noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 19

Ch. 20 / 26 Feb 05, 2022

“M A’AM Blanca! Ma’am Blanca! Diyos ko, Ma’am!”

Kung anong takot ang gumapang sa dibdib ni Blanca nang makita si Aling Yolly na humahangos. Nasa kusina siya at tumutulong sa paggagayat ng iluluto para sa pananghalian. Nitong nakaraang buwan, nakatuwaan niyang mag-aral magluto dahil na rin sa sariling katakawan mula sa paglilihi. Kamias na isasahog sa alamang ang kanyang ginagayat. Hindi niya binitiwan ang kutsilyo dala ng takot. May nakapasok bang masamang-loob o ano?

“Ano’ng nangyayari?” tanong ni Yaya Dahlia.

Lumunok muna si Aling Yolly, saka sinabi, “Kuwan, Blanca, hindi ko nabanggit sa `yo, pero tumawag kasi sa akin si Sir Dan noong nakaraan. Kuwan, nabanggit ko kung saan tayo nandoon. Akala ko naman, eh, hindi pupunta. Pero nandiyan sa labas. Kadarating lang. Ano, sasabihin ko bang wala ka? Dito ka muna, `wag ka munang lalabas!”

“Okay lang, Aling Yolly. Nakapag-usap na kami sa Palawan.”

Napanganga ang matandang babae. Ilang saglit bago nito sinabi sa paraang tampong-tampo, “At hindi mo man lang sinabi sa amin?”

Hindi alam ni Blanca kung paano magre-react. Hindi niya alam na ganoon pala ka-invested si Aling Yolly sa kanila ni Daniel. Siguro ay hindi na rin niya dapat na ikapagtaka. Everyone fell in love with Daniel. Hindi lang siya. Iyon siguro ang mas masakit. Hindi rin niya puwedeng sabihin sa iba ang buong kuwento. Kahit si Yaya Dahlia na noon pa ay nasa kanila na ni Mitchell, walang alam sa totoong nangyari noong gabing tawagan siya ni Mitchell na may problema kay Sharon.

Para sa lahat, isang mabait at mabuting tao si Daniel. He was a prize catch for most. They were not able to see the vindictive side of the man; a very dark, vindictive side. Kahit ngayong naaalala iyon ni Blanca, may bahagi niyang hindi pa rin matanggap iyon. Feelings. Feelings were strange things and they lingered even if they were not welcome anymore.

Nainis si Blanca sa sarili na gusto niyang magpalit ng damit matapos mag-shower pero ayaw niyang maisip ni Daniel na pinaghahandaan niya ito. Hindi pa siya naliligo at kanina pa pawisan. Kahit malamig sa lugar na iyon kumpara sa Maynila at hindi siya pawisin, dahil sa pagbubuntis, naging mala-steam bath ang paligid.

“Good morning,” bati ni Daniel, may nag-aalangang ngiti sa guwapong mukha.

Tumango lang si Blanca. Si Aling Yolly na parang gustong mag-sorry ang reaksiyon at parang hindi nakatiis, nag-sorry nga ito.

“Pagpasensiyahan mo na at buntis, alam mo na, medyo mataray. Ito nga pala si Dahlia. Siya ang pinaka-senior sa amin dito. Siya iyong nagbakasyon noon kaya hindi mo nakilala. Ang tagal kasing nawala niyan, eh. Nag-almusal ka na ba, Sir Dan? Naku, ang mabuti pa kumain ka na muna. Dahlia, ano ba ang almusal mo diyan?”

Mabuti na lang at hindi naaatat si Yaya Dahlia. Ito lang kasi ang hindi naabutan si Daniel noon kaya siguro mas pinili ng matanda na makiramdam muna. Bahagya siyang tumango rito. Walang masama kung pakakainin ang bisita.

Naghain ang dalawang matanda para sa dalawa. Hindi na tumanggi si Blanca dahil sa totoo lang, natakam na naman siya nang makita ang danggit. Iniwan na sila ng dalawang matanda mayamaya, kahit naghintay muna ng go signal niya si Yaya Dahlia bago sumunod kay Aling Yolly.

“Nice place you have here,” sabi ni Daniel.

“Talaga? Gusto mo rin bang kunin?”

“I come in peace, Blanca.”

“Do you want me to roll out a red carpet?”

Bumuntong-hininga ang lalaki. “I’m sorry. For everything. I told you my reasons.”

“And they’re all bullshit.”

“You think so, huh?” Nagsalubong ang mga kilay nito, halatang tutol sa kanyang sinabi. Wala siyang pakialam. Ilang taon siya nang mangyari ang lahat ng iyon? Twenty-one. Ano ang alam ng isang twenty-one years old? That age was barely legal. Daniel did all his revenge bullshit as an adult who should have known better. Pinagplanuhan nito ang gagawin, kabaligtaran ng ginawa niya noon—wala siyang naging oras para mag-isip, para magdesisyon nang may malinaw at klarong katinuan.

“They’re bullshit,” ulit ni Blanca. Sino ang tinakot nito? He had nothing on her now. Nakuha na nito ang lahat ng iyon. Hindi nito makukuha ang kanyang anak. Drake promised her that as well. Una niyang ginawa pagbalik sa Maynila ay ang istorbohin ang mga bagong kasal. Drake did not mind, Helen as well.

Hindi umimik si Daniel, pero halatang apektado sa sinabi niya. Hinayaan niya itong magbabad sa pait. That was who he was, a bitter person. He had every right to be. Ang issue ay ang ginawa nito. It didn’t make him a better person. Pero siguro, wala namang balak ang lalaki na maging ganoon, lalo na kung matagal nitong pinagplanuhan ang lahat.

Humirit uli si Blanca. “Kung minsan, naitatanong ko sa sarili ko kung mapa-flatter ba ako na sa loob ng mahabang panahon, walang naging laman ang isip mo kundi ako lang—ako at si Mitchell, kung paano kami gagantihan. Ang sabi mo boring kang tao. Siguro nga. Dahil inubos mo ang oras mo sa pagpaplano ng pagbagsak ng iba. Do you know how sick you are?”

“I recognize it now, yes,” sagot ng lalaki.

“And it doesn’t scare you?”

“In a way, it does. In another, it made me get to know myself a little bit more.”

“I bet the person you got to know is one scary-ass bastard.”

“No. In fact, I like him. He feels guilt. A lot of it.”

“Tsss.” She scoffed. Kung inaakala ni Daniel na mapapaniwala siya agad, puwes nagkakamali ito. It must be her hormones but she wanted to scratch his face. Pero hindi siya ang tipo ng tao na walang kontrol sa sarili. Kailangan niyang malaman kung ano ang sadya ng lalaki. Pero mauuna muna ang mga babala. “Next time, please do send a notice before coming over.”

“Noted.”

“Yeah, you better take note of everything I say, Dan, because I will not be kind to you anymore. Nandito ka lang dahil nagkataong anak mo ang anak ko. But make no mistake, I will not allow you to ruin my life again, especially now that I am a mother. Gusto kong maniwala na hindi ka kasinsama ng ginawa mo kung para man lang makilala ng anak ko ang ama niya. But I will be keeping a close watch on you, remember that.”

“I have no other plans anymore but to be with you as you go through this journey.”

Bigla, may mga luhang namuo sa mga mata ni Blanca na nagpahapdi sa kanyang lalamunan. She swallowed hard but it remained where it was. Inisip na lang niya na aandar ang panahon at magiging mas maayos ang lahat. Kung totoong wala nang ibang motibo si Daniel, magiging matiwasay ang kanilang pagsasama. Coparents, iyon ang magiging tawag sa kanila. Napaka-technical, walang kahit na anong emosyon, bagay na bagay para sa dalawang magulang na walang kahit na anong nag-uugnay maliban sa anak ng mga ito. Kung wala ang anak, wala sila sa buhay ng isa’t isa.

“I assume you want to be more involved with the child’s life,” sabi niya, pormal, matapos uminom ng tubig.

“Of course. Iniisip ko, gusto ko rin sanang nandito ako habang buntis ka.”

Biglang nasamid si Blanca. Iyon ang hindi niya inaasahang sasabihin nito. “Excuse me?”

“I am a part of this pregnancy, too. After all, you didn’t do that yourself.”

“Oo, pero wala kang kailangang gawin ngayon. Hindi pa ako nanganganak.”

“I insist,” giit ni Daniel.

“Wala kang gagawin dito,” kontra ni Blanca.

“I see land. I’m a farmer.”

“Pero bakit? Wala akong makitang matinong dahilan.”

“Being a part of the journey is not enough?”

“Kailangan kong pag-isipan.” Na-stress si Blanca. Kung ngayon siya sasagot, hindi niya mapag-iisipan kung ano ang sasabihin.

“I can sleep anywhere. Malaki ang space sa sala.”

“Ni wala akong A/C dito.”

“I don’t care.” Biglang tumawa si Daniel. “Pero pinagpapawisan ka. Maybe we can install one in your room?”

Damn him. Damn him! Why was he being charming? Bakit kung umakto ito, parang may totoong concern sa kanya na tulad noon? Sana maging straight na lang sila sa isa’t isa, hindi ganoon. Napa-paranoid siya. Tumaas ang kanyang defenses dahil hindi niya alam kung ano ang motibo ng lalaki, kung ano ang gusto nitong mangyari. Kaya ba siya nitong sisihin?

Hindi na lang umimik si Blanca at tinapos na ang kanyang pagkain.

“I have my things in the car,” sabi ni Daniel.

“How dare you. Nagplano ka nang hindi pa nagsasabi sa akin. Ang yabang mo. Inisip mo agad na papayag ako? For your information, the answer is no. No, Dan, you can’t sleep in my house.”

“And I accept that.”

Hindi rin inasahan ni Blanca na mabilis tatanggapin ni Daniel ang desisyon niya. Sala ito sa init, sala sa lamig. Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? Bago pa mairita nang tuluyan, nagpaalam na siya at pumasok sa kuwarto. Hindi naman siya makatiis dahil napakainit. Mayamaya, lumabas na rin siya at tumambay sa garden. May isang puno roon ng guyabano. Maliit lang ang puno pero malilim sa bahaging iyon at mahangin. May isang plastic beach chair siyang binili para lang sa purpose na humilata roon. Doon din siya natutulog sa hapon. Nagtahi siya mismo ng kutson para sa beach chair.

Natanawan niya si Daniel na kausap si Yaya Dahlia sa dirty kitchen. Mukhang gusto ng lalaking tumulong sa pagluluto. Naiinis siya na nakikita ang matanda na parang unti-unti na ring natutuwa sa lalaki. Naririnig niya hanggang sa kinaroroonan ang tawa nito. Damn him. Damn him!

Lalo lang nainis si Blanca nang maalala ang mga niluluto noon ni Daniel at bigla siyang naglaway. Ribs, slaw, mashed potatoes. Hindi alam ni Yaya Dahlia kung paano magluto ng mga ganoon. Hindi rin niya alam. Nasa easy level pa lang siya hanggang level 5 sa intermediate cooking. Isang buwan pa lang naman siyang nag-aaral. Lumawak na rin ang kanyang repertoire kahit paano. Mula simpleng adobo, kaya na niya ngayon magtinola, afritada, at sinigang. Malayo pa siya sa ribs o kahit na anong lutuin na hindi Filipino.

Pumikit na lang si Blanca. Madalas na nakakatulog din siya sa ganoong posisyon. Akala niya, hindi siya mahihimbing dahil sa inis, pero nagising na lang siya sa tapik sa balikat. Nang magmulat, nakita niya si Daniel. Nakangiti ang lalaki.

“Kakain na.”

“Turuan mo nga si Yaya Dahlia ng ribs,” sabi ni Blanca bago pa bumalik sa normal ang pag-iisip. Hanggang panaginip, dala niya ang craving.

“Sure. The pregnant lady will eat ribs for dinner.”

Tumango na lang siya, pero natakam din. Magkakasilbi naman pala ang lalaki.

Nagpunta na si Blanca sa dirty kitchen, sa komedor nila roon. Kompleto ang lahat at halata sa mukha ang excitement, parang mga fans na naghihintay sa presscon. Muntik na siyang mapaismid. Mga tsismosa rin ang mga lintik. Kailangan niyang tanggapin na parang sa isang artista ang appeal ni Daniel.

“Kain na, kain,” nakangiting sabi ni Yaya Dahlia. Alamang na may kamias ang pagkain, kasabay ng pinangat na isda at laing. Nagkamay silang lahat at mukhang game si Daniel. Parang sanay din itong mag-handle ng pagkain gamit ang mga kamay.

“Eh, Dan, ang sabi mo wala ka nang nanay?” sabi ni Yaya Dahlia. “Eh, nasaan ang ama mo? Buhay pa ba?”

“Dalawa po ang tatay ko. Sa birth certificate, isang Amerikano, ang asawa ng mommy ko. Nawala siya noong bata pa ako. Hindi siya ang tatay ko. Nitong nakaraan ko lang po nakilala ang tatay ko, ang totoong tatay ko.”

Natigilan si Blanca. Sinungaling talaga ang lalaki. Ang sabi nito noon sa kanya, wala na itong ama. Or that was what he led her to believe. Pero bakit nga ba niya aasahan na may sinabing totoo sa kanya noon si Daniel? Parang ngayon lang din niya ito makikilala.

“Aba, nagulat siguro siya,” sabi ni Yaya Dahlia.

“Actually, no. Parang inaasahan na po niya. Madalas siguro mangyaring may nagpapakilalang anak,” sagot ni Daniel.

“Puwede ba `yon, Sir?” tanong ni Guada.

“Puwede kung ikaw si Dante Cardinal,” sagot ng lalaki.

Halos sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Daniel. Nagbibiro ba ito? Pero mukhang hindi. Ngayong pinagmamasdan ni Blanca ang lalaki, nakikita niya ang pagkakahawig ng dalawa. Of course she knew who Dante Cardinal was. Kahit na sino, nakakakilala sa matanda. Sikat na sikat ito noon, isang icon sa entertainment industry. Pero kahit ang mga bagong sibol, kilala rin ito. May mga anak si Dante Cardinal na naging showbiz personality rin, may artista at may director.

Buong Pilipinas, nakakaalam na napakaraming naitulong ni Dante Cardinal sa showbiz industry. Pero higit pa roon, sa elite circles, kilala rin ito bilang isang mahusay na negosyante. May mga anak itong abogado, doktor, at kung ano-ano pa. Of course, they all had different mothers. Kaya siguro walang makakalimot sa matanda ay dahil hindi lang sa showbiz ang legacy nito kundi pati na rin sa pagpapakalat ng lahi. Hindi lang miminsan nakakita si Blanca ng feature tungkol kay Dante Cardinal at sa legendary charisma nito. Sometimes people joked about the potency of his masculinity. Minsan din nila itong napag-usapan ni Helen noon. The woman even joked that she wanted to try it with the old man just to see what the fuss was about. The man’s tales of conquests were legendary indeed. Mas bata rito, mas matanda rito, mayaman, elitista, mahirap—lahat ng klaseng babae, nagkaroon ito. In fact, some of his children were even born on the same year. Kumbaga sa basketball, mahilig sa fast break ang matanda. Sa isang interview noon, ang sabi mismo ni Dante Cardinal, minahal nito ang lahat ng babaeng naging ina ng mga anak nito.

One thing was for sure—the man simply refused to wear a condom even if his sperm was as potent as can be.

“Holy shit, that’s why I got pregnant,” biglang nasabi ni Blanca nang malakas, pero nagsisi rin. It was a stupid assumption. Ang simpleng katotohanan ay maraming ulit silang nagkaroon ng engkuwentro ni Daniel at hindi ito gumamit ng proteksiyon kahit kailan.

Ang lakas ng tawa ni Aling Yolly. “Aba’y oo nga, ano?” sang-ayon ng matanda. “Ikaw ba naman ang putukan ng anak ni Dante Cardinal kung hindi ka mabuntis, ewan ko na lang.”

“Aling Yolly!”

Tawa ang isinagot nito. Natawa rin ang lahat ng nasa mesa. Natawa na rin tuloy si Blanca. Iniba na lang niya ang usapan bago pa maging Bagong Taon kapag nauwi sa putukan ang usapan.

“Kailan mo nakilala ang papa mo?” tanong niya kay Daniel.

“Last week.”

Nabigla si Blanca. Ganoon din ang ibang nasa mesa. Si Yaya Dahlia ang nagtanong, “O, ano’ng nangyari? Bakit noon mo lang pinuntahan? Hindi mo ba alam na siya ang ama mo? Paano mo nalaman?”

“My mother left a suici… left a letter…” Tumikhim si Daniel. “She left a letter before she passed away.”

Napalunok si Blanca. Huli na rin bago naawat ni Daniel ang sarili, narinig na niya at narinig ng lahat. Kung bakit parang may sumaksak sa kanyang dibdib. Daniel’s mother killed herself. It must have been very painful. Sino ang nakasama nito noong mga panahong iyon?

“Ilang taon ka noon?” tanong niya.

“Eighteen.”

“Eighteen?” Mitchell was eighteen when the unfortunate incident happened. Nagluluksa ba si Daniel noong panahong ginawan ito ng mga kabigan ni Mitchell ng hindi maganda? “Did it happen before the… the thing?”

“After.”

“D-did it have anything to do with…?” Hindi natapos ni Blanca ang sasabihin dahil masyadong nakakagulantang ang lahat.

“I believed for the longest time it was the last nudge she needed to…”

“Oh, my God. I’m so sorry. I didn’t know. Oh, my God.” Nangilabot si Blanca at hindi napigilang mapaiyak. Tumayo siya at nagpunta sa bahay. Tumuloy siya sa lababo para maghugas ng mga kamay na nanginginig.

Naramdaman niya ang pagyakap ni Daniel. Tumutulo ang kanyang mga luha nang tumingin sa mukha ng lalaki. Nang mga sandaling iyon, nakita niya ito bilang teenager. She could never remember what he looked like back then. Ang naaalala lang niya rito ay ang makapal na buhok na halos tumakip sa kalahati ng mukha nito. He was a short and thin kid, that was all she remembered about him to be honest. Kaya hindi niya ito naalala nang magkita silang muli. But now she could see him as a small teenager, having no one in the world but his mother.

“It’s all right. She was sick. She was depressed. I only realized after she took her life.”

Gustong sabihin ni Blanca na wala siyang ibang pagpipiliang gawin, na mas kasalanan ng mga kabigan ni Mitchell ang lahat, pero sa huli ay alam niyang para niyang ininsulto ang alaala ng nanay ni Daniel.

“I’m very sorry,” was all she could say. Pakiramdam niya, iyon lang din ang tamang sabihin.

“It’s all right. I don’t want to live in the past anymore. I’m looking forward to the future. We’re having a baby. Right now, that’s all that matters.”

Tumango si Blanca. Tama si Daniel. Salamat din kung totoo iyon. Pero kailangan niyang aminin na kahit nasaktan siya para kay Daniel, hindi rin niya maiwasang isipin na mas malaki pala ang dahilan sa mga ginawa nito noon. How could he throw all that away now? Pero kung sincere ang lalaki, makikita siguro niya. It would only take time.