“A RE YOU sure you’re going to be all right?” tanong ni Daniel kay Miranda.
“Yes, of course.”
Tumango siya at lumabas na ng kuwarto ng dating asawa. He felt guilty. Nang makabalik sa Amerika, hindi muna niya pinuntahan ang babae, kahit pa nga iyon ang sinasabi ng kanyang isip. He had taken care of business so he needed to come back to her, like they agreed upon.
Noong una, hindi nagawa ni Daniel. Naisip na lang niya na dahil siguro hindi pa rin siya one hundred percent na mission accomplished. Hindi pa niya napupuntahan ang ama sa Pilipinas. Pero ang totoo, wala siyang pakialam doon. Walang matinding passion sa kanyang sistema na kausapin o hanapin ang ama. It was strange. Siguro dahil alam niyang hindi niya ito kilala sa paraang dapat makilala ng anak ang isang ama. Wala siyang interes na magsimula ng bagong relasyon sa isang estranghero na mayroon namang mga anak.
Dapat, pagkabalik pa lang sa Amerika, pinuntahan na niya si Miranda. Alam nitong umuwi siya sa Pilipinas. Sa isang taon nilang paghihiwalay noong sabihin nitong ayusin niya ang nakaraan sa kanyang buhay, madalas naman silang nagkakausap. Kung sana inuna niya ang dating asawa, mas maaga siyang nakatulong.
Miranda tried to kill herself just a week ago. Depression. Sa mga pag-uusap pala nila noon, may depression na ang babae. Kaya pala kung minsan, ayaw nitong makipag-usap sa kanya. Nalaman lang niya ang lahat mula sa dating biyenan. May problema ang pamilya sa ngayon dahil walang gustong magbantay kay Miranda. She insisted she did not want to be a burden to anyone and that she was taking her medicines. Pero hindi pala totoo, kaya noong nakaraang linggo, isinugod ito sa ER nang ubusin ang isang bote ng sleeping pills.
It was painful seeing her like this. Mas masakit dahil sa ganoong paraan din nawala sa mundo ang ina ni Daniel. Bakit lahat ng taong minahal niya, nauuwi sa depression? He felt useless. Now he felt as if he let Miranda down. Lalo na at hindi niya rito maibigay ang sarili nang one hundred percent.
He had other things in his mind, things that should not even occupy his head anymore. Nitong nakaraan, hindi na siya nakakatulog masyado. Hindi siya mapakali. Siguro, kung hindi kinailangan ng tulong ni Miranda, wala siya sa Amerika. Sa ngayon, nasa bahay niya ang babae. He hired a nurse for her. Bukod sa nurse, may assistant siya na doon din sa bahay nakatira. Iginiit ni Miranda na hindi nito kailangan ng nurse, pero para kay Daniel, importante iyon. Miranda simply refused to take her medicines sometimes.
“Everything okay?” tanong ng dating biyenan ni Daniel. Dinalaw nito ang anak sa kanyang bahay. Kung minsan, gusto niyang magalit sa matanda dahil parang pabigat dito ang sariling anak. Tumango siya. “Daniel, I don’t understand why the two of you needed to get that divorce. You know this problem of hers started after it.”
Hindi niya iyon alam. Hindi sinabi ng kahit na sino sa kanya at nitong huli lang niya nalaman, nang wala nang nagawa ang kanyang dating biyenan kundi ang humingi ng tulong sa kanya.
“Well, I hope she gets better. I’m not all that worried anymore, now that you’re here.”
How he disliked her. Kahit noon, hindi masyadong nagustuhan ni Daniel ang dating biyenan. Ngayon, ginagamitan siya nito ng guilt at epektibo iyon. Bakit nga ba hindi niya dinalasan ang pagbisita sa dating asawa pagkatapos ng paghihiwalay nila?
Nagpaalam na rin ang matanda mayamaya at sinabing dadalaw daw sa susunod na linggo.
Tumuloy si Daniel sa kuwarto, napabuntong-hininga. Matagal niyang pinigil ang sarili hanggang sa abutin niya ang cell phone at pindutin. Hindi pa nagtagal, kausap na niya si Drake.
“Can I give you an advice, Daniel? If you want to know how she’s doing, just give her a call. I’m a lawyer, not a counselor, all right?” sabi ng lalaki.
Napahiya si Daniel. Siguro, napikon na rin ang abogado sa maya’t maya niyang pagtatanong kung kumusta na si Blanca. Hindi niya mapigilan, kahit ilang ulit nang sinabi sa sarili na kalilimutan na ang babae. Naisip niyang hindi pala niya kayang dalhin ang guilt.
Para siyang isang sundalong napakatapang sumabak sa giyera at nang manalo at makauwi, hindi kayang dalhin ang mga napinsala ng kanyang baril. Kahit pa kalaban ang mga iyon. Hindi lang si Blanca ang naiisip niya kundi pati na rin ang mga empleyado nito. However, he was glad when he found out that Blanca gave them what they deserved. Kompleto raw ang ibinigay sa mga ito ng babae at may bonuses pa.
Siya ang nakabili ng property ni Blanca. He used a different lawyer for that. Nakatago rin iyon sa pangalan ng isang kompanya. Blanca did not seem to be interested in finding out the people behind the company. He just made a good offer. About two million more than the rest. In fact, he wanted to pay more. He would never run out of funds. His investments were like a gold mine. Sa huli, nakumbinsi niya ang sarili na kung malaki ang ibabayad niya sa property, wala ring saysay ang pagbabalik niya para maningil.
Was he happy? No. No, he was not and it was very clear to him. Araw-araw, nagigising si Daniel na agitated. Hindi siya mapakali, hindi matahimik. Ang inaasahan niyang peace of mind, lalong napalayo, lalong hindi nagawang abutin ng kanyang mga kamay. Why was it so hard to achieve? Ah, because he had a conscience. Hindi niya iyon naisip noon. He thought that when he got his revenge, everything was going to be all right. How wrong he was.
“I’m sorry, Attorney.”
“Listen, Blanca is a strong woman. She can handle it.”
“I only wanted to know how she’s doing.”
“She’s well. But call her. You and I both know it’s the only way you can satisfy your curiosity.”
“She’s going to be at your wedding, right?”
“Oh, please don’t come. Helen will hate me. Can you imagine my honeymoon with my wife mad at me? Don’t do this to me, man.”
“I’m not going to gate-crash… But you know you can tell her you told me about it last year.”
“We sent out the invitations a month ago so no, that won’t work. Just fucking call Blanca and get it over and done with, all right?”
“I’m sorry. Don’t worry, I won’t come.” Napabuga ng hangin si Daniel at tinapos na ang tawag. Nagpunta siya sa sala at naabutan doon si Miranda.
“Don’t think I don’t notice you making noises at night, pacing back and forth. What’s wrong? You know you can tell me.”
No, I can’t. Napabuntong-hininga na naman siya. “I left a few problems back in the Philippines, that’s all.”
“What kind of problems?”
“The usual. How are you?”
“I’m doing okay. I want to take my mind off this mess. I want to start working again, Daniel. The kids at the hospital, they make me happy.”
“What’s holding you back?”
“I can’t do it everyday. Not yet.”
“Then volunteer.”
“I think I will. Now, if you have problems in the Philippines, why don’t you go back? Don’t let me hold you back, that makes me feel terrible. I’m fine, Daniel. I won’t be alone as well.”
“Are you sure?”
“Yes.”
Pinisil ni Daniel ang kamay ng dating asawa. Iyon lang naman ang kailangan niyang marinig. Dumeretso siya sa kuwarto, nag-book ng flight, at nagsimulang mag-empake. Nagpaalam na rin siya kay Miranda. Paglabas ng bahay, naabutan niya si Carlo na tumitipa ng gitara. He owed the kid a lot. Malaki ang natanggap nito mula sa kanya, kasama na ang pangako ng trabaho. Masipag si Carlo, maaasahan. Mukha ring mas gusto nito ang tahimik na buhay mula nang mabigo sa pinadalhan ng love letter. The kid was all right. Buo ang tiwala niya rito.
“Where are you going, Sir, if you don’t mind?”
“I’m going to the Philippines. Do you want to come?” Wala nang naghahanap dito. It would be futile for Blanca to press charges. She bought the machines secondhand. Besides, he doubted she would spend money pressing charges. It wasn’t wise because the justice system would make her wait for years and years. By the time she wins, in case she does, the value of the money she will get will mean nothing.
“No, thanks. I’m happy here,” sagot ni Carlo.
“Are you sure? Mag-isa ka lang dito. I will call Kenny,” sabi ni Daniel.
“No need, Sir. Alam ko naman po ang gagawin.”
“Nahihiya ako sa `yo, eh. Hindi ka magsasaka. You graduated from a prestigious university and you’re here, working as a farmer. Masasayang ang oras mo.”
“Not really. My resum é will say I’ve been busy being an executive assistant, in case I want to go back to the corporate world.”
“Touché. Well, I need to go now.”
“Take care, boss.”
“You take care of Miranda.”
Tumango si Carlo. Hindi maintindihan ni Daniel kung bakit gusto pa rin siya ni Carlo kahit alam nito ang lahat ng ginawa niya at ni hindi ito nagtanong kung bakit. Carlo never asked, not even once. Sinabi niya rito ang maiksing version ng dahilan niya—“She did something wrong before.” Sapat na iyon dito. Dahil ba mas bata sa kanya ang lalaki kaya moderno kung mag-isip at walang pakialam sa moralidad? No, Carlo didn’t strike him as that kind of person at all. If anything, he was very empathic. Well, people were weird sometimes.
Sa flight, tahimik lang si Daniel, hindi maubos-ubos ang isipin. Dalawa ang kanyang layover, ang sumatotal ay labindalawang oras. Paglapag sa Pilipinas, pakiramdam niya ay isa na siyang zombie, pero hindi pa rin matahimik ang kanyang isip. He checked in a hotel. Naibenta na ang condo unit niya. He was determined to start anew when he left the country. Nagbago rin ang isip niya tungkol sa negosyong itinayo. He sold it as well.
Kung ano ang kanyang ginagawa ngayon sa Pilipinas, hindi niya alam.
Sa hotel room, nagawa ni Daniel na makatulog. It was a restless sleep. Kung siguro lahat ng kriminal sa mundo tulad niya, makagawa man ng krimen ay sapat na ang parusa. He needed to get his mind off his guilt. Siguro, kailangan niyang harapin ang isa sa mga misyong hindi pa niya natatapos—ang kausapin ang totoong ama. Funny enough, he was not as scared to face his own father than to face Blanca again.
Siguro, dapat din niyang asahan na baka hindi siya tanggapin ng ama. After all, his biological father thought he did not exist at all. Nabasa iyon ni Daniel sa suicide note ng kanyang ina. Palagi niyang dala ang papel kung saan iyon nakasulat, nakaipit sa isang maliit na libro na dala niya kahit saan.
Danny,
I know you’ve asked and asked about your father and I never gave you any answer. I will tell you the truth now and I hope you forgive me.
Your father is Dante Cardinal, a famous actor in the Philippines. He didn’t want to marry me when I told him I’m pregnant with you. I think it was his reason for his marriage refusal that made me come up with a plan to tell him I lost you through abortion. Ang sabi niya, ayaw niyang magkaroon ng isang legitimate na anak dahil magiging illegitimate ang lahat ng ibang mga anak niya. It didn’t make any sense to me. Up until now, I still think it was a very weak excuse. Of course, now, laws have changed and all his children carry his surname.
He wanted to be a father to you. Ayokong mapabilang ka sa napakaraming mga anak niya kung tulad din ng mga batang iyon, parang makikiusap ka sa kinakasama niya para sa oras ng ama mo. You are the light of my life and you deserve more than that. I made a decision to leave the country.
Hindi ka niya hinanap kahit kailan dahil hindi niya alam na buhay ka. Of course I realized it was a mistake to do what I have done when Johnny started making our lives miserable. Pero maniwala ka sana sa akin na kahit kailan, hindi ko inakala na mauuwi ang buhay natin sa ganoon. Like most immigrants, I came to the States with high hopes. Gusto kong ibigay sa `yo ang lahat at alam kong hindi ko iyon magagawa sa Pilipinas. My mother helped me out and married me off to Johnny. I’m glad you never got to know her deeply because you would have been very disappointed, as I have.
My mother is probably one of the most selfish persons I know. I haven’t talked to her in years. She’s dead to me. Mula noong oras na hindi niya tayo tinulungang makatakas sa buhay na bigay ni Johnny, itinuring ko na siyang patay. Kung paano niya nagawang talikuran tayo, hindi ko kayang ipaliwanag. It should not come as a surprise anyway. She had always treated me like a burden, but thanks to her I learned how to treat my own child.
I can only hope I have given you everything you needed. I’m very sorry, Danny. I want to stay, but the pain is too much. I want it to end. I hope someday you can forgive your mother. I love you. I always have and I always will.
Mom
Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng sulat kay Daniel. May hapdi pa rin iyon. His mother had always been overcharged for love. Maliban sa kanya, parang walang ibang nagmahal dito, isang bagay na hindi niya naintindihan dahil mabait itong tao. If he only knew she had clinical depression he could have done something.
Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang depression ng ina. Parang bigla na lang iyong dumating. The events that transpired pushed her off the edge. Akala ni Daniel, kapag naiganti na niya ang ina, magiging masaya siya. But here he was. Maybe his mother raised a good son, indeed. Pero ano ang good sa mga ginawa niya? Would his mother feel proud about what he did?
Bumuntong-hininga si Daniel at ibinalik ang sulat sa libro. Lumakad na siya at tumuloy sa bahay ni Dante Cardinal. Noon pa niya alam kung saan nakatira ang totoong ama, pero hindi siya kailanman nagkalakas ng loob na magpakita. Ngayon lang.
May guwardiya sa labas ng bahay. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan. Hindi pa man siya nakakapagpakilala, sumaludo na ang lalaki sa kanya. He was surprised, but didn’t say anything. Tuloy-tuloy siya sa loob ng bakuran at ipinarada ang kotse sa isang slot malapit sa driveway.
Bukas ang pinto ng kabahayan at matatanaw sa loob ang mga kasambahay, maging ang isang batang lalaking four years old siguro ang edad, naglalaro ng Lego blocks. Tumingin ang bata sa kanya.
“Tito!”
Nagtaka si Daniel. Lumapit sa kanya ang isa sa mga kasambahay. “Sir, natutulog pa po si Sir Dante. Gigisingin ko po ba?”
“No. Maghihintay na lang ako,” sagot niya.
Nilapitan siya ng bata. “Tito? You look different somehow.”
Nailang si Daniel. Malinaw na sa kanya ngayon ang nangyayari. May isang Cardinal na kamukhang-kamukha siguro niya. Bago pa makasagot sa bata, may isang lalaking dumating. Tumingin kay Daniel ang lalaki, matagal. The man looked a lot like him, but their resemblance was not enough for anyone to think they were one and the same.
“My memory must be failing me,” sabi nito. “I can’t remember your name, brother.”
Nakatayo na si Daniel sa puntong iyon. Ang batang lalaki ang nagsalita. “He’s Tito Ram.”
“No, he’s not,” sagot ng lalaki.
“I apologize,” sabi ni Daniel. “My name is Daniel Santos.”
“A new one.”
“I’m sorry?”
“Are you my brother? I’m Joaquin, by the way. This little guy here is my nephew, Lyle. I take care of our kin’s history. If you don’t mind, I would like to know your mother’s name.”
Sinabi niya iyon dito. Nagpaalam saglit ang lalaki at nang magbalik ay may dala nang laptop. Hindi alam ni Daniel kung matatawa o mabibigla—may database ang angkan ng mga Cardinal. Hiningi ni Joaquin ang kanyang birth date, maging ang pangalan ng kanyang ina.
“You are new. Oh, don’t mind my worksheet. It’s necessary to keep track of everyone. Hindi puwedeng hindi mapadalhan ng invitation lahat o hindi mapatawag ang lahat ng involved kapag may meeting. Dumadami din ang mga apo. You look so much like one of our brothers, Ramoncito.”
“You don’t look surprised to see me,” sabi niya.
“Have you not seen my worksheet?”
Bigla tuloy natawa si Daniel. Siguro nga, wala nang kakayahan pang masorpresa si Joaquin kung ito ang namamahala sa mga pangalan ng bawat isang Cardinal. Itinanong niya kung ilan ang kanyang mga kapatid at ipinakita nito ang tally. May dalawa roon na hindi pa confirmed dahil hindi pa dumarating ang resulta ng DNA test. Napansin niyang may second spread ang Excel file at may title na “scammers.”
“Scammers?” sabi niya, itinuro ang page.
“There are plenty. Our father will be up any minute. Kumain ka na ba?”
Tumango si Daniel, pero nagpahanda pa rin ng pagkain si Joaquin. Iniwan siya nito at sinabing sasabihin sa ama ang kanyang pagbisita. Mayamaya, nakita niya ang isang matandang lalaking pababa mula sa itaas ng bahay. Nakatitig lang ito sa kanya. Nang makalapit na, sinabi ng matanda, “I don’t believe it.”
“Good afternoon, Sir.”
“Is it true, you’re Conchita’s?”
“Yes, Sir.”
“You have her brows and her ears.”
Nabigla si Daniel. Naaalala pa ng matanda ang kanyang ina sa tagal ng panahon? Pero totoo. Noon, napag-usapan nilang mag-ina na ang mga iyon lang ang nakuha niya rito.
Pinaupo siya ng matandang lalaki at sinabi, “I’m very sorry. I didn’t know about you.”
“I know. She told me.”
“How is she?”
“She has passed away many years ago.”
Namasa ang mga mata ni Dante Cardinal. Halos hindi makapaniwala si Daniel. Ito ba ang lalaking hindi nagmahal sa kanyang ina? Nagpakuwento sa kanya ang matanda at natagpuan niya ang sariling sinasabi rito ang totoo. In the end, the old man became sad. Isang lungkot na may kasamang pagtanggap.
“Welcome to the family.”
Sumali sa usapan si Joaquin. Napag-usapan ang mga negosyo at ang pagiging bahagi roon ng lahat ng anak ni Dante Cardinal. Tumanggi si Daniel na mapasali. He just met them. Pero ayaw pumayag ng matandang Cardinal. Nakilala rin niya mayamaya ang isang babaeng “Alba” ang pangalan, ang kinakasama ng kanyang ama. Pormal ang pakikitungo ng babae sa kanya.
All in all, it was a good day. Nagbigay siya ng hair sample para patingnan ang kanyang DNA, na isa lang daw formality, ayon kay Joaquin. Nahiling ni Daniel na sana noon pa niya nakilala ang mga ito. He felt like he belonged somehow. A family, at last. Bumalik siya sa hotel na may gaan na sa dibdib kahit paano, pero nang nag-iisa na lang, bumalik ang lungkot.
He wondered why he felt this empty. Malungkot siya para sa maraming bagay, kabilang na roon ang nangyari kay Miranda; ang pakiramdam niya ay sakripisyo ni Carlo para lang magawa niya ang gusto; ang sitwasyon ng mga dating manggagawa sa pabrika na nawalan ng trabaho dahil sa kanya; at marami pang iba. Pero iba ang lungkot sa emptiness.
Sino ba ang taong hindi pa nalungkot sa buhay? He always felt a certain kind of loneliness and a bit of emptiness, but nothing as deep as this. Umuwi siya sa Pilipinas para ayusin ang sarili, pero nauwi siya sa ganoon. Siguro, saan man naroon ang kanyang ina, malungkot din ito.
He considered starting a new business, to keep himself busy, but he doubted if that would work at all. The simple fact of the matter was, he resolved nothing and only aggravated his personal issues.
Dalawang araw pa, kasal na nina Helen at Drake. Hindi imbitado roon si Daniel. Alam niyang nandoon si Blanca, hindi ito puwedeng mawala. Gustong-gusto niyang magpunta, pero hindi pa naman ganoon kakapal ang kanyang mukha para ipagpiltan ang sarili. Malinaw na sinabi ni Drake na ayaw nitong pumunta siya. He needed to respect the groom’s wishes. Wala siyang karapatan… But then, the man didn’t tell him it was not okay to wait for the guests outside, right?
Pinag-isipan niya ang lahat ng gagawin, pero sa huli, parang napahiya siya sa sarili. Ganoon ba siya kaduwag na imbes na puntahan si Blanca, mas gusto niyang makita ito sa harap ng maraming tao? Bakit? Dahil naiisip niyang mas magiging maayos ang pagtanggap nito kung sakaling maraming mga tao sa paligid? How low could he go? Gagamitin niyang shield ang mga tao?
But Daniel reminded himself that Blanca was not exactly innocent. Hindi nabura ng kanyang ginawa ang ginawa nito noon. His guilt was making him stupid.
Leave her alone, what the hell is wrong with you? Nagawa mo na ang gusto mo, ano pa ang sasabihin mo sa kanya? Ipapamukha mong ikaw ang nakabili ng property nilang magkapatid? Ipapaalala mo na naman sa kanya ang mga ginawa nila noon sa `yo? Will you tell her she’s a bad person? Grow up, will you?
Madaling isipin, pero hindi madaling gawin. Hindi pa rin nakabuo ng desisyon si Daniel. He packed his bags again ang booked a flight to Busuanga. Sa Coron gaganapin ang kasal nina Drake at Helen, sa isang private resort doon. Tumawag siya roon at nagpa-reserve ng isang kuwarto, hilltop. Hindi pa siya nakakapunta sa resort, pero umaasang hindi masyadong malapit ang puwesto ng suite sa mga ikakasal.
I’m an asshole. Really, I am , sa isip-isip ni Daniel habang sakay ng bangkang maghahatid sa kanya sa isla. Sana walang makakita sa kanya. Salamat at nang makarating sa resort, walang masyadong tao. Wala siyang nakitang kakilala. Tumuloy agad siya sa hilltop bungalow.
He was behaving like a stalker, he knew. A coward. Ano ang mapapala niya sa pagpunta sa isang kasal kung saan hindi siya imbitado? Bukod doon, para siyang tanga na umaasang makikita si Blanca kahit wala siyang balak na magpakita sa lahat. Pero nandoon na siya. Mukha siyang tanga, oo. Kukuwestiyunin ng lahat ang katinuan niya, oo. Kahit siya, naiinis na sa sarili. But he was already there and the wedding would take place tomorrow, and… and…
Napahawak si Daniel sa ulo. He would have packed again if it weren’t for the fact that he hadn’t unpacked yet. He was going home. Wala siyang pakialam kahit tatlong gabi ang ipina-book niya.
Papalabas na sana siya nang masilip na naglalakad sa labas si Helen. The bride herself! Isang grupo ng mga babae ang kasama nito, mayroon sa likuran at mayroon sa unahan. Mukhang sa hilltop bungalow rin naka-book ang mga ito! Why? Why would they choose that place?
Hindi alam ni Daniel at hindi siya puwedeng magtanong. Apparently, he was trapped. But he needed to see if Blanca was there. He recognized her immediately. Nasa unahan ito ng grupo, nakatalikod sa direksiyon niya, kausap ang kung sinong babaeng kasabay sa paglalakad. Sigurado siyang si Blanca iyon, kahit pa nga parang medyo nadagdagan ang timbang nito. Or was it her long, flowing dress?
His heart skipped a beat. Magkakasunod ang naging paglunok niya. Lately, he had not been himself. Parang hindi na niya kilala ang sarili kung minsan. Bigla na lang siyang nagdedesisyon, madalas na hindi napag-iisipan. O kung minsan naman, nauubos ang oras niya sa pag-iisip. Parang dahil sa tagal niyang mag-isip kaya palaging naiinip na hindi siya makapagdesisyon kaya gagawin na lang sa huli ang kung anong ideyang susulpot sa isip.
He was a fool. Tumawag siya sa reception. Nag-arrange siya ng bangkang maghahatid sa kanya sa bayan. He would find accommodation there and leave tomorrow. In-arrange din niya na doon na lang mag-settle ng bill sa kuwarto para maiwasan ang mga tao sa lobby, kung mayroon man. Talo pa niya ang isang asawang nagsama ng kabit at natuklasang nandoon din ang kanyang asawa.
Humugot ng hininga si Daniel at lumabas nang makitang wala nang tao sa paligid. He had never felt more stupid his whole life.