noveltoon logo noveltoon
Switch Desire (Temptation Island Series 3)

Chapter 18

Ch. 19 / 27 Feb 09, 2022

TINANGGAL ni Ria ang suot na sunglasses nang makapasok sa Bitter Sweet Cafe kung saan sila magkikita ng kakambal niya. Nang ilibot ang tingin, agad niyang nakita si Syl na nakaupo sa pandalawahang mesa sa gilid. Agad siyang lumapit at nagulat nang salubungin siya nito ng yakap.

“I’m so sorry, Ria,” agad nitong hingi ng tawad habang yakap-yakap siya nang mahigpit.

She hugged Syl back and tapped her back. “Ano ka ba, ayos lang `yon. Ako nga dapat ang mag-sorry, eh. Hindi ako tumagal ng dalawang buwan.”

“So how are you?” agad nitong tanong nang makaupo sila nang magkatabi. “Saan ka nakatira ngayon? Alam kong wala kang bahay rito. Have you been eating well? Are you taking care of yourself?”

Mahina siyang natawa. “Syl, sa ating dalawa, ako ang palaban. I’m okay.” Natatawang umiling-iling si Ria. “Stop worrying. I’m fine.”

Hinawakan ni Syl ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa saka iyon pinisil. “I’m sorry, idinamay kita sa mga kalokohan ko. Hindi ko sinabi sa `yo ang totoo at lahat ng ginawa ko kasi ayokong tumanggi ka na tulungan ako. Alam ko kasi na kapag alam mong kinakawawa ako, tutulong ka agad. Pasensiya na talaga, Maria.”

Pinisil ni Ria ang kamay ng kakambal. “Don’t worry about it. Tapos na `yon. Hayaan mo na.”

“I didn’t think that Izaak could charm you like that. Ang alam ko kasi, hindi basta-basta madaling makuha ang atensiyon mo, lalo na sa mga lalaki.”

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. “I thought so, too.”

“Ayos ka lang ba talaga?” May pag-aalala sa boses nito.

Tumango si Ria. Alangan namang sabihin niyang hindi? “I’m fine.”

Bakas ang guilt sa mukha ni Syl habang nakatingin sa kanya. “Nang planuhin ko ito, hindi ko inisip ang kalalabasan. Basta ginawa ko na lang. Sabi ko sa sarili ko, saka ko na iisipin kung ano’ng gagawin at paano pakikisamahan si Izaak pagbalik ko. Ang mahalaga lang sa akin ay makalayo ako. I know I said that I’ll be with the person I love, that’s why I’m doing this, but I’m not. Galit din siya sa akin dahil hindi ko kayang ipaglaban ang relasyon namin. I am alone, trying to find myself, trying to make myself brave enough to face our parents. But… you know me, Maria. Hindi ako kasintapang mo. Natakot akong makipagkita sa taong mahal ko kasi alam kong masasaktan lang siya dahil iiwan ko rin naman siya. Ayoko na siyang saktan, Maria. I keep saying that I’m okay, but I’m not. So don’t lie to me, Maria. Alam kong hindi ka okay.”

Nakagat niya ang ibabang labi. “I’m really fine—”

“I’m fine is one of the most used lie in the world,” sabi ni Syl nang may ngiti sa mga labi. “Alam kong hindi ka okay. May magagawa ba ako to make you better?”

Give Izaak to me, piping hiling ng puso niya, pero hindi niya sinabi sa kakambal.

“Wala. Ayos lang ako.” Nginitian niya si Syl. “Ikaw? Kumusta ka sa bahay?”

Nawala ang kasiyahan sa mukha nito. “Izaak is cold. As always. Wala nang bago riyan.” Mapait itong ngumiti. “He’s always with his woman. Day and night.”

Parang may kamay na pumilipit sa puso ni Ria. She felt suffocated. “Woman?”

Si Michelle?

“Yeah.” Huminga ito nang malalim. “He’s always busy. Ayos lang naman sa akin kasi kahit kaunti ay wala akong nararamdaman sa kanya. Pero mahirap pa rin kasi hindi ko magawa ang gusto ko.”

Nasasaktan si Ria para sa kakambal. Nakikita niya ang sakit at pagdurusa sa mga mata nito. Parehas lang silang nasasaktan, sa magkaibang dahilan nga lang.

Tinuyo niya ang pisngi nito na hilam ng luha. “Why don’t you talk to him? Malay mo, magbago pa ang isip niya sa kasal n’yo.”

Umiling si Syl. “Hindi makakapayag si Izaak na hindi matuloy ang kasal namin. Nakasalalay sa kasal namin ang mana niya. And not to mention that I stole some expensive paintings and vases from him. Ninakaw ko `yong mga mamahaling gamit sa bahay niya para mabigyan ng pera ang mga magulang natin. Nang isinumbong ako ni Izaak sa daddy niya, hindi naniwala kaya tuloy pa rin ang kasal.

“Izaak’s parents see me as a good woman, a woman who can’t even hurt a fly. Nagawa ko lang naman ang lahat ng `yon dahil nalulong sina Papa at Mama sa sugal nitong mga nakaraang taon. At ang laki ng utang na babayaran nila. Ayaw nilang ipaalam ang totoo sa mga magulang ni Izaak dahil aatras ang mga ito sa kasal.”

Bumuntong-hinga ang kakambal niya. “Inutusan lang ako pero, ako pa rin ang nagnakaw, Maria. Kasalanan ko pa rin kasi nagpadala ako sa mga magulang natin. Gusto ko lang namang maging masaya sina Mama at Papa. Kapag nabayaran na ang utang nila, wala na silang aalahanin. Ginusto kong magpakasal dahil malaking pera din ang ipapasok ng pamilya nina Izaak sa nalulugi nating kompanya. Gusto kong maisalba `yon. Pera lang naman ang dahilan ng lahat ng ito. But what I didn’t realize is that doing this would bring me pain.” Tumulo ang luha sa mga mata ni Syl habang nanginginig ang mga labi na pigil na hindi umiyak. “Ayoko na, Maria. Napapagod na ako. Izaak treats me coldly. Our parents only want to use me. And the only man I truly love hates me. Ayoko na. Gusto ko ng mamatay.”

Marahas siyang umiling. “Don’t you dare say that!” Tiningnan niya ito nang masama. “Nandito pa ako. Hindi ako galit sa `yo kahit naglihim ka sa akin. Kahit anong gawin mo, mananatili ako sa tabi mo kasi hindi lang kita basta kapatid, kakambal kita. I will always love, Syl. Always.”

Yumakap sa kanya nang mahigpit si Syl at sa balikat niya ito umiyak nang umiyak. Siya naman ay hinaplos ang likod nito hanggang tumahan.

“Tahan na.” Panay ang haplos niya sa likod nito. “Tahan na, please.”

Syl was sobbing lightly as she dries her tears. “Sorry, umiyak ako. Hindi ko na kasi talaga kaya, eh.”

“It’s okay.” Hinaplos niya ang buhok nito. “I understand and I love you. Hindi ba ganoon naman dapat ang magkapatid? Iniintindi ang isa’t isa at minamahal lahat, kasama na ang mga kamalian nila at kaimperpektuhan.”

Finally, a soft smile appeared on Syl’s lips. “I don’t deserve you as my twin sister.”

“You do.” Nginitian niya ito na nauwi sa mahinang tawa. “Trust me. Kung nababasa mo lang ngayon ang laman ng isip ko, baka itakwil mo ako bilang kapatid.”

Kumunot ang noo ni Syl. “What do you mean?”

“Gusto kong agawin sa `yo si Izaak,” nahihiyang pag-amin ni Ria. “Noong magkasama kami, hiniling ko na sana hindi ka na bumalik at ako na lang ang pakasalan niya.” Mahina siyang natawa at napailing-iling. “You see, iba ang Izaak na nakilala mo at ang Izaak na nakilala ko. The Izaak I know is sweet and caring, possessive and easily gets jealous. `Yon ang Izaak na nakilala ko at `yon ang Izaak na minahal ko.”

Ria was expecting Syl to be shocked, but she just stared at her with smile on her face.

“Hindi ka nagulat sa ipinagtapat ko?” nagtatakang tanong niya.

Umiling ito. “Alam kong ibang Izaak ang nakasama mo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Paanong alam mo?” She never told her that!

“May espiya ako sa bahay, Maria. She told me what is happening in the house while I was away.”

“Sino?”

“Si `Nay Koring.”

Natigilan si Ria. “No way.”

Pinagtawanan ni Syl ang gulat sa mukha niya. “Yes way. Si `Nay Koring ang tagakuwento sa akin ng lahat. Close kasi kami niyan. Para ko na siyang nanay na nag-aalaga at nag-aalala sa akin. She even told me about the island counter incident.”

Kumunot ang noo ni Ria. “Island counter… incident?” Slowly, it sank in to her what Syl meant by island counter. Nag-iinit ang mga pisnging tinakpan niya iyon ng mga palad. “Please, tell me, hindi niya idinetalye ang nakita niya!”

Tumawa lang si Syl saka ihinilig ang ulo sa balikat niya. “It’s okay. Kung puwede nga lang, habang-buhay ka nang magpanggap na ako, pero hindi naman puwede `yon. We have to face our demons in life, fight it and win. You taught me that.”

Namimilog ang mga matang binalingan niya si Syl. “Ako?”

“Oo. Nang maglayas ka sa bahay noon, you faced your demons, you fought and you won. Naipamukha mo kina Mama na hindi mo sila kailangan para maging successful sa buhay. You became a pilot because you’re smart and amazing and brave.” Ipinalibot ni Syl ang braso sa braso niya, nanatiling nakahilig ang ulo nito sa balikat niya. “Ikaw ang inspirasyon ko para maging matapang na harapin ang buhay kahit gusto ko ng sumuko.”

Hinaplos ni Ria ang buhok nito at nginitian. “Just keep on fighting, Syl. Don’t give up. Life will throw you millions of hardships, but at the end of all this, you’ll get your happy ending. Just follow you heart, trust your brain and pray to God.”

Tumango-tango ito. “Mahirap, pero sana makaya ko. Hindi ko nga alam kung saan magsisimula, wala akong trabaho at wala ring pera.”

Sa sinabi nito, bigla niyang naalala ang isa sa mga sinabi ni Izaak. “Bakit ka pala tinanggal nina Mama at Papa sa kompanya bilang CEO?”

Huminga ito nang malalim saka umayos ng upo. “Para daw hindi isipin ni Izaak na sila ang may pakana ng lahat.”

Nagtagis ang bagang ni Ria at mas nadagdagan pa ang galit na nararamdaman para sa mga magulang. Mabuti na lang at hindi na lalapit pa ang mga ito kay Syl dahil sa ibinigay ni Izaak sa sampung milyon sa mga ito.

“Kanina pa tayo umiiyak, hindi pa pala tayo naka-order,” natatawang sabi ni Syl na nagpatigil sa pag-iisip niya. “Ano’ng gusto mo?”

Nginitian niya ito. “Kahit ano. Ikaw na ang bahala.”

Tumango si Syl saka nagpunta sa counter para um-order. Nang makabalik, dala na nito ang pagkain. Napailing-iling na lang si Ria nang makitang puro sweets ang in-order nito. Syl really had a sweet tooth.

“Nice necklace,” sabi nito habang kumakain. “Ngayon ko lang napansin.”

Wala sa sariling hinawakan ni Ria ang pendant ng necklace. “Yeah. I bought this at—” Her next word hung in the air. “Oh, shit!”

“Ano `yon?” Syl instantly looked worried.

Umiling si Ria. May kasamang singsing ang kuwintas, pero ang kuwintas lang ang ibinalik sa kanya ni Izaak.

Where’s the ring?

Bigla siyang tumayo. “I have to go.”

“What? Why?”

“May naiwan ako sa bahay ni Izaak. Binili ko `yon kasama ang kuwintas na ito.” May kakaibang kaba siyang nararamdaman. “Kailangan ko `yong makuha.” Hindi iyon puwedeng makita ni Izaak, lalo na ngayon. “Shit!”

“Hey, relax,” sabi ni Syl na kumakain pa rin ng cake. “Ako ang bahala.” May kinuha itong susi sa bag saka ibinigay sa kanya. “Susi `yan sa bahay. Walang tao doon ngayon kasi Sunday, off ng mga katulong. Bukas ng umaga pa ang balik ng mga `yon. Wala rin doon si Izaak, maagang umalis, kaya feel free to find what you’re looking for.”

She beamed at Syl and accepted the key. “Thank you.” Nakahinga siya nang maluwang. “Hindi ka ba sasama sa akin?”

Umiling si Syl. “Hihintayin na lang kita rito sa cafe. Tinatamad ako.”

“Okay.”

“Balik ka agad, ha?”

“Yes.”

“Okay. Ingat.”

“Ikaw rin.”

Nagmamadali siyang lumabas ng cafe at pumara ng taxi saka nagpahatid sa bahay ni Izaak. She needed to see that ring! Damn it!

NANG makarating si Ria sa bahay ni Izaak, malalaki ang hakbang niya palapit sa pinto at gamit ang susing bigay ni Syl, binuksan niya ang naka-lock na pinto.

Nagtaasan ang mga balahibo ni Ria nang makapasok sa loob ng bahay at wala siyang marinig na ingay maliban sa paghinga niya.

“Shit naman, o,” sabi niya at nilabanan ang takot saka naglakad papuntang second floor.

Nang makarating doon, agad siyang pumasok sa walk-in closet ni Syl saka hinanap ang bag na ginamit nang bilhin ang singsing.

Nakahinga siya nang maluwang nang makita ang bag. Pero agad din siyang nanlamig at kinabahan nang makitang wala roon ang singsing kahit baliktarin pa niya ang buong bag.

Mabilis iyong binitiwan ni Ria saka lumuhod at tiningnan ang bawat sulok ng closet. Nang walang makita, lumabas siya ng closet at sa ilalim ng kama naman niya hinanap ang singsing, baka nahulog doon nang hindi niya namamalayan.

“What the hell are you doing here?”

Tumigil ang paghinga ni Ria nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa may-ari ng boses.

Her heart nearly leaped out of her chest. “Izaak…”

Nakapamaywang ito at madilim ang mukha. “Ano’ng ginagawa mo sa sahig?”

Natigilan si Ria. Hindi ba nito napansing hindi siya si Syl?

“Tumayo ka nga diyan,” inis nitong sabi.

Dahan-dahan niyang itinulak ang sarili patayo saka inayos ang bahagyang nalukot na damit. “Ahm, aalis na ako.” Mabilis siyang tumalilis papuntang pintuan. Pero bago pa makalabas, napigilan na siya ni Izaak sa braso. “B-bitiwan mo ako,” nauutal at kinakabahan niyang sabi.

“That scent…” Hinila siya ni Izaak palapit, dahilan para tumama ang katawan niya sa katawan nito. Niyakap siya ng lalaki.

Akmang itutulak niya si Izaak palayo dahil iba ang epekto ng pagkakalapit ng katawan nila nang hawakan siya nito sa baywang saka inilapit ang ilong sa leeg niya.

Ria heard him inhale, then exhale. Her heart was beating so fast she couldn’t think right.

“Anong ginagawa mo rito…” His lips pressed against the soft skin on her neck. “Ria?”

Parang sasabog sa lakas ng tibok ang puso ni Ria. Parang nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok, kasabay niyon ay ang panunuyo ng mga labi at panlalamig ng mga kamay.

“Izaak…” Pilit siyang kumakawala rito, pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “B-bitawan mo ako… please.”

“Now, why would I do that?” Mabilis siya nitong naisandal sa nakasarang pinto ng kuwarto at hinalikan ang leeg niya. “Ikaw ang pumunta rito.”

Heat burst inside her as his kisses went down to the valley of her breasts.

Pilit niyang itinutulak palayo si Izaak kahit gustong-gusto ng katawan niya ang ginagawa nito.

God! Why does this man make me feel like this?

“Stop this, Izaak—”

“Baby…” bulong ni Izaak sa mga labi niya bago iyon siniil at mapusok na inangkin.

Napadaing si Ria nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

“Uhm…” she moaned at the taste of him.

So manly. So delicious. God! She missed him.

Izaak bit her lips seductively. “God…” He was panting. “I missed you so much.”

Parang sasabog ang puso ni Ria sa saya sa tatlong salita na narinig niya mula sa mga labi nito.

She missed him, too! She missed him so much! But this couldn’t happen! Hindi niya puwedeng payagan ang lalaki. Kaya naman buong lakas na itinulak niya si Izaak palayo sa kanya.