noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 12

Ch. 13 / 26 Feb 09, 2022

PAGKATAPOS lu mapag ng eroplano sa Singapore—sa pilot nalaman ni Anniza na private plane ni Dark ang sinakyan nila—dinala siya ng binata sa isang restaurant. Pagbaba nila ng eroplano kanina, may nakahanda nang sasakyan na naghatid sa kanila sa restaurant. Parang planado ang lahat.

Halatang sikat ang restaurant na pinasukan nila dahil maraming customers. Inililibot ni Anniza ang tingin sa kabuunan ng restaurant nang may lumapit na lalaki sa kanila ni Dark na mukhang isang staff ng restaurant na iyon.

“Hello, Mr. Wong.” Nakipagkamay si Dark sa lalaki, saka bumaling sa kanya. “He is the maître d’.”

“Hello to you too, Mr. Montero. It’s nice to see you again here in our restaurant,” sabi ng maître d’, saka bumaling sa kanya. “What a very lovely lady.” Puno ng paghanga sa kanya ang mga mata ng estranghero.

Dark lost his smile. “Keep looking at her like that and I will punch you to death.” His voice was menacing.

“Possessive. Of course.” Mr. Wong mused. “This way, Mr. Montero,” sabi nito at iginiya sila papasok sa isang private room. “I will send the waiter right away.”

“Thank you,” sabi ni Anniza nang hindi man lang umimik si Dark. At nang makalabas ang maître d’, nakataas ang isang kilay na tumingin siya sa binata. “Really? Kakain lang pala tayo, sa Singapore pa talaga?”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Sorry if I dragged you here. I just want you to taste their delicious cuisine. At saka, ayoko lang naman na palagi mong iniisip ang mga tao habang magkasama tayo. Here in Singapore, walang nakakakilala sa atin. So wala kang dapat ipag-alala.”

Parang may humaplos sa puso ni Anniza. Talagang ginawa iyon ni Dark para sa kanya? Para hindi siya mag-alala sa iisipin ng mga tao? Sinabi niya sa sarili na pipilitin niyang huwag magkagusto sa binata. Pero kakayanin ba niyang pigilan ang umuusbong na damdamin para dito? He was so sweet, caring, and downright amazing. Could she resist? Alam niyang hindi bagay ang mga lalaking katulad ni Dark sa isang kagaya niyang plus-size. Pero kahit ganoon, hindi ipinaramdam ng binata na ikinakahiya siya nito. He was even boosting her confidence, trying to build up her self-esteem.

She really was in big trouble if he continued to be sweet and caring.

Mayamaya, inilibot ni Anniza ang paningin sa private room na kinaroroonan nila. The floor was marble and the walls were deep red. It was pleasing to the eyes. And of course, the room had a terrace that overlooked the magnificent sight of Marina Bay.

Wow. It’s breathtakingly beautiful.

Umupo siya sa tabi ni Dark sa isang mahabang sofa at humarap sa binata. “Alam mo, hindi ko alam kung ano’ng itatawag ko sa iyo. Either sweet or weird.”

The corner of his lips tugged up. “Uh, sweet?” he offered. “Or the sweetest?”

She chuckled. “The sweetest? Really? Weirdest, puwede?”

Sumimangot ito na parang bata. “Dinala na nga kita rito sa Singapore `tapos weirdo pa ako? Come on. Where’s the justice in that?”

Pinisil ni Anniza ang tungki ng ilong ng binata. “Justice ka diyan. Sapakin kaya kita.”

Iniharap sa kanya ni Dark ang pisngi nito. “Go on. Sapakin mo ako. Para may dahilan na naman ako para halikan ka.”

Inirapan niya ito para itago ang ngiti sa mga labi niya. “Ayoko nga. Natuto na ako. At saka, mananantsing ka lang naman, eh. Ikaw pa, eh, manyak ka, `di ba?”

“Ako? Manyak? Hindi kaya.” He grinned mischievously. “Guwapo ako kaya hindi ako papasa sa salitang manyak. I could pass up as naughty, though.”

She matched his grin. “Naughty, Dark? Hmm... puwede.”

“I could be naughty now,” nang-aakit ang boses na bulong ng binata sa tainga niya, saka siya hinalikan sa leeg.

Mabilis na itinulak ni Anniza ang mukha ng binata. “Dark, ano ba? Nasa restaurant tayo. Mahiya ka naman. Baka biglang may pumasok.”

Nagkibit-balikat lang ito. “So? Eh, di mainggit sila. They should be because I’m kissing a very beautiful woman.” Hinalikan siya nito sa mga labi at ipinasok ang dila sa loob ng bibig niya na naging dahilan para magpaubaya siya.

Napadaing na lang siya nang mahina habang mas nagiging mapusok ang bawat paggalaw ng mga labi ni Dark na buong puso naman niyang tinugon.

“Hmm ... your lips taste so damn good, Anniza,” bulong ng lalaki sa mga labi niya. “So fucking good.”

Parang may sariling isip na yumakap ang mga braso niya sa leeg ni Dark. Pero parang napaso na mabilis niyang inilayo ang mga labi sa mga labi nito nang may kumatok sa pinto. Mayamaya ay bumukas iyon.

“Hello, Sir, Madame, I’m your waiter,” sabi ng lalaking walang kaalam-alam sa ginawa nila ni Dark ngayon-ngayon lang. “Are you ready to order, Sir?” His accent sounded hard and deep.

Dark had this coy smile in his lips as he spoke to the waiter. Alam niyang ang halik na pinagsaluhan nila ang nasa isip nito. This man and his freaking irresistible kisses. Inirapan na lang niya ito, saka hinayaang mag-order para sa kanila.

“Our order…” Kinuha ni Dark ang menu na nasa ibabaw ng mesa at pumili ng makakain nila. “Hmm... One nasi lemak for me and hainanese chicken rice for my lady. One fried carrot cake and two orders of hokkien prawn mee.”

Inilista ng waiter ang mga order nila. “Do you want to try one of Singapore’s signature dishes called the chill crab?”

“Yeah. Sure,” sagot agad ni Dark na ikinaawang ng mga labi ni Anniza. “One order of chill crab and five orders of moon cake. Take out.”

Masyadong marami ang mga iyon para sa kanilang dalawa!

“Would you also want to try our rendang, Sir?” alok uli ng waiter.

Kumunot ang noo ni Dark. “Rendang? What’s that? New dish?”

Tumango ang waiter. “It’s a Malay dish with Indonesian origins. It can be mixed with beef or chicken—your choice— stewed in coconut milk and spices.”

“You got me on Indonesian origin. One order of rendang then. And water.”

Ngumiti ang waiter. “Is that all, Sir?”

“Yes. That’s all.”

“I’ll be back shortly,” paalam ng waiter at lumabas ng kuwarto.

Napailing-iling si Anniza nang sila na lang dalawa ni Dark. “Bibitayin ka ba, Dark? Ang dami kaya ng in-order mo.”

Nahiga ang binata sa sofa at ginawang unan ang mga hita niya. “Hmm... This feels good.”

Ipinaikot niya ang mga mata. “So, dinala mo ako rito sa Singapore para lang kumain?”

“We’ll go shopping later,” sabi nito habang nakapikit.

“Wala akong dalang pera.”

“I’ll pay for it.”

Bumaba ang tingin ni Anniza sa binatang nakaunan sa mga hita niya. “Hindi kaya ini-spoil mo na ako niyan?”

A small smile crept into his sexy lips. “I like spoiling you. Saka kaya ko naman, eh. Ano naman ang gamit ng pera ko kung patutulugin ko lang `yon sa bangko? Hindi ko naman `yon madadala sa libingan kapag namatay ako.”

Napatitig siya sa mukha ni Dark na nakapikit pa rin. Napakaguwapo talaga nito at hindi pa rin siya makapaniwala na nagtitiyaga ito sa kanya. Ayaw niyang aminin dahil ayaw niyang maging assuming, pero ano pa ba ang rason kung bakit palaging nasa tabi niya ang lalaki? Ayaw niyang maging ambisyosa kaya pilit niyang tinatanggal iyon sa isip niya.

Mabait at palakaibigan lang talaga siguro ito.

May magkaibigan bang nagse-sex? tanong ng munting boses sa isip ni Anniza.

Namula siya nang maalala ang pagtatalik nila. Their lovemakings were always full of desire. Sa tingin niya, walang magkaibigan na ganoon. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano. Maloloka lang kasi siya. Wala namang sinasabi si Dark tungkol sa kung ano ang tawag sa kanilang dalawa. Wala silang relasyon—iyan ang maliwanag ngayon sa isip niya.

At oo nga, gusto siya ngayon ni Dark. Pero sigurado siyang darating ang oras na magsasawa na ito sa isang plus-size na kagaya niya. Mauumay din sa kanya ang binata. She had nothing that could make him stay. And honestly, she was scared that he would leave her soon. Nasanay na siya na palagi itong nakikita at nakakasama.

“What’s going on in that pretty little head of yours?” tanong ni Dark na gumising sa nag-iisip niyang diwa.

Hinaplos niya ang buhok ng binata at ngumiti nang pilit. “Nothing.” Her thoughts saddened her.

“Thinking of Paul?”

Kumunot ang noo niya. “Bakit biglang napasok sa usapan si Paul?”

Nag-iwas ng tingin ang lalaki. Medyo madilim ang mukha nito. “You have that longing expression in your face earlier. `Di ba, hindi ka pa nakaka-move on sa kanya? Hanggang ngayon ba, nandiyan pa rin siya sa sistema mo?”

Sa halip na sabihin kay Dark na ito ang laman ng isip niya, nagsinungaling siya. Ayaw niyang isipin nito na nag-a-assume o ambisyosa siya. “Dalawang taon kong minahal si Paul, Dark. Normal lang na nasa sistema ko pa rin siya,” pagsisinungaling niya. Ang totoo, wala na ang pagmamahal niya para kay Paul. Sakit na lang ang nararamdaman niya dahil sa panloloko nito.

Sadness dawned on his face. “Matagal pa pala.” Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay niya, saka hinalikan ang likod niyon. “He could stay in your heart, that’s fucking okay with me because I know I could do something to erase it. But you...” He looked at her intently. “You’re staying with me and I won’t let you go anywhere without me.”

Binalot ng halo-halong emosyon ang puso ni Anniza. Napakabilis ng pintig niyon. “I’m staying, Dark,” sagot niya, saka malungkot na ngumiti. “Ikaw ang puwedeng umalis kahit kailan mo gusto.”

“Oh, agápi mou , I’m staying.” Nginitian siya ni Dark, saka hinalikan uli ang likod ng kamay niya. “Kahit magsawa ka na sa guwapo kong pagmumukha, hindi ako aalis.”

Pabiro niya itong inirapan, pero ang puso niya, parang nakikipagkarera sa sobrang bilis ng tibok niyon. Kung sana nga lang ay may katotohanan ang mga sinasabi ng binata, siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Pareho silang napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Mayamaya ay bumukas iyon, saka pumasok ang waiter na may dalang pagkain. Mabilis niyang itinulak paupo si Dark na tawa lang nang tawa dahil sa naabutan ng waiter na posisyon nila.

Habang inilalagay ng waiter sa mesa ang orders nila, panay naman ang kindat sa kanya ni Dark sa hindi niya malamang dahilan. Nang makaalis ang waiter, pinukol niya ito ng masamang tingin.

Mayamaya pa, pinagsalikop ni Anniza ang mga kamay niya habang inaamoy ang mga pagkain. “Hmm… They smell good,” komento niya habang nanunubig ang mga bagang niya.

“And I assure you, Ma’am, these also taste good,” nakangiting sabi ng waiter bago nagpaalam at lumabas na ng kuwarto.

Nakangiti siyang bumaling kay Dark. Kakausapin niya sana ito tungkol sa mga pagkain nang makitang madilim ang mukha nito. “Ano’ng nangyari sa iyo?” nagtatakang tanong niya.

Tumiim ang bagang nito. “Nginitian ka niya.”

Tumaas ang isang kilay niya. “O, `tapos?”

“And you smiled back,” sabi ni Dark na para bang isang krimen na suklian ang ngiti ng waiter kanina.

Napailing na lang si Anniza, saka hinayaan ang binata. He was being weird again. Uumpisahan na sana niya ang pagkain nang pigilan siya nito.

“Let me feed you.”

Humarap siya kay Dark, saka ito pinakatitigan at malambing ang boses na nagtanong. “Hindi ka na galit?”

Humugot ito ng malalim na hininga, saka siya nginitian na parang walang nangyari. “Just don’t smile at other men again.”

This guy was so weird, but she couldn’t say no. Ayaw niya kapag nagagalit si Dark. Nag-iiba kasi ito. Parang hindi ito ang Dark na nakilala niya. Kaya naman pumayag siya. “Oo na, hindi na ako ngingiti sa ibang lalaki.”

“Good,” sabi ng binata, saka siya sinubuan.

Habang sinusubuan siya ni Dark, hindi mapakali ang puso niya. Napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso niya. And not to mention her stomach. Parang may isang horde ng nagliliparang paruparo sa loob ng kanyang tiyan.

Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa kanya?

He fed her and himself. They used the same spoon, fork, and glass. Wala siyang kinain na siya mismo ang sumubo sa sarili niya dahil hindi siya hinayaan ni Dark.

“Ako na ang gagawa niyan,” sabi niya habang tinatanggal ng binata ang balat ng hipon.

“Ako na. Susubuan na lang kita.”

Ipinaikot ni Anniza ang mga mata at hinayaan na si Dark. At habang tinatanggalan nito ng balat ang hipon, kumuha siya ng isang mooncake, saka iyon kinagat. Napapikit na lang siya nang malasahan iyon.

“Hey, Dark?” agaw niya sa pansin ng binata na abala pa rin sa hipon.

Bumaling ito sa kanya. “Yes?”

“Try this.” Inilapit niya ang moon cake sa bibig nito. “Masarap `yan.”

Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki. Siguradong may naiisip na naman itong kapilyuhan. “Try putting that mooncake between your lips and I’ll eat it,” nakangising sabi nito.

Sinasabi na nga ba niya, eh!

Pero dahil gusto niyang matikman ng binata ang mooncake, ginawa niya ang gusto nito. She put the moon cake between her lips and then she moved closer to him. He took a big bite on the mooncake between her lips. At nang maubos ang cake na nasa bibig niya, sinakop ng binata sa isang mainit na halik ang mga labi niya.

Mayamaya, pinaghiwalay ni Dark ang mga labi nila, saka siya nginitian habang may pilyong kislap sa mga mata. “Yeah. Masarap nga ang moon cake.”

Hindi napigilan ni Anniza ang mapangiti. Damn this man and his sly moves. “Alam mo ikaw,” sabi niya na pinanggigilan ang pisngi nito, “palagi kang may paraan para makahalik.”

Natatawang ninakawan siya ng halik sa mga labi ng binata, saka siya kinindatan. “I always have something in my sleeve, agápi mou .”

Pabiro niyang inirapan si Dark, saka tinanggap ang isinusubo nitong hipon sa kanya.

At habang tumatagal na magkasama sila ni Dark na nagsasalo ng tanghalian, mas lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata. Their lunch was wonderful. Dark was so sweet and she couldn’t help herself from liking him even more. Nararamdaman din niyang nag-iiba na ang tibok ng puso niya. At natatakot siya sa tinatahak na daan niyon. Sana naman ay hindi siya masaktan sa bandang huli.