noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 18

Ch. 19 / 26 Feb 05, 2022

M AG-AANIM na buwan na ang tiyan ni Blanca, twenty-three weeks to be exact. Mahirap na iyong itago, kahit pa nga hindi pa masyadong malaki. Mukha lang siyang three months pregnant. Mabuti na lang at na-late siyang magpasukat ng damit para sa kasal kaya naiba ang tabas ng gown niya. Okay lang dahil siya ang maid of honor.

Hindi siya na-stress sa preparation ng kasal. Siya ang humanap ng strippers para sa bachelorette party ni Helen. Nag-enjoy naman ang lahat, kahit siya. It was a night for the ladies and everyone was nice to her because she was pregnant and couldn’t take alcohol.

Ang payo ni Helen, huwag na niyang sabihin kay Daniel ang tungkol sa ipinagbubuntis. Manigas daw si Daniel. She agreed. Ang payo naman sa kanya ng mga tauhan sa patahian, sabihin na niya. Hindi naman alam ng mga ito ang totoo, pero alam ni Helen ang lahat. Ang sabi ni Drake, dapat daw niyang ipaalam kay Daniel. By law, Daniel had responsiblities also. Sino rin daw ang pipirmang tatay sa birth certificate ng bata.

Para kay Blanca, hindi na dapat pang malaman ni Daniel ang lahat dahil umalis naman ito at inaming ginantihan lang siya. Baka nga mas matuwa pa ang lalaki kapag nalamang nag-iwan ito ng souvenir. Baka iniisip nitong isang magandang bagay pa iyon, dagdag-ganti.

Kung noong una, parang gumuho ang kanyang mundo nang malaman na buntis siya, sa ikalawang araw pa lang mula nang malaman ang kalagayan, parang natauhan siya. A baby, a child, her own. Kung iba ang motivation ni Daniel sa pagbuo ng bata, ang naghari sa puso ni Blanca noon ay pagmamahal. She loved the kid. She would take care of it and make sure it will grow up to be a good person.

So what kung wala itong ama? Ilang successful na tao ba ang walang ama? Hindi man sa ganoong paraan ginusto ni Blanca na magkaroon ng anak, ang simpleng katotohanan ay magkakaanak na siya at gagawin niya ang lahat para sa anak.

“Bilisan ang rehearsal at maiinitan si Buntis,” sabi ni Helen sa wedding coordinator.

“I need to pee,” sabi ni Blanca. Kung mayroon siyang ayaw sa pagbubuntis, iyon ay ang pagiging bottomless ng kanyang pantog. Maya’t maya siyang umiihi sa puntong nakakapagod na.

Sinamahan siya ni Helen sa banyo. Habang naglalakad papunta roon, natigilan ang kaibigan at humigpit ang hawak sa kanyang braso. Nagtaka si Blanca at nag-angat ng tingin, para lang matulala. She was looking right at Daniel. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang mas mukhang nabigla.

“You’re pregnant?” tanong ng lalaki.

Mahirap iyong itago. Maxi dress ang suot ni Blanca, pero dahil mahangin, dumidikit ang tela sa kanyang tiyan. Kahit sabihing busog na busog lang siya, walang maniniwala. Mas malaki ang tiyan kaysa sa busog version.

“What the hell are you doing here?” sabi ni Helen. “Did Drake invite you? Sinabi ko sa kanya na `wag na `wag kang iimbitahin. I can’t believe you have the guts to come here, even if Drake invited you—which I don’t understand. Blanca, I specifically told Drake not to invite this client of his.”

Tumango lang si Blanca sa kaibigan. Hindi pa rin niya magawang magsalita. What was there to say anyway? Pinag-isipan niya kung tutuloy sa banyo na nasa bandang likuran ni Daniel o pipihit para pumunta sa ibang banyo. Sa huli, nagdesisyon siyang puntahan ang nasa likuran ng lalaki. Bakit siya iiwas na parang siya pa ang may atraso?

But, God, he was making her knees weak.

Nang mapadaan sa tapat ng lalaki, hinawakan siya nito sa braso. “You’re pregnant.”

“I need to use the restroom!” sabi ni Blanca, binawi ang braso.

“That’s right. Now leave!” sabi naman ni Helen kay Daniel.

Tuloy-tuloy si Blanca sa banyo at doon, napahawak sa counter, nakatingin sa salamin.

“Are you all right?” tanong ni Helen.

“I need to pee,” sabi ni Blanca, pumasok sa cubicle. Doon na wala nang nakatingin, biglang kumawala ang kanyang mga luha. Oh, it was so hard. So hard not to cry. Nalulunod siya sa mga emosyon. Seeing him again shocked her senses. Hindi niya inaasahan na doon makikita uli si Daniel, at lalong hindi inasahan na buntis siya kapag nagkita sila.

What to do now? What to tell him?

“Honey, are you all right?” tanong ni Helen.

“Yes. Just give me a moment, please.”

Hindi na nagsalita ang kaibigan. Pilit pinatahan ni Blanca ang sarili, pero mahirap gawin. It took about fifteen minutes. Nang lumabas ng cubicle, naghilamos siya. Nandoon si Helen, inabutan siya ng eyedrops na agad niyang ginamit.

“Is he still outside?” bulong niya.

“Let me check.” Sumilip ito sa pinto, saka muling lumapit sa kanya. “Unfortunately, yes. Kausap na siya ni Drake. Don’t you worry, Drake will call me when he has sent him away. The nerve of that man! Hindi naman pala siya invited ni Drake.”

“How did he know you’re getting married here?”

“Oh, darling, everyone knows.”

Of course. Socialite si Helen, maraming interesado sa buhay nito. Isa pa, malamang na noon pa nabanggit ni Drake kay Daniel ang lahat. Matagal na pinagplanuhan ang kasal na iyon. Drake might even have casually invited Daniel before.

Mayamaya, kumatok si Drake sa pinto. “Honey? Can we talk?”

Salamat na lang at walang ibang tao sa banyo. Lumabas si Helen at isinara uli ang pinto. Makaraan ang may ilang minuto, pumasok uli si Helen. “Drake said it might be a good idea to talk to the bastard since he wants to know about your baby. Kung ayaw mo, sasabihin ko na lang.”

Hindi fair para kay Helen na ito ang ikakasal, pero nagiging pabigat siya rito. Walang ikakasal na dapat na pinoproblema ang buhay ng maid of honor. It was Helen’s day.

“I will talk to him. Go back to your rehearsal,” sabi ni Blanca.

Halatang tutol si Helen. “But—”

“No buts.”

“Are you sure?”

“I can handle that asshole. What’s the worse he can do?”

Tumango ang kaibigan at hinayaan na siyang makipag-usap kay Daniel. Nauna si Blanca papunta sa restaurant. Nakasunod sa kanya ang lalaki.

“Blanca, I need to know about the baby.”

Hinarap niya si Daniel. “What do you want to know?”

“Is it mine?”

“If I say no?” Nagsukatan sila ng tingin. Gusto na namang umiyak ni Blanca. Looking at his face made her realize that her anger was so easily broken. Ilang buwan niyang naisip na nawala na siguro ang lahat ng pagmamahal niya sa lalaking ito dahil wala siyang maramdaman kundi galit at pagsisisi sa naging katangahan niya. Seeing him again made her realize that there was a part of her that died when he left. Ang bahaging iyon ay umiiyak pa rin pala, hindi pa tuluyang namamatay. She would give everything for it to die because it was too hard, too painful to see him now. It was like a dozen knives being stabbed right into her chest.

Daniel never loved her, that was a fact. Sa mga panahong nalulunod si Blanca sa saya sa pag-aakalang nakita na niya ang lalaking makakasama habang-buhay, iniisip lang pala ni Daniel kung paano makakaganti. Kung kaya niyang ibalik ang nakaraan, bakit hindi? But really, was what she did that bad to warrant such revenge?

Ano ba ang ginawa niya rito? Ang pagtulong sa kanyang kapatid sa mga oras na iyon. It was terrible. She had always felt terrible. Lalo na pagdating kay Sharon. Si Sharon and nalagay sa alanganin. Nakulong si Daniel, oo, pero walang kasong naisampa rito. Kung sakaling ang lalaki ang nadiin noon, hindi alam ni Blanca kung may gagawin siya o kung ano ang kanyang gagawin. How could she know when it did not happen? Pinarurusahan siya ni Daniel para sa isang bagay na hindi nangyari. May drugs na nakita sa kuwarto kung saan ito naabutan at si Sharon ng ambulansiya at mga pulis, pero ano ang kinalaman niya roon? Mitchell did not even have drugs, she was sure of it. Walang pera ang kanyang kapatid para makabili ng drugs. Inamin din ni Mitchell na hindi ito gumagamit niyon, kundi ang isa nitong kaibigan na nakilala sa school pero hindi kasali sa swim team. Dahil bawal iyon at kapag nahuli, matatanggal ito sa team. She knew Mitchell’s life revolved around that team at that time. Noong panahong iyon lang ito nakakita ng sariling mga kaibigan.

Naging masama ba siyang kapatid, isang kunsintidor? Siguro sa isang banda, oo. She was young, she was stupid, she felt like the world was on her shoulders and she was struggling to find a way for her and Mitchell. Nang gabing nangyari ang lahat ng iyon, ginawa lang ni Blanca ang sa tingin niya ay pinakamabuti para kay Mitchell. Ni hindi nila napag-usapan noon ang tungkol kay Daniel. They were busy talking about what was going to happen to Sharon.

Kung alam lang ni Daniel na may mga gabi pa ring nagigising siya na puno ng guilt. Bitbit niya iyon hanggang ngayon, kahit pa walang nangyaring masama. Mitchell bullied Daniel and she knew about it. Nahuli niya si Mitchell noon. Pero pinagsabihan niya ang kapatid; ilang ulit na pinagsabihang huwag nang gawin uli iyon dahil baka mahuli ito. May mga pagkakataon na parang sasabog na ang kanyang ulo sa konsumisyon sa kapatid kaya nakapagsalita siya rito na kung gusto nitong magloko, huwag magpapahuli para wala siyang maging sakit ng ulo. Yes, she should not have said it. Yes, it was horrible. But she was only human. Sa lahat ng iyon, naging tama ba ang ginawa ni Daniel sa kanya?

Siguro, sasabihin ng iba na tama lang sa kanya iyon. Siguro sa isang banda, may mga bagay mula sa nakaraan na dapat panagutan si Blanca. But Daniel took it to another level. Maybe they were indeed even now. Masaya na kaya ang lalaki? Ano pa ang kailangan nito? May kulang pa ba?

“I won’t believe it. Tumawag na ako kay Aling Yolly. Six months ka na raw buntis. I think it’s mine.”

Of course it’s yours! “I doubt you’d want to take responsibility for the baby.”

“Of course, I’d want to take responsibility for it! It’s mine!”

“Fine. We’ll talk when I find time.” Nagalit na naman si Blanca sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mo. Tinawagan mo pa si Aling Yolly, ano ang karapatan mo?”

“I just wanted to know since you seemed to want to keep it a secret.”

“And if I did?”

“I had to know as well if it’s my baby.”

“Why don’t you leave? Sinisira mo ang araw ng lahat dito. You’re not even invited.”

“I didn’t come for the wedding.”

“Just try not to piss everyone off,” sabi ni Blanca at iniwan na si Daniel. Tumuloy siya sa rehearsal. Agad siyang nilapitan ni Helen. “It’s all right.”

“Did you tell him?”

“Yes. Don’t worry about him. Everything is okay. It’s your wedding.”

“Oh, please, I’ve done it before.”

Bigla tuloy natawa si Blanca. At least she was lucky to have a friend like Helen. As for the father of her baby? Wala na siyang inaasahan. It ended between them even before it started. How she hated herself for being sad about that truth.

BABY, why are you doing this to Mommy?

Nakikiusap na si Blanca sa anak sa sinapupunan. Kagagaling pa lang niya sa restroom, pero hayun, naiihi na naman siya. Reception ng kasal ni Helen. Sa totoo lang, gusto sana niyang magsaya sa araw na iyon para sa kaibigan, pero hindi siya komportable sa pagbubuntis, sa totoo lang. Kung noong una ay halos hindi niya iyon nadama, ngayon naman ay parang nag-aalburoto ang kanyang anak na panay ang hila sa kung anong switch sa kanyang katawan na dahilan para maya’t maya siyang maihi. Parang nakikinita niya ang isang baby na parang si Len-len, nanunukso at pinaglalaruan siya, nagpapapansin.

Nagsasayawan ang lahat at sexy ang mga ito. Men, women, everyone was sexy. Quite frankly, even the groom looked sexy. Nakakasanayan pala ang hitsura ni Drake. Kung ang una niyang impresyon dito ay mukha itong manyakis dahil sa bigote na dahilan para magkaroon ng kakaibang aura ang mukha, ngayong nag-ahit, lumabas ang totoo nitong hitsura. Drake looked rather dashing. Sa grupo ng mga taong kay gaganda at kay guguwapo, hayun si Blanca, isang semi-butete na ihi nang ihi. She was using pads because the regular pantyliner just won’t do. Wala siyang mapagsabihan niyon dahil siguradong mapapangiwi ang mga tao.

Habang ine-enjoy ng mga guest ang alcoholic drinks na nag-uumapaw sa bar, siya ay virgin drink ang iniinom at kaunti lang dahil siguradong magpapabalik-balik na naman siya sa banyo.

“All good?”

Napalingon siya. Biglang dumagundong ang kanyang puso. It was Daniel. “Hindi ka invited.”

“Drake saw me at the lobby and told me to come.”

“Oh.” Ano pa ang sasabihin niya rito?

“Everything okay?”

“Yes.”

“Do you need anything?”

Actually, kung puwede lang ipasa ang pantog dito ay ginawa na siguro ni Blanca. Nagpatingin na siya sa doktor at sinabing wala naman daw siyang UTI, talaga lang daw ganoon ang ibang nagbubuntis. Umiling na lang siya sa lalaki. She disliked the calmness she felt with him near. Parang noon. Pero kailangan niyang tandaan na walang totoong noon. Hindi niya iyon dapat balikan. Siguro, parang muscle memory. Emotion memory? Ang mga dance routine na naensayo nang paulit-ulit, kahit ilang taon ang lumipas ay posibleng alam pa rin ng isang tao dahil sa muscle memory. Baka ganoon din sa pakiramdam at emosyon ng tao. Nasanay ang puso niya na makaramdam ng ganoon kaya hanggang ngayon ay dala niya.

Naupo si Daniel sa bakanteng upuan sa kanyang tabi. “How are you feeling?”

“I’m good.”

“Do you need anything?”

“Actually, I need to pee.” Tumayo na si Blanca at nabigla nang tumayo rin ito para alalayan siya. “Hindi ako imbalido. Buntis ako.” Binawi niya ang braso at tinalikuran na ang lalaki. Wala siyang pakialam kahit may ilang bisitang nakarinig sa kanya.

Tuluy-tuloy si Blanca sa banyo, nang matapos ay hindi muna tumayo para masaid ang dapat masaid. Hindi siya makapaghintay na makapanganak. Hindi siya kailanman naging mataba kaya ganoong nadagdagan ang timbang niya, nahihirapan din siyang kumilos. Dahil nagtitipid, hindi rin siya bumili ng mamahaling maternity clothes. Nasa bahay lang naman siya madalas at puro babae ang kasama kaya tama na sa kanya ang mga daster na binili sa Divisoria. Presko ang mga iyon at kailangan niya dahil palagi siyang init na init.

Nang matapos, naghugas siya ng mga kamay at lumabas na. Nandoon pa rin si Daniel. Naitanong niya sa sarili kung ano kaya ang nararamdaman nito ngayon. Nag-backfire lang dito ang lahat ng plano dahil buntis siya. Ano nga ang mararamdaman ng isang lalaking ginustong gumanti pero sa huli, nagkaanak pa sa babaeng ginustong pabagsakin?

Gustong isipin ni Blanca na bagong plano ni Daniel ng pagganti ang kanilang anak, pero sa palagay niya, wala namang taong ganoon kasama. Puwede nitong iwan ang bata, hindi naman siya naghahanap ng sustento. But he seemed to want to be a part of the child’s life. Hindi pa man sila nag-uusap, nararamdaman niya iyon. Nakita rin niya noon kung gaano ito kahilig sa bata. Hindi iyon bahagi ng pagganti sa kanya. He was genuinely fond of Len-len. Alangan namang pati si Len-len, kasama sa pagganti nito?

“All good?”

Tumango na lang siya. She missed him, she had to admit. Sana wala naman itong planong makasama ang bata nang madalas kapag nakapanganak na siya. Kung sasabihin ni Daniel na kukunin ang custody sa bata, hindi siya papayag. Bigla tuloy siyang natigilan. Of course, asking the courts for sole custody would be the best revenge. Direktang tatama sa kanya at hindi makakaapekto sa bata, lalo na kung iniisip ng lalaki na masama siyang tao. He might even conclude that he was, in fact, saving the child from its evil mother.

“Is there anything wrong?” tanong ni Daniel.

“I know what you’re up to,” sabi ni Blanca.

Kumunot ang noo ng lalaki. “What?”

“You want to take my child away, don’t you?”

“What are you talking about?”

“It’s the perfect plan, isn’t it? The cherry on top of your sundae revenge special.” Mapaklang tumawa si Blanca. “You won’t get it. Sa batas ng Pilipinas, hindi mo makukuha ang bata sa akin. Unless you plan to completely destroy me, something that I will never allow. When will you be satisfied?”

“Wala akong ganoong plano.”

“You can’t fool me anymore.”

“I promise, I have no other agenda this time.”

Pinagmasdan niya nang mabuti si Daniel, tinitigan ang mga mata nito. She was looking for any bit of clue that he was lying. Wala siyang nakita. Pero magaling magsinungaling ang lalaki. In fact, it came naturally to him. Mukhang matagal na itong nagpa-practice. Hindi lang siya ang naloko nito kundi lahat ng mga taong malapit sa kanya. Even Helen. Even Drake.

Hindi na lang umimik si Blanca, pero pinaalalahanan ang sariling maging alerto sa lahat ng pagkakataon. She would build a barricade around her heart so that clarity could always sink in. Mahirap kasing makakita nang malinaw ang isang taong nagmamahal at bulag, ang tanging nakikita ay ang mga bagay na gustong makita.