noveltoon logo noveltoon
Dark Montero (Possessive Series 6)

Chapter 21

Ch. 22 / 26 Feb 09, 2022

MAAL IWALAS at bakas ang kasiyahan sa mukha ni Anniza nang pumasok siya sa restaurant nang araw na iyon. Ilang araw pa lang ang nagdaan mula nang makabalik sila galing Greece. Mula noon, halos hindi na sila naghihiwalay ni Dark.

Sa umaga, palaging nasa restaurant nila ang binata, kumakain o kaya naman ay tumutulong sa kanya sa kusina. Minsan naman kapag masyado siyang busy, nasa tabi niya lang ito at palaging nakaalalay. Nasanay na ang lahat ng empleyado sa Zaired Restaurant na palaging nakikita si Dark. Palagi tuloy nagtatanong ang mga ito kung boyfriend ba niya ang binata na sinasagot niya naman ng “hindi.”

Sa gabi, inihahatid siya pauwi ni Dark, pero bumabalik din ito para sa kuwarto niya palihim na matulog.

At gaya nang mga nakaraang araw, nang umagang iyon, inihatid siya ni Dark sa restaurant. Nakipag-Skype ang binata sa secretary nito. Pagkatapos, nang wala na itong ginagawa, tinulungan siya nito sa kusina.

“Sabi nang umuwi ka na lang sa bahay mo,” pagtataboy ni Anniza sa binata na nakatayo sa tabi niya at pinapanood siyang magluto. “Mababagot ka lang dito, kaya umuwi ka na.”

“Ayoko,” sagot nito, saka kumuha ng isang piraso ng fries na dapat ay ilalagay niya sa isang order. “I like it here. Nandito ka plus may free food pa.”

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Seriously, Dark, isang kuha pa ng fries na sa customer dapat, talagang hihilain kita palabas.”

Nginitian lang siya ng binata, saka siya hinalikan sa mga labi. Mabilis na kumuha uli ito ng isang pirasong fries.

“Dark!”

He gave her an apologetic look. “Sorry. Ang sarap kasi, eh.”

Pinukol niya ito ng matalim na tingin. “Labas.” Pinandilatan niya ito. “Doon ka sa labas at hintayin mo ako ro’n. Tatapusin ko lang `to.”

And Dark being stubborn, shook his head. “Nope.”

Malakas na napabuntong-hininga si Anniza, saka hinawakan ang binata sa kamay at hinila palabas ng kusina. At ang loko, nagpahila naman. At nang madaanan nila ang mommy niya na nagsu-supervise sa mga waitress kung inaasikaso ba nang mabuti ng mga ito ang mga customer, nagba-bye pa ang binata at nakangiting ikinaway ang kamay.

Nang makalabas sila ng restaurant, hinila naman niya si Dark papunta sa parking lot, palapit sa motorsiklo nito.

“Sige na.” Nameywang siya. “Umuwi ka na. Magpahinga ka ro’n sa bahay mo. Tatawagan na lang kita kapag tapos na ang trabaho ko dito sa restaurant.”

Gustong-gusto niya na nasa tabi lang niya palagi si Dark. Pero kung ganito na pati sa kusina ay kasama niya ito, hindi niya matatapos ang orders dahil palagi nitong kinakain ang inilalagay niya sa pinggan.

“I don’t want to,” pagmamatigas ni Dark, saka siya niyakap sa baywang. “I want to stay with you so just let me.”

Lumakas ang tibok ng puso ni Anniza. Natunaw na rin ang inis niya sa binata. Pero nang maalala ang ginawa nito sa loob ng kusina, bumalik ang kagustuhan niyang umuwi muna si Dark sa bahay nito.

“No.” Pinatigas niya ang boses. “Umuwi ka na ngayon. Tatawagan na lang kita.”

Nawala ang kislap sa mga mata ng lalaki. “Tinutulak mo na naman ako palayo.”

Ipinaikot ni Anniza ang mga mata. “Hindi gano’n `yon,” naiinis niyang sabi. “Kinakain mo kasi ang dapat na nasa order kaya pinapauwi kita.”

Gumuhit ang isang inosenteng ngiti sa mga labi ni Dark. “Kung mangangako akong hindi ko na kakainin `yong para sa order, papayag ka nang mag-stay ako?”

Pinukol niya ng masamang tingin ang binata. Mayamaya, malakas siyang napabuntong-hininga. “Fine! But if you eat even just one piece, I’m kicking you out.”

“Yes, ma’am.” Sumaludo pa si Dark na ikinailing niya.

“Halika na sa loob,” yaya niya rito pero bago pa sila makaalis ng parking lot, isang humaharurot na kotse ang tumigil sa gilid ng daan. Isang galit na galit na Paul ang lumabas mula roon.

“You!” galit na duro nito kay Dark.

Napatigil sila sa paglalakad pabalik sa restaurant dahil humarang si Paul sa dinaraanan nila.

“Paul?” Nagsalubong ang mga kilay ni Anniza nang makalapit sa kanila ang lalaki. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“You son of a bitch!” Nanlilisik ang mga mata nito habang dinuduro si Dark.

“Paul, ano ba?!” galit niyang sigaw dahil hindi niya gusto ang pagduro nito kay Dark.

“Step away, Mr. Menzon,” walang emosyon ang matigas na boses ni Dark. Hinila siya ng binata patago sa likod nito. “Before I break your neck.”

Nanlilisik ang mga mata ni Paul nang duruin si Dark habang nakatingin pa rin sa kanya. “Ito ba? Ito ba ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Di-hamak naman na mas mabait ako kaysa sa kanya.” Malademonyo itong ngumisi. “Alam mo ba ang ginawa ng lalaking `to sa akin?”

“Let’s go, Anniza,” sabi ni Dark, sabay hila sa kanya palayo kay Paul.

“Anniza!” sigaw ni Paul habang naglalakad sila palayo rito. “That man destroyed everything I own!”

Napatigil siya sa paglalakad at binalingan ang ex-fiancé. “Ano’ng sinabi mo?” Bumaling naman siya kay Dark na nakatiim-bagang habang nakatingin kay Paul.

“Shut up, Menzon.” Dark was gritting his teeth. “I swear, hindi lang `yon ang kaya kong gawin sa iyo.” May babala sa bawat salitang lumalabas sa mga labi nito.

Naguguluhang napatingin si Anniza kay Paul na sarkastikong tumawa. “Ano ba’ng nangyayari?” tanong niya.

Nakangising tumingin si Paul kay Dark. “Natatakot ka, `no? Natatakot kang malaman ni Anniza na wala kang puso. Siguradong hindi ka niya matatanggap. Isa kang halimaw na nagpapanggap na tao. What you did to me was heartless. And she needs to know that! She needs to know the real you!”

“I need to know what?” naguguluhang tanong ni Anniza habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.

“No.” Hinawakan siya ni Dark sa braso. “Let’s go, Anniza.”

Hinila siya ni Dark palayo pero hindi niya ito hinayaan. Nanatili siya sa kinatatayuan, saka matiim na tumingin kay Paul. “Magsalita ka. Ano ba’ng ginawa sa iyo ni Dark?”

Ngumisi si Paul kay Dark, saka tumingin sa kanya at nagsalita. “I was about to renew my contract with Sanford’s Island. Doon nakatayo ang resort ko. Okay na ang usapan namin, magpipirmahan na lang. Pero bigla na lang ikinansel ng may-ari ng Sandford Island ang usapan namin dahil sa hindi malamang dahilan. Hindi ko `yon pinansin at naghanap ako ng island na malilipatan. Pero ni isa, walang pumayag na upahan ko. Kahit ang maliit na island na halos hindi naman kagandahan, tinanggihan ako kahit malaking halaga ang inalok ko. That’s absurd. I’ve been doing business since I was twenty-one, kaya alam ko ang kalakaran.

“And then my investors started withdrawing their investments. Wala silang rason para gawin `yon kasi secured naman ang mga investment nila sa kompanya ko kasi may mga pag-aari pa naman akong hotels. Pero isa-isa silang nawala. And then my hotel managers resigned. Halos sabay-sabay. Para akong mababaliw kung ano ba’ng nangyayari. Until I found out that it was his doing!” Dinuro nito si Dark. “Nagpaimbestiga ako. Doon ko nalaman na ang nasa likod ng lahat ng `yon ay si Dark Montero. Sinilaw niya ng pera ang investors ko. Pinirata niya ang hotel managers ko. Pati mga empleyado ko, binayaran niya para palabasing pangit ang serbisyo ng hotels ko! He manipulated everything. He is a monster! And two days ago, nagsampa ako ng kaso laban sa kanya pero binasura `yon ng korte. Malakas ang laban ko. I have witnesses. But a certain Atty. Evren Yilmaz blocked my case. At nalaman kong attorney siya ni Dark Montero.” Tumawa nang pagak si Paul. “See, Any? Halimaw `yang kasama mo. Akala mo kung sinong mabait pero halimaw naman sa loob. Sigurado akong may plano siya sa lupa ni Mrs. Lopez kaya binili niya `yon. Kaya maghanda ka na rin.”

Hindi makapaniwalang napatingin si Anniza kay Dark. Hindi ito makatingin sa kanya nang deretso habang madilim ang mukha. Nakatiim-bagang ito at halatang galit. His fists were clenched. His eyes were shooting daggers at Paul. Halatang nagpipigil ito na bugbugin si Paul dahil nandoon siya.

That was the other side of Dark.

Iyon ang Dark na walang sinasanto kapag galit. He really had an anger management issue. Kahit siya, maraming beses nang natikman kung gaano ito kasamang magalit. Pero hindi niya akalain na kaya nitong gawin ang lahat ng mga sinabi ni Paul dahil wala naman siyang maisip na dahilan para gustuhin ni Dark na pabagsakin ang ex niya.

“Ano?” maangas na sabi ni Paul kay Dark na parang naghahamon. “Ngayon, alam na niya. Hindi na siya magbubulag-bulagan sa iyo. Hindi na siya madadala sa peke mong kabaitan. Babalik din sa akin si Anniza kasi ako ang mahal niya. Ikaw, rebound ka lang. At ngayong nalaman na niya kung anong klaseng tao ka, iiwan ka na niya at babalik siya sa akin.”

Walang mangyayaring maganda kung hindi kakalma si Dark. Alam ni Anniza kung paano sumabog sa galit ang binata. Baka mabugbog talaga nito si Paul. Hindi niya iyon hahayaan. Kilala niya si Paul. Hindi ito basta susugod lang. She was sure that he had someone with him. Someone that could take a video while Dark was, well, beating him up. Wala naman kasi itong laban kay Dark.

Hinawakan niya ang nakakuyom na kamao ni Dark at niyakap ito.

“Snap out of your anger, Dark,” bulong niya habang nakayakap sa binata. “Please lang. Huwag kang gagawa ng eskandalo. Pag-usapan natin `to.”

“Bakit mo siya niyayakap, Anniza?!” Puno ng galit ang boses ni Paul. “Hindi pa ba sapat ang ginawa niya sa akin para iwan mo siya? Hindi mo naman siya mahal, `di ba? Ako ang mahal mo. Akin ka lang. At magpapakasal na tayo!”

“Fuck you!” Humulagpos na ang galit ni Dark. Kumawala ito sa pagkakayakap niya, saka sinugod ng malakas na suntok ang mukha ni Paul.

“Dark!” tili niya, saka pilit na pinatigil si Dark sa walang-habas na pambubugbog kay Paul.

“Akin siya! Akin!” Dark kept saying it while punching Paul on his face, on his neck, and his chest.

Mabuti na lang at hindi nakita ng mga customer ng restaurant ang nangyari dahil medyo natatakpan ang kinaroroonan nila.

“Dark, ano ba! Tama na `yan!” sigaw ni Anniza habang hawak ang damit ng binata sa likod at hinihila ito palayo kay Paul na lupaypay na.

Nang hindi lumaban si Paul, alam agad niya na may balak ito.

“Stop it! Dark, ano ba! Itigil mo `yan. Please…” Nagmamakaawa siya pero hindi siya pinakinggan ni Dark.

Hanggang sa may dumating na dalawang pulis na naghiwalay sa dalawang lalaki.

“Oh, God...” sambit ni Anniza nang makita ang dumudugong mukha ni Paul pati na ang sugat sa mga labi nito. “Oh, God...” Nasapo niya ang bibig nang makita nang tuluyan ang ginawa ni Dark sa pagmumukha ni Paul.

Kahit siya sa mga sandaling `yon ay natakot lumapit kay Dark. Walang normal na tao na kayang bumugbog ng kapwa niya tulad ng ginawa ni Dark kay Paul. At nang makita ang duguang kamao ni Dark, alam niya na mahihirapan ang binata na lusutan ang kasong isasampa ni Paul.

“Don’t touch me.” Kumawala si Dark sa pagkakahawak ng dalawang pulis at inayos ang nagusot nitong V-neck shirt. “Nasaan ang police car n’yo? Sasama ako sa presinto,” mahinahong sabi ng binata sa mga pulis na nakatanga lang sa pagiging kalmado nito.

Nilingon siya ni Dark. “I’m so sorry, Anniza.” Iniabot nito ang cell phone sa kanya. “Call Evren Yilmaz. He’s my attorney. Tell him I’m in trouble.”

Nanginginig ang kamay na tinanggap ni Anniza ang cell phone at inilagay iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Mukhang nakita ni Dark ang panginginig ng kamay niya dahil hahaplusin sana nito ang pisngi niya. Pero hindi nito iyon itinuloy at ikinuyom na lang ang kamao.

“I’m sorry,” hingi uli nito ng tawad, saka umatras at humakbang papunta sa nakaparadang police car.

Sinamahan ng isang pulis si Dark papunta sa nakaparadang police car habang ang isang pulis naman ay kinunan ng statement si Paul na hindi makapagsalita nang maayos.

Nanatili kay Dark ang tingin ni Anniza hanggang sa makasakay ito sa police car. Nang nasa backseat na ito, bumaling ito sa kanya. Nawala ang atensiyon niya kay Dark nang may humawak sa kanyang kamay.

“Please, Anniza, bumalik ka na sa akin,” pagmamakaawa ni Paul.

Napabaling siya kay Paul. Walang emosyon sa mukha niya habang nakatitig sa mukha nitong puno ng pasa at dugo. Wala siyang maramdamang awa sa lalaki. She was actually happy that Dark beat him up. Kulang pa nga, eh. Dapat, binalian din ng buto ni Dark si Paul para naman maramdaman ng ex niya ang sakit na ipinaranas sa kanya nang lokohin siya nito.

“Anniza, please.” Pinisil ni Paul ang kamay niya. “Come back to me. Dark is no good for you—”

“And you are?” Mapakla siyang tumawa at inagaw ang kamay niyang hawak ng ex-fiancé. “Paul, nakakalimutan mo yata ang panloloko mo sa akin.” Napailing-iling siya. “Kahit ano pa ang malaman ko kay Dark, sa mga mata ko, mas masahol ka pa rin sa kanya. At `yong mga sinabi mo ngayon, hindi `yon sapat para makalimutan ko ang pananakit at panloloko mo sa akin.” Inirapan niya ito at tinalikuran.

At dahil inihatid siya ni Dark kanina at hindi niya dala ang kotse niya, mabilis siyang bumalik sa restaurant para hiramin ang susi ng kotse ng mga magulang niya. Sumakay siya roon at mabilis iyong pinaharurot para masundan ang police car na papunta ngayon sa headquarters.

PAGKATAPOS makausap ni Anniza ang hepe ng presintong pinagdalhan kay Dark at sabihin nitong ikinulong ang binata, hinanap niya sa phonebook ng cell phone ni Dark ang pangalang “Evren Yilmaz.” Nang makita iyon, mabilis niyang tinawagan ang lalaki na agad naman nitong sinagot.

“Hey, Montero. What do you want?” bungad ng baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. “I’m kinda busy so spill it. Papasok na ako sa courtroom.”

Sinabi ni Anniza ang pinapasabi ni Dark. “Dark is in trouble.”

“Shit!” malakas na mura ng lalaki sa kabilang linya. “Nasaan siya at sino ka?”

“I’m Anniza Gonzales.” Mabilis niyang sinabi kung nasaan sila. “Please, hurry up. Kinulong nila si Dark, eh.”

“Okay. I’m coming,” sabi nito at nawala na sa kabilang linya.

Kinakabahang ibinalik ni Anniza sa bulsa ng pantalon niya ang cell phone ni Dark. Nagpaalam siya sa pulis na nagbabantay kung puwede niyang makausap ang binata.

“Sige. Pero sandali lang.”

“Salamat po,” nakangiting sabi niya.

Sinamahan siya ng pulis sa selda kung nasaan si Dark. Parang may pumitas sa puso niya nang makita ang binata na nakasandal ang likod sa rehas at nakatingin sa kisame. Salamat naman at malinis ang selda na kinaroroonan nito at wala itong kasama sa loob kaya kahit papaano ay napanatag siya.

“Dark,” mahina niyang sambit sa pangalan ng binata.

Mabilis na humarap sa kanya si Dark at nang magtama ang mga mata nila. Puno ng pagsisisi ang mukha nito.

“Hey,” mahinang sabi nito na hindi makatingin sa kanya. “I’m sorry, Anniza. I lost it there and—”

“Mamaya na tayo mag-usap tungkol diyan,” sabi niya, saka lumapit sa lalaki. “Marami akong gustong itanong pero saka na `yon. Tinawagan ko na si Evren Yilmaz. Papunta na siya rito.”

Tumango si Dark, saka inilabas ang kamay sa pagitan ng mga bakal na rehas para mahawakan ang kamay niya. Malakas ang kagustuhan niyang bawiin ang kamay dahil sa takot sa kayang gawin ng binata kapag galit. Pero mas malakas ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito dahil nararamdaman niyang kailangan siya nito.

“Puwede pa ba akong matulog sa tabi mo mamaya?” tanong ni Dark mayamaya.

“Kailangan mong makalabas dito.”

“Anniza, please, answer me.” Nagmamakaawa ang kislap ng mga mata nito. “Puwede pa ba akong matulog sa tabi mo? Hahayaan mo ba akong makasama ka sa iisang kama kahit na isa akong halimaw na nagpapanggap lang bilang tao?”

Sa halip sa sagutin si Dark, biniro na lang niya ito. “Hindi ka papasang halimaw. Masyado kang guwapo.”

Kahit papaano ay napangiti niya si Dark. “Sabi ko na, eh, naguguwapuhan ka sa akin.”

Umiling si Anniza, saka ipinaikot ang mga mata. Magsasalita sana siya nang may lumapit na lalaki sa selda.

The man had those unnerving deep green eyes. Halatang matipuno ang katawan nito na natatago sa suot na tuxedo. He stood around six-one and he had this intimidating aura around him. May dala itong attaché case at magkasalubong ang makakapal na kilay na bumagay lang sa guwapo nitong mukha.

“Dark, ano na namang kalokohan `to?” tanong ng lalaki nang makalapit sa binata.

“Evren, my good friend.” Nginitian ni Dark ang bagong dating. “Get me out of here and I’ll answer your question.”

Pinukol ng masamang tingin ni Evren si Dark, saka bumaling sa kanya. Inilahad nito ang kamay. “Attorney Evren Yilmaz at your service, Miss Gonzales. You’re the one who called me so you’re my client, not him,” sabi nito na itinuro si Dark. “Shall we talk outside then?”

Nagdilim ang mukha ni Dark. Kitang-kita ni Anniza ang pagtalim ng mga mata nito.

And then something hit her. “Kilala mo ako?” Oo nga at sinabi niya kay Evren ang pangalan niya nang mag-usap sila sa cell phone. Pero hindi naman siya nito kilala nang personal.

Tumango ito. “Yes, I know you. Kasama akong nagplano ng mga maiitim na balak ng lalaking `to,” itinuro si Dark, “kay Paul Menzon.”

“Ah. Okay,” sabi niya kahit hindi naman niya naintindihan ang sinabi ng abogado.

Evren smiled. “So? Mag-uusap na ba tayo?”

“No.” Ayaw niyang magalit na naman si Dark. Ayaw na niyang makita ang nakakatakot na Dark kapag galit. “Kayong dalawa na lang ang mag-usap. Sa labas lang ako,” paalam niya at nagmamadaling naglakad palabas.

NANG makalabas si Anniza, nag-umpisa agad ipaliwanag ni Evren kay Dark ang kaso na isinampa sa kanya ni Paul Menzon.

“Assault and battery ang isinampang kaso sa iyo ni Menzon. They are two different cases but when put together, it is considered as a criminal case.” Napailing-iling ito. “Man, I’m telling you, Paul Menzon wants you behind bars. Nagsampa agad siya ng kaso laban sa iyo. `Yong dalawang pulis na humuli sa iyo, mukhang binayaran ni Menzon para mahuli ka sa akto.”

Walang pakialam na nagkibit-balikat si Dark. “Wala akong pakialam sa kanya. I want to know if you can get me out of here. Biyernes ngayon at walang opisina bukas. You have to bail me out. Hindi ko kayang matulog na hindi ko katabi si Anniza.”

Evren clacked his tongue. “Montero, hapon na. Hindi na aabot ang papeles mo.”

“Then do something.”

Evren rolled his eyes. “Malaki talaga ang ibabayad mo sa akin.” Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may tinawagan. “General Antonio, ninong, can you do me a favor?”

Kahit papaano ay napanatag si Dark. Evren had so many connections. At lahat iyon ay matataas at kilalang tao sa lipunan. Well, normal lang naman iyon. Evren’s father was a PMA General and Evren was a famous lawyer.

Nang matapos makipag-usap sa ninong na heneral, humarap sa kanya si Evren. “Done. Let’s wait for five minutes. `Tapos ilalabas ka na.”

“Thanks.” He took a deep breath. “Can you clean my records too?”

“Yeah. Sure,” sagot agad ng kaibigan niya. “Piece of cake.”

“Thanks, man.”

And true to Evren’s words, pagkalipas ng limang minuto, binuksan nga ang selda ni Dark at pinalabas siya ng kulungan. Naabutan niya si Anniza na nakaupo sa waiting area.

“Anniza.”

“Dark!” Mabilis itong tumayo at yumakap sa kanya. “Mabuti naman at nakalabas ka na.”

“Yeah.” Itinuro niya si Evren. “He can do magic.”

Napailing-iling ang dalaga, saka siya niyakap uli. “Pasalamat ka mayaman ka at may koneksiyon. I was worried. Desidido si Paul na ipakulong ka.”

His face darkened in an instant. Paul really pissed him off. Titigil na sana siya pero ginalit na naman siya nito. Mali ang hakbang na ginawa nito. Paul just woke up the most monstrous side of him. Hindi niya makalimutan ang mga sinabi nito kanina. That made him even more mad. Alam niyang mahal ito ni Anniza at hindi pa nakaka-move on ang dalaga. Pero para siyang sinampal nang sabihin ni Paul ang mga iyon kanina.

“Dark, bakit madilim na naman `yang mukha mo?” nababahalang tanong sa kanya ni Anniza.

“Galit ako.”

Pinakawalan siya agad ng dalaga, saka humakbang palayo. Hindi na siya nagtaka sa ginawa nito. Inaasahan na niya iyon. Alam niyang natatakot ngayon sa kanya si Anniza. Natatakot ito na magalit siya dahil baka masaktan ito kapag bigla na lang siyang magwala gaya kanina.

That’s normal. She should be scared of him. But he didn’t want her to be scared. He wanted her to act normal around him just like before and not like this. Iyon ang ikinakatakot niyang mangyari kapag nalaman ni Anniza ang kasamaang ginawa niya.

He was a manipulative bastard and he would never take back whatever he did to Menzon.

“Let’s go?” sabi ni Dark sa dalaga na nanatiling nakatingin lang sa kanya.

Tumango naman ito mayamaya, saka nauna nang lumabas ng presinto. Sumunod naman siya. Bahala na si Evren sa kaso niya. Kaya na nito iyon kahit wala siya roon.

Nang makasakay sila sa kotse ng mga magulang ni Anniza, bumaling siya sa dalaga. “Wanna talk?”

Umuling ito, saka nagmaneho. “Ihahatid kita sa bahay mo,” sabi nito, saka huminga nang malalim. “Siguro mas makakabuti kung hindi ka muna matulog sa bahay mamaya.”

Napasandal si Dark sa kinauupuan at walang buhay na tumawa. Nangyayari na ang ikinakatakot niya. At para hindi madagdagan ang takot ni Anniza, hindi na lang siya umimik hanggang sa makarating sila sa labas ng gate ng bahay niya.

Gusto na niyang bumaba ng kotse at hayaan si Anniza. Pero hindi niya kayang bumaba ng sasakyang iyon hangga’t hindi niya naririnig ang sasabihin ni Anniza. Kaya nagtanong na siya.

“Galit ka ba sa akin?”

NANG itigil ni Anniza ang sasakyan sa labas ng bahay ni Dark, parang nanikip ang dibdib niya. Gusto niyang makasama ang binata. Gusto niya itong yakapin pero natatakot siya na baka galit ito sa kanya at gawin nito sa kanya ang ginawa kay Paul.

It scared the shit out of her!

Ang akala niya ay bababa na ng kotse si Dark nang bigla na lang itong humarap sa kanya at nagtanong.

“Galit ka ba sa akin?”

Dahan-dahan siyang napabaling sa lalaki. “A-ano?”

Huminga ito nang malalim. “Paul is right. I am a monster. I can do worse than that. I can even destroy his life if I want too.”

“Why?” Niyakap ni Anniza ang sarili, saka nagtanong uli. “Why did you do those things to Paul?”

Nang sumagot si Dark, nandoon na naman ang galit sa boses nito. “Sinaktan ka niya at bayad `yon sa pananakit niya sa iyo.”

Parang may humaplos sa puso niya sa rason ng binata. He ruined Paul’s business just for her? Who the hell would do that? Only Dark. Pero hindi mawala ang takot na nararamdaman niya sa binata. What if he got mad at her? Gagawin din ba nito sa kanya ang ginawa nito kay Paul? Iyon ang paulit-ulit niyang itinatanong sa sarili.

“Anniza…” mahina nitong sambit sa pangalan niya nang hindi siya umimik. “Talk to me, baby, please…”

Huminga siya nang malalim, saka mas humigpit ang yakap sa sarili. “Ako ang sinaktan, Dark, hindi ikaw. Ako dapat ang magalit—”

“`Yon na nga, eh. Mukhang hindi ka naman galit kaya ako na lang ang magagalit para sa iyo,” putol nito sa sasabihin niya. “Hindi ka nga maka-move on, eh. Galit ako sa kanya kasi ininsulto niya ang babaeng bumabaliw sa puso ko. He has no right to hurt you or make you cry. Wala siyang karapatang lokohin ka at wala siyang karapatan na angkinin ka uli pagkatapos ng panlolokong ginawa niya sa iyo. He has no right to hurt the woman that makes my heart beat so damn fast.”

Nakaawang ang bibig na bumaling si Anniza sa binata. “A-ano’ng sabi mo?”

Puno ng pagsuyong tinitigan siya sa mga mata ni Dark. “Anniza, hindi ka naman siguro manhid, `di ba? Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng `yon dahil lang sa wala? I like you so much, Anniza. No, scratch that. I’m falling for you, agápi mou . I’m falling fast, hard, and deep. Pasensiya na kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko kay Paul. Pasensiya kung masama ang ugali ko sa kanya. Pasensiya na kung hinayaan ko ang puso ko na mahulog sa iyo kahit alam kong mahal mo pa rin si Paul. Pagpasensiyahan mo na talaga, Anniza. Nilabanan ko naman, eh. Pero ang puso ko yata ang kalaban ko at mukhang hinding-hindi ako mananalo. Not that I like to win. It would be my greatest pleasure to sit back and let my heart fall for you even more.”

She was shell-shocked. Umaasa siyang marinig ang mga salitang iyon mula kay Dark. Pero hindi niya inaasahang ngayon niya maririnig ang mga iyon. Wala siyang maisagot. She couldn’t think of coherent words to say to him. At mukhang iba ang pagkakaintindi roon ng binata.

Nagbaba ito ng tingin. “Hindi mo naman ako kailangang sagutin agad. Lalo na pagkatapos ng mga nangyari ngayon. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko para sa iyo. Gusto kong malaman mo kasi hindi ko kayang makita `yong takot sa mga mata mo ngayon kapag tumitingin ka sa akin dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag at ipapaintindi sa iyo na hindi kita kayang saktan gaya ng ginawa ko kay Paul.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya, saka sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya. “Anniza, hindi kita kayang pagbuhatan ng kamay kung `yan ang iniisip mo kaya ka natatakot sa akin. Hindi kita kayang saktan. Masyado na akong nababaliw sa iyo para saktan kita. Mas pipiliin ko pang saktan ang sarili ko kaysa ang saktan ka.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “ Agápi mou , I’m in love with you. Nakakapagod na rin kasing itago, eh, kaya sinabi ko na sa iyo ngayon. Nakakapagod nang itago ang palihim na pagtibok ng puso ko para sa iyo. Pero ayokong maging ipokrito at sabihin sa iyong maghihintay ako hanggang sa hindi ka na takot sa akin at mahalin mo ako. Kasi napakahirap maghintay, Anniza. Pero para sa iyo, susubukan ko. Hanggang sa dumating ang araw na masabi mong ‘Dark, mahal din kita .’”

Hindi alam ni Anniza kung ano ang sasabihin. She was speechless. Parang nablangko ang isip niya dahil sa mga pangyayari nang araw na iyon, lalo na dahil sa ipinagtapat ni Dark.

What Paul did to her made her heart wary to love again. And now that her heart had chosen to beat for Dark, she wanted to be sure if she really loved him after what happened today. Ayaw na niyang masaktan pa. Ayaw na niyang magkamali sa lalaking mamahalin. Ayaw na niyang umiyak dahil sa pag-ibig. Kaya sisiguruhin muna niya ang lahat bago sabihin ang tatlong salitang iyon.

“Anniza… please… talk to me,” may pagmakaawang sabi ni Dark.

Nag-iwas ng tingin si Anniza, saka tinanggal ang kamay ng binata na nakasapo sa mukha niya. “I need time to think, Dark.”

Nawalan ito ng imik. Mayamaya, binuksan ni Dark ang pinto ng passenger’s seat. At nang makababa ang binata at isasara na ang pinto, bumaling siya rito at hinuli ang mga mata nito.

“Mas makabubuti siguro kung huwag ka munang pumunta sa bahay.”

Pain crossed his eyes but he nodded. “Kung `yan ang gusto mo. Ikaw ang masusunod. Basta tandaan mo, mahalaga ka sa akin, Anniza, at hinding-hindi kita kayang saktan.”

Tumango siya. Siya na ang nagsara ng pinto, saka pinausad ang sasakyan palabas ng Bachelor’s Village.

Palayo kay Dark.