noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 4

Ch. 5 / 26 Feb 09, 2022

MAGKAHA RAP sina Anniza at Dark sa sala habang nasa center table na pinapagitnaan nila ang malaking Yellow Cab Pizza. Halos kalahati na ang nakakain nilang dalawa. Pansamantala niyang nakalimutan ang diet.

“Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong niya sa binata na abala sa pagnguya ng pizza.

“Sinundan kita,” walang pag-aalinlangan nitong sagot.

“That’s creepy.”

Kinindatan lang siya ng lalaki. “It’s sweet.”

Pinukol ito ni Anniza ng masamang tingin. “No. Creepy `yon.”

He rolled his eyes. “Whatever.”

Lihim siyang napangiti sa ginawa ng lalaki. “May asawa ka na?” bigla niyang tanong kay Dark na inihit ito ng ubo sa sobrang gulat siguro.

Mabilis nitong binuksan at ininom ang beer in can na ibinigay niya rito kanina bago nila inumpisahang kainin ang pizza. Then he blew a loud breath. “Whew!” He looked at her with an annoyed expression on his face. “Do you think I’ll make you a bad woman for you to fucking ask me that?”

Tumalim ang mga mata ni Anniza sa binata. “Don’t curse, you moron. Nasa pamamahay kita kaya umayos ka!”

Nag-iwas ito ng tingin. “S-sorry.”

She frowned. “So, wala kang asawa?”

Ibinalik ni Dark ang tingin sa kanya. “Wala. Bakit mo naitanong?”

“Kasi ayoko lang na biglang may babaeng dumating dito sa bahay at sabunutan ako.”

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “For real? Naisip mo talaga `yan?”

“What?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Ang dami kayang pelikula at teleserye na puro pangangabit ang tema. Paano kasi, mga manloloko kayong mga lalaki.”

Malalim itong napabuntong-hininga. “Huwag mong lahatin.”

“Hindi,” padabog niyang sabi. “Lahat kayo. Lahat!”

Napaigtad si Dark nang tumaas ang boses niya. “Ano’ng pinaglalaban mo?” nangingiting tanong nito mayamaya. “May asawa ka na ba at niloko ka?”

“Wala,” mataray niyang sagot. “Pero may fiancé ako na niloko ako.”

Nag-iwas ng tingin si Anniza nang makitang natigilan si Dark at napatitig sa kanya. Para makaiwas sa pagka-asiwang nararamdaman, kinuha niya ang beer in can at binuksan iyon, saka tinungga ang laman. Napaubo siya nang biglang agawin ng lalaki ang iniinom niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya at nakaupo na sa tabi niya.

“Stop drinking. Hindi `yan maganda sa kalusugan mo.”

“Malusog na malusog na ako,” mapait na sagot niya.

Tumitig ang binata sa dibdib niya. “Yeah. I can see that.”

Mabilis na dumapo ang kamay niya sa pisngi ni Dark at tinakpan ang mayayamang dibdib gamit ang dalawang kamay. “Bastos! Hindi `yan ang tinutukoy ko!”

Nakangiwing hinaplos ng lalaki ang nasaktang pisngi. “Una, binato mo ako ng sapatos. Ngayon naman, sinampal mo ako. What punishment should I bestow on you?” Ngumisi ito at biglang inilapit ang mukha sa mukha niya. “Halikan kaya kita.”

Inirapan niya ito. “Subukan mong manghalik, susuntukin kita,” pananakot niya pero mukhang hindi naman iyon umepekto sa binata.

Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. “Eh, di suntukin mo.”

He then pressed his lips on her, stunning her. Bago pa siya makabawi sa pagkabigla, naghiwalay na ang mga labi nila.

Naningkit ang mata niya sa inis at malakas na sinuntok ang binata sa tiyan. Napangiwi ito pero nagawa pa ring sakupin ang mga labi niya sa isang mapusok na halik.

When he pulled away, he was smirking. “One violent move, one kiss.”

Napanganga si Anniza. “A-ano?”

“One violent move, one kiss,” ulit nito.

Nagtagis ang mga bagang niya habang sinalubong ng matalim ng tingin ang titig ng binata. “At sino ka para diktahan ako?”

“Hindi kita dinidiktahan.” Hinaplos nito ang pisngi niya na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. “Pero kapag sinampal, sinuntok, sinipa o kahit na anong kabayolentehan ang gawin mo sa akin, paparusahan kita.”

“Ng ano?” Tumaas ang kilay niya. “Ng halik?”

His eyes dropped down to her private part. “Hindi lang halik ang kaya kong gawin.”

Her cheeks reddened. “Bastos!”

He laughed and then he leaned on the back of the sofa. Unti-unting naglaho ang tawa ng binata kaya napaharap siya rito. Nakita niyang nakapikit na ito.

He looked so tired and so worn out. Alam na alam ni Anniza ang ekspresyon na iyon dahil palagi niya iyong nakikita sa mga magulang niya pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho sa restaurant, ang daddy niya bilang head chef at ang mommy naman niya bilang manager.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga, saka tumayo. Umikot siya papunta sa likod ng sofa at idinantay ang mga kamay sa magkabilang balikat ni Dark. Nag-umpisa siyang masahiin ang binata na mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. “Thanks. But you don’t have to do that. Uuwi na lang ako para magpahinga.”

Itinirik ni Anniza ang mga mata para pagtakpan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil sa magaganda at nakakaakit na mga mata ng binata. “Bayad ko `to sa pizza.”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Dark. “Sige. Hindi ko tatanggihan ang masahe mo.”

Hindi siya umimik at inumpisahang masahiin ang balikat nito patungo sa leeg.

“Uhm...” daing nito habang minamasahe niya. “That feels good, Anniza.”

Napalunok siya nang parang may kakaibang naramdaman ang katawan niya nang dumaing si Dark. Ano ba naman iyan! Pati ang inosenteng daing, binibigyan ng malisya ng katawan niya.

Argh! This is not good.

Pagkatapos masahiin ang leeg ng binata, bumaba naman ang kamay ni Anniza sa gilid ng balikat nito at marahang pinisil-pisil iyon.

He moaned again. “Oh... diinan mo pa, Anniza.”

Bumuga siya ng hangin. Nag-uumpisa nang mag-init ang katawan niya dahil sa mga daing ni Dark. Hindi iyon normal!

Ilang minuto rin niyang minasahe ang lalaki bago siya nito pinatagil.

“Okay na ako,” sabi nito habang nakasandal pa rin sa likod ng sofa.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ni Dark at humarap dito. “Bakit ka ba stressed?”

“Work.”

“Ah.” Gusto niyang itanong kung ano ang trabaho ng binata pero baka masyado nang personal iyon.

He opened his eyes and gave her a sideway glance. “So, ahm, hiwalay na kayo ng fiancé mo?”

Kinagat ni Anniza ang pang-ibabang labi at tumango. “Oo.” Mapakla siyang tumawa. “I’m now a pathetic, fat, single lady.”

“Why are you doing that?”

Naguguluhang tumingin siya kay Dark. “Doing what?”

“Palagi mong tinatawag ang sarili mo na mataba. Bakit?”

“Kasi tanggap ko ang katotohanang mataba ako.”

Umayos ng upo ang lalaki at inilapit ang mukha sa mukha niya. Her heart couldn’t stop beating fast again. Lalo na’t ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang matikman uli ang mga labi nito na isang linggo ring hindi nawala sa isip niya.

“No. Hindi ako naniniwala,” sabi ni Dark habang mataman siyang tinititigan. “Tanggap mo? No, hindi `yan ang rason kung bakit palagi mong hinihila pababa ang sarili mo.” He softly caressed her face. “You’re beautiful, Anniza. Hindi mo dapat hinihila pababa ang sarili mo nang gano’n.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Kung maganda ako, bakit ako niloko ni Paul?” Hindi niya mapigilan ang panunubig ng mata niya.

“Because he is a jerk for hurting someone like you. Gago siya dahil pinakawalan niya ang babaeng katulad mo. Always keep this in mind, Anniza, hindi ikaw ang nawalan kundi siya.”

Ibinalik niya ang tingin kay Dark. Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapansing mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya. And she could already feel his lips brushing against hers.

“Dark…” she whispered.

Napalunok si Anniza nang bahagyang lumapat ang mga labi ng binata sa mga labi niya. Napapikit siya nang tuluyan siya nitong halikan. Ninamnam niya ang bawat paggalaw ng mga labi ni Dark sa mga labi niya. Hinayaan niya rin ang daing na kumawala sa mga labi niya nang kagatin ng lalaki ang pang-ibaba niyang labi, saka pinaglandas ang dulo ng dila nito sa gilid ng mga labi niya. This was what she wanted from him, his kisses that she couldn’t seem to get enough of.

Naramdaman niya ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang katawan, lalo na nang sapuin ni Dark ang isa sa mayayaman niyang dibdib at bumaba ang halik nito sa gilid ng leeg niya patungo sa likod ng kanyang tainga.

All she could do was tilt her neck and let the pleasure of his kisses consume her. At habang mahina siyang napapadaing sa mga ginagawa ni Dark, tinatanong niya ang sarili kung bakit ganoon sa kanya ang binata? Bakit tinatrato siya nito nang ganoon? Bakit sinundan siya nito mula sa restaurant? Bakit palagi nitong pinapataas ang confidence niya? At bakit ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso niya kapag kaharap ito?

Something was really off.

Nakagat ni Anniza ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang mainit na kamay ni Dark na humahaplos sa hita niya habang ang dila nito ay nilalaro ang gilid ng tainga niya na nagpapabasa sa kanyang pagkababae. Hindi niya alam na maapektuhan siya nang ganoon sa simpleng paghalik lang sa kanyang tainga at paghaplos sa hita niya.

Mas lumalim pa ang paghinga niya nang ipasok ni Dark ang dulo ng dila nito sa tainga niya habang ang kamay nito ay palapit na nang palapit sa pagkababae niyang basang-basa na.

Umawang ang mga labi ni Anniza nang pumasok ang kamay ng binata sa office skirt na suot niya, saka hinaplos ang gitnang bahagi ng pagkababae niya na natatakpan pa ng basang panties. She did not know that she could be this wet just by kissing and touching.

Damn this Greek guy for making her body burn just like that. Halos mapugto ang hininga niya at matuyo ang lalamunan habang nilalasap ang kiliti na dala ng paghaplos ni Dark sa kanyang pagkababae. It was still covered with underwear, but still, she couldn’t help but moan and part her legs wider. Never in her life did she feel this kind of pleasure from a man just by kissing and touching.

Humigpit ang hawak ni Anniza sa gilid ng sofa nang maramdamang hinawi ni Dark ang panties niya, saka ipinasok ang isang daliri sa loob ng kanyang pagkababae. She moaned in pleasure as his finger delved into her mound. It felt so good. She couldn’t help but lean down on the back of the sofa and open her thighs wider.

Nakakahibang ang sarap na ipinapalasap sa kanya ni Dark gamit ang daliri nito na nasa loob niya at naglalabas-masok sa kaselanan niya. Pabiling-biling siya habang nakasandal sa likod ng sofa at umaangat ang balakang.

“Oh…” Her nipples started to harden and her clitoris was pulsing, “Oh, oh, more, Dark… more of that…” Nakapikit ang mata niya habang naglalabas-masok ang ngayon ay dalawang daliri na ni Dark sa loob niya.

Pabiling-biling siya sa sobrang sarap ng sensasyong nararamdaman. Napakasarap ng daliri ng lalaki na nasa loob niya. Palakas nang palakas ang ungol niya habang nakasabunot sa sarili.

She was writhing, panting, breathing hard, and moaning in sheer pleasure as Dark thrust his fingers in and out of her core. She liked it… She liked his fingers inside her. Nakakawala sa tamang huwisyo ang sarap na ipinaparamdam sa kanya ng binata. Alam niyang basang-basa na siya.

Lust and desire filled her as she tasted the beginning of her climax. Hinawakan niya sa batok si Dark at mapusok na hinalikan sa mga labi habang unti-unting nilulukob ng orgasmo ang buo niyang katawan. They kissed hungrily and passionately as she reached the peak of her climax. Her mind-blowing and breathtaking orgasm consumed her whole being.

At habang unti-unting humuhupa ang orgasmo ni Anniza, dahan-dahang naghiwalay ang mga labi nila ni Dark. Nahihiya niyang ibinaon ang mukha sa balikat nito.

Pinigilan niyang mapadaing nang hugutin ng lalaki ang mga daliri sa loob niya. Naramdaman niya ang lalo pang pagkabasa ng panties niya. Oh, God… I’m so wet. My panties were soaked!

Ilang minuto silang natahimik habang nakabaon ang mukha niya sa balikat ni Dark. Nang kaya na niyang labanan ang hiyang nararamdaman dahil sa nangyari, umayos siya ng upo. Hindi siya makatingin nang deretso sa binata.

“Sige, aalis na ako.”

Nawala ang hiyang nararamdaman ni Anniza, saka mabilis na tumingin sa lalaki. “Ngayon na?”

“Yeah.” Dumukwang ito, saka siya hinalikan sa mga labi at bumulong. “Baka kung ano pa’ng magawa ko kapag hindi ako umalis agad. Baka hindi na ako makapagtimpi, angkinin na naman kita.”

Namula ang mga pisngi niya sa huli nitong sinabi. “S-sige. I-ingat ka.”

Nang tumayo si Dark, tumayo na rin siya para ihatid ito sa pinto. Hindi siya nakagalaw nang bigla na namang angkinin ni Dark ang mga labi niya. Nang maghiwalay ang mga labi nila, hindi niya napigilang magtanong. “Bakit ba halik ka nang halik?”

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Hindi ka naman umaangal, eh.”

Itinaas ni Anniza ang kamao at susuntukin sana ang lalaki nang maalala niya ang sinabi nitong “one violent move, one kiss.” Mabilis niyang ibinaba ang kamao at pinandilatan ito na nakangisi at mukhang alam kung ano ang laman ng isip niya.

Inirapan niya ang binata. “Umuwi ka na nga!”

Mahinang tumawa ang lalaki, saka itinuro ang pizza na nasa center table. “Ubusin mo `yan, ha? Binili ko `yan para sa iyo.”

Humalukipkip siya. “Ayoko. Tataba ako lalo.”

Hinawakan nito ang baywang niya at pinanggigilan. “Okay `yon na mas tumaba ka pa. Para nasisiguro kong akin ka lang talaga.”

She froze at that. Her eyes snapped at Dark who was still grinning from ear to ear.

Tama ba ang narinig niya o pinaglalaruan lang siya ng mga tainga niya?

“Ano’ng sinabi mo?” tanong niya para siguruhin ang narinig.

Pumalatak ang lalaki pero makikita ang amusement sa mga mata nito. “Wala. Masyado ka kasing nag-iisip nang malalim kaya hindi mo narinig ang ka-sweet-an ko.”

Inirapan niya si Dark. “Umuwi ka na nga.”

Natatawang lumabas naman ito ng pinto.

Sumandal si Anniza sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalaki. She saw him straddle his motorcycle. He looked freaking hot.

Hindi siya makapaniwala na ang isang guwapong lalaki na katulad ni Dark Montero ay hahalikan siya at gagawin ang ginawa nito sa kanya kanina. Malapit na bang mawasak ang mundo at nangyayari na ang mga hindi kapani-paniwala o baka naman isa na naman iyong biro ng tadhana?

Huminga siya nang malalim, saka isinara ang pinto at ini-lock iyon. Nagmamadali siyang umakyat sa kuwarto. Kailangan niyang maligo at magpalit ng underwear dahil parang nanlalagkit ang pagkababae niya.

DARK stopped his Ducati in front of Shun Kim’s house in Bachelor’s Village. Doon siya tumuloy mula sa bahay ni Anniza. Hindi pa siya nagdo-doorbell ay bumukas na ang pinto.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang wala siyang makitang tao sa pinto. Napailing-iling na lang siya mayamaya nang maisip na baka remote controlled ang pinto. It’s Shun Kim’s house after all.

Nang pumasok siya sa loob ng bahay, nakita niya si Shun na nakaupo sa couch, sa harap ng seventy-two inch TV. “Lazy bastard,” natatawang sabi niya at umupo sa sofa katabi ng couch na kinauupuan ni Shun. “Kailan pa naging remote controlled ang pintuan ng bahay mo? Last time I came here, wala pa `yan.”

Nagmamalaking ngumisi si Shun. “Matagal na akong talented, Montero, kaya huwag ka nang magulat.”

“You’re a dipshit.”

“Whatever.” Hininaan nito TV. “Ano’ng kailangan mo?”

Sumandal si Dark sa likod ng sofa bago sinabi ang pakay niya. “I need you to background check a guy named ‘Paul.’”

“Montero, alam kong abot-langit ang talent na meron ako, pero maraming Paul sa mundo. Baka naman uugod-ugod na ako bago ko siya mahanap.” Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Umikot ang mga mata niya. “Hindi ko alam ang surname niya. He was Anniza Gonzales’ ex-fiancé—”

Napatigil siya sa pagsasalita nang mahinang tumawa si Shun. Umiling-iling ang singkit niyang kaibigan. “Sabi ko na, eh. Babae na naman. Pagkatapos ni Calyx, ikaw naman.” Natatawa itong tumingin sa kanya. “Mahal ang serbisyo ko, Montero.”

“Name your price,” he said with a shrug.

Shun grinned. “I have a mansion in Las Vegas worth five million dollars.” Parang naghahamon na tumaas ang dalawang kilay nito. “Is she worth five million dollars?”

He thought of Anniza and a smile crept into his lips. “She’s worth more than that.”

Napailing-iling si Shun. “Mukhang magiging kasapi ka na rin sa kulto ni Tyron.”

Mahina siyang natawa at tumayo. “Hihintayin ko ang impormasyong kailangan ko.”

Naglalakad na siya palapit sa pinto nang magsalita si Shun. “Ano’ng gagawin mo kay Paul kapag nakuha mo na ang impormasyong kailangan mo?”

His face turned dead serious and his eyes darkened. “Magdasal lang siya na wala siyang importanteng negosyo na bumubuhay sa kanya dahil sisiguruhin kong hindi na siya makakabangon kapag natapos ako sa kanya.”

Ilang segundong natahimik si Shun bago nagsalita. “Shit, man. You’re scary.”

Dark lost his serious face and smiled at Shun. “Well, my mom named me ‘Dark ’ for a reason.”

Bumuga ng hangin si Shun at umiling-iling. “`Buti na lang pala kaibigan kita.”

Ngumiti siya at lumabas ng bahay ni Shun. Sumakay siya sa motorsiklo at pinaharurot iyon papunta sa bahay niya na ilang bahay lang ang pagitan mula sa bahay ng kaibigan.