noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 24

Ch. 25 / 26 Feb 09, 2022

PANAY ang reklamo nina Ymar at Khairro habang naghahanda si Dark bago ang kasal. Nandoon din naman ang iba niyang mga kaibigan pero ang dalawa talaga ang panay ang reklamo. Maliban na lang kay Calyx na hindi makaka-attend sa kasal niya dahil nasa honeymoon pa.

“Man, kailangan ba `tong gawin?” naiinis na tanong ni Ymar.

Dark rolled his eyes. “Isang tanong pa, Ymar, sisipain na talaga kita,” naiinis na sagot niya. “Kailangan mong ibutones ang suot kong tuxedo para may maitulong ka sa akin. That’s why you’re one my groomsmen. So, do it.”

Hindi maipinta ang mukha ni Ymar habang ibinubutones ang polo niya. Nang matapos, pinukol siya nito ng masamang tingin. “Baka naman pati pantalon mo, isuot ko pa sa iyo?”

Humagalpak ng tawa si Iuhence. “Si Khairro daw ang gagawa n’on. `Yong best man kasi, `tapos na kanina.”

Tumawa si Evren. “Yeah. I shaved that fucking retard groom.”

“Hey!” reklamo ni Dark. “It’s my family’s wedding tradition! It’s to show that we trust each other.”

Evren flipped him off with his middle finger.

Masama namang tiningnan ni Khairro si Iuhence. “Shut up, Vergara, before I sue you in the higher court with Evren as my lawyer.”

Tinawanan lang ni Iuhence ang pananakot ni Khairro, saka kinuha ang pantalon niya at ibinigay iyon kay Khairro. “Sige na. Isuot mo na kay Dark.”

Hindi maipinta ang mukha ni Khairro habang naglalakad palapit sa kanya hawak ang pantalon niya. “Tell me, Montero, bakit ko ba `to kailangang gawin?”

Mahina siyang tumawa. “It’s a tradition.”

Ang sama ng tingin sa kanya ni Khairro. “Fuck you, Montero.” Pero kahit ayaw nito, isinuot pa rin sa kanya ang pantalon. “Fuck you talaga, Montero.”

Tinawanan lang ni Dark ang kaibigan habang tinutulungan siya ni Tyron na isuot ang coat ng tuxedo niya. At inayos naman ni Train ang bow tie niya. Shun was combing his messy hair and Ymar and Evren were pouting in the corner.

It was a part of his family’s wedding tradition. And he wasn’t kidding.

LOVE really changed people. Napatunayan na iyon ngayon ni Anniza. Nababago ng pag-ibig ang pananaw ng isang tao at kung paano nito nakikita ang mundo. Noong una, napakababa ng self-esteem niya. Wala siyang confidence sa sarili. Palagi niyang hinihila pababa ang sarili na para bang normal na gawain iyon ng isang babae.

She was in pain. She was cheated on. And she was hurt.

And then a prince in a shining armor came into her life, saving her wounded heart. She fell in love with the Prince and now, as she stood in front of the church’s closed door, she felt so happy and complete.

Kanina, habang naghahanda siya para sa kasal, ipinasulat ni Mama Nikola ang mga pangalan ng kaibigan niyang wala pang asawa. She only had two friends. Kung sino raw ang unang matatanggal ang pangalan sa sapatos niya, iyon daw ang susunod na ikakasal. Pasimpleng umirap si Czarina, tumawa lang si Haze.

At habang naghahanda si Anniza, napag-usapan nilang magkakaibigan si Paul. Salamat sa Diyos at hindi na siya ginulo pa ng lalaki. Nalaman din niya na nag-uumpisa ito uli kasama ang secretary na nabuntis nito. At nagpapasalamat din siya nang malaman mula kay Dark na tinigilan na nito si Paul. Kahit naman malaki ang kasalanan sa kanya ni Paul, nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi siya nito niloko, hindi niya makikilala ang isang gaya ni Dark. A very handsome and loving Prince.

Now, she was about to get married with the man she never thought she would meet. Pero kahit hindi niya pinangarap ang isang Dark Montero, sobra-sobra pa ito sa ipinagdasal niya sa Panginoon. Siya na ngayon ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

Naramdaman ni Anniza na humigpit ang hawak ng daddy niya sa kanyang kamay. He was teary-eyed when they told him that she and Dark were getting married. Umiyak naman ang mommy niya. Nagpasalamat ang mga magulang niya kay Dark na minahal siya ng binata nang buong-buo.

“Dad, ayos lang ako.”

Humugot ito ng malalim na hininga. “Alam ko `yon, anak. Pero bilang isang ama na ihahatid ang nag-iisa niyang anak na babae sa altar, sa tingin ko may karapatan akong kabahan.”

Nginitian niya ito. “I understand.”

“At `yong mas nakakakaba, mga Hari at Reyna ang imbitado sa kasal mo,” sabi ng daddy niya sa ninenerbiyos na boses. “Bakit naman kasi dito pa sa Greece ginanap ang kasal n’yo?”

Pinisil ni Anniza ang kamay ng daddy niya. “Dad, pumayag ka, `di ba? At saka, ikakasal din naman ako uli sa Pilipinas, eh.”

Napangiti na lang ang daddy niya. “Oo nga pala. Ang yaman naman kasi ng mapapangasawa mo, Any. Prinsipe pa talaga.”

Ipinaikot niya ang mga mata. Hindi pa rin nakaka-get over ang daddy niya sa kaalamang isang Prinsipe si Dark.

Humugot siya ng malalim na hininga kasabay ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan.

And then she saw Dark standing beside the altar with his best man, Evren Yilmaz.

Hawak ni Dark ang bouquet niya habang hinihintay siya sa altar. Isa iyong tradisyon ng mga ikinakasal sa Greece.

At habang hinahatid siya ng daddy niya sa altar, hindi naghiwalay ang mga mata nila ni Dark. May masayang ngiti ito sa mga labi habang nagkakatitigan sila. She could see love and devotion in his eyes and it made her heart swell with so much happiness.

Nang makarating si Anniza sa altar, ibinigay ng daddy niya ang kanyang kamay kay Dark. “Ingatan mo ang anak ko, Dark. Mahalin mo siya nang buong-buo dahil mahal na mahal ka rin niya.”

Tumango at ngumiti si Dark. Kapalit niyon, ibinigay sa kanya ni Dark ang bouquet at iginiya siya paharap sa altar. “Ang ganda mo, agápi mou ,” pabulong na sabi nito habang hawak ang kamay niya.

Ngumiti siya. “You’re not so bad yourself.”

And then the priest started the ceremony. Wedding crowns were placed on their heads with a strand of ribbon as the sign that they would rule over their household together. There was also a candle and a cup. And then the saying of the vows came.

Isinuot ni Dark ang singsing sa daliri niya at puno ng pagmamahal na tumitig sa kanyang mga mata. “Take this ring as the sign of my love, loyalty, and fidelity. I have so many vows in my head and I’m afraid that I might broke them so I’m not gonna tell you. Pero kung may ipapangako man ako sa iyo na alam kong hinding-hindi ko masisira, `yon ay ang mamahalin kita nang buong-buo hanggang sa magdesisyon ang Panginoon na kunin ako.”

Buong pagmamahal na nginitian ni Anniza si Dark, saka isinuot sa daliri nito ang singsing. “Take this ring as the sign of my love, loyalty, and fidelity. I vow to love you with all of my heart and soul. And I vow to be by your side as long as God lets me.”

Pinisil ni Dark ang kamay niya. “Thank you, Anniza. I love you.”

“I love you, too.”

“I love you more.”

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “I love you so much.”

Mahinang natawa si Dark. “I love you to the moon and back.”

“Oo na. Ikaw na.” Tumawa siya. “Ikaw na talaga.”

Ngumiti lang si Dark. Humarap uli sila sa pari.

Mahaba ang seremonya ng kanilang kasal. Pero para kay Anniza, hindi ang haba ng seremonyas ang importante. Ang mahalaga, kasama niya si Dark at nagmamahalan sila. At masaya siya na ikinasal siya kay Dark. She could now officially call him hers and hers alone.

Nang i-announce ng pari na puwede na siyang halikan, mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga kilos ni Dark. He lifted her veil and kissed her senseless!

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng simbahan habang mas lumalalim ang paghahalikan nila ni Dark. Wala silang pakialam na nasa harap sila ng maraming tao. They kissed like there was no tomorrow.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, lumapit sa kanya si Mama Nikola na namamasa ang mga mata. “Welcome to the Stavros Family, Anniza.” Niyakap siya nito nang mahigpit.

Ang sunod na yumakap kay Anniza ay ang daddy ni Dark. Nakilala niya ang daddy nito nang puntahan nila sa Texas. Napag-alaman din niyang hindi in good terms ang mga magulang ni Dark at marami itong hindi pagkakaunawaan. Pero natutuwa siya dahil dumalo pa rin ito sa kanilang kasal.

“Welcome to Montero family, hija,” nakangiting sabi ng daddy ni Dark.

“Thanks, Daddy.”

Dark’s father grinned. “Hmm... Daddy. I like the sound of that. Pero kailan kaya may tatawag sa aking ‘lolo?’”

She chuckled. Nagkatinginan sila ni Dark.

Two weeks ago, nalaman ni Anniza na buntis siya. Salamat kay Czarina na isang ob-gyn. Sinabi niya iyon kay Dark at sa sobrang saya nito, inaya siya nitong magpakasal agad. They were just preparing for their wedding that time in the Philippines. Kaya naman napilitan siyang magpakasal kay Dark sa Greece dahil ayaw nito na malaki na ang tiyan niya habang naglalakad papunta sa altar. Gusto ni Dark na kapag ikinasal sila uli sa Pilipinas ay kasal na sila sa Greece para wala raw masabi ang mga tsismosa.

Niyakap siya ni Dark mula sa likuran at hinimas ang tiyan niya na hindi pa masyadong halata. “Mom, Dad, Anniza is six weeks pregnant,” pagbabalita ng asawa niya sa mga magulang nito.

Umawang ang mga labi ni Mama Nikola at bigla na lang nagtititili. At dahil sa pagtili ni Mama Nikola, nalaman ng lahat na buntis siya.

Napakagat-labi si Dark nang pukulin ito ng masamang tingin ng kapatid niyang lalaki na pumunta sa Greece mula Barcelona para um-attend sa kasal niya.

“So, kailan mo balak ipaalam sa amin na ginagapang mo na pala ang kapatid ko noon pa?” tanong ng kapatid ni Anniza sa asawa niya.

Napakamot ng ulo si Dark. “Sorry, man. Excited, eh.”

Pinandilatan nito si Dark. “Pasalamat ka at boto ako sa iyo.”

“Andy!” natatawang saway niya sa kapatid. “Stop it.”

Umiling-iling ang kapatid niya. “Oo na. Gusto ko quadruplets para isang anakan lang. Ayokong mahirapan ang kapatid ko.”

Tumawa nang malakas si Dark at niyakap siya nang mahigpit. “Okay na sa akin ang kambal, Anniza.”

Humarap siya sa asawa at tinampal ito sa balikat. “Heh. Gagawin mo pa akong biik, eh.”

Mahina itong natawa, saka bumaba ang tingin sa mga labi niya. “One violent move...?”

Itinirik niya ang mga mata. “One kiss.”

Naglapat ang mga labi nila ni Dark at kung gugustuhin lang nilang dalawa, dederetso na sila sa honeymoon. Pero sila ang bride at groom, kaya dapat, present sila sa reception. Kahit na ang gusto nilang gawin ay tumakas at mag-honeymoon na.

Magkahawak-kamay sila ni Dark habang naglalakad palabas ng simbahan. They had a contented smile on their faces. They were happy.

Very happy.