“KAILAN m o kami ipapakilala sa bago mong apple of the eye?” tanong sa kanya ni Haze habang sinisimsim ang order na java chip frappuccino.
Nagyaya sina Haze at Czarina sa Starbucks para lang interview-hin siya. Nalaman ng mga ito mula sa mga magulang niya ang tungkol kay Dark, kaya naman ginawa yatang misyon ng dalawa ang paaminin siya kung sino si Dark at kung ano ang nararamdaman niya para sa binata.
“Spill, Any,” pamimilit ni Czarina habang pinanlalakihan siya ng mga mata. “Magkuwento ka na kasi at nang hindi na humaba ang usapan.”
“Wala naman akong ikukuwento.” Napakagat-labi siya. “Hindi naman kami, eh.”
Umirap si Haze. “Hindi kayo pero may nangyari na sa inyong dalawa? Ano’ng tawag do’n?”
Namumula ang mga pisngi na nagbaba ng tingin si Anniza. “Tumigil nga kayo. W-wala naman `yon, eh. Hindi por que naulit `yon—”
“Oh to the M to the G!” tili ni Czarina. “Naulit?”
Nahihiyang tumango-tango siya. “Oo. Naulit.”
Halos malaglag ang mga panga ni Haze habang nakatingin sa kanya. “Oh, my God, Any. Naulit? Masarap ba?”
Binato niya ng masamang tingin si Haze. “Uulitin ko ba kung hindi?”
Ngumisi ito. “Kaya naman pala blooming ka. Kasi nadidiligan ka pala.”
Lalong namula ang mga pisngi ni Anniza. “Tama na please. Nahihiya na ako.”
“At sa amin ka pa talaga nahiya?” Inirapan siya ni Czarina. “Umamin ka nga, Any, mahal mo siya, `no?”
Napakagat-labi siya at hindi makatingin sa mga kaibigan. “I’m getting there.”
Tumili na naman si Haze. “Salamat naman at nabura na si Paul sa puso mo. Thank God for that!” Halata ang kasiyahan sa mukha nito. “Anyway, we need to meet this guy.”
“Huwag muna,” pigil niya agad sa dalawa. “Gusto ko munang makasiguro. Ayokong magkamali na naman. Minsan na akong nasaktan at ayoko nang maulit `yon. Natatakot na akong masaktan uli. Lalo na kung si Dark ang mananakit sa akin. Masakit ang ginawa ni Paul, pero doble ang sakit kung si Dark ang gagawa n’on. Ewan ko ba, parang iba ang kapit ni Dark sa puso ko.”
Huminga nang malalim si Haze, saka hinawakan ang kamay niya. “Cheer up, Any. Okay lang `yan. Tama ka naman, eh. Mahirap nang magtiwala uli pagkatapos ng nangyari sa iyo. We understand that.”
“But we still have to meet Dark,” dagdag ni Czarina.
“Oo nga,” segunda ni Haze. “Kailangan namin siyang makilala.”
Kokontra pa sana si Anniza sa gustong mangyari ng dalawa nang marinig niya ang pamilyar na boses sa likuran niya.
“Anniza?”
Mabilis siyang lumingon. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan niya. At nang makita kung sino ang nasa likuran niya, tumibok nang mabilis ang puso niya.
Dark! After three days, she saw him again.
He looked so gorgeous. Nakaitim itong cargo shorts at nakaputing plain V-neck shirt. He was wearing black sunglasses and a black cap. May nakalagay na earphone sa isa nitong tainga. Hawak ng isang kamay nito ang cell phone samantalang nasa isang kamay naman ang Starbucks cup. And he had this cute grin on his lips.
“Dark...” sambit niya sa pangalan ng binata habang nakatitig sa guwapo nitong mukha.
Nginitian siya nito. “Hey, ómorfos .” Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi na para bang normal na nilang gawain iyon.
It was just a peck but it sent shivers down her spine. Shucks! This man and his effect on her were not healthy for her. Pakiramdam niya, nagpa-palpitate ang puso niya. Malalagutan siya ng hininga dahil dito, eh!
“ Ómorfos means ‘beautiful’ in Greek,” singit ni Czarina na pumutol sa pagtititigan nila ni Dark.
Bumaling ang binata kay Czarina na nakataas ang isang kilay. Pero inilahad pa rin nito ang kamay kay Dark. “Hi. I’m Czarina Salem, Any’s friend and the one who will kill you if you hurt her.”
Kumunot ang noo ni Dark at napatingin sa kanya, saka ibinalik ang mga mata kay Czarina. “If I hurt her? Hmm. May lalaki nang nanakit sa kanya, siguro naman kilala mo siya. Gusto mo siyang patayin? Sama ka sa akin. Pupulbusin natin siya.”
Napanganga si Czarina. “Ano?”
Mahinang tumawa si Dark, saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Czarina. “I’m Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. Nice to meet you.”
Lalong umawang ang mga labi ni Czarina, pati na rin si Haze, nakanganga na sa sobrang haba ng pangalan ni Dark.
“Tao ka ba?” manghang tanong ni Haze. “Ang haba ng pangalan mo.”
“Tao ako.” Umupo ang binata sa katabing upuan ni Anniza kahit hindi naman niya sinabing umupo ito. “Guwapong tao.” Bumaling ito sa kanya. “Hindi ba, agápi mou? ”
“ Agápi mou means ‘my love,’” sabad ni Czarina na ikinaawang ng mga labi niya.
Nanlalaki ang mata na tumingin siya kay Dark. “‘My love?’”
He grinned slyly. “Yes, agápi mou ?”
Kumabog ang puso niya. “T-totoo?”
“Yes.” Hinaplos ni Dark ang pisngi niya. “It means ‘my love.’” Mayamaya, inilahad ng lalaki ang kamay kay Haze. “I’m Dark. And you are?”
Mabilis na nakipagkamay si Haze sa binata. “Haze.”
“Nice to meet you, Haze,” bati ni Dark na may magiliw na ngiti sa mga labi. Kapareha ng ngiting iyon noong kaharap nila ang mga magulang niya.
What a weirdo.
Nagulat si Anniza nang biglang tumayo si Czarina na hawak-hawak ang frappuccino nito.
“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
“`Di ba, Haze, may pupuntahan pa tayo?” baling ni Czarina kay Haze, sabay hila rito patayo. Hindi man lang sinagot ang tanong niya.
Bumakas ang kalituhan sa mukha ni Haze. Mayamaya, ngumiti ito na para bang may alam na hindi niya alam. “Oo nga pala. May pupuntahan pa tayo.” Bumungisngis ito bago tumayo. “Sige. Aalis na kami.”
Napakunot ang noo ni Anniza sa mga kaibigan. “Iiwan n’yo ako? Kayo ang nagyaya sa akin dito, eh!” naiinis na sabi niya. “Sama ako.”
Inginuso ni Czarina si Dark na nakangiti sa tabi niya. “Hayan naman ang agápi mou mo. Bahala na siya sa iyo.” Kinindatan siya ng kaibigan. “Bye,” sabi nito, sabay mabilis na hinila si Haze palabas ng Starbucks.
Hindi makapaniwalang napatitig si Anniza sa mga kaibigang naglalakad palabas ng café, saka binalingan si Dark na komportableng nakaupo sa katabi niyang upuan. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan siya nito.
Lihim siyang napangiti sa ginawa ng binata. Ipinako niya ang paningin sa cappuccino na in-order niya. Ayaw niyang tumingin kay Dark. Ang puso niya kasi, parang tumatalon sa tuwa dahil nakita ito. Nagpaalam ito sa kanya na mawawala nang tatlong araw dahil sa negosyo. Sino naman siya para pigilan ito? Sa tatlong araw na iyon, palagi niya itong hinahanap-hanap. Nababaliw na siya sa kakaisip sa binata.
“Anniza?” malambing na tawag ni Dark sa pangalan niya.
Pinaikot-ikot niya ang lalagyan ng cappuccino at nanatiling nakatitig doon. “Ano `yon?”
“I missed you.”
Lalong lumakas ang tibok ng puso niya at parang lalabas iyon sa kanyang dibdib. Pilit niyang pinapakalma ang puso na parang nagwawala sa dibdib niya. “Huwag ka ngang magsalita nang ganyan,” sabi na lang niya nang walang ibang maisip na sabihin.
Kinuha ni Dark ang kamay niya na nilalaro ang takip ng cappuccino, saka iyon pinisil. “I did miss you. I haven’t seen you for three days, Anniza. `Buti na lang nakita kita rito, pupunta na sana ako sa bahay n’yo.”
Pasimpleng humugot ng malalim na hininga si Anniza. Ang puso niya, hindi na kayang tumanggap ng matatamis na salita galing kay Dark. Baka lalo pang mahulog ang loob niya rito, masasaktan lang siya. Pero gusto niyang sulitin ang mga oras na ibinibigay sa kanya ni Dark. Walang nakakaalam kung kailan iyon matatapos. Kaya hanggang may interes pa sa kanya ang binata, susulitin na niya.
Humarap siya kay Dark at lakas-loob na nagtanong. “Would you like to go out on a date with me?”
Namilog ang mata nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nakaawang ang mga labi nito at titig na titig sa kanya. “A-ano?”
Lakas-loob na nagtanong siya uli. “Date tayo. Gusto mo?”
Itinikom ng binata ang bibig, saka hindi pa rin makapaniwalang tumango. “Y-yeah. Gusto ko.”
“Good.” Hinawakan ito ni Anniza sa kamay at hinila palabas ng Starbucks.
Na-miss niya si Dark. Hindi niya iyon kayang aminin nang harapan sa binata kaya ipaparamdam na lang niya kung gaano niya ito na-miss sa tatlong araw na hindi ito nagpakita sa kanya. Bumalik kasi ito sa US para sa negosyo.
“Dala mo ang Ducati mo?” tanong niya habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa sidewalk.
“Hindi.” May itinuro ito sa harap nila. Isa iyong malapad na gate na may nakasulat na Bachelor’s Village . “That’s where I live.”
“So,” sumulyap siya sa binata, “malapit lang ang bahay mo rito?”
Tumango si Dark. “Yeah. Doon lang.”
Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip ni Anniza. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang masarili ang binata kahit ilang oras lang. Ang totoo, nami-miss na niya ang mga pasimple nitong paghaplos sa katawan niya at ang mga halik nito. She wanted that now. She wanted to kiss him and to do more.
“Tara, doon na lang tayo mag-date sa bahay mo,” sabi niya, saka hinila ang binata papunta sa gate ng village.
“SPG date?”
Mabilis siyang napabaling kay Dark na may kislap ng pagnanasa ang mga mata. “Is that what you like?”
Yumapos agad sa baywang niya ang binata, saka siya hinalikan sa pisngi at bumulong sa tainga niya. “Kung sasabihin kong higit pa ro’n ang gusto ko, ibibigay mo ba?”
Sa halip sa sagutin iyon, humigpit ang hawak niya sa kamay ni Dark, saka ito hinila papunta sa gate ng village. Pinapasok naman agad sila nang makita ng guard ang binata.
At habang naglalakad sila papunta sa bahay ni Dark, halos malaglag ang mga panga ni Anniza sa naggagandahang mga bahay na nadadaanan nila. Doon din nakatira si Tyron at ang asawa nitong si Raine. Pero gabi iyon noong makapunta siya kaya hindi niya nakita masyado ang mga bahay.
“Mukhang mayayaman ang nakatira dito,” komento niya mayamaya.
“Not really,” sabi ni Dark, saka siya iginiya papasok sa isang gate.
Hanggang baywang lang niya ang gate. May puting mansiyon sa loob ng itim na gate.
It was a modern mansion. Bermuda grass and bonsai plants were scattered. It had glass walls and there was a beautiful fountain on the side. She could see a round swimming pool on the other side. May mga recliner sa gilid ng swimming pool at may Jacuzzi sa tabi niyon. The mansion was three-storey high and it had a flat concrete roof. Mula sa kinatatayuan niya, makikitang napakaaliwalas ng loob ng mansiyon.
Parang ang sarap tumira sa bahay na `to.
“Ito ang bahay mo?” manghang tanong ni Anniza.
“Yep,” sagot ni Dark, saka siya inakbayan at iginiya patungo sa pinto ng mansiyon.
Nakayakap sa kanya mula sa likuran ang binata habang binubuksan nito ang pinto. Hinahalik-halikan nito ang batok niya. Napakagat-labi na lang siya nang maramdaman ang kiliti sa puson niya dahil sa ginagawa nito. Ni hindi nga niya namalayan na nabuksan na pala ng binata ang pinto at nakapasok na siya sa loob kung hindi niya narinig ang pagsara niyon. At hindi pa siya nakakapagkomento sa ganda ng loob ng bahay, inangkin na ng mga labi ni Dark ang mga labi niya.
Nagulat man sa ginawa ng binata, agad naman niya iyong tinugon nang buong puso. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ni Dark at mas hinapit pa ito palapit habang mas nagiging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila.
God! She missed this man!
Their lips clasped together. Their tongue battled. Their breathing mixed. Kinagat ni Dark ang pang-ibaba niyang labi na parang nanggigigil at ang kamay ay nasa pang-upo niya at pinipisil iyon.
Mahinang napadaing si Anniza at kinagat din ang pang-ibabang labi ng binata.
Napaigtad siya at nakagat ang sariling labi nang pumasok ang kamay ni Dark sa loob ng suot niyang blouse. Pinisil nito ang mayayaman niyang dibdib. Nag-umpisa nang mag-init ang katawan niya sa ginagawa ng mga kamay ng lalaki, lalo na nang masuyo nitong pinisil-pisil ang korona sa tuktok ng mayayaman niyang dibdib. Huhubarin na sana niya ang T-shirt na suot nito nang makarinig siya ng malakas na tikhim.
“I want a grandchild this instant but live action is not really my thing,” sabi ng boses ng babae. Halata ang kakaibang accent nito.
Parang napaso na humiwalay agad si Anniza sa binata at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Her eyes settled on the woman regally sitting on the single sofa. Her back was straight and her chin up. The woman had a very strong resemblance to Dark. Napakaganda ng babae kahit may-edad na. She sat with poise and grace. Pero ang nakakuha sa atensiyon niya ay ang katawan nito. She was not skinny. Malaman ang katawan ng babae. Parang siya lang. Pero parang mas malaki siya rito.
I think.
“Hey, Mom,” sabi ni Dark na parang walang nangyari. “What are you doing here?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Anniza. Mom? Nanay ito ni Dark?
Oh, my God! Oh, my God! Oh, my God! Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Nagdasal siya na sana ay bumuka ang lupa at kusa niyang ililibing ang sarili niya sa sobrang hiyang naramdaman nang mga oras na iyon.
Oh, God! Please! Ilibing mo na lang ako! Nakakahiya!
Halos umusok ang mga pisngi niya sa sobrang init niyon dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi niya kayang tumingin nang deretso sa ina ni Dark kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya. Baka ano ang isipin nito sa kanya dahil sa nakita nitong paghahalikan nila ni Dark.
“I told you that I’d be visiting you, didn’t I?” tanong nito kay Dark.
Mula sa gilid ng mga mata ni Anniza, nakita niyang ibinuka ng ginang ang mga braso sa binata. “Come here, my son, give your mitéra a hug.”
Malalim na bumuntong-hininga si Dark bago naglakad palapit sa nanay nito para yakapin.
Sinapo ng nanay ni Dark ang mukha ng binata. “I missed you, my son. I haven’t seen you for a while.”
“Yeah. Yeah. I missed you, too,” sabi ni Dark na parang napipilitan.
At mula sa gilid ng mga mata ni Anniza, nakita niyang bumaling sa kanya ang ginang. Nakabuka pa rin ang mga braso nito.
“Well?”
Nang nahihiyang mag-angat siya ng tingin sa nanay ni Dark, nakita niyang nagtatanong ang mga mata nito.
“Aren’t you gonna hug me?”
Napakurap-kurap siya. Ano raw?
She kept on blinking in disbelief. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan sa sobrang gulat sa sinabi ng nanay ni Dark kaya ito na ang lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit bago siya pinakawalan at nginitian nang pagkatamis-tamis.
“Are you Anniza?” nagniningning ang mga matang tanong nito.
Nag-aalangang tumango siya.
Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mga labi ng nanay ni Dark, saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa at nakangiting nagsalita. “Thank God you’re not skinny. We, the Stavros Family, like big boned women.” Tumingin ito kay Dark na nakatingin sa kanila. “Good choice of woman, my son. I like her. So,” the woman beamed, “when is the wedding?”
Nag-aalangan at nagtatanong ang mga mata ni Anniza nang tumingin siya kay Dark. Nginitian lang siya ng loko at nagkibit-balikat. Pasimple niya itong pinukol ng masamang tingin. Pahamak talaga. Bakit hindi na lang nito sabihin sa nanay nito na wala naman silang relasyon kaya walang kasalang magaganap.
“Uhm...” Hindi niya kayang makipagtitigan sa nanay ni Dark kaya nagbaba na lang siya ng tingin. “There will be no wedding, Ma’am,” sabi niya, saka nag-aalangang nginitian ang ginang.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. “Oh, you’re so cute, Anniza.” Pinanggigilan nito ang mga pisngi niya. “Call me Mam á Nikola.” Tinitigan siya nito nang hindi siya sumagot. “Say it. Say it, Anniza, dear.”
“M-Mamá Nikola,” naiilang na sabi niya.
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ng nanay ni Dark, saka siya niyakap nang mahigpit. “I love how you say it!” Impit itong tumili. “Amazing!” Pinakawalan siya nito, saka humarap kay Dark. “Dark! Marry her! Now!” patiling sabi nito at humarap na naman sa kanya. “Let’s go to Greece, méli . You two must be wed there! Gosh! So cute!”
Nakatanga lang si Anniza sa nanay ni Dark habang inaaya siya nito papuntang Greece para doon daw sila ikasal ng binata. Oh, my God! That was very awkward.
“Mom,” matigas ang boses na sabi ni Dark. “Stop it. You’re scaring her.”
Tumigil naman bigla ang nanay nito at napalabi. “Sorry, méli .” Hinalikan siya nito sa pisngi. “I’m just excited.” Hinawakan siya ng ginang sa kamay at hinila palapit kay Dark. “Here, my son, go. Make a baby with Anniza,” nakangiting sabi nito. “I’ll just be in the kitchen making cupcakes.” Naglakad ito palapit sa isang pinto. “Have fun making babies! I want twins, Dark. If you can, I want quadruplets!” pahabol na sabi ng ginang na papasok na sa pinto ng kusina.
Nagkatinginan sila ni Dark nang tuluyan nang mawala ang mama nito.
Nang hindi siya magsalita, tumaas ang sulok ng mga labi ng binata. May pilyong kislap sa mga mata nito. “So, let’s go and make babies?” tanong nito na may pilyong ngiti sa mga labi.
Umawang ang mga labi ni Anniza. “M-make what?”
“Make babies. Naghihintay pa naman si Mamá. Dapat after nine months, manganak ka ng quadruplets.”
Hindi niya napigilan ang sarili, sinuntok niya si Dark sa braso. “Baliw! My vagina can’t take that, moron!”
Lumapad ang ngisi nito, saka dumukwang at inilapit ang mga labi sa mga labi niya. “Hmm... one violent move…”
Ipinaikot niya ang mga mata. “…one kiss,” pagpapatuloy niya. Siya na ang humalik sa mga labi ng binata.
Mahinang tumawa si Dark nang maghiwalay ang mga labi nila. May kislap ng panunukso ang mga mata nito. “Natututo ka na. That’s great.”
Inirapan niya ang lalaki. “Yes, I’m learning. But I’m still not making babies.”
Sumimangot si Dark. “Paano ang SPG date natin?”
“Postponed,” sagot niya, saka ito tinalikuran at maglalakad na sana palabas ng bahay nang pigilan siya nito sa braso.
Pinihit siya ng binata paharap dito at para siyang sako ng bigas na isinampay sa isang balikat.
Impit siyang napatili. “Dark! Ano ba’ng ginagawa mo? Ibaba mo ako—” Namilog ang mata niya nang ma-realize ang posisyon nila. “Wait, what?! Kaya mo akong buhatin?!” Naeskandalo siya sa kaalamang kaya siyang buhatin ni Dark.
She was freaking heavy and she knew that!
Tumawa lang ang binata habang umaakyat sa hagdan. “Kasingbigat ka ng barbell na palagi kong binubuhat.” Tinampal nito ang pang-upo niya.
“Dark!” Nag-init ang mga pisngi ni Anniza. “Huwag mong tampalin ang puwet ko!” namumula ang mga pisnging sabi niya.
Tumawa lang si Dark, saka nagpatuloy sa paglalakad. Siya naman ay hindi pa rin makapaniwalang kaya siyang buhatin ng binata. At sa unang pagkakataon sa buhay niya, pakiramdam niya ay napakagaan niya.