noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 19

Ch. 20 / 26 Feb 09, 2022

THE WELCO ME party was amazing. Anniza met a lot of people, especially Dark’s relatives who seemed to like her for him. Nakakatuwa na tanggap siya ng mga tao roon at hindi siya tinatawag na plus-size kundi big-boned. It was a nice feeling and a nice change of pace for her.

Napatigil siya sa pag-iisip sa mga nangyari sa welcome party kagabi nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam agad niyang si Dark iyon dahil naamoy niya ang pabango nito na napakasuwabe sa ilong.

Nasa terrace sila ng kuwarto ng binata. Tinitingnan niya ang napakagandang tanawin sa labas ng Stavros Palace.

“Good morning,” bulong ng binata sa tainga niya. “Kumusta ang tulog mo?”

“I slept well.” Humilig siya sa dibdib nito. “Ang ganda rito, `no? So relaxing. View pa lang, sapat na.”

Hinalik-halikan siya ni Dark sa leeg na nagpapagising sa katawan niya. “Mamasyal tayo mamaya. I’ll show you how beautiful Thrace is.”

Nilingon ni Anniza ang binata. “So, nasa Thrace tayo? Malayo pa ba rito ang Santorini?”

He smiled. “You don’t have to go to Santorini. Thrace has a lot to offer you, ómorfos . ”

Tumango-tango siya. “Okay. Nakakahiya mang aminin pero Santorini at Athens lang talaga ang alam kong lugar dito sa Greece. `Yon naman kasi ang sikat na tourist spots ng bansa n’yo.”

“Well, we’re in the east of Macedonia and Thrace.” Pinaglandas ni Dark ang mga labi nito sa leeg niya dahilan para mapakagat siya sa pang-ibabang labi. “And I’ll show you how beautiful the land of Thrace is.”

Humarap siya kay Dark. Siya na ang humalik sa mga labi nito at bumulong. “Show me, agápi .”

Naramdaman niyang natigilan ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “D-did you just c-call me a-agápi ?”

Nakangiti siyang tumango. “Yeah. I did.”

Napalitan ng malapad at masayang ngiti sa mga labi ang gulat na ekspresyon sa mukha ng binata. “It sounds good.”

Mahinang natawa si Anniza, saka naglalambing na yumakap sa leeg ni Dark. Pero nawala siya sa mood nang makarinig ng tunog ng sasakyan. At nang bumaba ang tingin niya sa balkonahe, nakita niya si Kallea na bumaba mula sa kadarating lang na sasakyan.

She heard him groan in annoyance. “Hindi talaga niya ako titigilan.” Hindi maipinta ang mukha ni Dark nang makita si Kallea.

At aminin man ni Anniza o hindi, nasiyahan siya sa reaksiyon ng binata kay Kallea. Kaya nakangiti niyang sinapo ang mga pisngi ng binata at hinalikan ito sa mga labi. “Ako’ng bahala sa iyo.”

Napatitig sa kanya si Dark na bakas ang pagkamangha sa guwapong mukha. “Talaga? Hindi mo ako ibibigay sa kanya?”

“Bakit naman kita ibibigay sa kanya?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Akin ka, `di ba?”

Umawang ang mga labi ni Dark at parang tumigil sa paghinga. “H-ha?”

Natawa si Anniza sa reaksiyon ng binata. Hinalikan niya uli ito sa mga labi at hinila palabas ng kuwarto.

Nang makalabas sila, si Dark na ang gumiya sa kanya patungo sa sala ng palasyo. Magkahawak-kamay sila nang makarating doon.

She instantly saw Kallea’s face contorting in anger when she saw her. Matapang niyang sinalubong ang matalim nitong tingin.

“Dark... agapiménos ...” Lumapit si Kallea sa binata para siguro landiin ito.

Pero hindi hinayaan ni Anniza ang babae. Mabilis niyang niyakap si Dark at hinalikan sa mga labi. Her main purpose was, of course, to taste his sexy lips. Second was to get rid of Kallean the biatch .

Gusto niyang matawa nang makarinig ng nagmamartsang mga yabag palayo sa kanila.

Paghihiwalayan na sana niya ang mga labi nila ni Dark nang yakapin siya ng binata at mas pinalalim pa ang halik. His tongue slid inside her mouth. She moaned at the sensation it made her feel. Napayakap siya sa leeg nito habang mainit silang naghahalikan.

Nang mas naging mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila, bigla naman nilang narinig ang boses ni Ikov.

“Your Highness.” Tumikhim ito. “Breakfast is ready.”

Nakangiting pinakawalan agad ni Dark ang mga labi niya at matiim siyang tinitigan. Mayamaya ay bumaling na ito sa butler. “Yes, Ikov. We’re coming.”

When Ikov left, Dark kissed her passionately again. Buong puso naman niya iyong tinugon. Kissing him was like a necessity now. Dahil hindi kompleto ang araw niya kapag hindi natitikman ang mga labi ng binata. And it was scaring her. Nakikinita na niyang darating ang araw na hindi na niya kakayaning mahiwalay pa kay Dark.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa komedor kung saan naghihintay ang pamilya ni Dark.

They shared an amazing breakfast. Mababait ang mga auntie at uncle ni Dark at minu-minuto silang tinutukso. Siyempre pa, hindi pahuhuli si Mama Nikola na panay ang tanong kung may laman na bang tagapagmana ang tiyan niya.

She would just blush and stay silent. Si Dark naman, pangiti-ngiti lang at hindi nagkokomento.

Pagkatapos ng agahan, dinala siya ni Dark sa rooftop ng palasyo kung saan may helicopter na naghihintay sa kanila.

“Get in,” utos ni Dark at binuksan ang pinto ng helicopter. “Mamamasyal tayo.”

“Mamamasyal `tapos naka-helicopter?” namamanghang tanong ni Anniza.

He smiled. “Just get in, agápi mou .”

Sumunod naman agad siya. Nang makaupo na siya nang maayos, sumakay na si Dark at sinuotan siya ng helmet. Magtatanong sana siya kung para saan iyon nang magsalita si Dark.

“Naririnig mo ako?” tanong ng binata na ikinagulat niya dahil narinig niya ang boses nito sa loob ng helmet. Nginitian siya nito nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. “May nakalagay na microphone at mini speaker sa loob ng helmet para magkarinigan tayo. Maingay kasi, eh.”

Napatango-tango siya. “Ah...”

Mayamaya ay nasa himpapawid na ang helicopter. Nakikita niya ang mga kabundukan at kagubatan sa ibaba. The mountain was breathtaking. Talagang napaawang ang mga labi niya nang makita ang napakagandang tanawing iyon.

Itinuro ni Dark ang kabundukan. “That’s the Rodopi Mountain Range. And beside that is the Saos Mountain Range that covers the Samothrace Island. They say that the Samothrace Island is the island of the great gods. Nandoon sa isla na `yon ang sikat na statue ni goddess Nike. Nakahimlay ang isla ng Samothrace sa Aegean’s sea, one of the most famous seas where there are vast of archeological finds in the world.”

Napatitig siya kay Dark. Nakatingin ito sa Rodopi Mountain Range habang nagsasalita.

He really was something. Guwapo, mayaman, mapagmahal, sweet, at maramimg alam. Pero sa likod ng perpektong Dark Montero, nagtatago ang nakakatakot na ugali kapag nagagalit ito at iyon ang hindi perpekto sa binata. Pero hindi man ito perpekto sa iba, para kay Anniza, perpekto pa rin si Dark. His imperfection made him who he was. At iyon ay ang lalaking minahal niya.

“Bakit ganyan ka makatingin?”

Napakurap-kurap si Anniza at nagtama ang mga mata nila. Nakatingin na pala ito sa kanya. “Paano ba ako tumingin?”

Ilang segundo siyang tinitigan ng binata, saka umiling. “Nothing.”

Mayamaya, narating na nila ang isang magandang city.

“Ano `yan?” tanong niya habang itinuturo ang magandang siyudad na nasa ibaba nila.

“That’s the Xanthi District.” Itinuro ng binata ang malaking orasan na maihahalintulad sa Big Ben. Medyo mas maliit nga lang ang nasa Xanthi. “That’s the central district and Xanthi Clock Tower.”

“Ang ganda naman,” puno ng paghangang komento niya.

Ngumiti si Dark. “Maganda nga.” Itinuro nito ang nadaanan nilang Brick Mansion. “ `Yon naman ang Brick Mansion na ngayon ay isa nang folk art and history museum.”

At habang lumilipad pa rin ang helicopter, panay ang bigay sa kanya ni Dark ng mga impormasyon tungkol sa nadaraanan nilang agaw-pansing mga building.

Nagsilbing tour guide niya ang binata. Itinuro pa nito ang stone bridge na nasa Kompsatos River at ang landscape sa northern part of Samothrace. Paikot-ikot lang ang helicopter sa Aegean sea hanggang sa makarating sila sa lugar na tinatawag na Sanctuary of the Great Gods. Para iyong gumuhong palasyo o ruins. Pero kahit gumuho na iyon, tumindig pa rin ang balahibo ni Anniza nang ipababa ni Dark ang helicopter para makita niya iyon nang malapitan.

And then they passed the magnificent Cyclops Cave.

“Hindi ko alam ang dahilan pero hindi `yan open for tourists,” sabi ni Dark.

“Baka may cyclops sa loob,” biro niya.

He chuckled. “Yeah. Maybe.”

At ang huli nilang pinuntahan ay ang Soufli City na puno ng snow.

“That’s the Soufli City known as the City of Silk,” imporma sa kanya ni Dark. “Sikat sila sa paggawa ng tela gamit ang silkworm. And they are also famous for making wines.”

“Wow. Ang dami mong alam.” She was really impressed.

He smiled. “I told you. Thrace has a lot to offer.”

“Yes. Napakaganda nga ng Thrace. I didn’t know.”

Habang bumibiyahe pabalik ang helicopter, maghawak ang mga kamay nila ni Dark. Medyo wala na ang araw nang makauwi sila sa Stavros Palace.

Maaga silang nananghalian dahil na rin sa gutom dahil sa pamamasyal. Mahimbing na nakatulog si Anniza dahil na rin siguro sa pagod.

NANG magising si Anniza kinabukasan, gising na si Dark at nagyayayang mag-swimming.

“Get up, Anniza. Nagyaya si Mommy mag-swimming sa Abdera. Maganda ro’n.” Nakakubabaw ito sa kanya habang pinipilit siyang sumama.

“Oo nga, sasama ako,” sabi niya, saka napasimangot. “Just let me get up.”

Tumawa ang binata at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya.

Iniinat muna ni Anniza ang mga braso, saka bumangon at pumasok sa banyo.

When she came out of the bathroom, she looked fresh and ready to face the day ahead.

“Hmm...” Niyakap siya ni Dark sa baywang at hinalikan sa mga labi. “You smell good, agápi mou .”

Bahagya siyang napapikit nang halikan siya ng lalaki sa leeg. Gumapang ang mga labi nito patungo sa dibdib niya. Ipapasok sana nito ang kamay sa loob ng pang-itaas niya pero pigilan niya ito.

“Halika na, baka naghihintay na si Mama Nikola,” sabi niya na pinapakalma ang sarili na nag-uumpisa nang mag-init ang katawan.

Napipilitang tumango si Dark.

Lumabas na sila ng kuwarto at nagpunta sa sala. Naabutan nila roon sina Auntie Aetna at Mama Nikola na may ibinigay sa kanyang paper bag.

“I want you to wear that, agapiménos, ” sabi ni Mama Nikola sa malambing na boses. “Later. Okay?”

Tumango si Anniza at tiningnan ang laman ng paper bag. “Holy crap!” Napamura siya nang makita ang laman niyon.

It’s a freaking bikini! Shit! Oh, my God!

“Ano `yan? Bakit ka namumula?” tanong sa kanya ni Dark habang sumisilip din sa loob ng paper bag.

Mabilis niyang itinago ang paper bag sa likuran niya. “Don’t!”

Kinunutan siya ng noo ng binata. “Ano `yan?” pangungulit nito. “Let me see it— Aray! Mom!” sigaw ni Dark na nakangiwi dahil piningot ni Mama Nikola.

Mahinang tumawa si Anniza. “Go, Mama! Punch him too.”

“Ouch!” he shouted when Mama Nikola let go of him. Pinukol siya ng binata ng masamang tingin. “Bakit hindi mo ako pinagtanggol?”

Naglalambing na niyakap niya agad si Dark at hinalikan ang tainga nitong piningot ni Mama Nikola. “There. Mawawala na ang sakit. May magic yata ang halik ko.”

Hinuli ng binata ang mga labi niya, saka bumulong. “Yes. I agree.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Nang una kong matikman ang mga labi mo, nabaliw ako sa kakaisip sa iyo. Kaya naniniwala akong may magic `yan. Kasi nakakabaliw at hinanap-hanap ko pagkatapos kong mahalikan.”

Namula ang mga pisngi ni Anniza. Bumilis din ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Dark. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa puso niya. Hindi agad siya nakapagsalita at namalayan na lang niyang iginigiya siya ni Dark patungo sa limousine na nakaparada sa labas ng palasyo. Kasabay nila sa sasakyan sina Mama Nikola at Auntie Aetna.

Nang makarating sila sa Adbera, napanganga siya sa ganda ng beach na tumambad sa kanya. Talagang mag-e-enjoy siya roon. Hinawakan ni Mama Nikola ang kamay niya at hinila siya palayo kay Dark, patungo sa isang pribadong cottage.

“Here.” Binuksan nito ang cottage. “This is my personal cottage in this beach. Go. Change.”

Walang nagawa si Anniza kundi ang magpalit ng damit at isuot ang itim na high waisted na plus-size bikini set. Panay ang ngiwi niya habang isinusuot iyon. Nararamdaman niyang hindi bagay sa kanya ang bikini na iyon. Si Mama Nikola naman kasi, eh.

“Done changing, dearest?” Boses iyon ni Mama Nikola mula sa labas ng cottage.

“Y-yeah,” kinakabahang sagot niya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama Nikola na may malapad na ngiti. Nang makita nito ang kabuunan niya, impit itong tumili. “Oh, my goddesses! Oh, God. You’re so pretty!” Hinawakan nito ang baywang niya. “You’re so sexy. Oh, goodness! I’m sure Dark will salivate when he sees you.” Inayos nito ang buhok niya at hinaplos ang kanyang mukha. “ Ómorfos , Anniza.”

Ngumiti siya, saka umikot para makita ni Mama Nikola ang that likod niya. “Do I look okay?”

“Of course!” she exclaimed. “You are beautiful.” Hinawakan nito ang baba niya para itaas ang kanyang mukha. “Feel it. Own it. And walk like you are a goddess and that they need to bow down to your beauty.”

Natawa siya sa sinabi ng mama ni Dark. “I’ll try.”

“Don’t try. Do it.” Hinawakan siya ni Mama Nikola sa kamay at hinila palabas ng cottage.

Gusto niyang takpan ang sarili nang makalabas sila ng cottage. Gusto niyang itago o ilibing ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman. Pero hindi siya hinayaan ni Mama Nikola na maramdaman iyon.

“Chin up!”

She quickly raised her chin.

Nginitian siya ni Mama Nikola. “Good girl.”

They walked to the floating cottage. Nandoon na si Dark at nakikipag-usap sa mga kapamilya nito.

Nakita niyang kinalabit ni Auntie Aetna ang binata at itinuro siya na kasalukuyang naglalakad palapit dito. Nilingon naman agad siya ni Dark. Umawang ang bibig nito nang makita siya. Adoration and desire were visible in his beautiful granite eyes.

Hindi siya nahirapang sumampa sa floating cottage na kinaroroonan ng binata at ni Aunti Aetna dahil malapit iyon sa dalampasigan. Mayamaya pa, nahihiyang naglakad siya palapit kay Dark na nakatitig pa rin sa kanya.

“Anniza...” Hinawakan siya ng lalaki sa baywang. He raked a hot and hungry stare over her body. “Damn it... You know how to make a man lose her cool facade. You know that, right?”

Umiling si Anniza. “Hindi.”

He smiled seductively as he gripped her hips. “You look so beautiful, agápi mou , so sexy. And I really love that bikini on you. You’re mine and mine alone, agápi mou . I won’t let men feast their hungry eyes on you. Akin ka lang, Anniza. Para sa akin lang ang nakikita ko ngayon.”

Napakurap-kurap siya. Nag-iinit ang magkabila niyang pisngi sa hiya dahil alam niyang narinig ng buong pamilya ni Dark ang sinabi nito.

“So possessive,” komento ni Auntie Aetna. Lumapit ito at may isinuot sa kanya. “That’s a plunging neck see-through cover up.” Napailing-iling ito at inirapan si Dark. “To cover your sexiness from head to knees and of course, to calm down your possessive Prince here.”

Tinulungan pa ito ni Dark na isuot sa kanya ang coverup. Pagkatapos ay ngumiti ang binata. “There. All covered,” masaya nitong sabi.

Nangingiting napailing na lang si Anniza, saka sumang-ayon kay Auntie Aetna. “Yep. So possessive.”

Hinuli ni Dark ang mga mata niya at matiim siyang tinitigan. “Yes. I am possessive of you,” he said and then he kissed her fully on the mouth.

At habang tinutugon ang halik ng binata, nakikinita na niya na magiging masaya ang araw na iyon ng buhay niya.