noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 21

Ch. 22 / 26 Feb 05, 2022

A LAS-DOSE ng madaling-araw nang magising si Blanca sa isang masamang panaginip. Nagising siyang umiiyak. Sa panaginip, nalulunod siya sa isang lawa at tuwing magkakaroon ng pagkakataong iahon ang ulo sa tubig, makikita niyang sakay ng isang bangka si Daniel, nakatingin sa isang babaeng lumalangoy sa tubig. Hindi man nakikita ni Blanca ang babae, alam niyang si Miranda iyon. Tawag siya nang tawag kay Daniel, pero palagi siyang nalulunod sa tubig. Lulubog-lulutang. Parang si Daniel sa nakaraang ilang buwan.

Pangako ng lalaki ay babalik, pero hindi nito ginawa. Tumatawag lang ito sa kanya. May mga linggong madalas, may mga linggong madalang. Hanggang sa parang nagsawa na siyang abangan ang tawag nito. Ayaw niya ng pakiramdam na parang naghihintay lang siya.

Bumangon si Blanca at agad kinabahan. Naihi ba siya sa salawal? Hindi naman marami ang discharge, pero nararamdaman niya iyon. Pumasok siya sa banyo at nalaman na pumutok na ang kanyang panubigan, kahit sa isang linggo pa ang schedule niya ng panganganak.

“Yaya!” sigaw niya, nag-panic bigla. Wala siyang driver! Walang marunong sa mga tauhan na magmaneho. Hindi siya worried dahil next week pa naman ang schedule niya at next week pa niya kinontrata ang isang driver, just in case.

Dumating ang matanda at nang malamang pumutok na ang panubigan, agad itong napaantanda. “Diyos ko. Tara na sa ospital. Pero paano? Yolly! Yolly!” sigaw nito sa bintana.

Mabilis na tumapat sa shower si Blanca. Inasistehan siya ni Yaya Dahlia. Paglabas niya ng banyo, nandoon na ang lahat. Tulong-tulong ang lahat ng kababaihan para suotan siya ng damit.

“Pagputok naman ng panubigan, eh, ilang oras pa `yan bago lumabas. `Wag kang mag-alala. Makakaabot ka,” sabi ni Aling Yolly.

Sumakay na sila sa kotse. Si Blanca ang nagmaneho. Paspas ang kanyang patakbo. Napapaiyak siya sa stress, pero tinibayan niya ang loob.

“Lintek na Dan iyan!” sabi ni Aling Yolly. “Nasaan ang magaling na lalaki ganitong manganganak ang asawa?! Dalawang araw na pagbisita, naglaho nang parang bula?”

“Hindi ka nakakatulong!” singhal ni Yaya Dahlia na kapit na kapit sa handle. Katabi ito ni Blanca sa unahan, halatang kabado sa mabilis niyang patakbo. Salamat at wala na halos dumaraang sasakyan sa highway at malapit lang ang ospital. Nakaabot siya roon nang pawisan, pigil-pigil ang pagsigaw dahil nagsisimula nang humilab ang kanyang tiyan. Hindi niya iyon ipinahalata sa lahat dahil ayaw niyang magkaroon ng hysteria ang matatanda.

Naglakad pa siya papasok sa emergency room. Mas tensiyunado ang lahat kaysa sa kanya. Iniisip niya kanina na ilang oras pa bago magsimula ang contractions, pero naroon na iyon. Dinala na siya sa labor room. Inoorasan niya ang paghilab, tulad ng sabi ng doktor na nag-internal exam sa kanya.

Pitong oras bago dumating ang mga paghilab na hindi halos makaya ni Blanca. Kung nandoon lang si Daniel, malamang na lahat ng sama ng loob, naisumbat niya rito. Malamang na lahat ng hindi niya masabi noon, masasabi niya sa lalaki, kasama ang sampal at suntok. Inasahan na niya ang sakit, pero walang makakapaghanda sa kanya sa tindi niyon.

Galit siya sa mundo. Kahit sa mismong doktor na nagpapaanak sa kanya, masama na ang kanyang tingin. Ito kaya ang umire kahit nanghihina na at wala nang makuhang puwersa? Finally, she felt her baby come out. Napaiyak na lang si Blanca nang makita ang doktor na karga ang umiiyak na sanggol. Hindi siya matigil sa pag-iyak. Nang ipakarga sa kanya ng doktor ang sanggol, natawa siya, kasabay pa rin ng pag-iyak dahil naisip niyang napakapangit ng sanggol, pero ito pa rin ang pinakamagandang bagay na nakita niya sa buong mundo.

Hawak ni Blanca ang anak habang tinatahi ang kanyang balat at nililinis siya ng isang nurse. “Well, aren’t you the cutest thing in the world?” bulong niya. “Mama will be the best mama in the world and you will be the best baby ever.”

She could look at the little one all day. Tahimik lang ito. Kinuha sa kanya ang baby mayamaya para sa iba’t ibang tests. They were wheeled into a room. Kasama pa rin niya ang bata, nasa isang carrier sa tabi ng kanyang kama. She was exhausted, but she couldn’t stop looking at her baby.

Nang dumating ang nurse at itinanong kung ano ang pangalan ng bata, sinabi niya ang matagal nang naiplanong pangalan, “Samantha.” Pero mabilis na nagbago ang kanyang isip, “Make it ‘Samantha Conchita.’”

NANG makauwi si Blanca, nabigla siya nang makitang naghanda ang mga mananahi sa pangunguna ni Aling Yolly. Noon pa pala nag-ambagan ang mga ito para makabili ng cake at panghanda. Sinabitan ng dekorasyong papel at ilang mga lobo ang sala ng bahay. Bukod sa cake, mayroong pancit, caldereta, at lumpiang shanghai.

Biglang napaluha si Blanca. Para siyang nahabag sa anak dahil walang ama at ang mga kasama ay hindi kapamilya. Siya lang ang kapamilya nito doon at ang mga mananahi, halatang nakikisimpatya base na rin sa mga sinasabi. Kahapon, nang dalawin siya ni Aling Yolly sa ospital, sinabi nitong, “Aba, napakasuwerteng bata na maraming nagmamahal kahit walang ama.” Si Yaya Dahlia naman, sinabing, “Maganda iyang may anak ka. Hindi ka na nag-iisa.”

Bilang ina, masakit marinig iyon, pero ano ang magagawa ni Blanca kung wala siyang asawa at iniwan ni Daniel kahit ang anak nila matapos nitong mangakong babalik? He was probably enjoying his life in the States with his ex. Baka nga ikinasal na uli ang dalawa. Alam niyang mas madali ang magpakasal doon. Isa pa, naniniwala siyang hindi kailangan ng isang bata ang ama kung wala talaga. Ideally, two parents were better, but a lot of people had managed with just one. Siya nga, walang mga magulang noon. Of course, Mitchell didn’t turn well…

God, if people only knew how scared she was. Halu-halo ang kanyang emosyon. She screwed up with Mitchell. Hindi niya kayang magkamali na naman sa anak. Gagawin niya ang lahat ng makakaya para maging matino ang anak, pero hindi ibig sabihin na hindi siya kinakabahan.

Ipinuwesto ni Blanca sa crib ang sanggol. Naupo siya sa sofa. Pagod pa ang kanyang katawan. Hindi pa rin siya dapat kumilos nang husto at baka kung ano ang mangyari sa kanyang tahi.

“Naku, `wag kang mag-alala, Ma’am. Kahit naman wala si Sir Dan, nandito kami at mahal namin si Baby Sam,” sabi ni Guada.

“Totoo iyon, anak. Saka sino ba ang Dan na iyan, puro pakitang-gilas, ningas-kugon naman? Hitsura niya,” dagdag ni Yaya Dahlia.

“Hindi na siya makakahiram ng apo sa akin,” sabi ni Aling Yolly. “Hindi ko na siya gusto para sa `yo. Sa palagay ko, balang-araw, may darating namang bago. Iyong pogi na, mabait pa, saka hindi parang babaeng pabago-bago ng isip, hindi ba?”

Nagsipag-ayunan ang mga ito at isa-isang inilabas ang mga hinaing kay Daniel. It only made Blanca feel worse. Kahit ano kasi ang sabihin ng mga ito, wala namang mababago sa sitwasyon—Daniel did not choose their kid. Iyon naman ang inasahan niya noong una, pero sa loob lang ng dalawang araw, may tumubo palang pag-asa sa kanyang puso. Hindi siya naghahanap ng magiging ama ng anak sa katauhan ng ibang tao. Hindi siya tulad ng iba na naghahanap ng kapareha for the sake na magkaroon ng katuwang sa pagpapalaki sa bata. Ni hindi alam ni Blanca kung darating pa ang panahon na bubuksan niya ang puso sa iba. It seemed impossible at this point in her life.

Pinilit niyang kumain kahit wala siyang kagana-gana. Kailangan niyang magpalakas at mamaya raw, may monggo na maraming malunggay para sa kanya, makakatulong daw iyon sa pagpapagatas. Tumuloy na rin siya sa kuwarto at nahiga. Tulog si Baby Sam.

“It’s just you and me now, Sam. But we’ll make it.”