noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 9

Ch. 10 / 26 Feb 09, 2022

HINDI iti nago ni Anniza sa mga magulang niya ang totoong status ng relasyon nila ni Paul. Kinaumagahan, habang nag-aagahan sila, ikinuwento niya ang mga nangyari habang wala ang mga ito.

“Ang walanghiyang `yon!” nanggagalaiting sabi ng ama niya. “Huwag lang siyang magpapakita sa akin at mababaril ko siya!”

“Dad, it’s okay,” pagpapakalma niya sa ama. “Sinuntok ko na po siya, sinampal, saka tinuhod.”

“Hindi pa `yon sapat, anak,” sabi ng daddy niya na galit pa rin. “Hindi sapat ang bugbugin lang siya.” Nanggagalaiti talaga ang ama niya.

Humihingi ng tulong na tumingin siya sa mommy niya na nagkibit-balikat lang. “Gusto ko rin siyang patayin sa ginawa niya sa iyo, Any. Huwag lang siyang magpapakita sa akin. He shamed our family just because you’re plus-size? Sino’ng magulang na matutuwa kapag nalaman nila `yon?”

Hinawakan ng daddy niya ang kamay niya at pinisil iyon. “Anak, Paul is a piece of crap. Akala namin noon, makakabuti siya sa iyo pero nagkamali kami. Makakahanap ka pa ng iba. Isang lalaki na tatanggap sa iyo kung ano ka.”

Biglang pumasok sa isip ni Anniza si Dark. Tanggap siya ng binata. At parang may sariling isip ang mga bibig niyang nagsalita. “Tanggap ako ni Dark.”

Natigilan at natahimik ang mga magulang niya, saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya.

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi niya naipreno ang bibig! God!

“Sino si Dark?” nakakunot ang noong tanong ng daddy niya.

Tinaasan naman siya ng isang kilay ng mommy niya. “Sino naman itong taong ito, ha? Baka isa na namang manloloko na sasaktan ka lang.”

Pinagsalikop ni Anniza ang mga kamay niyang nanlalamig sa kaba. “Siya po ang bagong may-ari ng lupa na kinatatayuan ng restaurant natin. Long story short, Paul tried to buy the land from Mrs. Lopez and Dark saved our restaurant by doubling the price. Kaya siya na ngayon ang bagong may-ari at sa kanya na natin ibibigay ang upa per month.”

Tumango-tango ang daddy niya. “Gusto kong makilala itong Dark na `to.”

“Me too,” sang-ayon ng mommy niya. “Nang mapag-usapan natin ang pagbabayad sa upa.”

Napalunok si Anniza. “Busy po siya.” Wala namang ginagawa ang lalaking `yon. “Siya po kasi ang may-ari ng sikat na State Trend Magazine.”

Malakas na napaubo ang daddy niya, saka ibinaba ang sinisimsim na kape bago namimilog ang mga matang nagtanong sa kanya. “Teka lang, si Dark Nikolov Megalos Stavros Montero ba ang tinutukoy mo, anak?”

Tumaas ang isang kilay niya nang marinig na sinabi ng daddy niya ang napakahabang pangalan ni Dark. Eh, siya nga “the Greek” lang ang ginagawang pamalit sa napakahaba nitong pangalan.

Tumango siya. “Opo. Siya nga po.”

Parang kinakabahang uminom ng tubig ang mommy niya. “Oh, my God! Baka patatayuan niya ng building ang lupang `yon at wala tayong magagawa! Do you know how ruthless he is in terms of business? Oh, God! Wala tayong laban sa kanya.”

Si Dark? Ruthless?

“Hindi naman ho siya ruthless. Weird `kamo.”

“Hindi, anak,” sabi ng daddy niya na umiiling-iling. “He is ruthless. Siya lang naman ang dahilan kung bakit nalugi ang San Carlos Shipping Lines, ang isa sa pinakamalaking shipping lines sa Asia.”

“Baka naman may nagawa sila kaya gano’n?” depensa niya. Hindi niya gusto na may nagsasalita nang masama tungkol kay Dark kahit pa ang mga magulang niya iyon. He was the nicest person for her. Kahit minsan, weird ang binata at bigla-bigla na lang nagagalit, para sa kanya, mabuting tao pa rin ito.

“Meron nga,” sagot ng mommy niya.

Napangiti si Anniza. “See? Hindi naman kasi masamang tao si Dark.” Pero na-curious siya kung ano ba ang nangyari. “Teka, ano po ba’ng nangyari, Mommy?”

“Walang nakakaalam ng totoong nangyari. May mga sabi-sabi na kasalanan ng San Carlos Shipping Lines pero may nagsasabing hindi natuwa si Mr. Dark Montero sa serbisyo ng shipping line kaya pinabagsak niya. But whatever happened, it made Mr. Montero a very dangerous businessman that you don’t want to cross.”

Dark was dangerous? Parang hindi naman. Parang wala naman sa ugali ng lalaki ang magpabagsak ng kung sino man nang walang dahilan. Pero kahit ano pa ang sabihin ng mga magulang niya, hindi siya maniniwala roon. She knew that Dark was a good person.

Pagkatapos mag-agahan, nauna nang umalis ang mga magulang ni Anniza. May sariling sasakyan ang mga ito at ganoon din naman siya. At habang nagmamaneho siya papuntang restaurant, may isang motorsiklo na biglang humarang sa dinaraanan niya. Mabut na lang at mabilis niyang naapakan ang preno ng sasakyan kaya hindi niya ito nasagasaan.

Balak niyang lampasan na lang ang motorsiklong Ducati rin ang tatak. Ilang tao ba sa Pilipinas ang may ganoong motorsiklo? Mayamaya, nakita niyang inalis ng rider ang helmet nito. Hindi na siya nagulat nang makitang si Dark iyon. Gaya nang mga nakaraan, naka-leather jacket ang binata na para bang nag-i-snow sa Pilipinas.

Minaneho ni Anniza ang sasakyan niya papunta sa gilid ng kalsada para hindi siya makaistorbo ng ibang mga sasakyan. Ganoon din ang ginawa ni Dark. Bumaba siya ng sasakyan at lumapit sa binata na nakaupo sa motor nito.

“Ano sa tingin mo’ng ginagawa mo?” pagalit niyang tanong. “Bakit ba bigla-bigla ka na lang humaharang sa dinadaanan ko? Paano kung hindi ko naapakan agad ang preno at nasagasaan kita? Ano’ng mangyayari? Hindi ka ba nag-iisip—”

Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla na lang siyang yakapin ni Dark at bumulong. “I miss you, Anniza.”

Kumabog ang puso niya pero hindi niya iyon ipinahalata. “Puwede ba, Dark, kakakita lang natin kagabi,” sabi na lang niya para hindi ito makahalata na ganoon din ang nararamdaman niya.

“Eh, sa na-miss kita, eh.” Ginawaran siya nito ng masuyong halik sa mga labi. “May angal ka?”

“Oo.” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Muntik na kitang masagasaan. Mag-a-‘I miss you’ ka lang naman pala.”

“Hindi lang naman `yon.” May kinuha itong maliit na box na nasa ibabaw ng leather seat ng Ducati at ibinigay iyon sa kanya. “Here. For you.”

Nakakunot ang noong tinanggap ni Anniza ang box na may tatak na Lord Stow’s Bakery. “Ano `to?”

“It’s an egg tart,” nakangiting sagot ni Dark.

“Alam kong egg tart `to. Pero bakit mo binibigay `to sa akin?” nagtatakang tanong niya.

“Because you said it’s delicious.”

Napatanga siya kay Dark, saka napailing-iling habang iniisip ang sinabi nito nang nagdaang gabi habang nasa opisina niya sila. He told her about an egg tart from Macau. At sinabi naman niyang gusto niya iyong matikman. Napapailing na tumingin siya sa lalaki. “Please, don’t tell me na galing pa `to sa Macau. Alam mo ba kung gaano kalayo ang Macau?”

“Yeah,” tumatangong sagot nito. “One hour and forty-six minutes.”

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa binata. “Ewan ko sa iyo, Dark. Ewan ko talaga sa iyo. Don’t tell me pumunta ka ro’n para lang bilhin ito?”

“Uh...” Napakamot ito sa ulo. “Sige. Hindi ko sasabihin.”

Umawang ang mga labi ni Anniza. She couldn’t believe this! Hell. Pumunta talaga si Dark sa Macau para lang bilhan siya ng egg tart?

“Dark naman, eh,” naiinis na sabi niya.

“What?” He smiled softly at her. “It’s no big deal, ómorfos . It’s no big deal.”

“It’s a big deal, Dark.” Pinandilatan niya ito. “It’s a freaking big deal. Sino ba’ng lalaking pupunta sa Macau para lang bilhan ang isang babae ng egg tart dahil lang sa gusto niyang matikman `yon?”

“Ako.”

Bumuntong-hininga si Anniza at napailing-iling. Ano ba ang mayroon sa utak ng lalaking ito? Malala na talaga ito.

He really is weird.

“Kailan ka pumunta sa Macau?” tanong niya habang pinapakalma ang sarili na halo-halong emosyon ang nararamdaman.

“Kagabi. Nang makaalis ako sa bahay n’yo.”

Tumaas ang isang kilay niya. “So, ano, four hours kang nasa eroplano? Wala ka bang jet lag? Natulog ka na ba?”

Umiling ang lalaki, saka nagkibit-balikat. “Sanay naman ako.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa noo at gilid ng pisngi niya. “Sige na. Bumalik ka na sa kotse mo. Pumunta ka na sa restaurant n’yo. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Pinigilan lang naman kita para diyan at siyempre, para mahalikan ka.” May kinuha ito sa pitaka at iniabot sa kanya. It’s a calling card. “Call me?”

May pag-aalangang tinanggap niya ang card ni Dark. “Okay.”

Nginitian siya nito. “See yah, ómorfos .”

“Yeah. See yah.”

Naglakad si Anniza pabalik sa kotse niya. Bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan nang bigla na lang may pumihit sa kanya paharap at isinandal siya sa sasakyan.

It was Dark and he was so close to her.

“Dark...” mahina niyang sabi nang makitang napakalapit ng mga labi nila sa isa’t isa.

“I really missed you, Anniza,” pabulong nitong sabi, saka walang sabi-sabing sinakop ang mga labi niya.

Ibinuka agad niya ang mga labi para tanggapin ang halik ng binata. Wala siyang pakialam kahit nasa gilid sila ng kalsada. Gusto niyang tugunin ang halik nito. At naghalikan nga sila hanggang sa hindi na sila makahinga.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nakangiti nang malapad si Dark. “Go. Umalis ka na,” sabi nito, saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. “Bago pa kita sapilitang iuwi sa bahay ko.”

Inirapan niya ang lalaki at sumakay na sa kotse, saka pinaharurot iyon papunta sa kanilang restaurant. Pasulyap-sulyap siya sa egg tart na ipinatong niya sa passenger’s seat.

KATATAPOS lang makipag-Skype ni Dark sa secretary niya dahil may pinag-usapan sila tungkol sa ipi-feature ng State Trend Tourists Magazine nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang bahay. Hindi niya iyon inila-lock dahil mahigpit naman ang security sa village nila.

Pagkalipas ng ilang segundo, pumasok si Shun Kim sa sala.

“Napadalaw ka,” sabi niya, saka isinara ang laptop, bago ibinigay ang buong atensiyon sa kaibigan. “May report ka na ba sa ipinapahanap ko sa iyong impormasyon?”

Tumango si Shun, saka umupo sa pang-isahang sofa. “Oo, meron na. Puwede ko namang sabihin sa phone pero kailangan ko munang malaman kung ano’ng paggagamitan mo sa impormasyong kailangan mo.” Matiim siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang iniisip niya. “Tell me… may balak ka bang sirain ang buhay ni Paul Menzon gaya ng ginawa mo sa San Carlos Shipping Lines?”

Malamig siyang ngumiti. “I did that to San Carlos Shipping Lines because of my business. But Paul is a different story. It’s something personal.”

“And I’m seeing the monster in your eyes right now,” nababahalang sabi ni Shun.

“Si Paul ang dahilan kung bakit ganoon na lang kababa ang tingin ni Anniza sa sarili niya. Kahit sino pa siya, wala siyang karapatan na insultuhin ang kahit na sinong tao. He doesn’t have the right to inflect pain to Anniza. He doesn’t have the fucking right to make her cry and crush her self-esteem. Kilala mo ako, Shun. Hindi ako mananakit ng tao dahil lang sa gusto at kaya ko. I have my reasons. At kahit hindi mo ibigay sa akin ang impormasyon na hinihingi ko, bahala ka. Tuloy pa rin ang plano ko. Sit back and watch as I destroy everything that he holds dear.”

Nagbuga ng hangin si Shun. “Kilala kita, Dark. At alam ko rin kung ano’ng kaya mong gawin. I’ve seen it. I’ve seen the monster you’re trying to hide from everybody. I saw how you destroy San Carlos Shipping Lines. Completely. Kaya alam kong kaya mo rin `yang gawin kay Paul.” Malakas itong napabuntong-hininga. “Fine. Here’s the info.” May inilapag itong folder sa ibabaw ng center table. “Nandiyan ang lahat ng kailangan mo. Have fun destroying him. Siguruhin mo lang na maganda ang mapapanood ko.”

Ngumisi si Dark. “With pleasure.”

Umiling-iling si Shun. “Sige. Aalis na ako.”

“Bye, bud.”

Nang makalabas si Shun, binasa agad niya ang laman ng folder. Napailing-iling na lang siya habang binabasa ang mga impormasyong nakalap ni Shun tungkol kay Paul. Worth it ang ibinayad niya sa kaibigan.

Napatigil siya sa pagbabasa nang tumunog ang cell phone niya. It was from an unknown number. Dinampot niya ang cell phone na nasa center table, saka sinagot ang tawag. “Dark Montero speaking. Who’s this?”

“Uhm, it’s me. Anniza.” May pag-aalinlangan sa boses ng nasa kabilang linya.

Binitawan ni Dark ang folder at ibinigay ang lahat ng atensiyon sa kausap. “Hey, ómorfos . You called.”

“Yeah. Uhm. Kasi...” Tumikhim ito na parang kinakabahan. “G-gusto kang makausap nina Daddy at Mommy.”

Bigla siyang kinabahan. Shit! “Bakit daw?” Nalaman ba ng mga ito ang nangyari kagabi?

“Tungkol sa binili mong lupa kay Mrs. Lopez.”

“Oh...” Ang akala naman niya kung ano na ang pag-uusapan nila. “Sure. Saan nila ako gustong makausap?”

“Ini-invite ka nila sa bahay, kung okay lang sa iyo,” parang naiilang na sabi ng dalaga na ikinangiti niya.

“Sige,” mabilis niyang pagpayag. “Dinner?”

“Yeah. Dinner.”

“Ikaw ang magluluto?”

“Oo.”

“Good. Siguradong kasingsarap mo ang luto mo.” May panunukso sa boses niya.

“Baliw.”

Pagkasabi niyon, bigla siyang binabaan ng phone ni Anniza na ikinatawa niya. Sigurado siyang namumula na ang mga pisngi nito ngayon. Oh. How he loved to make her blush. Always.

Tumunog uli ang cell phone ni Dark. Ang akala niya ay si Anniza iyon kaya excited niyang kinuha uli ang cell phone. Pero nang makitang ang mommy niya iyon, napabuga siya ng hangin. Napipilitang sinagot niya ang tawag. “ Mitéra . Hello.”

“Oh, hello, my son,” halatang nakangiting sabi nito. “How are you?”

“I’m fine, Mom. Bakit ka napatawag?”

“I called because I want to tell you that I’m going to visit you there in the Philippines!” excited na sabi nito. “Oh, my! I’m looking forward to meeting your woman, Dark. I bet she’s beautiful!”

He groaned. “Mom. You’re going to scare her.”

“Oh, silly. I’m a Queen of the Royal House of Stavros. Why would I scare her? She’s my future daughter-in-law.”

Nasapo ni Dark ang kanyang mukha. “Mom, I have to go. I’m busy.”

“Son, I know you’re not—”

“I’m busy.” Mabilis niyang ibinaba ang tawag at pinatay ang cell phone niya. His mother was sometimes a pain in his ass.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Paul. Nang matapos niya iyong basahin, kinuha niya ang cell phone at tinawagan ang kaibigan niyang abogado na si Atty. Evren Yilmaz.

“Hey. Ba’t napatawag ka?” Evren asked.

“You’re a lawyer, right?”

“Oo, bakit?”

“May tanong ako.”

“What?”

“Would I go to jail if I destroy a whole company and some of its branches?”

“Yes,” walang pag-aalinlangang sagot ni Evren. “But since I’m your lawyer, you’ll get away with it.”

“Good answer.”

Tinapos ni Dark ang tawag kay Evren at ang kaibigan naman niyang si Khairro Sanford ang tinawagan. Unlike Evren whom he met after college, Khairro was his friend ever since college. Magkatabi lang kasi ang mga bahay nila noon kaya madali silang naging magkaibigan. They were partners in crime. And it also helped that Khairro had a Filipino blood. Sila lang kasi ang nagkakaintindihan ng salitang Tagalog noong nasa US sila.

“Yes, Montero? May kailangan ka?” tanong ni Khairro nang sagutin ang tawag.

“Bibilhin ko ang isla mo na kinatatayuan ng Menzon Hotel and Resort. Hindi ba, umuupa lang naman sila sa iyo?”

Ilang minutong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. “Bakit?” nagtatakang tanong nito.

“Simple lang. I’m mad at Paul Menzon, the owner of the hotel.”

Khairro clacked his tongue and then he chuckled. “Is this about that chef in Zaired Restaurant that you’ve been pining for for more than a year now? Ang alam ko kasi, fiancée siya ni Mr. Menzon. I was invited in their wedding.”

“Walang magaganap na kasalan. Anniza called the wedding off. Paul cheated on her.”

“Oh,” sabi ni Khairro na at alam niyang nakuha agad ang rason kung bakit gusto niyang bilhin ang isla nito. “Man, you’re my best friend, pero hindi ko ipinagbibili ang isla ko. Pero puwede ko silang palayasin.”

“You can do that?”

“Of course!” Khairro exclaimed. “That’s my freaking island, dipshit! At saka tapos naman na ang five-year contract namin ni Mr. Menzon. Magre-renew dapat sila bukas kasi nagkausap na kami. But for you, my friend, I’ll cancel our meeting.”

Dark grinned deviously. “Thanks.”

“No problem, my friend.”

“Thanks, again.”

Pinatay niya ang tawag at naghanda na para sa dinner na pupuntahan niya mamaya. Meeting Anniza’s parents must be successful. Kailangang magustuhan siya ng mga ito. Gagawin niya ang lahat.

Lahat-lahat.