noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 7

Ch. 8 / 26 Feb 09, 2022

HABAN G abala si Anniza sa pagkukuwenta ng sales nila nang araw na iyon, nakaupo naman si Dark sa visitor’s chair at nakikigamit ng Wi-Fi sa opisina. Kanina pa niya pinapaalis ang lalaki dahil wala naman itong ginagawa pero ayaw talaga nitong umalis ng restaurant nila.

Napatigil siya sa pagkukuwenta nang magsalita si Dark. “Do you like egg tarts?”

“Oo. Lalo na `yong egg tart sa Lord Stow’s Bakery pero malayo naman `yon dito sa amin. Mga one-hour drive siguro.” Tumingin siya kay Dark na abala pa rin sa harap ng cell phone nito. “Bakit mo naman naitanong?”

“I saw it. It looks tasty.” Ihinarap nito sa kanya ang screen ng cell phone. “See? The best egg tart in Asia. Makikita `yon sa Lord Stow’s Bakery sa Macau. May branch sila rito pero mas masarap siguro kapag doon sa Macau bumili.”

Tinaasan niya ng dalawang kilay ang lalaki. “So, nakikigamit ka ng Wi-Fi namin para maghanap ng makakain?”

Nginitian siya nito. “Naghahanap ako ng pagkain na masasarapan ka.”

Natigilan siya. “Bakit?”

“Para tulungan kang mag-move on?”

“By eating?”

“Yeah. By eating.”

Inirapan ni Anniza ang binata. “Ewan ko sa iyo, Dark. Maloloka ako sa iyo.”

“That’d be a dream come true.”

“Ano?”

Tumingin uli sa kanya si Dark. “`Yong maloloka ka sa akin. That’s a dream come true.”

Mabilis siyang nagbaba ng tingin. Bumilis ang pintig ng puso niya. Talagang maloloka siya kay Dark. Isang linggo pa lang niya itong nakikilala pero heto, iba na ang epekto sa kanya at kapag kasama niya ang binata, wala na siyang ibang maisip kundi ang mga labi nitong napakasarap humalik.

Pasimpleng umiling si Anniza, saka walang imik na tinapos ang ginagawa. At nang matapos siya, umuwi agad siya, at siyempre pa, pilit siyang inihatid ni Dark sa bahay nila. At dahil hindi niya dala ang kanyang sasakyan, nagpapilit naman siya. Para namang kaya niyang hindian ang nakakaakit na ngiti ng lalaki habang pinipilit siya.

“Salamat,” sabi niya nang makarating na sila sa bahay niya.

Inisang-hakbang lang ni Dark ang pagitan nila, saka siya hinawakan sa baywang. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang mapansing napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. “Wala ba akong good-bye kiss?” pabulong nitong tanong habang palapit nang palapit ang mga labi sa mga labi niya.

Napapikit na lang si Anniza nang lumapat ang mga labi ng binata sa mga labi niya. Masuyo siya nitong isinandal sa nakasarang pinto ng bahay niya. Mula sa masuyong halik, nauwi sa mainit at mapusok ang halikan nila ni Dark. At nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, parang nag-apoy ang katawan niya at nabasa ang kanyang kaselanan.

Thank God he pulled away before something happened. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa leeg niya, pero kapag bumababa roon ang halik ni Dark, nababasa agad ang kanyang pagkababae at nag-iinit ang katawan niya.

Was that normal?

“Sige, aalis na ako,” paalam ni Dark mayamaya. Tatlong beses pa siya nitong hinalikan sa mga labi bago umatras. “Baka abutan pa ako ng ulan sa daan. Madilim ang langit, eh.”

Namumula ang pisnging nginitian ni Anniza ang binata. “Ingat sa pagda-drive.”

“I will, baby.” Naglakad na ito palapit sa motorsiklo at sumakay. Aalis na sana ito nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. “Fuck!” bulalas ng lalaki, saka mabilis na umalis sa pagkakaupo sa motorsiklo at bumalik sa tabi niya. “Mukhang ayaw akong paalisin.”

Binuksan ni Anniza ang pinto ng bahay, saka pinapasok ang binata. “Pasok ka muna.”

Sumunod naman ito agad sa loob ng bahay. Medyo basa ang leather jacket nito kaya pinahubad niya iyon.

“Hubarin mo `yang jacket mo. Basa na, eh,” sabi niya at nagpunta sa likuran ng lalaki para tulungan itong hubarin iyon.

At habang tinutulungan niya Dark na hubarin ang jacket ay nagsalita ito. “Hindi lang jacket ang basa sa akin. My shirt and pants are wet, too.”

Malakas niyang tinampal ang likod ng lalaki. “Alangan naman maghubad ka rito sa pamamahay ko. Baliw—” Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang humarap sa kanya si Dark at sinakop ang mga labi niya. Napasinghap siya sa gulat at mahinang napadaing nang kagatin nito ang pang-ibabang labi niya, saka iyon pinakawalan. Kinindatan siya nito.

“One violent move, one kiss.”

Natigilan si Anniza nang maalala ang pagtampal niya sa likod ng lalaki. Oo nga pala. Bakit ba nakalimutan niya ang “one violent move, one kiss” na iyan. Napailing na lang siya at tuluyang hinubad ang jacket nito at inilagay iyon sa coat-rack na nasa likod ng pinto.

“Hindi mo ba huhubarin ang pantalon ko? Basa rin siya.” May panunukso sa boses ni Dark.

She glared at him. But her eyes softened when she saw him sexily taking off his shirt. Umawang ang bibig niya nang makita ang abs at ang matitipunong dibdib ng binata. Napakakisig nito at parang nanunubig ang bagang niya.

Oh, God... she was in big trouble.

He smirked. “Like what you see, ómorfos ?”

Mabilis na itinikom ni Anniza ang nakaawang na bibig at inirapan ang lalaki para itago ang pagkapahiya na naramdaman niya. “I’ve seen better.”

Nawala ang ngisi sa mga labi ni Dark at napalitan iyon ng pagdidilim ng mukha. In a blink of an eye, she was pinned against the door. He was pinning both her wrists over her head. At ang isa naman nitong kamay ay nakayapos sa baywang niya.

“Dark—”

“You’ve seen better?” Tumalim ang mga mata nito. “Who?”

Napatitig si Anniza sa matatalim na mga mata ni Dark. Hindi niya maiwasang kabahan at matakot. Hindi ito ang Dark na palaging nakangiti at tinutukso siya. Hindi ito ang Dark na palagi siyang hinahalikan. This was a different Dark.

“O-on TV,” nauutal niyang sagot dahil sa takot na nararamdaman.

Biglang nawala ang madilim na aura sa mukha ni Dark. Mayamaya ay ngumiti ito. “Oh. Akala ko naman kung sino na.” Binitiwan nito ang kamay niya. “So, can I take my pants off?”

Hindi siya sumagot at tumitig lang sa mailap na mga mata ng binata. “Are you bipolar or something? Galit ka `tapos ngingiti ka? What was that?” Niyakap niya ang sarili. “You’re scaring me.”

Hindi ito makatingin sa kanya. “I have a mild anger management issue.” Nagbaba ito ng tingin. “Kapag galit ako, galit ako. The rational thoughts in my head instantly disappear. Well, nobody’s perfect.”

His face was emotionless... Hindi iyon ang Dark na palaging nakikipag-flirt at nakikipagbiruan sa kanya.

Huminga siya nang malalim at walang imik na nanatiling nakatayo. Hindi niya alam ang sasabihin dahil baka magalit na naman ang binata. Although she wanted to touch him, but what if he got angry again? Ano ang gagawin niya?

“Sige. Uuwi na lang ako,” basag ni Dark sa katahimikan. “I don’t want to scare you.”

Humakbang na palayo ang binata pero pinigilan niya ito sa kamay. Ayaw niya itong umalis. Gusto niyang manatili ito sa bahay niya, sa tabi niya. Kaya naman nilabanan niya ang takot na baka magalit ito. Kung may anger management issue si Dark, kailangan lang niyang siguruhin na hindi ito magagalit para walang mangyaring pagsisisihan nila pareho.

“Magkape ka muna. Malakas pa naman ang ulan, eh.”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Dark. “I can stay?”

Tumango siya. “Yes.”

“Hindi ka na wi-weirdo-han sa akin?”

“You’re weird, Dark,” nangingiting sabi niya. “I already know that.”

Mahina itong natawa. “Yeah? Okay lang ba `yon sa iyo?”

“Okay lang.” Sino ba siya para husgahan ang buong pagkatao ng lalaki dahil lang may anger management issue ito?

Hinila niya si Dark patungo sa kusina at ipinagtimpla ito ng kape. Napapatingin siya sa abs nito paminsan-minsan. Hindi kasi niya maiwasan. He really had a great body. A body that’s making her body react.

Magkaharap silang nagkape sa dining table. Wala pa ring pang-itaas na damit si Dark na ikinasisiya naman ng mga mata niya. And her eyes were still feasting on his yummy abs.

“So...” Tumikhim siya. “Ano `tong anger management issue na sinasabi mong meron ka?”

Natigilan ang lalaki sa pagsimsim ng kape, saka napatitig sa kanya. “Akala ko hindi ka magtatanong.”

Huminga siya nang malalim, saka sinalubong ang tingin nito. “I need to know. Para alam ko kung ano’ng gagawin ko kapag galit ka at para hindi kita galitin. Baka bigla mo na lang akong gilitan sa leeg. Mahirap na,” biro niya.

Nawalan ng emosyon ang mga mata ni Dark. Mabilis nitong inubos ang kape na itinimpla niya at tumayo. “Aalis na ako.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Anniza. “Ha? Aalis ka na?” Tumayo na rin siya para pigilan ito. “Hindi naman kita pinapaalis—”

“I have to go. I’m sorry.” Mabilis itong naglakad pabalik sa living room. Isinuot nito ang T-shirt na hinubad at kinuha ang leather jacket sa coat-rack at walang sabi-sabing lumabas ng bahay.

And in the middle of the pouring rain, he left with his motorcycle.

Nakatingin lang si Anniza sa papalayong motor ng binata. Bakit kaya bigla itong umalis? May nasabi ba siyang hindi maganda?

ITINIGIL ni Dark ang Ducati sa labas ng gym ni Evren Yilmaz, ang kaibigan niyang half Turkish-half Filpino. Kasosyo niya si Evren sa ibang negosyo sa iba’t ibang panig ng mundo kaya naman naging malapit silang magkaibigan. He considered Evren as his best friend. Alam nito ang lahat ng itinatago niyang kadiliman sa kanyang pagkatao.

Bukas pa ang gym pero wala namang tao. Nakasara na rin ang ilan sa mga ilaw pero ayos lang. Alam niyang nandoon pa sa loob si Evren. Sa gym kasi ito naglalagi pagkatapos ng trabaho sa sariling Law firm.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto ng gym. Hinubad niya ang basang leather jacket nang makapasok siya. Sunod niyang hinubad ang T-shirt at mabilis na lumapit sa punching bag na nandoon. With no gloves to protect his fists, he started to punch the bag.

Lahat ng galit at frustration na nararamdaman ni Dark ay inilabas niya sa bawat suntok na pinakakawalan niya. He kept on punching and punching. He was out of breath but he still kept on punching. At nang makaramdam na ng sakit ang mga kamay niya, ang mga binti naman niya ang ginamit. He kicked the punching bag.

He kicked and punched until the punching bag couldn’t take another hit. Napunit ang puno ng punching bag dahilan para mahulog iyon sa sahig.

Hinihingal siyang napaupo sa mat at sinapo ang ulo niya. He was catching his breath when he heard a voice.

“Damn, man.” It was Evren’s voice. “You’re angry. What happened?”

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. “Hey, Evren.”

Lumapit sa kanya si Evren at umupo sa punching bag na nasira niya. “Ano’ng nangyari sa iyo?”

“I’m frustrated.”

Tinapik nito ang punching bag. “Yeah. I can tell. Ano ba’ng nangyari?”

“I’m going to screw this up.” Naiinis na sumuntok si Dark sa hangin. “I’m going to fuck this up. I can feel it.”

Evren sighed. “Your anger management issue?”

Tumango siya. “Nagalit na lang ako bigla kanina. Nagtaka yata siya kaya nagtanong siya. Natakot akong sabihin sa kanya, Evren. Okay lang kaya sa kanya? And what will happen if she asks more questions? Ano’ng sasabihin ko?”

“The truth?” Evren offered and then he shrugged. “Pero desisyon mo naman `yon, eh. Nasa sa iyo kung sasabihin mo o hindi.”

“Kapag sinabi ko `tapos hindi niya matanggap, ano’ng gagawin ko?” parang batang tanong niya.

“You move on,” simpleng sagot ni Evren.

Mapaklang tumawa si Dark. “I tried. Remember? Noon pa, sinubukan ko nang mag-move on. But look where it got me? I’m still stuck and couldn’t move on. `Tapos ngayon, malapit na. Kaunti na lang, Evren. Maaabot ko na siya.”

Nagkibit-balikat si Evren. “Sabihin mo na lang kasi para alam niya. The end. Period. Nada.”

He puffed a breath. “I should go back. Nag-walk-out ako, eh.”

Evren chuckled. “Yeah. Whatever. You should say sorry.”

Tumayo si Dark mula sa pagkakaupo sa sahig at pinulot ang T-shirt at jacket niya, saka naglakad palabas ng gym.

“You’re welcome, dickhead!” Evren called out to him. Puno ng sarkasmo ang boses nito.

He waved good-bye and then he hurriedly straddled his Ducati. Umuulan pa rin pero hindi siya niyon mapipigilan. Kahit madilim na at hindi na niya nakikita masyado ang dinaraanan dahil sa malakas na ulan, sumige pa rin siya. Hindi niya itinigil ang motorsiklo. Kailangang makabalik siya sa bahay ni Anniza. Baka ano na ang iniisip niyon sa kanya.

NAGHAHANDA na si Anniza para matulog nang mag-ingay ang doorbell ng bahay nila. Kumunot ang noo niya. Sino naman kaya iyon? Naiinis na bumuga siya ng hangin at bumaba. Habang naglalakad siya palapit sa pinto, iniisip niya kung sino ang nagdo-doorbell nang ganoong oras ng gabi.

Nakakunot ang noo na binuksan niya ang pinto. Nagulantang siya nang makita si Paul sa labas ng bahay.

“Paul?” nagtatakang sambit niya sa pangalan ng binata. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

Halata sa namumungay na mga mata at sumusuray na katawan ni Paul na lasing ito. Naaamoy niya ang alak sa katawan ng lalaki. “Any.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “B-bumalik ka na sa akin. Please, Any?”

Napatitig siya sa binata na dalawang taon niyang minahal. Ang binatang matinding sakit ang idinulot sa puso niya.

Umiling siya. “No, Paul. Hindi na ako babalik sa iyo. Doon ka sa higad mong secretary.” Itinulak niya ito palayo.

Pero malakas si Paul. Hindi siya nito binitawan at sapilitan siyang niyakap.

“Bumalik ka na sa akin, Any,” parang nagmamakaawang sabi nito. “H-huwag mo akong iwan, Any. Clare was a mistake. Please…”

“Ano ba, Paul!” Pilit siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ako!” Pilit siyang kumakawala sa yakap ng lalaki pero malakas talaga ito. Inatake siya ng nerbiyos nang sapuin ni Paul ang mukha niya at inilapat ang mga labi sa mga labi niya.

Pumasok agad sa isip ni Anniza ang pagtataksil nito. She was disgusted. Hindi na iyon ang halik ni Paul noon na palagi niyang gustong matikman.

Tinuhod niya nang malakas sa pagkalalaki si Paul. Nang mabitawan siya ng binata nang sapuin nito ang nasaktang parte ng katawan, binigyan niya naman ito ng mag-asawang sampal. Hindi pa siya na kontento, sinuntok pa niya ito nang malakas sa mukha.

“Gago!” sigaw niya sa lalaki na ngayon ay sapo ang mukha at sumusuray patayo. “Sino sa tingin mo ang niloloko mo? Buwisit ka! Peste ka! Gago ka! Manloloko ka—” Napatigil siya sa pagsigaw nang makarinig siya ng papalapit na tunog ng motorsiklo.

Napatingin siya sa gate na bukas na dahil siguro sa pagpasok ng kotse ni Paul kanina. At nang makitang pumasok doon si Dark, parang nawala ang galit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Gumaan din ang namimigat niyang dibdib. Nag-alala siya nang umalis kanina si Dark. At nagpapasalamat siya na bumalik ito ngayon.

Napatigil ito sa pagbaba ng motorsiklo nang makita si Paul sa tabi niya. Susuntukin uli sana niya si Paul nang bigla uli nitong sinapo ang mukha niya at hinalikan siya sa harap ni Dark.

Tutuhurin sana uli niya si Paul nang biglang may humatak dito palayo. Si Dark iyon na napakadilim ng mukha. Pinagsusuntok nito si Paul na ni hindi man lang makalaban. Nanggigigil sa galit ang bawat suntok na pinapakawalan ni Dark. Baka mapatay nito si Paul!

“Damn you! Damn you!” Paulit-ulit na sinasabi iyon ni Dark habang binubugbog si Paul.

“Dark! Stop it!” sigaw ni Anniza habang hinihila si Dark sa likod ng basa nitong leather jacket. Hinila niya ito palayo kay Paul. “Dark! Stop it!” sigaw na naman niya. “Baka mapatay mo siya. Ano ka ba?!”

Binitawan ni Dark si Paul at marahas na humarap sa kanya. “Did you enjoy it?” Puno ng galit ang mukha nito. “`Yon ba ang dahilan kung bakit pinapatigil mo ako? Nagustuhan mo ba ang halik niya?”

Napakurap-kurap siya at nagsalubong ang mga kilay. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”

“Nasarapan ka ba sa halik niya? Did you like it?” Ang mga mata nito ay puno ng galit at… selos?

Napatitig si Anniza sa galit na mga mata ni Dark. His eyes looked like he could kill someone. Natakot siya. She was about to step back when she remembered his anger management issue that he said earlier.

Basang-basa na siya ng ulan at nilalamig din siya.

“Dark, hindi naman ako tanga para magustuhan pa ang halik ni Paul,” paliwanag niya habang unti-unting lumalapit sa binata. “Hindi na uli ako magpapaloko sa kanya.”

Unti-unting nawala ang talim sa mga mata ni Dark. Water was cascading on his handsome face. “Hindi mo nagustuhan ang halik niya?”

Umiling siya. “I was disgusted.”

“Pero hinalikan ka pa rin niya.” Bumalik uli ang talim ng mga mata nito. “I don’t like this fucktard kissing you!”

Inisang-hakbang ni Anniza ang natitirang pagitan nila ni Dark at niyakap ang binata. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para kumalma ito. Sana naman, gumana.

“Huwag ka nang magalit,” pang-aalo niya kay Dark habang hinahagod ang likod nito. “Saka pumasok na tayo sa bahay. Nilalamig na ako, eh. Baka magkapulmonya tayo dito sa sobrang lamig.”

Huminga ito nang malalim na parang pinapakalma ang sarili. “Galit pa rin ako, Anniza.” Niyakap siya nito nang mahigpit habang nasa ilalim sila ng ulan. “Do something? Patawanin mo ako.”

Napakurap-kurap siya. “Hindi ako clown, eh.”

“Crack a joke.”

“Hindi rin ako si Joker.”

“Ano ba’ng kaya mong gawin?”

“I could make you a cake?” she offered.

“That will take long,” sabi nito sa naglalambing na boses.

“Iba na lang ang ipagawa mo sa akin. `Yong hindi mahirap gawin.” Pakiramdam ni Anniza, siya ang may kasalanan kaya dapat siyang gumawa ng paraan para mawala ang galit ni Dark.

“Kiss me,” sabi nito na nagpabilis sa tibok ng puso niya. “Kiss me, Anniza. And I’ll be okay.”

Hindi siya nagsalita. Bumitiw siya sa pagkakayakap kay Dark at hinawakan ang binata sa kamay, saka hinila papasok sa kabahayan patungo sa kuwarto niya sa second floor. Mabuti na lang at nagpaubaya lang ito. Iniwan lang nila si Paul sa labas. Bahala na ang lalaki sa buhay nito.

Nang makapasok sila sa kuwarto, itinuro niya kay Dark ang banyo. “`Yan ang banyo. Maligo ka muna, saka ko gagawin ang gusto mo.” Inisang-hakbang ng binata ang pagitan nilang dalawa at sinapo ang mukha niya. “Hindi `yan ang gusto kong gawin ngayon, Anniza.” Unti-unting bumababa ang mukha nito sa mukha niya. “I want you, Anniza. I want you so much it hurts.”

Napalunok siya. “Dark…”

“I want you, Anniza.” He brushed his lips against hers. “Do you want me too?”

The intensity of his stare made her heart beat like crazy. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga na nagpapawala sa isip niya sa tamang huwisyo.

“P-pero mataba ako at baka hindi mo magustuhan ang makikita mo,” pagdadahilan niya. Totoo naman kasi iyon. Baka ma-disappoint lang si Dark sa makikita. Nahihiya siya. Noong unang may nangyari sa kanila, ayos lang kasi lasing siya, pero ngayon? Ikinakahiya niya ang katawan niya. “You can’t want me—”

Sinelyuhan ni Dark ng mga labi nito ang mga labi niya dahilan para lunukin niya ang iba pang sasabihin. She instantly melted in his arms. Tinugon niya ang halik at hinayaan ang binata na damhin at haplusin ang maseselang bahagi ng kanyang katawan na ikinakahiya niya. He kissed her deeply, passionately, and intimately and all she could do was kiss him back and surrender herself to his kisses.

She wanted this man so bad. At hindi niya hahayaang pigilan siya ng hiya sa kanyang katawan sa gusto niyang gawin. Gusto niyang angkinin siya uli ni Dark. At sa pagkakataong iyon, hindi siya lasing at alam niyang hindi ang alak ang nagdidikta sa katawan niya. And she would savor this night with him.