noveltoon logo noveltoon
Man And Wife (Wifely Duties 2)

Chapter 4

Ch. 5 / 28 Feb 09, 2022

Chapter Four

*Weakness does not last.

Its length depends on one’s choice

to conquer his own.*

IT WAS Sunday. Reeve promised his children that after church, they would go to a mall and buy them new toys.

Pero sobrang sama ng pakiramdam niya. He started to sneeze nonstop. He might have caught a cold yesterday when it rained hard. Naulanan ba siya kahapon? Hindi niya maalala.

He tried to open his eyes but his vision became blurry. Napaungol siya at napabaluktot ng higa sa kama. Then he sneezed again… and again. Sunod-sunod.

Hindi naman siya sipunin at sakitin. Siguro dahil mahilig si Agatha na igawa siya ng masusustansiyang pagkain na ipinapadala nito sa opisina niya palagi tuwing tanghalian at merienda. Lagi pang may kasamang kalamansi, lemon, pineapple, o orange juice. Pampalakas daw ng immune system.

But since she went missing, no one did it for him anymore. No one cared for him like Agatha did.

Bago pa siya malunod na naman sa pangungulila sa asawa, mabilis nang inabot ni Reeve ang phone para tawagan ang mga magulang. Malapit nang magising ang kanyang mga anak at baka kapag nagpumilit siyang bumangon ay mahawahan pa niya ang mga ito.

He called his father first. Mabuti at gising na ito nang ganoon kaaga. Pupunta raw ito. Ang sumunod na tinawagan niya ay ang ina. Gising na rin ito at nangakong pupuntahan sila.

“Ilalabas muna namin ang mga bata, anak,” his mother said when she arrived. “Sasamahan ko si Roman at ang mga bata sa simbahan. Pagkatapos ay ipapasyal sila ng papa mo at babalikan naman kita dito.”

“I’m going to be okay, `Ma.” He sneezed. “Maybe I just need some rest.”

“Nagulat yata ang katawan mo sa mga gawaing-bahay at pag-aalaga sa mga anak mo.”

Siguro nga. Napakalamig din ng panahon kahit pinatay na niya ang aircon. “Just be with the kids, Mama. Samahan mo si Papa sa pag-aalaga sa kanila. Hindi sila kakayanin ni Papa. Dahil ako mismo mag-isa, hindi ko pa sila masyadong kaya.”

“Sigurado ka ba, Reeve?” Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata ng kanyang mama. “Gusto mo bang tawagan ko ang family doctor para—”

“I’m going to be okay, `Ma. Pinainom mo na rin ako ng gamot kanina. Pagbalik siguro ninyo ng mga bata mamayang hapon o gabi ay maayos na ako. I hope they’ll understand…”

“Mukha namang naiintindihan nila. Riana wants to kiss you before we leave pero sabi mo nga, baka mahawa pa ang mga bata kapag lumapit sa `yo.”

Itinaas ni Reeve ang comforter hanggang leeg. “Go ahead, Mama.” Ipinikit niya ang mga mata. “I’ll call if I really can’t handle it…” nanghihinang sabi niya.

Hindi na matandaan ni Reeve kung umalis ba agad ang kanyang mama. Nakatulog na kasi siya. Nagigising-gising siya nang kaunti dahil sa pagbahin.

Nagising lang siya nang tuluyan dahil sa pagkalam ng sikmura. Iminulat niya ang mga mata.

“Reeve?”

May naaninag siyang mukha ng babae. Nakatunghay sa kanya. Why was she here?

Napaungol siya nang makaramdam ng pananakit ng likod. Matagal na siguro siyang nakahiga.

“Is he waking up?” tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.

“I guess so. Naghanda ka na ng pagkain niya?”

Napakunot-noo si Reeve nang makilala ang mga boses.

“Sure do. Paborito ni Reeve ang inihanda ko. Reeve, gising ka na ba? Yuhoo! I’m here, your most handsome best friend with your only ex-girlfriend Lana!”

Parang matutuloy na sa trangkaso ang simpleng sinat niya.

“Reeve? Reeve?! Reeve!” Niyugyog siya nito nang malakas sa balikat.

“Goddammit, Prince!” he blurted out, pissed.

Natawa lang ito at pilit siyang hinila pabangon.

“Why are you here?” naiinis na tanong niya. Natutuwa naman siyang makita ang kaibigan pero bakit sa ganoong oras pa?

Ngumisi ito. “Nalaman namin ni Lana na may sakit ka. Wala daw mag-aalaga sa `yo, sabi ni Tito Roman, kaya nagprisinta akong samahan ka, bro. Na-miss kita, eh.”

Si Lana na lang ang binalingan niya. “Alam ba ng asawa mong nandito ka?”

Pinsan ni Agatha ang napangasawa ni Lana. At mula nang tumagal na at hindi pa rin mahanap si Agatha, nagsimula nang magalit sa kanya ang mga pinsan nitong lalaki. He couldn’t blame them. He was mad at himself too.

Tumango si Lana at nginitian siya. For a moment earlier, Reeve thought he saw Agatha. The two women’s resemblance was still striking.

“Dylan knows.”

“Pinayagan ka niya?”

“Ahm, pinilit ni Prince.”

“Wala siyang palag!” pagmamayabang ni Prince. “Tayong tatlo naman talaga nina Reeve ang original na magkakaibigan. Kahit ayaw ng asawa mo, wala siyang magagawa dahil kami ni Reeve ang nauna sa buhay mo.”

“Hmm. Actually, nagkakilala na kami ni Dylan noong mga mas bata pa kami. Elementary?”

“That does not count because you didn’t become friends. Hindi katulad namin ni Reeve. Ako, half brother mo pa. And Reeve was your first love!”

“Prince!” magkasabay na nilang saway ni Lana.

Damn! He suddenly missed his children. Mas okay pa ang ingay ng mga anak niya kaysa kay Prince.

Tumawa si Prince. “Kain ka na. May inihanda kami ni Lana na pagkain.” Nakangiting binalingan ni Prince ang picture ni Agatha sa bedside table. “Hello, Agatha. We’ll take good care of your husband here. Don’t get jealous with Lana being with Reeve, all right? Nandito ako para siguruhing walang ikaanim na utos ng Diyos na malalabag. Ouch!”

Binatukan kasi ito ni Lana.

Napabuga ng hangin si Reeve at tinanggap na ang pagkaing inihanda ng dalawa. While he was eating, Prince kept on talking while Lana was really the one tending to his needs.

“Nagagalit na din si Trisha sa `yo dahil best friend naman niya ang nawawala. Pero ang sabi ko sa kanya, mag-away na kung mag-away kami but I’ll stand by your side,” pagkukuwento ni Prince. “It’s easy to blame you because you’re taking all the blame, Reeve. Pero ipagtatanggol kita dahil alam ko sa lahat na ikaw ang taong hindi gugustuhing mawalan dahil sa mga nangyari noon. Of all people, you’re the first person who wouldn’t want to lose Agatha.”

Lana sighed. “I tried to talk to Dylan. `Yan din ang sabi ko. Oo at may mga naging pagkukulang si Reeve pero hindi iyon sapat para ibunton ang galit sa kanya.”

“Let them get mad,” sabi niya pagkatapos kumain. “They have the right. I admit I neglected my wife because of work. Alam ko kung gaano kaimportante sa kanila si Agatha. Hindi sila naniniwalang nawalan ako ng oras dahil sila, handang maglaan ng kahit ilang oras kapag tinatawag sila ng asawa ko.”

“Dapat matutuhan ka din nilang intindihin, dude. Ang nangyari kay Agatha, aksidente. Ang issue ninyong mag-asawa, labas doon. It’s true that God takes away people that we take for granted. But it’s a lesson for you to learn. And you must take it with our support and not with our anger. Lahat tayo dito, mahal si Agatha.”

Napatango-tango si Lana.

Magkasalubong ang mga kilay ni Prince. “Dapat hindi nagagalit sa `yo ang mga Anderson. Aba, inisa-isa nilang asawahin ang mga pinsan mo. Kamag-anak ka, a member of the family. Hindi `yong itinuturing kang kaaway. Ang tatanda na natin, `no!”

“Bakit ba parang mas apektado ka?” tanong ni Lana.

“Right. You should calm down, Prince.”

“Nababanas kasi ako kay Johann, eh,” tukoy nito sa kapatid ni Agatha na naging malapit na kaibigan din ni Prince. “Nang malaman niyang kampi ako sa `yo, hindi na `ko kinausap.”

Reeve sighed. Hindi na rin siya kinakausap ni Johann. Noong mga unang buwan ng pagkawala ni Agatha ay kasama pa si Johann sa mga nagpapalakas ng loob niya. But recently, he had been silent.

Hindi naman ipinapakita ni Johann na galit ito sa kanya, pero tumigil na rin ang pakikisimpatya sa kanya. His once jolly brother-in-law had become serious and cold towards him.

“Galit ka lang pala dahil dead-ma si Johann sa `yo,” tawa ni Lana. “Do you miss him already?”

Lumabi si Prince na parang isang bata. “Slight.”

Lana laughed. Napapailing na lang si Reeve habang nangingiti. May bago na namang kuwento si Prince mayamaya. Reeve found himself entertained.

Lihim niyang pinanood ang magkapatid, ang dalawang kaibigang minsan na siyang nasaktan pero dahil doon ay nakilala niya si Agatha at natutuhan niyang magpatawad.

I still have friends after all… He had someone whom he could openly share everything with.

“Hey, can I say something?” mahinang sabi niya na nagpatigil kay Prince.

“Sure,” nakangiting sabi ni Lana. “What about?”

Sumandal siya sa headboard ng kama at tiningnan ang mga kaibigan. He usually opened up with Agatha only. Para sa kanya, ang asawa ang pinakamagaang sabihan ng mga problema. But she was not here and he had been keeping a lot of emotions to himself lately.

“I... I failed. As a husband. And just this week, I’ve found out that I have mostly failed at being a father. I failed as a m-man…” He did his best to keep his voice calm. “I can barely keep up with my children’s different attitudes. Add to that the fact that I’m painfully missing my wife every second. I’m too afraid I would screw everything again because I did screw everything while Agatha was still here. Paano pa ngayong wala siya?”

Yumuko si Lana. Nag-iwas naman ng tingin si Prince. The emotion got heavier for the three of them.

“I’m sorry you have to go all through this, Reeve,” Lana broke the silence.

Napasinghot siya. “I deserved it.”

Prince was surprisingly quiet, not dropping his classic jokes.

“Gusto kong mas mapalapit sa mga anak ko. That’s why I still honor Agatha’s decision not to get even one nanny or maid. Because she likes everything in this house be managed by us. Hanggang sa mga bata. She wanted us to know them, be very familiar and close with them.” Napasabunot siya sa sariling buhok. “But I don’t think I can keep up with them. I’m a loser of a father.”

“Reeve, maraming paraan para mahuli mo ang loob ng mga anak mo,” sabi ni Lana. “I can share some ways. Si Prince din.”

Tumango-tango si Prince. “Puwede kitang tulungan. Humingi ka sa amin ng tulong. Hindi ka naman ‘others.’ And most importantly, if you think you’re a loser, you will be a loser. You are what you think. And if you keep on degrading yourself because of what happened before, hindi ka makakabawi niyan.”

“We all fail as parents, Reeve,” dagdag pa ni Lana. “But failure is a room for improvement. Pati bilang mag-asawa, nagkakamali tayo. Oo, malaki ang pagkukulang mo kay Agatha at wala pa siya ngayon para makabawi ka. Then try to make it up to your children instead.”

“Kung iniisip mong hindi mo mapapantayan si Agatha kaya loser ka, mali ka doon.” Itinuro pa siya ni Prince. “Reeve, iba talaga si Agatha. Iba si Trisha, iba si Lana, at iba tayong mga asawa nila. We should have our own way with our kids. Dapat lang uniform ang principles na itinuturo natin. But the way we bond with them? Iba-iba `yan.”

“That’s true,” pagsang-ayon pa ni Lana sa kapatid nito. “Alam kong hindi kami ang unang magsasabi nito sa `yo. Focus on your children, Reeve. `Yong energy mo sa pag-iisip na hindi mo makakaya, gamitin mo sa mga bata. Even the time you spend wallowing over Agatha’s disappearance, spend that time planning for activities that your children will love instead.”

“Pero hindi ko kayang kalimutan si Agatha…”

“No, you’re not going to forget her. But you should spend more of your time and energy on the things that are still here, Reeve. Like your children.”

“I-I know. But—”

“You’re not yourself anymore, Reeve. Gusto mo bang sa pagbabalik ni Agatha ay makita ka niyang ganyan? Gusto mo bang manatiling ganyan? If Agatha could see you like this, she wouldn’t be happy.” Prince crossed his shoulders. “Let go of Agatha for a while and hold your children tighter.”

Napatingin siya kay Prince, hindi makapaniwala. Let go of Agatha? Napailing-iling siya. His emotions were crumbling inside his chest.

“It doesn’t mean your love for her will be lesser, Reeve. Hindi rin ibig sabihin na ititigil mo na ang paghahanap sa kanya. It’s just that, it’s better if you’ll surrender her into God’s hands now.”

Reeve’s whole system wanted to disagree. Napakuyom siya ng mga kamay. His faith… he had lost it too.

The whole room fell silent. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ni Lana.

“Let’s go home, Allana.” Hinila ni Dylan sa braso ang asawa.

“Dylan, sandali lang. Nag-uusap pa kaming tatlo.”

“You know what? Let Reeve regret everything he had done. Don’t pacify him.” Matalim ang tingin na ipinukol ni Dylan sa kanya. “Siguro kulang pa ang pagsisisi mo. Siguro hindi pa sapat ang nararamdaman mong sakit para maawa sa `yo ang Diyos at ibalik sa atin si Agatha.”

“Dylan, honey, ano ka ba? Hindi mo dapat iyan sinasabi kay Reeve—”

“No! That ass should be slapped with all the truths in this world. Madali na ngang ibinigay sa kanya ng Diyos si Agatha, sinayang pa niya. Nadamay pa ang mga bata.” Pinukol na naman siya ni Dylan ng matalim na tingin. “Kung hindi lang ako pinipigilan nina Kuya Bari, I’ll fucking shoot your head off your body!”

Tumayo si Prince. “Dude, wala namang ganyanan. We’re family here. Sa pagbalik ni Agatha, doon puwedeng maayos ang lahat ng issues nilang mag-asawa. Hindi na tayo kailangang dumagdag pa. Reeve is already hurting.”

Umiling si Dylan at hindi pinansin ang mga sinabi ni Prince. Tiningnan uli siya nito, nagbabaga ang mga mata sa poot. “Alam mo kung ano ka na noon pa, Reeve? You’re a weak piece of shit.”

“Tumigil ka na sabi!” sigaw ni Lana sa asawa bago bumaling sa kanya. “I’m sorry. Aalis na kami. Magpagaling ka, Reeve.”

Dylan stormed out of the room. Sumunod si Lana pagkatapos siyang ibilin kay Prince.

“I thought he was just acting,” Prince said. “Pero mukhang hindi na nila kayang idaan sa biro ang lahat.”

“Mama told me the Andersons hired their own private investigator,” mahinang sabi ni Reeve. He suddenly became numb. Masakit ang mga sinabi ni Dylan. Ramdam niya ang pagkamuhi sa bawat salita at tingin nito. Pero hindi siya nagagalit dito. Wala siyang karapatang magalit dahil totoo naman.

“Reeve, huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ni Dylan. Galit lang `yon at saka alam naman natin na dati rin siyang may gusto kay Agatha. At sa lahat ng magpipinsan, kay Agatha siya pinakamalapit.”

Tumango siya. Humiga na lang uli siya at ipinikit ang mga mata. “Go home too, Prince. Baka mag-away pa kayo ni Trisha. You have great relationships with your families. Sasabihan ko rin ang mga pinsan ko. Ayokong may madamay pang ibang relasyon dahil sa kampihan. In the first place, you shouldn’t side with me.” Dahil kahit sarili niya, hindi niya kakampihan o ipagtatanggol man lang.

May gusto pang sabihin si Prince pero napansin ni Reeve na pinili na lang nitong huwag iyong ituloy.

Nagbuga ito ng hangin. “Okay, I’ll go. Pero pag-isipan mo ang mga sinabi namin ni Lana kapag bumuti na ang pakiramdam mo. Huwag mong pansinin si Dylan. Galit lang `yong tao.”

When Reeve was all alone again, he lay down and turned to Agatha’s side of the bed. Kinuha niya ang paboritong unan ng asawa at niyakap iyon.

Umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi nina Lana at Prince. Then Dylan’s angry remark.

Mas naramdaman niya ang pagsama ng pakiramdam.

Siguro nga ay kulang pa ang pagsisisi niya. Kulang pa ang nararamdaman niyang sakit. Dylan was right; he was a weak piece of shit.

But he couldn’t continue being one if he didn’t want to lose his children too.

“Fallin’ out, fallin’ in. Nothing’s sure in this world, no, no…” kanta niya sa nanghihinang boses. Agatha would always sing to him when he was sick, sad, or disturbed. Agatha had the gentlest voice that could calm his whole system.

Napahigpit ang pagyakap niya sa unan. Isinubsob pa niya ang mukha roon. “Breakin’ out, breakin’ in. Never knowin’ what lies ahead. We can really never tell it all…”

He had to make a firmer choice after this.

“Say goodbye, say hello to a l-lover or friend. Sometimes we never could understand why some things begin then just end…” Humikbi siya. “W-we can really never have it all…”

Before he could finish the song, his tears fell once again. Maybe the tears would not stop falling because he had no intention to stop crying for Agatha. “Sweetheart…” bulong niya na siya lang din ang nakakarinig.

“SWEETHEART…”

Natigilan si Seline sa pagsusuklay sa buhok ni Sasa. Narinig ba talaga niya iyon o isa lang iyong boses sa nawala niyang alaala?

Tuwing naririnig iyon, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi niya iyon sinasabi kay Niel dahil ibang lalaki ang nagmamay-ari ng boses. Baka magtampo pa ang kanyang asawa na ibang lalaki pa ang naaalala niya.

But it was just a voice. Saka hindi pa naman siya sigurado kung siya nga ba talaga ang tinatawag. But a part of her was convincing her that she knew it was her.

“Inay, hindi pa uwi si Itay?”

Inignora na lang uli ni Seline ang narinig at ipinagpatuloy ang pagsusuklay kay Sasa. “Hindi pa. Nagtatrabaho kasi ngayon ang Itay nang magdamag. Kailangan kasi natin ng pera para masabihan uli ang mga pulis tungkol kay Ate Ganda. Pero malapit na rin siyang umuwi. Bukas, makikita mo na ang itay mo.”

Hindi makakuha ng sideline sa construction si Niel kaya tinanggap na lang nito ang isa pang shift sa minahan. Isang linggo nang ginagawa iyon ng asawa kaya hindi na ito nakikita ni Sasa. Pero patapos na rin naman iyon ngayong araw. Ang alam niya ay uuwi na si Niel mamayang madaling-araw.

Pagkatapos suklayan ang anak ay pinatulog na niya ito. Natulog na rin si Seline pero mababaw lang para magising siya pagdating ng asawa.

Nagising siya ng mga bandang alas-kuwatro ng umaga. Bumangon siya at nag-ayos. Hinalikan niya sa noo si Sasa na mahimbing na mahimbing pa ang tulog. Nagpunta siya sa kusina at nagsimulang magluto ng pagkain para kay Niel.

Dumating ang kanyang asawa eksaktong katatapos lang niyang magluto ng sinangag at pritong tinapa.

“Magandang umaga…” pagod na pagod na bati nito.

“Magandang umaga. Naghanda ako ng almusal,” nakangiting sabi niya. “Kumain ka muna bago ka magpahinga.”

Tumango ito at umupo sa hapag. “Kumusta kayo ni Sasa?”

“Maayos naman kami. Napagkasya ko naman ang iniwan mong panggastos habang wala ka.” Sa site na rin kasi natutulog ang asawa para daw hindi na ito gagastos ng pamasahe para sa ikalawang shift. “Ikaw, kumusta?”

“Nakuha ko na ang sahod ko ngayon kasama na ang kinita ko sa magdamag nang isang linggo.” Matamlay ang boses ni Niel kahit nakangiti. “Makakapunta na uli ako sa sentro para i-report ang tungkol sa singsing at kung sa aling pamilya posibleng parte ang babae.”

Tiningnan ni Agatha nang mabuti ang asawa. Ang bagal kasi ng mga kilos nito habang kumakain. Laglag ang mga balikat nito. Alam niyang pagod ito pero…

Awtomatikong dumapo ang kamay niya sa noo nito. “May sakit ka?” Mainit ito nang bahagya.

Iniiwas ni Niel ang noo. “Sinat lang. Gagaling din `to.”

“May naitabi akong gamot. Sandali lang.” Bumalik si Agatha sa kuwarto at walang ingay na nakuha ang naitabing paracetamol. Paglabas niya ay parang hirap na rin si Niel na maubos ang pagkain.

“Ayaw mo na bang kumain?” nag-aalalang tanong niya.

“P-pasensiya na. W-wala lang akong gana—” Umubo ito. Tumayo na ito at naghugas ng mga kamay.

“Inumin mo `to,” sabi niya, sabay abot dito ng gamot at isang baso ng tubig.

Agad namang ininom ni Niel ang gamot. “Bumalik ka na sa pagtulog, Seline. Itutulog ko lang din `to. Mamayang umaga, siguradong ayos na `ko.”

Nilagpasan na siya ni Niel; humiga na ito sa papag sa sala. Nagkumot ito hanggang leeg.

Hindi magawa ni Seline na basta na lang bumalik sa pagtulog habang masama ang pakiramdam ng asawa. Niligpit na lang niya ang pinagkainan nito at itinabi ang natira pang pagkain. Pagkatapos ay nagpakulo siya ng tubig at kumuha ng bimpo. Kusa ang pagkilos ng kanyang katawan. Parang hindi iyon ang unang beses na nag-asikaso siya ng asawang may sakit.

Lumuhod siya sa gilid ng papag. Sinalat niya ang noo ni Niel. Mas mainit pa ito kaysa kanina! Napaungol ito at halata sa buong mukha ang masamang pakiramdam.

Naglagay siya ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana. Inilublob niya ang bimpo roon at saka piniga. Pagkatiklop nang maayos sa bimpo ay ipinunas niya iyon sa mukha ng asawa.

“Seline…” ungol nito at bahagyang idinilat ang mga mata.

Nginitian niya ito. “Magpahinga ka lang. Ako na’ng bahala. Pabababain lang natin ang lagnat mo.”

“P-pasensiya na…” Napapikit ito at bumigat ang paghinga.

“You don’t have to be sorry. Asawa kita kaya dapat lang na alagaan kita.”

Kahit naman hindi pa rin siya kumportable kay Niel, hindi sapat iyon para hayaan lang niya ito habang may sakit.

“At sa tingin ko, nasagad mo ang katawan mo ngayon sa trabaho. Ginagawa mo ang lahat para sa amin ni Sasa at sa pasyente natin.” Tiniklop na niya ang bimpo pagkatapos mapunasan ang buong mukha at leeg ng asawa. Inilublob uli niya iyon sa maligamgam na tubig, piniga nang mabuti, saka ipinatong sa noo nito.

“Pasensiya na…” hingi pa rin nito ng tawad.

Umiling si Seline. “Ako ang dapat na humingi ng pasensiya. Hindi ko pa rin kayang gawin ang ilang tungkulin bilang asawa mo. Pinipilit ko naman pero sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin. Hayaan mo na lang ako na asikasuhin ka,” mahinhing sabi niya.

Idinantay niya ang kamay sa braso ni Niel. She gently stroked his arm. Nasorpresa siya sa sarili nang kantahan ito bigla. But it felt like it was the most natural thing to do. Gusto niyang kantahan ang asawa. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam nito kapag mas naging relaxed ang katawan.

“But, oh, can’t you see? That no matter what happens, life goes on and on...” Hindi na niya pinag-isipan maging ang kanta. It came out naturally like she used to sing it before. “And so, baby, just smile `cause I’m always around you. And I’ll make you see how beautiful life is for you and me…”

Hindi niya akalain na marunong pala siyang kumanta.

“Take a little time, baby. See the butterflies’ colors…” she sang softly as she continued to stroke his arm. “Listen to the birds that were sent to sing for me and you…”

“Seline…” bulong ni Niel at hinuli ang kamay niyang nasa braso nito. Hindi niya binawi ang kamay kahit pa iyon ang sinasabi ng kanyang sistema. May sakit ang kanyang asawa. Hindi niya muna dapat isipin ang sarili.

Hinayaan niya itong hawakan ang kanyang kamay. Masuyo nito iyong hinalikan at ipinatong pa sa dibdib nito. Sa mapupungay na mata ay sinalubong nito ang titig niya.

“Mahal kita,” sabi nito.

Napakurap-kurap si Seline. Mula nang maaksidente ay ngayon lang niya narinig iyon mula kay Niel.

Pumikit na uli si Niel, hindi naghintay ng sagot.

Nakahinga nang maluwag si Seline. Hindi kasi niya alam kung paano tutugon. Kagaya ng alaala niya, nakalimutan din niya ang damdamin para sa asawa.

Hinintay niya na bumaba ang lagnat ni Niel. Kinaumagahan ay hindi na ito ganoon kainit. Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay.

Matindi ang kagustuhan ni Seline na bumalik ang pagmamahal niya sa asawa. Iignorahin na lang ba niya ang damdaming pumipigil sa kanya na makipaglapit dito?

Baka kaya parang may pumipigil sa kanya ay dahil hindi pa niya magawang maniwala na ito talaga ang buhay niya? Paano kung simulan niya na lang maniwala na ito talaga ang buhay niya bago pa siya mawalan ng alaala? Sa pagtanggap niya ay siguradong wala na ring pipigil sa kalooban niya na mapalapit uli ang loob sa asawa…

Isa pa, nariyan si Sasa. Gusto niyang lumaki ito sa isang mapagmahal na pamilya. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak. Iyon ang sigurado siya kahit nawala pa ang alaala niya.

Niyuko niya si Niel na mukhang bumuti na ang pakiramdam dahil sa kapayapaan sa guwapo nitong mukha.

“Magpagaling ka…” Hinaplos pa ng isang kamay niya ang buhok nito.

Siguro ay siya lang ang nag-iisip na maling lalaki si Niel. Pero may anak na sila, kasal sila, asawa niya ito… She should always think the best of him.

Dapat siguro niyang pag-aralan na mahalin ito.

REEVE smiled at his children. “We’re going to have a new schedule,” he announced.

“New schedule?” nagtatakang tanong ni Rainiel. “What’s that?”

Nang gumaling si Reeve mula sa sakit ay bigla ring luminaw ang isip niya. At sa lahat ng sinabi nina Lana, Prince at Dylan, isa lang ang naging desisyon niya. He would stop being weak and a loser today.

“We’ll simply change a little bit of our routine. You will have a Daddy t ime,” sabi niya sa masiglang boses.

Hindi niya lubos na maintindihan ang sarili but he felt lighter in the heart since his fever ended.

“Daddy t ime?” nakangiting sambit ni Riana. “That sounds fun, Daddy!”

“Yes, it is. And Daddy will have Rade Time, Adam Time, Riana Time, and Rainiel Time.”

Nagsalubong ang mga kilay ng kanyang panganay. “That’s too many.”

“Every day, you will help me take care of your siblings whenever it’s not your Daddy t ime.”

On Mondays, he planned to spend most of his time knowing how to take care of Rade. And also, that was Rade’s “Daddy Time” with him.

“Monday is ‘Rade Time’ for Daddy. Rainiel and Riana, you must look after Adam for me while it’s ‘Rade Time’ for me.”

“Oooh!” Riana’s eyes twinkled. “When is ‘Adam Time’ for Daddy?”

“Wednesday is Adam’s ‘Daddy Time’ and my ‘Adam Time.’ You have to take care of Rade. And Friday is my ‘Riana Time.’”

Pumalakpak si Riana. “Friday is my Daddy Time!”

Tumango si Reeve at binalingan si Rainiel. “Every Friday, Grandma will come here to help you look after Rade and Adam.”

“When is Kuya Rainiel’s Daddy Time, Daddy?”

“Every Saturday.”

“I have soccer practice every Saturday,” angal ni Rainiel.

“Then I’ll come with you.”

Hindi kumibo si Rainiel pero nakasimangot ito. Sinadya ni Reeve na Sabado ang Rainiel Time niya para masuportahan ang anak sa paglalaro ng soccer. Rainiel was already nine and loved the sport Reeve used to play when he was younger. Naisip niyang doon sila magkakasundo ng anak. Mapapalapit ang loob ni Rainiel sa kanya.

“Monday is Rade’s ‘Daddy Time,’ Wednesday is for Adam, Friday is for me, and Saturday is for Kuya Rain,” Riana recited. “How about Tuesday, Thursday, and Sunday, Daddy?”

“Tuesday and Thursday are my Rade, Adam, Riana, and Rainiel t ime altogether. Sunday is… God’s time for all of us.”

“Wow! I like that, Daddy!” Riana squealed.

“Thank you, darling. You’ll help Daddy, right?”

“Yes!”

“How about you, Rainiel?”

“I’ll think about it first.” Nagkibit-balikat pa ito.

Tumango lang si Reeve. He would give his son some time to think it over.

Reeve served their breakfast on time. The babies didn’t have to cry for milk. Kailangan lang pala niyang gumising isang oras bago magising ang mga anak para maihanda ang lahat.

Prince and Lana were right. Focusing his energy on his children more would help him keep up with them. He had to lessen his crying over Agatha’s disappearance.

His choice was to also let go of Agatha, not because he had given up on finding her but because he loved Agatha so much that while she was away, he promised he would never fail her again. Isa pa, hindi ibig sabihin na por que nawawala ang kanyang asawa ay hahayaan din niyang mawala ang tiwala niya sa Diyos. Agatha helped him believe in love and God again. Loving her was keeping the wisdom she shared and the faith she was most proud of.

He would learn to be the father his children deserved today.