noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 3

Ch. 4 / 26 Feb 05, 2022

“A TE, I need some money.”

Agad na nanlumo si Blanca. Kung siya lang ang masusunod, ibibigay niya ang lahat sa kapatid. Pero hindi ngayon. Marami silang fees na babayaran sa abogado, pati na rin sa pagdadagdag ng tauhan at repairs sa factory. Tumindi ang pakikipaglaban niya sa husgado dahil na rin sa natalo siya sa RTC. Hinala niya, nasuhulan ang judge. Siyempre nga naman, wala siyang panuhol dahil kinuha nang lahat sa kanya. Pera din niya ang naging panuhol ng kabilang panig, ang ninakaw ng mga ito sa kanya.

She wanted the nightmare to end, but it seemed to be never ending. Pero ang sabi ng abogado, may chance daw sila ngayon dahil nakakita sila ng iba pang ebidensiya at testigo. Puwede raw silang mag-file ng restraining order para ma-freeze ang assets ng kompanya. Dapat lang dahil naghahabol siya at baka wala nang mahabol sa huli. Kapag ganoon, iba na namang kaso at mahabang labanan na naman. Blanca was slowly realizing that it was going to take her years and years. Pero wala pa rin siyang balak na sumuko. Ayaw niyang tanggapin ang inaalok ng kabilang partido para lang tumahimik siya dahil barya ang alok ng mga ito kumpara sa ninakaw sa kanya.

May drawback nga lang ang sitwasyon—wala siyang panggastos kadalasan. Kabilang na roon ang mga ganoong hiling ni Mitchell. She knew her brother deserved the world. Guilty si Blanca na hindi napangalagaan ang kanilang properties. Sa kanilang dalawa iyon, pero siya ang humawak at ano ang nangyari? She screwed up. Nadamay ang para sa kanyang kapatid. Siyempre, puwedeng sabihin na masyado pa siyang bata nang mga panahon na iyon, pero hindi niya maiwasang ma-guilty. She felt she didn’t do her best.

“Para saan?” nakangiting tanong niya, kahit umaandar agad ang isip kung saan puwedeng kunin ang pera.

“There’s this girl in school…” panimula nito.

Agad tumaas ang kanyang kilay. “Hmm-hmm…?”

“Don’t get me wrong, I’m still gonna finish college, Ate.”

“Wala naman akong sinasabi.”

“Pero kilala ko ang ‘hmm-hmm’ mo. Kilala ko din ang mga kilay mo.” Napangiwi ito. “It’s just that I really, really like her. I want to give her something special for Valentine’s Day. You know how girls are, all excited about that day.”

“Tell me about her.”

“She’s smart like you. She’s the captain of the debate team, the president of the student organization, and she loves to read. I figured I’d buy her a nice book. And flowers plus chocolates.”

“I’ll take care of it.” Nakahinga nang maluwag si Blanca. Hindi naman pala kung anong pagkamahal na gamit ang gustong ibigay ni Mitchell sa babae. Baka isang libong piso lang ang kailangan at mayroon naman siya niyon.

“But…” Nagkamot ng ulo si Mitchell. “I was thinking, no cheap stuff.”

Tumawa si Blanca, kahit medyo napahiya. Nitong huli, kahit pilitin niyang pagtakpan ang kanilang “kahirapan,” hindi pala niya nagagawa nang tama. Nahalata iyon ng kanyang kapatid. Nagsimula siyang maging kuripot sa mga gamit. Kahit sa mga gamit ni Mitchell. Imbes na mga foreign brand ang binibili niya, mga local na lang. Walang naging kibo ang kapatid, pero nakahalata na rin pala. Ano ang gagawin niya?

“I’ll take care of it. You don’t trust me?”

“I do. I really do.” Ngumiti si Mitchell. “I’ll bring her here one of these days.”

Tumango na lang si Blanca kahit ang totoo, ayaw makilala ang kung sino mang babaeng iyon dahil ayaw niyang ma-encourage ang kapatid. Pero hindi rin siya ang tipong pipigilan ito. Hindi niya makita ang sense na pigilan si Mitchell, kahit pa nga sinabi niya noon na hindi pa ito puwedeng makipagrelasyon. Hindi siya naniniwala sa napakaistriktong style ng pagpapalaki ng magulang o kapatid. Magrerebelde lang ang teenager. Alam ni Blanca dahil hindi naman nagkakalayo masyado ang edad nilang magkapatid.

Nagpalit na ng damit si Mitchell at nagpaalam din na lalabas daw kasama ang mga kaibigan at coach sa swim team. Pumayag si Blanca. Kung minsan, ginagabi ang mga ito sa practice at may mga ganoong pagkakataong lumalabas para mag-unwind. Kung may isang tao siyang kinilala, iyon ay ang coach ng team.

She kept busy. Marami siyang kailangang asikasuhin sa negosyo. Nagkulong na siya sa home office, at nang matapos ay saka lang naalala na hindi pa siya naghahapunan. Nakauwi na si Mitchell. Narinig na niya itong dumating kanina pa. Tumuloy siya sa kusina at kinain ang nasa mesa. Bilin niya kay Yaya Dahlia na huwag siyang istorbohin kanina dahil importante ang kanyang ginagawa.

Mama, Papa, are you proud of me somehow? I know I let you down, but I’ll keep on fighting, as before. Walang nagbago. I owe this to Mitchell. Soon, he will graduate. Nabanggit na sa akin ng bunso ninyo na gusto niyang magnegosyo. I’d like to give him some money to start that business. Hindi ko lang alam kung paano. Baka puwedeng tulungan ninyo ako? Can’t you guys ask an angel to talk to the judge so that we win the case? It’s only fair.

Napabuntong-hininga si Blanca nang maunawaang naghahanap siya ng padrino sa langit. Kung minsan, parang milagro na lang ang solusyon sa impiyernong problemang kinasadlakan niya pagdating sa negosyo. Or maybe this was purgatory? She never actually believed there was one, but who knows? Maybe this was it. And it was such a lonely place to be. Lonely, unsure, draining. Sometimes she wished to move on—kahit saang banda, basta maging final na. But never would she surrender easily. Never.

“HELLO.”

Agad na kinabahan si Daniel nang makilala ang boses na iyon—banayad, parang sa anghel. It was Sharon’s voice. Agad siyang tumingin sa babae. Napakaganda nito. Nang magtama ang kanilang mga mata, agad siyang nagbawi ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nito kinakausap. Hindi siya nagsalita. Wala siyang planong makipag-usap sa babae kahit gustong-gusto niya noon pa.

Tuwing nagsasalita si Sharon sa klase, hindi niya maiwasang mapatingin dito, makinig sa bawat salitang lumalabas sa mga labi nito. She was smart, she had conviction, she was beautiful. Una niya itong napansin sa unang araw pa lang ng klase. Lahat sila, kailangang magpakilala sa harap. Sharon’s voice reminded him of good times, back in the States. And then he felt bad thinking that. Ayaw niyang iparamdam o kahit isipin man lang na hindi siya natutuwa sa pag-uwi nila sa Pilipinas.

Nang mawala si Johnny, silang mag-ina ang namahala sa farm. It was not hard because they had been helping Johnny for years. Isa pa, de-makina ang lahat ng gamit sa farm. Isang linggo lang ang kinailangan ng kanyang ina para matutuhang gamitin ang mga traktora, discs, planters, combines, at iba pa. After that, the “brown monkeys” farmed like rednecks. Natatawa pa rin si Daniel tuwing maaalala ang sinabing iyon ng ina. Ang nilait-lait ni Johnny ang siya ngayong may-ari ng farm nito.

But life after Johnny was not easy for them. May isang pinsan si Johnny na ginulo sila, hindi naniwalang walang foul play na nangyari, kahit cleared sila sa mga pulis. Ilang taon na hindi pinansin ng kanyang ina ang pagtawag-tawag ng lalaki, pero nang magsimula itong bumisita sa farm para palayasin sila sa Amerika, dahil iyon daw ay hindi bansa ng mga “brown monkey,” nagsimulang mag-isip ang kanyang ina. Besides, there were times when they both felt the strain of Johnny’s memories in that farm anyway.

Ginusto ng kanyang ina na lumipat sila ng lugar, at sa huli, desisyon ng kanyang ina na baka-sakaling mas maging madali ang buhay nila sa Pilipinas dahil mas malayo ang mararating ng pera. Not that Johnny did not leave a lot because he did. Napakalaki pala ng ipon nito sa bangko, bukod pa sa ilang properties na ni hindi alam ng kanyang ina na mayroon pala ang lalaki. Maybe his mother only wanted more time to take it easy. Sa Amerika, hindi ito puwedeng magpahinga kung magsisimula uli ng farm.

Si Daniel mismo ang nagsabi sa ina na mas magandang magpunta sila sa Pilipinas. Noong una, gusto rin niya iyon. Hindi pa siya nakakasakay ng eroplano at noon pa man, gusto na niyang makita ang bansang pinagmulan ng kanyang ina. He had heard of the country many times. Bukod doon, marami siyang mga librong nabasa tungkol sa bansa kung saan naroon ang kanyang ugat.

Nang makauwi sila sa Pilipinas, bumili ng maliit na property ang kanyang ina. Doon na sila nanirahan mula noon. Hindi nagsimula ng business ang kanyang ina, pero bumili ng stocks at bonds. Ginawa nito ang lahat ng gustong gawin noon na hindi nagawa mula nang dumating siya. His mother enrolled and studied. Habang nag-enrol din si Daniel. Kahit pareho silang college na mag-ina, magkaiba ang kanilang university. Sa isang international school pumasok si Daniel, habang ang kanyang ina naman ay mas ginustong mag-aral sa isang culinary school. His mother wanted to be a pastry chef. He wanted to be a farmer, but his mother suggested that maybe it was only because he grew up in a farm. Baka naman daw mas magandang business course muna ang kunin niya at kapag natapos na roon, saka siya mag-aral ng agriculture. Mas marami raw siyang opportunities kung business course ang kukunin. Saka na raw niya isipin ang lahat, kapag nakatapos na niyon. And anyway, he knew how to farm since he had been farming even as a child.

Naisip niyang tama ang ina at hayun siya ngayon sa school, nag-aaral ng business. He had never felt more out of place in his whole life. Kabaligtaran iyon ng sitwasyon niya dati sa Amerika. Noong high school siya, walang nam-bully sa kanya, siguro dahil kababata niya at kasama sa Sunday school ang quarterback ng school at palagi silang magkasama. If there was one good thing about his life there when Johnny was still alive, it was that quarterback who had always been kind to him.

May isang taon na sila sa Pilipinas na mag-ina. The weather was not agreeing to him so far. Nagka-asthma siya—skin asthma. Hindi pa rin siya tumatangkad o tumataba, tulad noon, pero mas malala ngayon dahil sa kanyang sakit. Dinala na siya ng ina sa doktor at nabigyan ng gamot, pero pabalik-balik lang ang sakit. Ang sabi ng kanyang ina, normal lang daw sa isang teenager na tulad niya ang magkaroon ng mga problema sa balat, tulad nito noon. His mother claimed she had acne at his age.

Alam ni Daniel na hindi solusyon ang pagbabalik sa Amerika, lalo na ngayon. Paano niya magagawang alisin sa ina ang panibagong simulang iyon? Besides, she seemed to be caught up in her studies, in herself. Naiintindihan niya iyon. Baka ngayon lang ito nakaramdam ng kalayaan. He was happy for her, but not for himself.

Siguro, kung ang balat lang niya ang problema, hindi siya makakaramdan ng ganoon, na parang gusto niyang bumalik sa Amerika. Pero hindi lang ang asthma ang problema. Bullies. There were bullies in school. Hindi niya iyon inakala. Ang sabi ng kanyang ina, mababait ang mga Pilipino. Pero bakit ganoon ang nangyari? Hindi niya masabi sa ina ang lahat. After all, he was already in college, he was eighteen years old. He could take care of himself. He was supposed to be able to take care of himself.

“Are you okay?” tanong ni Sharon.

Tumango lang si Daniel. Ayaw niyang kausapin ang babae. He was already in so much trouble with the bullies without Sharon’s attention on him. Alam niya na may gusto sa babae si Mitchell, ang captain ng swim team, ang pinakamalaking bully sa buhay ni Daniel. Ang huling gusto niya ay ang mas mainis pa sa kanya ang lalaki. He already saw him as a freak who needed to be tormented everyday without this. Iyon lang, hindi niya maiwasang makaramdam din ng saya na napansin siya ni Sharon.

“So are we ever going to talk?” tanong uli ng babae.

Wala siyang magawang sabihin dito dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ano ba ang tamang isagot? Ang alam niya, may gusto si Mitchell kay Sharon at kahit gusto ni Daniel na maging kaibigan ang babae, ayaw niyang magkaproblema kay Mitchell. Hindi kalat sa school ang balita na may gusto si Mitchell kay Sharon. Nalaman lang niya ang tungkol doon sa locker ng gym. Madalas na may training silang mga young chess masters ng school at sa locker ng mga atleta sila kadalasang nagtatabi ng gamit. He needed to keep his things some place. Masyadong mabigat para araw-araw niyang dalhin ang lahat dahil wala siyang sariling sasakyan. His mother wouldn’t allow him to own a car just yet. She said maybe next year, when he was bigger. May tagahatid at tagasundo siya sa school dahil may driver sila.

“Oh, so it’s like that?” sabi uli ni Sharon, nakangiti at parang nanunukso.

“I’m sorry. Is there a-anything I can do for you?”

“Yes, actually. Gusto ko sanang gumawa ng piece tungkol sa mga athletes natin sa school. You are the captain of the chess team, right?”

Tumango si Daniel. “But maybe Owen can help you better.” Ang kasama sa team ang tinukoy niya na pinakamaingay sa kanila.

Doon nawala ang ngiti sa magandang mukha ng babae. “Oh. May I just ask why?”

“I’m not comfortable with you, that’s all.” Kinuha na ni Daniel ang mga libro at tumayo. Kung kailan nakatayo na, saka niya naisip na hindi naging maganda ang labas ng kanyang mga sinabi. He didn’t mean the words that way. Pero hindi na siya nakapag-sorry dahil hindi niya alam kung paano at kung ano ang tamang sabihin. He was not good with words. Ang sabi ng kanyang ina, kailangan niyang matutong makipag-interact sa mga estudyante, sa ibang tao in general. But he never learned to be comfortable with other people. Iyon siguro ang isa sa napakaraming maling naitanim sa kanya ni Johnny—na huwag makipag-usap sa ibang tao.

“Damn,” he muttered under his breath, but walked away. Tumuloy siya sa school cafeteria, pero nakitang puno roon kaya nagpunta siya sa library. Puno rin doon. Pumunta na lang siya sa oval at naupo sa bleacher. He felt safe there, at least. Hindi nawawalan ng coach o professors doon.

Inilabas ni Daniel ang pagkain at libro. Panay ang buntong-hininga niya habang kinakain ang sandwich na baon. Ipinatong niya iyon sa bleacher at kinuha ang inumin nang makarinig ng ingay na papalapit. Hindi na niya inilabas ang inumin nang makitang grupo nina Mitchell ang papunta sa kanyang direksiyon. Pawisan ang lalaki, pati ang grupo. Mukhang galing sa gym na nasa gilid ng oval.

“Hold up,” sabi nito, nakangiti, saka lumapit sa kanya. Walang sabi-sabi nitong pinukpok ng kamao ang kanyang sandwich. “Ham and cheese?”

Hindi umimik si Daniel, kahit gustong itama si Mitchell. It was actually steak and cheese. It would not make much difference. Ayaw niyang nakakaramdam ng takot para kay Mitchell. He couldn’t help himself. Ginusto niya noon na magpunta at tumira sa Pilipinas dahil malayo iyon kay Johnny, pero hindi niya inasahan na may bagong Johnny pala roon. Iba ang bihis, iba ang hitsura, pero halos pareho ng ugali.

“Let’s see what you got here.” Inabot nito ang kanyang bag at itinaktak sa sahig.

Hindi pa rin umimik si Daniel. Isa sa mga natutuhan niya kay Johnny ang pananahimik. Habang nagsasalita siya, lalo itong nagagalit, lalong gustong manggulo.

“Books, notepads, a shirt…” Kinuha ni Mitchell ang baon ni Daniel na T-shirt na maayos na nakatupi sa loob ng kanyang bag sa loob ng isang plastic, saka binuksan.

“Please don’t,” hindi niya maiwasang sabihin. Regalo ng kanyang ina ang T-shirt na iyon.

“Well… You can kiss my ass…” Hinigit nito ang garter ng shorts at ipinasak doon ang T-shirt, saka ipinunas sa bahaging ayaw na niyang isipin kung ano. “How about that, nerd boy?” Ibinato ni Mitchell ang T-shirt sa kanyang mukha na agad niyang inalis.

Nagtawanan ang mga kaibigan ng lalaki, saka siya iniwan.

Tumayo si Daniel at iniwan na rin ang T-shirt doon. He was miserable in the Philippines. Naitanong niya sa sarili kung kailan mababago ang lahat. Baka sa susunod na sem, sabihin niya sa ina na lilipat na siya ng school. Of course, he couldn’t tell her about Mitchell. Ayaw niyang mag-alala ang ina. Iisip na lang siya ng ibang dahilan.

Pumasok na siya sa klase at nang uwian ay nakita si Mitchell sa parking area. He felt helpless when he saw that his driver was not there. Kinuha niya ang phone at nakitang may text message pala ang driver at sinabing male-late saglit dahil sa heavy traffic. Papatalikod na sana siya nang tawagin ni Mitchell.

“Hey, nerd boy.”

Napilitan si Daniel na humarap. Alam niyang kapag hindi niya pinansin si Mitchell, lalo siyang mapapasama. Ang ipahiya ito sa mga kaibigan? It was like death sentence. How he hated feeling like this. Tuwing umaga, ayaw na niyang pumasok, at kapag nasa eskuwelahan ay gusto nang umuwi. Well, there were still good moments, especially when he was with the chess team. There, he felt safe.

“You got any money?” tanong ni Mitchell.

May kaunting pera si Daniel, pero walang balak ibigay iyon kay Mitchell. Alam niyang kapag nakakuha ito sa kanya, madalas nang kukuha ang lalaki at baka hindi na tumigil. Ni hindi niya alam kung bakit nito kailangan niyon. Akala niya, may kaya sa buhay ang lalaki kaya doon nag-aaral. “Sorry, no. I have no money.”

Umismid si Mitchell. “I dont believe your lying ass. Hand over your wallet.”

“What is this, third grade?” sabi ni Daniel, nakaramdam ng galit. Hindi tama ang ginagawa ni Mitchell. Sana rin magkaroon ng kahit kaunting dignidad ang lalaki. Sa ganoong edad, krimen na ang ginagawa nito.

“Call it whatever you want. Just give me your wallet.”

Ayaw ni Daniel na ibigay iyon, pero pinahawakan siya ni Mitchell sa mga kaibigan, saka kinuha ang kanyang wallet. He took out his money. Ngiting-ngiti ang lalaki. “Thanks, mate. You know what will happen if you tell anyone, right?”

Hindi na lang siya umimik at tumalikod na, galit na galit. He wanted to cry because of anger and frustration. Kailan titigl ang mga bully sa buhay niya? Salamat at dumating na ang driver at nagmamadali na siyang sumakay sa kotse. Lalo siyang nagagalit, nagiging miserable sa pag-andar ng mga oras. How could he allow that to happen again? But then how could he have prevented it? Ayaw niyang masaktan. Kapag nakita ng kanyang ina, ano na lang ang mararamdaman nito? It was like reliving the nightmare. Siya na lang, huwag na ito.

Ilang scenario ang nilikha ni Daniel sa isip, kung paano masosolusyunan ang bagong problema sa school na parang palaki nang palaki sa bawat araw—si Mitchell. In the end, he could only think of one way—to tell his mother. But even that was not a guarantee. Ang pinakamaganda niyang gawin, ang maghintay. Apat na buwan na lang naman at matatapos na ang term. Next term, he would be in a different school.

Nang gabing iyon, sabay silang naghapunan na mag-ina. She was telling him about the facsinating souffl é but somehow, there was no mirth in her eyes. Bigla, sinabi nito, “I was thinking of going to France to study.”

“France? When?”

“Maybe in a few months.”

“Can I go, too?”

“I don’t think so. Saglit lang naman `yon, Danny. Ayokong matigil ang pag-aaral mo dito. Anyway, you can take care of yourself now.”

But I can’t, Mom. I still can’t. “Is there anything wrong?”

“No. I just want to learn from the best chefs.”

Tumango na lang si Daniel, lalong naging miserable ang pakiramdam. Wala siyang karapatang pigilan ang ina sa gustong gawin. Kuwento na rin nito sa kanya, maaga itong nag-asawa. She had him and so what right did he have to make himself her priority forever?

Pinagmasdan niya ang ina. May kakaiba rito. Walang spark sa mga mata nito, hindi tulad sa nakalipas na ilang linggo. “You can tell me if something’s bothering you, Mom.”

“I’m fine. Pagod lang ako sa school.”

Muli, tumango na lang si Daniel, hindi maalis sa isip kung ano ang mangyayari kapag wala ang ina sa bansa.

I hate this life , he thought.