noveltoon logo noveltoon
Switch Desire (Temptation Island Series 3)

Chapter 19

Ch. 20 / 27 Feb 09, 2022

MATIIM siyang tinitigan ni Izaak habang gumagalaw ang panga nito. Alam niyang hindi nito nagustuhan na itinulak niya ito palayo, pero iyon ang tamang gawin. Iyon ang dapat gawin. Kahit saang anggulo tingnan, ikakasal pa rin ito sa kakambal niya.

“Bakit ka nandito?” tanong nito habang matiim pa rin ang titig sa kanya.

Shit! Bakit ba nakalimutan niya kung bakit siya nandito? “M-may nakita ka bang singsing, kasama ng necklace na ibinalik mo sa akin?” tanong niya habang inililibot ang tingin.

“Hmm… A ring.” Naglakad ito palapit sa kanya, na ikinabilis na naman ng tibok ng kanyang puso.

Hahakbang sana si Ria paatras nang mapigilan siya nito sa baywang at hinapit palapit dito.

“Why do you keep on running away from me?” Izaak asked. “Why do you keep on pushing me away?”

Hindi niya ito sinagot. She won’t run if he was hers. Pero hindi niya ito pag-aari.

“May nakita ka bang singsing?” pag-iiba niya ng usapan.

“What ring?” Ipinakita nito ang gitnang daliri sa kanya. “This one?”

Namilog ang mga mata ni Ria at nag-init ang mga pisngi nang makitang suot-suot ni Izaak ang singsing na binili niya. “Ibalik mo `yan sa akin—”

“Why would I?” Izaak kissed her senseless again and before she could push him away, he pulled away and looked at her. “My name is engraved in it. So I assumed it’s for me.” Sinapo nito ang mukha niya saka hinuli ang mailap niyang mga mata. “Hindi ba sa akin naman ito? You bought it for me, so I wore it. Bakit gusto mong kunin ngayon sa akin?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Because it was a mistake that I bought it for you.” Inipon niya lahat ng tapang saka tumingin sa mga mata ni Izaak. “Give it back to me. Hindi `yan para sa `yo.”

Sarkastiko itong ngumiti. “Unless you know another man named Izaak, hindi ko ibabalik `to sa `yo.”

“Akin na sabi, eh!” Naiinis na hinawakan ni Ria ang kamay nito saka pilit na kinukuha ang singsing.

Pero mas malakas sa kanya si Izaak. Ikinuyom nito ang kamay para hindi niya makuha ang singsing.

“Izaak! Ano ba?” She felt so frustrated.

“Nakapangalan sa akin ang singsing, `tapos kukunin mo. Why is that? Why do you keep on doing that to me, huh?”

Naguguluhan siyang napatitig sa lalaki. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Mapakla itong ngumiti. “You pretended to be my fiancée and you were amazing. Noong una pa lang, nagduda na ako na baka hindi ikaw ang fiancée ko. Pero paanong mangyayaring hindi ka si Syl? You just look like her. Pero doon nagtatapos ang pagkakapareho n’yo. Especially when I first kissed you. At lalo pa kitang nakilala sa isla. You showed me that there’s nothing wrong in being engaged to someone as long as your fiancée cares for you and makes you happy. Dahil sa `yo, naging masaya ako. And then you took it away and left me. Why? Ang sinabi ko lang, ayaw kitang makausap, hindi ko sinabing iwan mo ako. Because I don’t care if you are Syl or not, damn it! Naguguluhan lang ako noon, pero iniwan mo agad ako.”

Dahil sa mga pinagsasasabi ni Izaak, nanariwa na naman ang sakit sa puso niya. “Umalis ako kasi hindi ko na kaya—”

“Hindi mo na ako kayang pakisamahan? Kasi nagpapanggap ka lang? Kasi ayaw mo naman talaga sa akin at niloloko mo lang ako?”

“It’s not that, Izaak—”

“You’re just like your sister! And your parents! A lying scheming bitch!”

Tumalim ang mga mata ni Ria. “Napaka-insensitive mo. Puro lang sarili mo ang iniisip mo. Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na umalis ako kasi sinaktan mo ako? Hindi mo man lang ba naisip na baka umalis ako kasi ipinamukha mo sa akin na habang naghihintay ako sa `yo, nandoon ka at masaya sa kandungan ng iba? Didn’t you even think of what I would feel after you told me you were with Michelle? Damn you, Izaak! Kailanman hindi ako nagsisi na nagpanggap ako bilang si Syl para pagbigyan ang kakambal ko. Pero nagsisisi ako kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sa `yo pa tumibok ang puso ko.” Dinuro niya ito sa dibdib. “Bakit ikaw pa ang minahal ko!”

Natigilan si Izaak habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.

“O? Bakit nakatanga ka riyan?” pagtataray ni Ria. “Sasabihin mo na namang nagpapanggap ako? Nagsisinungaling? Ano’ng makukuha ko kung gagawin ko `yon, ha? Mag-isip ka nga, hindi na puro lang sarili mo ang iniisip mo—”

Izaak slammed his lips against hers and slid his tongue inside, cutting her words.

Gusto niyang sampalin ang sarili nang magpaubaya na naman siyang mahalikan ni Izaak kahit gusto niya itong pigilan. When it came to this man, her defenses always failed. Isang halik lang at kaya nitong buwagin ang pader na ipinapalibot niya sa sarili tuwing malayo ito sa kanya.

Just one kiss from Izaak and all her defenses would melt down. At katulad ng dati, heto siya ngayon, sinasagot ang mapusok na mga halik ng lalaki kahit alam na mali, kahit alam na niyang hindi tama at kahit alam na masasaktan lang siya sa bandang huli.

Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi nilang dalawa, mainit at mapusok pa rin ang halikan. Ang mga kamay ay humahaplos at yumayakap sa katawan ng isa’t isa.

Sinapo niya ang mukha ni Izaak at mas pinalalim ang pinagsasaluhang halik. Para silang hindi nagkita at sabik na sabik sa isa’t isa habang nag-eespadahan ang mga dila at nagtatagpo ang mga labi.

“What is the meaning of this?” An angry voice boomed from one corner of the room.

Sabay silang napatigil sa ginagawa at napatingin sa nakabukas na pinto ng bahay. Nanliit si Ria sa hiyang naramdaman. Kilala niya ang dalawang taong naroon. Isa iyon sa mga larawang ipinakita sa kanya ni Syl noon na dapat aralin.

It’s Izaak’s parents!

“Ano ang ibig nitong sabihin, Izaak, ha?” galit na sigaw ng ama nito. “Answer me, you bastard!”

Parang walang pakialam si Izaak na umalis sa pagkakakubabaw sa kanya, pagkatapos ay ipinalibot ang kumot sa hubad nitong katawan.

“Hey, Dad,” sabi nito na parang wala lang, na para bang hindi ito nakita ng mga magulang na walang suot. “Hintayin mo na lang ako sa library. Doon na lang tayo mag-usap.”

“Answer me now!” Nanggagalaiti sa galit ang ama nito. “Who is that woman?”

“Dad, she’s my fiancée—”

“Don’t bullshit me, Izaak!” May kung ano itong kinuha mula sa labas saka hinila papasok. “This is your fiancée! Syl!”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ria nang makita ang kakambal na namumutla habang nagmamakaawa ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Sino kang babae ka? Ha?” tanong ng ina ni Izaak sa kanya. “You slut—”

“Don’t you dare talk to her like that!” galit na sabi ni Izaak sa ina nito.

Nagmamadaling umalis si Ria ng kama at kinuha ang bag sa sahig, pagkatapos ay yumuko. “I’m so sorry.” Pagkasabi niyon ay nakatungo ang ulo na tumakbo siya palabas ng kuwarto. Narinig niya ang pagtawag nina Izaak at Syl sa kanya, pero tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo paalis.

Shame. Guilt. Regret. Disappointment. Pain and embarrassment.

Iyon ang naramdaman ni Ria habang tumatakbo palayo sa bahay ni Izaak. Wala siyang mukhang ihaharap sa mga magulang ni Izaak pagkatapos makita ng mga ito ang posisyon nila ni Izaak. Pagkatapos ay nandoon pa si Syl na nagpapatunay sa pagkakamali niya.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa nangalay ang mga paa. Tears fe ll from her eyes and all she could do was sob. And as she stood beside a long wide road, Ria felt so alone. Always alone. Mula noon hanggang ngayon.

“ANSWER me, Izaak!” His father’s angry voice boomed inside his library slash office. “Sino ang babaeng `yon at bakit nasa ganoon kayong posisyon? May fiancée ka! `Tapos magpapakasarap ka sa kandungan ng iba. I didn’t raise you just to be an unfaithful bastard.”

He tuned off his father’s voice. Napatingin si Izaak sa pinto ng library. Its locked and his father was guarding it. Para itong leon na sasakmalin siya kapag sinubukang lumabas.

Izaak didn’t want to be here, he wanted to run after Ria. Gusto niya itong habulin at magpaliwanag. Kailangan niya itong makausap nang masinsinan. Pero hindi siya hinayaan ng ama kanina. Pinagpapalo siya nito ng tungkod na dala.

Kumuyom ang kamay niya. He needed to talk to her, fuck it!

“Nakikinig ka ba sa akin?”

Natigil ang pag-iisip ni Izaak sa lakas ng boses ng ama niya. Napakurap-kurap siya. “What?”

Malakas na tumama sa balikat niya ang tungkod ng ama. “Sino ang babaeng `yon, Izaak? Bakit kamukha siya ni Syl?”

Sa tanong nito, napatingin siya kay Syl na nakatungo lang at hindi nagsasalita. He could see her hands trembling.

She’s afraid, he could sense it.

“Dad, labas na kayo sa kung sino man ang babaeng `yon,” sabi niya sa mahinahong boses, nakatingin pa rin sa fiancée niya. “Kami lang dapat ni Syl ang nag-uusap niyan.”

Bahagya siyang napaigik nang malakas na namang ihinampas ng ama niya ang tungkod nito sa balikat niya. “Ayusin n’yo `yan. At kapag hindi n’yo `yan naayos, mawawalan ka ng mana sa akin. Maliwanag?”

Tumango si Izaak.

“Good. Bukas na bukas din, pumunta kayong dalawa sa bahay. Gusto kong malaman kung maayos na kayong dalawa. And I’ll need an explanation as to why that woman looks like Syl here.” Tumama na naman sa likod niya ang tungkod ng ama. “At ikaw, humingi ka ng tawad sa fiancée mo!”

Gusto niyang umingos at matawa, pero pinigilan niya. Kailangan makaalis na ang mga ito para mahanap na niya si Ria.

“Fix this, Izaak,” bilin sa kanya ng ina bago lumabas ng library.

Para siyang nabunutan ng tinik nang makaalis ang mga magulang. Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang pinto. Akmang bubuksan niya iyon nang magsalita si Syl.

“I’m sorry,” pabulong nitong sabi, pero dinig na dinig niya. “Sinundan ko sa bahay si Ria kasi nag-alala ako dahil ang tagal niya. `Tapos nakasalubong ko sina Tita at Tito sa labas at bukas ang pinto. I didn’t mean for this to happen, Izaak. Please, believe me.”

Nakatiim-bagang siyang humarap dito. “Why would I believe you?”

Nag-angat ito ng tingin at sa unang pagkakataon simula nang ma-engage siya, tumingin ito sa kanyang mga mata. “Kasi hindi ko ipapahamak ang kakambal ko.”

Sarkastiko siyang natawa. “Wala akong tiwala sa `yo, Syl. Matagal na `yong nawala at hindi na babalik pa.”

“Izaak, please—”

“You know what?” tanong niya habang walang emosyon ang mukhang nakatingin dito. “I don’t want to marry you anymore.”

Namilog ang hilam sa luha nitong mga mata. “Talaga?”

“Yes, but for me to back out, you have to pay me,” dagdag niya.

Umiling ito. “Wala akong pera, Izaak, alam mo `yon.”

“I’m not talking about money, Syl.” Tumiim ang tingin niya rito. “I want your sister as a payment instead.”

Natigilan ito, halo-halong emosyon ang dumadaan sa mga mata nito, ang iba ay hindi niya mabasa, pero ang iba, pamilyar na mga emosyon sa kanya.

“Well?” tanong niya.

Tumayo si Syl saka sinalubong ang tingin niya. “No,” may diin nitong sabi. “Mas mabuting ako ang magdusa dahil sanay na ako, kaysa sa kakambal ko. Alam ko kung bakit mo ito ginagawa. Kasi gusto mong makaganti kasi niloko ka namin at ginawang tanga, pero hindi ko hahayaan na saktan mo ang kakambal ko. Dahil kapag sinaktan mo siya, Izaak, baka mapatay kita. Siya na lang ang mayroon ako, siya na lang ang nagmamahal sa akin kaya hinding-hindi kita hahayaang makuha siya o makasama.”

Tumiim ang bagang ni Izaak. “What I do and what Ria does is not up to you.” Pagkasabi niyon ay iniwan niya ito sa library at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay para hanapin si Ria.