noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 22

Ch. 23 / 26 Feb 05, 2022

N APAPANGITI si Blanca habang nakatingin sa kargang sanggol. Baby Sam was precious. Ang bilis din nitong lumaki at very healthy, kahit one week earlier na lumabas. Malakas ito sa gatas sa puntong kinukulang ang supply niya kaya may formula rin ito.

“Ang bigat mo na agad. Okay lang, magkakaroon si Mama ng biceps,” sabi niya, natatawa. Baby Sam was five months now. Pero mukha itong seven months na. Si Yaya Dahlia, nagrereklamo kapag karga si Baby Sam dahil nananakit agad ang mga braso. Sinasanay ngayon ni Blanca ang anak na hindi laging karga dahil nagkakabisyo ng karga. Ang kaso, kapag libre ang mga mananahi, pinagkakaguluhan naman ito. Paano, ang cute-cute kahit wala pa masyadong buhok. Pero hindi puwedeng maipagkamali na lalaki ang bata dahil na rin sa features nito—mahahabang pilik-mata, sweet face. Girly ang bukas ng mukha.

“Pakarga sa magandang baby, Ma’am,” sabi ni Guada.

Ipinasa rito ni Blanca si Baby Sam. Sanay na ang mga braso niya sa bigat ng anak, pero siguro, ilang buwan pa, hindi na rin niya kakayanin.

“Araw-araw bumibigat ang baby. Araw-araw kang bumibigat, cutie,” sabi ni Guada sa bata. “Magkakaroon din ako ng tulad mo balang-araw at gusto ko, kamukha mo.”

Napangiti si Blanca. Walang nakakita kay Baby Sam ang hindi natuwa. Naiinis lang siya kapag nasa clinic sila at may mga sinaunang gusto itong lawayan para daw “puwera usog.” Suplada ang kanyang anak, namimili ng kakarga rito, kahit pa nga pamilyar sa lahat ng mananahi kaya hindi umiiyak sa mga ito. Pero kapag nasa labas, kahit sa doktor, ayaw ni Baby Sam.

Kung ang ibang mga bata hindi agad makita kung sino ang kamukha nang ganoon kaaga, iba si Baby Sam. She looked like her father. Kitang-kita ang pagkakahawig ng dalawa. But while Daniel was very masculine, Baby Sam was very feminine. Nakuha ng bata ang mga labi ni Blanca at hugis ng mukha.

Buwan-buwan, naghahanda sila ng ginataan tuwing papatak ang fifteenth day, birthday ni Baby Sam. Tradisyon iyon ng pamilya ni Yaya Dahlia, para daw maging “magata” ang buhay ng bata. Noong simula, hindi iyon naintindihan ni Blanca, pero sinakyan na rin niya. She loved the photos. Gusto niyang i-document ang bawat okasyon sa buhay ng anak. At least every month, may okasyon na may mga tao. Kapag sumapit ang Pasko at Bagong Taon, malamang na silang dalawa lang. Kapag ganoong season, umuuwi sa probinsiya ang mga mananahi. Siyempre, may kanya-kanyang pamilya rin ang mga ito.

Naaaliw siya sa anak. Tulad ng ibang ina, biktima siya ng social media. Nagbukas siya ng Instagram account ni Baby Sam. Noong una, mga kaibigan lang niya at ibang supplier ang naka-follow, pero habang natututo siyang kumuha ng picture, may iba na ring random na taong nagsu-subscribe sa kanya. Sa ngayon, may limang daang followers na silang mag-ina sa IG. Biro ni Helen, stage mother daw siya. She wanted the best for her baby. In fact, last month lang, lumuwas sila sa Maynila para sa special photo session ng bata. But that was for business as well. Ginawa niyang model si Baby Sam para sa Baby Sam Clothing.

BSC was her latest project. Apat na buwan na mula nang i-launch niya ang online store. At first she had only a few items for sale. Ang mga tinahi niya mismo para sa anak ang kinunan ng picture habang suot nito at nakabukod para ilagay sa website na mismong siya ang nag-aral gawin. She had found a new passion.

Kinailangang mag-hire ni Blanca ng isang permanenteng driver, isang yaya, at isang assistant. Ginawa na niyang office ang isa sa mga kuwarto sa bahay para sa BSC. Two months ago, she had it registered. Ang disposable line for mothers on the go ang pinakamabenta sa kanila. They were affordable, biodegradable, and can actually be reused. Puro practical ang karamihan sa kanilang mga produkto, at lahat environment-friendly at hypoallergenic. Ang idea ay ang gumawa ng mga article of clothing para sa baby na hindi panghihinayangang bilhin ng mga modernong ina dahil mabilis lumaki ang mga baby. Sa ngayon, mabenta ang baby sets nila para sa lahat ng sukat ng baby—mula one month hanggang two years old.

Hindi inasahan ni Blanca ang pangangailangan niyon sa market. Hindi niya inasahan ang pagtangkilik ng marami. Lalong hindi niya inasahan na may isang artistang bagong ina ang magbabanggit ng kanyang produkto sa isang interview kaya biglang dinagsa ng inquiry ang kanilang website at e-mail.

Baby Sam was her lucky star. Madalas din iyong kinakanta ni Blanca sa anak, ang kanta ni Madonna.

Nag-ring ang phone niya. Video chat mula Amerika. Muntik na siyang mapaismid. Tinawag niya si Yaya Dahlia at ipinasa rito ang phone. Lahat ng tao sa bahay, alam na kung paano gamitin ang phone niya pagdating sa video calls. Madalas na mag-video call si Daniel, halos araw-araw, kahit pa nga may mga linggong saglit na saglit lang.

Bumalik si Daniel sa Pilipinas isang linggo makaraang makapanganak ni Blanca. Buong mall yata ang binili nito para kay Baby Sam, saka umalis na naman. Bumalik ito nang dalawang ulit pa, at palaging maraming pasalubong, pero palagi ring umaalis agad. Alam ni Blanca na wala siyang dahilan para mainis kay Daniel, pero wala siyang energy na harapin ang lalaki, kahit walang kaso sa kanya kung gusto nitong makita ang anak. Paano niya ipagdadamot ang bata sa ama nito? Kung sa kanya iyon gawin, baka mabaliw siya.

Sinabi ni Daniel na may mahalaga itong inaasikaso sa Amerika at kapag natapos daw iyon, magtatagal ito sa Pilipinas. Hindi na nagtanong pa si Blanca. Ayaw na niyang marinig kung ano pa ang sasabihin nitong plano. As far as she was concerned, he was but Baby Sam’s father and nothing else.

“Happy birthday, my Baby Sam,” sabi ng lalaki sa screen. Sanay na siguro itong makita ang mga mananahi o ang yaya na may hawak sa bata. Minsan, si Blanca ang may hawak kay Baby Sam, kapag ayaw bumitiw sa linya ni Daniel. May mga pagkakataong ilang oras itong nanonood lang sa ginagawa nila, lalo na kapag may trabaho rin sila. Kilalang-kilala na ni Daniel ang yaya ng bata, si Digna na kamag-anak ni Guada.

Hindi na lang pinapansin ni Blanca si Daniel. Naging part ng buhay nilang mag-ina ang lalaki, pero parang virtual part lang. Baka ganoon na lang talaga ang mangyayari. Sana lang hindi nito inaasahan na mag-a-adjust sila ni Baby Sam pagdating ng panahon. There would come a time when they would be too busy to make him feel like he was a responsible parent.

And there you go , sa isip-isip niya. She sighed. Kailangan na siguro niyang aminin na may sama siya ng loob kay Daniel.

“How is Mama, Baby Sam?” narinig ni Blanca na tanong ni Daniel mula sa phone. Hindi siya nito nakikita. Nasa likuran siya ng phone.

Wala siyang balak makipag-usap sa lalaki kaya sinenyasan na lang niya ang yaya na tumahimik. Nagpunta na muna siya sa office at kinausap ang assistant na si Amelie.

“Ma’am, nag-reply na po ang nanghingi ng quotation last week. Gusto daw pong makipag-set ng meeting.”

“The businessman from Singapore?”

Nakangiting tumango si Amelie. Muntik nang mapatili sa saya si Blanca. Iyon ang pinakamalaking break na hinihintay niya. May dalawang mananahi na siyang on standby at ready magsimula sakaling makuha niya ang job order. Madali para sa kanyang kumuha ng mananahi dahil na rin sa marami sa mga ito ang talagang gustong sa kanya pa rin magtrabaho noong nagsara ang factory. Gamay na niya ang mga ito. Alam din niya kung sino ang pang-Baby Sam ang kakayahan ng pananahi at ang pansimpleng tahi ang kaya. Madali lang din ang pagbili ng makina kapag nakuha niya ang job order.

Binasa ni Blanca ang e-mail at agad na nag-reply. Mayamaya pa, kausap na niya ang businessman, si Mr. Edward Ting. Kung puwede raw na kinabukasan din sila mag-meeting. Agad siyang pumayag. Excited siyang nagpunta sa patahian at sinabi, “Ipag-pray ninyong makuha natin si Mr. Ting. Siya `yong nabanggit kong magdadala ng BSC sa Singapore!”

“Naku, makukuha `yan, Ma’am! Suwerte talaga nitong batang `to sa atin!” sabi ni Guada.

“I know!” Agad na kinarga ni Blanca ang anak. “You are my little angel, aren’t you? Aren’t you?”

“Congratulations, Blanca.”

Nabigla siya nang marinig ang boses ni Daniel mula sa phone. Nawala sa isip niyang nasa phone pa ang lalaki. Dinala ni Digna ang phone sa patahian, palibhasa ay trimming na sila ng job order.

“Hindi pa sure. Sana makuha,” sabi niya, bahagyang ngumiti. Ayaw niyang makita ang lalaki kahit sa phone, hanggang maaari. May epekto pa rin ito sa kanya, kailangan niyang aminin. “Anyway, I think the little one needs her milk.”

“All right. Take care,” sabi ni Daniel.

Tumango lang si Blanca at tumalikod na. Naitanong niya sa sarili kung kailan kaya darating ang panahon na tuwing tatalikod siya kay Daniel ay hindi niya gugustuhing lumingon pa.

ANG MR. Edward Ting pala na nakausap ni Blanca sa phone nang nagdaang araw ay hindi ang Edward Ting na nasa website ng mga ito. Ang Mr. Edward Ting sa company profile ay ang ama ng nakausap niya kahapon. The son was not an old Singaporean fellow but a hot, gorgeous man.

Napakakinis ng kutis ng lalaki, matikas, at matangkad. American ang accent nito sa pagsasalita. May-ari ang mga ito ng convenience stores sa Singapore at Malaysia. Mayroon ding mga shop ang kompanya na puro gamit ng mga bata ang tinda. Dala ni Blanca ang lahat ng kailangan niyang ipasa ritong papeles, kabilang na ang pictures ng patahian. Noong nakaraang buwan pa niya iyon ipinaayos. Kaunting pintura lang at maganda na iyong tingnan. Simple, pero presentable.

“Ours seem very small compared to most companies, Mr. Ting, but I can guarantee you, the quality of our products are quite excellent, if I can say so myself. We’re also open to a bit of expansion if needed.”

“We like helping small businesses. We can grow together. Ours started small as well. No worries, Blanca.”

Nakahinga siya nang maluwag. Iyon talaga ang biggest worry niya, ang hindi makasabay sa mga supplier na malalaking factory.

“I’ve personally checked all the items that you sell. The only consideration for us would be the packaging. I think we can improve on that and save on shipping cost.” Binanggit ni Edward Ting ang requirement ng kompanya na sa palagay ni Blanca ay makakaya namang ibigay ng BSC, kahit pa nga kailangan niyang bumili ng isang maliit na equipment para doon at magpagawa ng mga box. Walang problema sa kanya dahil matagal na siyang may tagagawa niyon.

Nang matapos ang meeting, sinabi ng lalaki na kung maipapadala niya ang sample ng bagong packaging at maaaprubahan nito, puwede na raw silang magpirmahan ng kontrata. Nangako siyang ibibigay ang sample sa loob ng ilang araw.

Nagpaalam na si Blanca kay Edward Ting, pagkatapos ay tumuloy sa kakilalang digital printer matapos sabihin kay Amelie na i-e-mail ang file ng kanilang box print. In a matter of an hour, she had a digital printout of the box. Tumuloy siya sa kakilalang die cutter. Mano-manong tinabas ang printout na nilagyan niya ng produkto ng BSC na palaging mayroon sa kotse. She called up Mr. Edward Ting.

“I can bring you a sample now, Mr. Ting.”

“Excuse me?”

“I have a sample now for your approval.” There was no way in hell she was letting that deal get away.

Tumawa ang lalaki. “I’m impressed. I’m here in my hotel. I can meet you in the restaurant.” Sinabi nito kung saan iyon at nang makarating siya, naroon na nga si Edward Ting. The man was wearing casual clothing. He was gorgeous. Pero hindi ang kapogian nito ang habol ni Blanca, kundi ang kontrata nito na sana ay mai-e-mail din sa kanya agad-agad nang maisara na ang deal.

Tawa nang tawa ang lalaki habang pinag-aaralan ang bagong packaging. Ipinaliwanag niyang vaccum seal lang ang kulang sa produkto.

“I do believe we have a deal, Blanca. I like you. A lot. This is excellent service. I’ve asked the business center to print out our contract. You can send it to me when you have read it.”

“I can read it now… I mean, if that’s okay.”

“Of course.”

They ordered coffee. Dumating nga ang kontrata. Akala ni Blanca, iiwan na siya ng lalaki, pero hindi ito umalis. Tuwing mapapatingin siya rito, nakikita niyang nakatingin lang ito sa kanya, may ngiti sa mukha. The contract was simple. Halos job order lang naman iyon. Kung sakaling bumenta ang BSC sa Singapore, saka o-order nang marami ang kompanya ni Edward Ting. However, it was a six-month contract. Marami-rami ang order ng mga ito, kahit pili ang mga produkto. She signed it. He signed it as well. May isa pang folder itong iniabot sa kanya at naroon ang check. Pumirma din siyang na-receive na iyon. Thirty percent payment. Mabubuo ang bayad sa pagdaan ng mga buwan, tuwing may delivery.

“I’m very happy,” hindi naiwasang sabihin ni Blanca.

“Me as well. Your Baby Sam is a lucky child to have you,” sabi ni Edward Ting.

“I am very lucky to have her, actually. She’s my lucky charm.”

“I do believe you’re not married. I’m sorry for asking, but I’m very curious.”

“No, I’m not.”

“Baby Sam’s father is not with you?”

“No. Stupid guy.”

Tumawa ang lalaki. “I agree. I have a flight tomorrow, but I will be back in a week. I was wondering if we can meet again.”

“For business?”

“I’m afraid not.”

“Oh.” Napatango bigla si Blanca, gustong mapahiya na hindi man lang niya nai-consider na iba ang purpose ni Edward Ting. No one had asked her out in a long time. Saglit siyang nag-isip hanggang sa maitanong sa sarili kung bakit niya isinasara ang pinto. Anong masama kung makikipag-date siya sa isang Singaporean businessman? “Sure.”

“I’ll give you a call.”

Nagpaalam na rin siya rito. Nakangiti siya habang nagda-drive pauwi. Ang tanging nasa isip niya ay ang magandang deal na naisara. Punong-puno siya ng pag-asa. Magiging mabenta ang BSC sa Singapore, iyon ang isiniksik niya sa isip.

Nang makarating sa bahay, agad hinanap ni Blanca ang anak at hinagkan, saka in-announce sa lahat, “Nakuha natin ang Singapore.”

Para silang basketball team na nanalo sa isang laro. Hinalikan niyang muli ang anak. “Mama’s going to be busy, baby. But don’t worry, I’ll always be here for you, my lucky charm.”

MUNTIK nang mapatalon sa gulat si Blanca nang maabutan sa loob ng kuwarto si Daniel. Tulog ito at nasa dibdib si Baby Sam. Inis ang una niyang naramdaman. Ano ang ginagawa nito sa loob ng kuwarto niya? Pangalawa, bakit hindi man lang siya tinext ni Digna na nandoon ang lalaki? Wala ang kotse nito sa labas kaya wala siyang kamuwang-muwang na na-invade na siya. Galing siya sa Maynila, sa date nila ni Edward. It was their third date. It was also their last romantic date. Nagkasundo silang wala silang romantic na maramdaman sa isa’t isa. Siguro, sa una, may feelings sa kanya ang lalaki, pero sa kung anong dahilan, nawala iyon. Siguro dahil hindi naman siya nagpa-cute dito, hindi nagpa-impress, at nabanggit din niyang hindi niya sigurado kung ready na siya, lalo na at wala pang isang taon si Baby Sam. They had fun though. Mukhang magiging magkaibigan silang dalawa.

Nagpalit si Blanca ng damit sa banyo, saka maingat na inalis ang kamay ni Daniel kay Baby Sam. Inilipat niya sa crib ang bata. Daniel was still asleep. Noon napansin ni Blanca na may bag sa isang panig ng kuwarto. Hindi iyon overnight bag na tulad noon. It was a luggage. May tag pa ng airline ang maleta.

Muli niyang tiningnan ang lalaki. He had lost weight. Noong nakaraang buwan, dumalaw rin ito kay Baby Sam, pero tatlong araw lang at umalis na uli. She wondered how long he would stay this time. Ano’t anuman, walang karapatan si Daniel na matulog sa kama niya kaya ginising na niya ito.

Umungol lang ang lalaki noong una, pero nagmulat din ng mga mata. Agad itong bumalikwas at tumingin sa crib, parang nakahinga nang maluwag nang makita roon si Baby Sam. “What time is it?”

“It’s time for you to leave my room.”

Inabot nito ang phone at tiningnan. “One o’clock. The mother of my child comes home at this godforsaken hour.”

Parang sasabog sa inis ang ulo ni Blanca. “Excuse me?”

“I heard you went out on a date.”

“So?”

“Should dating be your top priority when our child is too young to be left alone in the care of others?”

Naghahanap ba ng giyera si Daniel? “What right do you have?!” Agad niyang hininaan ang boses nang makitang napaigtad si Baby Sam, pero hindi naman nagising. “How dare you. Hindi lang ako ang magulang dito. At least ako umuuwi, kahit ginabi ako ngayon. Eh, ikaw? Magpapakita ka rito, once a month, minsan wala pa, `tapos, ikaw ang may ganang manumbat? You’re an asshole, do you know that?”

“Alam mong wala ako dito. Iniwan ko sa `yo ang bata—”

“Iniwan sa akin ang bata, that’s rich.” Mapaklang tumawa si Blanca. “Coming from you, that’s rich. Para bang dahil sa kabaitan ng loob mo kaya nasa akin ang anak ko. Where do you even get the nerve to speak to me like that?”

“When you started going out on dates without even telling me so I can at least take care of my child while the mother is out dating some asshole.”

Halos hindi makapaniwala si Blanca sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Daniel. Gusto niyang magwala, gustong dukdukan ang lalaki. Pero sa huli, nagawa niyang pigilan ang sarili. “Get out of here.”

“We’re not yet done.”

“Get out before I say something I’ll regret tomorrow. Get out.”

Bumuntong-hininga si Daniel, nilapitan ang anak, hinalikan, saka siya hinarap uli. “We will talk tomorrow.”

Para siyang asong galit na kulang na lang angilan ito. She gave him a sharp look. Mukhang bale-wala iyon sa lalaki. Lumabas na ito, parang may gana pang umaktong ito ang nasa lugar at siya ang mali.

“Bastard,” Blanca said under her breath. Ilang sandali bago nagbalik sa normal ang paghinga niya.