IT WAS traumatizing! Ang akala ni Dark, madali lang magpalaki ng anak. Noon, palaging nagrereklamo ang mommy niya na malikot siyang bata at hindi nakikinig. He would just shrug it off. But now? He couldn’t shrug it off. Masyadong matitigas ang ulo ng tatlo niyang anak na lalaki.
“Light! Take those eyeglasses off of you!” sigaw niya sa panganay niyang anak na suot ang eyeglasses niya habang paikot-ikot at tumatawa. “Light, take that off!”
Tumigil sa pag-ikot ang anak niya, saka tumingin sa kanya. “Daddy, I’m dizzy.”
Nasapo ni Dark ang ulo at mabilis na lumapit kay Light, saka kinuha ang salamin sa mga mata nito. “Hindi pa ito puwede sa iyo. Damn it! You’re just ten years old!”
Sumimangot ito. “Pero sabi ni Tito Evren, that will make me look smart.”
“Light, matalino ka na. You don’t need eyeglasses.” Ginulo niya ang buhok ng anak at nginitian ito. “Imagine, at the age of ten, grade seven ka na. You’re a genius.”
Light shrugged. “Okay. No glasses.”
Nakahinga siya nang maluwag. Si Light ang panganay nilang anak ni Anniza. Hindi nila alam kung saan ito nagmana ng katalinuhan.
Kakausapin pa sana niya si Light nang biglang may humiyaw. Nilingon niya ang pinanggalingan niyon.
“Fuck!” he cursed when he saw his second son sliding on the stairs’ railing.
Light clacked his tongue. “Bad, Daddy. Isusumbong kita kay Mommy. Bawal ang bad words, `di ba?”
Malakas na napabuntong-hininga si Dark at kumuha ng fifty pesos sa bulsa at ibinigay iyon kay Light. “Here. Put this on the cursing jar.”
Nakangiting kinuha ni Light ang pera, saka inilagay iyon sa cursing jar. Batas na iyon sa bahay nila. Kapag ang mga bata naman ang nagsasabi ng bad words, bawas iyon sa allowance ng mga ito. That was one of Anniza’s rules. At kailangan iyong sundin. Iba pa naman magalit ang asawa niya dahil silent treatment talaga ang punishment sa kanila.
Lumapit si Dark sa pangalawa niyang anak na lalaki na nag-slide sa railing ng hagdanan. “Gray, I told you to stop doing that, didn’t I?” Pinandilatan niya ito.
Napasimangot ang anak niya. “But it’s fun.”
“You’re only seven years old. Baka mabalian ka ng buto.”
Umiling agad si Gray. “But, Daddy, I know what I’m doing naman, eh. Saka sanay na akong mag-slide.”
Nagbuga ng hangin si Dark. “No, Gray, isusumbong kita kay Mommy.”
Napasimangot ang anak niya. “Daddy naman, eh. Kapag nalaman `to ni Mommy, pakakainin na naman niya ako ng gulay.”
Napangisi siya. “That’s your punishment.”
Naglalambing na yumakap sa kanya si Gray. “But, Daddy, I don’t like veggies.”
“O, tapos?” Sinapo niya ang mukha nito. “Kaya nga, `di ba, stop sliding on the staircase so Mommy will not punish you with veggies.”
Gray’s face contorted in disgust. “I hate veggies.”
“I know.” Binuhat ni Dark ang anak at dinala sa sala kung nasaan si Light na abala sa paglalaro ng 4 Pics 1 Word. Abala naman sa paglalaro ng Shadow of the Ninja ang bunso niyang anak na lalaki.
“Black,” tawag niya sa pangalan ng kanyang bunso. “Tama na `yan. Baka ma-damage ang mata mo. You’re just five. Give it a rest.”
Sumunod naman agad ang anak niya. Inilagay nito ang tablet sa center table at sumandal sa likod ng sofa. “Daddy,” baling ni Black sa kanya. “When I grow up, I want to be a ninja.”
Napatanga si Dark sa bunso niyang anak. They were sitting on the sofa and waiting for Anniza and his angel to arrive.
“Black, ninjas don’t exist,” sabi naman ni Light sa nakababatang kapatid.
“Mag-slide ka na lang, little bro,” sabi ni Gray na nagkibit-balikat.
Nagkibit-balikat lang si Black. “Basta. Gusto kong maging ninja.”
Napabuntong-hininga si Dark. “Black, wala namang ninja, eh.”
“How’d you know?” nakasimangot na tanong ng bunso niya.
“I just do.”
Bumagsak ang mga balikat ni Black. “Kasi naman, eh. I want to be a ninja.” Umalis ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya, saka umupo sa hita niya. “Daddy, ninja kasi ang gusto ko, eh.”
Ginulo ni Dark ang buhok ng bunso niya. “Walang ninja, anak. But you can be a soldier or someone who protects people and their loved ones.”
Umaktong nag-iisip ang anak niya at humilig sa kanyang dibdib. “Ninja gusto ko, eh.”
“They’re not real,” sabad ni Light.
“Kuya Light is right,” segunda ni Gray. “Wala talagang ninja. Wake up, little brother.”
Nanubig ang mga mata ni Black habang nagmamakaawang nakatingin sa kanya. “Daddy, gusto kong maging ninja. I want to go to Japan and be a ninja!”
Hinagod ni Dark ang likod nito, saka hinalikan sa noo. “Tingnan natin kung ano’ng magagawa ni Daddy.”
Tulad ni Anniza, hindi niya kayang makitang umiiyak ang mga anak niya. Parang may pumipiga sa puso niya sa sakit. God! Being a parent was really hard. Kailangan mong manimbang palagi. You have to balance between spoiling your child or teaching your child the good manners and right conduct. Most of the time, it was always the former. He loved spoiling his children.
“Kuya Light, nagugutom na ako,” sabi ni Gray.
Tumayo naman agad si Light. “Wait here, ikukuha kita ng sandwich.”
“Gusto ko Nutella!” pahabol na sigaw ni Gray sa kuya nito.
“Me too, Kuya Light,” pahabol din na sigaw ni Black sa nakakatandang kapatid.
“Okay!” sigaw naman ni Light na nasa loob na ng kusina.
Napangiti si Dark. Oo nga at matitigas ang ulo ng mga anak niya at talagang makukulit. Pero pagdating sa relasyon ng mga ito bilang magkakapatid, sobrang mababait at maaruga ang mga ito sa isa’t isa at iyon ang palagi niyang ipinagmamalaki sa mga kaibigan.
Nang makabalik si Light, may dala na itong tray na may limang sandwich at apat na baso ng juice.
“Here you go,” sabi ni Light at inilapag ang tray sa center table.
Pinagsasaluhan na nila ang sandwich at juice nang pumasok sa bahay si Anniza at ang little angel niya.
“Daddy!” sigaw ng matinis na boses ni Silver at tumakbo palapit sa kanya at yumakap sa kanya nang nahigpit. “I missed you, Daddy.” Hinalikan siya ni Silver sa pisngi, sa ilong, at sa noo. “I really miss you, Daddy.”
“I missed you too, baby.” He hugged his baby back. “Daddy missed you, too.”
Malambing talaga ang nag-iisa nilang babae. Silver was their princess. Masyado itong spoiled sa kanila pati sa mga kapatid nito.
Tumabi ng upo sa kanya ang pinakamamahal niyang asawa at hinalikan siya sa mga labi. Lumipat ng upo si Black sa hita ni Anniza at sa hita naman niya naupo si Silver. Si Gray naman ay tumabi sa kanila sa mahabang sofa habang maganang kumakain ng sandwich, samantalang si Light ay pasalampak na naupo sa sahig at nakasandal sa mahabang sofa.
“So, how’s your shopping?” tanong ni Dark sa kanyang mahal na asawa.
They’d been together for eleven years now and Anniza could still make his heart beat so damn fast. Walang nagbago sa pagmamahal niya rito at alam niyang ganoon din sa kanya ang asawa.
“Masaya,” nakangiting sagot ni Anniza. “Ikaw? Kumusta naman kayo?”
“Dad said a bad word,” sumbong ni Light.
Anniza glared at him. “Dark, ano’ng sabi ko sa bad words na `yan?”
Napakamot siya sa ulo. “Sorry, agápi mou .” He gave her a puppy dog eye.
Napailing-iling si Anniza. “Naglagay ka na sa cursing jar?”
“Yep. Fifty pesos,” sagot niya at itinuro si Gray. “He was sliding on the staircase railing again.”
Anniza narrowed her eyes on Gray. “Veggies. Later.”
Napasimangot agad si Gray. “But, Mom—”
“No buts,” mariing sabi ni Anniza at pinandilatan si Gray.
Nagbaba ng tingin si Gray pero nakasimangot pa rin.
Napailing-iling na lang si Dark. Takot talaga ang mga anak nila kay Anniza.
“Mommy.” Yumakap si Black sa mommy nito. “Gusto kong maging ninja.”
Napatingin sa kanya si Anniza. “Ninja?”
Tumango siya. “Yes. Ninja.”
“Opo. Ninja. `Di ba, Daddy?” naglalambing pa ring sabi ni Black, sabay baling sa kanya.
Bumuntong-hininga na lang si Dark nang pukulin siya ng masamang tingin ni Anniza. Mukhang masesermunan na naman siya mamaya.
And he was right. Kinagabihan, habang magkatabi sila ni Anniza sa kama at nakayakap siya rito, pinagsabihan siya nito. “Dark, we can’t give everything to our kids. Alam kong kaya mong ibigay ang lahat ng materyal na bagay pero puwede, dahan-dahan lang? Gusto kong malaman nila ang kahalagahan ng paghihintay.”
Malalim siyang napabuntong-hininga. “Sorry, agápi mou .” Mas humigpit pa ang yakap niya kay Anniza. “You know me. I always spoil my loved ones.”
Isiniksik ng asawa niya ang katawan nito sa kanya. “I know.”
Napangiti si Dark. Alam niyang naiintindihan siya ng kanyang asawa. Anniza always understood his imperfections. Hindi pa rin naman nawawala ang anger management issue niya pero kapag galit siya, iniintindi ni Anniza ang mood niya at palagi nitong ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal.
He really was lucky to have Anniza in his life.
“I love you, Anniza.”
Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. “I love you, Dark. But still, don’t spoil our kids.”
Nangingiting tumango si Dark. “Pero kailangan nating pumunta sa Japan para sumaya si Black.”
Pinukol siya nito ng masamang tingin. “Hayan ka na naman. Kasasabi ko lang na huwag i-spoil, eh. Hindi ka naman nakikinig, eh.”
Niyakap niya ang asawa. “Last na `to, Anniza. Please?”
Umikot ang mga mata nito. “Fine. Last na `to. Kapag hindi ka nakinig sa akin sa susunod, matitigang ka talaga, Dark.”
Napangiti siya. “So ngayong gabi, hindi ako tigang?” Hinalikan niya ito sa leeg. “Hmmm, ang bango naman ng misis ko.”
She rolled him over and straddled his waist. He groaned when she rubbed her covered core against his already hard and erect shaft.
Hinubad ni Anniza ang suot na lingerie at nang-aakit na tumingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa malaman nitong katawan. He was thankful that she didn’t change a bit. She was still voluptuous and he loved it.
She leaned in and stared at his eyes. “I love you, Dark. Please, don’t stop loving me.”
“My heart only beats for you, Anniza. You’re the one that I love. To the moon and back.”
Ngumiti si Anniza at inilapat ang mga labi sa mga labi niya.
Damn. He really was the luckiest guy in the world. And he was thanking destiny, fate, cupid, and God.
T he E nd