesterday. Pero hindi na iyon nadugtungan kaya hindi ko alam ang kabuuan. Pero doon… nandoon si Reeve.”
Tumango ito. “Was it a good memory?”
Malungkot siyang umiling. “It was like… painful. Pinipilit niya ako, hindi ko alam… I was crying and begging him not to make love with me but he…” Napapikit siya. “Parang hindi naman gagawin ni Reeve na pilitin ako kaya nalilito ako kung totoo bang alaala iyon.”
Tiningnan siya ni Alyx nang matagal. “According to your husband, you are the sweetest and kindest wife. Wala siyang matandaang malalang pag-aaway ninyo. You were always understanding and gentle. Sa mga pagkakamali niya ay lagi kang handang magpatawad. Mahal n’yo raw ang isa’t isa…”
“S-siguro nga…”
Masyado pala siyang mabait. Masyadong mabait na naging tanga na rin ba siya?
“Hmm… Did you try to be intimate again?”
Agatha’s cheeks burned up. But she nodded.
“Nasabi mo kanina na hindi ka kumportable kay Niel. It’s a given since you never knew the man before the accident. Pero pati kay Reeve…” Kumunot ang noo nito. “Ayaw mo ba tuwing nilalapitan ka ng asawa mo? Pumipiksi ka? Gusto mong lumayo?”
Tumango siya. “Gusto kong lumayo pero nilalabanan ko dahil asawa ko naman siya. Wala naman sigurong mali. At naramdaman ko ring parang iba sa pakiramdam…”
“Our bodies normal response to passion, lust. Normal na rumesponde ka sa asawa mo. How about your feelings, Agatha? What does it say?”
“H-hindi ko alam.” Napapikit siya. Ayaw niyang marinig siya ni Reeve. “W-wala. Wala akong nararamdaman.”
TAHIMIK na pinapanood ni Reeve si Agatha. Kasama nito ang kanilang mga anak at si Sasa na naglalaro sa dalampasigan.
Pagkatapos nitong magpatingin kanina ay kinakausap naman siya nito. Their family psychologist talked with him too about the psychiatrist she referred and the series of therapy that Agatha might undergo to regain back her lost memories.
Pagkatapos niyon ay wala naman nang nabanggit sa kanya ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nina Agatha at Alyx nang hiniling ng una na lumabas siya. He chose to respect his wife’s privacy.
Nang mapagod ang mga ito ay bumalik si Agatha kasama ang mga bata sa kubong nirentahan nila. Nakahanda na ang mga pagkaing siya mismo ang nagluto para sa mga ito.
Inasikaso niya sina Riana at Adam. Rainiel was big enough to get his own food. Si Agatha naman ang nagpakain kina Sasa at Rade.
“Kain ka na,” nakangiting sabi ng kanyang asawa at iniabot sa kanya ang isang pinggan na puno ng pagkain.
Napakurap si Reeve. Hinding-hindi talaga maiaalis kay Agatha ang pagiging maalaga kahit ilang alaala pa ang mawala rito. “Thank you, sweetheart.”
Ikinuha rin niya ito ng mga prutas. “Here. Kumain ka na rin. Kanina mo pa inaasikaso ang mga bata. I know you’re tired.”
Tumango ito at tinanggap ang ibinigay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Reeve kung paano kikilos sa harap ni Agatha.
All he could think about was to grab her, kiss her, touch her, make love to her… Iyon lang. Iyon lang ang naiisip niyang gawin mula nang makita uli si Agatha sa wakas. But she had no memories of him. He couldn’t just oblige Agatha to be his wife, to do things that were against her will.
Minsan na niyang nagawa iyon, taon na ang nakalilipas. Hindi pa ipinapanganak si Adam.
Hindi na siya umulit dahil totoong nasaktan niya si Agatha sa kama. Masuwerte lang siya at pinatawad siya kaagad ng asawa. It was almost… marital rape. But she forgave him still!
Ganoon kabait ang asawa niya sa kanya. Kaya nangako siyang hindi ipipilit ang pagiging asawa niya rito.
“I guess it just happens.”
“I’m sorry, sweetheart. I’m so sorry…” Reeve choked. Niyakap niya nang mahigpit ang asawa. Tumulo ang luha niya nang makita ang ilang pasa sa katawan nito.
What the hell was he thinking? Ano ang sumapi sa kanya kagabi para pilitin ang asawa? Para gamitin ang lakas para magawa niya ang gusto rito?
“A-asawa naman kita kaya—”
“No, no. Mali pa rin. Mali pa rin! I shouldn’t have forced myself on you. Kahit pa lasing ako. That’s… Fuck, that was rape! I’m sorry! Forgive me, sweetheart. Forgive me…” pagmamakaawa niya. Dahil kahit sarili ay hindi niya mapatawad.
“Don’t cry, Reeve. It’s okay…” Agatha sweetly smiled at him. “I forgive you. I always will. Huwag mo na lang uulitin.” Hinaplos nito ang kanyang mukha at tinuyo ang mga luha niya. Halata ang pagpipigil din nito ng luha. “I love you. Let’s pray together, all right?”
Tumango siya. “I love you so much, sweetheart. Hinding-hindi na uli mangyayari `yon. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa `yon.”
“Sshh… It’s all right.” Hinalikan siya nito sa mga labi. “Pinapatawad na kita. Lagi kitang patatawarin sa kahit ano pa dahil mahal na mahal kita.”
Nangako sila ni Agatha sa isa’t isa na hindi na pag-uusapan ang nangyari. Na hindi na uli uungkatin ang tungkol doon.
“Reeve?”
Bumaling siya kay Agatha. He smiled at her. “Sweetheart, I’m sorry about yesterday. I was pushing you to like the kiss, to respond. I just thought you’d remember something about us… about our love.”
Nag-iwas ito ng tingin. “W-wala akong naaalala…”
Reeve could imagine a sharp blade swiping against his chest. Huminga siya nang malalim. “Maghihintay na lang siguro ako hanggang sa maalala mo na ako. Mas makakatulong din kapag nagsimula ka na sa mga kailangan mong treatments.”
“Huwag na lang tayong sumukong gawin ang makakaya natin para maalala kita,” parang nahihiyang sabi nito.
Reeve found it adorable when her cheeks reddened. Maputi si Agatha kaya mabilis makita ang pamumula ng mga pisngi nito. She was still his sweetest Agatha, innocent yet passionate.
“What do you mean?” he asked her.
“Maybe a kiss and touch won’t hurt. Maybe I’ll overcome the awkwardness, kung sasanayin ko ang sarili ko sa `yo imbes na layuan ka.”
Nalaglag ang panga ni Reeve. Did he hear her right?
Nagawa na ni Agatha na tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. “L-let’s try. If I’d get used to your touch and kisses, maybe…” Pahina nang pahina ang boses nito. “I won’t get scared. I don’t have to avoid you… If we’ll do it physically, my body would remember what my mind can’t.”
Gustong matawa ni Reeve nang sarkastiko. Agatha boldly offered him what? Just sex. JUST sex!
“Do you know what you’re even asking?” Bakit sa unang pagkakataon ay gusto niyang mainis kay Agatha? “Agatha, I wanted to make love with you because I love you. Hinalikan kita dahil umaasa akong maaalala mo ang feelings mo. Hindi ang kung paano humalik.”
“The familiarity of the act will make me remember you.”
“Will you be able to remember your love for me too?”
Hindi ito nakasagot. Napatayo si Reeve at lumabas ng kubo. Hindi na sila mga bata ni Agatha. Hindi na siya katulad noon na ang compatibility nila sa kama ang isang dahilan na nagpapayag sa kanya para pakasalan ito.
He couldn’t even stand to think of having an intimate moment with his wife just for the sake of it. Kahit minsan siyang naging gago, o kung gago pa rin siya ngayon, hinding-hindi na siya makikipagtalik sa asawa nang hindi kasama roon ang puso nito.
“Reeve!” habol sa kanya ni Agatha. “Mali ka ng iniisip. G-gusto lang naman kitang maalala nang mas mabilis. Baka makatulong ang sabi mong hilig nating gawin kapag tayong dalawa lang. Masakit sa akin na parang hindi ka kahit kailan naging parte ng buhay ko. Ayoko n’on. Ayokong makitang parang naiwan ka. Gustong-gusto na kitang maalala!”
Napalingon siya rito. The negative emotion in him instantly died down. Tumakbo si Agatha palapit sa kanya. Agad itong inabot ng mga bisig niya at ikinulong ito nang mahigpit sa mga iyon.
Niyakap siya ni Agatha nang mahigpit sa baywang. He felt her tense at first, but relaxed a bit later on.
Damn, he would trade anything and everything for this! Kahit yakap lang ni Agatha na hindi nito gustong pumiksi o itulak siya.
He kissed the top of her head. Sana… sana hindi lang naoobliga si Agatha na maalala siya dahil asawa niya ito. Knowing her, she would do what was in the rules even if she did not like to do it.
Sana gustong-gusto rin ni Agatha na maalala siya dahil gustong-gusto rin nitong maramdaman uli ang pagmamahalan nila.
MABILIS na natapos ang isang buong araw. Halatang nag-enjoy ang mga bata sa beach. Inihatid na nila si Sasa pauwi.
Bumaba si Agatha ng saksakyan at inalalayan si Sasa sa pagbaba. Hinawakan niya ang kamay ng bata at binitawan lang nang nasa loob na ito ng bakod ng bahay.
Itiniklop niya ang mga binti. “Nag-enjoy ka ba?”
“Opo! Ang sarap pala ligo sa beach, Inay! Masaya din laro ng sand castle. Bait-bait ni Ate Riana kasi lagi kami laro.”
Hinaplos niya ang buhok nito. “Mabuti naman. Babalik na lang kami bukas, ha?”
Tumango ito. “Anim araw na lang, Inay. Masaya ako.”
Hinalikan niya ito sa pisngi. Paalis na siya nang lumabas si Niel ng kubo. Nakauwi na pala ito.
“Itay!” Tumakbo si Sasa palapit dito. “Itay, punta kami ni Inay sa beach. Ganda doon. Malamig tubig!”
Ngumiti si Niel sa anak. “Masaya ba ang anak ko?”
“Opo! Masaya sobra!” Bumaling sa kanya si Sasa. “Balik ka bukas, Inay. Hintay ko kayo.”
Kumaway siya kay Sasa. Mukhang may gustong sabihin si Niel pero hindi naman ito nagsalita. Sa halip, umatras ito at nagyuko ng ulo.
Tiningnan lang niya si Niel. Naaawa uli siya rito.
Sana dumating ang panahon na makakita ito ng panibagong mamahalin, iyong puwede talagang maging ina ni Sasa. Napagod lang si Niel sa pagtataguyod nang mag-isa sa anak nito. Kaya siguro siya pinaniwala ng lalaki na asawa siya nito—maliban sa gustong buhayin si Seline sa kanya—ay dahil gusto rin nitong maranasan na magkaroon ng katuwang sa buhay.
“Susunduin uli namin si Sasa bukas,” imporma niya.
“Ihahanda ko si Sasa bago ako pumasok sa trabaho,” sagot naman ni Niel nang hindi tumitingin sa kanya.
Bumalik na si Agatha sa sasakyan. The children were all sleeping at the backseat. Napagod sa buong araw na pagtatampisaw at paglalaro sa beach.
Bumaling siya kay Reeve. Nagkasundo na sila ng asawa kanina kung paano ang gagawin sa pagsasama nila. Para din maalala niya ito.
Dahil kapag naalala niya si Reeve, posible ring maalala niya ang iba pang nangyari sa kanilang dalawa habang mag-asawa sila. Oo, puwede niyang tanungin si Reeve. Pero baka maging pili rin ang mga isagot nito sa kanya.
Madilim na nang makauwi sila sa town house na tinutuluyan sa Iddu. The kids woke up for dinner but slept immediately after.
Hindi maipaliwanag ni Agatha ang kabang nararamdaman. Pilit niyang itinanim sa isip ang payo sa kanya ng psychologist kaninang umaga.
Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower. She opened the bathroom. Nakasara ang shower panel kung saan naliligo sa loob si Reeve.
“Agatha?” Pinatay nito ang shower.
Unti-unti niyang inalis ang suot na damit. First was her blouse, then her skirt. Napalunok siya nang hubarin ang bra at underwear.
Huminga siya nang malalim. She was hoping this would be worth a try. Binuksan niya ang sliding door at matapang na pumasok.
She never knew she could be bold like this.
Natigilan si Reeve at humagod ang tingin sa buo niyang katawan.
“B-buksan mo ang shower…” sabi niya.
Nang bumuhos ang tubig sa kanilang dalawa ay hinila siya ni Reeve palapit. Agatha closed her eyes. Their bare skin touched.
Hinapit siya ni Reeve sa baywang, itinaas ang kanyang baba, at sinalubong ng halik ang mga labi niya. This time, Agatha knew how to respond. Tumugon siya at yumakap sa leeg ng asawa.
The cold water kept on pouring over them.
Reeve’s hand started to roam…
Napapikit nang mas mariin si Agatha.
May bigla siyang naalala… It worked!
“Reeve…” Niyakap niya mula sa likuran ang asawa. Katatapos lang nilang magtalik. “Reeve, do you remember about the theatre company that wanted me to be their pianist?”
Bumangon ito at inabot ang bathrobe. “Sweetheart, remember we also talked about this? Hindi ka magtatrabaho do’n.”
“Pero tatlong araw lang naman ang pasok. Hindi ko mapapabayaan sina Rainiel at Riana. Sabi nga nila sa akin, puwede kong dalhin ang mga anak natin doon tuwing may recording or practice sessions.”
Umiling si Reeve at tumayo. “It’s better if you’ll just stay here. Dito sa bahay natin. You told me you’re contented taking care of Rainiel and Riana, right? Bakit kailangan mo pang magtrabaho?”
“Hindi lang naman trabaho iyon, Reeve,” malumanay na sabi niya. Itinaas niya ang kumot sa hubad na dibdib. “Gusto ko ring bumalik sa pagtugtog. I still want to be a pianist. It’s still my dream. Tingnan mo si Trisha, napagsasabay naman niya ang pagiging pianist at pagiging nanay. Maybe I can also do it.”
Hinarap siya ni Reeve. “Sweetheart, look. Huwag mo nang pagurin pa ang sarili mo. Dito ka na lang sa bahay kasama ang mga anak natin. Ako na’ng bahalang magtrabaho para sa inyo. Forget that dream. You’re better here.”
Napakurap si Agatha at hindi na nakapagsalita pa. She felt a piercing pain in her chest. Hindi niya akalain na maririnig iyon mula mismo kay Reeve. Forget her dream?
She fought back her tears from falling.
Dumeretso si Reeve sa loob ng banyo. “Sweetheart, join me please.” Bumalik sa pagiging malambing ang tono nito.
Kahit masama ang loob ay inignora na lang ni Agatha ang nararamdaman. Should she make a big deal out of this? Hindi na pumayag si Reeve. Dapat ay sundin na lang niya ito para hindi na sila mag-away.
“Agatha…” tawag uli ni Reeve sa kanya. Narinig na niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Tumayo siya at sinundan ang asawa sa loob ng banyo. They made love under the shower. But it was the first time she made love with him feeling utterly empty.