PILIT na nagpupumiglas si Ria sa hawak ni Izaak habang hinihila siya nito papasok sa isang mansiyon. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya habang hindi makawala sa hawak ni Izaak.
“Izaak, please,” she begged. “Bitiwan mo ako.” Wala siyang mukhang ihaharap sa mga magulang nito. Pagkatapos ng nangyari kahapon, pakiramdam niya ay manliliit siya sa harap ng mga ito.
“Stop fighting, Ria,” sabi naman ni Izaak habang kumakatok sa nakasarang pinto, hawak pa rin siya. “Masasaktan ka lang.”
Tumigil siya sa pagpupumiglas at tiningnan ito nang masama. “Bakit mo ba ako dinala rito? Para ipahiya sa mga magulang mo? Para makapaghiganti ka sa ginawa namin si Syl sa `yo?”
Bumaling ito sa kanya, pagkatapos ay mataman siyang tinitigan at akmang magsasalita nang bumukas ang pinto.
“Kuya—” Izrael paused in disbelief when he sees her. “The fuck?” May nilingon ito sa loob ng bahay saka siya itinuro habang nakatingin kay Izaak. “Who the hell is this?” parang hindi makapaniwala nitong tanong.
“Izrael, meet Ria, Syl’s twin sister.” Itinulak ni Izaak ang pinto para bumukas iyon nang maluwang. “Ria meet my brother, Izrael.”
Izrael’s jaw went slack as he stared at her with pure disbelief. Hindi niya magawang batiin si Izrael kahit simpleng “hi” dahil sa kabang nararamdaman.
“Nasaan sina Mommy at Daddy?” tanong ni Izaak na mas ikinadagdag ng kaba ni Ria.
Ilang segundo ring nakatitig lang sa kanya si Izrael bago sumagot. “Nasa hardin, kasama si… Syl.”
Namilog ang mga mata ni Ria. Narito ang kakambal niya? Mas dumoble ang kabang nararamdaman niya, lalo na nang hilahin na naman siya ni Izaak papunta sa kung saan. “Bitiwan mo ako, Izaak!” Pilit siyang nagpumiglas.
Pinagtitinginan na siya ng mga katulong na nadadaanan nila, pero hindi siya makawala sa mahigpit na hawak ni Izaak.
“Please, let me go,” pakiusap niya.
Pero hindi nakinig si Izaak. Patuloy na walang imik lang siya nitong hinila hanggang sa hardin.
Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang makita ang mga magulang ni Izaak na nasa isang pabilog na mesa at kausap si Syl. Gusto niyang tumakbo palayo. Ria felt so ashamed. But Izaak wouldn’t let her. Mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kanya, siguradong wala siyang kawala.
“Hey, everyone,” bati ni Izaak sa tatlong nag-uusap dahilan para tumuon sa kanila ang tatlong pares ng mga mata.
Oh, God!
“Izaak, sino ang babaeng `yan?” Ang ina nito ang unang nakabawi sa pagkabigla nang makita siya.
Tumingin muna sa kanya si Izaak at bumaling sa kakambal niya bago nagsalita.
“She’s Syl’s twin sister,” panimula ni Izaak. “And they switched weeks ago. This one…” Itinuro siya nito. “Pretended to be my fiancée. Hindi ko alam kung anong plano nilang dalawa, `buti na lang nagpaimbestiga ako at nalaman kong tama ang hinala ko mula noong umpisa. Hindi ko fiancée ang kasama ko. They fooled me and—”
“Palayasin mo ang babaeng `yan sa pamamahay ko, Izaak,” putol ng ama nito sa iba pang sasabihin ni Izaak. Halata ang galit sa boses nito.
Hiyang-hiyang napatungo si Ria. She felt so small. So ashamed of herself. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili, pero para ano? Kasalanan naman niya. Dapat lang sa kanya ang pagalitan.
“Bakit ko naman gagawin `yon?” tanong ni Izaak. “Hindi pa ako tapos magkuwento—”
“We already know!” sigaw ng ina nito. “Inamin na ni Syl ang ginawa nila ng kakambal niya. Kaya naman palayasin mo siya rito, Izaak. Ayaw namin ng babaeng walang delikadesa sa sarili. Pati fiancé ng kakambal niya, pinatulan! Oo nga at nagpanggap sila, pero hindi sapat na dahilan `yon para makita namin kayo sa ganoong posisyon kahapon.” Dinuro siya nito. “Lumayas kang babae ka! Layas!”
Akmang tatakbo na si Ria sa sobrang panliliit at hiya sa sarili, pero pinipigilan siya ng kamay ni Izaak na nakahawak sa pulsuhan niya.
“Please, Izaak…” Nanunubig ang matang tumingin siya rito, nagmamakaawa. “Let me go. Please? I’m so sorry kasi nagpangggap ako, kasi niloko kita, pero huwag mo naman akong parusahan nang ganito. Iba na lang, please? Please?”
Malakas na napabuntong-hininga si Izaak saka galit na tumingin sa mga magulang nito. “See?” Iminuwestra nito ang isang kamay sa kanya. “See what you did to her? Pinaiyak n’yo siya. Bakit si Ria ang sinisisi n’yo?” Itinuro nito si Syl. “Bakit hindi siya? She’s the one who planned everything and—”
“And if that woman…” Dinuro siya ng ama ni Izaak gamit ang tungkod nito. “Is in her right mind, hindi siya sasang-ayon sa plano ni Syl!” Puno ng galit ang mga mata nitong nakatuon sa kanya. “Don’t you have a brain, woman? Why would you accept your sister’s plan like a dumb woman that you are—”
“That’s enough, Dad!” Humakbang papunta sa harap niya si Izaak at itinago siya nito sa likuran nito na para bang pinoprotektahan siya. “Don’t talk to her like that. Ang babaeng ito na dinuduro mo at tinatawag mong bobo, she’s a very respected lady pilot. So watch your words, Dad. I won’t let you insult her like that.”
“Nagmamalaki ka na?” Kay Izaak na tumuon ang galit na mga mata ng ama nito, pagkatapos ay malakas na hinambalos si Izaak ng tungkod sa braso. “Siya ba ang kinakampihan mo, ha? May fiancée ka at si Syl `yon. Kung ayaw mong mawalan ng mana, you will fix your engagement at palayasin mo ang babaeng `yan!”
“Please…” It was Syl, and she was sobbing silently. “Don’t to talk to my sister like that,” pakiusap nito sa ama ni Izaak. “Tama si Izaak, kasalanan ko ito at pumayag lang si Ria kasi mahal niya ako.”
“Shut up, Syl. We’re trying to save your enggagement here,” sabi ng ina ni Izaak at bumaling sa kanya. “Lumayas ka sa pamamahay namin.” Puno ng disgusto ang mga mata ng ina ni Izaak habang nakatingin sa kanya. “You, slut!”
“Get out of our house, you dumb woman!”
“Stop it, Mom.” Izaak was gritting his teeth.
“Lumayas ka sa pamamahay namin!”
“Dad!” Izaak looked livid.
“Get out! So filthy—”
“Shut up!” Izaak’s angry voice echoed throughtout the garden. “All of you, just fucking shut up!” galit at malakas na sigaw ni Izaak na nagpatigil sa kanilang lahat, pati na rin sa masasakit na salita ng mga magulang nito. “Not another word, Dad, Mom.” Matalim ang mga mata nito at madilim ang mukha. “Don’t you dare… don’t you dare insult her like that ever again!” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya habang puno ng galit ang mga matang nakatingin sa mga magulang nito. “You have no right to say those words to the woman who means the world to me!”
Hindi lang si Ria ang natigilan sa sinabi nito, pati ang mga magulang nito at si Syl na nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya.
“Dinala ko siya rito hindi para husgahan n’yo, hindi para insultuhin n’yo at lalong hindi para maliitin n’yo.” Izaak looked at her lovingly. “I brought her here because I want you all to see what I see every time I look at her. Hindi n’yo ba `yon makita? She’s beautiful, smart, witty, brave, and just simply amazing. Hindi ko siya dinala rito para saktan n’yo.” Ibinalik ni Izaak ang tingin sa mga magulang nito. “Dinala ko siya rito para ipakilala siya sa inyo. She’s Captain Maria ‘Ria’ Descartin, and she happens to be the woman who owns my heart, my mind, my body and my soul. So could you please be nice to her? She’s an amazing woman and she doesn’t deserve those hurtful words from you.”
Lahat ng sakit na natanggap ni Ria nang araw na iyon ay nawalang parang bula nang marinig ang mga salitang iyon kay Izaak. Parang sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyon.
“Izaak…” mahina niyang sabi sa pangalan nito.
Pinisil nito ang kamay niya saka tumingin kay Syl. “Lets break off our engagement. I don’t want to marry you.”
Isang masayang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Syl. “Totoo `yan?”
Tumango si Izaak. “But I want your sister in return.”
Her heart thumped like crazy at that.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Syl at tumingin sa kanya, “Ria… ayokong ikaw ang maging kabayaran ng kalayaan ko—”
“Just say `yes ´ , Syl,” sabi niya sa iba pa nitong sasabihin. “I love him.”
Masayang niyakap siya nito nang mahigpit. “Thank you! Thank you!”
“Kapag hindi mo itinuloy ang kasal n’yo ni Syl, tatanggalan kita ng mana, Izaak, at hindi ako nagbibiro,” pagbabanta ng ama nito na ikinatigil ng kasiyahan nila ni Syl.
Pero parang hindi apektado si Izaak sa pananakot ng ama nito.
“Go. Take it.” Izaak smiled, pulled her close to him and claimed her lips. Nang maghiwalay ang mga labi nila, nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kanya. “I don’t need it. I just need you.”
That was heartwarming, pero nag-aalala siya para sa lalaki. “Izaak, sayang ang mana mo.”
He just shrugged. “That’s okay.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kaya naman siguro tayong buhayin ng kompanya ko. Hindi naman `yon kasama sa mamanahin ko. That’s my own money.”
Doon siya nakahinga nang maluwang. “Akala ko pati `yon ay parte ng mamanahin mo.”
“Nope,” sabi nito saka bumaling sa mga magulang na walang imik habang nakamasid lang sa kanilang dalawa. “Mom, Dad, I respect the both of you. Pero kung pipilitin n’yo akong magpakasal kay Syl, then we will have a problem. Pumayag ako noon na magpakasal dahil sa mana ko, dahil sa mga panahong `yon, pera lang ang importante sa akin. Pero nang makilala ko Ria, I realize, happiness is more important than money. So you can have your money, I will have my Ria.”
“Wala kang mamanahin sa akin,” mariing sabi ng ama nito sa galit pa ring boses.
“That’s okay.” Izaak tugged at her hand. “Let’s get out of here.”
Bago pa siya makasagot, hinila na siya ng lalaki paalis ng hardin. Nasa likuran nila si Syl, nakasunod sa kanila.
Nang makalabas sila ng gate, pinara ni Syl ang palapit na taxi saka nakangiting humarap sa kanya. “Be happy.” Pagkatapos ay bumaling ito kay Izaak. “Alagaan mo `yang kakambal ko. Huwag mong gagawin sa kanya ang ginawa mo sa akin dahil mapapatay kita.”
“Yes, Ma’am,” nakasaludo pang sagot ni Izaak.
Inirapan lang ito ng kakambal niya. “Aasikasuhin ko agad ang mga gamit ko sa bahay mo. Gusto ko nang umalis doon. I don’t think I’m the right mistress of that house anyway.” Then Syl smiled at her. “I’m just one call away, sis. Okay?”
Nakangiting tumango si Ria. “Okay.”
Nang makasakay si Syl sa taxi, inakbayan siya ni Izaak saka dahan-dahang naglakad papunta sa nakaparada nitong sasakyan.
“Bakit hindi mo sinagot si Mommy?” tanong nito habang naglalakad sila. “Ang tapang-tapang mo kapag kaharap ako, `tapos para kang basang-sisiw kanina.”
Pabirong kinurot niya ito sa tagiliran. “I respect your parents,” sagot niya. “Saka naiintindihan ko naman ang galit nila, eh. I deserve it. Tama naman kasi sila.”
Napailing-iling lang si Izaak. “Pero wala pa rin silang karapatan na pagsalitaan ka nang ganoon.”
“It’s okay.” Kagat ang labing nag-angat siya ng tingin dito. “So, ahm, I mean the world to you?”
Napatigil si Izaak sa paglalakad at humarap sa kanya. “Seriously? Kanina ko pa `yan sinabi, ngayon ka lang magre-react?”
Kagat ang labing napangiti si Ria. “Eh, sa ngayon lang ako nagkaroon ng chance na mag-react. I was shocked when you said that.”
“Bakit naman?”
“I just didn’t know that I mean a lot to you.”
Napailing-iling si Izaak saka masuyong sinapo ang mukha niya at matiim siyang tinitigan. “Answer me now, Ria.” Hinaplos nito ang pang-ibaba niyang labi. “Do you really love me like you said yesterday and earlier? You were just pretending after all so excuse my doubt.”
Tumango si Ria, parang nahihipnotismo siyang titigan ang asul nitong mga mata. And his blue eyes were compelling her to tell the truth.
“I pretended to be Syl to give my sister time to breathe before getting married to you. Gusto kasi raw niyang makasama ang lalaking mahal niya,” pag-amin niya na parang nangungumpisal sa kasalanan. “Our plan was simple, pretend to be Syl until the wedding and also look for something to break off the wedding. Pero hindi naman `yon nagtagumpay. Nagulo ang lahat dahil nahulog ang loob ko sa `yo. Hindi ko kayang iwan ang lalaking natutunan ko nang mahalin. Kaya naman nasaktan ako masyado nang sabihin mo sa akin na kasama mo si Michelle sa tatlong araw na nawala ka at naghintay ako sa `yo. It hurts to hear that the man I love is in the arms of someone else.”
“I’m sorry.” Izaak kissed her lips. “I didn’t mean to hurt you. Akala ko, ikaw si Syl noon kaya hindi ko matanggap sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa `yo.” Mahina itong natawa. “And then I came to know the woman pretending to be Syl. Ria. I came to know Ria in the island. I like kissing Ria, I like making her moan, I like making her happy. `Tapos nagising na lang ako na hindi lang simpleng atraksyon ang nararamdaman ko para sa `yo. I was falling. Hard. Fast. And irrevocable.
“Kaya naman natakot ako nang makita ko kayong nag-usap ni Ream Oliveros. That was the first time that I felt afraid. That was the time when I realized that I could kill any man who would try to steal you away from me. May kutob na akong hindi ikaw ang fiancée ko, kailangan ko lang ng pruweba. And I was right. You weren’t my fiancée. When the investigator told me, I was livid. I felt like a fool. You lied to me. I was mad at you. Bakit hindi mo sinabing hindi ikaw si Syl? Bakit nilihim mo?
“Then it dawned on me. Maybe you’re planning wicked against me and I was scared. Scared because I knew I’d be in one hundred times pain if you hurt me. So my defense mechanism rose up. I didn’t talk to you and I didn’t see you for three days. I even called Michelle to distract me from my anger, but she couldn’t.” Izaak kept on caressing her face. “Hindi nga niya magawang alisin ka sa isip ko. Nothing happened between us if that’s what you want to know. Just you, baby, just you.”
“Just me?”
Izaak smiled lovingly at her. “Just you.”
“Totoo `yan? Walang halong kasinungalingan?” Ria felt so vulnerable with her question. “Kahit nagsinungaling ako, mahal mo pa rin ako?”
“Nothing you confess will make me love you less.” He softly kissed her lips. “Mahal kita at wala akong pakialam kung gusto mo akong saktan. I love you and nothing and no one can change that.”
Naiiyak na mahigpit niya itong niyakap. “I love you, too, Izaak. I love you so much!”
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. His eyes were on hers, intimately staring. “I love you more.” Izaak smiled lovingly at her, “You have no idea how my heart races fast every time I see you.” Hinaplos ng hinlalaking daliri nito ang ibaba niyang labi. “I remember the first time I kissed you and felt my whole world flipped. Right there and then, I knew, inside me, that you’re not my fiancée. You were someone else. `Cause I knew in my heart, I would never kiss my fiancée like that. I would never kiss my fiancée the way I kissed you that day.”
Ria felt her heart beating so fast, it’s making her inside tingle. Nakatitig lang siya kay Izaak habang nagsasalita ito. Ayaw niyang magsalita dahil nararamdaman niyang may sasabihin pa ito sa kanya at gusto niya iyong marinig.
“When you came into my life, pretending to be my fiancée, I never thought that I would fall for you. I never thought that I could love a woman like I love you. I’m in love with you, Ria. So much,” madamdamin nitong sabi. “I’d been in love with you ever since I kissed you.”
Parang sasabog ang puso ni Ria sa sobrang saya habang nakatitig kay Izaak. “Thank you for loving me.”
He smiled and kissed her lips softly. “Thank you for coming into my life.”
“Thank you for accepting me in your life, Izaak.” Hinaplos niya ang mukha nito saka tumingkayad at hinalikan sa mga labi. “Mahal kita… mahal na mahal. At dahil mahal mo rin ako, binibigyan mo ako ng karapatang angkinin ka. Ngayon pa lang, binabalaan na kita, I don’t share, Izaak. At kapag may narinig pa akong Michelle o nakita ko kayong magkasama o kahit na sinong babae…” Tumalim ang mga mata niya. “Patay ka sa akin.”
“That’s good.” He smiled. “I don’t share, too.”
“I’m yours, Izaak.”
“I’m yours, too, Ria.” Pagkatapos ay may pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi nito. “So now that we have settled our feelings, puwede na ba kitang iuwi sa bahay? I want to make love to you, baby,” paglalambing nito. “I miss you.”
Nangingiting yumakap siya sa lalaki. “Ayoko sa bahay mo. Sa hotel na lang. Baka mabitin na naman tayo dahil kay `Nay Koring.”
Malakas itong natawa. “Good idea. Hotel then. Walang `Nay Koring doon.”
Nagkatawanan na lang sila ni Izaak sa pinag-uusapan saka tuluyan ng sumakay sa kotse nito. And as Izaak drove the car, Ria couldn’t help leaning and hugging Izaak.
“Mahal?”
“Hmm?” Izaak replied.
“I love you,” malambing niyang sabi.
Hindi ito tumingin sa kanya, pero gumuhit naman ang masayang ngiti sa mga labi. “I love you, too, baby.”
Mas humigpit pa ang yakap niya sa baywang ni Izaak habang may masayang ngiti sa mga labi niya.
Ria felt like the happiest woman alive. Sinabi niya kahapon kay Izaak na nagsisisi siyang minahal nito, pero hindi naman talaga totoo iyon. Because loving Izaak was the best thing that had ever happened to her.