NAPABALIKWAS si Ria nang makarinig ng ingay na nanggagaling sa bedside table. Nawala ang antok niya nang makitang ang telepono sa loob ng cabin ang nag-iingay.
Tinatamad na iniangat niya ang awditibo at inilapit sa kanyang tainga. “Who’s this?” tanong niya sa nasa kabilang linya.
“This is the island staff from the lobby. You have an incoming call from Syl, your sister. Will you accept it?”
Kumunot ang noo ni Ria. “Yes, of course. I’ll accept the call,” sagot niya habang maingat na bumabangon.
“Then I will hold the line for you.”
“Thank you,” pabulong niyang sagot saka nagmamadali pero maingat na nagbihis at lumabas ng cabin.
Ginamit ni Ria ang golf cart para makarating agad sa island lobby para sagutin ang tawag ng kakambal. Nang makarating sa lobby, nagpasalamat siya sa staff na tumawag sa kanya bago kinausap ang kakambal.
“Hello, Syl?” agad na sabi ni Ria sa kabilang linya.
“Sis.” Ang boses nito ay parang nakahinga nang maluwang na sumagot siya sa tawag. “I need you to do something for me. Please?” Syl begged.
Tiningnan ni Ria ang relong nakasabit sa dingding ng lobby. “God, Syl, it’s three in the morning.” Iritado siya. “Ano ba’ng kailangan mo sa ganitong dis-oras ng gabi?”
Syl sobbed. “I’m broke, Ria. Wala na akong pera. Naubos na ang laman ng card ko. Mag-isa lang ako. Wala akong mahingan ng tulong, ikaw lang.”
“Akala ko ba kasama mo ang lalaking mahal mo—”
“It’s a long story, Maria. I’ll tell you when I get back. Soon.”
Napabuga siya nang marahas. “Shit!” Hindi niya napigilang mapamura. “Nasaan ka ba, ha?”
Hindi nito sinagot ang tanong niya. “Wala na akong pera, Ria.” Humihikbi ito. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong.”
Nakaramdam siya ng awa para sa kakambal. “Ibigay mo sa akin ang bank account mo, I’ll wire some money to you.”
“Thank you.” Bigla itong naging masaya. “Oh, God, Ria, maraming-maraming salamat talaga.”
“Yeah, yeah.” Bumuntong-hininga siya. “I-send mo na lang sa e-mail ko ang account mo. I don’t have my phone right now. I’ll send it later kapag nakahanap ako rito ng laptop na naka-connect sa Internet.” She sighed and massaged her nape. “At para hindi ka masyadong mamomroblema sa pera, kapag nakauwi ako—”
“Nasaan ka?” biglang tanong nito sa kanya sa seryosong boses.
Hindi niya ito pinansin. “Ipapadala ko sa `yo ang dalawa kong debit card. Hindi ka naman kukuwestiyunin kasi magkamukha tayo—”
“Ria, tinatanong kita.” May diin ang boses ni Syl. “Nasaan ka?”
“None of your business,” sagot niya. “Sige, matutulog na ako.”
Hindi na niya hinintay na sumagot ang kakambal. Mabilis niyang ibinaba ang awditibo saka bumalik sa cabin at kinabahan nang makitang gising na si Izaak at parang hinihintay siya.
“Sinong kinausap mo para lumabas ka ng cabin nang ganitong oras?”
Nanigas si Ria sa kinatatayuan. Kanina pa ba ito gising? Nagising ba ito nang makaalis siya? Kinakabahang napatitig siya sa mukha ni Izaak.
“Sino ang kinausap mo?” ulit nitong tanong.
“Kaibigan lang,” sagot niya.
Gusto niyang takasan ang mga tanong ni Izaak na hindi niya kayang sagutin. Kaya naman nahiga siya agad sa kama at ipinikit ang mga mata at nagpanggap na tulog.
Mahigpit na napakapit sa kumot si Ria nang maramdamang nahiga sa tabi niya si Izaak. Please, don’t ask, mahina niyang dasal. I can’t answer you.
“Syl, humarap ka sa akin,” sabi nito.
Dumagundong sa kaba ang puso ni Ria at patuloy na nagtulog-tulugan.
“Syl, alam kong gising ka.” May bahid nang awtoridad at iritasyon ang boses ni Izaak. “Kaya humarap ka sa akin, may itatanong ako sa `yo.”
Syl. He called her Syl and not baby.
“Syl, huwag mo akong galitin.” May bahid nang babala ang boses nito.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ria dahil sa sobrang kaba.
“Syl…” He sounded pissed.
Kinakabahang gumalaw siya sa pagkakahiga at humarap kay Izaak. Pasimple siyang napalunok nang makita ang iritasyon sa mga mata nito.
“Sinong kausap mo?”
“Kaibigan ko nga,” may pinalidad ang boses na sabi niya.
Walang emosyon ang mukha ni Izaak habang nakatitig sa kanya. Gone was the sweet Izaak from last night. “Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” tanong nito, wala pa ring emosyon ang mukha.
Parang hindi talaga titigil ang lalaki sa pagtatanong kaya naman tinalikuran niya ito at ipinikit ang mga mata.
“So we’re going back to the way we were? Hindi mo na naman ako kakausapin?” tanong nito. Narinig niya ang mapakla nitong tawa. “Fine. If that’s what you want.”
No! She didn’t want to go back to the way they were. Ayaw niyang bumalik ito sa dati. Gusto niya ang Izaak kagabi. Ang Izaak na malambing, ang Izaak na ayaw na may kasama siyang ibang lalaki.
Pero hindi niya kayang sagutin ang mga katanungan nito. That would actually mean confessing her secret and plans.
Hindi mapalagay sa pagtulog si Ria kaya hindi nakapagtataka na hindi siya dinalaw ng antok at nanatiling gising hanggang mag-alas-sais nang umaga. At parang may kumurot sa kanyang puso nang maramdamang umalis si Izaak sa kama, naligo, pagkatapos ay umalis ng cabin nang hindi man lang siya kinakausap. Kasalanan din naman kasi siya.
Yes. It’s definitely my fault.
Tinatamad na bumangon si Ria saka naligo at lumabas ng cabin. Nagpunta siya sa daan para doon mag-abang ng golf cart. Ilang minuto rin ang lumipas bago may dumaang golf cart. Pinara niya iyon at nagpahatid sa pinakamalapit na lobby ng isla.
Nang makarating doon, nagtanong si Ria sa babae sa likod ng information desk kung may laptop ba siya na puwedeng magamit para tingnan ang e-mail niya at mag-send na rin ng pera.
“This way, Ma’am,” sabi ng babae, saka siya inalalayan papunta sa isang pribadong kuwarto na may tatlong laptop na nakabukas. “You can use any of these laptops. The island management blocked some websites like social media for the members and guests’ privacy, but you can open your e-mails and send money without any problem.”
Nginitian niya ang babae. “Thank you.”
Nang iwan na ng babae sa loob ng kuwarto, agad niyang binuksan ang e-mail at kinopya ang account number ni Syl saka binuksan ang online banking saka ito pinadalhan ng malaking halagang pera para hindi na ito mamoroblema.
Pagkatapos ay isinara ni Ria ang lahat ng binuksang tab. Binura din sa history ng laptop ang mga website na binuksan niya saka lumabas ng kuwarto.
“Tapos na po ba, Ma’am?”
Nakangiting tumango si Ria. “Yes, thank you.”
Nang makalabas ng lobby, sumakay uli siya sa dumaang golf cart at nagpahatid sa pinakamalapit na restaurant. Pagkarating doon, nagpasalamat siya sa driver at pumasok sa loob.
“Table for two, Ma’am?” tanong ng maître ’d.
Sasagot sana si Ria nang may pamilyar na baritonong boses na nagsalita sa tabi niya.
“Yes. Table for two.”
Izaak!
Hindi na ito galit?
Nakangiting bumaling siya sa katabi. Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang may kasama itong ibang babae na nakaangkla sa balikat nito.
Her smile instantly faded. And Ria felt like her heart was contracting painfully. Nanikip ang dibdib niya, nararamdamang parang may tumutusok sa kanyang puso habang nakatingin sa babaeng kasama nito.
Alam niyang nakita siya ni Izaak, pero hindi siya nito pinansin. Basta dumaan lang ang tingin nito sa kanya saka inalalayan ang babaeng kasama papunta sa bakanteng mesa.
Parang sasabog ang dibdib ni Ria sa sobrang sama ng loob sa nakita... Lumalalim na rin ang paghinga niya dahil sa sakit na nararamdaman na pilit nilalabanan. Kahit siya ay naguguluhan kung bakit nasasaktan.
Napaigtad siya nang may umakbay sa kanya. Ria smelled the familiar scent of Lucifer, so she didn’t move a muscle. Her eyes were glued on Izaak and his woman. Parang wala siyang nakikitang iba maliban sa dalawa na masayang nag-uusap at nagtatawanan.
Ang babaeng iyon ba ang babae ni Izaak? Saan pupunta ang mga ito pagkatapos kumain? May nangyari na ba sa dalawa ngayong araw? Was that woman giving him the thing she couldn’t give? Sex?
“Don’t you dare cry, Descartin,” sabi ni Lucifer, saka humigpit ang pagkakaakbay sa kanya. “Tigasin ka, hindi iyakin, kaya huwag na huwag kang iiyak. Babatukan kita.”
Hindi na niya napigilan ang luha na kanina pa pinipigilan. Tuluyan na iyong bumagsak. Sa kagustuhang itago ang mga luha, humarap siya kay Lucifer at ibinaon ang mukha sa matitipuno nitong dibdib. Masakit ang kirot sa dibdib na nararamdaman ni Ria. She didn’t even know why her heart was hurting.
Does she like Izaak? Was she jealous?
Pero wala siyang karapatang magselos. Nagpapanggap lang siya. At hindi niya dapat nararamdaman ang emosyong iyon. She’s just pretending after all. She couldn’t like Izaak. She wouldn’t allow herself.
Lucifer instantly wrapped his arms around her waist.
“Don’t cry.” Hinaplos nito ang kanyang likod na parang inaalo siya. “Hey, Mister.” Parang ang maître ‘d na ang kinakausap ni Lucifer. “Table for Lucas Monasterio.”
“Yes, Sir. This way please,” agad na sagot ng maître ‘d saka niya narinig ang palayo nitong yabag.
Tinapik ni Lucifer ang balikat niya. “Halika na. Let’s eat.”
Suminghot-singhot na nag-angat siya ng tingin kay Lucifer.
Naiiling namang pinahid nito ang luha niya sa pisngi. “Stop crying.” He sighed deeply. “Your tears are starting to irritate me.”
Mabilis niyang tinuyo ang basang pisngi, saka humugot ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili. Nakalimutan niyang ayaw nga pa lang makakita ni Lucifer ng babaeng umiiyak.
“Sorry,” sabi niya nang kalmado na.
“That’s okay.” Inakbayan siya uli ni Lucifer. “Halika na sa mesa natin.”
Ayaw niyang mapag-isa kaya naman sumunod na lang nang hilahin siya nito papunta sa mesang inookupa ng dalawang naguguwapuhang lalaki.
“Hey, losers,” bati ni Lucifer sa dalawa, saka siya ipinaghila ng upuan. “Take a sit, Ria.”
Walang imik na umupo si Ria sa hinilang upuan ni Lucifer, saka hinintay na makaupo ito sa tabi niya.
“Who’s she?” The man with brown hair asked bluntly and haughtily.
“She’s Ria,” pagpapakilala sa kanya ni Lucifer. “Ria, meet my brothers, Lucian or you can call him Loki and Lucas.”
“And?” sabi ng lalaki na nagngangalang Lucas.
“And that’s all you need to know,” nakangiting dagdag ni Lucifer.
The man with brown hair shook his head. “Come on, Lucifer, stop playing with us.”
The man with black hair shivered. “Lucas, huwag mo nga siyang tawagin sa buo niyang pangalan. Its giving me the creeps.”
“Shut up, Lucian.” Umikot lang ang mga mata ni Lucifer. “FYFI, for your fucking information, in Roman, Lucifer means morning star, brightness, a light in the dark. I’m like hope and everything that is good.” Kinuha nito ang bote ng brandy, saka iyon ininom deretso sa bote. “And blame Mom for giving me that name.”
The man named Lucas sighed. “Well, Mom is an atheist, so we can’t blame her.”
Lucifer sighed and then groaned. “Can we eat now?”
“Sure,” sagot ni Lucas.
Nagulat si Ria nang bigla na lang inilagay ni Lucas sa harap niya ang isang pinggan saka pares ng kutsara at tinidor na para sana kay Lucifer saka ito bumaling kay Lucifer.
“Kumuha ka roon ng sarili mong pinggan. Huwag mo nang istorbuhin ang mga waiter. Maraming tao kaya ikaw na ang kumuha,” sabi nito saka siya nilagyan ng pagkain sa pinggan. “She’s a woman, so have some respect.”
Lucifer groaned before standing up.
“Pasensiya ka na kay Luc,” pagkausap sa kanya ni Lucian habang naglalagay ng ulam sa pinggan niya. “Sa aming tatlo, siya talaga ang may masamang ugali. Pinaninindigan yata ang pangalan niya.”
Napailing-iling naman si Lucas na siyang nagsasalin ng tubig sa baso niya. “But he’s a good guy once you get to know him.” Bumalik na ito sa upuan nang mapuno ng tubig ang baso niya. “So…” He eyed her expectantly. “Kaibigan ka lang si Luc?”
Tumango si Ria. “Yes.”
“No strings attached or anything?” paniniguro ni Lucian.
Ria shook her head.
“Fuck buddy?” Lucas asked bluntly.
Umiling siya. “Wala talaga. Just friends.”
Sabay na tumango-tango ang dalawa. Tamang-tama naman na nakabalik na si Lucifer na may dalang pinggan, kutsara, tinidor at baso para sa sarili. Tumuon ang mata ni Lucifer sa pinggan niyang puno nang pagkain at hindi pa niya nagagalaw.
“Ano pa’ng hinihintay mo?” tanong nito saka umupo sa tabi niya. “Dig in. Masarap `yan.”
Nakangiting tumango si Ria saka inumpisahan ang pagkain.
Habang kasalo ang magkakapatid Monasterio, nakalimutan niya pansamantala ang sakit na nararamdaman. Nakalimutan niya pansamantala si Izaak na ngayon ay parang masayang kasama ang babae nito.
For now, she would enjoy herself. Hahayaan muna niya si Izaak sa babae nito. Mamaya na niya pagagalitan ang sarili sa sakit at selos na nararamdaman niya.
HALOS gabi na nang makauwi si Ria sa cabin na tinutuluyan. Pagkatapos kasi nilang kumain, inanyayahan siya ng magkakapatid na mag-scuba diving. Sino ba siya para tumanggi? Kaya naman sumama siya at nag-enjoy.
She took a deep breath and pushed the cabin door open. Nagulat siya nang makita si Izaak na nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya.
“Where have you been?” Halata ang tinitimping galit sa boses nito.
“None of your goddamn business.” Napabuntong-hininga si Ria, saka hinubad ang cardigan na suot at sumampa sa kama para matulog na.
“I’m asking you, Syl.” He’s mad, she could feel it.
“Itanong mo sa babae mo.” Kinumutan ni Ria ang sarili, saka umayos na ng higa.
“Paano naman napasok si Michelle sa usapan natin?”
So, Michelle pala ang pangalan ng higad. Napatiim-bagang siya. Kanina pa niya pinapagalitan ang galit at sakit na nararamdaman na hindi naman dapat maramdaman. Ayaw niyang sumabog ngayong gabi.
Ria wanted to relax, but damn it, she wouldn’t be at peace unless Izaak kept his mouth shut.
“Answer me, Syl.”
Nanatili siyang tahimik.
“Damn it, Syl. Answer me—”
Hindi natapos ang sasabihin ni Izaak dahil bumangon siya at galit na itinapon ang unan sa pagmumukha nito. “Gago ka talaga!” malakas ang boses na mura niya sabay duro dito. “Ikaw pa ang may ganang magtanong! You are with another woman, you asshole! Wala kang karapatang magtanong sa akin at mag-demand ng explanation kung bakit ako ginabi!” Galit na umalis si Ria sa kama saka pinagbabayo ang dibdib nito at doon ibinuhos lahat ng galit.
Izaak didn’t move a muscle. He didn’t defend himself. Basta tumayo lang ito doon, tinanggap ang mga suntok niya.
“Gago ka!” Hindi niya napigilan ang mga luhang tumulo sa pisngi. Those tears were the pain and anger she was containing inside her chest. The pain and anger that she shouldn’t feel because she’s not Syl. She shouldn’t feel this way. “Gago ka!” Mas lumakas pa ang mga suntok niya sa dibdib ng lalaki. Doon niya inilabas ang kinikimkim na emosyon. “I hate you! I hate you! I hate you!”
Panay ang bayo ni Ria sa dibdib ni Izaak hanggang nakaramdam ng pagod at napaatras saka napaupo sa gilid ng kama. Ang mga luha sa mga mata niya ay tumutulo pa rin at hindi matigil.
“I hate you,” pabulong niyang sabi saka mahigpit na kumuyom ang mga kamay. “I hate you, Izaak.”
Izaak stepped closer to her and cupped her face with his hands. Tumuon sa mga mata nito ang nanlilisik niyang tingin na puwedeng makapatay ng tao.
“Magsama kayo ng babae mo.” Wala na siyang lakas para murahin ito, wala namang magbabago. “Doon ka sa kanya. Go! Get out of here!”
Izaak just stared at her, then he spoke. “Who’s Ria?”
Parang nilindol ang buo niyang pagkatao at biglang tumigil sa pagtulo ang mga luha. “A-ano?”
“Who’s Ria?”
Parang naputol ang dila ni Ria at hindi makapagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa lalaki na para bang nasa mukha nito ang kasagutan sa tanong nito.
Ano’ng isasagot ko?