noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 15

Ch. 16 / 26 Feb 05, 2022

N AKALIPAT na si Blanca sa factory. Hindi na iyon tulad noon na malaki ang space ng kanyang bahay. Dahil mas kailangan ang mas malaking space sa factory, maliit lang ang in-occupy niya para sa sarili. Kapag nakalabas na si Mitchell mula sa kulungan, may isang kuwarto ito roon. Kahit kailan, palaging kasali si Mitchell sa plano, kahit ano pa ang sabihin ng kanyang kapatid. He was Blanca’s only family and she loved him dearly. Sana lang hindi ito masyadong ma-disappoint sa liit ng bagong bahay dahil maayos naman iyon at mas maaliwalas. It was slightly bigger than most condominium units in the metro.

Ayaw sana ni Blanca na lumipat sa bagong bahay, pero nahiya rin naman siya kay Daniel. Baka sabihin ng lalaki na freeloader siya. Medyo na-disappoint siya nang hindi nito pigilan sa pag-alis, pero na-realize ding walang kuwentang ma-disappoint sa isang bagay na siya ang nag-suggest. Para siyang tanga. Alam naman ni Blanca na kung sakaling sabihin niya kay Daniel na ayaw niyang umalis, papayag naman itong patuloy siyang tumira sa bahay nito. Baka kaya hindi siya pinigilan ay dahil akala nito, gusto rin niyang lumipat dahil bago ang kanyang bahay. In short, gusto niyang magpabebe , pero hindi pinatulan ni Daniel dahil hindi nito alam.

Well, she was back in the factory. Her nights were never dull anyway. Madalas na nandoon si Daniel, kaya parang hindi rin sila naghiwalay ng bahay. May mga gabi na hindi ito doon natutulog at sa mga gabing iyon niya naiisip na sana yayain na siya nitong magpakasal. What was taking him so long anyway? They were both ready. Nararamdaman naman niya iyon.

Nagsisimula pa lang uli ang negosyo ni Blanca, pero hindi niya maramdaman na magiging hadlang iyon kung magpapakasal sila. They had their own thing going on. Hindi si Daniel ang tipo ng boyfriend na makikialam sa schedule ng partner nito. He was the kind of mentor who would allow the person to grow, blossom on her own.

She sighed. Wala na yata siyang mahihiling pa, maliban na lang sa katotohanan na minsan, parang masyadong secretive ang lalaki.

There were certain topics that he avoided. Pero normal lang siguro iyon. All in all, he was a catch. Lahat ng kakilala niya, iyon ang sinasabi. At ngayong umalis si Daniel papunta sa Amerika, wala siyang ibang gustong gawin kundi iwan ang factory at sundan ito. Kung sana ganoon iyon kadaling gawin.

Nakakatamad kung minsan planuhin ang mga gagawin niya. It didn’t happen often, but sometimes, she fantasized about a life of a full-time housewife. Kung si Helen siguro ang sasabihan niya, tatawa ito. Kahit kasi walang trabaho ang kaibigan, hindi naging housewife ang babae kahit kailan. Wife, yes. But a wife that stayed in the house? Too old-fashioned and boring for someone like Helen.

Hindi naisip ni Blanca na mangangarap siyang maging ganoon. But the idea of spending her life in a farm, tending to the house while her husband worked was very tempting at the moment. Siguro, maiinip din siya sa ganoon pagdating ng panahon, tulad ng nangyayari sa marami. But right now, it was what she wanted to do.

Masyado ka namang nag-enjoy sa pagbabago , sa isip-isip niya. Take it one step at a time. Ang gusto mo, kapag nagbago ang isa, magbabago na rin ang lahat. You’ve only just met Dan a few months ago. You better not tell him that or he might freak out.

Siguro, kung sa ibang lalaki sasabihin ni Blanca ang lahat ng iyon, matatakot nga sa takbo ng kanyang isip. Pero iba si Daniel. She felt that they were thinking the same. Ngayon, para siyang teenager na nangangarap nang gising. Sana nakarating na si Daniel sa Amerika para matawagan na niya, pero may layover ang lalaki sa Dubai, kung saan may kakausapin din itong tao.

Nakarinig si Blanca ng pagkatok at nakita si Aling Yolly. “Ma’am, kailangan mo ng tulong?”

“Maayos naman ho lahat dito sa bahay, saka dumating na rin si Yaya Dahlia.”

“Aba, ang bakasyonista, nagbalik na rin pala. Napasarap nang husto, ano?”

“At sino ang napasarap nang husto?” sabi ni Yaya Dahlia, bagong dating, may dalang basket. Kadarating lang nito kahapon. Na-extend din ang bakasyon ng matanda dahil sa pagpapagawa niya ng bahay. Bayad naman ito dahil na rin sa tagal na namamasukan sa kanya. Hindi pa nakikilala ni Yaya Dahlia si Daniel.

“Aba’y ikaw na donyang-donya. Kakalamyerda mo, hindi mo nakilala ang mapapangasawa ni Ma’am,” sabi ni Aling Yolly.

“Hala, ikuwento mo sa akin. Ayaw namang magkuwento masyado nitong isang ito,” sabi ni Yaya Dahlia. “Lunch break mo naman, hindi ba? Dito ka na kumain.”

Tumuloy sila sa kusina. “Hindi ko naman po mapapangasawa si Dan,” sabi ni Blanca. “Nakakahiya naman po kung kakalat ang kuwentong pinangunahan ko na iyong tao. Hindi pa naman nagpo-propose.”

“Ano pa ba ang ibig sabihin ng lahat ng ginawa niya para sa atin, Ma’am?”

Hindi man ikinuwento ni Blanca sa marami, hindi na mahirap para sa mga ito na mahulaan. Nang dumating si Daniel, nagbago ang kanilang buhay. Alam niyang ramdam na ramdam iyon ng mga ito. Hindi na dumarating ang araw, lalo na kapag malapit na ang suweldo, na hindi muna niya ipinapagawa ang makinang kailangang remedyuhan. Napalitan na lahat ng makina, walang problemadong Blanca na hindi mapakali.

“Mabait po siya,” sabi niya.

“Super bait!” sabi ni Aling Yolly habang sumasandok ng kanin. “Medyo tahimik lang, pero kuwela rin naman. Saka mabait sa bata. Naku, magiging mabuting ama iyon. Doon nga lang sa apo ko, grabe na kung mang-spoil. Tuwing darating dito, may kung anong bigay sa ina n’ong bata.”

Totoo iyon. Madalas na may pasalubong si Daniel para kay Len-len na para bang itinuring na nitong anak-anakan.

“Kaya nga ang sabi ko, kunin nang ninong sa kumpil.”

Natawa si Blanca. Maaga kung magplano ang matanda. Nagpakuwento si Yaya Dahlia at parang hinayang na hinayang itong hindi man lang nakilala si Daniel. “Kundangan naman kasi’t iyong mga anak ko, ayaw akong paalisin. Ang sabi ko nga noong ipagawa itong bahay, dito muna `kako ako sa Maynila, sa pinsan ko, ayaw namang pumayag. Paano, walang katulong sa mga anak. Kaya anong bakasyon ang sinasabi mo, Yolly? Ginawa akong yaya ng mga apo ko, mga linsiyak na iyon.”

Sa pagkukuwentuhan nila, walang ibang ibinida si Aling Yolly kundi si Daniel. May pagmamalaki ito at parang gustong ipagyabang sa kaibigan na una nitong nakilala si Daniel. Everyone in the factory treated him like a celebrity. Or a politician, a good and clean one. Wala ni isang may masasabi rito. Blanca missed him more.

Kinabukasan na nagpadala si Daniel ng message sa Whatsapp ni Blanca, ang sabi ay kalalapag lang nito sa JFK Airport. May kakausapin lang daw ito bago sasakay uli sa eroplano. It took another day before he sent her a message, telling her he landed safely on Baton Rogue Airport.

Naiinip si Bianca at bitin na bitin sa kanilang maiiksing palitan, pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki. Siyempre, pagod na pagod ito at iba rin ang oras ng Pilipinas at Lousiana. Anyway, babalik naman si Daniel sa Pilipinas kapag nabisita na ang farm. How could she possibly take his time away from that farm he loved so much just because she was being pabebe ? Hindi uso sa mga Amerikana ang masyadong pabebe . Puro Amerikana ang makakasalamuha nito at baka mamaya, biglang matauhan at maisip na ang gusto pala ay iyong mga hindi pabebe .

Sa mga sumunod pang araw, madalas magpadala si Blanca ng mga message kay Daniel na sinasagot naman ng lalaki, kahit maiiksi lang, halatang may iba itong ginagawa. Alam niyang walang ibang tauhan sa farm si Daniel kapag hindi anihan at taniman. May iniwan daw itong katiwala roon, pero nang bumalik ito, umalis na ang tauhan at babalik lang kapag umalis na uli ang lalaki.

Daniel knew how to repair trucks and agri machinery. Baka mamaya habang nasa ilalim ito ng truck, saka siya nagpapabebe at kung ano pa ang mailagay nito sa ilalim ng truck. She needed to stay cool.

But it was slowly taking its toll on her. She needed to admit that she was missing the man like crazy. Ngayong wala nang nagiging problema ang mga makina ng factory, kaunti na lang ang trabaho niya. May bago rin siyang assistant para sagutin ang lahat ng inquiries, lalo na at dumami iyon dahil sa website na regalo naman sa kanya ni Helen.

Blanca was feeling heavy. Hula niya, dahil sa lungkot. Nakakapanghina rin pala talaga iyon. Hindi tulad noon, nalulungkot man, may kasama palaging galit at determinasyon. Ngayon, determinasyon na ano? Na pumunta sa Amerika? Hindi niya iyon gagawin. Ang natira lang sa kanya ay lungkot, emptiness. How she hated the feeling.

“Ma’am?” Napalingon si Blanca at nakita ang assistant na si Vivian. “May problema po ang isang makina.”

“Really?” Ngayon lang iyon nangyari. At masyado pang maaga para mangyari. Pinuntahan nila ang makinang sinasabi ng babae. Dahil bago na ang makina, hindi na expert doon ang dating tauhan niyang natuto nang magkumpuni dahil sa tagal na namamasukan sa kanya.

“Hula ko, Ma’am, nandito sa control ang problema. Digital po ito, hindi ko alam kung paano reremedyuhan, eh.”

“May warranty po, `wag kayong mag-alala.” Itinawag ni Blanca sa kompanya ang problema at nabigla siya sa sinabi ng nakausap. Four days daw ang hihintayin bago matingnan ang makina. “Seryoso ka? So sa apat na araw, tigil ang gawa namin?” Napabuga na lang siya ng hangin. Hindi niya iyon inaasahan. Ang sabi ng nakausap niya noon, priority daw ang pag-repair ng mga bagong labas na unit kaya ano ang sinasabi ng kausap niya na apat na araw?

“Ma’am, ganoon po talaga ang scheduling namin ngayong season. Iba po kasi ang service center namin. Ilan lang din po ang tao namin para sa ganyang makina.”

Nabuwisit si Blanca sa kausap, pero nagtimpi. Mabuti na lang din at weekend kinabukasan kaya isa o dalawang araw lang made-delay ang production. Tuloy pa rin naman sa ibang machine, pero hindi matatapos ang produkto. It was all right. Hindi niya pinayagan ang maliit na bagay na makasira sa kanyang araw.

Nang dumating ang Martes, dumating naman ang magre-repair. Saglit lang tiningnan ang makina at sinabi ng technician na isang linggong matetengga ang makina dahil manggagaling pa sa ibang bansa ang piyesa. Sa kanya ang charge ng piyesa at nagulat siya nang malaman kung magkano ang estimate nito sa halaga. It was over a hundred and fifty grand, shipping excluded.

“Are you kidding me?” Hiningi niya ang pangalan ng supplier ng spare part, saka tinawagan si Daniel. Pero hindi sinagot ng lalaki ang tawag.

Stressed out si Blanca dahil ipina-hold niya ang pag-order ng piyesa. Hindi niya matanggap na ganoon kalaki agad ang kanyang magagastos kahit wala pang isang buwan sa kanya ang makina. Dalawang linggo lang ang replacement niyon kaya hindi na niya mapapalitan. Naghintay siya at tinawagan uli si Daniel. This time he answered her call.

“Yes?”

Nabigla si Blanca sa malamig na tono ng lalaki. “Dan, is everything okay?”

“Yes.”

“O-okay. May problema kasi ako.”

“Tell me.”

Ikinuwento ni Blanca ang nangyari sa makina. Sa huli, ang payo nito, “Let them buy it for you. Ganoon talaga ang presyo ng mga parts ngayon, lalo na kung digital. Don’t worry, it happens. Everything is gonna be fine.”

Kahit paano, may gaan siyang naramdaman sa sinabi nito. “How come you’ve been very busy? Kailan ka ba babalik?”

“Soon. I’m sorry, but the farm needs tending. Hindi naasikaso nang maigi ng pinag-iwanan ko kaya maraming trabaho.”

“Oh, I’m sorry. I didn’t mean to disturb you.”

“It’s all right. Just take care, okay?” Nagpaalam na ang lalaki at tinapos ang tawag. Once again, Blanca felt empty. But at least she heard his voice again. For now, that was enough. May mga buhay silang kailangang asikasuhin. Hindi puwedeng puro pabebe . She needed to be a woman that she was.

“THIS is getting out of control,” sabi ni Blanca. Kahit ayaw niyang ma-stress, mahirap gawin. Sa lahat ng makinang nabili, isa na lang ang gumagana at iyon ang makinang kagagawa lang. One by one, all the machines broke down in a span of three weeks. Pakiramdam ni Blanca, sasabog na siya sa stress. Isang linggo na lang at kailangan na niyang mai-deliver ang mga order. Wala pa sa kalahati ang natatapos dahil sa pagkatok ng mga makina. She needed to make a good impression to her new clients. Paano niya iyon gagawin kung sa simula pa lang, papalpak na siya sa deadline? Mabibitin din ang production ng mga ito. Delayed production meant losses. No new company would ever trust her again. At least ang mga old client niya, puwedeng pakiusapan sa tagal ng kanilang naging samahan noon.

Bukod sa lahat ng problema sa makina, problema na rin ngayon ang pagbili ng mga piyesa. Blanca had been calling Daniel to ask for advice. Madalas nitong sabihin na bumili na lang siya ng piyesa para magtuloy-tuloy ang production at siguro, pagsubok lang iyon sa kanya.

But she had had it with the company that sold her the machines. She was mad at them. Pakiramdam ni Blanca, niloko lang siya. Kahit ang mga makina ng mga ito, sirain din. Parang nakakita ang kompanyang iyon ng pagtatapunan ng mga patapon nang makina. May isang gamit din mula sa mga ito ang binuksan ni Mang Tonyo, ang resident mechanic nila, at nakitang sa likod ng bagong piyesa sa unahan ay luma na rin ang nasa loob niyon. Refurbished ang mga makina. Kumbaga sa sasakyan, secondhand BMW na makinis ang labas, pero ang loob, bulok na Toyota.

“Kapag tumawag ang mga kliyente, pakisabing tatawagan ko sila pagdating ko. I need to talk to the asshole who sold me these machines,” sabi niya kay Vivian. Kailangan na niyang kumilos. Hindi na uubra ang pagtawag-tawag. Tumuloy siya sa mismong opisina ng kompanyang binilhan ng makina at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makitang iba na ang pangalan niyon sa labas.

Binaha ng kaba ang dibdib ni Blanca. Agad niyang kinausap ang mga empleyado at nalaman na kabibili pa lang iyon doon ng isang Chinese businessman. Ang mga empleyado, mula pa sa dating kompanya, in-absorb ng may-ari. Apparently, the former owner of the company bought it from another person, the first owner, then resold the company again.

“Sa inyo lang po ang pinakamalaking sales ng dating may-ari, Ma’am, actually,” sabi ng isang tauhan doon. “Huling imbentaryo namin ang ilang mga makina na napunta sa inyo.”

“Pero hawak pa rin ninyo ang account?”

“Hindi na po, Ma’am. Hindi naman po ipinasa sa amin ang mga makinang nabenta sa inyo.”

“I don’t understand. Pero iyong number na tinatawagan ko, dito rin iyon, hindi ba? Kayo pa rin ang nagpapadala ng technician sa akin, hindi ba? Here is the number.” Inilabas ni Blanca ang calling card na bigay ng kompanya.

“Iyong number po pang-landline, pero puwedeng ilagay sa mobile phone. Si Sir Carlo po ang may hawak n’on, sa pagkakaalam ko. Wala na po siya dito. Siya po iyong kanang kamay n’ong nakabili nito dati. Sila po ang nagpapadala ng technician sa inyo. Hindi na po namin hawak ang service ng account ninyo, Ma’am.”

“But that doesn’t make any sense!” Ayaw man, tumaas ang boses ni Blanca. Sino ang hindi magagalit sa sinasabi ng mga ito na hindi niya maintindihan? Paano nangyaring parang nawawala na ngayon ang nagbenta sa kanya ng mga makina, but at the same time, may nagse-service pa rin sa factory? “I’m sorry, but that doesn’t make any sense. Sino ang dating may-ari?”

“Hindi ko rin po alam. Hindi naman po nagpunta dito. Si Sir Carlo lang po ang nagpunta rito nang ilang beses.”

Hindi niya maintindihan ang lahat dahil kung pagbabasehan ang company profile na kasama ng quotation, lumalabas na isang “Antonio Ponce” ang presidente ng kompanya. Itinanong din niya iyon sa kausap. Ayon dito, si Antonio Ponce raw ang original na may-ari ng kompanya na nagbenta niyon sa kung sinong Poncio Pilato na nagbenta sa kanya ng mga depektibong makina. Ang alam lang ng kanyang kausap tungkol sa taong iyon ay may assistant na “Carlo” ang pangalan.

Nagpaalam na rin si Blanca, hindi pa rin naiintindihan masyado ang pangyayari. Or maybe she understood somehow, she just would not accept it. Ano’t anuman, may warranty pa rin ang mga makina at may habol pa rin siya. Ang tanong lang, puwede ba niyang ihabol sa korte ang lahat?

Una, kailangan niyang tawagan ang number ng Carlo na iyon. It rang, as always. May sumagot doon. “Is this Carlo Javier?” agad niyang tanong.

“Yes?”

“This is Blanca from Phoenix Wings, Incorporated. Kagagaling ko lang sa office ninyo. I was told someone else owns it now. Si Antonio Ponce ba ang boss mo? Kasi iyon ang nakalagay sa company profile.”

“Lumang file po yata ang nagamit sa proposal sa inyo, Ma’am. Pina-type ko lang siya para ipasa sa inyo. Actually, may format na sila kaya iyon na lang ang ginamit.”

“Then you gave me falsified documents. I can sue you. I will sue you for selling defective equipment.”

“Ma’am, nasa kontrata naman pong hindi bago ang mga makina.”

“Yes. But where did it say that they’re defective?”

“Hindi po defective, Ma’am. Kapag secondhand po, madalas namang nagkakaproblema talaga. Normal po `yon.”

“Shut up with your bullshit!” Tinapos ni Blanca ang tawag at napaiyak bigla sa mga palad. She was too mad to drive. Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi, saka nanginginig ang kamay na tinawagan si Daniel. Sinagot nito ang phone. Ikinuwento niya ang lahat, galit na galit. “Can you believe what happened?!”

“I’m sorry to hear.”

“I can’t afford this loss, Dan, you know that.”

“Yes, I know.”

“Idedemanda ko sila.”

“If you think that is best.”

Tulad noon, kahit matindi ang stress, nagawa ni Daniel na kalmahin ang kanyang kalooban. Tinawagan niya si Helen at sinabing magdedemanda siya at sana tulungan siya ng fianc é nito. Dalawang araw lang, tinawagan na siya ni Drake. Nakakuha na ito ng papeles sa SEC para malaman kung sino ang nasa likod ng kompanya. It was a man who passed away a few years ago. In short, it was a dummy corporation who bought a real corporation that sold her defective products before reselling the company again. Walang lead sa kung sino ang nasa likod ng lahat. Ang masaklap pa, walang mahahabol na pera si Blanca dahil nag-declare ng bankrupcy noon pa ang dummy corporation.

“I don’t understand. Why would anyone do this for so little?” Iyon ang una niyang tanong bago naisip na baka isang organized crime group ang nasa likod ng lahat, tulad ng mga taong nasa likod ng pyramiding scam. “Can we track them down? Can we find that Carlo?”

Nangako ang abogado na hahanapin ang lalaki. Makaraan ang tatlong araw, tumawag uli si Drake. “Carlo left for the States. I have confirmed it.”

“Oh, my God. I bet he took my money.”

“Are you sitting down?”

“Why?”

“You better sit down.”

Ganoon na lang ang kabang bumalot sa puso ni Blanca. “I’m s-sitting down.”

“I’ve talked to his friends. They weren’t very hard to find. He used to work for someone you know. This is confidential, I mean lawyer-client discretion and all. Hindi ko na sana sasabihin sa `yo, ayokong sa akin manggaling, pero malalaman mo rin naman. Carlo used to work for… for…”

Nanghihina na si Blanca. “For my uncle?”

“No. For Dan,” sagot ng abogado.

“Dan? I don’t understand. If that’s the case then let me call him and this is going to be settled in no time. Why in the world wouldn’t you tell me that Dan owned the company? But then why would he not even know about…” Natigilan siya nang unti-unting maunawaan ang nangyari. Lumakas ang tibok ng kanyang puso, halos mabingi na. This was a lie, a big lie, she was sure. There was no way this was happening.

“Blanca, are you still there? Are you all right?” tanong ni Drake.

“A-are you saying that Dan…?”

“Yes. He is behind this. I’m sorry, Blanca.”

Nabitiwan niya ang cell phone.