“THIS is Captain Maria Descartin-Davidson, we have landed safe. You may now remove your seat belt and move around the aircraft to secure your carry-on luggage. Thank you for choosing AirJem Airlines. And again, thank you, for flying with us.” Pagkatapos sabihin iyon ni Ria ay pinatay niya ang intercom na nagkokonekta sa kanya sa mga pasahero saka bumaling sa co-pilot na si Timothy. “Can I go please? Please?” She showed him her puppy dog face.
Umiling-iling na lang ito. “Oo na. Alis na.”
Malapad siyang napangiti. “Thanks, Tim.” Tinapik niya ang balikat nito habang paalis siya sa cockpit. “See you when I see you.”
Bumagsak ang balikat nito. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, ha?”
“Yes. I’m sure.”
“Paano ako? Ayoko ng ibang kapitan.”
Tawa lang ang isinagot niya rito saka lumabas ng eroplano at sumakay sa private bus na maghahatid sa kanya sa arrival entrance. Medyo may kalayuan kasi ang runway.
Malapad ang ngiting itinaas ni Ria ang kamay at kumaway nang makita ang dalawang lalaki sa buhay niya na matiyagang naghihintay lagi sa kanya tuwing nasa trabaho siya.
“Hey, guys.” Malayo pa ay binabati na niya ang mga ito.
“Mommy!” Tumakbo ang limang taong gulang niyang anak pasalubong sa kanya at niyakap sa hita dahil doon lang ang kayang abutin ng taas nito. “I missed you, Mommy!”
Yumuko si Ria para magpantay ang mukha nila ni Waltz. “I missed you, too, baby.” Hinalikan ang mukha nito. “How have you been while Mommy is gone? Nag-behave ka ba? Baka pinasakit mo na naman ang ulo ni Daddy.”
Mabilis itong umiling habang may pinipigil na pilyong ngiti sa mga labi. “Hindi po, Mommy. Behave naman ako while you’re gone. Saka hindi ko naman po sinasadya na suntukin `yong katabi ko sa school, eh.”
Namilog ang mga mata ni Ria sa gulat. Oh, God. Papagalitan sana niya si Waltz at papangaralan nang marinig ang matinis na boses ng kakambal ni Walt na si Disney.
“Mommy!” Disney’s small body slammed against hers, then her baby girl hugged her so tight she couldn’t breathe. “I missed you, Mommy.” Pinupog siya nito ng halik sa buong mukha. “I missed you so much. `Buti naman at nakauwi ka na, Mommy. Family day na kasi bukas, eh.”
Ria smiled at her little angel. “Siyempre naman, hindi ko `yon palalampasin.”
Malapad na ngumiti si Disney at hinalik-halikan naman siya. “Thank you, Mommy.”
Niyakap niya ang anak na babae. “Anything for you, baby.”
Nag-uumapaw ang saya ni Ria na makita uli ang mga anak pagkatapos ng apat na araw na nasa trabaho siya. She missed them so much.
Masaya niyang niyayakap ang kambal niyang anak nang marinig ang baritonong boses ng kanyang asawa.
“Hindi mo ako na-miss?”
Pinakawalan ni Ria sa pagkakayakap ang kambal na anak saka tumayo at niyakap nang mahigpit si Izaak. “Na-miss kita,” bulong niya.
Mas mahigpit ang yakap na sagot nito. “Miss na rin kita.” Bahagya itong kumawala sa pagkakayakap niya saka hinaplos ang pisngi niya. “I hate being away from you,” sabi nito. “Pero alam ko namang nag-e-enjoy ka sa trabaho mo. I don’t have the heart to ask you to stop.”
That’s Izaak. Kung saan siya masaya, one hundred and one percent ang suporta nito lagi sa kanya. Kaya isang taon ang nakalipas pagkatapos niyang maipanganak ang kambal nila, bumalik siya sa pagpipiloto. He supported her through and through. Ito ang nag-aalaga sa kambal nila kapag wala siya. Nang hindi pa nag-aaral ang dalawa sa pre-school at kapag wala siya, laging kasama ni Izaak ang kambal nila sa opisina nito.
Izaak had always been at her back, supporting her and making her happy. Kahit minsan hindi siya nito pinigilan sa mga gusto niyang gawin. Alam niyang ayaw nitong nawawala siya ng dalawa o tatlong na araw dahil sa trabaho, hindi lang talaga ito nagsasabi sa kanya. Kaya naman siya na lang ang nagkusa.
Last month, Ria submitted her irrevocable resignation and it was just approved last week. It was her last flight today. Wala ng kasunod iyon.
“Mommy, let’s go. I’m hungry,” sabi ni Disney.
“Oo nga, Mommy. My stomach is making funny sounds,” segunda naman ni Walt sa kakambal.
Bumaba ang tingin ni Ria sa kambal at hinawakan ang kamay ni Walt. Si Izaak naman ay hinawakan ang kamay ni Disney.
“Sige, alis na tayo,” nakangiting sabi niya saka sabay nilang inalalayan ni Izaak ang mga anak nila palabas ng airport.
Maingat nilang pinasakay ang dalawa sa backseat ng kotse at isinuot ang seatbelt dito bago siya pumasok sa passenger seat. Si Izaak naman sa driver’s seat.
Habang nasa daan, napangiti na lang si Ria nang makita ang kambal niyang anak na hawak na tablet at nanonood ng Little Einstein. They looked so engrossed while watching together.
Parang napansin ni Izaak na nakatingin siya sa mga anak nila dahil nagkuwento ito.
“I thank God sometimes that gadgets are made,” natatawang sabi nito. “`Yan lang ang nakakapako sa upuan ng dalawang `yan, lalo na kapag wala ka.”
Parang may humaplos na tuwa sa puso ni Ria habang nai-imagine ang hitsura ni Izaak habang inaalagaan ang kambal habang wala siya. Makulit pa naman ang dalawa at parang mga kiti-kiti.
“I have good news for you,” sabi niya saka hinawakan ang kamay nito na hindi nakahawak sa manibela.
“What is it?” tanong ni Izaak habang maingat na nagmamaneho.
“Naaprubahan na ang resignation ko,” sabi niya. Kumunot ang noo niya nang maramdamang tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“Izaak—”
“Ano’ng sinabi mo?” Izaak faced her, his eyes sporting disbelief. “Pakiulit nga.”
Ria rolled her eyes. “Naaprubahan na ang resignation ko,” ulit niya saka dumukwang at hinalikan ang mga labi nitong nakaawang dahil sa gulat. “Last flight ko na `yon ngayon. Hindi na ako babalik pa.”
Hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ni Izaak. “You resigned?”
Tumango si Ria. “For you. For our children. For us.”
Umawang ang mga labi nito, halata pa rin ang gulat sa mukha. “You did that for us? Paano ka? Paano ang trabaho mo?”
Ngumiti siya at nagkibit-balikat. “I want to be with you all, always. At hindi ko `yon magagawa kung patuloy akong magtatrabaho. Kaya naman, I decided to become a plain housefiancée .”
Izaak’s eyes were still incredelous before leaning in and kissing her lips. “Nothing is plain when it comes to you. God, I’m so lucky to be your husband.”
Umiling si Ria saka siya naman ang humalik sa mga labi nito. “No. It’s me who’s lucky.”
Their lips meet again and his hands cupped her face.
“I love you, Ria,” bulong ni Izaak sa mga labi niyang katatapos lang nitong halikan. “I love you so much.”
She smiled lovingly at her husband. “Alam kong mahal mo ako, Izaak. At mahal na mahal din kita nang sobra.”
Pumalibot ang mga braso nito sa baywang niya saka siya niyakap nang mahigpit. Pagkatapos ay pinakawalan siya at hinawi ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha.
“This calls for a celebration,” sabi ni Izaak saka pilyong ngumiti. Bumulong ito sa kanya. “Let’s go to Temptation Island. Magbakasyon tayo. Kahit isang linggo lang.”
Kinurot niya ito sa tagiliran dahil alam niyang may iba pa itong gustong gawin maliban sa magbakasyon.
“Paano `yong mga bata?” tanong ni Ria. Interesado rin siyang magbakasyon sa Temptation Island. It had been five, or was it six months since they last visited the island.
“Iwan muna natin kina Mommy at Daddy,” sagot nito na ang tinutukoy ay ang mga magulang nito. “You know how much they adore Waltz and Disney.”
Yes. Ria knew that. Dahil sa kambal niyang anak, nawala ang galit ng mga ito sa kanya at natanggap siya bilang asawa ni Izaak.
Bumaling si Ria sa kambal na anak na busy sa panonood saka ibinalik ang atensiyon sa asawa. “Pumayag naman kaya sina Mommy at Daddy?”
“Noong isang araw pa ako tinatawagan ni Daddy. They wanted the twins to sleep in their house. Na-miss daw nila, eh.”
“Totoo?”
Tumango si Izaak. “Yep.”
“Kung ganoon naman pala, sige.” Ria grinned. “Let’s have a vacation together.”
Happiness glinted in his blue eyes. “Yes.” Tuwang-tuwa itong sumuntok sa ere. “I miss licking you `till you scream and your thighs shiver,” bulong nito. “I miss making you moan crazy, too.”
Ria chuckled and her hand reached for his crotch. “I miss this, too.”
Izaak grinned naughtily. “I can’t wait.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya na parang nanggigigil. “I’ll lick you first before you suck me, okay?”
Natawa siya nang mahina sa sinabing iyon ng asawa. “Why not the other way around?”
“Because I miss you more.”
“Asus.” Pinanggigilan niya ang ilong nito. “Oo na, ikaw muna bago ako.”
“Great.” Ang lapad ng ngiti ni Izaak saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Napangiti na lang si Ria habang nagmamaneho si Izaak papunta sa bahay ng mga magulang nito. He seemed excited, so was she. Medyo matagal na rin mula nang magkaroon sila ng alone time ni Izaak. Hindi kasi sila makatakas sa kakulitan ng kambal nilang anak at busy rin sa trabaho.
Finally, magkakasama na sila ni Izaak na sila lang dalawa. She couldn’t wait to make love to her husband. Pero lalong hindi siya makapaghintay na bumalik ulit sa Temptation Island, ang isla kung saan unang beses siyang inangkin ng asawa niya at ang isla kung saan niya natutunang mahalin ang asawa.
Temptation Island… Ria bit her lower lip. Here we come.
W akas