noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 4

Ch. 5 / 26 Feb 05, 2022

N AGLALAKAD si Daniel sa hallway nang matigilan. Makakasalubong niya si Sharon at nakatingin ang babae sa kanya kahit walang ngiti sa maganda nitong mukha. In fact, she seemed mad. Hindi ito masisi ni Daniel dahil sa nasabi niya noong nakaraan. He could only feel sorry for what he said, but not be able to bring himself to actually say he was.

Nilagpasan na lang niya ang babae nang walang salita at tumuloy sa library. Nakahinga siya nang maluwag, kahit nalungkot. He was such a moron. Napahawak siya sa noo, hindi alam kung ano ang iisipin. Sumasakit din ang kanyang ulo dala ng gutom. Mitchell took care of that earlier. Parang gago ang lalaki na pinitpit na naman ang pagkain niya. Gusto ni Daniel na bumili ng pagkain sa cafeteria, pero doon din tumuloy ang lalaki kanina. Now he was hungry and feeling like shit. Nangangati pa ang balat niya. Totoo ang sinabi ng doktor na nakaka-aggravate ng skin asthma ang stress.

“Hey.”

Biglang nag-angat ng tingin si Daniel at nakita si Sharon. Agad siyang kinabahan. “H-hey.”

“My friend told me she saw Mitchell and you earlier,” sabi ng babae.

“It’s nothing.”

“Is he bothering you? I can talk to him if you want. Or we can go to the dean of students.”

“No, it’s all right.” Alam ni Daniel na kapag nagpunta sila sa dean of students, ipapatawag niyon ang kanyang ina at ang ina ni Mitchell. That bastard would hate him more and make his life more miserable.

“Are you sure?”

“Yes. Thanks,” sabi niya.

Kinuha ni Sharon sa bag ang isang pack ng cracker at iniabot sa kanya. “Here.”

“No, it’s all right. But thanks,” tanggi niya.

“Take it.” Mukhang nainis ang babae.

Tumango na lang si Daniel at kinuha iyon.

Naupo ang babae sa kanyang harap at sinabi, “I hope I’m not making you feel uncomfortable.”

“I’m s-sorry about that. I’m… I’m… I’m not very good with words.”

“I know.” Ngumiti si Sharon. “It’s all right. So… may I interview you?”

Tumango na lang si Daniel. “But I don’t think the library is the best place for that.”

Tumawa ang babae, mahina, mahinhin. “Of course not. Maybe this weekend?”

“S-sure,” sagot niya, kinabahan. “W-where?”

“I was thinking to include photos in the article. Photos of your trophies. I heard you’ve won tournaments back in the States? I was thinking of taking photos of those. Maybe I can do the interview in your house?”

“Y-yes, of course.” Hindi pa man, excited na excited na si Daniel. Ganoon na lang ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

“Great then.” Tumayo na si Sharon, kinipkip ang mga libro. “By the way, all of my interviewees say that I make them feel comfortable and they end up saying more than they want to. So I hope I don’t make you feel uncomfortable then.”

Biglang nag-init ang mukha niya. “I’m s-sorry about that. I… I…”

“It’s all right,” salo nito, parang naintindihan na ang kanyang sinabi, hindi pa man. She smiled and turned her back.

Naiwan si Daniel na nakatingin lang sa likod ng babae hanggang sa makalabas ito ng library. He felt as if the clouds opened and the angels sang. Maybe the Philippines was not so bad, after all.

Lumipas ang maghapon na nakangiti lang si Daniel, nagpaplano kung ano ang ihahain kay Sharon sa interview. Maybe a cake. Baka-sakaling maka-request siya sa ina ng isa sa mga specialty cakes nito na hindi niya natitikman mula sa kahit saang store-bought cake. His mother was turning into an excellent pastry chef. For beverage, he would serve her sweet tea or other drinks that ladies like Sharon liked. Ang problema, hindi niya alam kung ano iyon. Ang naaalala niya mula sa Amerika, paborito ng mga babae roon ang mint julep, pero alcoholic iyon. When he realized he was putting so much thought into it, he felt ashamed. Interview ang sadya ni Sharon at hindi ang ma-impress sa kanya. But he couldn’t help himself. Magtatanong siya sa ina mamaya.

Nagmamadali na siyang nagpunta sa locker room. Mabilis ang kanyang kilos kahit isang oras pa bago matapos ang practice ng swim team. Ayaw niyang sumugal. Aminado siyang natatakot kay Mitchell. Iyon ang dahilan kaya alam niya ang schedule nito, para alam niya kung kailan pupunta sa locker room.

Kinuha na ni Daniel ang mga gamit sa locker room nang marinig na may nag-uusap sa likuran ng mga locker.

“Problema, bro?” sabi ng isang boses ng lalaki.

“It’s nothing.”

Hindi puwedeng maipagkamali ni Daniel ang boses ni Mitchell. Aalis na sana siya, pero may narinig siyang mga boses na papalapit. He did not even think, he just automatically stepped inside his locker and closed the door. He had never felt more miserable his entire life. Nanliliit si Daniel na ganoon siya kaduwag, na ganoon kahina. But he was already inside the locker. Reflex action iyon, hindi niya nagawang makapag-isip. Parang noong panahong buhay pa si Johnny at reflex action niya ang magtago kapag mainit ang ulo nito. Hindi niya mabilang kung ilang ulit siyang nagtago sa loob ng closet noong bata pa, mula na rin sa turo ng kanyang ina. Kapag lasing si Johnny o mainit ang ulo, mas magandang huwag na siyang magpakita pa rito. He remembered a time when he found food in the closet, inilalagay roon ng kanyang ina. When Johnny had his rage fits, the man did not even bother to ask where he was.

Kaya ngayon, sa loob ng locker, nagagalit si Daniel sa sarili na dala niya ang takot, ang kahinaan. He was pathetic.

Nawala na mayamaya ang mga boses, pero lumipat sa harap ng locker niya si Mitchell at ang isang kasamahan nito sa swim team. Even his breathing was calculated. Ayaw na niyang ma-imagine kung ano ang gagawin sa kanya ng lalaki kapag nalamang nasa loob siya ng locker.

“So your sister found out you took the nerd’s money?”

“Yeah.” Tumawa si Mitchell. “She saw I have some money and so she asked and I told her. It’s cool. Don’t worry about it. Ate is the best.”

“Ano’ng sabi?”

Tumawa si Mitchell. “Sabi lang `wag daw akong papahuli kung hindi, lagot ako sa kanya.”

“She’s cool.”

Mariin ang pagkakakuyom ng kamay ni Daniel sa loob ng locker. Nakaramdam siya ng matinding galit para sa isang taong ni hindi pa nakikilala. How could an older sister encourage bullying?

Nagpaalaman na ang dalawang lalaki at mayamaya, nakita ni Daniel ang mga ito na umalis na rin. Naghintay pa siya ng ilang sandali bago lumabas ng locker. Tuloy-tuloy siya sa parking area. Inip na ang driver.

“Saan ka ba nagsuot?” tanong nito.

“Pasensiya na po, Manong, medyo may inayos lang ako.” Hinding-hindi niya sasabihin sa kahit na sino ang sitwasyon. He could handle it. He only needed to stay away. Hindi naman matagal ang apat na buwan. But then leaving the school meant leaving Sharon as well.

Biglang nakaramdam si Daniel ng kung anong lungkot. At galit. His life was being turned upside down just because of an asshole. Saka na lang niya poproblemahin iyon.

Nang makarating sa bahay, naabutan niya roon ang ina. Sa nakaraang linggo, madalas itong nasa bahay lang.

“You didn’t go to your class, Mom?” tanong niya.

“Must be some virus I caught. I feel weak. How are you?”

“You need to see a doctor.”

“I’m fine. How are you?”

“I’m okay.” Biglang napangiti si Daniel nang maalala si Sharon. “Mom, can you make one of your tasty cakes for Saturday?”

“Sure. What’s happening on Saturday?”

“Well…” Nag-init ang kanyang mukha. “The editor of the school paper wants to interview me and take some photos of my trophies from the chess tournaments.”

“Oh, that’s wonderful. Of course I will make a cake.” Ngumiti ito, pero parang hindi umabot sa mga mata. Naisip niya na baka nga masama lang ang pakiramdam nito.

“But only if you feel well, okay?”

“Don’t worry about me. I always feel well. Come, tell me about your day.”

He did. Hindi na lang sinabi ni Daniel na halos kalahating oras siyang nagtiis sa loob ng locker room habang pinakikinggan ang mga nambu-bully sa kanya sa labas.

“GIVE it.”

Naisip ni Daniel na kung mas malaki lang siguro siya kay Mitchell, iyon na ang tamang pagkakataon para maipagtanggol niya ang sarili. Walang ibang kasama sa parking area ang lalaki. Wala ang mga kabarkada nito. Pero alam niya na wala siyang laban dito. Isa pa, alam niyang kung sa anong milagro ay manalo siya sa isang one-on-one, lalo lang siyang mapapasama sa mga susunod na araw. Wala sa personalidad ni Mitchell ang biglang magpapatawad at palalagpasin ang ganoong bagay. Daniel knew Mitchell’s kind very well. Ilang taon niyang pinagdaanan si Johnny kaya alam na niya.

Napilitan siyang ibigay kay Mitchell ang bag. Hiling niyang huwag nitong makita ang perang inipit niya sa libro, pero may utak din pala ang lalaki. Dahil nang hindi nito nakita ang pera sa wallet, para itong pulis na naghanap sa bag. He found a one thousand peso bill inserted in the pages of his book.

Nakangiting tinapik ni Mitchell ng hintuturo ang sentido. “I’m one step ahead of you, nerd.”

“What the hell is going on here?”

Napatingin si Daniel sa nagsalita. Isang babae na maiisip sana niyang nag-aaral din sa school na iyon, pero hindi ito naka-uniform. She was probably older then him by a year or two, which made him wonder how she could talk with authority. Mas malaki si Mitchell sa babae. Sa loob ng ilang sandali, kinabahan si Daniel na baka bastusin ni Mitchell ang babae. Naisip niyang nakita ng babae ang lahat kaya ito nag-react. Mataas ang respeto niya sa mga babae. It was his own mother who stood up against Johnny, a man three times her size. At ngayon, isa ring babae ang mukhang hindi natutuwa sa ginawa ni Mitchell.

Lumapit ang babae sa kanila, inagaw ang kanyang bag kay Mitchell, kinuha ang pera niya mula sa kamay ng lalaki. Napansin ni Daniel na parang takot si Mitchell. Pinagpapawisan ito, maputla ang mukha.

“I think these are yours,” sabi ng babae sa kanya, hawak ang pera at bag.

Tumango si Daniel at kinuha ang mga iyon. “Thanks.”

“Go now.”

Tumango siya at tumalikod na. Pero narinig niya ang usapan ng dalawa. “Ate, ano’ng ginagawa mo dito?” May takot sa boses ni Mitchell.

“What did I tell you, Mitch? Don’t get caught. If this is your hustle, you’re doing a terrible job. That boy can tell his folks and you might get in trouble. If I can catch you, somebody else can as well. Be smarter, you hear me?”

So the woman was Mitchell’s sister. Mabilis ding na-realize ni Daniel na imbes na pagsabihan ang kapatid na masama ang ginagawa nito, ang ginawa lang ng babae ay ang pagsabihan ang kapatid na huwag magpapahuli at galingan pa ang pambu-bully sa susunod. They were both assholes.

Tumuloy na siya sa sasakyan at umuwi na sila ng driver. At least he got his money back. Naabutan niya sa kusina ang ina na nagbe-bake ng cake.

“Are you all right?” tanong ni Daniel. Hindi nakaligtas sa kanya ang pangingitim ng palibot ng mga mata nito, isang bagay na nakakapagtaka dahil maaga itong pumasok sa kuwarto kagabi.

“I’m fine, honey. How was your day?”

“All good.”

“Tuloy ba bukas?”

“Yes.” Napangiti na si Daniel. “Nakausap ko si Sharon kanina—”

“Sharon? Oh, what do we have here?” Lumapad ang pagkakangiti ng kanyang ina. “Sharon? Is she pretty?” Nagkaroon ng kung anong tonong pakanta ang boses nito.

“Come on, Mom.” Kung bakit nag-iinit ang buong mukha niya. “It’s nothing like that. But yes, she is very pretty. But it’s not like that.”

“Not like what? Wala naman akong sinasabi, ah.”

Napakamot sa ulo si Daniel. Hindi na siya nagsalita. Mukhang mauuwi sa umaatikabong tuksuhan kapag nagpatuloy pa siya. Pinaupo siya ng ina sa stool at sinabing mag-uusap sila. Nang maisalang ang cake sa oven, agad itong nagtanong ng mga bagay tungkol kay Sharon.

He found himself telling her about everything. Kahit ang nakakahiyang engkuwentro nila ni Sharon kung saan sinabi niya sa babae na hindi siya komportable rito. Tawa nang tawa ang kanyang ina, saka hinaplos ang pisngi niya.

“I do believe my son is in love.”

“I’m not, come on, Mom.”

Humagikgik ito. “Oh, how sweet young love is.”

Hindi na naproseso ng isip niya ang mga isipin at sinabi, “Was my father your young love?”

Nabura ang ngiti ng kanyang ina, pero sumagot din. “Yes, actually.”

“Nagkita na ba uli kayo?”

“No. Not in person.”

“Not in person?”

“I mean… only in my dreams. More like nightmares. Oh.” Bigla nitong natutop ang noo, halatang may nasabing hindi gusto. “I don’t want you to meet him.”

“But I do have a right to at least know his name.”

“I agree. You have every right. But I’m not ready for you to find him. And you will. We both know you will.”

“Can you tell me why you don’t want him to meet me? Does he even know I exist?”

“I told him I was pregnant back then.” Bumuntong-hininga ang kanyang ina. “May pamilya siyang tao, Daniel. He has many children. You have a lot of sisters and brothers. Older ones, and probably younger ones as well.”

“Will you ever tell me? I deserve to know.”

“I will tell you. Just not now.”

Napabuntong-hininga si Daniel. Hindi lang miminsan niyang ginustong mainis sa ina, pero sa huli, hindi niya magawa. Alam niyang hindi nito itatago ang impormasyon sa kanya kung walang mabigat na dahilan. Now he knew. Bigla ring nawala ang kanyang pangarap na makilala ang totoong ama. The truth, at last—his father was married, and his mother was his mistress. He felt sorry for his mother. It was as if she could never catch a break. She fell in love with a married man and married a monster. Her own mother left her for dead. She deserved a better life. Ngayon lang nito nakukuha iyon, kahit paano. He vowed to be the best son he could be. His mother deserved no less.