One year later…
HINILOT ni Izaak ang sentido habang nakatingin sa magkakapatid na Monasterio na may dalang malalaking regalo. Ang lalakas ng loob ng mga itong magprisinta na maging ninong ng anak nila ni Ria, pagkatapos ay ilang minuto namang na-late. Napagalitan tuloy sila ng pari kanina bago nag-umpisa ang binyag.
He glared at Lucas, Loki and Lucifer. “You’re all late!” Izaak hissed at the three. “Where have you fucking been? Nagalit tuloy `yong pari.”
Itinuro ni Lucifer ang krus na nasa likuran niya. “No cussing, Davidson. Nasa likuran mo si Papa Lord.”
Izaak gave Lucifer a sarcastic look. “Lumabas ka kaya, bawal sa loob ang pangalan mo.”
Lucifer showed him his middle finger. “Fuck off, Davidson.”
Mumurahin sana niya si Lucifer nang may mga brasong yumakap sa baywang niya.
“Nag-aaway na naman kayong dalawa?” tanong ni Ria na siyang yumakap sa kanya at binalingan si Lucifer. “Huwag mo ngang awayin ang asawa ko.” Pinandilatan nito si Lucifer.
Napangiti si Izaak. Good.
Napalatak si Lucifer at napailing-iling. “Dati, ako ang ipinagtatanggol mo.” Umakto itong nasasaktan habang nakatingin sa asawa niya. “Ikinasal lang kayo ni Izaak, inaaway mo na ako. Ganyan ka na talaga sa akin ngayon? Ang sakit naman, Ria.”
Inirapan lang ito ng asawa niya saka tumingin sa kanya. “Mahal, sa reception na daw tayo sabi ni Mommy. Nagmamadali na sina Mommy at Daddy,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang mga magulang niya.
Izaak sighed and looked at the Monasterio Brother’s with irritation. “Sa bahay ang reception. See yah there.”
Sabay silang naglakad pabalik ni Ria palapit sa altar kung saan nandoon ang mga magulang niya na buhat-buhat ang anak nila ni Ria.
A week after he proposed to Ria, Izzak married her. It was a small and simple wedding na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. And he was happy that his parents actually came to his wedding and apologized to Ria after the reception. At si Ria naman, madaling napatawad ang mga magulang niya, saying that she was also at fault.
After his wedding and one-month honeymoon in Temptation Island, Izaak settled his assets with his lawyer. Ibinigay niya ang bahay kay Syl dahil alam niyang wala itong matitirhan at binilhan niya ng bagong bahay si Ria para doon sila bumuo ng pamilya. Binigyan niya ng pera si Syl para makapagnegosyo at makapagsimulang muli.
Izaak never thought that he could do that after the hatred he felt towards Syl. The time had finally come for them to actually talk and settle their issues. He came out of his reverie when his father went to his side. Buhat-buhat nito ang isa sa kambal niyang anak.
“Ang cute talaga ng apo ko,” may pagmamalaking sabi ng ama niya. “Manang-mana sa lolo.” Binuntutan pa nito iyon ng tawa saka nag-angat ng tingin sa kanya. “Salamat at binigyan mo na kami sa wakas ng apo.”
Mahina siyang natawa. “Dad, it won’t be possible without the love of my life,” sagot niya habang malamlam ang mga matang nakatingin sa asawang kausap naman ng kanyang ina.
“You really love her, huh,” sabi ng ama niya saka napailing-iling. “Nahihiya pa rin ako sa batang `yan,” sabi nito na tinutukoy si Ria. “Kung ano-anong pinagsasasabi namin noon sa kanya.”
“Dad, napatawad na niya kayo,” sabi ni Izzak, nakatingin pa rin sa asawa niya. “Saka, wala na `yon sa kanya.”
His father sighed. “She’s a nice woman. I like her for you, son.”
“So, ibabalik mo na sa akin ang mana ko?” tanong niya na nangingiti.
His father snorted. “You wish. Ibinigay ko `yon sa mga apo ko.”
Napangiti si Izaak. “Works for me.”
Mas lumapad ang ngiti niya nang makitang naglalakad palapit sa kanya si Ria at buhat nito ang isa pa niyang anak habang nasa tabi nito ang kanyang ina.
“Ikaw, Ricardo…” Dinuro ng mommy niya ang kanyang ama. “Napapansin ko, sinosolo mo si Disney Iza.”
Guilty na napangiwi ang ama niya. “Ang cute kasi,” dahilan nito.
Umingos lang ang kanyang ina saka hinalikan ang noo ng kakambal ni Disney Iza na buhat ni Ria.
“Puwede bang kami na lang ang magdala ng apo namin sa reception?” pagpapaalam ng ama niya sa kanila ni Ria. “Iinggitin ko lang mga kumpare kong wala pang mga apo hanggang ngayon.”
Napailing-iling na lang si Izaak saka tumango. “Okay. See you in the reception.”
“Ang guwapo rin nitong si Waltz, Izaak. Ipapakilala kita sa mga kumare ko, siguradong maiinggit ang mga `yon.” Pinanggigilan nito ang pisngi ni Waltz. “Mana ka talaga sa lola, apo.”
Nagkatinginan at nagkatawanan na lang sila ni Ria. At nang kunin ng kanyang ina si Waltz sa mga bisig ni Ria, niyakap ni Izaak ang asawa saka hinalikan sa noo.
“Have I told you how much I love you today?” pabulong niyang tanong sa tainga ng asawa.
Nangingiting yumakap ito sa leeg niya at hinalikan siya sa mga labi. “Yes. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na, eh.”
Mahina lang siyang natawa saka mas humigpit ang yakap sa asawa. “I love you.”
Ngumiti lang si Ria saka siya hinalikan sa pisngi. “Mahal din kita, mahal,” sagot nito.
Pinakawalan ni Izaak sa pagkakayakap si Ria saka ito inakbayan. Ito naman ay nakayakap ang isang braso sa likod ng baywang niya. Slowly, they walked towards the Church exit.
“I feel like I’m on top of the world,” sabi niya saka mahinang natawa. “I have you, my perfect wife and son and daughter. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa.”
“Me, too,” Ria replied and smiled at him softly. “I felt complete.”
Izaak kissed her temple. “I love you so much, Ria.”
Humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. “I love you, too, Izaak.”
He then remained silent as they walked slowly to the exit. Habang naglalakad, nasa isip niya kung gaano siya kasuwerte na nakilala si Ria at naging asawa niya. She gave meaning to his life. She made him happy, responsible and contented. She was like a star that lighted up his life and made him feel the happiest man alive.
And he couldn’t lose this woman. He’d do everything to protect her and care for her. She was the love of his life, his happiness and his pride. She was his life line. Without Ria, he’d cease to exist.
“I love you, Ria,” ulit niya.
Mahina itong tumawa saka sumagot. “I love you, too, Izaak.”
“I love you,” he said again and he would never get tired of saying it.
Those three words were his connection to his fiancée, their relationship’s life line. And whatever happened, Izaak wouldn’t let go of those three words that made him who he was now. A happy and contented man.
I love you, Ria.