noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 5

Ch. 6 / 26 Feb 09, 2022

KABAB ABA pa lang ni Anniza mula sa kuwarto nang marinig niya ang pag-iingay ng doorbell. Hindi pa niya naaayos ang sarili maliban sa nag-toothbrush at naghilamos siya pagkagising. Buhaghag pa rin ang buhok niya at naka-pajamas pa rin. Binuksan niya ang pinto sa isiping ang kapitbahay niya iyon at magbibigay na naman sa kanya ng chocolate cookies, panghilom daw sa nasugatan niyang puso.

Pero parang hindi gumana nang maayos ang utak ni Anniza nang si Dark ang mapagbuksan niya ng pinto. Mabilis sana niyang isasara iyon pero naunahan siya ng lalaki na iharang ang paa sa pinto para hindi iyon sumara.

“Fuck! Ouch!” hiyaw nito nang maipit ng pinto ang paa.

Sa halip na maawa sa binata, inirapan pa ito ni Anniza. “Ang arte naman nito. Naipit lang, eh. Saka nakasapatos ka naman.”

Masama ang tingin sa kanya ni Dark. “Ikaw kaya ang ipitin ang paa gamit ang pinto?” Napamura uli ito at ipinadyak-padyak ang paa para siguro mawala ang sakit. “Bakit sa mga pelikula, kapag ginagawa ito ng bidang lalaki, hindi naman siya nasasaktan?”

Doon natawa si Anniza. “Really, Dark? Sa tanda mong `yan, nagpapaniwala ka pa rin sa mga nakikita mo sa pelikula na puro kasinungalingan?”

Nagkibit-balikat ito. “Some of them are true. Anyway,” itinaas nito ang mga kamay na may bitbit na paper bags, “I brought breakfast.”

Sumama agad ang timpla ng umaga niya. “Puwede ba, Dark, huwag kang magdala ng pagkain dito sa bahay. On diet ako.”

Pumalatak ang binata. “Alam mo bang nag-effort akong bilhin ito?” Bumagsak ang mga balikat nito. “Ang sarap pa naman ng dala ko. Cinnamon flop, coffee cake, mashed potato pancakes, peanut butter chocolate chip muffins, and waffles. And then I bought latte, espresso, pina colada smoothie, pink lemonade, and Hawaii twist. Ikaw na lang ang mamili kung ano’ng sa iyo.”

“Tigilan mo ako, Dark,” mariing sabi ni Anniza pero ang totoo, naglaway siya nang marinig ang mga pagkain na pinagsasasabi ng binata.

Nginisihan lang siya ni Dark, nanunukso ang mga mata. “Kakain na `yan. Kakain na siya. Yes! Hindi masasayang ang effort ko.”

Inirapan niya ang lalaki at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. “Siguruhin mo lang na masarap `yan.”

Inilipat nito ang hawak na paper bag sa isang kamay at parang nanunumpang itinaas ang kamay. “I swear, masarap ito. Itataya ko ang pagkalalaki ko rito.”

Bumaba ang tingin ni Anniza sa pagkalalaki nito. “Ano naman ang gagawin ko diyan?”

He grinned naughtily. “Kahit ano, basta masarap.”

Namula ang mga pisngi niya at susuntukin sana ang binata sa mukha nang maalala niya ang sinabi nito.

Nginisihan siya ni Dark. “Go on,” hamon nito sa kanya. “Punch me.” Inisang-hakbang nito ang pagitan nila. “One violent move, one kiss.”

Hindi puwede! Baka kung saan na naman mapunta ang simpleng halik na iyon. “Pumasok ka na bago magbago ang isip ko at ihampas ko ang pinto sa pagmumukha mo.” Inirapan niya ang binata at tinalikuran ito.

Babalik sana siya sa kuwarto para ayusin ang sarili nang pigilan siya ni Dark.

“Hey! Where the hell are you going?” tanong nito na parang natatakot na umalis siya.

Humarap siya sa lalaki. “Magbibihis ako at mag-aayos. Nakakahiya naman sa iyo dahil mukhang engkanto ang kaharap mo,” sarcastic na sabi niya.

He rolled his eyes at her. “Okay na `yang mukha mo. Wala namang magbabago.”

Parang may karayom na tumagos sa puso ni Anniza dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba—

“Maganda ka pa rin naman kahit ganyan ang hitsura mo,” dagdag nito na biglang ikinabilis ng tibok ng puso niya. “Nasaan ang kusina n’yo?” tanong ni Dark mayamaya nang hindi siya magsalita at nakatitig lang dito.

Wala sa sariling naglakad siya papunta sa kusina. Nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ng lalaki. Bakit ba ito ganoon? Why was he making her heart thump like crazy?

Nang makapasok sila sa kusina, inilapag ni Dark sa mesa ang mga pagkain. “Masarap ang mga ito,” sabi nito at ipinaghila siya ng upuan. “Sit here.”

Umupo naman si Anniza sa hinila nitong upuan. Parang excited na inilagay ng binata ang mga pagkain sa harap niya. “This is delicious.” May inilapag itong Hawaii twist sa harap niya. “It has pineapples, banana, and coconut mixed together.” Umupo ito sa katabi niyang upuan at iniumang ang peanut butter chocolate chip muffins sa bibig niya. “Bite. Masarap `yan.”

Naguguluhang binalingan niya si Dark. “Bakit mo ba `to ginagawa? Ano ba’ng kailangan mo sa akin, Dark? Because honestly speaking, I have nothing to give. At kung sex naman ang habol mo, naibigay ko na `yon sa iyo at nasisiguro ko naman na maraming babaeng pipila para makipag-sex sa iyo.”

Matiim siyang tinitigan ni Dark. “Kung ano man ang kailangan ko sa iyo, alam kong hindi mo pa `yon kayang ibigay sa akin ngayon.”

“Ano nga?” pangungulit niya.

Biglang nawala ang kaseryosuhan sa mukha ng lalaki nang ngumiti ito. “Nothing. Wala `yon. Don’t mind me. Kumain ka na. Papasok ka pa sa restaurant, `di ba?”

Tumango si Anniza, saka ibinuka ang bibig para kumagat ng muffin. Napapikit siya sa sobrang sarap niyon. The taste exploded in her mouth and she couldn’t help but moan. “Ang sarap.” Nang dumilat siya, nakita niyang inuubos na ni Dark ang muffin na kinagatan niya. “Mukha kang matakaw, alam mo `yon?”

He chuckled and then he looked at her. “Yes. I love food.”

Habang sumisimsim ng Hawaii twist, napatingin si Anniza sa matitipunong braso ng lalaki. “Bakit macho ka pa rin?”

He stilled then grinned mischievously. “Talaga? Macho ako?”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ako ba, pinaglololoko mo?” Hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt ni Dark at itinaas iyon. “Look at those abs...” Her voice faded away when she saw his ripped abs. Lihim siyang napalunok.

Damn! Bakit naglalaway ang bagang ko?

And then his baritone voice filled her ears. “Take a picture, it’ll last longer.”

Namula ang pisngi ni Anniza at mabilis na ibinaba ang T-shirt ni Dark. Walang imik na ipinagpatuloy niya ang pagsimsim ng Hawaii twist. Alam niyang nakatitig sa kanya ang lalaki.

“Heto pa, oh,” sabi ni Dark, sabay umang sa kanya ng mashed potato pancake. “Masarap `to. Parang ikaw.”

Nanlaki ang mga mata ni Anniza at napabaling sa katabi. Big mistake. Nakaabang pala ang mga labi nito para mahalikan siya sa paglingon niya. And when their lips met, napaigtad siya sa gulat at mabilis na inilayo ang sarili. “Sorry. I didn’t mean to—”

“It’s okay.” Desire glimmered in his eyes. “You can kiss me anytime.”

Umawang ang bibig niya sa sinabi ng binata. Ano raw? She could kiss him anytime? Siya na isang ugly fat duckling, okay lang na halikan ito?

He winked at her and continued eating like nothing happened. Siya naman ay parang tinatambol ang puso sa lakas at bilis ng tibok niyon.

Nagpapasalamat si Anniza na walang sexually related na nangyari sa kanila ni Dark habang nag-aagahan sila. Para kasing hindi niya makontrol ang sarili kapag malapit lang sa kanya ang binata kaya naman gusto niyang umiwas dito para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Yes, it was so pleasurable but until when? Alam niyang tulad ng ibang lalaki, aalis din si Dark sa buhay niya.

“Sige na. Umalis ka na,” pagtataboy niya sa binata para itago ang tunay na nararamdaman.

Sa halip sa lumabas ng bahay ay nginitian siya nito. “Maligo ka na. Ihahatid kita.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano?”

“Ihahatid kita sa restaurant kaya maligo ka na.”

Hindi na nakipagsagutan si Anniza sa lalaki. Nasisiguro naman niya na hindi ito seryoso sa paghahatid sa kanya. Naiiling na umakyat siya sa kuwarto. Hanggang sa makapasok siya sa banyo at makaligo, laman pa rin ng isip niya si Dark. Iniisip niya na nakaalis na ngayon ang binata. Alam naman niyang nagbibiro lang ito. He wasn’t actually serious, right? Si Paul nga na hindi naman kaguwapuhan, nahihiya at napipilitan lang na ihatid siya sa restaurant.

Looking back, ngayon lang niya naisip ang mga negatibong gawain noon ni Paul na hindi niya napapansin dahil bulag siya sa pagmamahal. Minahal niya si Paul nang buong puso sa loob ng dalawang taon kaya talagang nasaktan siya sa panloloko nito. Pero kahit paano, nabawasan na ang sakit.

Nang makalabas ng banyo, napiling isuot ni Anniza ang simpleng dark jeans at white T-shirt na tinernuhan niya ng flat shoes. Inilugay lang niya ang mahaba at wavy niyang buhok.

Inaasahan talaga niyang nakaalis na si Dark, kaya naman nagulat siya nang makitang komportable itong nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya.

“Nandito ka pa?” namamanghang tanong niya.

Bumaling sa kanya si Dark at ngumiti. “Well, hello there, gorgeous.”

Inirapan niya ito. “Sige, mambola ka pa.”

Tinawanan lang siya ng lalaki at nauna nang lumabas ng bahay.

Nang mai-lock ni Anniza ang pinto, nilampasan lang niya ang nakaparada niyang kotse. Ang totoo, masaya siya na ihahatid siya ni Dark. Natutuwa siya na may lalaking nagbibigay sa kanya ng atensiyon. Sino ba ang hindi? Dark seemed like a nice guy. Sana talaga tama ang obserbasyon niya sa pag-uugali nito. Masaya rin siya kasi dahil kay Dark, kahit papaano, nawawala ang sakit sa puso niya na dala ng panloloko ni Paul.

At isa pa, sino siya para tanggihan ang offer ni Dark? Sa Ducati siya sasakay! Yes! Sa wakas. Makakasakay na rin siya sa isang Ducati! Dream came true!

She was grinning as she walked towards his Ducati.

“Come closer,” utos ni Dark na nakasakay na sa motor at hawak na ang manibela.

Lumapit naman siya sa lalaki.

Isinuot nito ang helmet sa ulo niya. “For protection.” Tinapik nito ang leather seat ng motor. “Sakay na, Anniza.”

Excited siyang sumakay at humawak sa magkabilang balikat ni Dark. Nagsuot din muna ng helmet ang binata bago pinaandar ang motorsiklo papunta sa restaurant.

DARK felt disappointed when they reached Zaired Restaurant. He liked the feeling of Anniza’s breast against his back. Libreng tsansing nga, bitin naman.

Mabilis na bumaba ang dalaga mula sa pagkakasakay sa motor niya at ngitian siya. “Salamat sa paghahatid,” nakangiting sabi nito.

“No problem.”

Magsasalita pa sana ito nang pareho silang may narinig na boses ng isang lalaki. The man came out from a Ford car. Halatang maykaya ang lalaki. Pero nasisiguro ni Dark na mas mayaman siya rito.

“Any! Who the hell is this guy!?” pasinghal na tanong ng lalaki kay Anniza habang naglalakad palapit sa kanila. “Siya ba ang ipinalit mo sa akin? Wow naman!”

Is this Paul?

She gave him an apologetic look. “Sorry, Dark. Umalis ka na.”

Hindi siya nakinig sa babae. “I’m staying.”

“No.” Umiling-iling ito na para bang natatakot. “No. Umalis ka na please. Ayokong madamay ka sa gulo—”

“I’m staying, Anniza. That’s final.”

HINDI man aminin ni Anniza, nakahinga siya nang maluwag sa isiping nandoon si Dark sa tabi niya habang hinaharap si Paul. Natigilan siya nang hawakan ni Dark ang kamay niya. Napatingin siya sa binata.

“Huwag kang kabahan. Gago ang makikipag-usap sa iyo. Dapat gaguhin mo rin,” sabi sa kanya ni Dark.

“Any!” Nakalapit na sa kanila si Paul. “Sino ang lalaking `to, ha?” maangas na tanong nito habang dinuduro siya. “Ito ba ang ipinagpalit mo sa akin?”

Huminga siya nang malalim, saka tinaasan ng kilay ang ex-fiancé. “Puwede ba, Paul. Umalis ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo rito.”

Malademonyong ngumisi si Paul. “Hindi naman ako nagpunta rito para sa iyo, eh.” Dinuro na naman nito si Dark. “Ang hindi ko lang matanggap, may ipinalit ka agad sa akin.” Mataas ang noong hinarap nito si Dark na nakaupo lang sa motor at walang imik. “Ano’ng habol mo kay Anniza? Ang virginity niya? Save your strength. Hindi ko nga nakuha, eh. Matigas ang babaeng `yan. Saka, may hitsura ka naman. Siguradong makakahanap ka ng sexy at hindi baboy na katulad ni Any. At saka, Any is so clingy and demanding. Feeling naman niya ang ganda-ganda niya.”

Parang inapakan uli ni Paul ang puso ni Anniza dahil sa mga sinabi nito. It hurt. She was about to cry.

Hindi naman umimik si Dark pero humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Walang emosyon sa mukha ng binata habang nakikipagtitigan kay Paul. Pero alam niyang naiirita na ito sa sinabi ng ex niya.

Ang unang napakurap ay si Paul. Dark was still staring at Paul as her scumbag ex-fiancé looked away.

Napailing-iling si Paul at tumingin sa kanya. “Siya nga pala, Any, hindi naman ako pumunta rito para sa iyo. Pumunta ako rito para sabihin sa iyong magbalot-balot na kayo kasi bibilhin ko na kay Mrs. Lopez ang lupang kinatatayuan ng restaurant n’yo.”

“Ano?” nagulantang na tanong niya. “No! May kontrata kaming pinirmahan!”

Lumingon si Paul sa kotse nito at parang may pinababa mula roon. Mayamaya, bumaba si Mrs. Lopez. Nanginginig ang mga tuhod ni Anniza habang papalapit sa kanila si Mrs. Lopez. No! Hindi ito puwedeng mangyari! Wala ang mga magulang niya at ipinagkatiwala sa kanya ang restaurant. Ano ang gagawin niya kung totoo nga ang sinabi ni Paul? She had to review the contract!

“Please, Mrs. Lopez, tell Any what we talked about last night,” sabi ni Paul sa babaeng mukhang pera.

Tumingin sa kanya si Mrs. Lopez. “Pasensiya ka na, hija. Malaki ang offer ni Mr. Menzon. Hindi ko matanggihan. He is also opening a restaurant kaya naman makakatulong na naayos n’yo na ang building—”

“No! We signed a contract, Mrs. Lopez. May usapan kayo ng mga magulang ko! Maayos naman ang renta namin, ah. Palagi naman kaming nagbabayad nang tama.” Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang galit sa babaeng kaharap at kay Paul. “You can’t do this to us. Mrs. Lopez naman, eh. Hindi kami basta-basta lilipat kasi maguguluhan ang mga customer namin. At isa pa, maghahanap pa kami ng bagong lilipatan—”

“Pasensiya ka na talaga, hija, nangangailangan din kasi ako ng pera.” May bahid ng lungkot ang boses ni Mrs. Lopez. “Kahit basahin mo ang kontrata, nakalagay ro’n na for sale naman talaga ang lupa at pinarerentahan ko `yon hangga’t wala pang nakakabili ng lupa. Pinirmahan `yon ng daddy mo. Alam ito ni Mr. Gonzales. Nagkausap rin kami na siya ang bibili pero hindi pa sapat ang pera niya. Pero nakalagay sa kontrata na may karapatan akong ipagbili ang lupa kung kailan ko gusto. Pasensiya ka na talaga, hija.”

Parang nanghina ang mga tuhod ni Anniza sa mga sinabi ni Mrs. Lopez. Puno ng galit ang mga mata niya nang tumingin kay Paul. “You! Bakit mo ba `to ginagawa sa akin?! Ano ba’ng nagawa ko sa iyo!” Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Dark sa kamay niya, saka pinagbabayo ang dibdib ni Paul. Tears were streaming down her face. “Pagkatapos mo akong lokohin, ito naman ang gagawin mo sa akin? Sa pamilya ko? Letse ka! Punyeta ka!” Napahagulhol na siya.

“Walang personalan, Any,” natatawang sagot ni Paul na para bang natutuwa pang umiiyak siya. “Isa akong businessman at gusto ko namang mag-venture ng ibang negosyo maliban sa hotels and resorts na pag-aari ko.” May pagmamalaki ang boses nito. “Pasensiyahan na lang tayo.”

Umiiyak na umatras si Anniza at niyakap ang sarili. Bakit ba nangyayari ito? Ano ba ang nagawa niyang mali? Ano ba ang problema ng mundo sa kanya at pakiramdam niya ay aping-api siya? She felt so down, depressed, and angry. Pero wala siyang magawa.

Sa gitna ng gulong-gulo niyang isip, narinig niya ang boses ni Dark. “Magkano ba ang lupa?”

Mabilis siyang napatingin sa binata. Madilim ang mukha nito at nakatiim-bagang.

“Dark...” mahina niyang sambit sa pangalan nito.

He got off his Ducati and walked to her side. Tinuyo nito ang mga luha niya gamit ang mga kamay. “Stop crying. I told you, kapag gago ang kausap mo, gaguhin mo rin.” Humarap ito kina Mrs. Lopez at Paul. “Magkano ba? I’ll double it.”

Napanganga si Mrs. Lopez pero nakuha pa ring magsalita. “Five million.”

Dark snorted. “Five million? That’s cheap. I’ll double it.” Nanghahamon na tumingin ang binata kay Paul. “Kaya mo bang lampasan `yon?”

Nang-iinsultong tumawa si Paul. “Huwag kang maniniwala sa kanya, Mrs. Lopez. He’s just kidding you. Wala siyang gano’ng kalaking pera. Ang five million nga, mahirap nang hanapin.”

“Sa iyo siguro, mahirap.” Dark smirked tauntingly at Paul. “Pero sa akin, ilang araw ko lang `yan.” Kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng leather jacket at may tinawagan.

“Hello? Joanna? Yes, this is Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. I want you to speak with someone. She’s going to tell you the price of her lot. Wire my money to her bank account.” Iniabot nito ang cell phone kay Mrs Lopez. “Speak English. Joanna is my personal banker from Bank of California. Name your price.”

Tinanggap naman ni Mrs. Lopez ang cell phone habang nakamaang silang dalawa ni Paul kay Dark.

“Yes. This is Mrs. Lopez and it’s ten million.” Biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Lopez. “B-bank account?” Mabilis nitong sinabi sa kausap ang bank account at ibinalik ang cell phone kay Dark.

Mayamaya, binuksan naman ni Mrs. Lopez ang cell phone nito para mag-mobile banking at para tingnan kung totoo nga na pumasok ang sampung milyong bayad ni Dark sa lupa.

Biglang tumili si Mrs. Lopez at niyakap nang mahigpit si Anniza. “Ang suwerte mo!” tili nito. “`Yan dapat ang pakasalan mo.”

“Mawi-withdraw mo lang ang pera kapag ibinigay mo na ang titulo ng lupa kay Anniza,” sabi ni Dark kay Mrs. Lopez na bakas sa mukha ang kasiyahan.

“Ipapadala ko agad sa iyo ang titulo ng lupa,” mabilis na sabi sa kanya ni Mrs. Lopez at humarap kay Paul. “Wala na ang usapan natin.” Pagkasabi niyon, umalis na agad ito.

Hindi maipinta ang mukha ni Paul habang masama ang tingin kay Dark.

Nagkibit-balikat si Dark habang nang-uuyam na nakangisi kay Paul. “Walang personalan. Pasensiyahan na lang tayo, mas mayaman kasi ako sa iyo.”

Gumuhit ang galit sa mukha ni Paul. “Sige. Magsama kayong dalawa. Bagay naman kayo!” Nagmartsa na paalis si Paul.

Alam ni Anniza na napahiya ang ex niya.

Buti nga sa iyo. Gago!

Take that, Paul! In your face!

Biglang nawala ang lungkot at pangamba na naramdaman niya kani-kanina lang. Nilingon niya si Dark at nahuling mataman siya nitong tinititigan. “What?”

“You do realize that you are now indebted to me.” He grinned. “Ten million, agápi mou. Ten million.”

Umirap si Anniza at tinaasan ito ng isang kilay. “Puwede ba, Dark, hindi ko sinabi sa iyong bilhin mo `yong lupa. Ikaw ang nagkusang bilhin `yon sa halagang ten million pesos. Kaya wala akong utang sa iyo at mula ngayon, sa iyo na kami magbibigay ng upa ng lupa. Kapag natanggap ko `yong titulo, ibibigay ko `yon agad sa iyo,” nakangising sabi niya.

Nangingiting napailing-iling si Dark. “Hmm… smart woman.” He tilted her head using his finger and then he pressed his lips on hers for a couple of seconds.

Nang pakawalan ng binata ang mga labi niya, mayroon na itong masayang ngiti sa mga labi.

“Bakit ba panay ang halik mo sa akin?” namumula ang pisnging tanong ni Anniza. Hindi ba nito alam na iba ang epekto niyon sa kanya?

“Hinahayaan mo naman akong palagi kang halikan kaya namimihasa ako. At saka...” Niyakap siya ni Dark sa baywang at bumulong sa tainga niya. “Para na rin bigyan ng mapag-uusapan ang mga empleyado mo.”

Nang lubos na maintindihan ang ibig sabihin ng lalaki, mabilis na lumingon si Anniza sa pinto ng Zaired Restaurant. Nandoon nga ang lahat ng empleyado nila at nakangiti habang nakatingin sa kanila ni Dark.

Namumula ang pisngi na tumingin siya kay Dark. “Ang sama mo. Siguradong pagtsitsismisan nila ako buong linggo.”

Mahinang tumawa ang binata, saka pinanggigilan ang pisngi niya. “You’re so cute.” Pinakawalan siya nito at sumakay uli sa Ducati. “Anyway, kapag tinanong ka ng mga empleyado mo tungkol sa ating dalawa, huwag mong kakalimutan `yong sinabi ni Paul bago siya umalis nang galit.”

Kumunot ang noo niya. “Ano?”

“Na bagay tayong dalawa.” Malapad ang ngiting kinindatan siya ni Dark bago isinuot ang helmet. Pagkatapos, pinaharurot na nito ang Ducati palayo.

Sinapo ni Anniza ang dibdib kung nasaan ang puso niya, saka iyon pinakalma. Mabilis pa rin kasi ang tibok niyon dahil sa sinabi ni Dark. Hindi niya napigilan ang mapangiti at mapailing-iling. Ang lalaking iyon talaga.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at naglakad papasok sa Zaired Restaurant. Sana naman walang maglakas ng loob na tanungin siya tungkol kay Dark. Hindi kasi niya alam ang isasagot. Bigla lang namang sumulpot ang Dark na iyon sa buhay niya. Ang ipinagdarasal lang niya ngayon, hindi sana ito basta ring mawala na parang kabute.