noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 18

Ch. 19 / 26 Feb 09, 2022

NAGI SING si Dark na wala na sa tabi niya si Anniza. Bumangon agad siya, lumabas ng kuwarto, at mabilis na hinanap ang dalaga. Pero hinarang siya ni Ikov sa hallway. May dala itong penguin cut tuxedo.

Kinunutan niya ito ng noo. “What?”

“The Queen wants you to wear this, Your Highness,” sagot nito habang nakatingin nang deretso sa kanya.

Tinanggap niya ang tuxedo. “For what?”

“For the welcome party tonight.”

Malalim siyang napabuntong-hininga. Bakit ba hindi niya naisip iyon? He thought his mother would change. But she didn’t change even a bit. Even after so many years, his mother still loved to throw parties. Especially for him and… Crap! Si Anniza! Baka kung ano na ang ginawa ng nanay niya rito!

“Have you seen my lady?” tanong niya kay Ikov na nasa harap pa rin niya at hindi umaalis dahil hindi pa niya sinabihang umalis. Good God!

“I haven’t seen her, Your Highness. But I heard that Lady Anniza is with the Queen in the salon room with your other relatives.”

Mariin siyang napapikit! Fuck! His mother would really stop at nothing! Alam niya kung gaano kaayaw ni Anniza na mag-ayos ng sarili. Kaya nga kahit kailan, hindi niya ito pinilit na mag-ayos kasi nga ayos naman sa kanya kahit ano pa ang hitsura nito.

But his mother was another case.

He took a deep breath. “You may leave.”

“Thank you, Your Highness,” nakatungong sabi ni Ikov at iniwan na siyang mag-isa sa hallway.

Bumalik siya sa kuwarto at naligo. Malapit nang gumabi kaya kailangan na niyang mag-ayos. Kailangan niyang mag-ayos dahil baka kung ano-ano na naman ang sabihin ng mommy niya kapag nakita siyang hindi nakaayos. Kesyo nagmana siya sa daddy niya na ayaw sa parties at kung ano-ano pa.

Tamang-tama naman na kasusuot lang ni Dark ng tuxedo nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. “Come in!”

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kallea. May nang-aakit itong ngiti sa mga labi habang naglalakad palapit sa kanya. “Hello, Dark. How’s my Prince?” she purred.

Kallea was the Princess of the Royal House of Michelakis. The Stavroses were close to the Michelakis. They were good friends. Pero mukhang hindi pakikipagkaibigan ang pakay ni Kallea. Mula pa noong high school sila, palagi na itong nakadikit sa kanya. He, as a normal teenager liked it. Pero nang mag-college na siya at sinundan siya ni Kallea sa Stanford, doon niya na-realize na tawag lang ng laman ang ano mang namagitan sa kanila noon.

“I’m good.” Tinalikuran niya si Kallea at inayos ang tuxedo niya. “What are you doing here, Kallea?” Kailangan nang umalis ng babae. Baka makita ito ni Anniza.

“Oh, nothing.” Hinaplos ni Kallea ang likod niya, saka siya niyakap sa baywang at idinikit ang dibdib sa likod niya. “I just missed you,” she said in a seductive voice.

Binaklas agad ni Dark ang mga braso ng babae na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Hinarap niya ito. “Look, Kallea, I’m with Anniza and she’s here in the Stavros Palace. So please, stay away from me,” seryoso niyang pakiusap sa babae.

Namungay ang mga mata nito at niyakap siya sa leeg. Pagkatapos, inilapit nito ang mga labi sa mga labi niya. “She’s not here…” bulong nito sa mga labi niya. “We could do a quickie. I know how much you like sex, Dark. You cannot resist me, agapiménos . We used to have sex a lot.”

Huminga nang malalim si Dark at tinitigan ang dalaga. “Kallea, that was ten years ago, okay?” Napailing-iling siya at tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa leeg niya. “That was an idiot version of me.”

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Kallea. Nilampasan niya ito at nauna nang lumabas ng kuwarto.

But irritation filled him when she ran after him and encircled her arms around his waist. Napamura siya nang maalala si Anniza. Kailangan niyang makalayo kay Kallea. Baka kung ano ang isipin ni Anniza kapag nakita siyang may kasamang ibang babae. Ayaw niyang mag-back to zero na naman kay Anniza. Ayaw na niyang bumalik sa dati na nakatingin lang siya sa dalaga mula sa malayo.

Binaklas na naman niya ang mga braso ni Kallea na nakayakap sa kanya. “Let go, Kallea.”

“No,” matigas nitong sabi. “We will enter the grand hall of Stavros with me in your arms, not the woman you brought home.”

He let out a loud breath. He needed to get rid of this woman. Hindi naman niya ito puwedeng sigawan dahil baka iyon pa ang maging ugat ng pag-aaway ng dalawang pamilya. Ayaw niyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang pamilya Stavros at ang mga Michelakis nang dahil lang sa kanya.

Kaya naman napilitan siyang sundin ang gusto ni Kallea. Pumasok siya sa grand hall ng Stavros habang nakakapit sa bisig niya si Kallea.

Walang emosyon ang mukha ng mommy niya habang naglalakad palapit sa kanya. Matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa magkalingkis na mga braso nila ni Kallea.

“Kallea?” His mother grabbed his arm. “May I borrow my son?”

Hindi hinintay ng mommy niya ang sagot ni Kallea. Hinila siya nito bigla, palayo kay Kallea at doon lang ipinakita ang totoong emosyon sa mukha.

“What are you doing with that woman?” she hissed at him. “What will Anniza say if she sees you with Kallea?” Dinuro nito ang dibdib niya. “Remember this, Dark Nikolov Megalos Stavros Montero, if Anniza declined to marry you, I will disown you! And I’m not kidding. I like her for you.”

Napangiti si Dark sa sinabi ng kanyang ina. She really liked Anniza for him that much.

“Mama, I don’t like Kallea,” sabi niya para mapanatag ang mommy niya. “Where is she, anyway?”

“Just wait…” Misteryosong ngumiti ang mommy niya na parang may alam ito na hindi niya alam. “And see.”

Naglakad si Mamá Nikola papunta sa puting makeshift stage na nakaharap sa mga bisita nila at nagsalita sa microphone. “Good evening, ladies and gentlemen, Prince and Princesses, Kings and Queens,” narinig ni Dark na sabi ng kanyang ina pero wala roon ang kanyang atensiyon.

Abala siya sa paghahanap kay Anniza. Sinuyod na ng mga mata niya ang bawat sulok ng grand hall pero hindi niya pa rin ito makita. Nasaan kaya iyon? He missed her already, damn it!

Bumaling siya kay Mamá Nikola na nagsasalita pa rin.

“This party is for my son, Dark Nikolov Megalos Stavros Montero.” His mother raised her glass of champagne at him. “And of course, to his woman, his beloved, his bride-to-be, Lady Anniza Gonzales.”

Biglang dumilim ang buong paligid at nakasentro ang ilaw sa grand staircase na siya ring nagsisilbing entrance sa Stavros Grand Hall.

Dumako agad ang tingin ni Dark sa puno ng hagdan. And there, he saw a breathtaking woman wearing a black V-neck zipper design gown that hugged her every curve. Umawang ang mga labi niya nang ma-realize na ang magandang babae na nakatayo sa puno ng hagdan ay walang iba kundi ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

As Anniza descended on the staircase, he couldn’t look away. Napako ang mga mata niya sa pinakamagandang babae sa gabing iyon.

She had a cute smile on her lips as she walked towards him… To him! Sa kanya ito palapit. Parang kinapos siya ng hininga nang tumigil sa harap niya si Anniza. Mas lumapad naman ang ngiti sa mga labi nito.

“Sisihin mo ang mama mo,” sabi nito na parang nahihiya. “Siya ang may kagagawan nito.”

Nakaawang pa rin ang mga labi ni Dark habang hinahagod ng tingin si Anniza mula ulo hanggang paa. She took his breath away. He knew that she saw the desire in his eyes because her cheeks blushed.

He heard murmurs of ómorfos from their guests and he definitely agreed with them.

At habang nakatitig pa rin sa magandag mukha ni Anniza, inisang-hakbang niya ang pagitan nila at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.

“You’re so beautiful, Anniza.”

Mahinang natawa ang dalaga na parang nahihiya. “Sa pagkakataong ito, sasang-ayon ako sa iyo. Hindi ko rin nakilala ang sarili ko pagkatapos akong i-makeover ni Mam á Nikola kanina.”

Mamá Nikola. Hmm… that sounds good.

Napangiti si Dark, saka inilapit ang mga labi sa tainga ng dalaga, saka bumulong. “I bet you’re more beautiful naked. Let’s ditch them.”

Natawa ito, saka napailing. “You and your horniness.”

Hinalikan niya sa pisngi ang dalaga, saka bumulong uli. “Kasalanan mo `to. Ang ganda-ganda mo kasi, eh.”

Mahina itong natawa. “Oo na, maganda na ako. Can we sit now?”

Doon lang na-realize ni Dark na nakatayo sila sa gitna at nakasentro ang ilaw sa kanilang dalawa. Napailing na lang siya. Mayamaya, magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa mesa na nasa unahan. Kasama nila sa mesa ang malalapit niyang kamag-anak.

HABANG magkahawak-kamay silang naglalakad ni Dark palapit sa nasa unahang mesa, nahagip ng mga mata ni Anniza ang isang babae na matalim ang tingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siya bumulagta.

She knew the woman.

Habang inaayusan siya kanina, may ipinakitang larawan ng isang babae si Mamá Nikola. Ang sabi nito, “Kallea” ang pangalan ng babae at nasisiguro raw nito na gagawin ni Kallea ang lahat para maakit si Dark. Dapat daw ay hindi niya iyon hayaang magtagumpay.

Kinain naman agad ng selos ang buong pagkatao ni Anniza. Hindi siya makakapayag na may umagaw kay Dark mula sa kanya. Subukan lang ng babaeng iyon na akitin ang binata, gagamitin niya ang plus-size niyang katawan para pipiin ito hanggang sa hindi na ito makahinga!

Nang makaupo siya, sinalubong niya ang matalim na tingin ni Kallea. Tinaasan niya ito ng isang kilay at inirapan. Siniguro niyang hindi iyon makikita ni Dark. Ayaw niyang malaman ng binata ang nararamdaman niya. May takot pa rin sa puso niya hanggang ngayon dahil sa ginawa sa kanya ni Paul.

“Auntie Aetna,” tawag ni Dark sa babaeng nasa tabi nito. “I want you to meet—”

“Anniza, darling,” nakangiting sabad ni Auntie Aetna kay Dark. “You look gorgeous tonight.”

Nahihiya siyang ngumiti. “Thank you, Auntie Aetna.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dark sa kanila ni Auntie Aetna. “Wait, you know each other?”

“Yes.” Naunang sumagot si Auntie Aetna. “I was with her earlier in the salon. She’s a perfect woman for you, Dark. Big-boned, beautiful face, and with magical hands because she’s a chef. Just perfect.” Kinindatan siya ni Auntie Aetna, saka malapad na ngumiti.

Mahinang natawa si Anniza sa mga papuri nito. “Thank you, Auntie Aetna.”

Nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya ang binata. Nginitian niya ito at binulungan. “Kasama ko siya kanina sa salon room. We bonded. We talked about a lot of things. Ang cool ng family mo. Nakakatuwa pa si Mamá Nikola.”

“So,” iminuwestra ni Dark ang kamay sa mga kapamilya nitong kasalo nila sa mesa, “you know them all?”

“Ang hindi ko lang nakilala, `yong mga hindi ako pinuntahan sa salon room.”

Napanganga ang binata. “For real? Pinuntahan ka nila ro’n?”

“Yep.” Nakangiting tumango si Anniza. “Minsan ka lang daw kasi dumalaw at ito ang unang beses na may isinama kang babae. Kaya gusto nila akong makilala.”

Napailing-iling na lang ito. “`Kita mo nga naman ang kagandahan mo, agápi mou. Pati yata pamilya ko, nabighani sa iyo.”

Kumabog ang puso niya at para siyang kinapos ng hininga sa huling sinabi ni Dark. Ibig bang sabihin niyon, nabighani rin ito sa kagandahan niya kahit pa ganoon ang katawan niya?

Magsasalita sana siya nang biglang may yumakap kay Dark at humalik sa pisngi nito. Kinain na naman ng selos ang puso niya nang makitang si Kallea iyon. Pero wala siya sa lugar para mag-eskandalo kaya hinayaan niya lang ang dalawa.

Magkahawak pa rin ang mga kamay nila ni Dark sa ilalim ng mesa. Lalong humigpit ang hawak sa kanya ng binata nang pilit niyang bawiin ang kanyang kamay.

“Kallea, let go of me,” sabi ni Dark sa matigas na boses at walang emosyon sa mukha.

“No.” Hinalikan ng babae ang leeg ni Dark. “I miss you so much, Dark. Please, dance with me?” Nagmamakaawa ang boses nito.

Nang maramdaman ni Anniza na lumuwag ang pagkakahawak ni Dark sa kamay niya, mabilis niyang inagaw ang kamay at walang emosyong nagsalita habang nakatingin sa binata. “Go on. Dance.”

Pain crossed his handsome face. “Ipinamimigay mo ba ako?”

Umiling siya at ikinuyom ang kamao dahil sa selos na nararamdaman. “Isayaw mo na lang siya.”

Mapait na ngumiti si Dark. “Oo nga pala. Bakit mo naman ako ipamimigay samantalang hindi mo naman ako pagmamay-ari.”

Parang may tumarak na patalim sa puso ni Anniza dahil sa sinabi ng binata. Pero hindi niya ipinakitang nasaktan siya. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.

Tumayo si Dark at hinila si Kallea papunta sa dance floor. Magkadikit na magkadikit ang mga katawan ng mga ito habang nagsasayaw. She could feel her heart being torn apart. Damn! Ang sakit-sakit naman nito! Kaya pa ba niya ang sakit?

“Darling...” Hinawakan ni Auntie Aetna ang kamay niya. “You know that I like you for Dark, right?”

Tumango si Anniza at pilit na ngumiti.

“I have a question.”

Pinilit niyang maging maayos ang pakiramdam kahit parang nadudurog ang puso niya sa bawat segundo na nagsasayaw sina Dark at Kallea. “Yes, Auntie?”

“Do you love Dark? And don’t lie to me, I beg you.”

Napakagat-labi siya, saka tumango. Masayang ngumiti ang mga kamag-anak ni Dark na kasalo nila sa mesa. Ang iba naman ay tumango-tango na para bang sang-ayon ang mga ito sa pag-amin niya.

Umangat ang kamay ni Auntie Aetna para haplusin ang pisngi niya. Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha niya. “If that’s so, then go get him.” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Go, get your man. Don’t let that woman ruin your night. Fight for the man you love, my dear. And win.”

Sasagot sana si Anniza nang biglang sumulpot sa tabi niya si Mam á Nikola na hindi maipinta ang mukha . “Anniza, dearest, please tell me that you’re going to show that biatch that you are the one who owns my son,” mataray na sabi ng Reyna at panay ang hinga nang malalim na parang kinakalma ang sarili.

Nabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ni Anniza at nadagdagan ang lakas ng loob niya. Nasa kanya ang suporta ng pamilya ni Dark. Siya na lang ang hinihintay na kumilos ng mga ito.

Huminga siya nang malalim, saka tiningnan sina Dark at Kallea na nasa gitna pa rin ng dance floor. “Dark is mine,” pang-aangkin niya sa binata.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Mam á Nikola, saka hinaplos ang pisngi niya. “Go and get my son and while you’re there, get rid of that biatch! ”

Bumuga ng hangin si Anniza at humugot uli ng isang malalim na hininga bago tumayo at naglakad palapit sa nagsasayaw na sina Dark at Kallea.

Dumako agad ang tingin ni Dark sa kanya habang papalapit siya sa mga ito. Halo-halong emosyon ang nababasa niya sa mga mata ng binata pero mas nangingibabaw ang pagtataka roon.

Nang makalapit siya, hinaplos niya agad ang braso ni Dark, dumukwang palapit sa tainga nito, saka matalim ang boses na bumulong. “Bitiwan mo siya kung ayaw mong sapakin kita dito mismo sa dance floor. I swear, Dark, kaya kong gawin `yon. At hindi sa akin uubra `yang ‘one violent move, one kiss rule’ mo.”

Mabilis na binitiwan ni Dark si Kallea na halos patayin naman siya sa tingin. Matapang naman niyang sinalubong ang tingin ng babae. Hindi niya hahayaang maliitin at takutin siya nito. Minsan nang may babaeng umapak sa pagkatao niya. At hindi niya hahayaang masundan pa iyon. She would not let anyone stomp on her just because of her size. No one. At kung iinsultuhin siya ng babaeng ito, makikita nito kung paano magalit ang isang Filipina!

Pagkatapos ng matalim nilang titigan, ngumisi si Kallea habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Well? Aren’t you gonna leave, pig?”

“No. I think you should leave. It’s very clear that Dark doesn’t want to be associated with a desperate hoe like you.” Pagkasabi niyon, nginitian niya nang matamis si Kallea na nakamamatay ang tingin sa kanya.

Mas lumapad ang matamis na ngiti ni Anniza nang makitang nagtagis ang mga bagang ng babae bago tumalikod at mabilis na lumayo sa kanila.

Nang mawala si Kallea, humarap siya kay Dark at tinaasan ito ng isang kilay. “Nakakainis ka, alam mo `yon?”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Ako? Nakakainis? Baka ikaw.”

“At bakit ako?”

“Nagtatanong ka pa talaga?” Ipinulupot ng binata ang isang braso sa baywang niya, saka siya hinapit palapit sa katawan nito. “Ipinamigay mo ako. Akala mo ba, hindi masakit `yon?”

Namilog ang mga mata niya. “N-nasaktan ka?”

“What do you think?” He looked pissed. “The woman I like passed me to another woman. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?”

Mabilis ang tibok ng puso na napatitig si Anniza sa binata na halata pa rin ang iritasyon sa mukha.

“O, ba’t natahimik ka?” usisa nito nang nagsasayaw na sila. Nakatitig lang siya rito. “Gusto mo itigil na lang natin `tong pagsasayaw at ibalik kita sa mesa?” May iritasyon sa boses nito.

Sa kawalan ng masabi, iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Dark, saka idinikit pa lalo ang katawan niya sa katawan nito. “I’m sorry,” mahinang sabi niya habang nagsasayaw sila sa saliw ng malamyos na tugtog. “Ayoko naman talagang makipagsayaw ka sa babaeng `yon.”

“Then why did you let me?” May pagtatampo sa boses ng binata.

“Because I thought you wanted to dance with her.” Alam niyang bakas sa boses niya ang matinding selos. “She’s so pretty, Dark. And she’s a princess. Ano’ng laban ko sa kanya?”

Hinaplos ng binata ang tagiliran niya, saka bumulong sa kanyang tainga. “Wala namang labanang mangyayari, Anniza. Because for me, you’ll win hands down.”

Her heart thumped rapidly as her arms tightened around his neck. “Mas gusto mo akong makasayaw?”

“Yes, of course.” Hinagod ni Dark ang likod niya, saka siya hinalikan sa balikat. “Ikaw ang gusto ko, Anniza. Wala nang iba.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka tinanggap niya sa sarili na hindi na siya basta nahuhulog lang para sa binata. Sigurado na siya ngayon sa nararamdaman niya. Mahal na niya si Dark at natatakot siyang sumugal na naman sa ngalan ng pag-ibig. Natatakot siyang masaktan. Pero kaya ba niyang kalabanin ang gusto ng puso niya? Siguradong mahihirapan siya.

“Dark?”

“Hmm?” he hummed.

Pinaglandas ni Anniza ang mga kamay sa leeg ng binata at hinaplos ito pababa sa dibdib. “Let’s ditch them.”

Mahinang natawa ang binata, saka bahagyang tinampal ang pang-upo niya. “Such a tease, agápi mou . You’re being a bad girl.”

Umikot ang mga mata niya. “Thanks to you.”

He chuckled. “Well, I am, sort of, just a little, slightly, a bad boy.”

Bahagya siyang kumawala sa pagkakayakap sa binata, saka ito tinitigan. “You’re a bad boy, Dark. Period.”

Mahina lang itong natawa, saka siya niyapos uli para isayaw. Hinayaan niya lang ang binata. She liked dancing with him. It felt so intimate. And God knew she wanted to be more intimate with him.