FRUSTRATED na itinigil ni Izaak ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kanina pa siya naghahanap kay Ria, pero hindi niya makita. Sinuyod na niya ang bawat kalsada na sa tingin niya ay dinaanan nito nang tumakbo. Pero kahit anino nito, hindi niya makita.
Magmamadaling-araw na, paano pa niya mahahanap si Ria? Wala pa siyang tulog at walang balak matulog hangga’t hindi nakikita ang babae. Kung kailangang suyurin ang bawat lansangan ng lungsod, gagawin niya makita lang ito.
He’s getting more frustrated and angrier as the time passed by. He needed to see Ria. Pagkatapos ng mga binitawan nitong salita, hindi niya hahayaang basta lang iyong mabale-wala dahil naistorbo sila ng mga magulang niya.
Izaak was about to move his car again when his phone rang. Ayaw niyang sagutin ang tawag, pero mapilit iyon. Nang tingnan kung sino ang tumatawag, nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang unknown caller.
Nagdadalawang isip man, sinagot ni Izaak ang tawag. “Who’s this?” agad niyang tanong.
“This is Lucifer Monasterio,” pagpapakilala ng nasa kabilang linya. “It’s Ria. Meet me at Bachelor’s Bar.” Pagkasabi niyon ay pinatay nito ang tawag.
Si Ria? Kasama ba nito si Ria? Jealousy filled him. Fuck!
Bumuga siya nang marahas saka pinatakbo nang mabilis ang sasakyan papunta sa Bachelor’s Club. Nang mai-park ang sasakyan sa parking lot ng nasabing gusali, agad siyang pumasok sa loob ng club.
Agad niyang nakita si Lucifer sa isang mesa na malapit lang sa entrance. Napatigil ang paghinga niya nang makitang kasama nito si Ria na nakasubsob ang ulo sa ibabaw ng mesa. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. “What did you fucking do to her?”
Nagpakawala ng malalim na hininga si Lucifer. “Nanahimik ako sa bahay nang may tumawag sa akin.” Itinuro nito ang bartender na nasa likod ng isang bar. “He called using Ria’s phone to inform me that she’s drunk and has passed out.”
Dumilim ang mukha ni Izaak. “Bakit ikaw ang tinawagan niya? Are you that special?” he sneered.
Lucifer sighed, get up and faced him. “Look, man, I have known Ria since college. She’s like a sister that I never had and I am so tempted to beat the shit out of you right now for making her cry. Pero labas na ako sa kung ano man ang issue n’yong dalawa. Tinawagan kita kasi pangalan mo ang binabanggit niya habang lasing na lasing siyang nakayupyup sa bar kanina nang dumating ako.” His jaw tightened. “I care for her, Davidson. And I don’t want to see her cry again. So take her to a safe place, talk to her, and settle your issues. Kasi sa inyong dalawa, laging si Ria ang nasasaktan. Stop being an asshole and fucking decide if you wanna keep her or not. Because if you’re just playing games with her, I’ll bury you six feet under the ground and I will dance in your graveyard, bastard.”
Lucifer’s words seeped into him, but the jealousy he was feeling was still there, eating him and making him feel rotten.
“Ano ka ba talaga ni Ria? Are you her ex-boyfriend or something?”
“I’m like a brother that she never had either,” Lucifer answered as he rolled his sleeve up to his elbow. “And no, I’m not her ex.” Humakbang ito paalis ng mesa. “Take care of her, Davidson, or else, I’ll really bury you after I beat the fucking shit out of you.” Tuluyan na itong umalis at lumabas ng club.
Izaak’s eyes settled on Ria. “What are you doing to yourself, baby?” Nilapitan niya ito saka maingat na pinangko at binuhat.
Ria groaned and wound her arms around his neck.
“Hey, baby,” he said softly.
Her eyes slowly opened. Halatang lasing ang babae dahil hindi maibuka nang maayos ang mga mata. “Izaak?”
Bumaba ang mga mata niya rito. “Hmm?”
“Bakit ka nandito?” Malabo ang pagbigkas nito ng mga salita dahil sa kalasingan.
“Sinusundo ka,” sagot niya.
Inihilig nito ang ulo sa dibdib niya, ang mga mata ay unti-unting pumipikit. “Izaak?”
“Hmm?”
“I hate you…”
Izaak felt her heart tightened painfully. “I guess I deserved that.”
“But I love you,” she whispered softly.
The pain in his heart slowly faded and was replaced by joy. Pero agad ding nawala ang saya na nararamdaman nang makita ang luha na tumulo sa mga mata nito.
“but I can’t… love you…” Ria sobbed. “I… can’t.”
Huminga siya nang malalim saka naglakad palabas ng club. Agad niyang iniupo si Ria sa passenger seat ng sasakyan saka dinala sa pinakamalapit na hotel. Hindi niya puwedeng iuwi ang babae sa bahay niya dahil nandoon si Syl. Ayaw nitong makitang kasama niya si Ria.
Why was his life so fucked up?
NAGISING si Ria dahil parang hinahalukay ang tiyan niya kasabay ng pagsakit ng ulo. Tinakbo niya ang distansiya mula sa kama at banyo para doon maduwal sa lababo. Nakahawak siya sa gilid niyon na parang doon kumukuha ng lakas.
Pagkatapos magsuka, nagmumog siya. Nabitin ang balak na pagbalik niya sa kama nang makita ang kabuunan ng kuwarto na kinaroroonan.
Umawang ang mga labi ni Ria kasabay ng pagdagundong ng kaba sa dibdib. No. Hindi ito ang kuwarto niya sa penthouse ni Lucifer! Nasaan siya?
Then her eyes settled on the bed. There lay a handsome man named Izaak.
Nasapo ni Ria ang nakaawang na bibig sa sobrang gulat nang makita ang lalaki. Pagkatapos ay unti-unting bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Kung saan pagkatapos niyang magpalakad-lakad ay nakita niya na lang ang sarili sa loob ng isang bar. Doon ay uminom siya nang uminom hanggang wala nang maramdamang emosyon.
Paano nalaman ni Izaak na nasa club siya? Bakit ito nandoon? Nasaan sila ngayon?
Ang daming katanungan sa isip ni Ria na hindi niya masagot lalo na at masakit ang kanyang ulo. Lalong sumakit ang ulo niya nang pumasok din ang isip ang nangyari sa kanya kahapon sa bahay nito. Ang dahilan kung bakit naglasing siya.
Shame, guilt and embarrassment instantly filled her when the memories of yesterday came crashing back.
Inihilamos ni Ria ang mga palad sa mukha saka napabuntong-hininga. Napatitig siya sa guwapong mukha ni Izaak na mahimbing na natutulog sa kama. At kahit anong pigil sa sarili na huwag makaramdam ng kahit ano para sa lalaki, nandoon pa rin ang pagmamahal na nararamdaman para kay Izaak.
Naglakad si Ria palapit sa kama saka umuklo para magpantay ang mukha nila ng lalaking natutulog.
“Izaak…” Bahagya niyang niyugyog ang balikat nito. “Izaak, gising.” Kailangan niya itong makausap tungkol sa kung nasaan sila.
He groaned, then slowly, his blue eyes opened and they stared straight into her eyes. “Ria…” masuyong sabi nito sa pangalan niya saka unti-unting sumilay ang makalaglag-panty na ngiti sa mga labi. “Good morning, baby.”
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Ria nang marinig ang endearment na iyon.
“G-good morning,” nauutal niyang sabi saka mabilis na tumayo para magkaroon ng distansiya ang mga katawan nila.
She perfectly knew Izaak’s effect on her body, heart and mind. He’s just not safe for her. She’s in danger of falling madly, deeply and more in love with him every time he was around.
Bumalik si Ria sa kama at umupo sa gilid niyon. Hindi siya makatingin nang deretso kay Izaak lalo na nang bumangon ito at hinubad ang pang-itaas na suot saka pumasok sa banyo.
Tumuon ang tingin niya sa pang-itaas nitong iniwan lang sa ibabaw ng kama. Ria had this strong urge to pick it up and smell it, kaya naman iyon ang ginawa niya. Lumapit siya sa sofa, pinulot ang hinubad nitong polo saka inilapit iyon sa ilong.
Napapikit si Ria nang maamoy ang mabangong amoy ng damit ni Izaak. Pero naputol ang pag-amoy niya sa damit nito nang maramdamang parang hinahalukay ang tiyan niya. Binitawan niya ang damit saka mabilis na tumakbo papuntang lababo at doon nagduduwal at sumaka. At dahil nasa loob na ng banyo si Izaak, agad siya nitong nilapitan. Makikita ang pag-aalala sa mukha nito.
“Napaano ka ba?” nag-aalala nitong tanong habang hinahaplos ang likod niya. “Ano ba’ng nakain mo at nagkakaganyan ka?”
Umiling si Ria saka nagmumog at parang nanghihinang bumalik sa kama. Awtomatikong sumunod sa kanya si Izaak.
“Mahiga ka na lang kaya muna?” suhestiyon nito.
Umiling si Ria saka lakas-loob na nagtanong para i-distract ang sarili dahil naduduwal na naman siya at ayaw na niyang sumuka pa. “Nasaan ako? Nasaan tayo?”
“Dinala kita sa hotel pagkatapos kitang sunduin sa Bachelor’s Club kaninang madaling-araw.”
Napakagat-labi si Ria. “Paano mo nalaman na nandoon ako?”
“Lucifer called me.”
Kumunot ang noo niya. “Si Luc? Paano niya nalamang nandoon ako?”
“The bartender called him. Siya ang tinawagan kasi siya ang nangunguna sa recent call mo.”
“Ganoon ba?” Pagkatapos ay tinanong niya ang ayaw malaman na sagot pero kailangan. “What happened after I left your… house yesterday?”
Nakita niyang natigilan si Izaak at may pag-aalangan sa mga mata nito bago nagsalita. “Ilang beses akong nahampas ng tungkod ni Daddy at gusto niyang ayusin namin ito ni Syl.” He snorted. “As if that will happen.” Napailing-iling si Izaak. “And then he expects me and Syl to go to their house today to explain or else, mawawalan ako ng mana.”
Namilog ang mga mata ni Ria sa huling sinabi nito. “Go.”
Izaak frowned at her. “What?”
“Go.” Tumingin siya sa wall clock. Alas-diyes pa lang ng umaga. “Kung aalis ka ngayon, aabot ka pa. Makakahabol ka pa at makakapunta sa bahay ng daddy mo.”
“And?” Izaak seemed clueless as to what she was trying to tell him.
“And explain!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Tell them I was just a tramp, a one-time thing and nothing more.” Hinahalukay niya sa isip ang mga dapat nitong sabihin sa pamilya. “Tell them na inakit kita o kaya naman I was desperate and—”
“Why would I tell that to them?” parang hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “Ria, alam natin na kasinungalingan lahat `yon. Why would I lie to them?”
She looked at Izaak knowingly. “Para makuha mo ang mana mo. Kapag hindi ka magpakita doon ngayon, baka nga tanggalan ka ng mana—”
“So?”
“Anong so?” Pinandilatan niya ito. “Izaak, mana mo `yon! Hindi ba `yon importante sa `yo?”
“Mas importante ka roon.”
Her heart skipped a beat.
“It’s just money, Ria,” dagdag nito habang matiim na nakatitig sa kanya, “I can earn that.”
“P-pero, sayang din `yon—”
“At mas pipiliin kita kaysa sa mana na `yon.” Umupo si Izaak sa gilid ng kama, paharap sa kanya. “Isaksak ni Daddy ang pera na `yon sa baga niya. I just don’t care anymore.”
Her heart never stopped beating so fast, It was making her pant softly.
“And anyway…” Izaak looked into her eyes. “I would be telling them lies.”
Tumaas ang kilay niya. “What? I wasn’t just a one-time thing?”
Irritation filled his blue eyes. “Ria, nasisiguro kong hindi na pasok sa one-time thing ang nangyari sa atin.”
Nag-init ang mga pisngi niya. “Huwag ka ngang magsalita nang ganyan.”
“Why?” Izaak sounds so annoyed. “Since inumpisahan mo naman itong one-time thing, tapusin na natin ang usapan natin kahapon.”
Mabilis siyang umiling. “Ayoko.”
“At bakit?” iritado nitong tanong.
“Kasi ayoko.” Tinarayan niya ito. “Isaksak mo sa isip mo na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. At hindi lahat ng gusto mo ay susundin ko.” Nang-iinsulto niya itong tiningnan. “Sino ka ba, ha?”
“Sino ako?” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Izaak na parang nagmamalaki. “Ako lang naman ang lalaking mahal mo. Nakakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo kahapon, Ria?” May panunudyo sa boses nito. “O gusto mong ulitin ko `yon para sariwain ang alaala mo?”
Natigilan si Ria at walang masabi. Umalis siya sa kama at balak na lumabas ng kuwarto. Pero bago pa siya makalayo sa kama, napigilan siya ni Izaak sa braso saka siya hinila pahiga sa kama pagkatapos ay kinubabawan para hindi siya makaalis.
“Ano ba, Izaak?” Naiinis na pinagbabayo niya ang dibdib at balikat nito. “Umalis ka nga sa ibabaw ko. Ano ba?”
“I don’t think so, baby.” Izaak seized her hand, pulled it up and pinned it over her head.
Her face was so close to hers and his lips were hovering hers. Gustong pagalitan ni Ria ang sarili dahil hindi pa nga naglalapat ang mga labi nila ni Izaak, nararamdaman na niya ang kiliti sa puson niya.
“I won’t let you run away from me this time.”
“Izaak, ano ba…” Wala ng lakas ang boses niya ganoon din ang pagpupumiglas niya.
His lips were just an inch away from hers, damn it!
“What?” Izaak brushed his lips against hers and she nearly moaned at the sensation.
“B-bitawan mo ako,” nauutal niyang sabi.
“Ayoko.” Sinagi ulit ng mga labi nito ang mga labi niya na parang nanunudyo. “Was it true?” tanong nito.
Napatingin siya sa lalaki, nagtatanong ang mga mata. “Ano?”
“`Yong sinabi mo sa akin kahapon.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Ria. “`Y-yong ano?”
Izaak looked deep in into her eyes. “Na mahal mo ako.”
Umawang ang mga labi ni Ria, hindi niya alam ang sasabihin.
“Well, Ria?” Izaak asked, his lips brushing against hers. “Do you love me?”
Napalunok siya at pilit na tinitikis ang nararamdaman niya para sa lalaki.
“Does it matter? May fiancée ka, Izaak. Kung ano man ang narinig mong lumabas sa bibig ko kahapon, wala ring patutunguhan `yon. Kaya kung ako sa `yo, puntahan mo na ang daddy mo at magpaliwanag ka para hindi mawala sa `yo ang mana mo.”
Ilang minuto siya nitong tinitigan bago nagsalita. “You know what? Tama ka.” Umalis ito sa pagkakakubabaw sa kanya at isinuot ang hinubad na polo, saka siya hinila paalis ng kama. “Pupunta ako sa bahay nina Daddy.”
Parang may kumurot sa puso ni Ria, pero hindi niya ipinakitang apektado siya. “That’s good. Mabuti naman nakinig ka sa akin. Wala naman kasi talagang halaga ang lahat. Ikakasal ka na sa kapatid ko at hindi magbabago `yon.”
“I know that.” Hinawakan ni Izaak ang kamay niya saka iyon pinagsalikop. “Kaya naman isasama kita sa bahay ng mga magulang ko.”
“What?” Halos lumawa ang mga mata ni Ria. “No!”
“Sasama ka sa akin, Ria.” Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. “And I don’t accept ‘no ’ for an answer.”
“Ano ba, Izaak? Bitawan mo ako!”
Pilit niyang inaagaw ang kamay na hawak nito, pero mas malakas si Izaak sa kanya. Hindi niya matinag ang kamay nito. Habang hinihila siya nito palabas sa tinutuluyan nilang hotel room, panay ang pagpupumiglas niya. Pero hanggang nakarating sila sa parking lot, hindi pa rin siya nakawala rito.
Ano ngayon ang gagawin niya? Wala siyang mukhang ihaharap sa mga magulang nito!