NAPATIGIL sa paglalakad si Ria nang may madaanang jewelry store habang paikot-ikot sa mall. Kanina pa siya nagwi-window shopping habang hinihintay si Izaak na makarating sa mall. Tinawagan kasi siya nitong i-meet siya sa mall ng five PM dahil gusto nitong mamili.
Tiningala ni Ria ang pangalan ng jewelry store na nakakuha sa atensiyon niya.
Reaveros Jewelry.
Hmm… Tumuon ang mga mata niya sa isang kuwintas na naka-display sa loob ng box na salamin.
Beautiful. Iyon ang kumuha sa kanyang atensiyon. Ria fell in love with the pendant. Isa iyong maliit na gold na eroplano.
Pumasok siya sa loob ng jewelry shop saka nilapitan ang kuwintas na kumuha sa atensiyon niya.
“Ang ganda…” mahina niyang sabi habang nakatitig sa nasabing necklace. “Magkano kaya ito?” Luminga-linga siya, naghahanap ng saleslady. Nang makakita ng babae na naka-uniform, kinuha niya ang atensiyon nito sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay. “Excuse me,” medyo may kalakasan niyang sabi.
Agad namang lumapit sa kanya ang babae nang may ngiti sa mga labi. “Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang nitong tanong.
Sinuklian niya ang ngiti nito saka itinuro ang necklace na nagustuhan. “Magkano `yan?”
Nanatili ang ngiti ng babae. “Mura lang po `yan, Ma’am. Tamang-tama, bagay po sa inyo.”
Gusto niyang umirap sa hangin. Binola pa siya. “Magkano?”
“Thirty-five thousand po, Ma’am.” Iminuwestra nito ang kamay sa necklace. “Do you want to touch it, Ma’am?”
Mabilis siyang tumango. “May I?”
“Yes, Ma’am.” Gamit ang susi, binuksan ng babae ang salamin saka kinuha ang kuwintas. “Here, Ma’am.”
Akmang hahawakan na ni Ria ang kuwintas nang tumunog ang cell phone niya. Nakangiwi siyang ngumiti sa saleslady. “Wait lang,” sabi niya saka sinagot ang tawag. “Hey.”
“Nasaan ka?” Iyon agad ang bungad sa kanya ng nasa kabilang linya na si Izaak.
“Nasa isang jewelry shop,” mabilis niyang sagot. “Bakit? Nandito ka na sa mall?”
“Kapa-park ko lang ng kotse ko.” Naririnig niya sa background ang mahinang tunog ng pagsara at pagbukas ng pinto ng sasakyan. “Nasaang jewelry store ka ba?”
“Sa Reaveros Jewelry Shop.”
Ilang segundong natahimik ang kabilang linya na para bang natigilan ito.
“Hello?” Tiningnan pa ni Ria ang screen ng phone niya para i-check ang tawag, baka kasi naputol. Pero hindi naman. “Hello? Izaak? Nandiyan ka pa?”
She was frowning and getting worried when he spoke.
“Anong ginagawa mo riyan?” tanong nito sa walang emosyong boses. “Lumabas ka riyan ngayon din.”
“Huh?” Napakurap-kurap si Ria sa pagtataka. “Ewan ko sa `yo, Izaak. Puntahan mo na nga lang ako rito.” Pagkasabi niyon ay pinatay niya ang tawag saka iniabot ang necklace na hawak pa rin ng saleslady. “Ang ganda naman,” komento niya habang hinahaplos ang pendant. “I’ll take it.”
“Cash or Credit Card?” agad na tanong ng babae.
Ibinalik ni Ria ang pendant sa babae saka kinuha ang pinakatago-tago niyang pitaka kay Izaak saka kinuha roon ang sariling credit card.
“Here,” sabi niya sabay abot ng card sa babae. “Pakibilisan lang, darating na kasi ang—” Natigilan si Ria at nag-isip bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Fiancé ko.”
“Sige po, Ma’am.” Mabilis na sumunod ang babae.
Si Ria naman ay dahan-dahan ang bawat hakbang habang ang mga mata ay tinitingnan ang mga alahas na nandoon sa loob ng salamin.
Ang gaganda, sabi niya sa isip. Halatang mamahalin.
May babaeng lumapit sa kanya. “Excuse, Ma’am.” Nginitian siya nito. “You’re needed in the counter.”
Tango lang ang isinagot ni Ria saka lumapit sa counter. “Yes?”
“Pa-sign lang po, Ma’am.” May ibinigay sa kanya ang cashier na dalawang resibo para pirmahan.
Agad niya iyong pinirmahan saka ibinalik. Nginitian siya ng cashier at pagkalipas ng ilang segundo, ibinalik na nito ang credit card niya kasabay ng binili niya.
Akmang aalis na si Ria sa counter at sa labas na lang ng shop hihintayin si Izaak nang may makakuha na naman sa atensiyon niya. Its a simple silver ring for male. Siguradong bagay iyon sa daliri ni Izaak.
Napangiti siya sa naisip.
“Magkano ito?” tanong niya sa cashier sabay turo sa singsing na nagustuhan.
“Twenty-seven thousand nine hundred and ninety-nine,” sagot ng cashier. “Kung gusto n’yo ho, puwede ho siyang palagyan ng pangalan.”
“Engrave?” Ria asked.
“Yes, Ma’am.”
“Okay. I’ll take it at pa-engrave na rin ako.” Iniabot niya ulit ang credit card niya.
Mabilis na nililok ang mga salita na gusto niyang ilagay sa singsing saka binalot iyon at pinapirma siya ulit sa resibo bago ibinalik ang card niya.
Tama-tamang inilalagay niya sa sling bag na dala ang binili nang makapasok si Izaak sa loob ng jewelry store.
“Baby!” Parang nagmadali ito habang naglalakad palapit sa kanya saka siya hinawakan sa braso. “What the hell are you doing in this store?”
Kinunutan niya ito ng noo. “Ha? Ano ba’ng problema mo?” Umangat ang kamay niya para tuyuin ang pawis ni Izaak sa noo. “Tumakbo ka ba papunta rito?”
Tumiim lang ang bagang nito at hindi siya sinagot. Napabuntong-hininga siya saka ito tinaasan ng kilay.
“Ano ba’ng problema mo, ha?” tanong niya. “Kung ganyan ka lang din naman, umuwi na lang tayo. I don’t want to be with a grumpy Izaak.” Baka may topak na naman ito at magtagpo ang galit nila.
“Its not that—”
“Syl?”
Parehas silang natigilan ni Izaak nang marinig ang baritonong boses na tumawag sa pangalan ni Syl. Sabay rin silang napatingin ni Izaak sa pinanggalingan ng boses.
Napakurap-kurap si Ria nang makita ang lalaking tumawag sa kanyang Syl. He’s very handsome with his tantalizing eyes and square-jaw.
“H-hi,” nautal niyang sabi sabay ngiti. This man knew her sister, kailangang umakto siyang kilala rin niya ito. “Ahm… how are you?”
“I’m good.” Naglakad palapit sa kanya ang lalaki at namulsa nang tumigil sa harap niya. “Ikaw? Kumusta ka na? It’s been months.”
Ninenerbiyos siyang tumawa nang mahina. “Yeah.” Wala siyang ibang masabi kundi iyon.
“Did you buy anything?” he asked, his eyes roaming around his face. “Are you busy?”
Umiling si Ria. “No.” Naiilang siya sa klase ng pagkakatitig ng lalaki sa mukha niya.
“Would you like to have coffee?” His eyes were still staring at her face, his forehead frowning slightly.
“Ahm…”
Bumaling siya kay Izaak, pero natigilan nang makita ang madilim na ekspresyon sa mukha nito, nagtatagis ang bagang. Matalim din ang mga mata ng lalaki na ikinakaba niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ni Izaak na nakakuyom saka pilit iyong ibinuka at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa saka pinakita sa lalaking kaharap.
“Sorry. Kasama ko ang fiancé ko, eh. Hindi ako puwede ngayon—”
“Hindi puwede ngayon,” sabi ni Izaak habang nagtatagis ang bagang. “Hindi puwede bukas, hindi puwede sa makalawa at hindi puwede kailanman.” Then he took a menacing step towards the man, his eyes deadly. “And the next time you try to take my fiancée on a date…” Mas tumalim ang mga mata nito. “I’ll kill you.”
Pagkasabi niyon ni Izaak ay walang sabi-sabing hinila siya nito palabas ng store. Hindi ito tumigil sa paglalakad at paghila sa kanya hanggang sa sumakay sila ng escalator pababa.
“Izaak…” Ipinalibot ni Ria ang braso sa braso nito saka bahagya iyong hinila nang makababa na sila ng escalator. “Bakit ka ba nagagalit? May nagawa ba ako?”
Parang hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya at napailing-iling. “Hindi mo talaga alam o nagpapanggap kang walang alam?”
Ramdam ni Ria ang galit sa bawat salitang binibitawan nito.
“Izaak…” Pinisil niya ang braso nito. “Hindi kita maintindihan.”
Tumuon sa kanya ang matatalim nitong mata. “Hindi mo ako maintindihan?” Mapakla itong tumawa. “Damn you! Are you playing with me? Akala ko ba okay tayo?”
“Okay naman tayo, ah,” sabi niya na kunot ang noo. “Ano ba ang problema mo sa akin?”
Walang buhay itong natawa habang napapailing-iling saka tumingin sa kanya. “That was Ream Oliveros. Ang kabit ni— mo.”
Ria froze. Oh, God. Umawang ang mga labi niya saka nag-iwas ng tingin kay Izaak. Biglang nagulo ang isip niya. Maraming katanungan doon na wala siyang maisagot.
“Izaak—”
“Stop playing games with me,” sabi ni Izaak sa sasabihin niya saka siya iniwan na lang bigla nang hindi man lang nagpapaalam.
Napatitig na lang si Ria sa palayong likod ni Izaak, pagkatapos ay napakurap-kurap.
What just happened? How could a normal happy day tun out badly? Bakit kailangan pang sirain ng nakaraan ni Syl ang masaya sanang araw nila ni Izaak? Hinding-hindi talaga maaayos ang pagsasama nila ni Izaak kahit ano pa’ng gawin niya, kahit ano pa’ng ipakita niya rito.
She would always be a tainted woman in Izaak’s eyes as long as he thought that she was Syl.
Parang wala sa sariling naglakad si Ria hanggang sa mapaupo sa isang bakanteng bench. Walang imik na pinahid niya ang isang butil ng luha na nakawala sa mata. Shit naman, o! Dahil kay Izaak, naging iyakin siya. Dahil kay Izaak, lumambot ang puso niyang tigasin.
“Ano ba’ng nangyayari sa akin?” Inihilamos niya ang mga palad sa mukha saka napabuntong-hininga. “I hate feeling so hopeless,” bulong niya sa sarili saka napabuntong-hininga ulit.
Ria was silently contemplating on what to do when an expensive pair of shoes stopped in front of her. At dahil nakayuko siya, kailangan pa niyang tumingala para tingnan kung sino iyon.
Every emotion on her face was instantly drained when she saw Ream Oliveros.
“Ano’ng kailangan mo?” mataray niyang tanong.
He intently stared at her and spoke. “I’m sorry, I mistook you for someone else.”
Ria leaned on the back of the bench and crossed her legs. “You mean…” Tinaasan niya ito ng kilay. “You mistook me for my twin sister.”
Tumango ito. “Akala ko, ikaw si Syl.”
“Paano mo naman nasabing hindi ako siya?” pagtataray niya.
“You look pretty much the same, but your eyes have different shade.” Ngumiti ito na mas dumagdag sa kaguwapuhan nitong taglay. “Much darker ang pagka-brown ng mga mata mo, unlike Syl, medyo lighter.”
Itinigil ni Ria ang pagtataray saka tumayo at sinalubong ang tingin nito. “Ano’ng kailangan mo sa akin? I’m sure hindi mo ako nilapitan para lang sabihin `yan. Don’t mistake me for a fool, Mr. Oliveros, `coz I ain’t one.”
Namulsa ito bago nagsalita. “Where’s Syl?”
“Bakit ako ang tinatanong mo? Hanapin mo siya at itanong mo `yan sa kanya.”
“Just tell me where she is. May atraso siya sa akin.”
“Hindi ko alam kung nasaan siya. Ang kulit.” Tinaasan niya ito ng kilay saka naglakad palayo rito.
Uuwi na lang siya sa bahay. Doon na lang siya magmumukmok sa sinapit ng araw niya.
Nakakainis!
IZAAK was furiously gritting his teeth. His fist was clenching and unclenching in a failed attempt to calm himself. Hindi niya alam kung mapipigilan ba ang galit na hindi lumabas.
Seeing Syl and Ream Oliveros in close proximity to each other put him in a dark mood.
Kung nagalit siya nang nalaman noon na niloloko ni Syl, mas galit siya ngayon. What if he took her away from him?
“Fuck!” Malakas niyang nasuntok ang gilid ng dashboard ng sasakyan. Dito siya dumeretso pagkatapos niyang iwan si Syl sa mall.
Wala siyang pakialam kahit sumigid sa buto at kalamnan niya ang sakit dahil sa pagsuntok. Hindi pa iyon sapat para mailabas ang galit na nararamdaman.
Napabuntong-hininga siya at pinakalma ang sarili nang mag-ring ang cell phone niya. Mas pinilit niyang pakalmahin ang sarili nang makitang si Mr. Kim iyon.
Tapos na ba ang imbestigasyon nito?
Nang huli silang magkausap, marami itong nalaman kay Syl na hindi tumama sa sinabi ng fiancée sa kanya noong nasa isla sila. Kaya naman lalong lumakas ang hinala niya na baka ang babaeng nakasama sa isla ay hindi si Syl. Kaya naman nagpaimbestiga pa siya, sa pagkakataong iyon ay para alamin kung may kamag-anak ba si Syl na kamukhang-kamukha nito.
At sa mga narinig niya sa hardin noong isang araw, lalo na nang may kausapin sa cell phone si Syl, lalo pang lumakas ang hinala niya pero kailangan ng pruweba. And if he’s right, hindi niya alam kong ano’ng magagawa kay Syl dahil sa kasinungalingan nito.
“Hello?” agad niyang sabi nang sagutin ang tawag.
“Mr. Davidson,” sabi ng pormal na boses ni Mr. Kim. “This is Shun Kim and it’s finally done.”
Sumandal siya sa driver’s seat. “Okay. Tell me what you find out.”
Mr. Kim took a deep breath before speaking. “Her name is Maria Descartin, also known as Ria. Umalis siya sa Pilipinas nang mag-eighteen siya at pumunta sa US para doon mag-aral. Nakitira siya sa mga kamag-anak niya, pero self-supporting siya. She finished college in Chicago. Tuwing summer, nagpupunta siya sa Florida para mag-surf at mag-part-time job na rin. After graduation, agad siyang nagtrabaho sa AirJem Airlines at siya ang kauna-unahang lady pilot ng AirJem.”
So, tama ang hinala ko.
Nagtatagis ang bagang na kumuyom ang kamay ni Izaak. “How is she related to Syl?”
“They’re twins.”