“HOW ABOUT this one?” tanong ni Izaak kay Ria habang nasa kitchen wares department sila ng mall, namimili ng mga kagamitan sa kusina para sa bagong biling penthouse ni Izaak. “Parang maganda ito.”
Sinuri niya ang hawak nitong rice cooker. “Yeah. Mukha namang magtatagal.”
“So, we’ll buy this?” tanong ni Izaak na parang nanghihingi ng permiso niya.
“Sure,” sabi niya.
Mabilis na inilagay ni Izaak ang rice cooker sa push cart saka iyon itinulak papunta sa mga pinggan, baso at utensils.
“Ano’ng gusto mong kulay?” tanong na naman ni Izaak habang namimili ng pinggan.
Ria rolled her eyes. “Izaak, puwede namang ikaw ang mamimili ng kulay, eh. It’s your penthouse,” paalala niya rito.
Inakbayan siya ng lalaki saka hinalikan sa pisngi. “Baby, I bought that penthouse for you, para hindi ka nakikitira kay Lucifer. I don’t like the thought of you living with Monasterio.” Halata sa mukha nito ang selos. “I don’t like it. I’m jealous.”
“Aww…” Pinanggigilan niya ang matangos nitong ilong. “Ang mahal ko talaga, napakaseloso.” Hinalikan-halikan niya ang mga labi nito saka nginitian. “And anyway, may I remind you na hindi lang ako ang titira sa penthouse na `yon kahit na nga panay ang tanggi ko.”
Naglalambing na niyakap siya ni Izaak sa baywang mula sa likuran saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat. “Alam kong nag-usap tayo na hindi muna tayo magsasama sa iisang bubong at pumayag ako kahit alam mong ayoko. I tried sleeping in my house for a week, baby, and I just couldn’t sleep a wink. I need to smell you, to see you, to feel you. Hindi ako mapalagay sa bahay.”
Niyakap ni Ria ang mga braso nito na nakayakap sa baywang niya saka binalingan ang mukha nito na nasa balikat niya.
“Pumayag naman ako, `di ba?” she said and kissed his cheek. “Kaya nga ayokong laging ako ang pumipili ng gamit para sa penthouse. Titira ka rin naman kasi doon, eh.”
Izaak sighed and kissed her neck. “Fine.” Itinuro nito ang isang klase ng disenyo ng pinggan. “I want the plain white one.”
“Okay.”
Bahagya siyang umuklo saka kumuha ng apat na piraso ng pinggan at inilagay sa push cart nila, pagkatapos ay humarap kay Izaak na nakayakap pa rin sa baywang niya.
“Anyway, naisip ko lang ngayon, asikasuhin mo kaya muna `yong pagpili at pagbili ng refrigerator para maipabalot mo agad at maisakay sa truck na inupahan mo na magdadala n’on sa penthouse. While I’ll stay here and pick some utensils and stuff.”
Halatang napipilitang tumango si Izaak. Maybe he also realized that it’s faster than sticking together. “I’ll be fast,” paalam nito saka siya hinalikan sa mga labi at malalaki ang hakbang na umalis na para bang nagmamadali.
Mahina na lang siyang natawa dahil sa pagmamadali ng lalaki. Ever since they confessed their feeling to each other, ayaw na nitong umalis sa tabi niya. Ang gusto nito, lagi silang magkasama kaya naman natutuwa siyang umayon ito sa gusto niya ngayon.
Gusto kasi niyang makauwi agad. Nararamdaman niyang medyo masama na naman ang kanyang pakiramdam at tinatamad na.
Huminga nang malalim si Ria saka tumingin sa mga basong nakahilera na may iba’t ibang uri ng disenyo chose.
“Hmm…” Ria tapped her chin and chose a design. “Parang maganda ito,” sabi niya saka kinuha ang simpleng baso na medyo nagku-curve sa gitna.
Maingat siyang kumuha ng anim na piraso na nasa loob na ng karton saka itinulak ang cart papunta sa mga kutsara at tinidor. Hindi siya nahirapang mamili roon. Pagkatapos ay itinulak niya ang cart hanggang sa makarating sa susunod niyang bibilhin.
“So, the boring and idiot fiancée is here,” sabi ng boses sa likuran niya.
Luminga-linga si Ria sa paligid, baka ibang tao ang tinutukoy nito. Pero nang walang makitang ibang tao doon, humarap siya sa nagsalita at agad na nakaramdam ng iritasyon nang makita si Michelle. Humalukipkip siya para pigilan ang sarili na sapakin ito.
“Ako ba ang kinakausap mo?” tanong niya.
Ngumisi ito. “Ikaw lang naman siguro rito ang tangang fiancée ni Izaak, `di ba?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Ria. “Oh, so you want to make a scene?” Namaywang siya saka ito tinaasan ng kilay. “Saang parte ng marmol na sahig sa mall na ito gusto mong ingungod ko `yang pagmumukha mo?”
Nakita niyang nagulat si Michelle sa tapang na ipinakita niya. Pero hindi ito nagpasindak sa kanya at namaywang din. “Hindi ako nandito para makipag-away sa `yo. Nilapitan lang kita para sabihin sa `yong akin si Izaak.”
Dalawang kilay na niya ang nakataas. “Really? How so?”
Hindi niya hahayaang ang babaeng ito lang ang sumira sa kaligayahan niya ngayon sa piling ni Izaak. When he told her he loved her, Ria promised to herself that she would fight anyone who would try to steal Izaak away from her.
Tinarayan siya nito. “Habang nasa bahay ka at naghihintay sa kanya, nagpapasasa siya sa kandungan ko.”
May kumurot na sakit sa puso ni Ria, pero hindi niya ipinakita. “When was that?” tanong niya na nakangisi. “Months ago?”
The emotion on Michelle’s face faltered. Bull’s-eye. Hindi mapigilan ni Ria ang ngiti na kumawala sa mga labi. Kung tama ang nakikitang emosyon sa mukha ng higad na nasa harap niya, walang nangyari dito at kay Izaak nang hindi niya nakita nang tatlong araw noon si Izaak. Because that was just three weeks ago.
“Tama ako, `no?” pang-iinis niya sa babaeng higad, “Maraming buwan na ang nakalipas mula nang huli kayong nagkasama sa iisang kuwarto.”
Michelle glared at her, her eyes sporting hatred. “How dare you! Akin si Izaak at ngayon lang siya mananatili sa tabi mo. Babalik din siya sa tabi ko. He’s cheating on you after all… with me,” may pagmamalaki nitong sabi.
Mahina siyang natawa at nang-iinsultong tiningnan ito mula ulo hanggang paa. “Michelle, parang hindi ka updated sa buhay ni Izaak. Let me update you.” Nginisihan niya ito. “Hindi ako `yong fiancée niya dati, kamukha ko lang `yon. But unlike his ex-fiancée, hindi ako tatahimik sa isang tabi habang may higad na pilit na kumakapit sa fiancé ko.”
Dumukwang siya palapit sa pahabang counter kung saan naka-display ang matatalim na kutsilyo na pakay niya kanina nang tumigil siya saka pina-ikot-ikot iyon sa ere habang mataray at matalim ang mga matang nakangisi kay Michell.
“Hindi ako magdadalawang-isip na itarak sa lalamunan mo itong kutsilyo na hawak ko kapag sinubukan mo ulit kumapit kay Izaak. And I’m not bluffing, bitch.” She took a menacing step closer to Michelle and slowly put the shard edge of the knife over her neck. “Kaya kung ako sa `yo, didistansiya na ako. Kasi hindi lang saksak ang aabutin mo sa akin, baka gilitan pa kita ng leeg kapag sinagad mo ang pasensiya ko.”
Namutla ang mukha ng babae at parang nanginginig ang mga tuhod na humakbang paatras at nagmamadaling lumayo sa kanya. Mahina na lang siyang natawa saka inilagay ang kutsilyo sa push cart at itinulak iyon sa susunod na counter para patuloy na mamili.
NAGBABAYAD si Ria sa counter para sa mga pinamili nang may yumakap sa baywang niya mula sa likuran. Agad na kumalma ang nagulat niyang puso nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Izaak.
“Hey, baby,” bulong ni Izaak sa tainga niya. “Naipalagay ko na sa truck `yong refrigerator na binili pati na rin ang water dispenser, microwave saka washing machine.” Hinalikan siya nito sa leeg. “I missed you.”
Napangiti na lang sa kilig si Ria nang marinig ang huling sinabi ni Izaak. At parang kinilig din ang babae sa likod ng cashier kasi nangingiti ito habang pina-punch sa computer ang mga pinamili niya.
“Ang suwerte n’yo naman kay Sir, Ma’am,” hindi napigilang komento ng katabi nitong isa pang cashier. “Ang sweet.”
Nakangiting binalingan niya si Izaak na nakahilig sa balikat niya at pisngi at panay ang halik sa kanyang pisngi. “Sweet ka raw?”
Kinindatan siya nito. “Siyempre naman. Baby kita, eh.”
Nangingiting hinalikan niya ito sa mga labi. “Oo na, sweet ka na.”
Izaak hugged her tighter. “`Love you, Ria.”
She rolled her eyes, but her heart was insanely beating so fast. “`Love you, too, Izaak.” Naiiling na lang siya sa ka-sweet-an ni Izaak at sa paglalambing nito kahit sa public area.
Pagkatapos niyang magbayad, binuhat ni Izaak ang pinamili saka nagpaalam sa kanya na bababa lang para ilagay din ang mga iyon sa truck.
Ria waited for Izaak at the department store. At habang naghihintay kay Izaak, napadaan ang mga mata niya sa maternity department kung saan napakaraming damit na pambuntis.
Wala sa sariling hinawakan ni Ria ang kanyang tiyan at hinaplos, pagkatapos ay kumunot ang noo habang kino-compute sa isip kung ilang araw nang delayed ang menstruation niya. Habang binibilang kung ilang araw na siyang delayed, pumasok sa alaala niya ang pagsusuka niya kapag umaga at ang minsan ay pagsama ng pakiramdam.
Kinagat niya ang ibabang labi saka bumaba ang tingin sa sariling tiyan. “Can it be?” Binilang niya ulit kung ilang araw na siyang delayed. “Buntis ba ako?”
Bago pa niya masagot ang sariling katanungan, nasa tabi na niya si Izaak at nakaakbay sa kanya.
“Come on. Let’s eat.”
Biglang kumalam ang sikmura ni Ria at bigla ring nag-crave ng pagkain. Nakangiting bumaling siya kay Izaak. “Gusto ko ng frappe.” Kumunot ang noo niya nang makaramdam siya ng pagkaumay habang nai-imagine ang chocolate frappe. “No, hot choco na lang pala. O kaya soda na lang. No, ice tea. No, buko shake kaya, ahm, buko juice na lang kaya.”
Natigilan siya nang marinig ang mahinang tawa ni Izaak. Pinagtatawanan nito ang pag-iiba-iba ng gusto niya.
“Why don’t we just eat everything you like?” tanong nito na nakangiti sa kanya.
That made her smile. “Sige. I want semen-tea.”
Biglang nawala ang saya sa mukha ni Izaak. “Sa Temptation Island lang mayroon niyan. “
“Then take me to Temptation Island,” sabi niya saka naglalambing na yumakap sa baywang nito. “Please?”
Izaak shook his head and smiled. “Okay. Semen-tea, we’re coming.”
Mahina siyang natawa saka masaya silang sabay na naglakad ni Izaak papunta sa exit ng mall.
Ria had never been this happy. But she would be very happy if she got to taste semen-tea again.