NANG luma pag ang eroplanong sinasakyan nila ni Dark, mabilis siyang iginiya ng binata pababa ng eroplano.
Habang naglalakad sila palabas ng airport, halos lahat yata ng babae ay nakatingin kay Dark. Ang iba naman ay nakatingin sa kanya nang puno ng inggit at panghuhusga ang mga mata dahil siguro siya ang kasama ng binata.
Normal lang ang inggit at panghuhusgang nakikita ni Anniza sa mga mata ng kababaihan. Dark “the Greek” Montero was downright gorgeous. Simpleng cargo pants at white shirt lang ang suot nito pero talagang mapapalingon ka sa kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.
Pero habang katabi niyang naglalakad si Dark, wala siyang hiyang maramdaman. Hindi gaya ng dati na ayaw niyang may nakakakita sa kanilang magkasama ni Dark dahil baka ikahiya siya ng binata. Ngayon, alam niyang walang pakialam si Dark kung plus-size man siya at wala siyang dapat ikahiya kung ganoon man ang katawan niya. At kung walang pakialam ang binata kung plus-size siya, lalong wala siyang pakialam sa mga taong hindi niya kilala. Wala siyang pakialam sa mga mapanghusga nitong mga tingin. Ang importante, wala siyang nakikitang panghuhusga sa mga mata ni Dark.
Slowly, she had accepted herself for who she really was. And that was because of Dark.
Nang makalabas sila ng airport, iginiya siya ni Dark papunta sa limousine na nakaparada roon. Pinigilan niya na mapaawang ang bibig niya nang makumpirmang doon nga sila sasakay at hindi lang nagkamali ang lalaki ng sasakyang nilapitan.
May lalaking nakatayo nang tuwid sa tabi ng pinto ng limousine. Nang makita nito si Dark, bigla itong yumuko sa binata at nagsalita. “Welcome, Your Highness. Pós eísai ?”
Your Highness?
Nagtatakang napatitig si Anniza kay Dark na nakangiti sa lalaking kaharap nila.
“Ikov!” Tinapik ni Dark ang balikat ng lalaking nakatayo nang tuwid na parang isang bodyguard. “How are you? It’s been years.”
“Five years, Your Highness,” sagot ng lalaki na ngayon ay nakatingin nang deretso kay Dark.
Bumaling sa kanya ang binata at ipinakilala siya sa lalaking kaharap nila. “Ikov, this is my lady, Anniza Gonzales.” Nginitian siya ni Dark, saka kinindatan. “Anniza, this is Ikov, my personal butler when I was still in high school.”
Personal butler?
Natigilan si Anniza at bahagyang napaatras sa gulat nang yumukod si Ikov sa harap niya. “Welcome to Greece, Lady Anniza.”
Umawang ang bibig niya, saka pangiwing napangiti. “Hi.” May pag-aalangan ang boses niya. “N-nice to meet you.”
Tumango si Ikov at bumaling kay Dark, saka yumukod sa binata bago nagsalita. “You’ve got a very lovely lady, Your Highness.”
Puno ng pagmamalaking ngumiti si Dark. “I know, right?”
Naguguluhang bumaling si Anniza sa binata, saka nagtatakang nagtanong. “Bakit ka niya tinatawag na ‘Your Highness’?”
Sa halip na magpaliwanag, nginitian lang siya ni Dark. “Wala `yon. Huwag mong pansinin si Ikov.” Bumaling ito kay Ikov na binubuksan na ang pinto para sa kanila. “Ikov, please, stop calling me ‘Your Highness.’”
Tumango lang ang lalaki at iminuwestra ang kamay sa loob ng limousine.
“ Efkharistó , Ikov,” sabi ni Dark, saka bumaling sa kanya at bumulong. “ Efkharistó means ‘thank you.’”
“ Parakaló , Your Highness,” sabi ni Ikov na ikinailing ni Dark.
“It just Dark, Ikov,” sabi nito bago sila sumakay sa limousine.
Nang sumara ang pinto ng limousine, humarap si Anniza sa binata.
“Nasaan ang mga bagahe natin?” nagtatakang tanong niya. Ipinaiwan kasi ni Dark ang mga bagahe nila sa eroplano. “Teka, ano’ng ibig sabihin ng para —whatever na `yon? At saka bakit ka niya tinatawag na ‘Your Highness’?”
“It’s nothing,” sagot ng binata, saka siya niyakap sa baywang mula sa tagiliran at nginitian siya. “And parakaló means ‘you’re welcome’. At kung ang mga bagahe naman natin ang inaalala mo…” May itinuro ito sa labas ng bintana.
A man—no, a security guard was carrying their luggage. Ibinalik niya ang tingin kay Dark. What the hell? Bakit security guard ang nagdala ng bagahe nila?
Marami pang gustong itanong si Anniza pero nawalan na siya ng pagkakataon dahil hinahalik-halikan na siya ni Dark sa leeg. Kinakagat-kagat pa nito ang balat niya roon. Gusto niyang itulak palayo ang binata para magkaroon siya ng pagkakataong magtanong. Pero nadarang siya agad dahil sa ginagawa nito, lalo na nang dumako ang dila nito sa gilid ng kanyang tainga at hinalikan iyon.
Napalunok siya. Good God! This man could distract her with just a kiss. Nawala sa isip niya ang mga tanong.
Sinubukang pigilin ni Anniza ang mga ungol na gustong kumawala sa mga labi niya. Pero kinalaunan, hindi rin niya napigilan. Napaungol siya nang ipasok ni Dark sa kanyang tainga ang dulo ng dila nito. Nagpapainit sa kanyang katawan ang kiliti ng ginagawa ng lalaki.
Mayamaya, pinaglandas ni Dark ang dulo ng dila sa balikat niya at pabalik na naman sa leeg, paakyat sa tainga, saka bumulong doon. “Here in Greece, you’re mine, Anniza.” Kinagat nito ang gilid ng tainga niya habang tinutukso iyon ng dila. “Say that you’re mine, agápi mou .” Gumapang ang kamay nito patungo sa bahagya niyang nakabukang mga hita. “Say it.”
“Yours.” Para siyang kinakapos ng hininga habang panay pa rin ang halik ni Dark sa leeg niya. Nasa mga hita pa rin niya ang kamay ng binata. “I-I’m yours…” nakapikit niyang sabi habang bakas sa mukha ang sarap ng ginagawa nito sa kanyang katawan.
“Oh...” Hindi niya napigilan ang daing nang maramdaman ang paghaplos ng binata sa pagkababae niya na natatakpan ng jeans. “Dark... Oh...” He was rubbing his fingers against the center of her open thighs.
“Oh!” Napakapit si Anniza sa bisig ng binata nang maramdamang nag-uumpisa na siyang mabasa. “Oh, God, oh, Dark…”
Gumapang ang mga labi ni Dark na nasa leeg niya paakyat sa kanyang pisngi, saka dumako sa mga labi niya. Mapusok niyang tinugon ang halik nito. Sinapo pa niya ang mukha ng binata para mas mapadiin ang paghalik dito. Hanggang sa maramdaman niyang umuusad na ang limousine, mainit pa rin silang naghahalikan.
And the next thing she knew, their kisses turned into a hot make-out session. Paharap siyang kumandong kay Dark at idinikit ang mayayaman niyang dibdib sa dibdib ng binata. Mapusok pa rin ang pagpapalitan nila ng mga halik. Hinahaplos ni Dark ang maseselang parte ng kanyang katawan. Napapadaing siya sa sarap habang nasa loob ng cargo pants ng binata ang kamay niya. Itinataas-baba niya ang kamay na nakahawak sa matigas nitong pagkalalaki.
“Oh, Anniza…” ungol ni Dark habang itinataas-baba niya ang kamay sa kahabaan nito. “Baby, oh, faster…”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng binata. Pagbibigyan na sana niya ang hiling nito nang dahan-dahang tumigil ang sinasakyan nila.
Napatigil siya sa paghalik kay Dark at nagkatitigan sila. Mayamaya, bumaling siya sa bintana at sumillip sa labas. Napakunot ang noo niya nang wala naman siyang makitang bahay. All she could see was a well-trimmed Bermuda grass. May mga batong nililok na hugis-tao ang naka-display at may malaking fountain sa gitna.
Malakas na napabuntong-hininga si Dark, saka siya hinalikan sa baba. “Nandito na tayo.”
Ibinalik ni Anniza ang tingin sa binata. “Talaga?”
“Yes.”
Dahan-dahan niyang inilabas ang kamay na nasa loob ng cargo pants ng lalaki, saka ito pilyang nginitian. “Later.”
“Yes,” he whispered, his eyes sporting lust and desire as he kissed her lips. “Later, agápi mou .”
Ilang segundo pa silang naghalikan. Mayamaya, si Anniza na mismo ang pumutol niyon at umayos na ng upo sa tabi ng binata. Inayos niya ang damit na nagusot at ang buhok niyang nawala sa ayos. Nang hindi pa siya nakuntento, inilabas niya ang salamin sa pouch, saka tiningnan ang sarili. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang maayos naman ang hitsura niya. Pero maglalagay sana siya ng lipstick, pinigilan siya ni Dark.
“Don’t.” Inagaw nito sa kanya ang lipstick, saka ibinalik sa pouch niya. “Huwag mong masyadong pagandahin ang sarili mo. Baka may magkagusto pa sa iyo rito.” Hinalikan siya nito sa mga labi. “And besides, how can I kiss you senseless if your lips were covered with lipstick?”
Naiiling na inirapan ni Anniza ang binata, saka ibinalik ang salamin sa pouch.
“Come on,” sabi ni Dark at pinagsalikop ang mga kamay nila bago binuksan ang pinto at hinila siya pababa ng sasakyan.
Nang tuluyan siyang makababa ng limousine at makita ang bahay, halos malaglag ang mga panga niya sa sobrang gulat.
No. It wasn’t a house. It wasn’t a mansion either. It’s a freaking palace!
Ang daming tanong na nagrambulan sa isip ni Anniza. “Your Highness.” This palace. Dark’s wealth. Personal butler...
Jesus Christ… Sino ba talaga si Dark Montero?
Nakatanga pa rin siya habang nakatingin sa palasyo nang lumapit sa kanya si Ikov at iminuwestra ang napakalaki at napakalapad na pinto ng palasyo. “Welcome to Stavros Palace, Lady Anniza,” sabi nito kasabay ng pagbukas sa malapad at mataas na pinto ng palasyo. “The Royal House of Stavros and its occupants hope that you will enjoy your stay.”
Wala siyang maisagot kay Ikov. Basta nakaawang lang ang bibig niya sa gulat at pagkamangha.
Good gracious! This was overwhelming.
Shocked pa rin siya hanggang sa hilahin siya ni Dark papasok sa pinto.
Nang tuluyan na silang makapasok sa palasyo, yumukod ang mga babae at lalaking nandoon para salubungin sila. “ Kalós írthate píso , Prince Dark,” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Nanlaki ang mga mata ni Anniza sa narinig. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan. Mabilis siyang bumaling kay Dark na nakangiti sa mga sumalubong sa kanila. “Prince? Ikaw?” Napakurap-kurap siya, pakiramdam niya, umiikot ang paningin niya sa mga impormasyong hindi pa kayang iproseso ng isip niya. “Prinsipe ka?”
Humarap sa kanya si Dark, saka tumango at hinalikan siya sa mga labi. “Yes. I’m Prince Dark Nikolov Megalos Stavros Montero, the Prince of the Royal House of Stavros. And you, Anniza Gonzales, is my lady and my princess.”
Hindi niya alam kung bakit—baka sa halo-halong emosyong nararamdaman niya—biglang dumilim ang paningin niya at bigla na lang siyang nawalan ng malay.
BAGO pa bumagsak ang katawan ni Anniza sa sahig, mabilis na nasalo ni Dark ang dalaga at agad na binuhat. Dahil siguro sa gulat at sa nabasa niyang kaguluhan sa mga mata nito kaya bigla na lang itong nawalan ng malay. She tended to overthink sometimes, that’s why he did not tell her about him being a prince in the Royal House of Stavros. Kahit pa nga matagal na niyang tinalikuran ang titulong iyon, tuwing bumibisita siya sa Greece, nanatili pa rin sa kanya ang titulong iyon.
She was shocked. Nakita iyon ni Dark sa mukha ng dalaga kanina. Kung alam lang niyang mawawalan ito ng malay, sinabi na sana niya ang lahat bago lumapag ang eroplano. Pero ayaw naman niyang malaman ni Anniza na prinsipe siya. Wala naman kasi iyon sa kanya. His title didn’t mean anything to him. Hindi niya ipinagmamalaki na prinsipe siya, kaya nga hindi niya sinabi sa dalaga. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano. Nahihirapan na nga itong tanggapin siya bilang siya, ano pa kaya kung magpapakilala siya bilang isang prinsipe?
Napailing-iling na lang siya.
He carried her into his room. His woman needed to rest.
“Welcome back, Prince Dark,” sabi ng babaeng nakasalubong niya.
Ngumiti lang siya at tumango.
“Welcome home, Your Highness,” bati ng isa pang babae.
Tumango lang uli siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Marami siyang nakasalubong at panay ang bati ng mga ito sa kanya. Lahat yata ng nasa palasyong iyon, alam na nagbalik siya. Minsan lang kasi siya bumisita, kaya siguro ganoon. Abala kasi siya sa negosyo na ipinamana ng kanyang ama. And even though he always denied his title, he was the Prince of the House of Stavros and these people in the palace who kept on welcoming him back knew that.
Napabuntong-hininga na lang si Dark. Nasisiguro niyang ang pagiging prinsipe niya ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Anniza.
Nang malapit na sila sa kuwarto, nakita niya si Ikov sa labas niyon at hinihintay siya. Dala nito ang mga bagahe nila ni Anniza.
Binuksan ni Ikov ang pinto ng kuwarto niya. “You may enter now, Your Highness.”
Napailing-iling si Dark habang naglalakad papasok sa kuwarto. Kahit talaga ilang ulit niyang sabihin sa mga tao sa palasyo na huwag siyang tawaging “Your Highness,” hindi nakikinig ang mga ito.
Maingat niyang inihiga si Anniza sa malapad na kama at humarap kay Ikov na itinatabi ang luggages.
“Where’s Mamá ?”
“The Queen is having a meeting with the other Royal Houses. Your Highness will be dining with you later.”
Tumango si Dark. “Okay. Thanks.” Binalingan niya si Anniza na wala pa ring malay. Kailangan kaya ito gigising? He couldn’t wait to show her around the palace.
“Your Highness?” tawag ni Ikov sa pansin niya.
Bumaling siya sa lalaki na nasa may pinto na. “Yes?”
“Should I send someone to arrange your clothes?”
Natigilan si Dark at napakunot ang noo. “No need. I can do it myself.”
“We don’t want to tire you, Your Highness.”
Napangiti siya. “Nah. I’m cool. Just call me when Mamá arrives.”
“I will, Your Highness.” Yumukod uli ito, saka lumabas ng kuwarto.
Nagbuga siya ng hangin at tumabi ng higa kay Anniza. Medyo tinamaan siya ng jet lag. Kulang kasi siya sa tulog. Halos buong biyahe nila ni Anniza, nag-uusap lang silang dalawa.
He closed his eyes. Mamaya na siya magpaplano kung ano ang gagawin sa dalagang wala pa ring malay sa tabi niya.
NAGISING si Anniza sa isang maganda, magara at napakalaking kuwarto. Mabilis siyang bumangon at ipinalibot ang tingin sa kinaroroonan niya.
The room was huge. The walls and floor were covered with beige color marble. The ceiling was high and it had intricate designs. Mayroong apat na chandelier na nakasabit sa kisame at kung hindi siya nagkakamali, parang may mga diyamante yata iyon. Maraming paintings na nakasabit at mayroong malaking salamin sa gilid, katabi ng isang magarang sofa na parang nakakailang upuan.
She dragged her gaze to the left side of the bed. She saw Dark sleeping peacefully.
Mataman siyang napatitig sa guwapo nitong mukha, saka nagbuga ng hangin.
He was a freaking prince! A prince in the flesh!
Unbelievable.
Dapat na ba siyang kabahan? Dapat na ba niyang asahan na talagang mawawala nga si Dark sa buhay niya dahil sa estado nito sa lipunan? Dapat na ba niyang ihanda ang sarili kapag umalis na ito? Dahil ngayon, nasisiguro na niya, imposibleng seryosohin siya ng isang prinsipe.
Natigilan si Anniza nang makarinig ng katok sa pinto. Umayos siya ng upo sa gilid ng kama, inayos ang sarili, bago nagsalita. “C-come in.”
Bumukas ang pinto at may babaeng pumasok. Like her, the woman was plus-size but she looked elegant in her trendy peach V-neck sleeveless lace splicing dress. Naiinggit siya sa babae. Sana may confidence din siyang magsuot ng mga ganoong klase ng damit. Pero nahihiya siya.
“Hello, Lady Anniza,” nakangiting bati ng babae.
She smiled back. “H-hi.”
Bahagyang yumukod sa kanya ang babae. “I’m Antasia, the royal fashion designer of her Highness. The Queen sent me here to fetch you.”
The Queen?! Dark’s mother? Mamá Nikola?
Gulat na tinuro ni Anniza ang sarili. “M-me?”
Tumango ito. “Yes, My Lady.”
Tumayo siya. “O-okay.”
Kasama ang babae, lumabas sila ng magarang kuwarto. Halos mahulog ang mga panga niya sa sobrang ganda ng hallway. The floor was covered with dark red carpet and there were flowers engraved on the walls. The ceiling was high but she noticed the ruby chandelier. So beautiful... and it looked so expensive!
Tumigil si Antasia sa isang malaking pinto na may nakaukit na mga bulaklak. Kumatok muna ito bago itinulak pabukas ang pinto. “Your Highness, Lady Anniza is here.”
Dahan-dahang pumasok sa kuwarto si Anniza. Napakurap-kurap siya nang makitang isa iyong napakalaking salon na puno ng mga high-tech na pampaganda. And adjacent to that salon was an open closet full of beautiful dresses just her size!
Malapad ang ngiting lumapit sa kanya si Mamá Nikola at niyakap siya nang mahigpit. “Holy heavens! I’ve been dreaming for this day to come!” she said excitedly. “Come here. I will make you prettier than you already are and I will dress you up.” Natutuwa itong pumalakpak. “Oh, I’m so excited, dearest.”
Nakaawang lang ang bibig ni Anniza habang tinatanggal ni Mamá Nikola sa pagkakatali ang mahaba niyang buhok. Ngumiti ito nang malapad. “Gosh! I’m so excited!” Pinanggigilan nito ang mga pisngi niya. “Antasia, please prepare Lady Anniza’s bath. Use lavender scented body bath. And after that, paint her nails. Gold. Okay?”
“Yes, My Queen,” sagot agad ni Antasia at sumunod sa mga iniutos ng reyna.
Mamá Nikola started calling names. “Deborah, you do Anniza’s hair. Hermia, please pick an outfit that will make Anniza more beautiful. And, Kristah, I want you to do her makeup later.”
Sabay-sabay na nag-“yes, My Queen” ang tatlong babae.
Nanlalaki ang mga matang tumingin si Anniza kay Mamá Nikola. “Ma’am—” Napailing siya. Ayaw pala nitong tawagin niyang “Ma’am.” “Mamá Nikola, I-I, uhm, I don’t need this.”
“Sure you do, agapiménos .” Hinalikan siya ni Mamá Nikola sa pisngi at nginitian. “We have a very glamorous party to attend.”
Napakurap-kurap siya at napaawang ang mga labi. “P-party?” Shit! Parties were not her thing. Crap! Nakakahiyang pumunta roon!
Hinawakan siya sa magkabilang balikat ni Mamá Nikola at iginiya papunta sa isang kuwarto kung saan may bathtub na nakahanda na para sa kanya.
“Anniza, agapiménos , we’re going to attend a party. Actually, it’s a welcome party for you and Dark.” Masaya itong ngumiti sa kanya. “And all the Royal Houses in Greece will be attending and will be welcoming you both.” Nagniningning ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Fantastic. Yeah?”
Itinikom ni Anniza ang nakaawang na bibig. “Y-yeah.”
Crap! This is going to be the death of me!