noveltoon logo noveltoon
Switch Desire (Temptation Island Series 3)

Chapter 23

Ch. 24 / 27 Feb 09, 2022

NAKASIMANGOT si Ria habang nakasakay sa public golf cart papuntang clinic ng Temptation Island. Pagkatapos siyang pakainin ni Izaak sa Eroticafe kaninang umaga, nagpaalam ito sa kanya na may pupuntahang importante at ginamit ang pribado nilang golf cart at iniwan siya sa cabin.

At dahil hapon na at wala pa rin si Izaak, napagdesisyunan niyang pumunta sa clinic ng isla para masiguro kung tama ang hinala na buntis siya. Magpapasama sana siya kay Izaak, pero hapon na wala pa rin ang loko.

“Thanks,” sabi niya sa driver ng golf cart nang makarating sila sa clinic at makababa siya.

“Have a nice day, Ma’am,” magalang na sabi ng driver sa kanya saka umalis.

Huminga nang malalim si Ria at tumingin sa pinto ng clinic. Napakagat-labi siya bago naglakad papasok sa clinic.

“How may I help you, Miss?” tanong ng lalaking naka-doctor’s robe na sumalubong sa kanya. “I’m Edzel, the resident doctor of the island.”

Inilibot ni Ria ang tingin sa kabuunan ng clinic bago itinuon ang tingin sa doktor at sinagot ang tanong nito. “Ahm, magpapa-check up sana ako.”

The handsome doctor looked at her from head to toe. “You don’t look like sick to me,” komento nito.

Ria gives him a tentative smile. “I think I’m pregnant,” sabi niya na ikinabilog ng mga mata nito. “Nandito ako para i-check kung tama ang hinala ko.”

“Oh…” Ngumiti ito at iminuwestra ang kamay sa bakanteng pang-isahang sofa. “Upo ka muna. Kukuha lang ako ng pregnancy test.”

Tumango si Ria saka nanlalamig ang mga kamay na umupo. Hindi niya alam kung nanlalamig ang mga kamay niya dahil kinakabahan siya o baka naman nae-excite siya.

Humugot siya nang malalim na hininga saka maingat na pinakawalan iyon. She was excited and nervous at the same time. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Izaak kung magiging positive ang resulta ng test.

Would he be happy or not? She hoped it was the former.

Napahugot ulit si Ria ng malalim na hininga nang bumalik ang doktor at ibinigay sa kanya ang dalawang pregnancy test.

“Dinalawa ko na.” May ngiti sa mga labi nito. “Just to make sure.”

Tumango-tango siya saka sinuklian ang ngiti nito. “Thanks, Doc.”

Doctor Edzel nodded. “Congratulations in advance if its positive.”

Ngiti lang ang isinukli niya rito saka lumabas na ng clinic para doon na lang sa cabin nila gamitin ang pregnancy test na ibinigay ng doktor.

Pinara ni Ria ang padaang golf cart na walang sakay saka nagpahatid sa cabin nila ni Izaak. Nang makarating doon, agad niyang ini-lock ang pinto ng cabin. Pumasok siya sa banyo para umihi. Pagkatapos ay binuksan niya ang dalawang pregnancy test saka inilapag ang mga iyon sa lababo at pinatakan ng tamang dami ng ihi ang maliit na butas ng pregnancy test.

Ria waited a couple of heartbeats for the result.

One red line. She stilled.

Two red line. Her heart stilled.

“ARE YOU sure about this, Napoleon Antonio Segundo?” tanong ni Izaak habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa helicopter nakaparada sa West Jet Port na nasa likod ng isla. Tanging mga authorize person lang ang nakakapasok doon.

Napoleon Antonio Segundo stopped walking and glared at him. “Isang tawag pa sa akin gamit ang buo kong pangalan, Davidson, sasagasaan kita gamit ang helicopter na `yan,” sabi nito sabay turo sa helicopter. “And yes, I’m a fucking pilot for goddamn’s sake. I can do it.”

Mahinang natawa si Lucifer na nasa tabi niya. Parang nasisiyahan ito sa ideyang sasagasaan siya ng helicopter ni Napoleon.

Izaak glared at Lucifer. “Don’t laugh.”

“You’re not my boss, Davidson,” Lucifer retorted and he continued chuckling to himself.

Izaak sighed in irritation. Kung hindi lang niya kailangan ang tulong ng lalaki na nakatayo sa tabi niya, hindi niya ito kakausapin.

Lucifer Monasterio really pissed him off. Siguro, dahil may selos pa rin siyang nararamdaman tuwing naaalala ang closeness nito at ni Ria.

“So what’s the plan here?” tanong ni Loki Monasterio na nagpumilit sumama sa kanila kanina ni Lucifer nang magpaalam siya kung puwedeng gamitin ang private helicopter na pag-aari ng mga ito. “Is that even safe?”

“Balthazar and Demarcus here will be wearing safety gears to roll it down,” sabi ni Lucas sabay tapik sa balikat nina Balthazar at Demarcus na katatapos lang itali ang iro-roll down ng mga ito mamaya. “Saka madali lang naman ang gagawin nila. Nothing scary.”

Yes. Lucas came, too, when he agreed to let him use the helicopter.

Izaak sighed. “I still don’t understand why you two are here.” Itinuro niya si Lucifer. “I understand why this dude, Lucifer, is here but not the two of you.”

Nagkibit-balikat si Lucas. “I want to see how this goes,” sabi nito saka tumaas ang sulok ng mga labi. “I mean, this is the first time that someone would do what you’re about to do. Gusto kong maging maayos ang kalalabasan n’on. And hey!” His stares became menacing. “You’re on my island. What I do is none of your goddamn business.”

“Yeah,” segunda ni Lucian. “We don’t want you to receive a negative feedback from her. So…”

“Jeez!” sarkastiko niyang sabi. “Thanks for the support.”

Ngumiti lang si Lucian. “Good luck, man.”

Tumango lang si Izaak at hindi na nagsalita pa. Ganoon din naman ang magkakapatid na Monasterio saka sina Balthazar at Demarcus. But then, Napoleon just had to break the silence they were enjoying.

“So…” Napoleon was looking at Lucifer weirdly. “Your name is really Lucifer?”

Parang hindi makapaniwalang bumuntong-hininga si Lucifer saka namulsa. “In my defense, I think Mom was not in the right state of mind when she named me. I mean, she might have suffered a mental disease or something because of too much labor pain.”

Napoleon tched. “And here I thought my name was the worst.”

Lucian chuckled and looked at Lucifer. “Tell that to Mom and she will skin you alive.”

“Yeah,” sang-ayon naman ni Lucas. “She’s so proud of your name, you know.”

Lucifer groaned and glared at Lucas. “You’re not named Lucifer, so don’t comment. And you…” Dinuro nito si Lucian. “Shut up.”

Napailing-iling na lang si Izaak sa pag-uusap ng magkakapatid na Monasterio.

“Well?” pukaw niya kay Napoleon na nakatitig sa kawalan. “Sasakay ka na ba para makasakay na sina Balthazar at Demarcus?”

Napoleon just shrugged and went inside the helicopter.

“Kapag may nangyaring masama sa akin,” sabi ni Balthazar saka siya itinuro. “Just remember, I’m worth billions per annum. So, good luck, buddy.”

“I’m worth billions, too.” Demarcus grinned and then entered the helicopter.

Tinapik naman ni Lucian ang balikat niya. “Those bastards are billionaires, so if something bad happen to them, you’ll be broke.”

“Remind me again why I choose them to do this?” tanong ni Izaak saka bumaling kay Lucifer na kasama niya nang kausapin kanina sina Balthazar at Demarcus.

Lucifer shrugged. “Because I suggested them to you?”

Izaak took a deep breath and released it. “This should be worth it.”

Lucifer shrugged again and step in the golf cart. “Mauna na ako, tatapusin ko pa `yong ipinapagawa mo.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Nagkatingin sila nina Lucas at Lucian nang makaalis si Lucifer.

“The fuck?” Lucian looked around the runway. “Ano’ng sasakyan natin pabalik?”

Namulsa si Lucas saka nag-umpisa nang maglakad.

Izaak sighed again. “Great. Looks like we’ll be walking.”

Lucian groaned. “I hate Lucifer.”

“ Ditto, bro,” Lucas grumbled. “Ditto.”

NAKAUPO sa gilid ng kama si Ria nang bumukas ang pinto ng cabin at pumasok doon si Izaak. Agad niya itong sinimangutan dahil sa inis na nararamdaman.

“O, bumalik ka pa,” sarkastiko niyang sabi saka ito inirapan. “Hindi na sana.”

Ngumiti lang ang loko at lumapit sa kanya saka hinalikan siya sa mga labi. “Sorry, baby. I was busy setting an appointment with the hot air balloon. `Di ba, sabi mo gusto mong sumakay doon habang nasa yate tayo kahapon papunta rito?”

Agad na nawala ang inis na nararamdaman niya at masayang yumakap kay Izaak at naglambitin sa leeg nito. “We’re really going to ride a hot air balloon?”

Tumango ang lalaki. “Yes.” He was grinning happily. “Let’s go?”

Excited siyang tumango at sumunod dito nang hilahin siya ni Izaak palabas ng cabin.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Ria habang nasa golf cart sila. At lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ang isang hot air balloon habang papasok sila sa malawak na clearing na nasa ibaba lang ng Monasterio Palace.

“Wow!” puno ng kasiyahang sabi niya habang nakatingin sa hot air balloon na inire-ready na ng island staff.

Itinigil ni Izaak ang golf cart di-kalayuan sa hot air balloon saka bumaling sa kanya. “Sana magustuhan mo ito.”

“I will,” Ria answered, smiling happily. “Matagal ko nang gustong sumakay ng hot air balloon. Natutuwa ako na mayroon pala dito sa Temptation Island.”

Pinagsalikop ni Izaak ang mga kamay nilang dalawa. “I love you, baby.”

Her heart skipped a beat. As always. “I love you, too, Izaak.”

He leaned in and kissed her softly on the lips. Agad naman niyang tinugon ang halik nito nang buong puso.

“Let’s go?” tanong nito nang pakawalan ang mga labi niya.

Excited siyang tumango. “Let’s go.”

Sabay silang bumaba ni Izaak sa gold cart at magkahawak-kamay na lumapit sa hot air balloon.

“We’re almost done, Sir,” sabi ng lalaki na siyang nag-aayos ng hot air balloon. “Kailangan lang naming siguruhin na safe ang wooden basket na sasakyan n’yo.”

“Okay,” sabi ni Izaak na tumango-tango saka siya inakbayan. “Ready, baby?”

Ria grinned. “Very ready.”

Hahalikan sana niya sa mga labi si Izaak nang magsalita ang lalaking nag-aayos ng hot air balloon.

“Ready na ho, Sir. Sumakay na po kayo.”

Ria placed a soft kiss on Izaak lips, pagkatapos ay nauna na siyang sumakay sa wooden basket. Natatawa namang sumunod sa kanya si Izaak at niyakap sa baywang mula sa likuran at hinalikan sa leeg.

“I love you,” Izaak whispered.

Ria just smiled. Izaak was always like this. He would always tell her he loved her. Walang araw na hindi ito nag-I love you sa kanya.

“Sir, Maam,” kuha ng lalaki sa atensiyon nila ni Izaak.

Sabay silang bumaling ni Izaak dito.

“Yes?” It was Izaak.

“I’m Jose and I’ll be your driver for this ride,” imporma sa kanila ng lalaki.

“Hi, Jose,” magiliw na bati ni Ria saka humarap kay Izaak at yumakap sa leeg nito. “Excited na ako.”

“Me, too.” A strange emotion registered in his eyes, but it quickly disappeared. “Let’s go, Jose.”

Tumango si Jose saka sumakay na rin sa hot air balloon at minaniobra iyon pataas. Habang paunti-unti iyong tumataas, mas humihigpit ang yakap sa kanya ni Izaak. When they reached fifteen feet, he was hugging her so tight. Nang hawakan ni Ria ang kamay nito na nakayakap sa kanyang baywang, nag-alala siya nang maramdamang malamig iyon at pinagpapawisan. Kahit mahigpit ang yakap nito, nakuha pa rin niyang humarap dito at masuyong sinapo sa mukha.

“Hey, look at me,” sabi niya.

Ang mariing nakapikit na mga mata ni Izaak ay unti-unting nagmulat.

“Ayos ka lang?” pabulong niyang tanong. “You look shaken.”

Izaak gulped and looked down. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya at mabilis na ibinalik ang tingin sa mukha niya. Right there and then, Ria wanted to bash Izaak in the head.

“Bakit mo ito ginawa?” Tiningnan niya ito nang masama. “You could have told me that you’re afraid of heights. Eh, di sana hindi na tayo sumakay—”

“It’s okay.” Huminga ito nang malalim na para bang pinapakalma ang sarili. “I want to make you happy, that’s why.”

“Ikaw talaga.” Naiinis na pinitik ni Ria ang tungki ng ilong nito. “Ayos lang naman sa akin kahit hindi tayo sumakay, eh.”

Ria’s heart went out to Izaak when she saw him become pale when the hot air balloon shock a little. She cupped his face with her hands and kissed him to distract his fear. Napangiti siya nang maramdamang tumugon ito sa halik niya at bahagyang lumuwag ang pagkakayakap nito sa baywang niya. When she felt the hot air balloon still, she pulled away from the kiss and looked into Izaak’s blue eyes.

“Are you okay?”

“Keep kissing me and I’ll be okay.” May pilyong ngiti ito sa mga labi saka uli siya hinalikan.