noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 23

Ch. 24 / 26 Feb 05, 2022

I ’M THE dumbest person in the world. Gustong iuntog ni Daniel ang ulo sa kung saan. What the hell was wrong with him? Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon. This whole thing was bringing out the worst in him. He felt like shit. He was shit. He was surprised Blanca did not tell him to take a hike.

Sa huling ilang buwan, para siyang nasa pressure cooker. He was struggling to find a way to handle it all. May mga oras na parang nalulunod siya. Nang bumalik siya sa Amerika bago manganak si Blanca, kinailangan niyang gawin para kay Miranda. She tried to kill herself again. Sinesante niya ang nurse nito. Galit na galit siya. Ibinangga ng babae ang sasakyan. Kahit ang mga rescuer, sinabing himala na nabuhay pa si Miranda.

She was in intensive care. Paano niya ito maiiwan? Hanggang sa makapanganak si Blanca, nasa ospital pa rin si Miranda. Umuwi siya saglit kay Blanca para makita ang anak nila at bumalik uli sa Amerika. Nagpapakita ng progress si Miranda. Nagagalit siya sa sitwasyon, sa mga kamag-anak nito. They all didn’t want to take any responsibility.

Miranda went through a series of operations. Mahirap itong pagmasdan sa ganoong kalagayan. She was still the woman he once vowed to take care of forever and she seemed to have lost all energy to live.

Nakalabas ng ospital ang babae may isang buwan na ang nakararaan. She pushed him away. Galit ito sa sarili na kahit daw ang pagpapakamatay ay hindi pa magawa nang tama. He tried to make her see she was someone with value, that he cared about her dearly.

Bumalik uli si Daniel sa Pilipinas dahil hindi rin niya kayang tiisin na hindi makita ang kanyang mag-ina. But then he had to once again come back to the States for Miranda. Parang nabuhayan siya ng loob nang makitang nagkaroon ito ng sigla. He observed her more, trying to see if she would change. Noong nakaraang linggo, nalaman niya ang nangyari habang nasa Pilipinas siya nang sabihin sa kanya ni Carlo ang lahat. Apparently, the two got together somehow. Ayaw aminin sa kanya ni Miranda ang lahat dahil napakabata raw ni Carlo para dito. However, Carlo managed to make Miranda take her pills. Mukha ring masaya si Miranda sa bago nitong psychiatrist.

Nang malaman iyon ni Daniel, wala siyang naramdamang kahit na anong galit kay Carlo, na iniisip pala nito kaya hindi agad sinabi sa kanya ang lahat. After all, he was still Miranda’s ex-husband. Kung alam lang ng lalaki, natuwa siya. He felt as if a burden had been taken off his shoulders. Hindi naman sa iniisip niyang nagiging burden si Miranda, pero gusto niyang makasama ang kanyang mag-ina.

So he left them. Carlo promised to take care of Miranda. It was a May-December love affair, but it was something that Miranda and Carlo seemed to cherish. Habang siya ngayon, nagpipilit na panghawakan ang inabutang sitwasyon sa Pilipinas.

Gustong mainis ni Daniel sa mga mananahi na halatang inis sa kanya kanina. Dahil hindi man lang sinabi ng mga ito ang nangyayari kahit maya’t maya siyang tumatawag at nagbi-video call pa. Naramdaman naman niya ang inis ng mga ito sa kanya noon pa, pero sana, may isang nagkuwento man lang na nakikipag-date na pala si Blanca. Hindi niya alam kung may nagawa sana siya, pero siguro, kahit paano, hindi siya na-overwhelm. Siguro, napaghandaan niya ang magiging reaksiyon pagkakita kay Blanca. Pero para siyang tanga na nagalit, nag-demand ng mga bagay na wala siyang karapatang i-demand. He behaved arrogantly. Stupidly and arrogantly. And now, he couldn’t forgive himself for the stupidity.

Pero paano nangyaring may iba na si Blanca? Hindi iyon matanggap ni Daniel. Dumaan sa isip niya ang posibilidad, pero tuwing maiisip iyon, palagi niyang hindi pinagtutuunan ng pansin. They had a baby. Naisip ni Daniel na siguro, hindi pa naman maiisip ni Blanca ang paglabas-labas kasama ang iba dahil sa anak. How wrong was he.

Hindi na halos siya nakatulog. Napapaidlip pa lang, narinig na niya ang kaluskos ni Nanay Dahlia. Mabait ang matanda sa kanya—noon. Kahapon, parang pinagtulungan siya ng mga mananahi at sa mismong harap pa niya nag-usap tungkol sa kung gaano raw kabait at kaguwapo ang Edward Ting na iyon. Bagay na bagay raw kay Blanca. He silently looked up the man and found that the guy was indeed loaded. He looked decent, educated. Hindi niya alam kung guwapo ito… Ah, shit, who the hell was he kidding? Of course the man looked good. Kaya nga gusto niya itong suntukin.

“Good morning po, `Nay,” bati niya sa matanda.

“O, gising ka na pala. Anong oras nakauwi si Blanca?”

“Ala-una po.”

Biglang ngumiti si Nanay Dahlia. “Naku, siguro nag-enjoy nang husto sa paglabas nila ni Edward. Bagay talaga sila. Ang guwapo-guwapo ng lalaking `yon! Nauubusan nga lang ako ng Ingles kapag kausap ko. Hindi kasi marunong mag-Tagalog. Pero guwapo talaga.”

“Mukha pong babae,” sabi ni Daniel bago pa mapigilan ang sarili.

“Nakita mo ba? Inihatid ba siya?”

“Hindi po. Hindi siguro gentleman.”

“Sus, hindi na uso ang ganoon ngayon na ihahatid. Iyong iba nga, iniiwan pa ang mag-ina, eh, hindi ba, Dan?”

Nanliit siya. “Hindi ko naman po iniwan ang mag-ina ko. Kailangan ko lang pong asikasuhin ang ilang mga bagay sa Amerika.”

“Ah, ganoon ba? Mas mahalaga ang mga inaasikaso mo sa Amerika kaysa sa mag-ina mo? Kunsabagay, ano ba’ng alam ko sa ganyan, ano? Ako kasi, eh, tumanda sa ibang panahon. Noong panahon ko, hindi uso ang ganyang iwanan, malibang OFW. Kunsabagay, hindi ka naman asawa ni Blanca.”

Hindi na lang umimik si Daniel. Paano ba niya masisisi ang matanda kung parang ina na rin ito ni Blanca? Iba rin ang pananaw nito. Si Nanay Dahlia na mismo ang nagsabi, iba ang panahon noon sa panahon ngayon. He just wished they would give him a break.

Right. Give you a break. For what? He did not know either. Mali ba na pinili niyang unahin si Miranda? Miranda had a lot more pressing needs, that was how he saw the whole situation. Baka mali siya. Hindi niya alam. Kung minsan, nahihirapan na siyang isipin kung ano ba ang tama. It seemed he had been doing wrong things for a while now. Kahit ang mga lumalabas sa bibig niyang salita, mali-mali rin at lalong nakakapagpasama ng dating niya.

Nagkape na si Daniel. Hindi tulad noon na inaasikaso siya ni Nanay Dahlia, ngayon, siya na mismo ang nagtimpla ng kanyang kape.

“Bukas ba ang alis mo?” tanong ng matanda.

“Hindi po. Hindi po ako aalis.”

Pinagmasdan siya nito, nakataas nang bahagya ang kilay. “Hmm. Makikita natin.”

Gustong sabihin ni Daniel na totoo, na nangangako siyang hindi na aalis, pero naisip din niyang walang halaga ang mga salita. He needed to show them all. It was weird, too. This whole thing was weird. Hindi niya alam kung ano ang magiging desisyon ni Blanca. Hindi sila, pero doon siya nakatira. Nakikipag-date ito sa iba, pero pinapayagan siya nitong doon matulog sa bahay. Granted, hindi sa kuwarto nito, pero sa ilalim pa rin ng iisang bubong. Hindi na nakapagtatakang hindi rin alam ni Nanay Dahlia kung paano magre-react. Ano ba siya?

“Hala, kunin mo ang anak mo at kailangang maarawan ng bata.”

Tumango siya at pumasok sa kuwarto ni Blanca. Tulog pa ang babae. Kinarga niya ang anak. She was so tiny in his arms. May pagkurot sa puso niya. How he wished he had been with her in the past months, but now, he was going to be there always. Hanggang sa paglaki nito.

Dinala ni Daniel ang anak sa labas para maarawan. She cooed but still asleep.

“You are Papa’s little angel, Samantha Conchita,” sabi niya, binabaha ng kasiyahan ang dibdib. Hindi pa niya napapasalamatan si Blanca sa pagsusunod ng pangalan ng kanilang anak sa kanyang ina. Muntik na siyang maiyak nang makita ang birth certificate ng bata na kinailangan niyang pirmahan. “You will grow up to be the best person in the world.”

Naupo siya sa isang bangkito. Nagising na si Baby Sam at parang gusto siyang batiin ng good morning sa ngiti nito. Iniupo niya ito sa kandungan. Ang bilis-bilis lumaki ni Baby Sam. Kahapon, nakita rin niya kung gaano ito kabilis kung gumapang. Dumating si Digna na may dalang feeding bottle. Naka-freeze ang breast milk ni Blanca at palaging may supply si Baby Sam, kahit pa kumakain na ang bata ng baby food.

Ipinasok na rin ni Daniel ang anak mayamaya. Malaking bahagi ng sala ang pinalagyan ni Blanca ng foam para gapangan ng kanilang anak. Nandoon ang lahat ng laruan nito na tapos na ngayong i-disinfect ng yaya. Naglaro silang mag-ama. Sam was a very smart kid. Kahit hindi naging madalas ang pagkikita nila noon, hindi siya nito nakakalimutan at hinding-hindi umiyak kapag kinukuha niya sa yaya, isang bagay na kakaiba raw, sabi ni Aling Yolly.

Mayamaya, may dala nang baby food si Digna. Si Daniel na ang nagpakain sa anak. Tawa siya nang tawa sa sobrang tuwa kay Baby Sam. She was eating like a person, a little actual person. May bahagi pa rin niya ang hindi makapaniwala.

“Napakabiba niyang anak mo,” sabi ni Nanay Dahlia.

“Mana po sa ina,” sabi niya.

“Tumpak. `Ku, sana palagi kang nandito at nang mas masanay sa `yo. Mabilis lumaki ang mga bata. Kamukat-mukat mo, high school na. Ang susunod mong malalaman, may boyfriend na. Kapag minalas-malas ka, uuwi pang buntis.”

Na-imagine ni Daniel ang lahat ng sinabi ng matanda at na-realize na kaya pala niyang mambugbog ng tao kung ganoon ang gagawin sa kanyang anak. If some punk would come home with Baby Sam, he would lose it.

Nang maiwan silang mag-ama sa sala, ipinuwesto niya ang anak sa kanyang harap. “We need to talk, Samantha Conchita. I have something important to tell you. You need to listen to me.”

“Brrr…” sabi nito, nakangiti, nakatingin sa kanya.

Hindi alam ni Daniel kung naiintindihan na siya ng anak, malamang na hindi, pero natagpuan niya ang sariling pinapangaralan ito. “You heard what Nanay Dahlia said about having boyfriends? No.”

“Eehh-eeh-aaah-aaah!” sabi ng bata. Ayaw nitong tumigil, sige sa pagsasalita. Noon lang niya ito nakitang nagsalita ng ganoon kahaba, kung salita mang maituturing ang mga tunog na mula sa mga labi nito. Para itong nakikipagdebate, kumukumpas pa ang mga kamay, parang may ipinaglalaban.

“Oh, you don’t like my rules?”

“Eehh-eeh-aaah-aaah!” Tuloy-tuloy na naman si Baby Sam.

“But you have to listen to me. Fathers know best. You are not allowed to have a boyfriend until you finish your doctorate.”

Biglang tumawa ang bata, parang pinagtawanan ang idea ni Daniel. Curious na curious siyang bigla rito. Could they really understand at that age? Binuhat niya si Baby Sam, itinaas sa kanyang tapat, pinagmasdan.

“Now you listen to me, little girl. I will not allow you to have a boyfriend before you hit thirty, are we clear?”

Nalukot ang mukha ni Baby Sam. Napanganga si Daniel. Pero agad ding naintindihan kung bakit nalukot ang mukha ng bata nang umalingasaw ang amoy na nagmumula sa diaper nito.

“She’s just saying your opinion is crap.”

Napalingon si Daniel at nakita si Blanca. “Ah, the dating mother is awake.”

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng babae at bigla, gusto na namang mabuwisit ni Daniel sa sarili. Why couldn’t he just let it go? Dumating ang yaya at kinuha si Baby Sam para palitan ng diaper. Naiwan sina Daniel at Blanca sa sala. Tumuloy sa kusina ang babae at nagtimpla ng kape.

“Blanca—”

“Let me have some coffee first before I deal with your BS.”

“I’m sorry.”

“Say what?”

“I’m sorry. Wala ako sa lugar. I was just taken by surprise.”

“Surprise? Inasahan mong hindi na ako makikipag-date kahit kailan?”

“No. Hindi ko lang inasahan na makikipag-date ka agad.” Damn. He really should learn to keep his mouth shut.

“Agad? You’re—”

“I’m sorry. I always say the wrong things. It’s almost as if I don’t even know how to communicate anymore. I apologize, Blanca. Of course, you can date.”

“Oh, geez, thanks.”

“You know what I mean.”

Wala na itong ibang sinabi pa. Napabuntong-hininga si Blanca at nagtimpla ng kape para sa sarili, saka naghain para sa kanilang dalawa.

Tumingin si Daniel sa babae. Mukhang malalim ang iniisip nito. He wondered a lot of things about her. He wondered if she was in love. The possibility that she might be sent daggers into his heart.

KUNG may isang magaling mang-inis sa lahat ng mananahi, iyon ay ang Yolly-Guada tandem. Parang may pinagkasunduan ang dalawa sa pagpaparinig kay Daniel tungkol kay Edward, isang bagay na hindi alam ni Blanca kung ikatutuwa o ikaiinis. Parang gustong palabasin ng mga ito na kailangang kabahan ni Daniel. Parang gustong ipamukha ng dalawa na may iba na siya.

Nakilala na ng mga ito si Edward dahil sa ikalawa nilang paglabas, sa Tagaytay sila nagpunta kaya dumaan sa factory ang lalaki. Occular inspection na rin dahil kailangan din nitong makita ang patahian. Maganda ang pagtanggap sa Singapore ng mga produkto ni Blanca. Ie-extend ni Edward ang kontrata. It was going to be a two-year contract. Magdadagdag pa si Blanca ng dalawang makina, bukod sa dalawang naidagdag na niya. Maybe later, if business got bigger, she would have to build an extension. Mabuti na lang at malaki-laki ang nabili niyang lupa.

“ Oppa na oppa talaga si Sir Edward. Muntik nang umangal ang matris ko. Paano naman, palaging si Ma’am ang nakakadale ng mga guwapo,” hirit ni Guada.

“Ganyan talaga kapag maganda,” gatong ni Aling Yolly.

“Tumigil nga kayong dalawa,” sabi ni Yaya Dahlia. Parang ito ang unang gustong bumaligtad sa samahan—samahan ng mga asar kay Daniel.

Umalis na si Blanca bago pa kung saan mauwi ang usapan. Baka mamaya, maging topic na naman ang putukan at wala siyang masasabi dahil wala namang nangyari sa kanila ni Edward. Ni hindi nga sila nakapag-holding hands.

Tulog si Baby Sam kaya nagpunta na lang siya sa sala, balak mag-design ng bagong produkto para sa BSC. Sumunod sa kanya si Daniel.

“Hey.”

“Hey,” sabi niya. Hindi na siya asar sa sinabi nito noong isang araw. Pagdating kay Daniel, mabilis mawala ang inis ni Blanca. He apologized, she accepted.

“How have you been?”

“I’ve been great.”

“I’m glad to hear. So… Edward, huh?”

“Oh, please. Ayokong makipag-away.”

“Hindi ako makikipag-away. Gusto ko lang magtanong. How is it?”

“How is what?”

“Your relationship with him. Is he treating you well?”

“Mabait siya, down-to-earth.”

“Does he like our Sam?”

“Of course, he does. Follower nga siya ni Sam sa Instagram. He adores her.”

Ngumiti si Daniel. “No surprise there. Meron bang taong hindi matutuwa kay Sam?”

Natawa si Blanca. “Exactly. So, how long are you staying this time?”

“For good.”

Nagulat siya. Hindi niya iyon inaasahan. “For good? How about your farm?”

“Babalik ako doon, pero hindi na tulad ng dati. I want to be here for Samantha. Masyado akong nag-extend sa absence ko sa buhay niya. I don’t want her to grow up without me. I grew up without a father, I don’t want my baby to experience the same thing.”

“How is Miranda?”

“She’s doing well, thank God.”

“Thank God?”

“She was in an accident. Kaya ako hindi nakaalis agad.”

“Tell me about it.” She wanted to know. Ayaw magtanong ni Blanca. Ano ba ang pakialam niya roon? Pero gusto niyang malaman. Ayaw niyang manghula. Ayaw niyang base sa mga hula, saka niya tatantiyahin kung hanggang kailan mag-i-stay si Daniel sa buhay nila ni Baby Sam.

“Before you gave birth to Sam, she met an accident. She’s like Mom. She has depression. So, actually… Well, let’s say the accident was not really an accident. But she survived it. She needed a series of operations. There was a time when she was on life support. I couldn’t leave. No one from her family wanted to help fully. I mean, they will be there but not really there, if you understand what I mean.”

“I’m sorry to hear.” Na-guilty si Blanca. All this time, she pictured them being sweet, enjoying each other. Iyon pala, nasa ospital ang babae at nasa life support.

“At least now she’s well. She is in my house with Carlo. He takes care of her now as he takes care of the farm.”

“Carlo?”

“The guy you talked to before.”

“Oh. He’s there?”

“Yes. I had to take him. Good guy. I think he wanted to leave the farm, find a place for him and Miranda, but I told him to stay.”

“Wait, what? Are they together?”

“Yes. I found out recently. Hindi na ako nag-aalala kay Miranda. At least now she has someone. Besides, Carlo makes her want to take her medicines. It’s a process. She needs to take it for at least a year and then see from there if there will be changes, that’s what the psychiatrist said.”

Hindi nakapagsalita si Blanca. Ano ang sasabihin niya?

“How about you? What you have with Edward, is it serious?” tanong ni Daniel.

Bago pa nakasagot si Blanca, nag-ring na ang kanyang phone. It was Edward. Mukhang nabasa ni Daniel ang pangalan sa screen. Tumango ito at tumayo, saka tumalikod. Wala sa sariling sinagot ni Blanca ang phone. Tungkol sa negosyo ang naging usapan nila ni Edward. Nang matapos, hinanap niya si Daniel. Nasa patahian ito. Naghintay siya hanggang gumabi, pero hindi na nito inulit ang tanong. Sayang. Dahil gusto niyang sabihing walang sila ni Edward. But then she realized it did not really matter.