MAINGAT ang mga hakbang ni Ria palabas ng walk-in closet habang nakasuot ng tanging pantulog ni Syl na hindi siya pagpapawisan. It was a very simple lingerie. Maikling short na satin saka spaghetti strap na pang-itaas. At itinago niya iyon sa ilalim ng bathrobe na kulay-itim.
Ayaw niyang rumampa sa harap ng fiancé ng kakambal na ganoon ang suot. Oo nga at sinabi ni Syl na sa anim na buwan na pagsasama nito at ng fiancé nito sa iisang bubong ay hindi man lang sinubukan ng lalaki na hawakan o halikan si Syl. Ilag daw ito sa kakambal niya, pero mabuti na ang nag-iingat.
“Aalis na ako.”
Napaigtad si Ria sa gulat at napabaling sa nagsalita. Nakatayo si Izaak at nakasandal sa nakasarang pinto ng kanilang kuwarto.
He looked so handsome in his ragged jeans and white shirt. At hindi lang iyon, he had the bluest eyes she had ever seen. Parang nakakakapos ng hininga tumitig sa mga mata nitong nagpapahina sa mga tuhod niya.
Shit!
Paano nasabi ni Syl na hindi nito kayang pakisamahan ang lalaki, eh, ang guwapo nito at napakakisig pa ng katawan?
Wala sa sariling napahawak si Ria sa pagkakabuhol ng roba niya. “Ahm, okay. Ingat ka.” Ano naman ang pakialam niya? Mabuti nga at mag-isa lang siya sa kama ngayong gabi.
Tumaas ang kilay ni Izaak. “What? Nothing?” May gulat sa mukha nito. “No making me feel guilty? No annoying speeches?”
Kumunot ang noo ni Ria. “Bakit ko naman gagawin `yon?” nagtatakang tanong niya. “Eh, di umalis ka,” walang pakialam niyang sabi. “Ingat.”
Tinalikuran niya ang lalaki saka nagpunta sa vanity mirror at sinuklay ang mahabang buhok. Akala niya ay umalis na si Izaak kaya naman nagulat siya nang marinig na naman ang baritonong boses nito.
“I’m going to see my other woman,” sabi nito na parang nang-uuyam at sarkasmo ang boses. “Still not going to call Dad for help?”
Tumigil ang paghinga niya sa narinig. Other woman?
Good God. For a fiancée, it’s a torture to know that your fiancé was with someone else. Hindi lang iyon sa puso masakit, kundi sa ego rin bilang babae.
Humigpit ang hawak ni Ria sa suklay. Ang gagong lalaking ito! Iniinsulto ang kakambal niya, pagkatapos ang lakas ng loob pang ipamukha sa kanya ngayon na pupunta sa babae nito. Paano na lang kung ang kakambal niya ang narito ngayon at hindi siya?
“Have fun,” sabi na lang niya habang nagsusuklay pa rin ng buhok.
Hindi na umimik ang lalaki. Narinig ni Ria ang pagbukas at pagsara ng pinto, ibig sabihin ay umalis na ito. Kaya naman nagmamadali niyang kinuha ang cell phone sa walk-in closet kung saan iyon itinago saka tinawagan ang kakambal. Pero laging cannot be reach ito.
Gusto niyang makausap si Syl tungkol sa fiancé nito.
Bakit hindi nito sinabi na may ibang babae pala si Izaak? Eh, di dapat alam niya kung ano’ng magiging reaksiyon niya at kung anong iaakto sa harap nito.
She called Syl again. Cannot be reached.
Bumuga siya nang marahas. “Great! Bakit ba nakapatay ang cell phone niya?” Tumawag siya ulit, pero cannot be reach talaga. “I need to talk to you, Syl.”
She called. Again and again, but the same result. Syl was unattended and could not be reach.
Naiinis na itinapon ni Ria ang cell phone pabalik sa pinagtaguan niya kanina saka lumabas ng closet at umupo sa gilid ng kama. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling kamay saka humugot ng isang malalim na hininga.
“This enggagement is a mess. And my sister is paying for that mess, and now I am. At ang hayup na lalaking `yon, ang kapal pa ng mukhang isampal sa akin na may ibang babae siya.”
Nagtatagis ang bagang ni Ria sa galit. Kung kaya ni Izaak na kayan-kayanin si Syl dahil sa sobra nitong bait, puwes, ibahin siya ng lalaki, lalaban siya. Ngayong siya ang nasa katauhan ni Syl, hindi siya magpapaapi. At hahanap siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng mga ito para tuluyan ng maging malaya ang kanyang kakambal. She was the black sheep of Descartin family after all. And it’s time to change the color of her wool. From dirty white to fucking black.
Napaigtad si Ria nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon saka pumasok si `Nay Koring.
“Ma’am Syl, kakain na ho ba kayo?” tanong nito na may ngiti sa mga labi, pero hindi iyon sapat para mawala ang galit na nararamdaman niya.
“Linisin mo ang isang guest room, doon ako matutulog mula ngayon,” sabi niya sa halip na sumagot.
“Ho?” gulat nitong tanong.
“Sundin n’yo na lang ang iniutos ko, `Nay Koring. Inaantok na ako.” Wala na ang peke niyang matamis na ngiti, napalitan na ng pagtikwas pataas ng kilay. “At hindi ho ako kakain, wala akong gana. Just make me some tea, okay na sa akin `yon.” Pagkasabi niyon ay bumalik si Ria sa closet para kunin ang mga damit na gagamitin sa pang-araw-araw na nandoon siya.
Bago lumabas ng master’s bedroom, napatitig si Ria sa naka-frame na larawan ni Izaak sa night stand. Nagtagis ang bagang niya at tumalim ang mga mata.
I won’t let you insult me like this. Since I’m going to be your fiancée from now on, humanda ka. Hindi ako magpapaapi sa `yo.
MAAGANG nagising si Ria kinabukasan. Pagkatapos maligo, isinuot niya ang tanging denim shorts na pag-aari ni Syl saka see-through na spaghetti strap na pang-itaas. Maliban sa damit na iyon, wala na siyang makitang damit ni Syl na trip niyang suotin.
Lahat iyon ay damit ng pangmahinhing babae at hindi siya iyon. Ria disliked turtleneck blouses and slacks. Kaya naman napagdesisyunan niyang mag-shopping pagkatapos mag-agahan.
Ria blow dried her hair first and curled it before going out from her room. Agad siyang nagpunta sa kusina para tingnan kung may agahan na, pero hindi lang iyon ang nakita niya sa dining area.
Izaak.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. Time to be his fiancée.
“Good morning, Mr. Davidson,” bati niya.
NAPATIGIL sa pagsubo si Izaak nang marinig ang boses ng kanyang fiancée. Nag-angat siya ng tingin. Bahagya niyang nahigit ang hininga nang makita ang kabuuan nito.
Syl curled her hair. She had never done that before. Lagi iyong unat at nakalugay. Naglagay rin ito ng kolorete sa mukha na mas nagpatingkad sa natural nitong ganda. At ang mga labi nito na mapupula, doon napatitig ang mga mata niya. Her lips looked lush and inviting.
Napalunok siya.
Damn it, Izaak! That’s your fiancée! The woman you dislike the most!
Pasimple siyang napailing-iling, saka bumaba ang tingin sa suot nito na gumulat din sa kanya. Syl loved wearing turtleneck blouse and slacks. So, what happened? Why was his fiancée wearing a denim shorts and spaghetti strap? Ano’ng nangyari sa malamadre niyang fiancée kung magdamit?
Hindi napigilan ni Izaak ang mga mata na bumaba sa makinis nitong mga binti at hita. Tumikhim siya para sawayin ang pagkalalaking unti-unting nabubuhay.
“Good morning,” balik-bati niya.
Umupo si Syl sa katabi niyang upuan, saka naglagay ng pagkain sa pinggan nito. “So… how’s your night with your other woman?” kalmadong tanong nito.
Natigilan si Izaak. “Bakit mo naitanong?”
Syl didn’t ask questions at the dining table. Hindi talaga siya nito kinakausap, period.
So what changed?
“Hindi ba puwedeng magtanong?” Sinalinan nito ng juice ang baso niya saka nilagyan ng isang pirasong bacon ang pinggan niya. “Kain ka pa. Papasok ka pa sa opisina.”
Hindi makapagsalita si Izaak. Hindi niya alam kung paano magre-react o kung ano ang isasagot. This Syl was different from what she used to be. At naninibago siya.
“Ahm…” Uminom muna siya ng tubig. “The party was a blast.”
“Party?” Bumaling ang babae sa kanya. “Doon ba kayo nagkita ng babae mo?”
Napatitig si Izaak sa mga mata ni Syl. He couldn’t see malice in them. She was asking because she was curious.
What the hell? Was that even possible?
Hindi sanay si Izaak na ganoon ang pakikitungo sa kanya ng fiancée niya. Syl didn’t talk to him, she talked to his dad instead. Was she trying to fish for some information from him through this very weird conversation?
“Yes. Doon kami nagkita,” sagot niya sa walang emosyong boses. “Bakit ka nagtatanong? Para may maisumbong ka na naman kay Dad? Para bawasan na naman ang mamanahin ko? I don’t really give a shit anymore, Syl. Magsumbong ka hanggang gusto mo, wala na akong pakialam. Ginusto mo naman na maging fiancée ko, hindi ka pinilit, so deal with my shit. You ruined my life, I’ll ruin yours.”
Nagsalin si Syl ng kape sa tasa nito, saka uminom bago nagsalita. “Look, Mr. Davidson, kung ano man ang nagawa ko noon, kalimutan mo na `yon kasi hindi ko na uulitin `yon. Hindi na ako magsusumbong kay…” Tumikhim ito. “Daddy.”
Izaak snorted. “Yeah, right.” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “Hindi ako naniniwala sa `yo. Hobby mo na ang isumbong ako, eh.”
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Mr. Davidson, na-realize ko na wala na akong magagawa. Talagang ganyan ka na, isang gago.”
Nasamid siya. “Ano’ng sinabi mo?”
“Ang sabi ko…” Tinusok ni Syl ang hotdog gamit ang tinidor, saka sinalubong ang madilim niyang tingin sabay kagat ng hotdog at nginuya iyon saka nilunok. “Gago ka. Bakit?” Tumaas ang kilay nito. “Hindi ba?” naghahamon nitong tanong.
Hindi nakapagsalita si Izaak. Totoo, gago naman talaga siya. But Syl actually had the guts to call him that in his face? Ano’ng nangyari sa fiancée niyang hindi palasalita?
“Ano’ng nangyari sa `yo?” naguguluhan niyang tanong. “Hindi ka naman ganito dati, ah.”
“Hindi kita tinawag na gago? Pity.” Kumagat na naman ito ng hotdog saka nginuya at nilunok. “Well, Mr. Davidson, people change.”
“But not a so suddenly,” sabi niya. “Hindi ako naniniwalang nagbago ka na.”
“I woke up on the right side of the bed.” Tumaas ang sulok ng mga labi nitong mapupula dahil sa lipstick. “At ano ba’ng pakialam mo kung nagbago man ako o hindi?”
“Fiancée kita.”
Syl gave him a “duh” look. “You know that’s bullshit, Mr. Davidson.”
Napatiim-bagang si Izaak. “Stop calling me Mr. Davidson,” matigas ang boses na sabi niya. “May pangalan ako, `yon ang itawag mo sa akin.”
“Ayoko,” pagmamatigas nito. “Puwede kang mambabae, `tapos hindi kita puwedeng tawagin sa gusto kong itawag sa `yo?” Umikot ang mga mata nito. “You’re being unfair, Mr. Davidson.”
“I’m not—”
“Another bullshit again.” Nawala ang emosyong naglalaro sa mukha ni Syl nang tumitig ito sa mga mata niya. “At tama ka, ginusto ko rin namang maging fiancée mo, so I’ll deal with your shit, don’t worry.”
Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatitig sa fiancée. “Are you for real?”
“Yes.” Syl smiled at him. “Huwag kang mag-alala, Mr. Davidson. Totoo ang sinabi ko.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo, dumukwang palapit sa kanya saka binigyan ng halik sa pisngi. “Good morning ulit,” pabulong nitong sabi bago umalis ng kusina at iniwan siyang nakatulala sa papalayo nitong bulto.
What just happened? naguguluhan niyang tanong sa sarili.
“That’s not my fiancée.”
“I’M TELLING you, bro. Hindi siya ang fiancée ko,” sabi ni Izaak habang nakaupo sa swivel chair sa opisina niya at hinihilot ang sentido. “Ibang-iba siya sa fiancée ko.”
Tinawanan lang siya ng nakababatang kapatid na si Izrael na ngayon ay nakaupo sa visitor’s chair. “Kuya, baka naman may hangover ka pa sa nangyari kagabi sa isla.” Napailing-iling ito.
“Wala akong hangover,” inis niyang sabi. “Talagang nagbago si Syl.”
“No one changes overnight, Kuya.”
“Exactly!” Napahilamos si Izaak sa sobrang frustration.
“Baka nagpapanggap lang `yon na nagbago na para pagkatiwalaan mo ulit at para maisumbong ka na naman kay Dad.”
“`Yan ang iniisip ko kanina pa.” Sumandal si Izaak sa swivel chair. “Nagpapanggap lang siya na nagbago na. Pati ugali, pananamit at pananalita ni Syl ay nagbago rin. Pero kahit anong gawin niya, hindi ko siya pagkakatiwalaan ulit. She burned me once, I won’t let her do it again.”
“Good.” Tumango-tango ang nakababatang kapatid niya. “Grabe ang ginawa niya sa `yo. Bakit kasi pinagkatiwalaan mo?”
Regret was in the pit of his stomach. Nagtagis ang bagang niya. “Akala ko kasi, iba siya.”
“Nakakamatay ang maling akala, Kuya.”
Bumuga siya ng marahas na hangin. “Huwag lang siyang gumawa ng gulo. Dahil sa pagkakataong ito, baka makalimutan kong babae siya at fiancée—”
“Sir, nandito po ang fiancée n’yo,” sabi ng sekretarya niya nang nakasilip ang kalahati ng katawan sa bahagyang nakabukas na pinto.
Nagsalubong ang mga kilay ni Izaak. “Anong ginagawa niya rito?”
“Baka binibisita ka,” natatawang sabi ni Izrael, saka bumaling sa sekretarya niya. “Papasukin mo.”
“Yes, Sir.” Agad na sumunod ang sekretarya niya.
Pinandilatan niya ang kapatid. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
Ngumisi si Izrael. “I want to meet this new persona of her.”
Tumayo si Izaak at namaywang. “Baka mapaniwala ka niya.”
“Let’s see.”
Sabay silang napatingin ni Izrael sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Syl.
Her hair was still curled and she was wearing the same outfit. Hindi napigilan ni Izaak na tingnan ang makinis nitong mga binti at hita.
He gulped. Damn! His fiancée had beautiful legs. Bakit ngayon lang niya napansin iyon? Maybe because she was always wearing slacks. And her toenails… they looked cute.
Nalukot ang mukha ni Izaak. Cute? Where the hell did that word come from?
“Good morning, Syl,” bati ni Izrael.
Nginitian ni Syl ang kapatid niya. “`Morning.” Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya at ibinuka ang mga palad. “Kailangan ko ng pera.”
Napatanga siya rito. “Ano?”
“Kailangan ko ng pera.” Naglakad ito palapit sa mesa niya. “Magsa-shopping ako. At since fiancé naman kita, you’ll provide it for me—”
“No fucking way!” galit niyang putol sa iba pa nitong sasabihin. “Ang kapal din naman ng mukha mong manghingi ng pera sa akin samantalang ikaw ang dahilan kung bakit nabawasan ng kalahati ang mamanahin ko. Doon ka kay Daddy manghingi o kaya sa mga magulang mo. I’m sure they’ll provide you with everything you need and—” Izaak froze as he stared at Syl who was searching his wallet. “Ano’ng ginagawa mo?”
May card itong kinuha saka ipinakita sa kanya. “Tsaran!” Syl was smiling from ear to ear. And that smile caught him off guard. He was transfixed by her smile, and he couldn’t do anything but stare at her.
“It’s your ATM,” nakangiti pa ring sabi ni Syl. “Ano’ng password nito?”
Still stunned with her smile, Izaak answered. “381463.”
Kumunot ang noo nito, pagkatapos ay namilog ang mga mata na para bang may nalamang impormasyong nakakagulat. “Your password is fuckme? O iba lang ang pagkakaintindi ko?” gulat nitong tanong.
“Yeah.”
“Weird. Parehas tayo ng password sa ATM ko,” pabulong nitong sabi, saka nginitian ulit siya. “Anyway, thanks sa ATM mo. Ibabalik ko ulit sa `yo mamaya kapag nakauwi ka na sa bahay. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman uubusin, eh.” Syl winked at him and left his office.
Dumaan ang katahimikan sa opisina ni Izaak hanggang sa binasag iyon ng kapatid niya.
“Wow…”
Napakurap-kurap siya saka bumaling sa kapatid. “What just happened?”
Napailing-iling si Izrael saka tumayo at tinapik ang balikat niya. “She smiled at you and you froze. That’s what happened.”
“The fuck?”
Natatawang umiling-iling ang kapatid niya. “Mabuti na lang pala at nandito ako sa opisina mo. I get to see the high and mighty Izaak being dazzled by a smile.” Tumawa ito saka naglakad palabas ng pinto. “Good luck with your fiancée, Kuya.”
Napatitig na lang si Izaak sa nilabasang pinto ng kapatid. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin niya maisip kung bakit ibinigay ang password ng ATM niya kay Syl.
He was supposed to hate her, not be dazzled by her smile. Goddamnit! Ano ba ang nangyayari sa kanya?