noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 23

Ch. 24 / 26 Feb 09, 2022

NAIINIS na itinapon ni Dark sa dagat ang bouquet ng asawa ni Calyx. Inagaw niya iyon sa bride ni Calyx, saka itinakbo. Siya ang nakasalo ng garter at ayaw niyang may babaeng makasalo ng bouquet. Kung may paglalagyan man siya ng garter sa hita, si Anniza lang iyon at wala nang iba.

Nakatiim-bagang siya habang nakatingin sa bulaklak na papalayo na. His heart was in pain. He wanted to shout because of so much anger. Kapag naiisip niya na magkasama ngayon si Paul at si Anniza at masaya ang dalawa, parang hindi siya makahinga.

Pasalampak siyang naupo sa buhangin at uminom ng vodka mula sa boteng hawak niya. He looked at the sea with sadness in his eyes.

Ano kaya ang ginagawa ni Anniza ngayon? Nagsisisi siya na hindi niya kinausap ang dalaga nang sundan siya nito sa bahay niya nang gabing iyon. Pero ano pa ang silbi ng pagsisisi kung wala na si Anniza? Hindi na ito bumalik sa bahay niya para kausapin siya.

Mapait siyang ngumiti. “Bakit ba kasi ako na-in love sa babaeng may mahal nang iba?” tanong niya sa sarili.

As usual, wala naman siyang maisagot.

Bumuga siya ng hangin at uminom uli ng vodka bago tumayo at naglakad pabalik sa mga kaibigan niyang nagbibigay na nang message kay Calyx.

The flower of the bride was long gone. Ipinagdasal ni Dark na wala sanang makapulot sa bulaklak na iyon. After all, he was the one who caught the groom’s garter.

NAGLALAKAD si Anniza sa gilid ng dalampasigan habang nakatingin sa malawak na karagatan. Her friends found out what happened to her and Dark. Panay kasi ang iyak niya nang gabing iyon. Nag-panic ang mga magulang niya nang umuwi siyang hilam sa luha ang mga mata. At nang hindi siya mapakalma ng mga magulang niya, humingi na ng tulong ang mga ito sa mga kaibigan niya.

At para daw ma-relax siya at makapag-isip ng gagawin para maipaliwanag nang maayos kay Dark ang totoo, dinala siya ng mga kaibigan sa private beach na pag-aari ng mga magulang ni Czarina.

Iniwan niya sina Cza at Haze sa maliit na cottage malapit sa dagat. Nagyaya kasing uminom si Haze kaya umiwas siya. Ayaw niyang malasing dahil alam niyang iiyak siya. Sa mga nagdaang araw na hindi niya nakita si Dark, pinipigilan niyang umiyak. Ayaw niyang mugto ang mga mata niya kapag humarap na siya sa binata. She wanted to be pretty when she confessed her feelings for him. At hindi siya iiyak dahil naniniwala siyang may happy ever after sila ni Dark. Kailangan lang niyang maghintay hanggang sa humupa ang galit nito.

Gusto niyang sisihin si Paul sa nangyari dahil sa paghalik nito sa kanya na nakita ni Dark. Pero kasalanan din naman niya ang lahat. At mabuti talagang hindi niya tinanggap ang kabaliwang proposal na iyon ni Paul. Nalaman niya sa isa sa mga waitress ng restaurant nila na buntis pala ang secretary ni Paul at ito ang ama. Sana naman dahil magiging ama na ang ex niya, magbago na ito dahil kawawa ang magiging anak nito kung sakali.

Natigilan si Anniza sa paglalakad nang may makitang palutang-lutang na bouquet ng bulaklak. Ilang segundo niya iyong tiningnan bago siya lumusong sa dagat para kunin iyon dahil nagandahan siya roon. Hindi naman malalim ang kinalalagyan niyon, hanggang tuhod lang niya ang lalim kaya hindi siya masyadong nabasa.

She picked up the bouquet and stared at it. There were white roses with leaves and it had designs to make it more beautiful. Bagong kasal siguro ang may-ari ng bulaklak na iyon.

She walked back to the shore and sat on the sand. Nakaharap siya sa ngayon ay papalubog nang araw. Hawak pa rin niya ang bulaklak.

Sunset really had the power to make people sad. Habang nakatingin kasi siya roon, naalala niya si Mama Nikola at ang kabaitan nito. Naaalala rin niya ang pagdala sa kanya ni Dark sa Singapore, ang pagtatalik nila sa kuwarto niya na lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang, pati na ang bakasyon nila sa Greece. Those were her memorable moments with Dark. And it made her heart ache now that they were not in good terms.

Nagbuga siya ng hangin at tumayo na.

Maglalakad na sana siya pabalik sa cottage kung saan niya iniwan ang dalawang kaibigan nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

“Anniza?”

WALANG destinasyong naglalakad si Dark sa dalampasigan. Hindi pa tapos ang reception pero nabo-bore na siya roon kaya naglakad-lakad siya.

Alam niyang malayo na siya sa pinagdarausan ng reception, pero hindi niya binigyan-pansin ang nabasa niyang karatula.

Salem’s Private Property.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang may hawak na vodka.

Bigla siyang napatigil sa paglalakad nang may makitang pamilyar na bulto ng isang babae. His heart hammered inside his chest.

Could it be?

He stared at the voluptuous figure of the woman who was standing meters away from him.

“Anniza?”

Mabilis na humarap sa kanya ang babae. He felt better in an instant when he saw her beautiful face. Pakiramdam niya, parang maayos na ang lahat ngayong nakita na niya ang dalaga. Pero mayroon ding sakit. Lalo na nang maisip niyang tinanggap ni Anniza ang proposal ni Paul at sasabihin nito sa kanya ngayon kung gaano ito kasaya sa piling ng lalaki.

He looked at her eyes. Hindi iyon namumugto. She actually looked beautiful. Samantalang siya, kung hindi lang kasal ni Calyx, hindi siya maliligo. Halatang siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Mukha naman itong okay. At nilukob ng iritasyon ang buo niyang pagkatao.

She looked beautiful because she was happy.

Damn it! Fuck my heart for hoping that she might be in a worse state than me.

“Dark.” Her voice sounded so soft.

Namulsa siya at humigpit ang hawak sa bote ng vodka bago lumapit sa dalaga. He had to restrain his hands. Baka bigla na lang niya itong yakapin.

“Kumusta ka na?” tanong niya nang makalapit sa dalaga. “Are you happy with Paul? Kailan ang kasal n’yo?”

Nagkibit-balikat si Anniza. “Hindi ko pa alam.” Tumingin ito sa mga mata niya. “Bakit mo naitanong?”

He shrugged. “Just curious.”

Napakaaliwalas ng mukha ng dalaga habang nakatingin sa kanya. Parang kinakatay ang puso niya sa sakit. Bakas ang kaligayahan sa mukha nito.

“Galit ka pa ba?” tanong ni Anniza mayamaya.

“Wala akong karapatang magalit sa iyo.”

Ngumiti ito. “Tungkol pala do’n sa kasal, wala pang set na date. Medyo may problema kasi, eh. We still have to talk about it. I love him and I’m so excited to get marri—”

“Shut up, Anniza.” Hindi na kinaya ni Dark ang sakit na kumakain sa puso niya. “If you’re trying to torture me, please, maawa ka naman. Tama na. Masakit na masakit na. eh. I’ve loved you ever since I saw you walking out of the kitchen of Zaired Restaurant. I was there to eat, pero iba ang nahanap ko nang araw na `yon. I saw you and I just fell in love. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero no’ng makita kita, hindi lang isang pana ni Kupido ang tumama sa puso ko.

“Ikaw ang dahilan kung bakit bumili ako ng bahay dito sa Pilipinas. Because I was hoping that we would have a happy ending like a lovesick fool that I was. Kahit no’ng nalaman kong may boyfriend ka, ayos lang. Naniniwala akong maghihiwalay din kayo kasi para sa akin ka, eh. Nang malaman ko mula sa waitress ng restaurant n’yo na ikakasal ka na kay Paul, kinabahan ako. I thought of ways to stop your wedding. Minsan naisip ko ngang kidnapin ka para akin ka na lang. Pero ayoko naman ng gano’n. Gusto ko, kusa mo akong mamahalin. Gusto kong marinig ang ‘I love you’ mula sa bibig mo. Because God knows how much I wanted to hear that from you. God knows how much I prayed to hear it from you every day. Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Nababaliw ako sa iyo kaya kung ano-anong suntok-sa-buwan na pangarap ang pumapasok sa isip ko.

“And then you and Paul broke up. Nang makita kita sa bar at naglalasing, sabi ko sa sarili ko, ‘this is it, Dark, oras mo na `to. Sa iyo na ngayon ang spotlight.’ Nang may mangyari sa atin, ang saya ko. Sabi ko sa wakas, akin ka na. At gagawin ko ang lahat para talagang maging akin ka. I did everything, Anniza. I became your knight in a fucking armor. I did that with all of my heart. And I hoped that the damsel would fall for the knight. Epic fail again. Kasi ginawa ko na ang lahat, pero hindi pa rin pala sapat. You still chose him over me. You still chose the frog that fucking hurt you over the Prince who was willing to be your knight anytime.

“No’ng sabihin ko sa iyo ang nararamdaman ko no’ng hinatid mo ako sa bahay, pinaalis mo lang ako pero hindi mo sinabing wala kang nararamdaman para sa akin. Umasa ako kasi nakikita ko na parang may pag-asa akong mahalin mo, kasi hindi mo naman ako hahayaang angkinin ka nang paulit-ulit kung wala kang nararamdaman, `di ba? `Yon ang masakit, kasi umasa ako sa maling akala. Sana no’ng umamin ako sa nararamdaman ko sa iyo, nagsabi ka na lang na hindi mo ako kayang mahalin. Para `tong puso ko, hindi na umasa ng ‘I love you too’ mula sa iyo.”

She reached out her hand to dry the lone tear that fell from his eyes. Hindi alam ni Dark na may nakatakas palang luha sa mga mata niya. Tinabig niya ang kamay ni Anniza na nasa pisngi niya, saka tumingin sa araw na segundo na lang ang bibilangin at lulubog na.

“You have no right to dry my tear if you’re not planning to put a smile on my face again,” sabi niya sa dalaga.

Hinawakan ng dalaga ang kamay niya at hinalikan ang palad niya, saka inilapat iyon sa pisngi nito. Gusto niyang haplusin ang pisngi nito pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang maging martir.

And when he looked at her, she had a sweet smile on her beautiful lips that he yearned to kiss.

“Dark...” Pinisil ni Anniza ang kamay niya na nasa pisngi nito. “You are truly my knight in shining armor. You’re also my confidence booster, my eating buddy, the sweetest man I’ve ever met. You made me believe in love again. Masakit no’ng niloko ako ni Paul. Sobra. `Tapos dumating ka sa buhay ko. You’re like a rocket that hit my heart hard and fast. And I don’t have the words to express how much I feel for you. So...” Hinubad nito ang wristwatch at isinuot sa kanya. “No’ng nasa Greece tayo, naikuwento sa akin ni Mama Nikola ang kahalagahan ng relo sa pamilya n’yo. Doon ko lang naintindihan ang galit mo no’ng hindi ko tinanggap ang binibigay mong relo sa Singapore. So here I am, asking His Highness, Prince Dark, to spend every second, every minute, and every hour of his life with a commoner and a plus-size, Anniza Gonzales who loves him and his imperfections just as he loves everything about her.”

Napamulagat si Dark sa narinig. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga. “Anniza...” Sobra-sobra ang kaba niya. “D-do you love me? T-tama ba ang narinig ko o nangangarap na naman ako nang gising?”

Niyakap siya ni Anniza at pinakawalan din. Tinitigan siya nito. “Isang kalokohan ang matakot sa iyo pagkatapos ng mga nakita ko. Naisip ko, mas nakakatakot pala ang isiping mawawala ka sa akin kaysa isiping sasaktan mo ako. Masyado kitang mahal, Dark, at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin at iiwan mo ako. At `yong nakita mo sa restaurant, maling-mali `yon. Sinundan kita para magpaliwanag pero ayaw mo naman akong harapin, eh. I didn’t accept his proposal. Hindi ko siya mahal. Matagal nang ikaw ang may-ari sa puso ko. Matagal nang ikaw ang itinitibok nito. Natatakot lang ako na umamin kasi akala ko, kagaya ka rin ni Paul. At mas natakot ako kasi mas mahal kita kaysa kay Paul at alam kong triple ang sakit kapag niloko mo ako. And I’m sorry for hurting you, for not saying I love you too, and for making you wait. I’m not worthy of you, Dark. Hindi ako karapat-dapat sa iyo pero kahit gano’n, hindi kita ibibigay sa iba, kahit pa isa siyang prinsesa. Kasi akin ka. At gagawin ko ang lahat maging karapat-dapat lang sa iyo kasi mahal na mahal kita.”

He chuckled and it turned into fit of laughter. “God, Anniza! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Thank you! Thank you for loving me. For trusting me…” Niyakap niya nang mahigpit ang dalaga. “Miss na miss na kita, agápi mou . My life is gloomy without you. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang mga ngiti mo.” Mayamaya, pinakawalan niya si Anniza at sinapo ang pisngi nito. “At huwag mong sabihing hindi ka karapat-dapat. Hindi mo kailangang gawin ang lahat para matawag kang karapat-dapat para sa akin. Because for me, you’re perfect, Anniza. At wala akong gustong baguhin sa iyo. Wala ni isa. And please, don’t say ‘sorry.’ Instead, say that you love me and make me the happiest man alive.”

Ngumiti si Anniza at puno ng pagmamahal na ginawaran siya ng halik sa mga labi. At nang pakawalan ng dalaga ang mga labi niya, puno ng pagmamahal na ngumiti ito sa kanya. “Mahal na mahal kita, Dark. Namalayan ko na lang isang araw na isa ka na sa mga taong importante sa akin at hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Gano’n kita kamahal. Sobra.” Hinalikan na naman siya nito.

Hindi maipaliwanag na kasiyahanan ang nararamdaman ni Dark habang magkalapat ang mga labi nila. The anger and bitterness in his heart instantly disappeared. Damn. Pagdating talaga kay Anniza, ang dali niyang lumambot at bumigay. Ganoon nga talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kaya mong tanggapin lahat, kahit ano pa iyon. And that was the best thing about love—it accepted imperfections.

Nakangiti ang dalaga nang maghiwalay ang mga labi nila. Tinitigan siya nito sa mga mata.

Mayamaya, bumaba ang tingin ni Dark sa pumpon ng bulaklak na hawak ni Anniza na ngayon lang niya napansin. Umawang ang mga labi niya sa gulat. “B-bakit hawak mo `yan?”

Bumaba ang tingin ng dalaga sa bulaklak na hawak. “Ito?” Nagtaas ito ng tingin sa kanya. “Nakita kong palutang-lutang sa dagat. Kinuha ko.”

Hindi makapaniwalang napangiti siya. “Bouquet `yan ng bride ng kaibigan ko. Tinapon ko sa dagat kasi ayokong may makasalong iba. Ako kasi ang nakasalo ng garter ng groom, eh. Ayokong magsuot ng garter sa hita ng isang babae kung hindi mo naman hita `yon.”

Ngumiti si Anniza. “Asus, ang Dark ko. Ang sweet na naman.” Pinanggigilan nito ang mga pisngi niya. “Kaya sobra akong na-in love sa iyo, eh.”

He matched the grin on her face. “In love rin naman ako sa iyo, eh. Kaya parehas lang tayo.”

Mahinang tumawa ang dalaga at iniabot sa kanya ang bulaklak, sabay luhod sa harap niya. “Dark Nikolov Megalos Stavros Montero, will you marry me and make me your Princess?”

His heart pounded inside his chest. His eyes were wide in shock.

“Dark, sagutin mo ang tanong ko,” ungot ni Anniza nang hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan.

Napakurap-kurap siya. Mayamaya, ngumiti siya nang makabawi sa pagkabigla. “Uhm...” He cleared his throat. “That would be a yes and a no. I don’t want you to be my Princess.” He kissed her and pulled her up to even their faces. “I want you to be my queen. But please, don’t take that away from me. Ako dapat ang magtatanong niyan sa iyo. With tuxedo and all that.”

Mahinang natawa ang dalaga. “Singsing lang, okay na sa akin.”

Napangiti si Dark. “A ring then.” Hinalikan niya ito sa noo. “By the way, ano’ng ginagawa mo rito? Bakit ka mag-isa? Sino’ng kasama mo?”

Hinawakan siya ni Anniza sa kamay at hinila. “Halika. Kasama ko sina Czarina at Haze. Nandoon sila sa may cottage, eh.”

So, they walked towards the cottage while they held hands. Si Dark na yata ang pinakamasayang lalaki ngayon. Sa wakas. Mahal din siya ng babaeng mahal niya.