noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 5

Ch. 6 / 26 Feb 05, 2022

S HARON was an angel. Wala nang maisip na ibang description si Daniel sa babae. She was a very kind and lovely person. Hindi man nito sabihin nang direkta, parang alam nitong malaking problema niya si Mitchell.

The interview for the paper was a success. He was a campus celebrity for a few days. Well, at least for the nerds and professors. Pero mabilis din iyong nalimutan ng mga tao dahil bihira naman sa mga estudyante ang may interes sa mga hindi pisikal na laro tulad ng chess.

The swim team was getting a lot of attention and the ladies liked them. They were campus celebrities. Naiintindihan ni Daniel kung bakit. It seemed a lot of the students liked how buff the men were. Hindi na mahalaga sa iba ang pag-uugali ng mga ito. But Sharon was different. She was not attracted to men like those. In fact, she told him herself that Mitchell was trying to ask her out on a date but she refused several times.

Magmula rin nang magkaroon sila ng interview, naging magkaibigan sila at dahil pareho ng course, magkasabay silang nag-enrol nang sumunod na semester para pareho sila ng schedule. Kinalimutan na ni Daniel ang planong lumipat ng ibang eskuwelahan. He was always busy thinking about Sharon. He knew he was in love with her.

Nagkaroon lang ng komplikasyon ngayon. Nag-aalala si Daniel na baka siya lang ang nag-iisip na puwedeng maging sila. He knew nothing about romance. All he could do was dream about it. Dream about Sharon.

Malaki ang ipinagbago ng pakikisama sa kanya ng ibang mga tao dahil kay Sharon. It seemed as if people paid attention to him more now. Higit sa lahat, iniwasan na siya ni Mitchell. Hindi alam ni Daniel kung may kinalaman doon si Sharon, pero minsang mag-isa siyang dumaan sa harap ng grupo, narinig niyang inawat ni Mitchell ang mga kaibigan na i-bully siya. His life was better now. And it was all thanks to Sharon.

Kung may bagay na hindi niya ikinatutuwa, iyon ay ang madalas na pagkukulong ng kanyang ina sa kuwarto nito. She said she was just having the blues. Nang magpunta sa doktor, niresetahan lang ito ng vitamins. Walang nakitang kahit na anong diperensiya sa lahat ng tests nito kaya nag-suggest siyang magpunta sa ibang ospital ang ina at humanap ng ibang doktor.

Tumuloy si Daniel sa kuwarto ng ina at kumatok sa pinto. Pinapasok naman siya nito. She was sitting on a chair and writing something on a notebook. Ngumiti ito sa kanya, nanlalalim ang mga mata.

“Are you all right? I’m worried about you. What happened?” tanong niya.

“I’m just having the blues. But I decided tomorrow will be a better day. I want to go on a vacation, Daniel. But if I leave, would you be okay on your own with only the househelp with you? I want to see the ocean, feel the breeze on my skin, taste the salt on my lips. But I worry about you.”

“Nothing to worry about, Mom. Mas maganda nga kung magbabakasyon ka. Kung gusto mo, sasamahan kita.”

“I want to stay there for at least two weeks.”

“Will you call me everyday?”

“Of course.”

“Then okay.” Pinisil ni Daniel ang kamay ng ina. “I will tell the househelp to make your favorite dinner. Would you like that, Mom?”

“Of course. You’re the best son anyone can hope for.”

May init na humaplos sa kanyang puso. Kung puwede lang, kukunin niya ang lungkot mula rito. Siguro, kapag nakapagbakasyon ang kanyang ina, magiging maayos na ang lahat sa pagbabalik nito.

Pinuntahan na ni Daniel ang kasambahay at nagpaluto ng mechado, ang paborito ng kanyang ina. Tumuloy na rin siya sa kuwarto at inilabas ang phone. Nagpalitan sila ng text messages ni Sharon. Mayamaya, tinawagan na niya ang babae, itinanong kung okay lang ditong lumabas sa isang araw, Sabado, at manood sila ng sine.

“Actually, it’s my friend’s debut. Kasali ako sa eighteen candles. Gusto nga sana kitang i-invite, I mean, if you want to come.”

“I’d love to!” Parang gustong mapahiya ni Daniel. Hindi niya naitago ang katuwaan at excitement. What the heck, why would he anyway? Siguro, panahon na rin para malaman ni Sharon na importante ito sa kanya. Siguro naman, hindi makakasira sa friendship nila, sakali man na ayaw ng babae sa kanya. It would hurt, but he was willing to accept whatever decision she had.

Maybe Saturday would be a good day to tell her how he felt. Matagal-tagal na rin niyang iniisip ang tamang approach. Kung makikita lang ni Sharon ang notebook niya kung saan nakasulat ang lahat ng dialogue ng pagtatapat, matatawa siguro ito. Nakatago sa kuwarto niya ang notebook. Kahit kailan, hindi siya naglakas ng loob na dalhin iyon sa school at baka may makakita. Daig pa niya ang high school, madalas maisip ni Daniel. Pero ano nga ba ang gagawin niya kung walang laman ang kanyang isip kundi si Sharon lang?

Mayamaya, binuksan niya ang closet. Wala siya ni isang damit na puwedeng isuot para sa debut. Pamilyar na siya sa mga ganoong okasyon dahil nakita niya ang pictures ng ibang kaklase. It was like a debutante ball in the States but much more special. Isa lang ang debutante sa bawat okasyon.

Sa nakalipas na ilang buwan, tumangkad siya kaya maiiksi na ang kanyang pantalon. Kahit ang uniform niya sa school, pinalitan na. He needed new clothes. Pinuntahan niya ang ina at sinabi ang balita. Sumama ito sa mall matapos tawagan si Sharon, kahit ayaw ni Daniel. Gustong malaman ng kanyang ina kung ano ang tamang isuot sa debut. As it turned out, it was a suit kind of occasion and not a barong kind of occasion. Sa araw na iyon, bumili sila ng suit na mag-ina.

“My, my. My boy is growing up so fast. How many inches have you grown over the past months?”

“At least three,” sagot ni Daniel. Mino-monitor niya ang tangkad. Akala niya noon, wala na siyang pag-asang tumangkad. Naisip niyang baka maliit na tao rin ang kanyang ama, pero mukhang may itataas pa siya. He now stood five feet and eight inches.

“Well, you will grow taller, I bet. Your father is very tall.”

Hindi na lang nagtanong pa si Daniel tungkol sa ama.

Kumain sila sa isang restaurant. Masaya siyang makitang kahit paano, lumabas ang kanyang ina.

Nang dumating ang araw ng Sabado, naroon ang kanyang ina para tulungan siyang magbihis, kahit nakaalis na sana ito para sa bakasyon. She decided she couldn’t miss the occasion. Hindi raw kasi siya nagkaroon ng maayos na senior prom. Hindi kasi siya um-attend noon.

Masaya si Daniel na natakpan ng suit ang mga langib sa kanyang braso. Ang skin asthma niya, unti-unti na ring gumagaling kahit pa nga mayroon pa rin paminsan-minsan. He was a little too thin still, but he vowed to eat more this time. He was eating more, in fact. Iyon lang, hindi lang talaga siguro madaling magpataba.

Alas-sais, umalis na siya ng bahay at eksaktong alas-sais y medya ay nasa harap na ng bahay nina Sharon. Ipinakilala siya nito sa mga magulang na parehong mukhang mabait, kahit pa nga mukhang istrikto ang ama nito. They seemed happy to meet him. Lumakad na rin sila ni Sharon matapos ang simpleng hapunan.

Alas-otso ang simula ng debut at nang makarating doon, napansin ni Daniel na marami nang tao. Mabilis na nagsimula ang program. Nauna ang cotillion de honor, pagkatapos ay ang eighteen candles. His heart was soaring high looking at Sharon and listening to her well-thought out wish for the debutante. He felt proud that of all the guys there, she was with him.

“Hey.”

Napalingon si Daniel sa nagsalita, kinabahan. Kilala niya ang boses ni Mitchell. At hindi siya nagkamali. Nakatayo sa likuran niya ang lalaki.

“Listen, I don’t mean to scare you, bro. I just want to say I’m sorry, okay?”

Hindi niya nagawang makapagsalita sa pagkagulat. Totoo ba ang naririnig niya? Mukha. Walang ibang dahilan para lapitan siya ng lalaki kung hindi.

“I just want to bury the hatchet, bro. Sharon was right, I was being immature and an asshole. I want to make it up to you. Let me treat you out for a couple of drinks after the party, huh? I will introduce you to the team.”

“I came with Sharon.”

“I’ll talk to her. Here she is. Sha, good evening.”

“What do you want?” Suplada ang pagkakatanong ni Sharon.

“Look, I’m here to apologize. You’re right, I was an asshole. I just want to make it up to him and to you. We can’t party here after, the old folks are here. Me and the guys, and a few other people are heading out to a bar. Drinks are on me.”

Biglang napangiti si Sharon. “You’re inviting us nerds?”

“Fine, if you want to rub my face on it,” sabi ni Mitchell sa tonong parang surrender na.

Natawa si Sharon at napangiti na rin si Daniel. Mukha namang sincere si Mitchell. Tinanong siya si Sharon, “What do you say? Shall we give this asshole another chance?”

“Sure,” sagot niya.

“All right!” sabi ni Mitchell, kinamayan siya, saka sumaludo kay Sharon.

Ramdam ni Daniel na excited si Sharon. Inamin nitong noon pa gustong mag-bar, pero hindi pinapayagan ng mga magulang. This time, they would have a few drinks. Wala namang masama dahil may driver si Daniel. Kailangan lang ni Sharon na makabalik sa bahay nang ala-una. Inasahan daw nitong aabutin ng ganoong oras ang party, pero mukhang maaga iyong matatapos. Alas-otso y medya pa lang, pero tapos na ang eighteen roses. People were dancing now, but some were leaving.

“Wow, this party blows,” bulong ni Sharon.

Natawa si Daniel. Noon lumapit sa kanila si Mitchell at nagyaya. Sinabi nito ang bar kung saan pupunta ang barkada. Doon na rin sila nagpahatid ni Sharon sa driver. Puro mga kabarkada lang ni Mitchell ang nandoon, dalawa mula sa swim team at ang iba ay kaibigan daw nito mula sa kung saan-saang school, kasama ang mga girlfriend ng mga ito.

Agad na hinamon si Daniel ni Mitchell sa beer pong. Hindi siya marunong niyon, pero mataas ang kanyang energy. It was the end of the days of bullying. He would be free. He was happy. Ano pa ba ang mahihiling niya? He was with Sharon, and the cool guys seemed to like him now.

Sumubok siya. Halos masuka siya, pero nagtatawanan ang lahat at nakitawa na rin siya, kahit pa nga nabasa ang kanyang suit. And then he saw Mitchell grab Sharon’s hand.

“Beer pong, sweetie?”

“No,” tanggi ni Sharon.

“Oh, come on, don’t be a spoilsport.”

“No.”

Something was wrong. Nakita ni Daniel nang hawakan ng isang babae ang panga ni Sharon at pilit pinabuka ang bibig. Humakbang siya para pigilan ang lahat, pero nanginig ang kanyang mga tuhod. He lost consciousness. Nang magkamalay siya, nag-iisa na lang siya sa isang kuwarto. It was too dark to see. Kinapa niya ang cell phone at binuksan iyon.

“Oh, no,” bulong niya nang si Sharon ang unang makita. She was foaming in the mouth, her eyes were wide open, her limbs shaking. “Sharon! Oh, my God!” Nagsimula siyang i-CPR ang babae. “Please, Sharon. Please…”

IT WAS A story that headlined newspapers. Daniel was expelled from the university. Lahat ng mga estudyanteng sumama sa bar, na-expell, maliban kay Sharon. Sharon was in intensive care. Daniel was under investigation. May nakitang drug paraphernalia sa kuwarto kung saan sila naabutan ng mga ambulansiya. Hindi malinaw kung sino ang tumawag ng ambulansiya, pero malinaw na mula sa bar, nagawa silang ilipat sa isang motel. Doon sila naabutan ng ambulansiya at doon nagsimula ang imbestigasyon ng mga pulis.

Sinabi ni Daniel sa lahat ang naalalang pangyayari, pero maraming lumutang na witnesses na nagsabing maagang umalis si Mitchell sa party. Walang ebidensiya na may kinalaman ito at lahat ng ebidensiya ay nagtuturo sa kanya. Sharon had a heart condition, aggravated by alcohol and drugs. Mabuti na lang at nagising siya para maisalba ang babae.

He did not slip her the drugs. Malinaw iyon sa kanya, kahit pa nga iginigiit ng mga abogado na siya ang mastermind ng lahat ng iyon. Siya mismo, pina-ingest ng drugs. Now, the whole nation was against him. He was portrayed as some sort of psychopath—silent, innocent-looking, but deadly. Habang hindi pa nakakausap si Sharon na kagigising lang mula sa coma, walang makuhang testigo. News blackout para sa kanya. Everyone was in on it. Kahit ang motel na pinagdalhan sa kanila ni Sharon, nagsasabing wala raw nagdala sa kanila roon na iba, kundi siya raw ang kasama ni Sharon papasok sa motel.

He was out on bail. It had been five days since the incident happened. Kung may liwanag sa ngayon, iyon ay ang pagkakaroon ng malay ni Sharon mula sa coma. Daniel was hoping she would put some light to the whole incident.

Ang mga abogadong nakuha ng kanyang ina para sa kanya ay sinabing imposibleng walang kakanta sa mga susunod na araw. Normal daw na sa una, parang wala, pero mayroon at mayroon, lalo na at napakaraming tao sa party. Naka-focus ngayon ang mga ito sa motel. Nalaman ng mga abogado na kaklase noon ng ate ni Mitchell ang may-ari ng motel. Hindi raw sapat ang link kung walang kakantang bellman, pero sa pangako ng suhol, malamang daw na makakuha sila ng testimonya. Hindi sigurado si Daniel kung matutukoy si Mitchell kung hindi ito ang nagdala sa kanila ni Sharon sa motel. Bukod pa roon, mukhang sa punto ng pagdadala sa kanila sa motel, hindi na si Mitchell ang mastermind ng lahat. He figured that much because Mitchell didn’t seem like the type who would think clearly in panic.

Someone else was telling Mitchell what to do, arranging things for him. It was his sister, the evil one. Nalaman ni Daniel ang background ni Mitchell nitong huli lang. Ayon sa mga abogado niya, ulila si Mitchell at ang kapatid na babae lang ang kasama sa buhay, ang guardian. Well, she was raising a demon because she was one, too. Para makaisip pa itong pagtakpan ang kapatid sa gitna ng ganoong klaseng gulo? Sharon almost died if he didn’t wake up. Bale-wala rito ang buhay ng isang tao kung para lang maisalba ang kapatid. She was that evil.

To say that Daniel was mad was an understatement. He was beyond mad. Ang kanyang ina, wala nang ginawa sa araw-araw kundi umiyak. Hindi niya ito masisisi. Everyone thought he was a sexual predator.

Halos hindi siya makatulog. Hindi niya alam kung ano pa ang iisipin. Napapagod siyang mag-isip, nanghihina.

Kinabukasan, nakatanggap si Daniel ng tawag mula sa abogado. Walang kasong isasampa sa kanya. Wala ring kasong isasampa ang pamilya ni Sharon sa kahit na sino. Sharon was going to Denmark when she was feeling better. Ang hiling ng mga magulang ng babae, huwag na siyang magpakita sa mga ito kahit kailan. Gusto rin ng mga magulang ni Sharon na matahimik na at ayaw nang magsalita tungkol sa nangyari.

Just like that, the ordeal ended. Walang naparusahan na kahit na sino. Gustong magdemanda ni Daniel, pero paano niya iyon gagawin kung ang witness niya ay biktima at mas piniling huwag nang magsalita?

“Pack your things, Danny. We’re going back to the States,” sabi ng kanyang ina.

That same week, they flew back to the States. A month later, his mother took her own life, leaving him with a short letter and a notebook that told him who his father was. Her mother’s letter read:

Danny,

I wanted to be there for you. I would if I can. But the pain is too much. I need peace. I love you. I always will.

Mom

He kept that letter. It was a reminder of how a life can be destroyed so easily by people like Mitchell and his sister. May problema ang kanyang ina. All that happened pushed her off the brink. At hindi niya alam kung kaya niyang magpatawad.