TEMPTATION Island was a place where your secret desires came to life. Hindi mawala sa isip ni Ria ang nabasa sa website. Nang matanggap ang imbitasyon na iyon mula kay Izaak, agad niyang binuksan ang laptop na nasa kuwarto at hinanap ang website na nakasulat sa likod ng imbitasyon.
Hanggang ngayong nakasakay sa yate na maghahatid sa kanila sa isla ng temtasyon kasama si Izaak ay laman pa rin iyon ng isip niya.
Anong klaseng lugar ang pupuntahan nila? Isang isla na puwedeng makipag-sex kahit kanino? Isang isla na hindi ka huhusgahan kung makikipagtalik ka?
Ria was reluctant at first. Hindi niya gustong sumama dahil alam na ang temptasyong dala ni Izaak. Nasisiguro din niyang mauulit ang kapusukan nila at baka mas mahirapan siyang pigilan ang sarili. But at the back of her mind, she wanted to go and see the island.
Parehas silang walang imik ni Izaak mula pa kanina. Nagpapakiramdaman sila pagkatapos ng nangyari kahapon. Nang pigilan niya ito at ang kanyang napanaginipan. Nakakahiyang isipin na napanaginipan niyang inaangkin siya ni Izaak. Na pinapaligaya nito na gustong-gusto naman niya sa panaginip.
Malakas na napabuntong-hininga si Ria nang dumaong ang yate na kanilang sinasakyan. Nilibot niya ng tingin ang kabuunan ng isla. Halos mapanganga siya sa ganda. Hindi niya akalaing may ganitong isla pala na may ganitong kagandang tanawin. And she’s not just talking about the nature, she’s talking about hot men roaming around, showing their hot body and rock-hard abs.
Good God. This place was for sinners.
Bumaling siya kay Izaak. “Miyembro ka rito?”
Tumango ito. “Yes.”
Napatango-tango si Ria, saka tumaas ang kilay nang may pumasok sa isip. “Is your woman here?”
She saw Izaak still. Parang na bull’s-eye niya. Well, this was a perfect place to have a mistress or a lover.
Humalukipkip siya. “Dito ba?” tanong niya ulit.
Namulsa ang lalaki at sumagot na parang wala lang. “Oo. Dito.”
“At dinala mo ako rito kasi?”
“Because I want to fuck you senseless.”
Napaawang ang mga labi ni Ria at nang makabawi sa pagkabigla ay saka lang niya ito nasagot. “I told you, we’ll do it after the wedding—”
“I’ll change your mind here.”
Napatanga na lang siya sa lalaki. “Izaak, please—”
“And I want to introduce you to my world,” sabi nito, saka tumingin sa kanya. “Let’s get to know each other here… before our wedding.”
Get to know each other? Nag-iwas siya ng tingin. Izaak would never know her as Ria so what’s the use?
Hindi niya kilala si Izaak at ayaw niyang kilalanin ito. Pagbalik ng kakambal niya, magpapakasal na ang mga ito at wala itong Ria na makikilala. It’s Syl. He’s Syl’s, not Ria’s.
“Syl?”
Napakurap-kurap siya nang marinig ang pangalan ng kapatid. Humugot siya ng malalim na hininga. “Puwede na ba tayong bumalik sa lungsod?” Niyakap niya ang sarili. “Ayoko rito.”
“We can’t. We have to stay here for two weeks.”
Napamulagat si Ria. “Two weeks?”
“Yes.”
Napanganga siya. “What the fuck?”
Kinunutan siya ng noo ni Izaak. “Is that an American accent I’m hearing?”
Napalabi siya. Shit! “Namali ka lang ng dinig.” Nauna na siyang naglakad kay Izaak papuntang entrance para ipa-check sa security ang luggage na dala at para makinig na rin sa maikling orientation. Kasunod niya si Izaak na mabilis na humabol sa kanya.
“Syl! Wait!” sigaw nito.
Agad naman siyang tumigil saka ito hinintay. “What?” tanong niya nang makalapit ito sa kanya.
“Bakit ka ba nagmamadali?”
“Pagod ako,” pagsisinungaling niya. “Gusto ko nang magpahinga.”
“Ganoon ba?” Kinuha nito ang bag na hawak niya saka iyon inilagay sa bakanteng golf cart. “We’ll use this to get to our destination. Para makapagpahinga ka agad pagkatapos ng orientation sa security office.”
Tumango lang si Ria, walang imik na pumasok mag-isa sa security office at nakinig ng orientation. Pagkatapos ay isinuot niya ang necklace na bigay sa kanila ni Cristina na head ng security sa isla.
Lumabas na sila ng security office, si Ria lang ang hindi kumuha ng condom. Dumeretso siya sa golf cart kung saan nakaupo si Izaak at hinihintay siya.
Habang nasa biyahe papunta sa cabin ten na tutuluyan nila, walang silang imik hanggang sa makarating doon. And it looked like Izaak was bothered by her silence.
“Syl, ayos ka lang ba?”
Nakaramdam si Ria ng iritasyon sa pangalang itinawag nito sa kanya, kaya hindi siya sumagot at naupo lang sa kama kasi wala namang basehan kung magagalit. At that very moment, she’s Syl and not Ria.
“Syl?”
Pasimpleng nagtagis ang bagang ni Ria.
“Syl, answer me.”
Kanina pa nagpapanting ang mga tainga niya. Ayaw niyang marinig na tinatawag ni Izaak ang pangalan ng kakambal niya.
“Syl, ano ba? Sagutin mo nga ako.”
Kumuyom ang kamay niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Nang hindi iyon gumana, inilipat niya ang mga damit na dala sa closet para kumalma at mabaling sa iba ang atensiyon.
“Syl, ano ba? Don’t you go silent on me.” Halata ang iritasyon sa boses ni Izaak. “Syl—”
“Don’t. Call. Me. That!” Bigla na lang sumabog ang tinitimpi niyang iritasyon, saka humarap sa lalaki na halatang nagulat sa pagsigaw niya. “Syl ka nang Syl! Naririndi na ko!”
Kinunutan siya ng noo ni Izaak. “Isn’t that your name?”
Natigilan si Ria. No! That’s not her name! She’s Maria! Maria Descartin.
But Izaak doesn’t know that, sabi ng isip niya. Ano ba’ng nangyayari sa kanya?
Tinapos ni Ria ang paglalagay ng damit sa closet, saka walang imik na pumasok sa banyo para takasan ang nagtatanong na mga mata ni Izaak.
Ilang beses siya nitong sinubukang kausapin habang nasa loob siya ng banyo, pero hindi siya umimik. Ito na lang ang napagod at sumuko, saka lumabas ng cabin.
Mapait na napangiti si Ria. She had to stop this nonsense switch. Tuwing tinatawag siya ni Izaak na Syl, naiirita siya. At nagagalit siya para pagtakpan ang katotohanang nasasaktan sa hindi alam na dahilan.
Bakit ko ba nararamdaman ito?
Marahas siyang bumuntong-hininga bago lumabas ng cabin at nagpunta sa security office na nagsisilbing lobby ng isla. Sumakay lang siya sa pampublikong golf cart na dumaan malapit sa cabin nila.
“Yes, Ma’am?” tanong ng babae na sumalubong sa kanya sa lobby. “How we may help you?”
“I want to call someone,” sabi niya.
“In the island or outside?”
“Outside.”
Iminuwestra nito ang kamay sa teleponong nasa ibabaw ng mahabang counter. “Have a good day, Ma’am.”
Tumango si Ria, saka nilapitan ang telepono at agad na tinawagan ang numero ng kakambal.
She kept on murmuring prayer for Syl to answer. At parang narinig ng Panginoon ang panalangin niya dahil sinagot nito ang tawag.
“Syl!” she exclaimed. “This is Maria.” Nakahinga siya nang maluwang. “At last! Bakit ba out of coverage ka?” galit niyang tanong pagkatapos.
“Maria.” Syl’s voice was soft as usual. “Pasensiya na, busy lang ako.”
Walang emosyon siyang natawa. “Busy? Ano pa kaya ako na nagpapanggap na ikaw!” Hindi niya mapigilan ang sarili na pagtaasan ng boses ang kakambal. “My God, Syl, I want to talk to you for some time now, but you were always unattended.”
Napabuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Forgive me.” May pagmamakaawa ang boses nito. “Anyway, bakit mo ako gustong makausap?”
“You stole from Izaak,” deretsa niyang sabi.
Ilang segundong nakatahimik ang kakambal bago nagsalita. “P-paano mo nalaman?”
“Anong paano ko nalaman?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Syl, ninakawan mo si Izaak, `tapos `yan ang isasagot mo sa akin? Ano ito, lokohan?”
“Calm down, Maria—”
“I will only calm down until you tell me the truth, damn it!” Humigpit ang hawak niya sa awditibo dahil sa tinitimping galit. “Huwag mo akong subukan, Syl. Dahil kapag ako ang niloko mo o kaya naman ako ang pinagsinungalingan mo, baka hilingin mong sana hindi mo ako kinatalo.”
“Maria, listen to me—”
“You listen to me, Syl.” Nagtatagis ang bagang niya. “Pumayag ako sa plano mo kasi akala ko matino kang kausap. And yes, alam kong gago ang fiancé mo, hindi mo na kailangang sabihin dahil hindi `yan ang issue natin.”
Syl was breathing heavily. “Maria naman, wala ka bang tiwala sa akin?”
“Buo ang tiwala ko sa `yo, Syl, pero dahil sa mga nalaman ko kay Izaak, unti-unting nawawala `yon.”
“So ano? Mas pinipili mong pakinggan si Izaak?” Nanginginig ang boses ng kakambal, tanda na malapit na itong maiyak. “Maria, ikaw na lang ang taong nagmamahal sa akin, ipapahamak ba kita?”
Napasabunot si Ria sa sariling buhok. “I want to switch back, Syl. Hindi ko kaya ito.”
“Maria naman, eh!” Parang bata itong nagmamaktol. “Kaya mo `yan. Madali lang naman, eh. Magpapanggap ka lang naman na ako. Mahirap ba `yon? `Di ba, magaling ka namang magpanggap? Sabi mo, `di ba, ikaw na ang bahala sa lahat?” Humikbi ito. “Maria, please, do this for me?”
Unti-unting nawawala ang galit ni Ria sa kakambal na ngayon ay umiiyak na sa kabilang linya.
“Maria, please?” May pagmamakaawa na sa boses ni Syl. “I don’t care how you do it, basta magpanggap ka lang na ako. Please? I just really need to breathe.”
Bumuntong-hininga si Ria. “Fine. I’ll do it. But tell me, Syl, bakit mo isinusumbong si Izaak sa daddy niya kung may ginawa ka rin namang mali sa kanya?”
“Why do you care?” balik-tanong nito. “Wala ka namang pakialam dati, ah. Bakit nagtatanong ka?”
Hindi makasagot si Ria sa kakambal. Bakit nga ba? Wala siyang pakialam noon kay Izaak habang pinaplano nila ni Syl kung paano ito lolokohin. She didn’t care about him. She didn’t give a shit.
“Bakit, Maria?” ulit na tanong ng kakambal niya. “Do you care about him now?”
Natigilan siya, hindi nakasagot.
“My God, Maria. Izaak charmed you, didn’t he?” May pang-aakusa ang boses nito. “At naakit ka naman.” Bigla itong napasigaw nang malakas sa kabilang linya na parang inilalabas ang galit. “Maria, wake up! Ang alam niya ngayon, ikaw ako! Ikaw si Syl. And Izaak hates Syl. He hates me. Sa tingin mo, magbabago `yon dahil lang nag-iba bigla ang fiancée niya? Kaya kung ano man `yang nag-uumpisa mong maramdaman para sa lalaking `yon, patayin mo `yan kasi masasaktan ka lang. At kung ano man ang ugali niya ngayon, pakitang tao lang `yan. Niloloko ka lang ni Izaak, pinaglalaruan, kaya gumising ka. Huwag kang magpapatalo sa larong inumpisahan natin.”
Napabuntong-hininga si Ria, saka napatingala sa kisame ng lobby. Kailangan niyang i-remind sa isip ang plano nila noong umpisa. Iyon ang gagawin niya at wala nang iba. “Okay. I’ll do as planned.”
“Thank you!” tuwang-tuwang sabi ni Syl. “Thank you so much, Maria. You don’t know how happy I am. Basta tandaan mo…” Biglang sumeryoso ang boses nito. “Huwag kang magpapaniwala kay Izaak. Malamang, inaakit ka lang niyan, niloloko at pinaglalaruan. He’s good at that. He’s good at playing games which you will lose.”
Tumango si Ria na para bang nasa harap ang kakambal at nakikita siya. “Copy that, sis.”
“I trust you, Maria.”
Tipid siyang ngumiti. “I know. I love you.”
Parang nawalan siya ng lakas nang ibinaba ang awditibo ng telepono saka napatitig sa kawalan.
Niloloko ka lang ni Izaak, pinaglalaruan.
Tama ba ang kakambal niya? Was Izaak playing the same game as hers?
Marahas siyang napailing, saka umalis ng lobby para makasagap ng sariwang hangin at makapag-isip-isip na rin. She needed to breathe and clear her mind.
Dinala si Ria ng mga paa sa dalampasigan. Doon ay nakatitig lang siya sa kumikinang na dagat sa ilalim ng sikat ng araw. Hindi niya pansin ang init habang nag-iisip ng dapat gawin.
“Ria Descartin?”
Natigilan siya sa pag-iisip saka napalingon sa pinanggalingan ng tumawag sa kanyang pangalan. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. “Lucifer?” paniniguro niya habang tinitingnan ang kabuuan ng guwapo nitong mukha. “Lucifer Monasterio?”
Hindi siya puwedeng magkamali. His tantalizing deep brown eyes. His sun-kissed skin. His tribal tattoo on his arms and chest down to his abs.
The man smiled. “I thought you had forgotten all about me.”
“Huwag ka ngang ma-inarte diyan. Nagkita pa tayo last month sa Istanbul.” Umikot ang mga mata niya. “Ano’ng ginagawa mo rito sa sex island?”
Mahina itong natawa habang naglalakad palapit sa kanya. “My brother likes to call this place Temptation Island.” Naiiling na natatawa ito. “I suggested the name sex island and he hated it. And even though I have thirty-five percent shares in this island, he never spoke to me for a month. Hindi nga niya ako inimbitahan no’ng mag-grand opening ang isla.”
“Thirty-five percent shares?” sabi ni Ria, saka namilog ang mga mata. “Isa ka sa may-ari ng islang ito?”
Tumango si Lucifer at tumigil sa paglalakad nang makalapit sa kanya. “Yeah.” Huminga ito nang malalim saka hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha niya. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”
Nalukot ang mukha ni Ria nang maalala kung bakit nandito siya sa isla.
“Let me guess,” sabi ni Lucifer saka siya tinitigan na parang binabasa ang laman ng isip niya. “Naimbitahan ka, na-curious ka kaya pumunta ka, pero hindi mo rito nagustuhan?”
Umiling siya, pagkatapos ay tumango na ikinataas ng sulok ng mga labi nito. “Parang ganoon, pero hindi,” mabilis niyang paliwanag.
“May miyembro kang kasama?” hula ulit nito.
Doon siya mabilis na tumango. “Oo.”
“Sino?”
“Izaak Davidson,” sagot niya.
“Hmm…” Amusement danced in his tantalizing eyes. “Malapit ako sa port kanina nang dumating kayo. I heard him call you Syl, it confused me. I knew who you were the moment you stepped out from that yacht.”
Napakagat-labi si Ria. “Huwag mo na lang pansinin `yon.”
“I’m certain he called you Syl and you responded. But I’m also certain that you are Ria.” Lucifer has this calculating look on his face as he stared at her. “Am I thinking correctly or not?”
“Don’t tell him,” agad niyang sabi. “At huwag kang tsismoso, Lucifer.”
“Okay.” As understanding as ever. “I won’t.”
Nginitian niya si Lucifer saka niyakap. “Sige, babalik na ako sa cabin. Mainit na rito, eh.”
“Sige, ingat.” Kinindatan siya nito. “See you around, Lady Pilot.”
Tumango si Ria, saka kumaway bago magmamadaling sumakay sa dumaang golf cart at nagpahatid sa cabin.
Pagbukas ng pinto ng cabin, sumalubong sa kanya ang madilim na mukha ni Izaak, nakatiim-bagang ito at nakakuyom ang mga kamao.
Kinunutan niya ito ng noo. “Ano’ng nangyari sa `yo?”
“I left my fiancée alone because she didn’t want to talk to me.” Humakbang si Izaak palapit sa kanya. “And when I was on my way back to where I left her, I saw her hugging another man.” Tumalim ang mga mata nito saka marahas siyang isinandal sa likod ng pinto ng cabin dahilan para mapasinghap siya. “Niloloko mo na naman ba ako, Syl?”
Ria could see in his blue eyes that he was livid. Izaak’s mad at her.
“Answer me, damn it! May balak ka na naman bang lokohin ako?” Idiniin pa siya ng lalaki sa pinto na kinasasandalan. “I thought you changed.”
“I did.” Sinalubong niya ng tingin ang matalim nitong mga mata. “At ang lalaking nakita mo, kaibigan ko lang. He’s Lucifer Monaster—”
“I don’t care who he is,” nakatiim-bagang nitong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya at hinahawi ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. “Huwag mo lang siyang yayakapin at huwag ka lang niyang hahawakan. Because if I see him touching you again, even just the tip of your hair, my fist will say hello to his face.”
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ria dahil sa mga sinasabi nito. His words… It seemed to her that he’s jealous. That Izaak was being possessive of her.
Naguguluhan siya at hindi niya napigilang magtanong. She looked into his eyes. She asked. “Nagseselos ka ba, Izaak?”
Halos nakayakap na sa kanya si Izaak nang bumulong sa tainga niya. “Ano naman kung nagseselos ako?” He kissed her ear, her neck then he brushed his lips against hers and stared deep into her eyes. “You’re my fiancée. I’m entitled to get jealous.”
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Ria sa sinabi nito. “A-ano?”
“Fiancée kita.” Mapusok na hinalikan nito ang mga labi niya, pagkatapos ay matiim na tinitigan. “And I don’t share.”
Umawang ang mga labi ni Ria habang nakatitig sa seryosong mukha ni Izaak. Niloloko ba siya nito, pinaglalaruan o nagsasabi ng totoo?
Before she could identify which was which, Izaak lips was on her, kissing her fervently, his hands were roaming around her body like it’s his to touch and to pleasure.