HINDI mak atulog si Anniza kahit anong pilit niya. Magkadikit ang mga hubad nilang katawan ni Dark. Yakap siya ng binata at siya naman ay nakaunan sa braso nito. Sinusuklay pa rin nito ang buhok niya pero hindi siya dinadalaw ng antok. Iyon ang unang pagkakataon na may lalaki siyang makakasamang matulog sa kama at hindi siya mapakali.
Nag-iisip siya ng sasabihin nang maalala niya ang naging pag-uusap kanina sa hapag-kainan. “Bakit mo `yon ginawa?” Tumagilid siya ng higa para mapaharap kay Dark. “Ten million ang pagkakabili mo sa lupa, bakit five million mo lang ipinagbili sa amin?”
He continued brushing her hair. “Honestly?”
Hinuli niya ang mga mata nito. “Yes.”
Parang nagdalawang-isip pa ito bago sumagot. “I want to be in your parent’s good side, Anniza.”
Nagtataka siyang nagtanong. “Bakit naman?”
“Sa akin na lang `yon,” sagot nito, saka misteryosong ngumiti.
Ipinaikot ni Anniza ang mga mata. “Ewan ko sa iyo. Hindi ka matinong kausap.”
“Paano ako titino, eh, baliw na baliw nga ako sa iyo?”
Ilang segundo siyang natigilan. Mayamaya, naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. “A-ano’ng s-sabi mo?”
“Ayoko nang ulitin,” natatawang sabi ni Dark at pinanggigilan ang pisngi niya. “Nakakahiya.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit ngayon ka pa nahiya? Hindi ka nga nahiya nang halikan ako sa maraming tao, `tapos mahihiya ka ngayon?”
Sumama agad ang mukha ng binata, saka napailing. “Hayan na naman tayo sa mataba ka at dapat akong mahiya na kasama ka.” Masuyo nitong sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya sa mga mata. “Anniza, hindi ako nahihiya na kasama ka. I can kiss you in front of so many people and I couldn’t care less about what they think. Kasi sa mga mata ko, ikaw ang pinakamagandang babae.”
Umiling si Anniza. Hindi siya naniniwala. “Hindi ko matatanggap `yang sinasabi mo hangga’t hindi ako nagiging sexy.”
Malakas itong nagbuga ng hangin. “Anniza, maganda ka. Bakit ba hindi mo `yon matanggap?”
“Kasi hindi ako sexy.”
He puffed out a breath again. “Fine.” Irritation filled his voice. “You want to be sexy? Mag-gym tayong dalawa. Sasamahan kita.”
Napamulagat siya. “Talaga? Pero nakakahiyang mag-gym kasi maraming nakatingin sa akin `tapos—”
“May sarili akong gym sa bahay. Puwede mong gamitin `yon.”
Natigilan si Anniza at may pagdududang tumitig sa binata. “Tutulungan mo talaga akong magpa-sexy? Like Megan Fox sexy?”
Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito. “I like Anniza Gonzales’ body better. Pero kung `yan ang gusto mo, sige, mag-gym tayo. Pero may isa akong tanong bago kita tulungan sa kabaliwan mong pagpapapayat.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Nakaramdam siya ng kaunting kaba sa itatanong nito. “Ano?”
“Bakit mo `to ginagawa?”
Natigilan si Anniza. Bakit nga ba? She had tons of reasons. Pero ang talagang pinakamabigat niyang rason sa pagpapapayat ay ang kagustuhang matanggap sa lipunan. Dahil kahit ano pa ang sabihin ni Dark, magkaiba pa rin ang trato sa mataba at sa payat.
“Gusto kong pumayat kasi...” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Kasi gusto kong matanggap nila ako. Gusto kong mahalin din ako nang totoo. Sa tingin ko kasi, makukuha ko lang `yon kapag pumayat ako. Dahil sa karanasan ko kay Paul, natutunan kong size na pala ang basehan ng pag-ibig ngayon, kaya magpapapayat ako. At halata naman, palaging mas plus points kapag sexy. Masakit man aminin, pero gano’n na siguro ang mga tao ngayon. Kapag may magandang mukha at sexy, napakadali para sa kanila na pagbigyan at asikasuhin `yon nang may respeto. Pero kapag plus-size, parang napakahirap sa kanila na asikasuhin kami. I always feel it, you know. Being degraded because I’m plus-size. So please, help me.” Nakikiusap na tumitig siya kay Dark.
Nawala ang iritasyon sa mukha ng binata. “Sige. Tutulungan kita. Pero labag ito sa kalooban ko. Mas gusto ko ang Anniza ngayon na yakap ko. Mas gusto ko ang Anniza na nag-e-enjoy kumain ng masasarap na pagkain na dala ko. Pero dahil `yan ang gusto mo, sige, susuportahan kita.”
Matamis niyang nginitian si Dark. “Yes! Salamat.” Niyakap niya ito nang mahigpit at lalo pang isiniksik ang katawan sa katawan nito. “Weirdo ka pero mabait ka naman,” nakangiting sabi niya. “Sobrang bait mo at—”
“Hindi ako mabait.” Biglang nawala ang emosyon sa boses nito. “Masama akong tao, Anniza.”
Napatitig siya kay Dark. Naguguluhan siya sa mga pinagsasasabi nito. Ito na yata ang pinakamabait na tao na nakilala niya pero weirdo naman. He helped her a lot. He boosted her confidence at all times. At tanggap siya nito kahit ano pa ang size niya. Kaya para sa kanya, mabait si Dark.
“Paano ka naman naging masama?” nagtatakang tanong niya mayamaya.
Hinintay niya ang sagot ng lalaki pero nagulat siya nang bigla itong ngumiti na parang walang sinabing kakaiba.
“Ang weird mo, alam mo ba `yon?”
Nakangiti itong umiling. “Nope. All I know is I’m hot, I’m handsome, and I’m gorgeous as fuck.”
Napailing si Anniza sa kahanginan ni Dark. “You’re weird, all right?” Idinantay niya ang binti sa hita ng binata. Naramdaman niyang tumutusok ang kahabaan nito sa bukana ng pagkababae niya pero hindi niya iyon pinansin. “Sa sobra mong pagka-weird, ang sarap mong kurutin.” Pinanggigilan niya ang binata sa tagiliran, saka ito kinurot doon.
“Bayolente ka talaga, `no?” Nakangiwi ito dahil sa sakit ng pagkurot niya. “Tama nga si Paul, bagay tayong dalawa.”
Sumama ang mukha niya. “Banggitin mo pa ang pangalan ng hinayupak na `yon at tatamaan ka sa akin.”
“Eh, di tamaan mo.” Nginisihan siya ni Dark. “Basta tandaan mo, one violent move, one kiss.”
She stuck her tongue out at Dark. “Ewan ko sa iyo. Hindi tayo bati!” Tinalikuran niya ito sa pagkakahiga at ipinikit na ang mga mata.
NANGINGITI si Dark habang yakap si Anniza mula sa likuran. Hindi raw sila bati kaya tinalikuran siya nito.
So cute.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya nang maalala ang tulong na hinihingi ng dalaga. Gusto nitong magpa-sexy. She was sexy already! Damn it! Nunca na tutulungan niya ito! Ayos na sa kanya si Anniza ngayon. Gusto niya ang malaman na Anniza. He didn’t want her to be skinny. Hindi siya papayag.
Tutulungan niyang mag-gym si Anniza pero may plano siya para hindi mabawasan ang timbang nito. He wouldn’t let her change just to be accepted. For him, she was already perfect. And she didn’t need to change for anyone. Ang dapat nitong pinag-aaralan ay kung paano tatanggapin ang sarili, hindi ang magbago para matanggap ng iba.
“Dark?”
Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Anniza. Ang akala niya ay tulog na ito. “Hmm?”
“I like you.”
Natigilan si Dark at parang nakalimutan niyang huminga sa narinig. At nang makabawi sa pagkabigla, mas humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga, saka bumulong. “I like you too, Anniza.”
They cuddled until they fell asleep. It was the best night of his life—to sleep beside the woman that made his heart go thump.
NANG magising si Anniza kinaumagahan, wala na si Dark sa tabi niya. Mabilis siyang tumingin sa bintana. Nakasara iyon pero hindi naka-lock. Nakangiti siya habang umiiling. Mukhang sa bintana na naman ito dumaan.
Bumangon siya at inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Nang pumasok siya sa kusina para mag-agahan, nandoon na ang mga magulang niya. “Good morning,” bati niya sa mga magulang, saka humalik sa pisngi ng mga ito.
“Good morning din sa iyo, anak,” ganting-bati ng mommy niya.
“`Morning, Any,” bati naman sa kanya ng daddy niya.
Umupo si Anniza sa bakanteng upuan para saluhan ang mga magulang. Habang nag-aagahan, bigla nilang naging usapan si Dark.
“Any, Dark is handsome, right?” tanong ng mommy niya na may nanunuksong ngiti sa mga labi.
Nagbaba siya sa tingin sa plato niya. “Opo, guwapo siya.”
“Hmm,” sabi naman ng daddy niya. “Wala ka bang gusto sa kanya?”
“Dad naman, eh!” Namula siya dahil naalala niya ang sinabi niya kagabi kay Dark bago sila natulog. Those three words.
Her father clacked his tongue. “I saw how he looked at you, Any. That’s how I look at your mother.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Anniza. “Ano?” Nag-angat siya ng tingin sa daddy niya. “Ano’ng ibig mong sabihin, Daddy?”
“Any, iba siyang tumingin sa iyo. I saw it. Hindi naman ako bulag.” Sumimsim ng kape ang daddy niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “At saka, halata naman na may gusto sa iyo `yong binata. Binili niya ang lupa para hindi ka umiyak? Kahit gaano kabait ang isang tao, hindi niya `yon gagawin. Maliban na lang kung may gusto siya sa iyo.”
Umawang ang mga labi niya. “H-hindi `yan totoo.”
Her mother snorted. “Yeah. And pigs can fly,” biro nito.
“`Ma! Huwag kayong gumawa ng issue,” naiinis na sabi niya. “Wala siyang gusto sa akin.”
“Deny it, Any. Sige lang. Magigising ka na lang isang araw na siya na ang buhay mo,” sabi ng daddy niya.
Napasimangot siya. “Dad naman, eh! Wala nga, eh. Saka hindi darating ang araw na `yon, okay?”
So, ano’ng ibig sabihin ng nangyayari sa iyo ngayon? Tanong ng munting boses sa isip ni Anniza. Nakikipag-sex ka pero wala kang nararamdaman? Ano `yon? Init lang ng katawan?
Init nga lang ba iyon ng katawan? Parang hindi naman. She felt something... something she couldn’t or didn’t want to name.
Nauna na siyang tumayo at lumabas ng bahay. Ayaw niyang hintayin matapos ang mga magulang niya sa mesa dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan nila.
Maglalakad na sana si Anniza palapit sa kotse nang may marinig siyang busina sa labas ng kanilang bahay. Binuksan niya ang gate. Nagulat siya nang makita roon si Dark na nakasakay sa Ducati. “Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong. Napatingin siya sa wristwatch, saka bumaling sa binata. “It’s just six in the morning.”
“Sinusundo ka,” sagot ni Dark, saka bumaba sa motorsiklo. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. “Nasaan ang parents mo? Ipagpapaalam kita.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ha? Ano ba’ng sinasabi mo?”
Hinawakan siya ng lalaki sa kamay at hinila pabalik sa bahay nila.
“Dark, ano ba? Bitiwan mo nga ako! And why the heck are you looking for my parents? Ano ba’ng gagawin mo?” sunod-sunod niyang tanong habang hila-hila nito.
“I’m trying to be a gentleman, Anniza. And I’m trying to be a good man for you.”
“What?” Naguguluhan siya. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”
Madali nilang nakita ang mga magulang niya na nasa sala na at naghahanda nang umalis.
“Good morning, Mr. and Mrs. Gonzales,” bati ni Dark.
“Dark,” gulat na sabi ng daddy niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” halatang naguguluhang tanong nito.
Itinaas ni Dark ang magkahawak nilang kamay. “Magpapaalam lang po sana ako kung puwedeng imbitahan si Anniza na lumabas kasama ako. I know it’s working day and all. But can I take her out?”
Parang hindi naman nagulat ang daddy ni Anniza sa sinabi ni Dark. Her father just smiled and nodded. “Sure. Basta ba iuwi mo siya mamayang gabi na buo pa at walang gasgas.”
“Dad!” Pinandilatan niya ang kanyang ama. “Marami akong gagawin sa restaurant. `Tapos pakiramdam ko pa, maraming tao ngayon do’n. Kailangan n’yo ang tulong ko—”
“Go, Dark, take her away from the restaurant for a day and make her happy,” bilin ng daddy niya na ikinatigil niya sa pagsasalita.
Masayang ngumiti si Dark. “I’ll keep her safe, Sir Anton.”
“Call me Tito Anton, Dark.”
If it was even possible, mas lumapad pa ang ngiti ni Dark. “Okay po. Salamat, Tito Anton.” Tinanguan nito ang mommy niya. “Salamat po, Tita Analiza.”
Ngumiti ang mommy niya bilang sagot.
Nginitian naman siya ni Dark, saka masuyong hinila palabas ng bahay at palapit sa Ducati. Sinuotan siya nito ng helmet at salamat sa Diyos dahil naka-jeans siya kaya hindi nakakaasiwang sumakay sa motorsiklo nito.
Nakayakap siya sa likod ng binata habang umaandar ang motor.
“Saan ba tayo pupunta?” malakas ang boses na tanong ni Anniza.
“It’s a surprise,” pasigaw ding sagot ni Dark para marinig niya.
She rested her head on his back. Naamoy niya ang panlalaki nitong pabango. God! This man smelled good.
Napatigil siya sa pag-amoy sa binata nang tumigil ang motorsiklo sa isang parking lot na puno ng mga mamahaling sasakyan.
“Nasaan tayo?” tanong niya habang bumababa ng motorsiklo.
Nginitian lang siya ni Dark, saka pinagsalikop ang mga kamay nila. Iginiya siya nito papunta sa isang elevator na nandoon sa parking lot at pinindot ang GF button.
Nang makarating sila sa ground floor at bumukas ang elevator, nagulat siya nang makitang nasa airport sila. Nakikita niya mula sa glass wall ang mga nakahanay na mga eroplano sa labas.
“Dark, bakit tayo nasa airport?” nagtatakang tanong niya.
“May pupuntahan tayo,” sagot nito. Magkahawak-kamay pa rin silang naglakad palapit sa isang guwapong lalaki. “Hey, Volkzki.”
The man just grimaced. “Montero, may I remind you that I am the owner of a very famous airline and not your employee. Hindi mo ako assistant kaya huwag mo akong utusan.”
Tinawanan lang ni Dark ang iritasyon sa mukha ng kaharap. “Whatever, Volkzki. Thanks.”
Volkzki rolled his eyes. “Whatever. `Yong pinapabili ko, huwag mong kalimutan. I want you to buy a mooncake. And if you don’t have a moon cake when you return, I will not let your plane land inside my airline’s border. And I will tell the airport’s management to kick your plane out just for the fun of it.”
Dark chuckled. “Akala ko ba bad trip ka sa mga singkit? Alam mo ba kung saan ang origin ng mooncake na pinapabili mo sa akin?”
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Volkzki. “Bilhin mo na lang. May pagbibigyan ako niyan.”
“Hmm… Malapit ka nang maging member ng club nina Tyron, `no?”
Volkzki glared at Dark. “Kapag may pinagsabihan ka nito, pasasabugin ko `yang eroplano mo. I swear, Montero, kapag may nakaalam sa moon cake na `yan, mamaalam ka na sa private plane mo,” pananakot nito sa matigas na boses.
Tinawanan lang ito ni Dark at hinila na siya papasok sa isang maliit na pathway na nagdala sa kanila sa loob ng isang private plane.
“What the heck, Dark?” She was worried. “Saan mo ba ako dadalhin? Akala ko lalabas lang tayo?”
Pinaupo siya ni Dark at isinuot ang seat belt sa kanya. “There. Huwag mong tatanggalin,” sabi nito at umupo sa tabi niya, saka isinuot din ang seat belt.
And then she heard a voice from the speaker.
“This is your pilot speaking. Put your seat belts on. We are ready for takeoff. Buckle up and enjoy the ride to our destination, Singapore.”
“Singapore?!” Namimilog ang matang bumaling si Anniza sa binata. “Bakit mo ako dadalhin sa Sinagpore?!”
The engine roared and the plane was now moving.
He smiled. “We’re going to have our first date there.”
Pabilis na nang pabilis ang eroplanong sinasakyan nila. Mas tumalim pa ang mga mata niya. “Nababaliw ka na, Dark! Baliw ka na!”
Tumawa lang ang lalaki. “Matagal na, Anniza. Matagal na akong baliw sa iyo.”
Wala nang pagkakataon si Anniza na linawin ang huling sinabi ni Dark dahil bigla nang lumipad ang eroplano dahilan para mapasigaw siya sa sobrang gulat.