noveltoon logo noveltoon
Switch Desire (Temptation Island Series 3)

Chapter 12

Ch. 13 / 27 Feb 09, 2022

TIME flew fast when you’re having fun. Naniniwala si Ria sa kasabihang iyon. Hindi man lang niya namalayan na malapit na silang magdalawang linggo sa isla. Noong una, ayaw pa niyang manatili roon. Pero ngayon, parang gusto niyang manatili sa isla kasama si Izaak nang mas matagal. She felt happy here.

Ria sighed as she looked at the calm ocean, sparkling against the light of the moon. Kailangan na niyang bumalik sa realidad. Kailangan na niyang harapin ulit ang totoong mundo sa labas.

Malakas siyang bumuntong-hininga saka bumalik sa loob ng cabin. Napatitig siya kay Izaak na mahimbing na natutulog sa kama. He looked so peaceful and handsome in his sleep. That put a smile on her lips.

Sa nakalipas na dalawang linggo, walang ginawa si Izaak kundi gawin ang gusto niya, ang mga nagpapasaya sa kanya. Lahat ng gusto niya, sinusunod nito. He was very sweet and caring. Very far from the Izaak she had meet the first time.

Tuwing magkasama silang dalawa at pumapasok sa isip niyang nagpapanggap lang na fiancée nito, nalulungkot si Ria na nasasaktan. Parang ayaw na niyang matapos ang kanyang pagpapanggap. Ayaw nang umalis at iwan ang lalaking nagparamdam sa kanya kung gaano kasaya ang buhay na kasama ito. Hindi nga siguro mahal nina Izaak at Syl ang isa’t isa, pero alam niyang kailangan pa ring magpakasal ng dalawa. Kung puwede nga lang na siya na lang ang pumalit sa puwesto ni Syl, tutal may mahal naman itong iba.

This man made her feel special in every way. And Ria didn’t have the strength to leave him, but she would… when Syl came back.

Umupo si Ria sa gilid ng kama, malapit kay Izaak, saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.

“Thank you,” pabulong niyang sabi sa natutulog na si Izaak. “For making me happy. For putting up with my tantrums sometimes. For accepting my cusses. And for everything. Hindi ko alam kung hanggang kailan kita makakasama, kaya susulitin ko na lang ang mga araw na kasama kita. At kapag dumating na ang oras na kailangan ko nang umalis, nasisiguro kong maiiwan ang puso ko sa `yo. And I hope you take care of it, even without knowing that its mine.”

Ria kissed his lips softly and stared at his handsome face up close. Hindi niya alam kung gaano katagal niya itong tinitigan hanggang sa unti-unting magmulat ang mga mata nito.

“Hey.” Izaak smiled when he saw her. “Bakit gising ka pa?”

Masuyo niyang hinalikan ito sa mga labi, saka sa tungki ng ilong. “Nagising ako kanina, eh.”

Umusog ito, saka inunat ang mga braso bago tinapik iyon. “Come here. Tulog ka na.”

Hinubad ni Ria ang robang suot, saka pumasok sa kumot at ginawang unan ang braso ng lalaki. Niyakap siya ni Izaak sa baywang, saka hinapit palapit sa katawan nito.

Ria felt safe in his arms at kailanman. Hindi pa niya iyon naramdaman sa mga naging boyfriend niya noon.

Ngayon lang. Kay Izaak lang.

“Goodnight, baby,” bulong ni Izaak sa tainga niya, mas humigpit pa ang yakap sa kanya.

“Goodnight,” bulong din niya, saka ipinikit na ang mga mata para matulog.

“LAST day na natin ngayon dito sa isla, pero hindi mo pa ako dinadala sa Temptation Falls,” naiinis na sabi ni Ria habang nakasimangot kay Izaak. “Punta na tayo doon.” She made a pleading face. “Please?”

Nasa kama pa rin sila at magkatabing nakahiga. Nagpa-deliver lang sila ng agahan at pagkatapos kumain, bumalik uli sila sa kama. Si Izaak nakatihaya, siya naman ay nakadapa sa tabi nito.

Natatawang pinisil ni Izaak ang tungki ng ilong niya. “Ang kulit mo talaga. Pupunta naman tayo doon mamaya. Natagalan lang kasi kailangan pang magpa-book ng schedule para sa atin lang `yong falls.”

Namilog ang mga mata ni Ria. “Totoo? Exclusive?”

“Yep. Ang buong falls ay napapalibutan ng mataas na pader kaya exclusive talaga. Magha-hike tayo nang mga thirty minutes bago makarating sa falls. Then Jared, the caretaker of the falls will lock us there for three hours than he’ll unlock us after.”

Napakalapad ng ngiti ni Ria. “Wow! Exclusive for just the two of us. Ang galing naman.” Hindi niya napigilang halik-halikan sa mga labi at leeg si Izaak dahil sa kasayahan. “Thank you! Thank you!”

Izaak smiled. “This is why I love making you happy. Lagi akong may thank you kiss at hundreds of kisses more.”

Mariin niya itong hinalikan sa mga labi. “Hindi lang `yan ang ginagawa ko kapag masaya ako.”

Mahina itong natawa saka pinaikot ang daliri sa nipples niya. Napakagat-labi na lang si Ria nang tumayo agad ang nipple niya sa ginawa nito.

“I know that, baby.” Izaak kissed her deeply, his hand still playing with her nipple. “You love to suck me when you’re happy.”

Nginisihan niya ito. “It’s my way of saying thank you.” Dinaganan niya ito saka hinalikan sa dibdib. “Gusto mong magpasalamat na ako ngayon sa `yo?”

“Tempting, but I want it in the falls.”

Parehas sila ng nasa isip. Pero dahil sa ginagawa nito sa nipple niya, medyo nag-init na ang katawan ni Ria.

“Itigil mo `yan, Izaak.” Tinabig niya ang kamay nito. “I’m getting wet.”

Ngumisi lang ito saka inabot uli ang nipples niya, nilaro-laro.

“Izaak naman, eh!”

He chuckled. “What?” Hinaplos nito ang hita niya. “Upo ka.”

Mabilis naman siyang umupo sa dibdib nito mismo, pero nakatukod ang mga tuhod sa kama.

“Lapit pa,” sabi ni Izaak.

Gumalaw siya palapit sa leeg nito.

“Closer, baby.”

Napasimangot si Ria. “Bakit ba kasi?”

“Closer.”

Ria sighed and moved closer. Halos tumapat na ang pagkababae niya sa mga labi nito sa sobrang lapit.

“There,” sabi niya. “Malapit na.”

Pinaikot ni Izaak ang mga braso sa magkabilang hita niya saka siya hinila palapit sa mukha nito. Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang nitong inilapit ang bibig sa pagkababae niya.

Napahawak si Ria sa headboard ng kama na parang doon kukuha ng lakas para hindi manghina dahil sa ginagawa ni Izaak sa kanyang pagkababae. Nanginginig ang mga hita niya habang sinasalat-salat ng dila nito ang kanyang hiyas.

“Oooh, God.” Ipinagduldulan niya ang pagkababae sa bibig nito. “Izaak…”

Napasabunot siya sa buhok ni Izaak habang pinapaikot-ikot nito ang dila sa hiyas niya. Panay naman ang ungol niya sa ginagawa nito sa pagkababae niya. Her moans become louder as she reached her climax. Napaliyad si Ria habang malakas na umuungol nang maramdamang may sumabog sa kanyang kaibuturan. Nanghihinang umalis siya sa ibabaw ni Izaak saka nahiga sa tabi nito.

“Grabe ka,” sabi niya habang hinahabol ang hininga.

Tinawanan lang siya ni Izaak saka umalis sa kama at pumasok sa banyo. Nang makalabas ito, nakahilamos na ito saka siya kinubabawan.

“Izaak!” Napatili siya nang bigla na lang siya nitong kilitiin. “Ano ba? Izaak!”

Tawa lang ito nang tawa habang panay pa rin ang kiliti sa kanya. Panay naman ang iwas niya at tawa.

“Izaak! Tama na! Izaak!” Palakas nang palakas ang tili niya, hindi na siya makahinga sa katatawa. “Ano ba, Izaak!”

Tatawa-tawa itong hinalikan siya sa mga labi. Tumigil na rin ito sa wakas sa pagkiliti sa kanya kaya naman habol niya ang hininga.

Naiinis na tinampal ni Ria ang braso nito. “Nakakainis ka! Huwag mo akong kilitiin!”

Tumawa lang ang lalaki at tumabi nang higa sa kanya, pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit sa baywang.

“Uuwi na pala tayo bukas,” sabi ni Izaak habang ang baba ay nasa balikat niya. “I don’t feel like going home.”

Siya man ay ayaw rin niya, pero may mga responsibilidad ito sa lungsod. “May trabaho ka po, kaya dapat umuwi na tayo bukas.”

Izaak sighed. “Oo na.”

Humarap siya rito saka yumakap. “Honestly, ayoko pa ring umuwi.”

Hinalikan nito ang noo niya. “Pero kailangan, eh.”

Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang telepono sa loob ng cabin. Agad iyong sinagot ni Izaak.

“Yes, this is Mr. Davidson.” Lumiwanag ang mukha nito. “Oh, really, thank you. Pupunta na kami ngayon din.”

Kinunutan niya ito ng noo nang ibaba nito ang awditibo ng telepono. “Sino `yon?” tanong niya.

“It’s the island management.” Humarap sa kanya si Izaak. “Pinapasabi raw ni Jared na bakante ngayon ang falls.”

Namilog ang mga mata ni Ria saka excited na umalis ng kama. “Halika na. I want to go! Now!”

Tinawanan lang ni Izaak ang excitement niya saka ito napailing-iling. “Oo na. Sige na, magbihis ka na.”

“Yehey!” Binuksan ni Ria ang closet saka naghalungkat doon ng susuotin. Nang makapili siya, nakapagbihis na si Izaak.

“Faster, baby. Magha-hike pa tayo,” sabi nito habang nagsusuot ng sneakers.

Mabilis siyang nagdamit saka napasimangot habang nakatingin sa sneakers nito. “Wala akong dalang ganyan.”

“Put your slippers on if you have one,” sabi ni Izaak.

“Okay.”

Lumabas sila ni Izaak ng cabin na nakatsinelas lang siya. Parang hindi naman iyon puwede para sa hiking, pero hindi na siya nagtanong pa kay Izaak. Baka hindi na nito gustuhing pumunta sa falls kung mag-iinarte siya. Gusto pa naman niyang makarating doon.

Izaak stopped the gold cart in front of a trail leading to the forest. “Dito na tayo,” sabi nito.

Bumaba si Ria ng golf cart saka walang imik na sinundan si Izaak. Kung saan ito umaapak, doon din siya umaapak. Pero panay ang uklo niya para kamutin ang paa na nangangati dahil sa mga damong nadadanan.

“Argh! `Kainis!”

Tumigil sa palalakad si Izaak saka siya nilingon. “Ayos ka lang?”

Napasimangot si Ria. “Nangangati ako.”

His face softened. “Halika rito.” Bahagya itong umuklo. “I’ll piggyback you.”

Her heart softened at that. “Papasanin mo `ko?”

“Oo nga. Sampa na.” Naka-squat position na si Izaak para hindi siya mahirapan sa pagsampa sa likod nito. “Kaysa naman mangati ka riyan. I don’t like that.”

Nangingiting lumapit siya kay Izaak saka sumampa sa likod nito. Napakapit siya nang mahigpit sa balikat ng lalaki nang tumayo ito saka nag-umpisang maglakad.

“Mabigat ba ako?” tanong niya habang nasa balikat nito ang baba niya.

“Medyo.”

“Eh, di ibaba mo na ako.”

“No. Nangangati ka, eh.”

Napangiti si Ria saka yumakap nang mahigpit sa leeg nito. “Thank you,” paglalambing niya.

“Anything for you, baby.”

Humugot siya ng malalim na hininga at hindi na umimik, ganoon din naman si Izaak na naka-focus sa dinadanan nila. Hanggang makarating sila sa falls, hindi talaga siya nito ibinaba kahit ilang segundo lang. Hindi ito pumayag nang magpababa siya. Baka raw mangati na naman siya dahil sa matataas na damong nadadaanan nila.

Izaak was so sweet. At lalo lang nahuhulog ang loob niya rito.

“Ibaba mo na ako,” sabi niya nang makita ang isang malaking double door gate na gawa sa malapad at makapal na kahoy. Nakinig naman sa kanya si Izaak at maingat siyang ibinaba.

“Jared! We’re here!” sigaw ni Izaak nang ilang segundo na silang nakatayo sa harap ng gate.

Mabilis siyang napabaling sa pinto ng maliit na kubo nang may lumabas doong lalaki na may- edad na, may dala itong malaki at mahabang susi.

“Sir.” Tinanguan nito si Izaak. “Card ho, Sir?”

Inilabas ni Izaak ang pitaka mula sa bulsa saka may kinuha roong card na kulay-itim at may apoy sa gilid. Ang pangalan nitong Izaak Davidson ay nasa gitna ng itim na card at mayroong numero sa ibaba niyon.

Nang makita ng matanda ang card, kinuha nito iyon kay Izaak saka pumasok ulit sa kubo. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ito, ibinalik ang card kay Izaak saka agad na binuksan ang double doors na gate at pinapasok sila.

“Welcome to Temptation Falls,” sabi ng matanda saka iminuwestra ang kamay sa napakagandang falls na nakita niya sa buong buhay niya.

Halos mapanganga si Ria nang makita ang itinatagong ganda ng mataas na pader.

Green grass. Beautiful trees. Scattered flowers and vines covering the walls. And turquoise water. The whole place was dreamlike. Para iyong paraiso na nakikita lang sa isang panaginip. Napakaganda niyon. Sobrang ganda.

Napukaw ang paghanga ni Ria sa buong paligid nang marinig niyang nagsalita si Jared.

“May pagkain sa mesa,” sabi ng matanda sabay turo sa pabilog na mesa na gawa sa kahoy na punong-puno ng pagkain. “Katulad ng iba na nagpunta na rito, ila-lock ko ang pinto nang tatlong oras, pagkatapos ay bubuksan ko rin. Mahigpit na ipinapatupad ng isla ang proper disposal of garbage kaya kung may basura man kayo tulad ng condom o ano pa man, pakilagay sa basurahan at dalhin n’yo paglabas n’yo.” Yumukod uli ang matanda. “Enjoy your stay, Sir and Ma’am.”

Nang makaalis ang matanda at narinig nila ang pagtunog ng lock, nagkatinginan sila ni Izaak.

“Condom?” tanong niya.

Mahinang tumawa lang si Izaak saka siya inakbayan. “We don’t use condom kaya wala tayong itatapon.”

“Oo nga, `no?” Tiningala niya si Izaak. “Dapat gumamit tayo ng protection.”

“We’re engaged, Syl. Malapit na tayong ikasal.” Niyakap siya ng lalaki mula sa likuran. “Hindi natin kailangan ng condom.”

Engage? Parang may kumurot sa puso ni Ria. Hindi naman siya ang totoong fiancée ni Izaak. Masabi pa kaya nito iyon kapag malaman nito ang totoo?

“O, bakit natahimik ka?” tanong ni Izaak.

Mabilis siyang umiling. “Wala.” Ngumiti siya. “Halika na, ligo na tayo.” Kumawala si Ria sa pagkakayakap ni Izaak saka hinubad ang kanyang damit. Bikini lang niya ang kanyang iniwan saka excited na lumusong sa falls. Nang makaahon, matinis siyang napasigaw nang biglang may humawak sa kanyang paa saka siya hinila pababa. Lalangoy sana siya paahon nang may sumapo sa kanyang mukha saka may lumapat na mga labi sa mga labi niya.

Slowly, as their kiss deepened, they resurfaced.

Binigyang distansiya ni Ria ang mga labi nila ni Izaak saka ito pinakatitigan. “Thanks for bringing me here, Izaak.”

Tumango lang ito saka hinalikan na naman siya habang isa-isang tinatanggal ang pagkakabuhol ng bra at panty niya. Napangiti na lang si Ria. Habang naghahalikan sila ni Izaak ay naramdaman niyang wala na siyang suot kahit isa at ang mga kamay ni Izaak ay nasa pagkababae niya, hinahaplos ang kanyang hiyas.

Nanggigigil na kinagat ni Ria ang ibabang labi ni Izaak nang ipasok nito ang daliri sa loob niya.

“Izaak…”

“Hmm?”

“Fill me,” ungol niya habang nakapikit sa sarap.

Yumakap sa baywang niya si Izaak saka siya hinila papunta sa batuhan at pinahiga roon.

Napaliyad na lang ang katawan ni Ria nang maramdamang pumasok ang kahabaan ni Izaak sa loob niya. At napasabunot na lang siya sa sariling buhok nang umpisahan nitong maglabas-masok sa loob ng pagkababae niya.

This was heaven. Being with Izaak like this was heaven.