WALA na si Izaak sa kama nang magising si Ria kinabukasan, na ipinagpasalamat na niya. It would be awkward to wake up beside him.
Aalis na sana siya ng kama para ayusin ang sarili nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Izaak, na naka-jogging pants at muscle shirt na basa ng pawis sa likod at dibdib.
Hindi lang iyon ang gumulat sa kanya. Dala rin kasi nito ang mga shopping bags na pinamili niya kahapon at ilang damit na nasa closet ng guest room na tinuluyan niya noong isang araw.
“Bakit dala mo ang mga `yan?” mataray na tanong niya. “Bakit mo pinapakialaman ang damit ko?”
Izaak dropped all the clothes and shopping bags on the bed. “What? Wala man lang akong good morning?” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Woke up in the wrong side of the bed?” May panunukso sa mga mata nito.
Inirapan niya ang lalaki, saka nagmamartsang pumasok sa banyo. Nakakainis ang lalaking iyon! Pinangungunahan siya ng desisyon! Ipakain kaya niya rito ang mga pinamili niyang damit? Antipatiko! Buwisit!
Naiinis na hinubad ni Ria ang pantulog saka pumailalim sa shower. Habang naliligo, si Izaak pa rin ang laman ng isip niya at ang pangingialam nito sa kanyang mga damit. Hanggang sa matapos maligo, naiinis pa rin siya.
Binuksan ni Ria ang sliding door na tanging naghihiwalay sa paliguan at banyo para kunin ang tuwalya na nakasabit sa towel rack sa likod ng pinto. She was mumbling to herself how annoying and irritating Izaak was, kaya naman hindi niya napansing may tao sa loob maliban sa kanya.
Namilog ang mga mata ni Ria at matinis na napasigaw nang makita si Izaak na nagtu-toothbrush.
Mabilis na nagmumog si Izaak at bumaling sa kanya. “What are you—” Tumigil ito sa pagsasalita at bumaba ang tingin sa katawan niyang walang saplot.
Napasigaw ulit si Ria, saka tinakpan ang katawan gamit ang mga kamay. “Eyes up here, Mr. Davidson!” She glared at the brute.
Mabilis naman itong nag-angat ng tingin, saka bumalik sa pagtu-toothbrush na parang hindi nito nakita ang hubad niyang katawan.
Gago!
“Paabot ng tuwalya,” nag-iinit ang mga pisnging sabi ni Ria, nakatakip pa rin ang kamay at braso sa maseselang parte ng katawan.
Agad namang sumunod si Izaak at kinuha ang tuwalya sa towel rack at iniabot sa kanya. Parang ayaw nitong magdikit ang kanilang mga kamay. Agad nitong binitawan ang tuwalya dahilan para mahulog iyon sa sahig dahil hindi siya naging mabilis para kunin iyon sa pagkakahawak nito.
Napuno siya ng iritasyon. “Bakit mo binitiwan agad na parang nandidiri ka sa akin?” tanong niya.
Izaak blew a frustrated heavy breath. “Ayaw mong tumingin ako sa `yo dahil nakahubad ka at ayaw mo ring dumistansiya ako. Baka mahawakan ko `yang hubad mong katawan.” Iritado itong humarap sa kanya. “Ano ba’ng problema mo, ha?”
Sa halip na sumagot, isinara ni Ria ang sliding door ng shower. “Gago! Don’t look at my nakedness!”
Izaak groaned in irritation. “Ano naman ngayon kung tingnan ko ang hubad mong katawan?” Puwersahan nitong binuksan ang sliding door. “Fiancée naman kita at ikakasal na tayo sa susunod na buwan. So, ano’ng mali roon?”
Itinakip ni Ria ang braso sa mayayamang dibdib habang ang isang kamay ay sa pagkababae niya. “Izaak!” pagalit niyang tili habang ang dibdib ay parang sasabog sa halo-halong emosyong nararamdaman. “Isara mo ang pinto! Don’t you dare look at me—”
“Why?” Izaak stared at her intimately as he stepped into the shower area… so close to her. “Fiancée naman kita.” Hinawakan siya nito sa baywang saka hinapit palapit. “It’s no big deal, Syl.”
Nakaramdam si Ria nang kaunting iritasyon nang tawagin nitong Syl. Parang gusto niyang itama ang pangalang binanggit ni Izzak, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa iyon ang tamang pagkakataon.
“Big deal `yon.” Napalunok siya. “H-hindi ka naman ganito dati.”
“People change.” Lalong idinikit ni Izaak ang katawan sa kanya. “I’ve changed.”
Napalunok ulit si Ria at pilit itinutulak palayo si Izaak, pero hindi naman ito matinag sa pagkakatayo. “Ano ba, Izaak? Lumayo ka nga!” pagalit niyang sabi para itago ang kabang nararamdaman. “Izaak! Ano ba?”
“You’re my fiancée, Syl.” May diin ang pagsabi nito ng salitang fiancée.
Biglang uminit ang ulo ni Ria. “Fiancée?” Tiningnan niya ito nang masama. “Pinaglololoko mo ba ako? Kung makaangkin kang fiancée mo ako, parang wala kang kagaguhang ginagawa. Fuck you, Izaak! You cheated on me—”
“You cheated on me first!” galit nitong sigaw, sabay suntok ng tile sa likuran niya.
Nahigit ni Ria ang hininga dahil sa suntok na binitawan ni Izaak at sa mga salitang lumabas sa bibig nito. “I—” Umawang ang mga labi niya. “I c-cheated on y-you?”
“O, bakit parang nagulat ka?” Nang-uuyam ang ngisi ni Izaak. “Akala mo hindi ko alam? You cheated on me with Oliveros. Ikaw ang nauna, I just got even.” He looked at her with disgust in his blue eyes. “I won’t even dream of touching you, even after marriage.”
Parang may sumampal kay Izaak sa sinabi nito. “T-then let go of me,” sabi niya sa nagtatapang-tapangang boses. “Get out, Izaak.”
Ilang segundo siya nitong tinitigan saka humakbang palayo at pinulot ang tuwalyang nalaglag sa sahig. Ito na mismo ang nagpulupot niyon sa katawan niya, pagkatapos ay matiim siyang tinitigan uli. Umangat ang kamay para hawiin ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya, saka napabuntong-hininga na para bang sumusuko na.
“Magbihis ka na,” sabi nito habang hinahawi ang buhok niya. “Baka lamigin ka.”
Parang may kamay na humaplos sa puso ni Ria. So, this brute actually knew how to care for someone.
“Okay,” mahina ang boses niyang sagot.
Naglakad si Ria palabas ng banyo. Malalaki ang hakbang hanggang sa makarating sa kama kung saan nagkalat ang kanyang mga damit.
Mabilis niyang pinulot ang denim jeans na binili kahapon na may mga punit-punit sa hita at tuhod, saka pinaresan ng hanging blouse na kulay-itim na kita ang maliit niyang baywang. Then she picked up a pair of underwear and was about to run to the closet when a baritone voice spoke.
“Mas bagay sa `yo `yong black pairs of underwear na binili mo sa Victoria’s Secret.”
Umawang ang mga labi ni Ria, namimilog ang mga matang tumingin sa lalaki. “You went through my stuff?” Nag-iinit ang mga pisngi niya.
Izaak just shrugged. “Just like how you went through my wallet.” Naglakad ito papasok sa closet nito at nang lumabas ay may hawak nang tuwalya. Bago ito pumasok ulit sa banyo, bumaling pa sa kanya. “Siyanga pala, sa `yo na muna ang ATM ko. Baka may paggamitan ka pa, ayokong istorbuhin mo ako para lang manghingi ng pera.” Pagkasabi niyon ay pumasok na ito sa banyo. Narinig ni Ria ang tunog ng pag-lock sa pinto.
At ang gago, ni-lock pa talaga! Para namang papasok siya! Hmp!
Mabilis siyang pumasok sa walk-in closet niya saka nagbihis, pagkatapos ay lumabas ng kuwarto at nagpunta sa kusina para maghanda ng agahan.
Ria was a very independent woman, sanay siyang siya ang naghahanda ng pagkain para sa sarili. Hindi siya sanay na may ibang gumagawa niyon. Kaya naman nang makapasok sa kusina, inagaw niya ang pagluluto ng agahan kay `Nay Koring.
“Ma’am, ako na,” pamimilit ng mayordoma.
Nginitian niya ito. “Ako na ho, `Nay Koring. Pagbigyan n’yo na ako,” sabi niya sa naglalambing na boses. “Hindi ako sanay nang walang ginagawa sa umaga, eh.”
Napapantastikuhang napatitig sa kanya ang mayordoma. “Ma’am Syl, wala ka naman po talagang ginagawa sa umaga.”
Napalabi siya. Shit! Oo nga pala. Bakit ba nakakalimutan niya na nagpapanggap siyang si Syl? Tipid na lang siyang ngumiti sa mayordoma. “Hayaan n’yo na ako, `Nay Koring. Ihanda n’yo na lang po ang hapag-kainan.”
Nagdadalawang-isip man ay pumayag din ito. “S-sige. Ingat, baka mapaso kayo, ha?”
Ria rolled her eyes. Para namang mangyayari iyon. Sanay siya sa buhay sa Amerika na mag-isa lang. Todo kayod para sa sarili. Wala pa ang paso sa mga hirap na pinagdaanan niya, makapagtapos lang siya ng pag-aaral at maipamukha sa mga magulang na kaya niya kahit wala ang mga ito.
Humugot ng malalim na hininga si Ria, saka maingat na pinakawalan iyon.
No bad vibes, Ria. Umagang-umaga, eh.
Humugot ulit siya ng malalim na hininga, bago ngumiti at tinapos ang nilulutong garlic rice sunod ang bacon at sausage. Habang ipiniprito ang mga iyon, nakahanap siya sa cup board ng isang box ng pancake kaya naman mabilis niyang inihalo iyon sa bowl at niluto sa isa pang kawali.
Napapangiti siya nang matapos lutuin lahat ang kanilang agahan.
“`Nay Koring!” malakas na tawag niya sa pangalan ng mayordoma. Nakarinig siya ng kaluskos at yabag sa kanyang likuran, buong akala niya na ang mayordoma iyon. “Patulong naman po ako paglagay nito sa mesa, o,” sabi niya, sabay harap at abot sa plato na may sausage. “Heto ho—” Nabitin sa ere ang pagsasalita niya nang makitang si Izaak iyon at matiim na nakatitig sa kanya. “Mr. Davidson, ikaw pala.”
“Izaak,” pagtatama nito, humakbang pa palapit. “Ano’ng ginagawa mo? Bakit ikaw ang nagluluto?”
“I miss cooking,” awtomatiko niyang sagot na agad pinagsisihan. “Ahm, kasi... ahm, gusto kong magluto.”
Umasim ang mukha ni Izaak. “Syl, you don’t cook.” Halatang iritado na naman ito. “Sayang ang mga pagkaing `yan kung nasira mo sa pagluluto mo.”
May munting kirot siyang naramdaman sa puso. “Hindi naman masisira ang pagkain. Okay naman ang mga iniluto ko.”
Naiiling na tumuon ang tingin nito sa pancake na nakalagay na sa plato. “And you cooked the last box of pancake that I had. Sinabihan ko na si `Nay Koring na huwag lutuin `yan, pero pinakialaman mo.” Madilim ang mukha nito nang balingan siya. “Ano ba talaga ang gusto mong patunayan, ha?”
Taas-noo niyang sinalubong ang galit nitong tingin. “That I can cook.” Tumalim din ang mga mata niya dahil sa pagkainis dito. “Look, Izaak, bago ka magsalita diyan ng kung ano-ano, tikman mo muna ang iniluto ko. At tungkol naman diyan sa pancake mo, huwag kang mag-alala. Babayaran ko `yan ng isang truck ng pancake na puwede kang ilibing sa sobrang dami,” puno ng sarkasmo niyang sabi. “Nakakahiya naman sa `yo!”
Malakas na inilapag ni Ria ang mga plato na hawak sa island counter, walang pakialam kong mabasag man iyon.
“Syl, ano ba? Huminahon ka nga,” saway nito. “Makakabasag ka ng gamit sa ginagawa mo.”
“O, eh, ano naman ngayon?” Namaywang si Ria. “Huwag kang mag-alala, kung mabasag man `yan, babayaran kita.”
“Paano ka makakabayad sa akin, wala ka ngang sariling pera?”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Natigilan at napatitig dito. “Wala akong sariling pera?” Walang sariling pera ang kakambal niya?
“Wala.” Sumandal ito sa island counter. “Pagkatapos ng ginawa mo, hindi ka na binigyan ng pera ng mga magulang mo at tinanggal ka bilang CEO ng kompanya n’yo. And I would never give you money, after you stole from me.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata hahang dina-digest ang impormasyong nalaman. Holy shit! Bakit hindi iyon sinasabi sa kanya ni Syl? Hindi rin nito sinabi sa kanya na nagkaroon ito ng relasyon sa ibang lalaki habang engage na ito at si Izaak.
Napailing-iling si Ria. Parang sasabog ang utak niya sa mga impormasyong nalaman. She wanted to call her twin to clarify everything… to make sense of Izaak’s anger, but Syl was still out of coverage.
Napakurap-kurap siya at napatitig kay Izaak. “I stole from you?”
Izaak breathed heavily. “Syl, gusto mo talagang ulitin natin itong pag-uusap na `to?” Umalis ito sa pagkakahilig sa island counter saka humakbang palapit sa kanya hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga katawan. Ang mga mata nito ay matiim na nakatitig sa mga mata niya. “Oo, ninakawan mo ako.” Lumapat ang mga palad nito sa magkabilang baywang niya at mahigpit na hinawakan doon. “I trusted you, but you burned me.”
Oh, God, Syl. What have you done? “P-paanong—”
“It doesn’t matter anymore.” Humigpit ang hawak ni Izaak sa baywang niya. Napangiwi siya dahil nasasaktan na. “Tapos na `yon.”
Ria felt ashamed of herself. Heto siya, nagpapanggap na si Syl para maging masaya ang kakambal niya at para lokohin si Izaak hanggang sa makabalik ang kakambal niya.
Shit! Ano ba itong pinasok niya? Ano ba itong pumayag siyang gawin? She thought she knew her sister, but she was wrong. Kilala ba niya talaga ito?
“I’m sorry, Izaak,” mahinang sabi niya.
Mahina itong natawa nang walang emosyon. “Now you’re saying sorry.” Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito saka inilapit sa mukha nito. “You never say sorry. You never talk to me. Bakit nagbago ka bigla, ha? Are you planning something wicked again?”
Hindi niya magawang umiling at itanggi ang tanong ng lalaki dahil nagi-guilty siya. May plano naman talaga siya. Iyon ay ang humanap ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng mga ito na puwedeng maging dahilan para hindi makuha ni Izaak ang mana nito.
Her eyes settled on his blue eyes. They looked confused and lost as he stared back at her. “Izaak…” Tumaas ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito. Her face softened as she caressed his face. “I’m so sorry.”
“Whatever.” With that, Izaak leaned closer, claimed her lips and snaked his tongue inside her mouth.