Chapter Ten
*The missing found.
The truth revealed.
Yet, life still has secrets in hiding.*
“NAGISING na siya kanina. Lumabas lang ako saglit para ikuha siya ng tubig. Pagbalik ko ay wala na siya!”
“Sandali, tumakas ba siya?” tanong ni Johann. “Pero kung kagigising pa lang niya, wala pa siyang gaanong lakas para makatayo man lang.”
Tumango ang nurse. “Iyon nga ang ipinagtataka ko. Mahinang-mahina pa dapat siya. Dumaing pa nga siya kanina na masakit daw ang likod niya at uhaw na uhaw kaya kumuha ako ng tubig. Pero pagbalik ko ay wala na siya.”
“Baka hindi pa nakakalayo,” sabi naman ni Hasmin. “Baka mapaano siya, Diyos ko!”
Nagtawag na ng tulong sina Ena at Hasmin sa labas. But Agatha froze in her position…
Nanlamig ang buo niyang katawan.
“Agatha?” Hinawakan siya ni Johann sa magkabilang balikat. “Namumutla ka!”
Tiningnan niya ang lalaki.
Isang linggo.
Isang linggo pa lang mula nang makilala niya ito. At pagkatapos ay mabilis nang nagsunod-sunod ang pagkaalala niya sa totoong pangalan, ang pagkatuklas niyang hindi niya tunay na pamilya sina Sasa at Niel, na sa loob ng mahigit pitong buwan ay nabuhay siya sa kasinungalingan, na hindi ito ang buhay niya.
“Sweetheart…”
“Ah!” Napahiyaw sa sakit si Agatha at nasapo ang ulo.
“Agatha? Agatha, a-ano’ng nararamdaman mo?” Hinapit siya ni Johann sa balikat. “Agatha?”
Tears started to fall from her eyes when the pain in her head didn’t subside. Mas lumala pa iyon. Parang may pumupukpok nang malakas sa kanyang ulo. “Ahhh!”
She gasped for air.
“Agatha, talon!”
“Agatha!!!”
Umikot ang buo niyang paningin. Bumuway siya sa pagkakatayo. Agad siyang nasalo ni Johann. Naramdaman niya ang pag-angat ng mga paa sa lupa.
“Mommy, look! I can play the piano like you…” Rainiel smiled at her.
“Mommy! You’re so pretty.” Yumakap at humalik sa kanya si Riana. “I love you, Mommy. I believe Adam and Rade loves you too!”
“Mommy needs to go for a while, all right? May charity mission lang akong pupuntahan. Babalik ako kaagad.”
Naramdaman ni Agatha ang unti-unting pagkaubos ng hangin sa mga baga niya.
“Agatha! Agatha?” Naririnig pa niya si Johann.
Hanggang sa lumayo nang lumayo ang boses nito. Everything fell into silence. She closed her eyes.
Agatha was inside a bus…
KAUUWI lang ni Reeve mula sa pakikipag-usap sa private investigator. Asang-asa ang puso niyang anumang oras bukas, pagkarating nina Ivan sa Kab-Laaw, Iddu ay agad na matatagpuan ng mga ito si Agatha.
“Daddy!” Tumakbo si Riana sa kanya at sinalubong siya ng yakap. “Daddy, you’re happy!”
“I am. Very!” Hinalikan niya ang anak sa buong pisngi. “What do you want for your birthday again?”
“Si Mommy!”
Hindi napigilan ni Reeve ang mapangiti. Sigurado siyang hindi na sila mabibigo ngayon. “Then Mommy will come home.”
Namilog ang mga mata nito. “Really, Daddy?!”
Positibo siyang tumango.
Buong gabi ay hindi nakatulog si Reeve. He was too excited for Ivan’s news for tomorrow.
Reeve prayed. He prayed real hard. Oras na sabihin ni Ivan na nandoon nga ang asawa niya, walang kaabog-abog na pupunta siya sa Kab-Laaw!
Night came. Napabangon siya nang marinig ang pag-iyak ni Rade. Agad niya itong binuhat mula sa crib at iniugoy sa mga bisig niya.
“Don’t cry… don’t cry… Mommy’s coming home…” masaya niyang pag-alo sa kanyang bunso.
Walang espasyo ang negatibong isipin sa isip ngayon ni Reeve. All he had was hope, optimism… He refused to think that another lead would be a dead end.
Hindi na mangyayari iyon. Makikita na si Agatha ngayon!
Buhay na buhay pa ang buong sistema ni Reeve. Alas-dose na ng hatinggabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. He was a picture of a very enthusiastic man.
Agad siyang napatingin sa cell phone nang tumunog iyon.
Nagmamadaling inabot niya iyon. Was this his private investigator already?
“Johann?” Napakunot-noo siya nang makitang pangalan ng bayaw ang nakarehistro bilang caller. Sinagot niya ang tawag. “Hello?”
“Reeve?”
Napatuwid siya ng upo. Matagal niyang hindi nakausap ang bayaw kaya hindi siya sigurado kung ano ang pakay nito.
“J-Johann! I’m surprised you called. May kailangan ka ba?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
Johann was known to be a very jolly, friendly, and humorous man. Tuwing kausap niya ay lagi itong masayahin. Parang si Prince. Parang walang pinoproblema.
“Problem? Si Sapphire ba?” naitanong na lang niya dahil kapag tumatawag ang bayaw sa kanya dati, ibig sabihin ay may problema ito sa pinsan niya.
“Hindi. Hindi. Ayos naman kami ni Saphi. Ahm, Reeve, may gusto akong sabihin sa `yo.” Puno ng kaseryosuhan ang boses nito. “Pero may pabor din akong hihilingin.”
Bigla siyang nagtaka. Matagal siyang hindi kinausap ni Johann kaya bumangon ang kuryosidad sa dibdib niya. “Ahm, all right. I guess it’s very important since it’s already midnight. Is there any problem?”
Humugot si Johann ng malalim na hininga. “Nahanap ko na si Agatha. Pumunta ka agad dito sa Iddu Town Central Hospital.”
Eight months ago
“I’M REALLY sorry, sweetheart.” Niyakap siya ni Reeve. “Hindi ako makakasabay sa pag-alis ngayon ng bus papuntang Ifugao.”
Napakurap si Agatha. Disappointment easily crept inside her chest. “Pero, Reeve, may usapan tayo.”
“I know, I know. I’m sorry.” Hinaplos nito ang kanyang mukha at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. “But you see, nagkaroon ng emergency sa hotel. I need to be there. Kung gusto mo, sumunod na lang tayo bukas. We’ll take a plane going to Ilocos instead. And then from there, we can hire a private car going to Ifugao. Makakaabot pa rin tayo sa first day ng charity mission.”
Pinilit ni Agatha na ngumiti. “Marami kasing naghihintay sa atin na pupunta ngayon sa assembly place. But I understand. Sumunod ka na lang bukas. Mauuna na `ko ngayon.”
She held back her tears. Ang rason kaya pinilit niya si Reeve na sumabay sila sa ibang volunteers sa bus ay para twelve hours sana silang magkakasama sa biyahe.
She was imagining that she and Reeve would have more time together. Iyong magkatabi lang na nakaupo sa bus, magkahawak-kamay, nagkukuwentuhan…
Bihira na niyang makasama ang asawa nang sosobra sa labindalawang oras. Kaya nga kahit na may kapasidad silang mag-eroplano na lang ay talagang pinakiusap niya rito ang pagsakay na lang nila ng bus.
Nangako ito sa kanya noon…
“Susunod na lang ako. Is it okay with you to take the twelve-hour bus ride alone?”
Tumango si Agatha. Naiintindihan niyang may emergency sa hotel. Pero nagrerebelde ang puso niya. Baka mawawala rin ang selfishness sa puso niya kapag sumakay na siya ng bus papunta sa charity mission ngayon. Para bukas, pagdating ni Reeve doon ay maayos na uli siya; hindi na siya nagtatampo sa asawa.
“Okay. I have to go. Ihahatid na lang kita sa assembly place ngayon. I’ll get our things.”
Mabilis itong umakyat sa hagdan.
“Mommy!” Tumakbo palapit sa kanya si Rainiel. “Mommy, do you really have to go?”
“Yes. I told you about this, right, baby?” Itiniklop niya ang mga binti. “Three days lang naman. Kasama ko rin si Daddy. Babalik kami kaagad.”
Nalukot ang mukha nito. “But I heard Daddy’s not coming with you anymore.”
“Susunod naman siya bukas.” Niyakap niya ang panganay na anak. “Take care of your siblings, all right? I love you.” Matunog niya itong hinalikan sa pisngi.
“Mommy, take care!” Riana said sweetly. Lumapit ito sa kanila at yumakap din sa kanya. “I’m going to miss you, Mommy.”
“Don’t forget to pray, baby, ha? And also, always be kind. Behave. Lalo na sa grandma ninyo. Siya muna ang mag-aalaga sa inyo.”
Tumango ito. “Yes, Mommy.”
“Ano’ng gusto ninyong pasalubong?” tanong niya sa dalawa.
“Soccer ball!” Rainiel answered excitedly.
“I just want you to come home safely, Mommy,” malambing namang sabi ni Riana.
Niyakap niya ang dalawa. Parang ayaw na niyang umalis. Kaso, nakapangako na siya sa organizer ng charity mission na sasama siya.
Tumayo si Agatha at nilapitan sina Adam at Rade na naglalaro sa loob ng iisang crib.
“Mommy!” Adam extended his little arms.
“Hi, Baby Adam.” Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. “Mommy needs to go for a while, all right? May charity mission lang akong pupuntahan. Babalik ako kaagad.”
Niyakap pa uli niya si Adam at hinalikan bago ibinaba. She did the same with Rade. He was still too little and fragile.
“Mama, nag-pump po ako ng breast milk para kina Adam at Rade. Aabot po iyon hanggang sa makauwi ako,” bilin niya sa biyenan.
“Of course. Siyanga pala, susunod na lang daw si Reeve bukas? Bakit hindi na lang kayo magsabay?”
“Mas maganda pong mauna na ako doon.” Para magpalipas ng tampo. “Marami na po kasi akong kaibigan na nasabihan kong sasabay ako sa bus kasama sila.”
Tumango ito at niyakap siya. “Mag-iingat ka.”
“Agatha, let’s go.” Bumaba si Reeve buhat ang maleta niya. Magkasama na roon ang mga gamit nila.
Pagkasakay sa sasakyan ay hindi na sila nakapag-usap ni Reeve. Kausap kasi nito sa speakerphone ang secretary nito. Narinig niya kung gaano kalaki ang problema sa hotel. Iyon ang klase ng problema na hindi kayang palagpasin ni Reeve.
Pagdating sa assembly place ay marami nang tao.
“B-bye…” nahihirapan niyang paalam sa asawa. Hindi niya alam kung bakit. Hinalikan niya ito sa pisngi.
“I’ll see you tomorrow, sweetheart. Take care for me.” Mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi.
Nag-ring ang phone ni Reeve at agad itong sumenyas na aalis na.
Tumango si Agatha. Nagmamadaling sumakay si Reeve at humarurot na paalis ang sasakyan nito.
Agatha sighed. Hinila na niya ang maleta at pinilit na ngumiti. “Magiging okay din ako. Magiging ayos din ang lahat,” she whispered to herself.
Magtatampo lang siya kay Reeve ngayong gabi. Bukas, ayos na siya. Baka makatulong ang mga makikita niyang view sa biyahe mamaya. Magdadasal din siya. Maybe the Lord wanted her to spend a quiet time alone while in the bus. Wala na siyang katabi.
Nang makasakay na siya sa bus ay nakikipagkuwentuhan sa kanya ang iba pang volunteers. Every year ay ginagawa ng church nila ang ganoong charity mission sa mga remote areas ng Mountain Province. Ngayon lang sila nakasama ni Reeve dahil sa pagkaabala ng asawa niya.
“Agatha, are you okay now?” pangungumusta sa kanya ni Kuya Dylan habang kausap niya ito sa phone. Nagsimula na ring bumiyahe ang bus at mag-isa na lang siya sa upuan.
“A lot more better, Kuya. Pasensiya na last week, ha? Kayo pa ang naiyakan ko,” tukoy pa niya sa dalawang pinsan na sina Kuya Ramses at Kuya Charlie, kabilang ang kapatid niyang si Johann.
Dumarating sa buhay ng tao na napupuno ng sakit ang damdamin nito. And Agatha could not help but vent out all of her frustrations and disappointments with Reeve.
Mahal na mahal niya ang asawa. She had been dreaming of Reeve ever since she was a child. Reeve Monteverde was a dream come true for her, lalo na nang matutuhan din siyang mahalin ng asawa. The start of their marriage was a real bliss…
But it faded. It stopped somewhere. Wala naman silang problema ni Reeve. Pero iyon nga siguro ang problema, hindi sila nagkakaproblema ng asawa. Bakit? Dahil walang oras si Reeve para makipagdiskusyon at hindi naman maatim ni Agatha na awayin ang asawa na laging pagod galing sa trabaho.
Instead, she always tried to understand. She devoted her time on keeping their house homey and taking care of their children.
Hindi siguro talaga niya naiintindihan ang mga bagay-bagay. Ang mga issue na hindi nila mapag-usapan ng asawa ay hindi nabibigyan ng solusyon dahil iniignora lang. O kaya naman ay magkakasolusyon pero panandalian lang at babalik na naman sa dati.
Her heart could not take the fact the she was indeed neglected by the love of her life. Iyong lalaking nangako na ibibigay sa kanya ang lahat… ibinigay nga nito. Maliban sa oras at atensiyon.
Reeve loved her, that she was sure of. She never doubted that. But maybe he just loved his job more.
“Ang mahalaga, maayos ka na. Kasama mo si Reeve ngayon sa biyahe, hindi ba?” tanong pa ng pinsan niya.
Nakagat ni Agatha ang labi at napatingin sa bakanteng puwesto sa tabi niya. “Ahm, s-susunod na lang daw siya, Kuya.”
“Damn him.”
“Kuya Dylan,” saway niya. “It’s all right. Ang mahalaga, susunod siya.”
“Hinayaan ka niyang bumiyahe nang mag-isa?! That son of a bitch—”
“Sshh… Kuya, you praise God with those lips. Don’t use it to curse others,” maingat niyang paalala sa pinsan.
Nagbuga ito ng hangin. “You’re right. I’m sorry. I just can’t help it. Hindi ko alam na ganyan na kawalang kuwenta ang asawa mo.”
“Kuya, nagkaproblema lang sa hotel. Alam mo naman kung gaano kalaki ang mga hotel, lalo na at VP ka doon dati. Huwag ka nang magalit kay Reeve. Gusto niyang magsabay kami bukas pero ako naman ang nagsabi na mauuna na `ko—”
“Hindi ka man lang niya pinilit na magsabay na lang kayo? Hinayaan ka lang niyang bumiyahe nang mag-isa?” inis na sabi uli nito.
Wala nang naisagot si Agatha.
“Huwag ka nang tumuloy. Baka mapaano ka pa.”
“I’m okay, Kuya Dylan. Thank you so much for calling me. Magkasama naman na kami bukas ni Reeve. I’ll follow your advice to talk to him now that he’ll have time to listen to me. Huwag ka nang magalit sa kanya, please?” paglalambing pa niya sa pinsan.
Kumalma naman ito at tinapos na ang tawag.
Tumawag din ang kapatid niya.
“Mag-isa ka lang?” nag-aalalang tanong nito. “Huwag ka na kayang tumuloy?”
“Kuya, nakalabas na ng Manila ang bus. I’m going to be fine. Para kang si Kuya Dylan, eh. Alalang-alala naman kayo sa `kin, eh, hindi naman na ako baby.”
“Sila, nakita kang baby. Ako, hindi. Kaya ngayon na lang kita puwedeng-i-baby,” nakatawang sabi nito. “O, mag-ingat ka na lang, ha? Ano, huwag kang sasandal sa bintana habang may background music. Baka makagawa ka bigla ng music video diyan.”
She giggled. “I love you, Kuya. I’ll take care.”
“Sige. Tumawag ka kapag may problema, ha? Lab you too!”
Pagkababa ng phone ay hinintay naman ni Agatha ang tawag ng asawa para kumustahin man lang kung nasa biyahe na siya at kung ayos lang ba siya.
Pero apat na oras nang bumibiyahe ang bus ay wala pa ring tawag mula kay Reeve. Tumawag siya pero ang secretary nito ang sumagot. Nasa meeting pa raw si Reeve.
Agatha’s heart felt heavier when eight hours had passed and still, no call or reply from her husband.
Tumingin siya sa labas ng bintana nang huminto ang bus sa isang gas station. Nagbabaan ang ilang sakay ng bus para gumamit ng CR.
Nanatili sa loob si Agatha. Gabi na pala, noon lang niya napansin. Tumingin siya sa phone. Walang signal. Baka tinatawagan na siya ni Reeve.
Nagsibalikan na ang mga tao sa loob ng bus nang may mapansin siyang magandang babae na umakyat at kinausap ang isang organizer. Maputi ito, mahaba ang buhok at mukhang manyika. Naka-pants at white shirt ito na may tatak na “Good Girl.” May sukbit itong camouflage bag.
“Everyone, may makikisabay sa atin hanggang Ifugao. Naiwan siya ng bus na sinasakyan niya kaya naman let’s offer her a free ride. Let’s be kind to her.”
Binati nila ang babae. Mayamaya ay napansin niyang naghahanap ito ng bakanteng upuan.
“Hi!” sabi niya, sabay kaway sa babae. Napatingin naman ito sa kanya. “You can sit here beside me. What’s your name?” nakangiting tanong niya nang makalapit ito.
Umupo naman ito sa tabi niya at nginitian din siya. The woman was really beautiful. Pero palinga-linga ito. Malikot ang mga mata. Parang… may mali.
Inignora ni Agatha ang pakiramdam na iyon.
“Celina,” pakilala nito.
“Really? Magkapangalan tayo. I’m Agatha Celina Monteverde. You can call me Agatha.” Inilahad niya ang kanang kamay rito.
They shook hands. “Nice meeting you…” Nakangiti pa rin ito. Napatingin ito sa kamay niya. “Ang ganda naman ng singsing mo, Agatha.”
“Thank you. This is my wedding ring actually.” Itinaas niya ang kamay na may suot na singsing. Naalala na naman niya ang asawa na laging busy.
“Bakit parang malungkot ka?” usisa ni Celina. Umandar na uli ang bus.
“Ahm, w-wala. Wala naman. Naalala ko lang ang asawa ko. Pero makakasama ko naman siya bukas.”
Luminga-linga uli si Celine. “Lahat ba kayo dito, mayaman?” biglang tanong nito.
Napakurap si Agatha. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. “I-I guess so?”
Tumango-tango ito at saka ibinalik ang tingin sa kanya. Nginitian siya nito. “Mahaba pa ang biyahe, ano?”
“Apat na oras pa yata. O mahigit. Dapat twelve hours lang pero sobrang traffic kanina.”
Tumango ito. “Oo nga, eh. Kanina rin sa sinasakyan kong bus, hindi nausad masyado.”
“Anyway, matagal pa pala tayong magkakatabi. Ano pala ang gagawin mo sa Ifugao?”
“Trabaho,” simpleng sagot nito. “Kayo daw ay charity mission ang sadya?”
“Oo.”
May inilabas itong cologne spray. Nag-spray ito ng pabango sa leeg. Pero nang malanghap iyon ni Agatha ay parang hindi naman mabango…
Pasimple siyang umisod palapit sa bintana. “Nandoon din ba ang pamilya mo, Celina?”
“Wala na akong pamilya, Agatha. Pagala-gala na lang ako ngayon. Kung saan may trabaho, pupunta doon. Kung saan may pera, basta mabuhay.” Biglang lumungkot ang boses nito.
“Palipat-lipat ka ba ng trabaho?”
“Oo. College graduate naman ako pero ang hirap palang maghanap ng trabaho, `no? Kaya kung ano na lang ang ialok, pinapatulan ko. Mahirap mabuhay nang walang pera. `Buti kayong mayayaman walang problema.”
“Hindi naman sa gano’n. May mga problema rin. Naiintindihan kong mahirap kumilos nang walang pera. Pero mas malaking problema na marami ka ngang pera pero hindi ka naman masaya. Hindi ka pa rin kontento. And usually, it depresses us.”
Isinara ni Celina ang bag. “Gano’n ba? Pero mas mahirap pa rin ang walang pera. Lagi kang gutom, lagi kang mag-iisip kung saan ka matutulog. Mahirap na, malungkot pa.” Lumamlam ang mga mata nito.
“Ano ang mga kaya mong gawin, Celina? You’re so beautiful. You look like a doll. Maybe I can ask my husband to give you a job in our hotel. Puwede ka sigurong chambermaid o receptionist. Kung marunong ka ng secretarial work, puwede kitang ipasok sa admin,” bigla niyang alok.
Hindi alam ni Agatha pero may kung anong pag-aalala na bumangon sa kanyang dibdib para kay Celina. Baka kung ano-ano na ang ginawa nito para lang mabuhay. Mas mabuti siguro kung may stable job ito.
“Nakakahiya. Baka pumalpak lang ako.”
Nayakap ni Agatha ang sarili nang makaramdam na parang mas lumamig ang aircon ng bus. “We’re allowed to make some mistakes. It means we have something to improve on. We don’t stop growing as a person.”
Nagsimulang umakyat ang bus sa bundok. The road was zigzag. Sanay bumiyahe si Agatha pero iyon ang unang beses na nahilo siya.
“Agatha…”
Napapikit siya at hindi magawang makasagot. Naamoy na naman niya ang spray ni Celina kanina… What was that?
It made her dizzier. Hindi niya alam na nawalan siya ng malay.
“Agatha!” sigaw ng isang boses na gumising sa kanya.
Naguluhan si Agatha nang makitang nakatayo si Celina sa harap ng bus. May hawak itong baril… at nakatutok iyon sa ulo ng bus driver!
The bus was still moving. May tatlong lalaki ring nakatayo sa gitna na may mga hawak din na baril! Sino ang mga ito?! Saan galing ang mga ito?!
Celina looked dangerous now. Nanlilisik ang mga mata nito.
“Ilagay n’yo ang lahat ng pera n’yo sa bag!” pasigaw na utos nito. “Walang magtatangkang tumawag ng pulis o pasasabugin ko ang bungo ng driver na `to!”
Nakarinig na si Agatha ng mga pag-iyak. Napansin niyang wala na ang sariling bag.
Magnanakaw si Celina?
“Ano?! Bilisan n’yo kung gusto n’yo pang mabuhay. Kung walang aalma, mabubuhay kayo. Lahat, ilagay n’yo sa bag! Pati cell phones n’yo at alahas!”
May nakita siyang itim na duffel bag na pinagpapasa-pasahan ng mga pasahero ng bus.
“Agatha…” naiiyak na bulong ng isang volunteer na nakaupo na sa tabi niya. “`B-buti nagising ka na. Nag-alala kami dahil una niyang kinuha ang lahat ng importante mong gamit. Papaputukan ka rin niya ng baril kanina kung hindi lang namin napigilan. Natatakot ako, Agatha. Miyembro d-daw sila ng isang sindikato. Iyong tatlong lalaki, nagpanggap silang volunteer kanina sa registration booth. Iyon pala, magkakasabwat sila…”
Gumapang ang matinding takot sa buong sistema ni Agatha. She had heard of bus robberies in the news but she had never experienced such a thing. She grew up with all the protection and security she needed. This was her first time to experience this.
Pinili niyang huminahon. Kung matataranta at matatakot din siya, mawawalan siya ng presence of mind…
Reeve… Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit hindi na lang siya nanatili sa bahay at sumabay na lang kay Reeve kinabukasan?
“C-Celina, please… Ibibigay namin ang lahat ng gusto n’yo. Hindi kami magsusumbong. Just put the gun down,” their head organizer negotiated.
“Narinig ko na `yan! Pasensiya na, trabaho lang. Tahimik n’yo `kong ibababa diyan sa tabi kapag tapos na kayong ilagay ang mga kailangan ko sa bag. Pagkatapos, walang magsusumbong. Kapag nalaman kong may tumawag sa inyo ng pulis, babalikan ko kayo isa-isa.”
“Please, we’re begging you. Just take all you want.”
“Gusto n’yo ng sample sa mangyayari sa `tin dito? Hindi ako takot mamatay pero kayong mayayaman, alam kong hindi n’yo kayang iwan ang mga pera ninyo.” Malakas na binatukan nito sa ulo ang driver gamit ang hawak na baril.
The bus swerved, almost close to a cliff. Nagsigawan at lumakas lalo ang iyakan ng lahat bago muling umayos ang takbo ng bus.
“Hoy! Bilisan mo pa ang pagpapatakbo. May ayaw pang magbigay ng gamit nila sa likod, o!” sigaw ng isang lalaki sa driver.
Lumapit ang isa pang lalaki kay Celina. Ito ang pumalit sa pagtutok ng baril sa driver.
Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang lumapit sa kanya si Celina. “Akin na ang singsing mo, Agatha! Hindi ko nakuha kanina. Epal kasi `tong mga kasama mo, eh.”
Napahawak siya sa singsing at napasiksik sa bintana.
“Ayaw mo?” Celina’s voice was sweet yet mocking. “Sige na, iabot mo na. Mayaman naman siguro ang asawa mo, maibibili ka ng bago…”
Umiling si Agatha at nangilid ang luha sa mga mata. Napadasal siya sa isipan.
Celina rolled her eyes. “Akala ko pa naman mabait ka. Akin na. Tiba-tiba ako diyan kapag nagkataon. Akin na!”
Tinutukan siya nito ng baril. Napatili siya at nanginginig na hinubad ang singsing.
Sorry, Reeve… Nangako siya sa asawa na hinding-hindi na huhubarin ang singsing nila pero…
“C-Celina, you don’t have to do this. Talikuran mo lang ang g-ganitong t-trabaho, tutulungan ka namin. Tutulungan kita. I’ll give you a good job. You still have a chance to change.” Imbes na galit ay matinding awa ang naramdaman ni Agatha para kay Celina.
What drove Celina to do this horrible job? Who hurt her? What happened that took away her light? Her hope? Her goodness?
Napasigaw ang lahat nang magpaputok si Celina ng baril sa bintana. She laughed crazily afterwards.
Nalaglag ang mga bubog kay Agatha. Nagpaputok pa uli ito sa bintana hanggang sa tuluyang lumaki ang basag niyon.
Kasalukuyang nasa matarik na daan na ang bus.
“Alam mo, dapat `yong katulad mo, mamatay na lang. Sobrang bait mo kasi, nakakainis. Wala kang puwang sa mundong ito na… Oh, reality check, puro makasarili. Sa heaven ka na lang siguro. Talon!” turo nito sa bintana.
“C-Celina, gusto ko lang naman na tulungan ka.”
Mapait ang ngiti nito. “Sa mundong ito, wala nang tulong na libre. Lahat, may kapalit. Ang mundong `to, unfair. Puro sakit. Iyang kabaitan mo, palabas lang `yan. May iniingatan ka bang image? Hah! Hindi ako tanga, uy! Ipakukulong mo rin ako kapag nakaalis ka dito. Sige na, talon na. Sa langit ka na lang. Doon ka magsanta-santahan, `tang-ina ka!”
Hindi gumalaw si Agatha. Nagtuluan ang luha sa mga mata niya. Hindi siya makapag-isip nang tama.
“Tatalon ka at mamamatay o pasasabugin ko ang bungo ng driver at lahat tayo dito, rest in peace? Ano, ha? Ikaw o sila?” Ngumisi ito. Inilagay nito ang singsing niya sa bulsa ng dalang backpack.
Muling nawala sa tamang takbo ang bus nang malakas na paluin ng kasama ni Celina ang ulo ng driver.
Marahas siyang hinila ni Celina patayo. “Hindi ka talaga tatalon?!” Buong puwersa siya nitong itinulak sa basag na bintana.
Nagsigawan ang mga tao at nagtangkang manlaban ang mga lalaki. Pero tinutukan ng baril ang mga ito kaya napaatras.
Agatha cried for the people that were scared. She cried for her children. Kung tatalon siya ngayon at mamatay, paano na ang mga ito?
Paano si Reeve?
She was born full of optimism in the world. She didn’t let negativity destroy her inner peace. She didn’t let her faith be swayed. All this time, she knew, she kept on believing that everything happened for a reason…
Pero ngayon, positibo nga lang ba siyang tao dahil kahit kailan ay hindi siya nakaranas ng ganoong klase ng sitwasyon?
Positibo nga lang ba siyang tao dahil lumaki at nanirahan siya sa mundong puno lang ng magagandang bagay?
She was sheltered all her life and the problems she used to face and were facing were not like this. Never like this.
Why hadn’t she experienced this side of life before? Mulat siya sa ganitong mga bagay dahil sa mga balita. Pero hindi pala sapat iyon…
Kung tatalon siya, may magandang rason pa rin kaya ang Diyos sa lahat ng ito?
“Agatha, talon!” Celina commanded. “Kapag tumalon ka, itatapon namin `tong mga baril para sure na wala kaming mapapatay dito. At maliligtas `tong mga kasama mong hindi ka man lang maipagtanggol.”
“Ano? Patalunin na lang natin si Agatha, hindi ba?” Humarap ito sa mga tao. “Sa mundong ito, Agatha, selfish ang mga tao. Hindi nila ipagpapalit ang buhay nila para sa buhay mo. Hindi lang nila masabi pero gusto rin nilang tumalon ka na lang. `Kita mo? Isa ka lang naman. Talon na lang.”
“C-Celina, please… I have children w-waiting for me…” hagulhol niya. “N-nangako akong babalikan sila…”
Gumilid ang bus mas malapit sa bangin.
“Wala akong paki. Talon!”
Napasigaw si Agatha nang itulak siya ni Celina palabas ng bintana.
“Agatha!!!” sigaw ng mga tao nang tuluyan nang humagis palabas ng bintana ang kanyang katawan…
Her body froze while she was falling. Nakita niya ang apat na baril na itinapon mula sa bintana. So Celina kept her part of the bargain… Magiging ligtas ang mga tao sa bus kapalit ng buhay niya…
She closed her eyes.
Father God, I’m sorry if my faith was shaken a little bit. I got scared. But still, You are the only one who can do great things, who yields purpose out of pain. Take care of my children Rainiel, Riana, Adam, and Rade….
Lord God, help Reeve make time for the kids. Guide him how to not give up on anything. To always look at the good side of life, not ignoring the bad ones, but yet keeping the hope that everything happens because You have a reason for it.
And if I survive, Lord, make me remember how life is still good amidst tragedy. Lord, remind me of the people You used, so, I can feel all the love and happiness in this world. Don’t make me forget that after the rain comes a very beautiful rainbow. A hope. A second chance. A promise of life.
Hindi alam ni Agatha kung kailan siya tumigil sa pagkakahulog. Wala nang maramdaman ang buo niyang katawan. Her head hit something very hard…
When tragedy happened such as this, people used to view life as terrible, forgetting all the good stuff. They had no motivation to live anymore. Just one pain, people would easily forget what God had promised to each and everyone of them.
No more joy in their hearts. Always emptiness. Because they viewed life as such.
But Agatha believed otherwise… kahit pa ngayong posibleng katapusan na ng kanyang buhay. Life would treat you based on how you viewed it. If you’d see it as wonderful, it’d be wonderful to you. If you’d always acknowledge it as terrible, it would only bounce back to you.
Kung mabubuhay pa siya pagkatapos nito, pipiliin pa rin niyang maniwala na maganda ang buhay. That there was always a rainbow after every rain. That the sun rose to overcome the darkness of the night.
May pagpapatawad. At may hustisyang kabayaran.
The next time she opened her eyes, she had no memories.
What is her name? Who is she?
“Itay! Gising na, Inay!”
Present time
MAHIGIT dalawang araw nang walang malay ang kapatid ni Johann bagaman stable naman daw ang vital signs nito ayon sa mga doktor. Pero malaki ang kinalaman ng amnesia nito sa kawalan ng malay. Naghihintay pa siya ng resulta ng CT scan.
Sa pagkaabala ni Johann sa pagbabantay na magising ang kapatid ay hindi na niya napansin ang text sa kanya ng kinuhang imbestigador na galing pa ng NBI.
From: Mr. Matthew dela Merced
Mr. Anderson, we have completed the report about Daniel Ebreo. Sir, wala nang asawa si Ebreo. Selestine or Seline Ebreo died when she gave birth to their daughter.
Nakita namin ang death certificate ni Seline. Nakumpirma rin namin mula sa mga doktor niya na namatay siya dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis. Premature ang bata nang ipanganak. Walang maayos na libing si Seline dahil walang maipambayad si Daniel sa ospital. Naubos nang lahat sa panganganak ni Seline. Because of that, Seline’s body was sold to a medical school instead, para mapag-aralan na lang. Ang ipinambayad ay naubos din para sa pagpapagamot sa sanggol na kulang sa buwan.
Tawagan n’yo ako kung kailangan pang magdagdag ng security agents para magbantay buong gabi sa kapatid ninyo habang nasa poder pa siya ni Ebreo.
NAPAMULAT ng mga mata si Agatha. Dahan-dahan siyang bumangon kahit nakaramdam pa rin ng pagkahilo. Pero naaalala na niya…
Kapatid niya si Johann! May mga pinsan siya. May apat siyang anak! Sina Rainiel, Riana, Adam, at Rade!
Isa siyang Anderson!
“Agatha?”
Kusang nagtuluan ang mga luha niya nang makita ang kapatid. “Kuya Johann…”
Nanlaki ang mga mata nito. “N-naaalala mo na ako?”
Tumango si Agatha. Napayakap siya kay Johann.
“Salamat, Lord! Salamat!” bulalas nito at inilayo siya nang bahagya para matitigan. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. “Bumalik na ba ang alaala mo?”
“H-hindi ko pa alam kung lahat,” umiiyak na sagot niya. “P-pero naaalala ko na ang nangyari sa akin. K-Kuya…” Nanginig siya nang maalala ang pagkahulog niya sa bus. “Kuya, uwi na tayo… Uwi na tayo… Hinihintay ako ng mga anak ko.”
She missed her kids so much.
“Sweetheart?”
Napakurap si Agatha.
Lumayo sa kanya si Johann.
A man was standing by the door. He was handsome… but his dark as night eyes were crying… yet he was also smiling.
Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Napangiwi siya sa sobrang higpit.
“Uy, Reeve, dahan-dahan lang. Kagigising lang niya. Dalawang araw siyang walang malay—”
“Agatha, thank God! You’re alive… You’re alive! The kids will be happy!” Napaiyak ito sa sobrang kaligayahan. Hindi nito pinansin si Johann.
Sa gulat ni Agatha ay sinapo ng lalaki ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata niya. Itinulak niya ito.
“S-sino ka?” naguguluhang tanong niya.
Natigilan ito at deretsong tumayo. “I-I’m sorry. I forgot you have amnesia. I’m Reeve, your husband. But don’t worry, sweetheart…” Lumuluha pa rin ito pero nakangiti. “I’m here already. I’m taking you home.”
Nagtatakang nakatingin sa kanya si Johann. Hindi ito nagsasalita pero parang alam na niya ang iniisip nito.
Naaalala na niya na kung sino siya, ang kapatid, ang mga pinsan, ang mga anak…
Kung may mga anak siya, dapat may asawa siya. Alam niya iyon.
Pero bakit… bakit wala si Reeve sa mga nagbalik niyang alaala?