noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 3

Ch. 4 / 26 Feb 09, 2022

MAAGANG pumasok sa restaurant si Anniza. Natuwa siya nang makitang kompleto na ang mga waitress nila. Hindi na niya kailangang mag-waitress ngayong araw.

Palabas-labas siya ng manager’s office sa buong oras ng trabaho. Ang alam ng lahat ay nag-o-obserba siya pero ang totoo, hinahanap palagi ng mga mata niya si Dark. Pero hanggang sumapit ang hapunan, ni anino ni Dark Montero ay hindi niya nakita. Why did she even expect that he would come today? Sabi na nga ba niya. Pare-pareho lang ang mga lalaki sa mundo—walang isang salita at puro mga sinungaling.

After that disappointing night, her life came back to normal. Araw-araw siyang pumapasok sa restaurant at mina-manage iyon. Nag-umpisa nang magtanong ang mga empleyado ng restaurant kung bakit hindi na bumibisita si Paul at buong puso naman niyang sinabi sa mga ito ang dahilan.

They pitied her.

Of course.

Tama si Paul. Palaging issue ang pagiging plus-size niya. Iyon din ang iniisip na dahilan ng mga taong nakakaalam na wala na sila ni Paul kung bakit sila naghiwalay. Masakit. Kahit pa ngumingiti siya sa harap ng mga tao na naawa sa kanya, ang totoo, sa loob niya, nabibiyak ang buo niyang pagkatao.

Kung alam lang niya na ganoon ang kalalabasan ng relasyon nila ni Paul, di sana hindi na lang siya nakipagrelasyon sa lalaki.

“I’m sorry, hija,” sabi ni Dina, ang kapitbahay nila na isa sa mga imbitado sana sa kasal, nang minsang maabutan siya nito nang papasok na siya sa bahay nila. Puno ng awa ang mukha nito. “Sana mas nagpapayat ka pa para hindi ka niya niloko.”

Mapait siyang ngumiti. “Hindi ko naman po alam na size na pala ngayon ang batayan sa isang magandang relasyon.”

“Hija, hindi man natin tanggapin, iba na talaga ang mga lalaki ngayon. `Kita mo naman ang nangyari sa iyo.”

Tinanguan ni Anniza ang ginang bilang pagrespeto, saka ito tinalikuran at mabilis na pumasok sa kanilang bahay.

Hindi niya napigilan ang ilang butil ng luha na nalaglag sa mga pisngi niya. Mabilis niya iyong pinahid at naiinis na sinabunutan ang sarili. Walang mangyayari kung iiyak siya. Walang magbabago kahit ilang balde pa ang iluha niya.

It had been a week since she found out that Paul was cheating on her. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya na wala na sila. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng mga ito.

Naloloka na siya sa kakaisip kung kasalanan ba niya iyon o hindi. Dahil ba talaga iyon sa size niya?

Biglang naputol ang pag-iisip ni Anniza nang may kumatok sa pinto ng bahay nila. Inayos muna niya ang sarili bago iyon mabilis na binuksan. Napangiti siya nang makita sina Czarina at Haze sa labas. May dalang saging si Czarina na paborito nito at si Haze naman ay may dalang champagne. Tuwing Linggo, gaya nang araw na iyon, bumibisita ang mga ito sa bahay nila at nag-iinuman sila. That was their routine. Linggo lang sila nakakapag-bonding dahil nga busy sila sa kanya-kanyang trabaho.

“Hey, guys!” natutuwang sabi niya at niyakap ang dalawang matalik na kaibigan.

“Hey, Any,” sabay na sabi ng dalawa at pumasok sa loob ng bahay.

Kumuha muna siya ng highball glass sa kusina, saka sila dumeretso na sa kuwarto niya at pasalampak na naupo sa carpeted floor. Binuksan ni Czarina ang champagne at sinalinan ang mga highball glass nila na nakalapag lang sa sahig.

“So, ano’ng nangyari sa inyo ngayong linggo?” tanong ni Haze sa kanilang dalawa ni Czarina.

Si Czarina ang unang sumagot. “`Di ba, kalilipat ko lang?” umpisa nito. Tumango sila ni Haze habang sumisimsim ng champagne. Malapad na ngumiti si Czarina. “I have a very hot neighbor. And I think I’m falling for him. You know. He’s so hot, he burns my whole body,” nakatirik pa ang matang sabi nito.

Bumungisngis si Haze. “Ang tanong, is the feeling mutual?”

Nawala ang dreamy ng hitsura ni Czarina at inirapan si Haze. “`Kainis ka. Ang bitter mo. At saka, pinakitaan ko na siya ng nakakapanlaway kong body parts kaya magiging feeling is mutual din `yon.”

Umirap si Haze. “Yeah, right.” Inubos nito ang champagne at nagsalin uli. “Anyway, my week was so boring.”

“Boring?” ulit ni Czarina na hindi naniniwala. “Haze, you’re a freaking stewardess. Halos araw-araw iba’t ibang bansa ang napupuntahan mo. Boring pa `yon sa iyo?”

Nagkibit-balikat si Haze. “Kasi naman, eh. Nakakaumay na minsan ang trabaho ko. I mean, I’ve been a flight attendant for seven years now. Halos lahat ng bansa napuntahan ko na. Well, except from Spain and Japan. Mukhang ayaw ng may-ari ng AirJem Airlines sa dalawang bansa na iyon. Imagine, `yong isa sa mga pilot, nag-suggest na magkaro’n ng AirJem Airlines sa Japan, hayun, kinabukasan wala na siyang trabaho.”

Umawang ang bibig ni Czarina. “Baka may sapi sa utak ang lalaking `yon.”

Haze shrugged. “Ewan, hindi ko alam.”

Anniza was silent the whole conversation. Iniisip niya kung sasabihin ba niya sa mga kaibigan ang kakaibang nangyari sa kanya nang linggong iyon.

“How about you, Any?” baling sa kanya ni Haze. “Kumusta na kayo ni Paul?”

Walang pag-aalinlangan siyang sumagot. “Wala na kami.”

Halatang nagulat ang dalawa pero bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.

“Yes!” sigaw ni Czarina.

“Hell, yeah!” hiyaw naman ni Haze.

“Nakita ko siyang ka-sex ang secretary niya,” dagdag niya na ikinawala ng kasiyahan sa mukha ng dalawa.

“What?!” Czarina looked shocked. “Oh, God. Please tell me that you kicked that bastard’s ass!”

“Please, sabihin mo sa amin na pinagsasampal mo ang malanding secretary ni Paul,” dagdag naman ni Haze.

Mapakla siyang ngumiti. Mayamaya, nag-unahan nang tumulo ang luha niya. Paul could still hurt her. Ang akala niya wala na siyang pakialam sa binata. Pero kapag naalala niya ang panloloko nito, palaging may mga luha na dumadaloy sa mga pisngi niya.

“`Yong dala kong cake, sinampal ko sa mukha n’ong babae `tapos binigyan ko ng mag-asawang sampal si Paul. `Tapos no’ng gabing `yon, naglasing ako `tapos ang gaga-gaga ko—” Napahagulhol siya. “Nakipag-sex ako sa lalaking kakikilala ko lang. Hindi na ako virgin!” Umiiyak na nahiga siya sa sahig nang patagilid. “Ang gaga-gaga ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko `yon!” She was sobbing loudly. “I’m such a stupid woman.”

Habang umiiyak si Anniza sa kamiserablehan ng buhay niya, wala namang imik ang dalawa niyang kaibigan na alam niyang mga virgin pa. Nakatitig lang ang dalawa sa kanya at bakas ang hindi makapaniwalang emosyon sa mga mukha nito.

Si Czarina ang unang nakabawi sa pagkabigla. “Y-you mean to say, i-isinuko mo na ang Bataan?”

Humihikbi siyang tumango. “Noong Lunes pa.”

“Whoa! Take that, cheater Paul!” Humugot ng isang malalim na hininga si Czarina. “Who’s the guy?”

“Dark Montero,” sagot niya na hiyang-hiya sa sarili.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Haze. “Dark Montero, the owner of State Trend Magazine that is being distributed in US and Asia?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. “Never heard of him pero pangalan pa lang, mukhang katakam-takam na. Mahaba ba, Any? Masarap ba? Magkuwento ka naman.”

Umupo uli si Anniza mula sa pagkakahiga. Pulang-pula ang mga pisngi niya. “Oo. Mahaba at masarap,” nakatungong sagot niya. “And no, hindi ko alam kung siya ba ang may-ari ng sikat na State Trend Magazine.”

“Well, kung siya man `yon, ang suwerte mo,” sabi ni Haze. “Natikman mo ang isang Dark Montero na habulin ng mga babae.”

Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. “At nasisiguro kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng humahabol sa kanya.”

Czarina rolled her eyes. “Of course may laban ka!” mariing sabi nito. “Maganda ka. Maputi. Matangkad. At higit sa lahat, ma—”

“Mataba.”

Binato siya ng masamang tingin ni Czarina. “Gaga. Eh, ano naman ngayon kung plus-size ka? Eh, sa `yon ka na, eh. Saka kahit naman hindi ka skinny, maganda pa rin ang hugis ng katawan mo. Makurba pa rin naman.” Itinuro nito ang dibdib niya. “You have a thirty-eigth D cup size.” Ang baywang naman niya ang sunod nitong itinuro. “Thirty-one waistline and thiry-seven butt size. You’re freaking sexy, Any.”

Umiling siya. “No. Mataba ako.”

Itinirik ni Czarina ang mga mata. “Ewan ko sa iyo. Basta para sa akin, isa kang malaman pero sexy na babae. You’re not fat. Just voluptuous.”

Tumango si Haze bilang pagsang-ayon. “Tama. At masuwerte si Dark Montero dahil natikman niya ang isang kagaya mo.”

Hindi na lang nagkomento pa si Anniza. Alam naman niyang hindi sila magkakapareha ng opinyon. Her friends were trying to lift her up kaya iyon sinasabi ng mga ito. But she knew the truth. Mataba siya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag mataba ka, walang lalaking magmamahal sa iyo nang totoo.

It was based on her experience.

Nagsalin siya uli ng champagne at mabilis na inubos ang laman niyon. Pagkatapos, nagsalin pa siya uli.

Mukhang napansin ng dalawa niyang kaibigan na balak niyang ubusin ang isang bote ng champagne kaya niyaya siya ng mga ito na manood ng action film. Ang The-A Team ang napili nilang panoorin. Isa iyon sa mga paborito niyang pelikula pero hindi niya iyon ma-appreciate nang mga oras na iyon. Malayo ang itinatakbo ng isip niya. Malayong-malayo.

Wala sa sarili si Anniza hanggang matapos ang pelikula. Hanggang sa umalis ang mga kaibigan niya, nag-dinner siya nang mag-isa, malayo pa rin ang isip niya sa kasalukuyan.

At nang sumapit ang araw ng Lunes, hindi siya nag-treadmill katulad ng nakasanayan niya tuwing umaga. Hindi rin siya nag-agahan. Pumasok siya restaurant nang walang laman ang tiyan. And as usual, she waited for Dark Montero to come but nothing... not even his freaking shadow.

BUMUGA ng hangin si Anniza habang nagsasara ng restaurant. Monday was boring. Tuesday was still boring and now, it was Wednesday and it was still boring as hell.

Pagkatapos niyang i-lock ang pinto, tamang-tama naman na tumunog ang cell phone niya.

Cousin Tyron calling...

Sinagot niya ang tawag. Nagsalita naman agad si Tyron na ikinagulat niya. “Hey, cousin. Ano itong nalaman kong balita na hindi na matutuloy ang kasal n’yo ni Paul? Sinaktan ka ba niya? Ano na naman `to? Just an issue o—”

“It’s true.”

Ilang minutong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. “Gusto mong pag-usapan?”

“Nah. I’m good,” pagsisinungaling niya. She’s not good. She’s depressed!

“Sigurado ka? You can come to my house tomorrow.”

“Marami akong gagawin bukas,” sagot niya. “Maybe next time.”

“Oh. Okay,” sabi ni Tyron na parang wala nang masabi.

“Yeah. I have to hang up now.”

“Sige. Ingat ka, okay? Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Okay?”

“I will,” walang buhay niyang sagot.

Nang mawala sa kabilang linya ang pinsan niya, ibinalik ni Anniza ang cell phone sa bag at papasok na sana sa kotse nang may lumitaw na box ng Yellow Cab Pizza sa harap niya.

Mabilis niyang nilingon ang may-ari ng kamay na may hawak ng pizza at nakita niya ang lalaking naging laman ng isip niya nitong mga nagdaang araw.

“Dark,” mahina niyang sabi.

Nagliwanag ang mukha ng binata. “Hi. Pizza?”

Sumama agad ang mukha niya. “Nang-iinsulto ka ba? Mataba na nga ako, eh, gusto mo pang patabain.”

Kumunot ang noo nito. “You’re so weird. Binili ko ang pizza na `to dahil inisip ko na magugustuhan mo. Pero iba pala ang tingin mo.” Napailing-iling ito. “Sayang lang pala ang effort ko.”

Inirapan niya ang lalaki. “Heh!” Sumakay siya sa kotse at binuhay ang makina ng sasakyan. Pinipigil niya ang sarili na mapangiti.

No. I’m not happy! I’m so not happy that I saw him!

Pinaharurot niya ang sasakyan pauwi sa bahay niya. Masyado siyang focused sa pagmamaneho kaya hindi niya napansin ang kasunod niyang Ducati.

Nang makarating siya sa bahay, mabilis siyang pumasok sa loob. Ilang segundo lang ang lumipas mula nang makapasok siya sa bahay nang marinig niyang nag-ingay ang doorbell. Binuksan naman agad niya ang pinto. Natigilan siya nang makita ang nakangiting mukha ni Dark.

“A-ano’ng ginagawa mo rito?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Itinaas ng binata ang kamay na may hawak ng box ng Yellow Cab Pizza. “Pizza?”

Napakunot ang noo niya. “Really?”

He smiled and then he winked at her, making her heart flip. “Yeah. So, pizza?”

Hindi alam ni Anniza kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya nang luwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang lalaki. Saka lang siya nagsisi sa ginawa nang makitang komportable nang nakaupo si Dark sa mahabang sofa sa sala nila at binubuksan ang karton ng pizza.