noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 9

Ch. 10 / 26 Feb 05, 2022

N APAPANGITI si Blanca habang binabasa ang love letter ni Daniel. It was a short letter, but meaningful, nonetheless.

Dear Blanca,

I know it is a bit old-fashioned, but I’m a bit old-fashioned so please forgive me. I am currently waiting for a colleague in my office, and I can’t stop thinking about you. I hope I don’t scare you.

I can fill pages just writing about what I like about you, but I don’t think I can find the right words so as not to scare you away for thinking I’m being a little obsessive. Who in their right mind would tell this to a woman he just met? I guess I’m the only one.

I’m glad we met. I’m looking forward to spending more time with you.

Dan

Kung iniisip ng lalaki na ikakatakot niya ang sulat, nagkakamali ito. In fact, she felt the same way about him. Wala ring laman ang kanyang isip kundi si Daniel. Kaya rin niyang punuin ang isang notebook ng mga bagay na napapansin niya at gusto sa lalaki. Malamang na ginawa na niya iyon kung hindi lang siya busy at hindi pinipigilan ang sarili. It seemed it was too much, and too soon. Hindi na siya isang teenager na magkukulong sa kuwarto para magsulat ng mga tula o love letter o gumawa ng scrapbook para sa isang crush. But then, what was very wrong about that?

Blanca was glad that Daniel was honest enough to tell her his thoughts. Mas gusto niya iyon, kaysa iyong nagpapaligoy-ligoy pa at naghuhulaan. What was the use of spending so much time pretending one did not like the person? Para kaninong benepisyo iyon? It was better to spend that time making memories to keep.

“Napapangiti si Ma’am. Mukhang in lab .”

Napatingin siya kay Edna, pamangkin ni Aling Yolly at matagal na rin sa factory. Madalas na kasama nito ang anak sa trabaho at okay lang sa kanya basta malaki na at hindi maaaksidente sa mga makina. Pero ang baby ang kasama nito ngayon.

“Edna, bakit kasama mo ang bunso mo?” Nag-alala si Blanca. Kahit nakasuksok sa isang lumang snugglie ang bata sa dibdib ng ina, delikado pa rin.

“Eh, Ma’am, ngayon lang naman. Wala kasing mag-aalaga, may sakit ang biyenan ko. Hindi naman ako maka-absent at nag-iipon din para sa pasukan ng panganay ko. Pasensiya na, Ma’am. Sanay naman ito sa ingay, saka hindi naman maalinsangan dito. Mas mainit pa nga sa bahay namin.”

“Kahit na.”

“Ngayon lang, Ma’am. Saka mabait naman ito. Kita mo, tulog lang siya.”

“Akin na muna. Ikaw talaga.”

Ipinasa sa kanya ng babae ang anak. Siguro, walong buwan pa lang ang bata. Dinala niya ito sa opisina at isinunod ni Edna ang mga gamit. Luka-luka talaga, kompleto sa gamit ang bata at parang mamamasyal. Pinagsabihan niya ang babae na hindi na puwede sa ibang araw ang ganoon.

“Ano’ng pangalan niya?” tanong ni Blanca.

“Maria Ednalyn, Ma’am. Len-len ang palayaw. Nakita n’yo naman, kamukhang-kamukha ko sa kutis.”

Natawa si Blanca. Magkabaligtad ang mag-ina. Kayumanggi si Edna, habang ang bata ay Chinese mestiza. May lahing Intsik ang asawa ni Edna at kamukhang-kamukha ng anak. Ang sabihing cute ang bata ay kulang. Para itong siopao sa katabaan at kabilugan ng mukha, namumula ang mga pisngi, singkit, maliit ang ilong, at ang taba. Ang sarap nitong kagat-kagatin.

“Akin na lang siya,” bigla tuloy niyang nasabi.

“Si Ma’am, nanghihingi pa, puwede namang gumawa ng sarili niya.”

Natawa uli siya. Kung puwede nga lang ba talaga gumawa na sana siya mag-isa. Pero wala ring paglalagyan ang isang bata sa buhay niya ngayon. Ang huling gusto niya ay magkaroon ng anak na hindi kayang bigyan ng magandang kinabukasan. She would want the whole world for her child. Paano niya iyon maibibigay rito?

Umalis na si Edna. Tuwang-tuwa si Blanca kay Len-len. Nagising na ang bata at kasalukuyang parang tulala, tulad ng lahat ng bagong gising sa mundo. She thought the kid probably wondered where the hell she was but couldn’t care less because she just woke up.

Napahagikgik siya habang nakatingin dito. Hinalikan niya ang bata sa pisngi. Kung bakit may kirot sa puso niya. She realized she wanted one. She wanted to be a mother. Isang ina sa totoong anak, hindi ina sa kapatid. Hindi sa minasama niya ang nangyari, dahil wala naman silang choice at hindi rin sumama ang loob niya sa kapatid dahil talagang naging obligasyon niya ito. It was just that she was not ready for a son at that time and Mitchell was like an infant. Sa palagay niya, ngayon lang nag-mature nang totoo ang kapatid.

Gustong magkaroon ni Blanca ng pamilya, pero hindi niya iyon ginawang priority. Kaya nga siya na lang sa ka-batch nila ang single at hindi pa nagkaasawa kahit kailan at wala pang anak. She wondered if Daniel would be the one. May init sa kanyang puso na isipin ang posibilidad, kahit pa nga nandoon ang warning. They just met. Mas magandang isipin muna niya ang negosyo.

Nang nakaraang linggo, nagsimula siyang maghanap ng magandang loan offer gamit ang natitirang property bilang collateral. Isang bangko na ang nag-reply sa kanya at na-approve naman ang kanyang loan. Ang problema lang, masyadong malaki ang interes. Hinihintay pa niya ang ibang bangko. Siguro, dapat noon pa niya iyon ginawa, pero kailangan niyang aminin na mula nang bumaba ang sales may tatlong taon na ang nakararaan, pinangunahan siya ng takot. They had lost everything. Paano kung hindi na naman niya magawa nang maayos ang lahat? Paano paglabas ni Mitchell? Mahihirapan ang kapatid na makapagsimula sa ibang kompanya ganoong may record ito.

Nakausap na ni Blanca noon pa si Mitchell at ang sabi nito, siya raw ang bahala sa negosyo. He said he did not plan on taking over. Iyon daw ang dahilan kung bakit namasukan ito, in the first place. Katwiran ng kapatid, wala sa ganoong negosyo ang puso nito. Mitchell was never the type to work hard for success. Isa ito sa mga taong gusto ng mabilis na pag-asenso.

“Ang cute-cute mo, ang cute-cute mo,” sabi niya kay Len-len habang buhat sa kanyang harap ang batang panay ang tulo ng laway at nakasubo sa bibig ang kamao. Tawa ito nang tawa. Nabuhay na ang bagong gising na mataba. “You are so cute! I can just squish you!”

Parang nakakaintindi ito at tumawa matapos ilabas ang dila. Nilaro-laro niya ito at umiyak mayamaya. Bigla tuloy siyang nataranta. Inihiga niya ang baby sa couch. Nagtimpla siya ng gatas, pero nabagsak niya ang gatas na kumalat sa sahig.

“Shit!” sabi niya.

“Shit,” sabi ng bata, tumigil sa pag-iyak.

Halos mapanganga si Blanca, hindi makapaniwala. Paano siya magiging mabuting ina kung ang unang salitang naituro niya kay Len-len ay, “shit”? Parang nananadya, biglang tumawa si Len-len, basang-basa ng luha ang matatambok na pisngi. Sabay inulit nito, “Shit.”

“Oh, shit,” sabi ni Blanca, sabay takip ng isang kamay sa bibig.

“Shit,” sabi uli ng bata.

“No, no, no. That’s a bad word. Don’t say shit again. Oh, shit. I mean, say ‘Mama.’”

“Shit.”

“No!”

Humagikgik si Len-len, ang chubby master of psywar. Alam ni Blanca na hindi pa nakakaintindi ang mga sanggol sa ganoong edad, pero bakit si Len-len, parang enjoy na enjoy sa kanyang pagkakamali?

“What’s going on?”

Napalingon siya sa pinto. Nakatayo roon si Daniel. Napahawak siya sa ulo. “I think I just taught an eight-month-old to say a bad word.”

Ang lakas ng tawa ni Daniel.

Tinapos na ni Blanca ang pagtitimpla ng gatas at isinubo sa bata ang dede nito. Harinawang makalimutan nito ang salita at mamaya ay ibang salita ang kanyang ituturo.

“I’m serious. I told her to say the other term for excrement.” Panay ang tingin niya sa bata. “This little one just said it.”

“She’s very cute.”

“And heavy.” Iniunat ni Blanca ang mga braso. Saglit lang niyang binuhat at nilaro si Len-len, para na siyang nag-weights nang isang oras. Pumihit ang bata sa couch at naupo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Daniel, habang hawak ang dedeng nakapasok sa bibig. “You’re wondering who we are, aren’t you?”

“She doesn’t even cry. Where did you get her?” Naupo si Daniel sa couch matapos kalungin ang bata. “Oh, she’s heavy.”

“Sabi sa `yo, eh. Pisngi pa lang niya, dalawang kilo na.” Ang lakas ng tawa ni Blanca. Nakakatuwa talaga ang bata.

Iniharap ni Daniel sa sarili ang bata. “Papayag ka n’on? Ang sabi niya, mataba ang mga pisngi mo, baby? What’s her name?”

“Len-len.”

“Len-len, papayag kang mataba ang mga pisngi mo?”

Inalis saglit ng bata ang dede sa bibig, saka sinabi, “Shit.”

Napanganga si Blanca, sabay tingin kay Daniel na humalakhak nang pagkalakas-lakas. “She’s very smart.”

“Very naughty. Sabihin mo, ‘Mama.’ ‘Ma-ma,’” baling ni Blanca kay Len-len.

Ayaw sumunod ng bata at parang ang plano na lang ay mang-deadma. Pumalag ito binitiwan ang dede, saka gumapang papunta sa armrest. Parang may gustong abutin ang bata sa patong-patong na salansan ng mga nakakahong spare parts. Madaling mahulaan kung ano—ang kahon na may drawing na zoo animals sa labas.

“No. Mabigat `yan.”

Tumingin ang bata kay Daniel, parang nagpapatulong, panay ang turo sa karton. Hinalungkat ni Blanca ang bag ng bata at nakakita naman doon ng laruan. Ibinigay niya iyon dito. Parang nahabag siya dahil halatang luma na ang laruan. Naisip niya na kung may anak siguro siya, ubos ang lahat ng kanyang pera sa pagbili ng mga gamit ng bata. She wished she had something to give her, but all the toys she had when she was young had long been lost or given away.

“Bibilhan kita ng Barbie,” sabi ni Blanca kay Len-len, binuhat ang bata at iniupo sa kanyang kandungan.

“Shit.”

“Stop saying that! Damn it.”

“ Demet ,” ulit ng bata.

“Oh, my God!”

Tawa nang tawa si Daniel. Inabot nito ang bata at kinausap. “Don’t say that again, little girl…. What’s that smell? Oh, no.”

Nalukot ang ilong ni Blanca. Hindi na pala amoy-pang-baby ang amoy ng ebs ni Len-len. “I think she took a dump. Check.”

“How?” tanong ni Daniel.

Naitirik ni Blanca ang mga mata. “By looking, of course.”

“No, I meant, aren’t diapers supposed to tell you?”

“I think that works only for pee.”

“All right, let us put you here, you naughty little girl.” Inihiga ni Daniel ang bata sa couch, saka sinilip ang diaper. Agad na napangiwi ang lalaki. “There’s a lot in there. Look at her face.”

Naitanong ni Blanca kung masama bang matawa sa isang batang umeebak , pero sino ang hindi matatawa na nawala ang ngiti ng batang pilya at ngayon ay seryosong-seryoso at parang nagko-concentrate sa paglalabas ng sama ng loob? Ang kanyang maliit na opisina, daig pa ang landfill bigla sa baho.

“We better take her someplace else,” sabi ni Daniel, kinarga na ang bata sa magkabilang kilikili. Parang bomba na sasabog any time. Lahat ng madaanan nilang empleyado, natatawa. Seryoso pa rin si Len-len. Hanggang sa makarating sila sa bahay, in deep concentration ang paslit. Nakakatawa talaga ang mukha nito kaya hindi na matigil ang tawanan nina Blanca at Daniel, na parang hindi ikinatuwa ni Len-len. Parang nanubumbat ang pagkakatingin ng bata sa kanila habang seryoso ito.

Sa pagitan ng hirap nang pagtawa, nagawang sabihin ni Daniel, “She’s judging us for judging her.”

Tawang-tawa rin si Blanca nang sumagot, “Sabi niya, ‘Sige lang, tumawa kayo. Kayo naman maghuhugas ng puwit ko.’”

Umutot si Len-len, parang senyales na tapos na ang paghihirap nito. Mukha nga dahil bigla itong tumawa. “Shit.”

“Yes, you did, you naughty girl. Can you believe her?” sabi ni Blanca. “She knows. I’m telling you, she knows exactly what she’s saying.”

Sa lababo nila inalisan ng diaper si Len-len. Si Blanca ang nag-alis niyon, habang hawak ni Daniel ang bata. Pinunasan niya ng toilet paper ang puwit ng bata, saka iyon binasa ng tubig at sinabon. Hindi nakuntento, sinabi niya kay Daniel na paliguan na lang nila si Len-len. Iyon nga ang nangyari. Sa laundry area nila dinala ang bata. Naglatag siya ng malaking batya at pinuno iyon ng tubig.

Saka niya naalala ang rubber duckie ni Mitchell. Agad niya iyong kinuha at ibinigay sa bata na noon ay enjoy na enjoy sa mini-pool nito. May maliliit na bangko roon at nagtig-isa sila ni Daniel.

“A rubber duckie?” tanong ng lalaki.

“It’s Mitchell’s. Iyan na lang yata ang natirang laruan niya sa akin,” sabi ni Blanca.

“Seems like a sweet kid.”

“He could be. To me. He’s not exactly a poster boy for sweet kids. He’s not even a model citizen. But he’s my only family, and I love him.”

“Oh, we do love our family. We’d do anything for them.”

Napatingin si Blanca sa lalaki. He sounded strange. Was he being sarcastic? Pero bakit naman ito magiging sarcastic? O baka naman mali lang ang dinig niya? Hindi na lang niya pinansin, lalo na at parang bale-wala naman kay Daniel. Tumawa ang lalaki nang magsimulang magpalobo ng laway si Len-len.

“Look at this little brat.”

“Ang daming alam na kalokohan.”

Noon nag-ring ang cell phone ni Blanca na agad niyang sinagot. Isang loan officer sa bangko ang tumawag, nagtanong ng ilang detalye, at nagbigay ng ilang impormasyon. Parang nadismaya siya nang malamang mas mababa sa amount na gusto niya ang handang ipahiram ng bangko. Mas mababa sa naunang bangko ang interes, pero mas maliit ang halagang ipapa-loan. Nang matapos ang tawag, napabuntong-hininga siya. Yes, it was easy to get a loan since she had that property as collateral, but it was hard to get one that would make her life easier. Parang lumalabas na ang choice niya ay magbayad ng napakalaking interes—na ikinakatakot niya; o ang magbayad ng moderate na interes, pero malilimitahan ang kayang marating ng negosyo.

“Who was that, if you don’t mind?” tanong ni Daniel.

“Oh, just the bank.”

“Problem?”

“No, not really.” Napabuntong-hininga na naman si Blanca. “As you can see, the factory needs to have more sales. For that to happen, we need some new equipment. To have some new equipment, I need money. To have money, I need sales. So I’m pretty much in deep…” Tumingin siya kay Len-len. “You know what.”

“What seems to be the problem with the bank?”

“No problem. Ang gusto ko sana kung io-overhaul ko itong negosyo, palitan na ng bago lahat ng makina. Lahat ng makina namin, mas malaking problema pa kasi hindi lilipas ang isang linggo na hindi nasisira. I need a lot of money for that. Gusto ko rin ipa-extend ang factory. The only way to compete with China-made products is to make quality ones. They may be a bit pricier but everyone in the industry knows that paying a bit more for a better product will be the wiser decision. I have studied it. Hindi ko kayang tapatan ang presyo ng China kung magkapareho kami ng produkto. There is just no way to do that, unless I run a sweat shop. What I can do is continue providing quality products—walang mababago. But I can lower the prices if I have equipment that can produce more products and won’t need fixing every friggin’ week. Sometimes even twice a week.”

“You love this business.”

“I do. Sabi ni Helen, ibenta ko na lang lahat at magsimula ako ng bago. O mag-enjoy sa buhay ko. This property will be enough for that, with still some left for Mitchell. But this is my parents’ legacy. I have made so many mistakes in the past. Ito na lang ang natira dahil doon. I can’t possibly throw this away as well.”

“Then I can help you out.”

“How?”

“You can get that loan and I will help you look for quality machines. You can expand the business and the factory.”

“Nakapagtanong na ako kung magkano ang mga makina at magkano ang magagastos sa pagpapagawa nitong factory. Hindi aabot ang malo-loan ko. I can only get ten million, twelve at most with a higher interest rate. Hindi naman kasi kalakihan itong lupa.”

“Sharks, these banks.”

“I know, right? A prime location like this. But that’s how they make money, so…” Nagkibit-balikat si Blanca at napabuntong-hininga.

“How much would you need for the building to get fixed?”

“Ang original kong plano, ilagay sa likod lahat ng makina, itong unahan gawing paupahan. But that would cost me double the money I can loan. So maybe I can use five million on the building and the rest would have to buy new equipment. Marami pa ring matitirang luma, pero ganoon talaga.”

“Well, give me a list of every machine you need and I’ll see what I can do,” sabi ni Daniel.

“Okay. Thanks,” sabi ni Blanca kahit sa totoo lang, alam niyang imposibleng makakita ng murang equipment ang lalaki.

“Shit.”

Napatingin siya kay Len-len. Humagikgik ang bata, parang alam talaga na maaagaw nito ang kanyang atensiyon kapag sinabi iyon. “You naughty girl!”

Humagikgik na naman ang matabang mini-bruha. Kinuha na niya ang tuwalya at binuhat ni Daniel ang bata papasok sa bahay.

“I want one,” sabi ng lalaki.

“Me, too.”

Nagkatinginan sila.

Biglang nag-init ang mukha ni Blanca. “W-what? Nothing wrong with wanting a baby.”

“I know. I want a kid who’d grow up old school.”

“Me, too. Ayokong makita ang anak kong walang inatupag kundi cell phone.”

“Don’t you just hate that?”

“Yup. Can’t stand those kids who prefer that kind of interaction. Pero ganoon na ang panahon ngayon.”

“I want to raise kids in a farm.”

“That’s interesting.”

“One day I will take you to my farm.”

“I want to see it.” In fact, she wanted to see everything Daniel was involved in. She wanted to discover him. Everything about him. She had a feeling that she would like everything she would find out.

“It’s pretty boring there,” sabi ni Daniel.

“I don’t care. I’m boring, too.”

“Not true.” Tumingin kay Blanca ang lalaki, ngumiti, saka pinisil ang kanyang baba. Their eyes met. Ganoon na lang ang lakas ng tibok ng kanyang puso. He was going to kiss her, she was sure.

But mini-bad mouth got in the way. Inilusot ni Len-len ang matabang kamay sa pagitan ng mga mukha nina Blanca at Daniel, saka pinalo ang pisngi ni Daniel. Parang nasiyahan ang bata kaya tumawa nang tumawa.

“She’s lucky she’s cute,” sabi ni Daniel.

Ang lakas ng tawa ni Blanca.