noveltoon logo noveltoon
Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8)

Chapter 16

Ch. 17 / 26 Feb 05, 2022

I T DOESN’T make any sense. I don’t understand. Nakatulala lang si Blanca, hindi alam kung ano ang iisipin, kung ano ang gagawin. Paano nangyaring involved si Daniel sa lahat ng iyon? Well, she knew. She just couldn’t believe it. There had to be something amiss there, something she was willing to find out.

Tinawagan niya ang lalaki. Wala siyang pakialam kahit kalagitnaan ng gabi sa Amerika. Sinagot nito ang tawag. Mukha namang hindi ito galing sa pagtulog. “Hello?”

“Carlo used to work for you? The guy behind the company that sold me defective machineries?”

“Yes.”

Kahit paano, hindi inasahan ni Blanca ang walang gatol na pag-amin ni Daniel. “D-did you trick me? Did you pull a scam on me? I don’t understand. All that for what? A few million? It doesn’t make any sense.”

“You will lose everything, Blanca, wouldn’t you? That would be more than enough.”

Matagal bago siya nakasagot dala ng sobrang pagkabigla. “W-who are you?”

“Daniel Caleb Santos. That’s my name now. But when I first arrived in the country years and years ago, back in the day when I haven’t changed my surname yet to my mother’s, I was Daniel Caleb Dupree. I believe Mitchell, your brother, called me by the nickname he invented for me: The Nerd.”

“Oh, my God…” Pakiramdam ni Blanca mababaliw siya sa pagdating ng mga impormasyon. Surely, this was all a lie?

“I can tell it came back to you now. I thought you needed reminding of the boy you left for dead with an unconscious and dying girl. Her name is Sharon, in case you forgot. Is it clear to you now, Blanca?”

“You didn’t die. You were—”

“Drugged. Sent to jail.”

As if it wasn’t clear enough, she had to ask, “All this because of that?”

“You have no idea what you and your brother did to me and my mother. Now finally, I can have peace. Good-bye, Blanca. And good luck trying to save yourself this time.”

Naputol na ang linya. Nakatulala lang si Blanca. Wala siyang maramdaman na kahit na ano sa loob ng ilang sandali. As she was slowly realizing things, she started to shake. And then she cried. She cried and cried until she felt she could no longer breathe. And then she cried some more.

WALANG oras para huminga. Walang kukurap. Parang nasa ganoong estado ang buhay ni Blanca nang bumangon kinabukasan. She found strength somehow, and an incredible drive to win. Win against all odds. Ang unang imahen sa isip niya nang magising ay ang kanyang mga magulang. Sinundan iyon ng alaala ng lahat ng mga paghihirap at pagtitiyaga niya sa nakalipas na ilang taon. No, she would not be defeated. Not now. Kung magbababad siya sa sama ng loob, walang mangyayari. Maiksi lang ang oras na mayroon siya para mapunan ang mga order. She had to move.

Ang unang ginawa ni Blanca ay ang magtawag ng mga dating kakilala. Sa araw mismong iyon, naipasa niya ang order sa iba. It meant she would have a deficit, but her name was not going to get ruined. Ang sumunod niyang ginawa ay magpahanap ng titingin sa mga makina. Hindi naging promising ang resulta niyon. The machines were really disposable. Ang sabi ng technician, mukha raw nadale sa baha at hanggang sa kaliit-liitang part, posibleng may defect. Ipinasa sa kanya ang mga makina para gumana superficially. It was meant to break down any time soon.

She had nothing left to sell. Malapit na ang suweldo ng mga empleyado at wala siyang maipampapasuweldo sa mga ito. Ayaw man, nilapitan niya si Helen. Helen helped her out. Galit na galit ang kaibigan kay Daniel.

“You know what to do, don’t you?” sabi ng babae.

Tumango si Blanca. It seemed clear. She needed to sell the property, pay the loan quickly, and just move on. Hindi niya iyon matanggap. Dahil kapag ganoon ang kanyang ginawa, barya na lang ang matitira sa kanya. Higit sa lahat, mawawalan ng trabaho ang mga empleyado.

She was fighting back tears. Pakiramdam niya, sa bawat luhang lumabas sa kanyang mga mata, tagumpay ang katumbas para sa taong naglagay sa kanya sa sitwasyong iyon.

“This property can be easily sold, you know it. It’s prime property. May mga tenant ka rin. One of them is a bank.”

“I just… I can’t believe he’s managed to make me lose so much in so little time.”

“I know. Ang importante, may matitira sa `yo. It will be enough to purchase a small property. You can start anew. Maybe it’s a curse, you know. Maybe this business is a curse, haven’t you thought about it that way?”

“Never.” For how could it be? Legacy ng kanyang mga magulang iyon kaya paano magiging sumpa?

“You need to decide quickly, Blanca. Tataas ang interes. At this rate, I can ask my boyfriend to renegotiate with the bank and even if they don’t want to, you’d still get some after you sell this property,” sabi ni Helen.

Alam ni Blanca na hindi magiging mahirap magbenta ng property dahil noon pa, marami nang nagtatanong sa kanya. But she needed to pay her loans. Bukod sa bangko, may in-house loan siya sa contractor dahil nagdesisyon siyang yaman din lang na gagawin iyon, pakinabangan na lahat ng puwedeng pakinabangan. It was just as well. Kahit anong suma, ganoon pa rin naman ang mangyayari—maibebenta niya ang lahat at mauuwi sa dalawa o tatlong milyong piso.

Tama si Helen, kailangan niyang magdesisyon agad. She did. Bago iyon, dinalaw niya ang kapatid sa Bilibid. Napansin agad nito ang disposisyon niya.

“What happened?”

“I lost the business, Mitchell.” Doon lang napaiyak uli si Blanca.

“How? I mean, it’s okay, but how?”

Ayaw ni Blanca na ma-guilty ang kapatid, pero kusang lumabas ang kuwento sa kanyang bibig. Soon, she was crying out of shame. Siguro, iyon ang pinakamalaking kalaban niya ngayon—ang kahihiyan. Naging napakadali para kay Daniel na lokohin siya. She practically offered herself to him. Lahat ng gawin nito at sabihin, hindi na niya masyadong na-double check. Buo ang naging tiwala niya sa lalaki. Tuwing binabalikan ni Blanca sa isip, lalo lang siyang nagagalit sa sarili, lalong napapahiya. Kung noon iyon nangyari, siguradong nabusisi niya nang maigi ang supplier ng makina. Siguro, hindi siya naglabas ng natitirang pera para sa mga piyesa kuno na inabot ng napakalaking halaga. Para siyang nagsunog ng pera, dahil lang nagpakatanga siya sa isang lalaki.

“Mitchell?” pukaw niya sa kapatid na natahimik bigla.

“You know, I constantly pray for him, Ate. For him and Sharon. I know God is working. God has His reasons.”

Halos hindi makapaniwala si Blanca sa sinasabi ng kapatid. Gusto niya itong sigawan, alugin, gisingin sa katotohanang may mga bagay na hindi nadadaan sa dasal. Dahil kung nadadaan lahat sa dasal, wala sana silang naging problema. Wala sanang problema ang mundo. Pero sa huli, nanahimik siya. At least Mitchell was not as miserable as she was and that was a silver lining. She needed a lot of silver linings and right now, she could only see one.

“Don’t worry about the property, Ate. I told you, wala na akong pakialam doon. It’s yours. And no… you didn’t disappoint me. You never have. If anything, you have always proved how wonderful you are as a sister, as a guardian to me. You did your best. You’ve always done your best. Ayokong isipin mo ako palagi at isaalang-alang sa mga desisyon mo. I appreciate the gesture, but please don’t feel that I am an obligation. I’m an adult, I should be able to take care of myself. I will pray. You will see, everything will get better.”

Tumango na lang si Blanca. Habang naglalakad papunta sa kanyang kotse, itinatanong niya sa sarili kung ano ang gagawin sa mga susunod na araw, kapag nabenta na ang lahat. She was too tired to think anymore. Puwede bang humiga siya sa kama at hawakan ang oras, pigilan iyon habang hindi pa siya handang kumilos at mag-isip? She was tired. Very tired. But the world would keep turning no matter what. And all she could do was to keep moving. Keep trying not to fall down, even if it seemed to be the easiest thing to do—to raise her hands up and say she was giving up.

She guessed she was too stubborn to surrender. She never will.

NAPAKABILIS para kay Blanca ang sumunod na dalawang buwan. Ni hindi niya kinailangang maghintay nang matagal para ibenta ang property. Mabilis iyong nabili. Ang mga makina, naibenta rin niya, pero sa napakababang presyo. Kaunti na lang, kasinghalaga na ng por kilo.

Binayaran niya ang lahat ng loan. Binigyan din niya ng separation pay ang mga empleyado, pati na rin kaunting bonus para sa mga hindi pa matagal na namamasukan sa kanya. Nakabili siya ng property sa Cavite mula sa natirang pera. Malaki-laki rin naman ang property, kahit napakasimple lang ng bahay. Six hundred square meters ang lupa, one hundred fifty square meters naman ang bahay na bungalow. She got it for three million pesos. Medyo liblib ang lugar, pero sariwa ang hangin at malaki ang potential. Hindi na kongkreto ang daan papasok, pero may plano na raw gawing sementado iyon. It was located about three hundred meters from a barangay road.

Ipina-extend ni Blanca ang bungalow. Simpleng extension na may bubong at flooring na cement finish. Doon niya ipinalagay ang limang sewing machine, lahat brand new. Ang sabi ni Helen, masokista raw siya at imbes na tigilan na ang pagnenegosyo para magpahinga, humirit na naman. She couldn’t help it because she realized one thing—she loved that kind of business.

Sa kabilang panig ng property, nagpatayo si Blanca ng isang pahabang istraktura. It was very basic. She spent four hundred thousand for it. Bungalow-type, may isang banyo. Para iyon sa mga tauhan. Lima ang mananahi niya mula sa dating pabrika na kasama na niya ngayon doon, kabilang na si Aling Yolly. Hindi na nakasama ang iba dahil sa pamilya ng mga ito na nasa Maynila.

“Mas maganda nga rito, Ma’am,” sabi ni Aling Yolly. Lunch break at doon sila kumakain lahat sa tabi ng quarters ng mga ito. May dirty kitchen doon. “Sariwa ang hangin, malayo sa mga apo kong makukulit. Parang bakasyon na rin.”

Natawa si Blanca. “Hindi n’yo nami-miss si Len-len?”

“ Nakow , ang kulit na iyon?”

“Tama si Aling Yolly, Ma’am,” hirit ni Guada, isa sa mga mananahi. Galing ito sa RTW bago napunta sa kanya kaya alam lahat ng klase ng tahi. Hindi naman kailangan ng kakaibang expertise sa kanyang bagong negosyo. Bags at purses ang kanilang binubuo. Subcontrator sila. Walang problema sa kahit na anong gamit dahil lahat, provided ng nagpapagawa.

Noon pa, sinasabi na kay Blanca ng isa sa mga kliyente niyang magtayo ng patahian. Kumakaunti na kasi ang patahian sa bansa at ang ibang mga local clothing companies, napipilitan nang mag-job out sa Vietnam, China, at Cambodia; habang ang ibang mga kompanya naman mula sa ibang bansa, naghahanap din ng mga jobber. Hindi nila kailangan ng cutter dahil kinukuha nila ang mga tatahiin nang tabas na. Kahit ang sinulid, zipper, slider, at tag, provided ng nagpapagawa. Per piraso ang tahi nila, buo na. Bawat bahaging tatahiin, may presyo. Sa isang simpleng purse na may lining, tatlo hanggang sampung piso ang bayad, depende sa laki at sa klase ng tahi.

“Mas maganda talaga dito,” hirit ni Yaya Dahlia. “May nahihingi akong mga pananim. Tulad niyang ginataang papaya. Kahit araw-araw tayong maggulay at magpinya, hindi mauubusan.”

“Hindi ka naman makapal, ano? Bagong salta tayo dito, nanghihingi ka agad ng lagay,” hirit ni Aling Yolly.

Nagkatawanan sila. Walang matatanaw kundi mga maliliit na bahay, pinyahan, at mga puno kung saan sila naroon. Kapag mamamalengke, kailangan ni Yaya Dahlia na maglakad palabas sa barangay road, saka mag-tricycle papunta sa Aguinaldo Highway, at mula roon, magdyi-jeep ito papunta sa bayan ng Silang o Tagaytay, kung saan man nito gustong mamalengke. Walang reklamo ang matanda. Sa katunayan, gustong-gusto nga nitong mamalengke at maglakad-lakad. Sa hapon, nagtatanim si Yaya Dahlia. Malaki ang space sa paligid at hindi pa man, nakapagtanim na ang matanda ng kung ano-anong gulay.

Kapag weekend, umuuwi sa Maynila ang iba, habang ang mga tagaprobinsiya naman, naaaliw sa pagtatanim. Kung minsan, kapag ayaw ng mga itong lumabas, nananahi na rin. Twice a month ang pagluwas ni Blanca. Hindi niya ibinenta ang van at kotse. Parehong maayos ang mga iyon, mahaba pa ang buhay.

“Yaya, ubos na po ba `yong Indian mango?” tanong niya.

“Aba, kagabi mo pa nilalantakan, eh. Siyempre ubos na. `Wag kang mag-alala, mamaya mangunguha ako. Nalalaglag lang ang mga bunga. Walang tagarito ang interesado,” sagot ng matanda.

“Tumaba ka nga dito, Ma’am,” sabi ni Guada.

“Paanong hindi tataba, nahuhuli ko sa gitna ng gabi, kumakain!” sabi ni Yaya Dahlia.

Totoo. May mga gabing nagigising si Blanca na gutom na gutom. Hindi niya kayang ipaliwanag. Hindi naman iyon nangyayari sa kanya noon. Hindi na siya makatulog kaya naghahalungkat na lang siya ng laman ng ref.

“Baka naman naglilihi?” biro ni Aling Yolly.

Pero natigilan bigla si Blanca. Parang sinakmal ang kanyang puso ng kaba. She knew she was gaining weight. Kanina lang, nakita niyang lumaki ang kanyang tiyan at medyo sumikip ang pantalon.

“Ay, nalintikan na,” sabi ni Yaya Dahlia. “`Wag mong sabihing buntis ka nga?”

“Paano nangyari `yon, eh, ang tagal nang hindi nagpapakita ni Sir Dan?” sabi ni Guada.

“Ay, may apat na buwan na nang mawala iyon, ah?” sabi ni Aling Yolly. “Tama ba?”

Nagbilang sina Aling Yolly at Guada. Si Guada ang unang natapos magkuwenta. “February ko siya huling nakita. O, malapit nang mag-July. Ano `yan, limang buwan na ang tiyan mo, Ma’am, at hindi mo alam?”

“Kung huling nag-sex at nakabuo ng Pebrero, apat na buwan pa lang, papalima,” sabi ni Aling Yolly.

“Anak?” sabi naman ni Yaya Dahlia.

“H-hindi naman po siguro,” sabi ni Blanca. “Imposible namang magpa-five months na, hindi ko pa rin alam na buntis ako?”

“Kailan ka ba huling dinatnan?” tanong ni Yaya Dahlia.

Hindi na maalala ni Blanca. Pero matagal na. Hindi siya regular na nagkakaroon, pero hindi na niya naalala dahil sa magkakasunod na pangyayari nitong nakaraan. Walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang mga problema, ang sitwasyon. “Hindi ko po alam.”

“Aba’y nalintikan na! Guada, mabilis ka at magpunta kang Mercury. Bumili ka n’ong iniihian!” utos ni Yaya Dahlia.

Agad lumakad si Guada kahit katanghaliang tapat.

Halos tulala lang si Blanca. No, it was impossible. “Posible po bang wala man lang akong naramdaman?”

“Aba’y oo. Ako nga sa panganay ko, pitong buwan na nang lumaki ang tiyan ko at isang ire lang, lumabas na. Ganoon daw kasi kapag mabait ang bata, tahimik lang kahit nasa loob ng sinapupunan,” sabi ni Yaya Dahlia.

“Ay, ewan ko, ha?” sabi naman ni Aling Yolly. “Kasi ako, isang linggo pa lang ang pagbubuntis ko, tumitigas na ang utong ko. Wala akong kilalang hindi naramdaman na buntis sila.”

“Ako nga, tatlong buwan na rin bago ko nalaman na buntis ako noon sa panganay ko,” giit ni Yaya Dahlia. “Paano’y hindi naman regular ang mens ko, saka sinasabi ng asawa ko madalas na hindi raw ipuputok sa loob. Nakow , nalintikan `kako.”

“Oh, my God…” Nag-hyperventilate si Blanca. Ang isipin pa lang na buntis siya at si Daniel ang ama ay hindi na niya kayang tanggapin. Poor kid. Its father was thinking of revenge all along. “Paano po kung buntis ako?”

“Aba’y maganda, nang magkaroon ka na ng anak. Sabihin mo kay Dan at nang panagutan ka,” mungkahi ni Yaya Dahlia.

Magkakasunod ang naging paglunok ni Blanca. Hindi alam nina Yaya Dahlia kung ano ang totoong nangyari. Ang alam lang ng mga ito nang magtanong, hiwalay na sila ni Daniel. Hindi siya nagsabi ng kahit na anong paliwanag. Hindi naman nangulit ang mga ito.

“Hindi ko na po siya boyfriend.”

“At ano, makakatakas siya sa resposibilidad sa `yo? Naku, hindi. Masyado siyang masuwerte kung gano’n,” sabi ni Yaya Dahlia.

Hindi umimik si Blanca. Nagpaalam siyang pupunta muna sa kuwarto. Nahiga siya sa kama, naalala na nitong huli, madalas siyang mahilo at sumama ang pakiramdam. Pero naiisip niya palagi na dahil sa stress ang lahat ng iyon. Stress ang almusal, tanghalian, at hapunan niya sa nakalipas na ilang buwan. Mas nakakapagtaka kung hindi man lang sumama ang kanyang pakiramdam. There were many sleepless nights as well. She always felt tired. Inisip niyang dala lang iyon ng lungkot. She had to admit she always felt sad but it was normal.

God, please don’t let me be pregnant…

Naghintay lang si Blanca at nang dumating si Guada, agad niyang ginamit ang pregnancy test. Dalawa ang binili ng babae. Pareho niya iyong ginamit. In less than a minute, two lines showed. Clear as bell. She was pregnant.

Napahawak siya sa pader, kumuha roon ng suporta. Nanghina ang kanyang mga tuhod.

“Blanca, anak? Ano na’ng nangyari?” tanong ni Yaya Dahlia. “Papasok na ako, ha?”

Bago pa siya nakasagot, nakapasok na ang matanda. Agad siya nitong nilapitan. “Ano’ng nangyari?”

“Okay lang po ako.”

“Ano ang resulta?”

“Positive po. Buntis ako. Yaya, isa lang ang pakiusap ko, `wag po ninyong sasabihin kay Dan.”

“Paano ko sasabihin, ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyon? Ano ba ang nangyari? Bakit nagkaganito, anak?”

Hindi alam ni Blanca kung paano ikukuwento at ayaw rin niyang ikuwento. It was too painful. Pero tulad noon, lalaban siya. Sa ngayon, hindi muna kailangang malaman ni Daniel na magkakaroon ito ng anak sa kanya. Besides, he wouldn’t want any child from his enemy, would he? The poor kid might be used as a pawn. Sa ngayon, tahimik na siya. Wala siyang problema, business was doing well. She was going well, all in all. Everything was going to be okay. She had to believe that.