T IGIL ang operasyon ng factory ngayong ginagawa ang building. May compensation ang mga tauhan na babalik din pagkalipas ng dalawang buwan. Dalawang buwan ang kontrata para matapos ang lahat ng kailangang tapusin sa building. Ang paraan lang para matapos sa ganoon kaikling panahon ang building ay ang itigil ang operation. Sa dalawang buwan na iyon, naging busy si Blanca sa mga proposal sa iba’t ibang kompanya sa Pilipinas at sa abroad para supply-an ng kanyang mga produkto.
Daniel never ran out of ideas. He was always there to help her out. Alam ni Blanca na gustong-gusto ng lalaking magtagumpay siya. He knew how much that venture meant to her. Ang sabihing isang bagong buhay ang lahat ng pagbabago ay totoo. She finally let go of the past and started something new from it as well, like a phoenix. Binago rin niya ang pangalan ng kompanya. She named it Phoenix Wings, Incorporated at ipinalagay niya sa logo ang initials ng mga magulang at nila ni Mitchell. Lahat sila, naabo ng nakaraan, pero hayun at buhay pa rin. Mula sa mga abong iyon ay babangon para sa isang mas magandang version ng nakaraan. Phoenix symbolized new beginnings. This was hers, this was her family’s. All thanks to Daniel.
Sa mga panahong wala siyang matitirhan, doon muna siya sa condo unit ni Daniel tumuloy. It was a very simple unit. Halatang masinop sa gamit ang lalaki. Maayos na nakasalansan ang mga libro nito, ang mga gamit ay malinis sa estante. She had lived with Mitchell most of her life and she knew that men could be messy. Daniel was not.
Hindi pa rin nababanggit ni Blanca sa kapatid ang tungkol kay Daniel. Busy siya sa mga plano. Isa pa, madalas na busy rin si Daniel. Gusto sana niyang ang lalaki ang magsabi kapag gusto na nitong makilala ang kanyang kapatid. She was sure he would not say no to her, but she wanted him to suggest it. Siguro, darating na rin ang pagkakataon na iyon.
Regular pa rin niyang binibisita sa Bilibid si Mitchell. Iyon naman ang pangako niya sa kapatid, na hindi niya ito makakalimutan kahit kailan. She was convinced about his change. Hindi nawala ang glow sa mga mata ni Mitchell noong una nitong sabihin ang tungkol sa pagbabago. In fact, he seemed even happier. She was glad about that. Hindi araw-araw na may kapatid na nakikitang masaya ang kapatid na nakakulong sa bilangguan.
It seemed life had finally given Blanca a break. She was very happy. Kasabay ng lahat ng iyon, masaya rin ang mga tao sa kanyang paligid. Tulad na lang ni Helen. Mukhang pinaghahandaan talaga nito ang kasal.
“I’m planning Helen’s bachelorette party.”
“Does it need to be a bachelorette party?” tanong ni Daniel, nakakunot ang noo kahit nakangiti sa tapat ng blender. He liked smoothies. Mahilig ito sa pinya, guyabano, at mangga. Hindi nawawalan ng prutas sa bahay. He said he was a farmer through and through and appreciated good produce when he saw one. Tinatandaan ni Blanca ang mga ganoong maliliit na bagay tungkol sa lalaki. She wanted to please him so. Sa modernong mundo, mamasamain siguro ng iba ang ganoong bagay. Some would say that those kinds of things were from a long-forgotten era, women pleasing men. But she saw him as a partner, a kind and generous soul. Love was beautiful this way.
“Are we even talking about the same Helen?” natatawang tanong ni Blanca. Para namang hindi alam ni Daniel na kung bridal shower ang ibibigay niya kay Helen, iismiran lang siya ng kaibigan. Of course, Helen wanted a bachelorette party with strippers. Kailan ba naman ito tumanggi sa ganoon?
Lumapit sa kanya si Daniel at naupo sa kanyang tabi, ipinatong ang dalawang baso ng guyabano shake sa coffee table. “What do you have planned?”
“Nakausap ko `yong isang bridesmaid niya. Doon na lang daw sa bahay niya gagawin ang party. She said she will take care of the food. Another bridesmaid will help her with drinks. Someone is going to be in charge of the penis cake—”
“The what?”
“The penis cake.” Ang lakas ng tawa ni Blanca. “You know, a cake in the shape of the male sex organ.” Inilabas niya ang picture ng cake. “It’s chocolate flavored inside with salted caramel buttercream filling. It will be covered in fondant and the droplets of you-know-what are going to be fondant as well. Sounds delicious.”
“Sounds terrifying.”
“Oh, come on, the ladies are going to have fun cake cutting—”
“Oh no, stop, please.” Napangiwi si Daniel.
Ang lakas ng tawa niya. “Well, that takes care of what we mostly need. Someone will take care of the games. I will have to take care of the strippers. That’s where you come in.”
“Please don’t tell them you volunteered me to strip—”
“Of course not!” Napasimangot si Blanca. “Never will I allow those girls to see you naked. Ano sila, sinusuwerte?”
Ngumisi si Daniel. “Why not? Marunong akong sumayaw. I do have some sexy Chippendale moves.”
Napairap siya. “Hindi ka sasayaw sa harap ng mga babae, okay?”
“Why not?” giit ng lalaki.
“Because…! Oh, stop it Dan!” Napaismid si Blanca nang mapansing aliw na aliw si Daniel sa pang-iinis sa kanya. Tutol na tutol talaga siya. Maisip pa lang ang mga bridesmaid ni Helen at maging si Helen mismo na parang mga nakawalang preso sa pagtingin sa katawan ni Daniel, hindi na niya kayang i-take. Lahat yata ng ibang kaibigan ni Helen, katulad nito. In fact, sa kanilang mga meeting, wala nang naging usapan kundi ang sex organ ng ganito-ganyang lalaki, mga lalaking nakasama ng mga ito. Kung hindi man iyon, best sexual position naman. They loved to openly talk about sex. Nag-e-enjoy naman siyang makinig sa mga ito at sa katunayan, natuto mula sa mga tip ng mga babae. Pero possessive siya kay Daniel. “That body is for my eyes only.”
“Oh, really?”
“May reklamo? Now, dance for me,” sabi niya na tinawanan ng lalaki. “I’m not kidding.”
“Fine. Play a music.”
Agad na kinuha ni Blanca ang remote control at naghanap ng magandang music mula sa player. Hindi pa nagtagal, may instrumental music na pumailanlang. Inilagay niya ang mga braso sa ibabaw ng sandalan ng sofa. “Dance.”
“As you wish.” Daniel started moving ever so slowly. Kilig na kilig si Blanca, pero hindi niya ipinahalata. Daig pa niya ang isang batang maldita. But soon, she was swallowing hard. Bakit ba niya sinabing magsayaw ito? Tuloy ngayon, hindi siya mapakali sa kinauupuan. Damn, the man was sexy. He was not lying when he claimed he knew some Chippendale moves.
Hindi malaswa ang pagsayaw ni Daniel, wala ring mga moves na parang sa local macho dancer na ginagawang katatawanan sa TV. Their eyes met. He took off his shirt. Sumayaw itong muli. She wondered how someone who moved with such grace could still be masculine. And yes, she was aroused. So very much aroused.
“Take everything off,” bulong ni Blanca. He did. But ever so slowly while looking her in the eye. “Come here.”
Umiling si Daniel, saka naupo sa tapat siya. “You come.”
Tumayo si Blanca at lumapit, pero pinigil siya ng lalaki. “Nah-uh. Dance for me.”
Kahit hindi magaling sumayaw, sinubukan niya. She had her own moves as well. It only took her blouse to come off before his length gave a full salute. Seeing him that way made her feel so powerful, so beautiful.
Daniel beckoned her to come near and she did. She straddled him. She felt his length brush against her skin. May kung anong kiliting bumalot sa kanyang katawan. The man was turning her into a nymphomaniac! Kaunting pagdidikit lang ng kanilang mga katawan, parang binalot na ng init si Blanca.
Ikinulong niya sa mga kamay ang mukha ni Daniel. “How can you do this to me?” she said, more like a plea than a question.
“Do what?”
“This…” She placed his hand between her legs.
The look on his face was priceless. He kissed her. They ended up making passionate love that shook her to the core. She knew it was always going to be like this. This was how sex was supposed to be—wild, raw.
KAUNTI lang ang imbitado ni Blanca sa pagbubukas ng bagong factory, pero maraming handa. Masaya ang lahat. Daniel insisted to hire caterers for the event so it was a very festive celebration. Masayang-masaya ang mga tauhan sa nakikitang future ng kompanya. Iyon ang matagal nang gustong makita ni Blanca sa mukha ng mga tauhan—pag-asa. Alam niyang noon, madalas ding inaalala ng mga ito ang lagay ng negosyo, palibhasa, naging pamilya na rin sila. Kasabay ng pag-aalala sa pansariling kinabukasan, inaalala rin ng mga tauhan ang mismong negosyo, at siya.
The company’s future had never looked brighter. May dalawang bagong kompanyang lumapit sa kanya para mag-inquire—parehong Vietnam-based—at nagpadala siya ng quote sa mga iyon. Hindi niya inasahang makukuha ang mga iyon. Magiging busy ang Phoenix Wings. Mukhang mataas ang liliparin nila. Naroon pa rin ang kaba sa puso ni Blanca, pero kasabay niyon, mayroon ding isa pang pakiramdam—katiyakan. She was almost sure she was going to make it. Why not? She had the best team in the world and the best man beside her, always supporting her to do the best she could.
“I’m very happy for you,” sabi ni Helen, ngiting-ngiti. “But I always knew you’re going to end up doing the right thing. It only took a while before you’ve mustered enough guts. I think we have Dan to thank for that.”
“I love him.”
“I know. Your eyes practically become hearts when he’s near.”
“I know, right?” Ang lakas ng tawa ni Blanca. Sino pa ba ang hindi nakakapansin sa pagbabago niya? Kahit si Mitchell, sinabing mukha raw siyang inspired. Kahapon, dinalaw niya ang kapatid at sinabing may espesyal na lalaki sa kanyang buhay. Sinabi ni Mitchell na gusto nitong makilala si Daniel, pero sinabi niyang saka na lang, kapag naging pormal na ang lahat sa kanila ng lalaki.
Daniel did not seem to be the kind of man who bothered with formalities. Gusto niya iyon dito. Mas pinakikinggan nito ang mga galaw kaysa sa mga salita. He said the same for the weather. Sa farming daw, kahit sabihin pa sa weather forecast na magiging maganda ang panahon, kung nararamdaman ng isang magsasaka na hindi, kailangang mas pakinggan ng magsasaka ang sinasabi ng pakiramdam nito. Oh, her preppy farmer. She loved him so.
Sa pagitan nila, parang wala nang kailangang pag-usapan pa. They were practically living together. Doon pa rin siya nakatira sa bahay nito. Lilipat lang siya kapag malinis na ang kanyang bahay sa factory. Sa susunod na linggo pa iyon. Sa ngayon, hindi pa tapos ang finishing touches ng bahay.
May apat na paupahan sa unahan ng building. Nakuha na ng isang bangko ang isa, habang ang tatlo ay nakuha ng iba’t ibang shops. Contracts were signed. Malaking tulong sa kanya ang deposit ng mga uupa para sa iba pang pangangailangan ng factory.
Halos said ang budget ni Blanca, pero walang problema dahil makaraan lang ang dalawang buwan, papasok na ang regular na lease ng mga umuupa. Makaraan din ang delivery, magbabayad na ang dalawang bagong kompanya, habang ang mga dati naman niyang kliyente ay tulad pa rin ng dati ang usapan, two to three months bago ang payment. Bigger orders to fill.
Alas-siyete, nagpaalam na ang mga bisita. Umuwi na rin sila ni Daniel. Humilig siya sa balikat nito. Pinisil nito ang kanyang kamay. “All good?” tanong ng lalaki.
“Yes. I love you.” It was the first time she said it.
He smiled. “I know.”
“Oh, you do?” Biglang kinabahan si Blanca. Bakit ayaw nitong ibalik ang mga salita? “And you? Do you love me, too?”
“What do you think?”
“Stop playing around!” Gustong mainis ni Blanca. Kabadong-kabado na siya, parang gusto pang manukso ni Daniel. Pero siya na rin ang natawa mayamaya dahil na-realize na pinagkakatuwaan siya nito.
“Women are weird. They need to hear it because actions are not enough. In fact, some men can get away with not doing anything because women only want to hear it sometimes.”
Pinitik niya sa pisngi ang lalaki. “I’m not like those women.”
“Oh, really?”
“Oh, really.” Blanca smiled. Kontento na siya kahit hindi pa sabihin ni Daniel ang mga salita. Tama naman ang lalaki. May mga bagay na hindi na kailangan pang daanin sa salita kung nakikita naman sa gawa. What was the use of wanting to hear something so obviously seen? Bakit gagawin ni Daniel ang lahat ng ginawa nito kung hindi siya mahal? Mas gusto ba niya ang isang lalaking “I love you” nang “I love you” pero wala namang ginagawa para patunayan iyon? Words were only words. Action spoke volumes.
“I’m glad I met you,” sabi niya.
“I’m not sure you’d be glad about that all the time,” sagot ni Daniel.
“What do you mean?”
“Kailan lang tayo nagkakilala. Maraming mga tao ang matagal nang magkakilala, pero bigla na lang, may gagawin iyong taong inakala nilang gusto nila, at mawawala na ang lahat. Like my mother. She once met a nice man, or what seemed to her as a nice fellow. She married him. But he turned out to be a horrible person.”
“I’m sorry to hear. Your father?” Noon lang na-realize ni Blanca na hindi nila napag-uusapan ang mga ganoong bagay tungkol kay Daniel. Somehow, whenever she asked, he would give a brief reply and change the subject. Siguro, may mga bagay para ditong mahirap ikuwento, tulad na lang niyon. At siguro, tulad niya kay Mitchell. May mga bagay pa rin sa kanyang kapatid ang hindi niya maikuwento sa ibang tao. Paano niya ikukuwento ang mga sakit ng ulo sa kapatid noong mas bata pa ito? God, how could she forget that one night Mitchell called her up with an unconscious schoolmate, not knowing what he would do?
“My father in papers, yes. Not my biological father.”
“Is he still alive?”
“Dead.”
“And your biological father?”
“I haven’t met him.”
“Do you know where he is?”
“It doesn’t matter. He doesn’t know that I exist. All I’m saying is, there might be some days that you won’t like me at all.”
“It’s normal. Sometimes, I don’t like Helen at all. Lalo na kapag wala ako sa mood, `tapos ayaw tumigil sa pagkukuwento tungkol sa size ng boyfriend niya at kinukulit ako sa size mo.”
Biglang nasamid si Daniel. “This is interesting. This is very interesting.” Kumunot ang noo nito sa kanya. “What did you tell her?”
“I never kiss and tell. Besides, I don’t know how big yours is.”
“Oh, you don’t?”
“`Wag kang mag-alala, palagi akong may measuring tape sa bag. Mamaya susukatin ko para next time alam ko na ang isasagot sa kanya.”
Ang lakas ng tawa ng lalaki. “Baka masyadong maiksi ang measuring tape mo.”
Si Blanca naman ang natawa nang malakas. Nang makauwi sa bahay, ginawa na nila ang kanya-kanyang gawain. Wala silang kasunduan kung sino ang maglalaba, kung sino ang magluluto. Minsan kada linggo lang may dumarating na tagalinis at hindi rin kailangan ng tagalaba dahil automatic ang washer-dryer ni Daniel. Ang mga suit naman nito, deretso sa dry cleaners. He took care of their clothes, while she cleaned the house. Si Daniel ang madalas na nagluluto at noong unang matikman ni Blanca ang luto nito, napahiya siya dahil magaling magluto ang lalaki. Hindi lang basta kung anong luto o style-tsamba, kundi talagang masarap ang luto nito. He made her good southern comfort food like ribs, corn bread, and gumbo. Nagmagaling pa siyang gayahin si Gordon Ramsay samantalang ang food expertise pala ni Daniel, pang-Paula Deen.
Nang gabing iyon, nang matapos si Blanca sa gawaing-bahay at makapaligo, nakahanda na ang steak at wine sa mesa. Daniel slaughtered his own meat in his farm. Iyon ang isang bagay na hindi niya mapag-ugnay kung minsan. Kung paano ito isang farmer sa Amerika, pero isang executive sa Pilipinas. Two mismatched worlds. But then he could do anything. Naniniwala siya roon.
Nang matikman ang steak, napabuntong-hininga siya. She loved his steaks. In fact, she loved everything he cooked. Wala pa siyang natitikman na tulad ng luto nito.
“You really should open a restaurant,” sabi niya.
“Too much work.”
“Farming isn’t?”
“Nope. Everything is automatic and you get to rest for months while the seeds grow and turn to produce.” Nagkuwento si Daniel tungkol sa farm. His eyes glowed when he talked about it. Doon masaya ang lalaki, malinaw iyon. Pakiramdam ni Blanca, hindi ito magiging masayang-masaya sa executive world dahil tuwing nagtatanong siya tungkol doon, palagi nitong sinasabi na boring daw ang paperwork.
He was a man who needed to do physical labor, although his mind was brilliant as well. He was everything any woman would dream of. And he was hers. May satisfaction na nararamdaman si Blanca sa katotohanang iyon. Every day, Daniel got sexier and sexier in her eyes. Puwede ba namang hindi? Here was a man who could do everything he wanted, a man who could have everything… but he was there beside her, assisting her all the way, helping her rearrange her life. Wala itong pagkainip, walang pagrereklamo. He was an excellent partner. Wala na siyang mahihiling pa.
“Alam mo, kapag tinitingnan mo ako nang ganyan, parang gusto kong ikaw na lang ang kainin,” sabi nito.
“Later.”
“You bet.”
Simpleng salita, pero sapat na para mag-init ang buong katawan ni Blanca. Hindi pa rin nasasagot ang tanong niya noon kung paano nagagawa ng lalaki ang ganoon sa kanya. Hindi na rin importante. As far as she was concerned, Daniel was the only man who could driver her crazy like that. And he seemed to have no intention of going away.
“You’re a gift to me,” sabi niya.
“You think too much.”
“What do you mean?”
“I mean sometimes, things just happen. It doesn’t always need to have a reason.”
She smiled. Praktikal na tao si Daniel pagdating sa mga salita. His actions though, those told a different tale. She kissed his cheek and ate. She was happy. Nothing else mattered.