noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 22

Ch. 23 / 26 Feb 09, 2022

WALA sa sariling nakatitig lang si Anniza sa kisame ng kuwarto niya habang nakahiga sa kama. Kapag mga ganoon, nasa tabi na niya si Dark at magkayakap silang natutulog. Pero iba ang pagkakataong iyon. Masyadong maraming nangyari nang araw na iyon. Marami rin siyang nalaman na lalong nagpagulo sa isip niya.

Matagal na niyang alam na iba talaga kung magalit si Dark. Pero iba ang nasaksihan niya kanina. It wasn’t just anger. It was something else. And it scared her. Natatakot siya na baka dumating ang panahon na magalit sa kanya si Dark at gawin sa kanya ang ginawa nito kay Paul.

She was scared. Pero habang tumatagal na mag-isa siya sa kama, lalong tumitindi ang kagustuhan niyang makatabi at mayakap si Dark. Hinihiling niya na puntahan sana siya ngayon ng binata. Napakaraming “sana” ang nasa isip niya na alam niyang hindi mangyayari dahil sa takot na naramdaman niya kanina.

Nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya, mabilis niyang tinuyo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Mayamaya lang, pumasok ang daddy niya.

“Any, halika na, kumain na tayo,” yaya nito sa kanya habang nasa pinto.

Umiling siya habang hindi tumitingin dito. “Hindi ako gutom, Dad.”

Naglakad palapit sa kanya ang daddy niya, saka umupo sa gilid ng kama at pinakatitigan siya. “May nangyari ba? Gusto mo bang pag-usapan?”

Parang gumaan ang loob ni Anniza sa tanong na iyon ng daddy niya. She had always been a daddy’s girl. Siguro dahil pareho silang palaging nasa kusina kaya palagi silang nagkakausap. Alam niyang kilalang-kilala siya ng daddy niya pero ayaw niyang malaman nito ang nangyari kanina. Ayaw niyang pati ito ay sumama ang tingin kay Dark.

Dark might be scary at times but he was a good guy. He had been good to her.

“Any, ayos ka lang ba?”

Umiling siya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

Bumuntong-hininga ang daddy niya, saka mabilis na tinuyo ang mga luha niya. Masuyo siya nitong tinanong. “Any, kausapin mo ako. Magsabi ka ng totoo. May nangyari ba?”

Kinagat ni Anniza ang pang-ibabang labi habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya. “I miss him, Dad.”

Kumunot ang noo ng ama niya. “Sino? Si Paul?”

Mabilis siyang umiling at tinuyo uli ang mga mata. “Si Dark.”

“Ha? Bakit? `Di ba, magkasama lang kayo kanina?” nagtatakang tanong ng daddy niya.

Mahina siyang napahikbi. “Sinabihan ko siyang huwag na munang pumunta rito sa bahay.”

“Bakit naman?” May-kalakasan ang boses ng daddy niya. Halatang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya kay Dark. “Bakit mo ginawa `yon, ha? At huwag mong sabihin sa akin na dahil hindi mo mahal ang binatang `yon dahil nakikita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo siya, Any. Higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo noon kay Paul. Kaya bakit sinabi mo `yon sa kanya? Hindi ka na naawa sa kanya. Alam mo bang mahal na mahal ka n’on?”

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Anniza sa daddy niya. “Sinabi niya `yon sa inyo?”

Umiling ito. “Hindi pero hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin. I can see it in his eyes, Any. I can see it in his eyes especially when he looks at you when he thinks that no one is looking.” Mahina itong natawa. “Anak, lalaki din ako kaya alam kong totoo ang pagmamahal na nakita ko sa mga mata ng batang `yon. Hindi katulad kay Paul na napilitan lang akong tanggapin kasi akala ko siya ang magpapasaya sa iyo.”

Pinahid ni Anniza ang mga luha sa pisngi niya. “Pero paano kung hindi sapat ang pagmamahal para malampasan ang takot na nararamdaman ng isang tao?”

“Bata ka pa nga, anak.” Nangingiting umiling ang daddy niya, saka hinaplos ang kanyang buhok. “Any, love is the strongest weapon in the world. Iba ang nagagawa ng tunay na pag-ibig sa isang tao. Nagiging mapang-angkin, nagiging seloso, nagiging makasarili, at minsan, nagiging bayolente ang isang taong nagmamahal. Pero hindi lang `yon ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Love can make you stronger, it can make you brave, and it can make you the happiest person alive.”

“Natatakot akong masaktan, Daddy,” pag-amin niya.

Hinaplos nito ang pisngi niya, saka siya masuyong nginitian. “Ano’ng mas nakakatakot, ang isiping baka saktan ka niya o ang isiping mawawala siya sa iyo dahil sa takot mo?”

Nanikip ang dibdib ni Anniza. “Natatakot akong mawala siya. Masyado na siyang mahalaga sa buhay ko, Daddy. Nasanay na ako na parte siya ng araw-araw kong buhay. Kapag tuluyan siyang nawala sa akin, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Natatakot akong mawala siya, Daddy. Hindi ko kakayanin.”

“Then don’t let him get away,” nakangiting payo ng daddy niya. “Bukas, kausapin mo siya.”

Napahikbi siya. “Baka hindi siya pumunta sa restaurant.”

“Kung gano’n, maaga tayong magsasara bukas ng restaurant para mapuntahan mo siya at makausap.”

Sumisinghot na tumango si Anniza, saka bumangon at niyakap ang kanyang ama. “Salamat, Daddy. Maraming salamat at ipina-realize mo sa akin ang kagagahan ko dahil lang sa takot na nararamdaman ko. Natatakot lang talaga ako sa isiping baka saktan lang niya ako. Na baka dobleng sakit ang iparanas niya sa akin kaysa sa naramdaman ko noon kay Paul. Pero tama ka, Daddy, triple ang sakit na mararamdaman ko kung mawawala si Dark. Mas `yon ang ikinakatakot ko nang sobra.”

Hinagod ng daddy niya ang kanyang likod habang umiiyak siya. “Tahan na, anak. Tahan na.”

Pilit niyang pinatahan ang sarili, saka pinakawalan sa pagkakayakap ang ama niya at nginitian ito. “Kain na po tayo?”

Mahinang tumawa ang daddy niya, saka ginulo ang kanyang buhok. “Huwag na. Dito ka na lang. Dadalhan na lang kita ng pagkain. Magpahinga ka na.”

Tumango si Anniza, saka bumalik sa pagkakahiga nang makalabas na ang daddy niya.

Habang nakatitig sa kisame, bumalik sa isip niya ang mga alaala nila ni Dark sa kuwartong iyon. Ang pag-akyat nito sa bintana, ang mainit nilang pagtatalik, iyong sa Nutella, at ang mga pag-uusap nila. Ang lahat ng alaalang iyon ay napakasaya para sa kanya. Napuno niyon ng pagmamahal ang puso niya.

Yes. She loved Dark. So much. At hindi niya hahayaang diktahan ng takot ang mga desisyon niya. Hindi niya hahayaang ang takot ang maging dahilan para tuluyang mawala sa kanya ang binata.

Bukas, aayusin niya ang lahat ng iyon. Sasabihin niya kay Dark na pareho sila ng nararamdaman.

NAKASALAMPAK ng upo si Dark sa sahig ng sala habang umiinom ng whiskey sa mismong bote nang pumasok si Shun sa bahay niya. Gulat siyang napatingin sa kaibigan. Kinunutan naman siya nito ng noo nang makita ang ayos niya.

“What the hell, Montero?” tanong ni Shun na magkasalubong ang mga kilay.

Itinaas niya ang bote ng alak, saka isinandal ang likod sa sofa. “Ano’ng kailangan mo?”

“Ano’ng nangyari sa iyo?” sa halip ay tanong nito. “You look like shit, man.”

“I feel like shit, too.” Bumuga siya ng marahas na hangin, saka bumaling kay Shun. “Alam na niya ang ginawa ko kay Paul. At natatakot siya sa akin.” Mahina siyang natawa pero walang emosyong nakapaloob doon. “Dapat lang naman siyang matakot. I’m a monster when I’m mad.”

“Want to talk about it?”

Umiling si Dark. “I’m fine.” Kaya pa naman niya ang sakit. “I’m okay.”

Shun clacked his tongue. “Pull yourself together, you lunatic. Ikakasal na si Calyx two days from now.”

“O, tapos?” May sarkasmo sa boses niya. “Maliban sa mukhang magiging member na siya ng club ni Tyron, ano’ng gusto mong gawin ko, magpa-party?”

Napailing-iling si Shun. “Pinapasabi ni Calyx na invited ka sa stag party niya.”

Tumaas ang isa niyang kilay. Uminom siya ng alak. “Stag party? Pumayag si Calyx?”

Nagkibit-balikat si Shun. “Malay ko sa lalaking `yon. Basta ako, pupunta. Iinisin ko pa si Valerian, eh.”

Kahit papaano, nabawasan ang bigat sa dibdib ni Dark sa sinabing iyon ni Shun. “Ang kaibigan nating `yon talaga, may history problem. Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on sa past.”

“We all know the reason why. Pero iinisin pa rin naman siya ni Knight.”

Tumawa nang mahina si Dark. “Kaya palaging naiirita sa inyo si Valerian, eh.”

Mahinang tumawa si Shun. “Bahala siyang mairita. Baliw naman kasi siya, eh.”

He chuckled. “Medyo may saltik nga si Valerian.”

“Nagsalita ang matino.” Tumayo si Shun at naglakad palabas ng bahay niya. “Sige, aalis na ako. See you later. And please, take a bath. You stink.”

Natawa nang mahina si Dark. Pero nang makaalis si Shun, unti-unti ring nawala ang ngiti sa mga labi niya at bumalik siya sa kamiserablehan gaya kanina. Inubos niya ang laman ng boteng hawak, saka inis iyong itinapon sa sahig nang maubos na ang laman.

Mayamaya, sinabunutan niya sa sarili sa sobrang frustration na nararamdaman dahil sa mga nangyari kahapon. Kahit ilang bote ng alak pa ang inumin niya, hindi pa rin babalik ang pagtingin sa kanya ni Anniza. Hindi na babalik ang pagtingin sa kanya ni Anniza na puno ng pagtitiwala.

Now, she looked at him with fear in her beautiful eyes. And that scared him. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa buhay niya kapag tuluyang nawala sa kanya ang dalaga.

He would be lost. That’s for sure.

HALOS buong araw na abala si Anniza sa pagtatrabaho sa restaurant. Paminsan-minsan, pumapasok sa isip niya si Dark at ang plano niyang kausapin ito mamayang gabi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Hindi tulad kagabi na parang may nakadagang mabigat na bagay sa dibdib niya.

Hanggang sa sumapit ang gabi ay abala pa rin siya. Binibilisan niya ang pagluluto dahil iyon ang huling lulutuin niya at hahayaan na siya ng daddy niya na umalis at puntahan si Dark.

At nang matapos siya, lumabas siya ng kusina at ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Paul. Nilapitan siya nito.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya.

Nginitian siya ni Paul. Bakas pa rin sa mukha nito ang mga pasa. “Can we talk?”

Kumunot ang noo niya. “Para ano pa?”

Hinawakan ni Paul ang kamay niya. “Gusto kong magpaliwanag.”

“Bilisan mo.” Inagaw ni Anniza ang kamay at naglakad papunta sa bakanteng mesa. Gusto na niyang tapusin ang lahat kay Paul para maayos na iyon at masabi na niya ang nararamdaman kay Dark.

Nang umupo siya, nagsalita agad si Paul. “Anniza, let’s get back together.”

Bumuntong-hininga siya. “Paul, ayoko. Hindi ako makikipagbalikan sa iyo.”

Hinawakan na naman ni Paul ang kamay niya. “Alam kong nagkasala ako sa iyo. Alam kong mali ang nagawa ko. Pero, Anniza, mahal talaga kita. Oo. Nahihiya ako noon na isama ka sa mga event kasi mataba ka at pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko pero nagbago na ako. Nang magkahiwalay tayo, saka ko lang na-realize na mahalaga ka talaga sa akin. Nang wala ka na, saka kita palaging naiisip. Saka kita hinanap-hanap. Please, Anniza, patawarin mo na ako. I want you back, Anniza. Please. Please... come back to me.”

Pinakatitigan niya si Paul. Ito ang lalaking minahal niya nang dalawang taon. Ito ang lalaking nanakit sa kanya at naging dahilan kung bakit nahirapan siyang pagkatiwalaan si Dark. Ito ang lalaking nagpaiyak sa kanya at yumurak sa ego niya bilang isang babae.

Mapait siyang ngumiti. “Paul, sinaktan mo ako. Hinding-hindi na maibabalik ang pagmamahal ko sa iyo. Ayoko na. Mahal ko si Dark at hindi mo siya mapapalitan sa puso ko.”

“No!” Humigpit ang hawak ni Paul sa kamay niya. “Akin ka, Any! Akin ka! Akin! Hindi ako makakapayag na piliin mo ang Dark na `yon! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, hindi ko siya hahayaang sumaya! Hindi ako makakapayag! Dapat pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin! Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang negosyo ko! Akin ka, Any. Akin ka! Mahal na mahal kita, Any…”

Binawi ni Anniza ang kamay niyang hawak Paul at umalis siya sa kinauupuan. Pero hindi siya hinayaan ng lalaki. Humarang ito sa daraanan niya, saka siya sinapo sa mukha at hinalikan sa mga labi.

Nanigas siya sa kinatatayuan at para siyang binuhusan ng tubig nang makita sa gilid ng mga mata na pumasok si Dark sa loob ng restaurant. Bago pa siya makapag-react, pinakawalan ni Paul ang mga labi niya at lumuhod sa harap niya.

He slid a ring on her finger. “Anniza, please, marry me.”

Nawala ang atensiyon niya kay Paul. Nakatingin siya kay Dark na may sarkastikong ngiti sa mga labi. Umiling-iling ito at mabilis na lumabas ng restaurant.

Mabilis niyang tinanggal ang singsing at ibinalik iyon kay Paul. “Ayoko. Hindi kita mahal, so please, get lost!”

Pagkasabi niyon, mabilis niyang sinundan si Dark sa labas ng restauran. Pero hindi na niya ito inabutan dahil nakaalis na sakay ng Ducati. Sumakay agad siya sa kotse, saka nagmamadaling nagmaneho at sinundan ang binata sa Bachelor’s Village.

Nang makarating sa gate ng Bachelor’s Village, pinigil ng security guard ang kotse niya.

Bumaba siya at kinausap ang security guard. “Manong, please, kailangan ko lang makausap si Dark,” nagmamakaawang sabi niya. “Please... please, I need to talk to him.”

Umiling ang security guard. “Pasensiya na, Ma’am. Hindi ka puwedeng pumasok.”

“No!” Marahas siyang umiling. “I need to talk to him!” Desperado siyang makausap si Dark para magpaliwanag na mali ang nakita nito. Malakas niyang itinulak ang guard at tumakbo papasok sa village.

Mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makitang hinabol siya ng guard. Pero hindi niya hahayaang maabutan siya nito. Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa bahay ni Dark. At nang makarating doon, pumasok siya sa hindi nakasarang gate at malakas na kumatok sa pinto.

“Dark! It’s me, Anniza! Please open the door!” nagmamakaawa niyang sigaw habang binabayo ang pinto.

Walang sagot mula sa loob, pero alam niyang nandoon ang binata dahil nakaparada ang Ducati nito sa labas ng bahay.

“Dark! Please! Let me explain!” sigaw niya. “Dark!”

And then she heard his baritone voice from inside the house. “Go away, Anniza. Ayaw kitang makausap.”

Parang pinitas ang puso niya sa sobrang sakit dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang mahal siya ni Dark. And she knew that it was his anger management issue talking but it still made her heart clench in pain.

“Please...” Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. “Kausapin mo naman ako.”

“Ayoko. Umalis ka na,” galit na sabi ni Dark mula sa likuran ng pinto. “Ayaw kitang makausap o makita. Just leave, Anniza. And don’t bother me anymore!”

Napaigtad siya sa malakas nitong boses. Nararamdaman niya ang katotohanan sa sinabi nito. Ayaw na siya nitong makita o makausap. Her tears were heavily falling from her eyes as she stepped back. Parang kinakatay ang puso niya habang naglalakad palayo sa bahay ni Dark.

Umiiyak na naglakad palayo si Anniza habang sapo-sapo ang kanyang dibdib. Mas masakit pa iyon kaysa noong makita niya si Paul na may katalik na iba. She only needed a chance to explain but Dark didn’t let her. Nasasaktan siya pero kailangan niyang tanggapin ang sakit na nararamdaman. Galit si Dark at normal na sa ugali nito na magsalita nang masakit kapag galit. Hihintayin niyang kumalma ang binata, saka niya susuyuin. Hindi niya ito hahayaang mawala sa kanya dahil sa kagagahan niya at maling akala nito.

Sa ngayon, kailangan niyang tanggapin ang sakit. She deserved it. Kung sinabi niya nang mas maaga na mahal niya si Dark at hindi siya natakot dito, okay sana sila ngayon. Sana masaya sila ngayong magkasama.

Talagang palaging nasa huli ang pagsisisi.

But regretting about what happened would not do her any good. Kailangan niyang tanggapin ang bunga ng takot niya, ang bunga ng pagdadalawang-isip niya. At iyon ang pinakamasakit. Kasalanan kasi niya talaga ang lahat ng iyon. Pero masisisi ba niya ang puso niyang natatakot lang na masaktan uli?

MALAKAS na ibinato ni Dark sa pader ang susi ng motorsiklo. Itinatapon niya sa pader ang lahat ng mahawakan niya hanggang sa mabasag iyon at masira. It was his way of letting go of his anger towards Paul. Hindi siya galit kay Anniza. Kay Paul siya galit. Dahil kahit ano ang gawin niya, kahit anong effort niya, wala siyang laban sa lalaki. Si Paul pa rin ang mahal ni Anniza.

Pumunta siya sa Zaired Restaurant para gawin ang dare ng mga baliw niyang kaibigan at para na rin may dahilan siyang makita uli si Anniza pagkatapos ng mga nangyari kahapon. He was with his friends because of Calyx’s stag party. And they played a dare game. At ang dare sa kanya ay ang halikan si Anniza. Napakadali lang niyon sa kanya. Pero nang makita niyang hinalikan ni Paul si Anniza, para siyang tinakasan ng lakas. And when Paul asked her to marry him, umatras siya.

Natakot siya na marinig ang sagot ng dalaga. Nakakaduwag na marinig mula sa bibig ng babaeng mahal niya na may iba itong mahal. Nakakaduwag tanggapin na ang babaeng mahal niya ay ikakasal sa ibang lalaki. It pained him to think that she would choose Paul over him. Sino ba siya? Isa lang naman siyang simpleng stalker na nagpasalamat nang maghiwalay ang dalawa.

In the mood he was in now, kaya niyang ipapatay si Paul. Pero si Anniza ang inaalala niya. Kung mahal ni Anniza ang lalaking iyon, hindi niya ito puwedeng saktan. Hindi niya kayang saktan si Anniza. Hindi niya kaya.

Sisigawan sana niya ang kumatok sa pinto nang marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.

“You’re in there, Dark?” sabi ng boses ni Tyron.

Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, saka binuksan ang pinto. Kanina, hindi niya pinagbuksan si Anniza. Ayaw niyang may masabi siyang masama sa dalaga kaya hindi niya ito hinarap.

“Ano’ng kailangan n’yo?” walang buhay niyang tanong sa mga kaibigan na nasa labas ng bahay niya.

Ngumiti si Iuhence. “We saw it. Need a drinking buddy? Available kami.”

Itinaas ni Calyx ang kamay. “Can I pass? Kasal ko na sa makalawa. And anyway, stag party ko `to, eh. `Tapos kay Dark ang focus? Kayo na talaga. Mga walang respeto!”

Umikot ang mga mata ni Dark. “Ayokong uminom, ayokong makipag-usap, at ayokong makakita ng tao. Kaya magsilayas na kayo.”

Sa halip na sundin, hindi sineryoso ng mga may saltik niyang kaibigan ang sinabi niya.

They all grinned.

“Huwag kang maarte. Hindi ka babae.” Itinulak siya ni Tyron papasok sa bahay at pumasok ito na para bang inimbitahan niyang pumasok sa loob.

At sunod-sunod nang pumasok sa bahay niya ang iba pa niyang mga kaibigan. Wala siyang nagawa kundi ang isara ang pinto at sundan sa kusina ang mga ito.

Nang makapasok siya sa komedor, abala na ang mga kaibigan niya sa pagbukas ng kanya-kanyang bote ng beer.

“So,” humarap sa kanya si Tyron, “you love my cousin Anniza?”

Nanlalaki ang matang napatingin siya kay Tyron. “Pinsan mo siya?”

“Yes. So answer me.”

Tumango siya at pabagsak na umupo sa isang stool, katabi ng island counter. “Yeah. I do. Medyo matagal ko na siyang mahal.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Tyron. “Anong matagal na? So, matagal mo na siyang kilala?”

Umiling siya. “I don’t want to talk about it.”

Bumuga ng hangin si Tyron. “Spill it, Dark.”

“Ayoko.”

Tumayo siya at naglakad palabas ng kusina. He went to his room and locked it. He was mad and he had to calm down. Ayaw niyang may madamay sa galit niya.

Nang makahiga siya sa kama, tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya agad iyon sa bulsa, saka sinagot ang tawag. “Hey, Evren.”

“Hey, Montero,” sagot nito sa kabilang linya. “I dug some info about Paul Menzon. Napag-alaman kong kurakot na congressman pala ang tatay niya. Ipagkakalat ko ba para tuluyan na siyang mawalan ng investors?”

Bumuntong-hininga si Dark at mapait na ngumiti. “Just drop it. Ayoko nang marinig ang pangalang Paul Menzon mula ngayon.” Nagtagis ang mga bagang niya.

“Damn...” Evren trailed. “Ano’ng nangyari?”

“Nothing. I’m okay.” Tinapos niya ang tawag at ibinato ang cell phone sa pader, saka dumapa ng higa sa kama.

Love sucks!