NASISIGURO ni Anniza na walang maglalakas-loob na magtanong tungkol sa kanila ni Dark. Pero iba talaga kapag tsismis. Lumalakas ang loob ng mga tao. Tulad na lang ngayon. Kinakausap siya ng mga server nila na matagal na ring nagtatrabaho sa kanila at maituturing na niyang mga kaibigan.
“Chef, kayo na ho ba ni Sir Dark?” tanong ni Lala, ang pinakamatagal na nilang waitress. “Alam n’yo ho, chef, suki rito si Sir Dark kaya kilala namin siya. Hindi n’yo lang alam kasi palagi kayong nagkakampo sa loob ng kusina.”
“Oo nga po, chef,” sabad naman ni Jessa na halatang kinikilig. “Dito palaging kumakain si Sir Dark.”
“Oo nga po,” dagdag naman ni Tala. “At saka alam mo, chef, kapag lumalabas ka noon sa kusina dahil nandito ang walang kuwenta n’yong ex-fiancé, palagi kang tinititigan ni Sir Dark.”
Doon na tumaas ang isang kilay ni Anniza at itinuro ang sarili. “Ako? Tinititigan niya?”
“Oho.” Mabilis na tumango-tango si Lala. “Totoo `yon, chef. Masyado ka nga lang bulag dati kasi may Paul ho kayo.”
Umirap siya sa hangin. “At bakit naman niya ako tititigan?”
“Nagandahan siguro sa iyo, chef,” sagot ni Jessa sa nanunuksong boses. “Maganda ka naman, eh, kung mag-aayos lang ho kayo.”
“Kung papayat `kamo,” irap niya.
Umiling si Jessa. “Hindi po. Ang ibig kong sabihin, mag-iba ng wardrobe. Hindi na palaging jeans at T-shirt ang suot.”
“Eh, sa dito ako komportable, eh,” angal niya.
“Oo nga, chef. Pero minsan, tayong mga babae, kailangan ding magsuot ng mga hindi komportableng damit para maging maganda. `Tapos paresan `yan ng stiletto—”
“Ayoko.” Umatras siya habang umiiling. “No. I like my shoes better.”
Umirap naman si Tala. “Chef, `di ba, may kasabihan ang mga babae sa sapatos.”
“Ano?” nakakunot ang noong tanong niya.
“If the shoe doesn’t hurt, then it’s not beautiful,” sagot ni Tala na nakangiti. “At hindi ho ba, beauty has a price?”
Napailing-iling na lang si Anniza at pinagtabuyan ang tatlo. “Sige na. Magtrabaho na kayo. Hindi ko kaya `yang mga pinapagawa n’yo.”
Nagtawanan ang mga ito at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Pumasok naman siya sa manager’s office at nag-umpisa nang magtrabaho.
HINDI namalayan ni Anniza na tanghalian na pala. Lumabas siya ng opisina at tiningnan ang mga customer. Mukhang maayos naman ang serbisyo nila dahil wala namang mukhang galit. Babalik sana siya sa loob ng manager’s office nang makita niyang pumasok si Dark sa restaurant. Bumilis agad ang tibok ng puso niya nang makita ang binata. He looked so handsome as he walked oozing with sex appeal and confidence that women couldn’t help but notice.
Nginitian siya ng binata nang magtama ang mga mata nila. Para siyang kinapos ng hininga. His lips that curved into a sexy smile had a strong effect on her. Para itago ang nararamdaman, mabilis siyang tumalikod at pumasok sa opisina.
Ilang segundo lang mula nang pumasok siya sa manager’s office, bumukas ang pinto at pumasok si Dark. “Hey.”
“Ano’ng ginagawa mo rito? At sino’ng nagpapasok sa iyo?” mataray niyang tanong para itago ang malakas na pagtibok ng puso niya.
Nginitian siya ng binata. “Ako ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng restaurant n’yo. I think I have the right.”
“Right ka diyan. Basagin ko kaya `yang pagmumukha mo.”
Tinawanan lang siya ni Dark at umupo ito sa visitor’s chair. “Eh, di basagin mo. Basta lagi mong tatandaan, one violent move, one kiss.” Then he made a kissing sound.
Inirapan niya ito. “Ewan ko sa iyo. Lumabas ka nga. Huwag mo akong istorbuhin. Nagtatrabaho ako.”
Speaking of which. Wala bang ginagawa ang lalaking ito at palagi siyang ginugulo?
“Ano ba `yang ginagawa mo?” tanong ni Dark, sabay silip sa papel sa nasa harap niya.
“Just an advertisement.” Napasimangot si Anniza. “Kaya lang, hindi ko makuha kong ano’ng gusto kong ipa-advertise. Ayaw ko namang kumuha ng advertising agency kasi mahal `yon. Simpleng ad lang sa newspaper ang kailangan ko.”
Kinuha ng lalaki ang papel at mataman iyong tiningnan. “Okay naman `to kung sa newspaper ad ilalagay.” Tumango-tango pa ito. “Pero kaunti na lang ang nagdadiyaryo ngayon. We have Internet now. Only old people buy newspapers these days.”
Bumuntong-hininga siya. “Tama ka. Kaya lang mahal naman kung sa magazine.”
“I could give you a discount.”
Her eyes snapped at him. “What?”
“Well, I... Uh...” Napakamot si Dark sa ulo na para bang nahihiyang magsalita. “I am the,” tumikhim ito, “the owner of State Trend Magazine. I could give you a discount.”
She wasn’t surprised at that news. What surprised her was that he looked awkward while confessing that he was the owner of the famous magazine. Nakakatuwa na mayroon pa palang tao na nahihiyang ipagmalaki kung ano man ang mayroon sila.
“Ayoko,” tanggi ni Anniza mayamaya. “Masyadong sikat ang magazine mo. Feeling ko `yong mga inilalagay lang doon, `yong mga ads for international restaurants.”
Napailing-iling ang binata. “Hindi naman pahuhuli ang restaurant n’yo kung ang menu ang pag-uusapan. Matagal na akong customer ng Zaired Restaurant at masasabi kong pang-international din naman ang mga pagkain n’yo rito. Speaking of which, why is your restaurant called ‘Zaired’? I’m curious.”
“Combined names `yon ng lolo’t lola ko sa father side. Zaide and Redito,” sagot niya. “Regalo `to ni Dad kina Lolo at Lola kasi pangarap nila noon na magkaro’n ng kainan na tinupad naman ni Dad.” Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi niya. “Lola passed away because of her heart problems, pagkatapos, sumunod naman si Lolo dahil sa komplikasyon sa diabetes.”
Napatango-tango si Dark. “They must be very proud. Masarap ang pagkain n’yo rito. Walang halong pambobola `yon. At lalong hindi ko `yon sinasabi kasi nagagandahan ako sa iyo.”
Inirapan niya ang lalaki, pero ngumiti rin naman siya mayamaya.
Matagal na rin ang Zaired Restaurant. At nakatanggap na rin sila ng five-star ratings mula sa mga food and restaurant critics.
“Magkano naman ang discount?” tanong ni Anniza habang iniisip kung kakayanin ba ng budget niya ang advertisement sa magazine ni Dark.
Putting an ad in State Trend Magazine could make their restaurant more popular.
“Fifty percent,” sagot ng binata.
Nanlaki ang mga mata niya. “For real? Hindi kaya malugi ka niyan?”
“Hindi ako malulugi. Okay lang `yon. Hindi ka siguro nagbabasa ng magazine ko kasi na-feature na namin doon ang Zaired Restaurant.”
Halos lumuwa ang mga mata ni Anniza. “Totoo?!”
Tumango ito. “Yeah. That was last year. August issue.”
Namasa ang mga mata niya. Good God! Kaya pala mas dumami pa ang customer nila last year dahil doon.
“I could hug you right now!” natutuwang sabi niya na may malapad na ngiti sa mga labi.
Inginuso ni Dark ang mga labi nito sa kanya. “How about a kiss?”
At para pasalamatan ang lalaki sa mga nagawa nitong tulong sa kanya at sa pamilya niya, dumukwang si Anniza palapit sa nakanguso nitong bibig at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya. She felt him freeze. Hanggang sa ihiwalay niya ang labi sa mga labi ng binata, nakapinta pa rin ang gulat sa mukha nito.
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. “Pasensiya na. Hindi ako marunong humalik.”
Napakurap-kurap si Dark at puno ng iba’t ibang emosyon ang mga mata. “Will you marry me?” wala sa sariling tanong nito.
Napanganga si Anniza. “Ano?”
Marahas nitong ipinilig ang ulo. “Anong ano?”
Nawi-weirdo-han siyang tumingin sa lalaki. “You’re asking me to marry you. Do you know how weird that sounds? Una, hindi nga kita masyadong kilala, eh. At pangalawa, alam ko namang nagbibiro ka lang. Bakit mo naman ako gustong pakasalan?”
“Nagulat lang ako kaya nasabi ko `yon,” sagot nito, saka nag-iwas ng tingin habang humihinga nang malalim. “Ako kasi ang palaging humahalik sa iyo, eh. Nawala tuloy ako sa tamang huwisyo.”
Napapantastikuhang kumunot ang noo ni Anniza. “Bakit ka naman mawawala sa huwisyo?”
“The girl that I like just kissed me. Sinong normal na lalaki ang hindi mawawala sa huwisyo kapag hinalikan siya ng babaeng gusto niya?”
Halos magwala ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. It was beating so darn fast, she was out of breath.
Pero sa halip na magpapaniwala sa pinagsasasabi ni Dark, huminga siya nang malalim at kinalma ang puso niya. Bakit naman ito magkakagusto sa kanya? She was an ugly fat duckling. Walang magkakagusto sa kanya. Niloloko lang siya nito o kaya naman pinaglalaruan siya ng sarili niyang mga tainga. Ayaw niyang maniwala dahil alam niyang wala iyong katotohanan.
He was just kidding or maybe, she just misheard it. Tama! Mali lang ang pagkakarinig niya.
Nakahinga nang maluwag si Anniza nang nagmamadaling pumasok si Jessa sa loob ng opisina. “Chef! Nasa labas po si Paul at ang malandi niyang babae. Kakain yata.”
Biglang sumama ang pakiramdam niya. Ano na naman iyon? Ayaw niya ng gulo. Bakit ba ginagawa iyon sa kanya ng hinayupak na Paul na iyon? Wala naman siyang ginawang masama!
Nasapo niya ang ulo nang lumabas si Jessa. “Ano na naman ba’ng binabalak ni Paul? Argh! Hindi ba talaga niya ako tatantanan?”
Natigilan siya nang hawakan ni Dark ang kamay niya. Nang mag-angat siya ng tingin, nagtama ang mga mata nila. Hindi niya napigilang magtanong. “Bakit?”
“Lumabas tayo,” suggestion nito. “At ipakita mo sa kanila na hindi ka apektado. That’s the only way to make them go away.”
Nagbaba ng tingin si Anniza. Nahihiya siyang aminin sa lalaki ang totoo. “`Yon na nga, eh. Apektado pa rin ako. Pilit kong sinasabi na wala na si Paul sa sistema ko pero kapag nakikita ko siya, nagagalit pa rin ako sa ginawa niya sa akin.”
Mapaklang tumawa si Dark. “Ginago ka na nga, mahal mo pa rin. Anong kalokohan `yon?”
“Don’t judge me.” Tiningnan niya nang masama ang binata. “Dalawang taon kong minahal ang lalaking `yon,” naiiyak niyang sabi. “Two years, Dark. Two years. `Tapos ngayon, makikita ko siya kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin. Nandiyan ang babaeng nakita kong ka-sex ng fiancé ko!”
“Ex-fiancé. Ano ba’ng minahal mo sa lalaking `yon? Ginago ka na nga, eh.”
“Hindi ko alam.”
Malakas na napabuntong-hininga si Dark, saka pinagsalikop ang mga kamay nila. “Don’t worry, hindi ko hahayaang saktan ka na naman ng ex-fiancé mo.”
Napatingin si Anniza sa magkahawak nilang mga kamay. Nadagdagan kahit paano ang lakas ng loob niya. She always felt confident and powerful when Dark was beside her. He had that effect on her. Siguro dahil ni minsan, hindi nito minaliit ang pagkatao niya. Hindi katulad ni Paul na palaging ipinamumukha sa kanya na mataba siya at kailangang magbawas ng timbang.
Dark was different. Sa ilang araw na pagsulpot-sulpot ng binata sa buhay niya, alam niyang tanggap nito kung ano man siya. Tanggap nito ang lahat, pati ang buhaghag niyang buhok at pagiging bayolente niya minsan na palaging inirereklamo ni Paul noon.
“Stop loving that man, Anniza,” sabi ni Dark nang magtama ang mga mata nila. “You deserve someone better.”
“I will.” Humigpit ang hawak niya sa kamay nito. “Pinipilit ko nang kalimutan siya. `Yong pagmamahal, nararamdaman kong nawawala na. I just need a little time, Dark. Masakit pa, sobra. Masakit na masakit pa. Mahigit isang linggo pa lang mula no’ng nalaman ko ang panloloko niya.”
“Labasin mo na sila, Anniza. It’s time to move on,” sabi nito, saka iminuwestra ang kamay sa pinto. “Go on. Face them.”
Huminga siya nang malalim, saka tumayo. Nanlalamig ang mga kamay niya dahil sa pinaghalong galit at kabang nararamdaman. Nang buksan niya ang pinto ng opisina, hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa lalo na nang makitang nakatingin sa gawi niya si Paul at ang secretary nito.
Nagbaba siya ng tingin at tatalikod na sana at babalik sa loob ng opisina nang may brasong yumakap mula sa kanyang likuran, saka may ibinulong sa tainga niya.
“Go on.” It was Dark. He caressed the sides of her waist. “Nasa tabi mo lang ako. Ipakita mo sa kanila na hindi ka apektado. Because the more you show them that they have an effect on you, the more they will show up here just to get on your nerves.”
Bahagya siyang bumaling kay Dark. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang mapansing malapit lang pala ang mukha nito sa kanyang mukha. Napigil niya ang hininga nang halikan siya nito sa mga labi.
“Go on, agápi mou .” Hinalikan ng binata ang likod ng kanyang tainga. Napasinghap siya dahil sa sensasyong dumaloy pababa sa kanyang puson. “Nasa tabi mo ako.”
Humarap siya kay Dark at tumitig sa mga mata nito. “Ayokong mapahiya ka.”
Kumunot ang noo nito, puno ng pagtataka ang mukha. “Bakit naman ako mapapahiya?”
“Kasi mataba ako—”
“Hayan ka na naman. Ang daming problema sa mundo, `yan ang inaalala mo?” Gumuhit ang iritasyon sa guwapo nitong mukha, saka siya hinawakan sa baba. “Hindi ako mapapahiyang kasama ka. Because you’re beautiful, Anniza. Very beautiful.” Iniyakap nito ang isang braso paikot sa kanyang baywang. “Let’s go?”
Tumango si Anniza at taas-noong naglakad habang iginigiya ni Dark palapit sa bakanteng mesa na malapit sa mesa nina Paul. Nang makaupo sila, doon lang siya tumingin sa gawi nina Paul at Clare. Nakita mismo ng mga mata niya kung paano nang-aakit na tingnan at ngitian ni Clare si Dark.
But Dark wasn’t looking at Clare. Sa kanya ito nakatingin at hindi sa ibang babae! Wala itong pakialam kay Clare na maganda at sexy.
Me! Me! Me!
Napakislot si Anniza nang magtama ang mga mata nila ni Paul. Halata ang galit sa mga mata nito. And that irritated her. Ito pa ang may ganang magalit?! Manloloko!
Ibinalik niya ang tingin kay Dark na kasalukuyang nagbabasa ng menu. “Tapos ka nang tumingin sa kanila?” tanong nito habang nasa menu pa rin ang mga mata.
Natigilan siya. Bakit parang galit si Dark?
“Galit ka ba?” nagtatakang tanong niya.
Inilapag nito ang menu sa ibabaw ng mesa at matalim siyang tiningnan. “Ako ang kasama mo, Anniza. Ako at hindi si Paul, kaya dapat, sa akin lang `yang mga mata mo. Naiintindihan mo? Sa akin lang `yan, Anniza. You’re with me, so look at me. Not to any man, just me.”
Hindi na kailangang magtanong ni Anniza. Nababasa niya ang galit sa mga mata ni Dark. Pero maliban sa galit, may iba pang emosyon sa mga mata nito na ayaw niyang paniwalaan. No. He couldn’t be jealous... it’s not true. Guni-guni niya lang iyon. Pinaglalaruan lang siya ng mga mata niya.
Tumango siya. “Okay.”
He instantly smiled. “Good.”
Nagtatakang napatitig siya sa binata na ngayon ay binabasa na uli ang menu. Bipolar ba ang lalaking ito? Galit, pagkatapos, biglang ngingiti. Was he like that to other people, too?
Lumapit sa mesa nila si Jessa at kinuha ang order nila.
“What do you want?” tanong sa kanya ni Dark.
“Tubig lang sakin.”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki, halatang hindi nagustuhan na tubig lang ang gusto niya. “Kakain ka, Anniza. Ako ang o-order para sa iyo.”
“Ayokong kumain,” giit niya.
“Kakain ka nga,” pamimilit nito. “Gusto mo magkaro’n ng epilepsy sa sobrang pagda-diet?”
Inirapan niya ang binata. “Hindi naman ako magkaka-epilepsy, eh.”
“And how would you know that?”
Napasimangot siya. “Kasi naman, eh...”
Iritadong napailing si Dark, saka tumingin kay Jessa. “For appetizer, two sashimi ahi tuna with soba noodles, pickled petite tomatoes, avocado salsa, and sesame chili vinaigrette. Two chicken vegetable soups with tortellini, two autumn salad, one pecan crusted chicken for Anniza and grilled paillard beef tenderloin for me.”
“And for the sides, Sir Dark?” tanong ni Jessa.
“Hmm... Lobster potatoes for me and crab and shrimp risotto for Anniza.”
Napaawang ang bibig ni Anniza sa mga in-order ng lalaki. “Para naman tayong bibitayin sa order mo.”
Nginitian siya nito. “Baka late na tayo mag-dinner mamaya.”
“Tayo?”
“Oo.” Nginitian siya nito. “I promised myself that I will help you move on. Kaya dapat kasama mo ako palagi sa lahat ng bagay na gagawin mo para makalimutan mo ang gago mong ex.”
“Tutulungan mo ako?” puno ng pagdududang tanong niya. “Paano?”
Kinindatan siya ni Dark. “Sa akin na lang `yon.”
Inirapan niya ito para itago ang munting ngiti sa mga labi niya. “Sana nga matulungan mo ako. God knows how much I want to move on.”
“And God knows how much I want to help you move on.” Dumukwang ang binata palapit sa kanya at masuyong inilapat ang labi sa mga labi niya na para bang normal lang na gawin nila iyon.
His lips on hers felt so good. Ni hindi niya namalayang tinutugon na pala niya ang halik ni Dark at nagiging mapusok na iyon. Nagpasalamat siya at nagkaroon pa siya ng lakas na ilayo ang mga labi niya. Because God knew how badly she wanted to kiss his sexy lips again.
Pero aaminin niya, nagulat siya sa paghalik sa kanya ni Dark. Maraming tao sa restaurant pero parang hindi ito nahihiya na makipaghalikan sa isang katulad niya.
“Dark…” sabi niya sa pangalan ng binata habang walang kasimbilis ang tibok ng puso niya.
Pinaglandas ng binata ang daliri sa mga labi niya, saka siya nginitian. “That kiss is the beginning of your moving on.”
“Bakit mo ako tutulungang mag-move on?” naguguluhang tanong niya. “What could you possibly gain from helping a poor ugly fat duckling like me?”
Dumilim ang mukha ni Dark. “Hindi ka ugly fat duckling, Anniza. Definitely not fat and ugly.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “And what could I possibly gain? Huwag mo nang alalahanin `yon. I have my own devious hidden agenda in helping you.”
Tumaas ang kilay niya. “Devious?”
He smirked. “Yes. Very devious.”
She knew that he was kidding her about his devious hidden agenda. Right?
“Am I in danger?” pakikisakay niya sa biro nito.
Nawala ang ngisi sa mga labi ni Dark. Hindi na rin niya mabasa ang emosyon sa mga mata nito. “No. I think it’s me who’s in danger,” sagot nito mayamaya habang matiim na nakatingin sa kanya. “My heart to be precise.”